CLAIRE NANDITO ako ngayon sa lugar kung saan inilibing si Melodie, nalaman ko kung saan dahil itinanong ko kay Quinn. Sinubukan kong kontakin si Louise pero hindi ko na siya makontact sa tingin ko nagtampo ito dahil hindi ako nakapunta sa libing ni Melodie. "Melody sorry kung late ako," hindi ko na napigilan ang luha ko dahil talagang matalik kaming magkakaibigan tatlo. "Alam mo sabi ko kapag naayos na ang problema ko ay papupuntahin kita dito para makita mo ang pamilya ko lalo na si Zekiel," Pinahid ko ang luha ko at naupo ako sa damuhan pagkatapos ay sinindihan ang kandila na dala ko, ipinatong ko na 'rin ang bulaklak na binili ko. "Melodie gusto ko lang sabihin na miss na miss na kita, tapos malalaman ko wala ka na pala bakit? Bakit mo naman kami iniwan nang biglaan? Hindi ko matanggap eh," Mas dumami ang luha na tumutulo sa aking mga mata na halos hindi ko na mapigilan kaya hinayaan ko na. "A-Alam mo ba buntis ako," napakagat ako nang aking labi dahil sa aking sinabi.
"Bilisan na natin, gaurds wag niyong pasusunurin ang anak ko," Tumango saakin ang mga bantay doon at umandar na ang kotse. Nakita ko pa si Zayne na humabol saakin at pilit na umaalis sa bisig ng mga body gaurds pero hindi siya pwede doon. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba na nararamdaman ko, nakita ko tulog na tulog si Zekiel at walang pang itaas na damit. Natatakot ako, natatakot ako na baka niloloko lang ako ni Zekiel kaya niya sinabing mag-oovertime siya. 'Pero naniniwala ako kay Zekiel, naniniwala ako sa pagmamahal niya kaya kakapit ako sa pangako niyang hinding hindi niya ako iiwan' Pagkarating namin sa company ay agad akong sumakay sa elevator wala nang gaanong tao doon. Nang makarating ako sa floor ng office niya ay nakita kong nakaupo doon si Hero ay mayroong inaasikaso sa computer nito. "Nasaan si Zekiel Hero?" Napaangat ang tingin nito saakin at nanlaki ang mga mata at agad na tumayo. "M-Mayroon pang meeting si Zekiel sa loob C-Claire," napakunot ang noo ko
NAKATANGGAP ng malalakas na suntok si Zekiel mula kay Hero na siyang ikinatumba nito sa sahig. "Oh My God Hero ano ba?!" sigaw na sabi ni Camille at itinabon niya kumot na andodoon sa kaniyang katawan.Hindi pinansin ni Hero ang walang saplot na katawan ni Zekeil basta sinuntok niya ito nang sinuntok. "Kiel ano ba gumising ka?!" sigaw na sabi ni Hero dito ngunit ang kaniyang sinusuntok ay nakangiti lamang at parang nahihibang."Anong ginawa mo sa kaniyang babae ka! Pagbabayaran mo 'to!" Nanlaki ang mata ni Camille dahil sa sinabi ni Hero at agad na tumayo at kinuha ang kaniyang mga damit. "W-Wala akong ginawa!" pagkasabi niya niyon ay nagbihis na siya at tumakbo paalis. "Zekiel gumising ka! Sh*t ano ba ang pinainom sa'yo ng babaeng yun?!" galit na sabi ni Hero at pumunta sa banyo upang kumuha ng malamig na tubig at tyaka isinaboy sa lalaki na ikinalaki nang mata nito kaya agad na pumatong muli si Hero dito at pinag susuntok. Hanggang sa nagulat nalang si Hero ng tumalsik siya dah
NANG makarating sila Zekiel sa pinangyarihan ng pinaglalagan nang kotse na sinasakyan ni Claire ay naabutan nilang inaahon na ang kotse na agad niyang nakilalang sa kaniya. "Where is my girlfriend?! How is she?!" sigaw niya doon na ikinatingin sa kaniya ng mag pulis. "Sir kayo ho ba si Zekiel?" tumango naman siya sa pulis. "Ito po ang gamit niya, hanggang ngayon ay nawawala pa 'rin ang bangkay nito at hinahanap pa ito," nagalit si Zekiel dahil sa sinabi nang pulis. "Anong bangkay? Hindi pa patavy si Venice!" sigaw nito na pinipigilan siya ni Hero dahil maaaring masuntok niya ang pulis. "Sir walang makakaligtas sa ganiyang katas na bangin," sabi ng isang pulis na lalong ikinagalit ni Zekiel. "Umalis kayo sa harapan ko! Gusto kong makausap ang pinakang head niyo! Hindi pa patay ang girlfriend ko!" muling sigaw ni Zekiel habang tumutulo ang kaniyang mga luha. Lumapit ang isang pulis doon sa dalawa at binulungan. "Hindi niyo ba yan kilala? Siya si Zekiel Gray, maaari nila kayon
SA kabilang banda naman ay iyak ng iyak si Zayne sa kaniyang kwarto dahil sa kaniyang nalaman mula sa kaniyang ama. Hindi niya kayang tanggapin ang katotohanan ngunit napahinto siya sa pag-iyak ng mayroon siyang maalala. Agad siyang tumayo at kinuha ang kaniyang cellphone ay binuksan ang tracking device. "Buhay si mommy! Buhay si mommy!" Biglang umatras ang kaniyang luha at nagtatalon sa tuwa ng makita niya ang isang pulang dot sa screen kung saan nagiindika ng kinalalagyan nang kaniyang ina at sigurado siya na hindi iyon bangin tulad ng sinasabi nila na nagyari dito. "Hindi pa patay si mommy! Nasa isang lugar siya at kailangan ko siyang puntahan upang mapauwi ko na dahil nag-aalala na si daddy," Agad na kumuha nang bag ang bata at inilagay doon ang kaunting gamit niya at cash na pera na magagamit niya sa paglalakbay na gagawin niya. Mabilis siyang bumaba ng hagdan at sumiksik sa isang gilid ng makita niya na mayroong paparating. Sa maids quarter siya dadaan dahil doon palagi
"SANDALI anjan na!" Sigaw ni Claire mula sa loob dahil kanina pa niya naririnig ang katok sa pinto. Noong una ay akala niya wala lang dahil mahina lang iyon hanggang sa pauli-ulit na ang tunog kaya sigurado siyang may tao. "Z-Zayne?" nagulat si Claire ng buksan niya ang pinto at sumalubong doon ang kaniyang anak at agad siya nitong niyakap ng mahigpit sa binti. "S-Sabi ko na hindi kapa patavy mommy!" Natigilan si Claire dahil sa sinabi ng bata at naramdaman niya ang pag-iyak nito kaya agad siyang lumuhod upang pantayan ito. "Zayne shh stop crying, wag ka ng umiyak andito na si mommy," sabi niya sa bata at niyakap niya itong muli. KINABUKASAN ay maagang nagising si Zayne at agad na lumabas sa kinalalagyan niyang kwarto at hinanap si Claire ngunit wala ito doon kaya pumunta siya sa labas at doon niya nakita ang ina na nagaayos nang umagahan. "Mommy!" napatingin si Claire sa tumawag sa kaniya at napangiti siya dahil doon. "Halika na Zayne kakain na tayo," agad na tumakbo pab
"HAHAHA wag ka nga magpatawa kuya ang ganda ng joke mo," iling na sabi ni Claire kay Timothy pagkatapos nang mahabang katahimikan sa kanilang dalawa. Si Timothy naman ay napabagsak nalamang ang balikat dahil akala niya ay maniniwala na sa kaniya ang dalaga lalo pa at nakikita niya ang nagtatakang muka nito. "Claire naman hindi naman ako nagbibiro eh," unti-unting napatigil sa pagtawa si Claire dahil sa sinabing iyon ng kuya niya lalo pa at nakita niyang seryoso nang muli ang muka nito. "You see, ako ang anak ng kanang kamay ng papa mo Claire ang Hari, si mama siya ang naataasan na hanapin kayo ni tita at isa pa ginusto din iyon ni mama dahil magkaibigan sila ng mama mo," Napakunot ang noo ni Claire dahil sa sinabi nito, oo alam niya na magkaibigan ang mama nilang dalawa pero mahirap para sa kaniya na paniwalan ang sinasabi nito lalo na kung wala namang ebidensiya. "Wala akong panahon para sa mga biro mo Kuya," tumalikod na sa kaniya si Claire dahil sa sinabi nito. "Butterfl
(Claire's Past) "Mama si kuya oh!" nag-eco sa buong palasyo ang matinis na boses ng batang si Claire habang pababa nang kanilang magarbong hagdan. Natutulog sa iisang kwarto ang dalawa at sa tuwing ginigising ni Clark, ang nakakatandang kapatid ni Claire, ay kinikiliti niya ito hanggang sa tumakbo ito palabas. "Run Claire! Kapag naabutan kita kikilitiin kita!" "Mama! Papa!" Napatawa ang mag-asawa dahil sa pagkukulitan ng dalawa. Nasanay na ang mga ito tuwing umaga na ganoon ang scene. Nakita na nilang papalapit si Claire sa kanilang gawi at magtatago sa likuran nila. Ganiyan ang scene kada umaga sa palasyo, maging ang mga tagapagsilbi doon ay natutuwa sa magkapatid dahil palagi nilang nakikitang nagkakatuwaan ang dalawa. *** "Kuya Clark hindi ba pareho tayo ng birth mark?" tanong ni Claire sa kapatid nang sila ay nakahiga sa higaan isang hapon at nagpapahinga. "Yes, look at this." iniangat ni Clark ang kaniyang pulsuhan at ihinaharap sa kapatid. "Why is it so unfair?