SA kabilang banda naman ay iyak ng iyak si Zayne sa kaniyang kwarto dahil sa kaniyang nalaman mula sa kaniyang ama. Hindi niya kayang tanggapin ang katotohanan ngunit napahinto siya sa pag-iyak ng mayroon siyang maalala. Agad siyang tumayo at kinuha ang kaniyang cellphone ay binuksan ang tracking device. "Buhay si mommy! Buhay si mommy!" Biglang umatras ang kaniyang luha at nagtatalon sa tuwa ng makita niya ang isang pulang dot sa screen kung saan nagiindika ng kinalalagyan nang kaniyang ina at sigurado siya na hindi iyon bangin tulad ng sinasabi nila na nagyari dito. "Hindi pa patay si mommy! Nasa isang lugar siya at kailangan ko siyang puntahan upang mapauwi ko na dahil nag-aalala na si daddy," Agad na kumuha nang bag ang bata at inilagay doon ang kaunting gamit niya at cash na pera na magagamit niya sa paglalakbay na gagawin niya. Mabilis siyang bumaba ng hagdan at sumiksik sa isang gilid ng makita niya na mayroong paparating. Sa maids quarter siya dadaan dahil doon palagi
"SANDALI anjan na!" Sigaw ni Claire mula sa loob dahil kanina pa niya naririnig ang katok sa pinto. Noong una ay akala niya wala lang dahil mahina lang iyon hanggang sa pauli-ulit na ang tunog kaya sigurado siyang may tao. "Z-Zayne?" nagulat si Claire ng buksan niya ang pinto at sumalubong doon ang kaniyang anak at agad siya nitong niyakap ng mahigpit sa binti. "S-Sabi ko na hindi kapa patavy mommy!" Natigilan si Claire dahil sa sinabi ng bata at naramdaman niya ang pag-iyak nito kaya agad siyang lumuhod upang pantayan ito. "Zayne shh stop crying, wag ka ng umiyak andito na si mommy," sabi niya sa bata at niyakap niya itong muli. KINABUKASAN ay maagang nagising si Zayne at agad na lumabas sa kinalalagyan niyang kwarto at hinanap si Claire ngunit wala ito doon kaya pumunta siya sa labas at doon niya nakita ang ina na nagaayos nang umagahan. "Mommy!" napatingin si Claire sa tumawag sa kaniya at napangiti siya dahil doon. "Halika na Zayne kakain na tayo," agad na tumakbo pab
"HAHAHA wag ka nga magpatawa kuya ang ganda ng joke mo," iling na sabi ni Claire kay Timothy pagkatapos nang mahabang katahimikan sa kanilang dalawa. Si Timothy naman ay napabagsak nalamang ang balikat dahil akala niya ay maniniwala na sa kaniya ang dalaga lalo pa at nakikita niya ang nagtatakang muka nito. "Claire naman hindi naman ako nagbibiro eh," unti-unting napatigil sa pagtawa si Claire dahil sa sinabing iyon ng kuya niya lalo pa at nakita niyang seryoso nang muli ang muka nito. "You see, ako ang anak ng kanang kamay ng papa mo Claire ang Hari, si mama siya ang naataasan na hanapin kayo ni tita at isa pa ginusto din iyon ni mama dahil magkaibigan sila ng mama mo," Napakunot ang noo ni Claire dahil sa sinabi nito, oo alam niya na magkaibigan ang mama nilang dalawa pero mahirap para sa kaniya na paniwalan ang sinasabi nito lalo na kung wala namang ebidensiya. "Wala akong panahon para sa mga biro mo Kuya," tumalikod na sa kaniya si Claire dahil sa sinabi nito. "Butterfl
(Claire's Past) "Mama si kuya oh!" nag-eco sa buong palasyo ang matinis na boses ng batang si Claire habang pababa nang kanilang magarbong hagdan. Natutulog sa iisang kwarto ang dalawa at sa tuwing ginigising ni Clark, ang nakakatandang kapatid ni Claire, ay kinikiliti niya ito hanggang sa tumakbo ito palabas. "Run Claire! Kapag naabutan kita kikilitiin kita!" "Mama! Papa!" Napatawa ang mag-asawa dahil sa pagkukulitan ng dalawa. Nasanay na ang mga ito tuwing umaga na ganoon ang scene. Nakita na nilang papalapit si Claire sa kanilang gawi at magtatago sa likuran nila. Ganiyan ang scene kada umaga sa palasyo, maging ang mga tagapagsilbi doon ay natutuwa sa magkapatid dahil palagi nilang nakikitang nagkakatuwaan ang dalawa. *** "Kuya Clark hindi ba pareho tayo ng birth mark?" tanong ni Claire sa kapatid nang sila ay nakahiga sa higaan isang hapon at nagpapahinga. "Yes, look at this." iniangat ni Clark ang kaniyang pulsuhan at ihinaharap sa kapatid. "Why is it so unfair?
Nagsimula ang labanan at nagawa iyong talunin ni Claire lahat. Nang nasa loob na siya ay doon siya nahirapan at gumamit na siya ng baril mula sa mga ito. Nagawa niyang kalahatiin ang mga ito ngunit hindi na iyon sapat dahil pagod na siya. "Claire!" napalingon siya sa kaniyang likuran at nakita niya ang kaniyang ina at may dalang baril. Napangiti siya dito at muling nakipaglaban. "H-Hindi ako mahina mama, kaya kong iligtas si Kuya!" sabi ni Claire dito ng magkalapit sila. "Nasisiraan ka na ba?! Maaari kang mamatay dito!" sigaw ni Amanda at pinanlakihan ito nang mata kaya napayuko ang bata. Wala naman siyang ibang gusto kundi ang patunayan sa kaniyang ina na importante din siya tulad ng kuya niya. Tumulo ang luha nang bata at lumayo sa ina upang makipaglaban. Binilisan nito ang takbo upang pumunta sa pinakang itaas kung saan nandodoon ang kumuha sa kuya niya. "Claire!" sigaw ng mama niya dahil nakita niya itong nasa itaas na ngunit hindi niya magawang umalis gawa ng maraming kal
"KAMUSTA po siya doc?" tanong ni Timothy sa doctor na kaniyang tinawagan nang himatayin si Claire. "I could see that she recover her memories now, but it may cause her some headache since it been years magmula ng mawala ito. It's her childhood memories right?" tumango ang lalaki dahil sa tanong ng doctor sa kaniya. "Marami siyang magiging katanungan lalo na kung ang ala-ala niya ay hindi maganda kaya kung maaari lang ay gabayan mo siya," "Yes doc, ako na hong bahala," iniayos na ng doctor ang kaniyang mga gamit. "I advice na dalhin pa 'rin siya sa ospital para maicheck kung walang nadamay na organs sa brain niya dahil sa pagkakabalik ng ala-ala niya," "Sige po doc," Pagkaalis nang doctor ay napabuntong hininga si Timothy at naupo sa tabi ni Claire. "Claire sana matanggap mo lahat, alam kong hindi maganda ang nangyari sa nakaran pero ikaw pa 'rin ang princessa namin tandaan mo yan," pagkasabi niya nun ay nagulat siya nang biglang magising si Claire at biglang naupo ng umii
"PALAGI akong nasa tabi mo Claire, minsan sa isang buwan pumupunta ako dito sa Pilipinas para dalawin kayo ni mama," Magkatabi silang magkapatid na nakaupo sa harapan ng puntod nang kanilang ina. Matapos ang kanilang muling pag-kikita ay nagpasiya sila na magkwentuhan sa harapan ng mama nila habang si Timothy naman ay nakabantay sa paligid dahil dalawang maharlika ang kaniyang kasama lalo pa at ang susunod na Hari ang nandito. "Palagi? Alam ba ni mama ang bagay na ito?" takang tanong ni Claire sa kaniya na ikinatango naman ni Clark. "Alam ni mama Claire, ako ang unang-unang nakahanap sa inyo nang hindi ko pinapaalam kahit kanino gaya na 'rin ng bilin ni mama saakin. Wala kang kasalanan Claire, hindi umalis si mama at iniwan kami basta-basta dahil may dahilan siya," napakunot ang noo ni Claire dahil sa sinabi nang kaniyang kuya habang pinaglalaruan ang kaniyang kamay. "Dahilan? Anong dahilan kuya Clark?" dahil sa tanong niya ay napaharap sa kaniya si Clark at sumeryoso ang muka
"Dear Claire, Anak alam ko kapag binabasa mo ito ay wala na ako at alam ko rin na kapag binabasa mo to ay bumalik na ang ala-ala mo at kasama mo na ang kuya mo. Anak gusto kong humingi nang tawad sayo, nakalimutan kita Claire, nag focus ako sa kuya mo kasi ayoko na maranasan niya ang naranasan ko bilang Reyna. Ayoko na matahin siya nang mga council, ayoko na gawin siyang laruan nang mga ito kaya sinanay ko siya tulad nang alam ko. Ngunit sa kabila nu'n ay hindi ko napansin na napapag-iwanan na pala kita, alam mo ba nung ipinanganak kita hindi ako umaalis sa tabi mo? Kasi una palang alam ko na ikaw yung tipo ng babae na hindi makabasag pinggan, hindi nga ako nagkamali dahil bawat training niyo binabantayan kita. Sinasabi ko sa kuya mo na mas turuan ka pa para gumaling ka. Ayoko na balang araw na yang kabaitan mo ang ikababagsak mo. Nang iligtas mo ang Kuya mo ay doon ko nakita na kaya mo, na namana mo saakin ang pagiging matigas ang ulo na kinaiinisan ng papa mo. Nakita ko ang pani