MAAYOS na ang lagay ni Tiana. ‘Yan ang balitang natanggap ni Zayne at Zoey ng makalabas ang nurse na naroroon. Kailangan nalang ‘daw muna nitong magpahinga sandali. Mayroon silang nalaman, ayon sa nurse ay sanay ang katawan ni Tiana sa lason kaya nakaligtas ito dahil kung iba iyon ay siguradong mamamatay ito. Hindi naman makapaniwala ang kambal dahil doon. Sinanay ‘din sila sa lason at tandang-tanda nila ang sabi ng mommy nila sa kanila. Dalawa lang iyon, kung ang isang katawan ng tao ay sanay sa lason kung hindi sinanay ibig sabihin no choice siya kundi ang tanggapin ang lason sa kaniya at lagpasan iyon. Sa kaso ni Tiana mukang talagang pinahirapan siya’t sinubukang patayin. Ngayon unti-unti nang napapaniwala si Zayne na hindi talaga kalaban si Tiana. “Zoey, nakausap ko si Tiana bago ang intrams. Sinundan niya kasi ako at akala ko’y sinadya niyang hindi ko mahuli ‘yung babae pero sabi niya pinipigilan niya lang ‘daw ako na madamay o tayo.” “What?! Bakit wala kang na-kwento s
“ANNOUNCEMENT students, for the first time in history of this university someone disobey the rules after her level 1. Syempre ano pa nga bang sunod? It’s level two! Palalampasin niyo bang hindi mapanood ang parusa? Please go to the field now.” Pagkasabi na pagkasabi ni Principal Madel nang bagay na iyon sa speaker ay napuno ng bulungan ang mga estudyante. Mayroon nanghuhula kung sino iyon at mayroon ‘ding nakatama lalo na ng magpunta sila doon ay nakita nila si Zoey na nakatayo sa gitna habang walang expression ang muka. “Si Lili?!” “Level 2 na siya! Oh my gosh!” “Gang battle hindi ba? Makakaligtas kaya siya?” “Sana nga hindi na mayabang na kasi!” “Dapat lang sa kaniya ‘yan! Hmp!” Samu’t saring reaksyon ang mayroon sa paligid ngunit si Zoey ay walang pakialam at inaantay ang kaniyang makakalaban. Mabilis na napuno ng estudyante ang paligid at si headmistress Patricia ay gulat sa nangyari pero tiwala naman siya na kayang-kaya iyon ni Zoey kahit mag-isa lang ito. Maya-maya pa a
Mula sa mga natalo nilang kalaban kanina ay gamit na nila ngayon ang mga armas nito. Pareho si Tiana at Bianca na may hawak na pamalo gawa sa kahoy ngunit makapal. Si Zayne ay isang bakal ganoon ‘din kay Selena pero maliit ang kaniya. Kay Zoey ang naiiba dahil isa iyong bakal na pagpatigas sa kamao kapag sumuntok na kung tawagin ay Iron fist knuckles. Hinampas ni Zayne ang papalapit sa kaniya at sinipa iyon palapit kay Bianca na hinampas ‘din niya ito aa batok na ikinatulog agad. Mayroon pang lumapit kay Zayne na iniwasan niya ang pamalo nito. Hinawakan niya iyon at pinalo niya ang braso nito na ikinaiyak nito sa lakas at sakit. Muli ay pinasa niya ito kay Bianca at hinampas muli ni Bianca ang nasaktang braso nito at rinig na rinig niya ang crack ng buto doon. “Ahhh!” Sigaw ng lalaki. “Ahh masakit ba? Ito pa!” sabi ni Bianca at hinampas ‘din ang lalaki sa batok nito na siyang kinabagsan niya. Si Tiana naman ay nahampas sa kaniyang kamay pero hindi siya nagpatinag at sinabun
“SELENA nasaan ‘yung phone ko?” Tanong ni Zoey kay Selena nang matapos na ang kanilang klase. Doon lang niya naalala ang kaniyang cellphone kaya nagtanong siya kay Selena dahil iniwan niya iyon sa stock room. “Cellphone? Wala akong napansin Lili e, saan mo ba huling naiwan?” Naisip ni Zoey na baka naiwan ang phone niya sa stock room kaya dadaanan nalang niya ‘yun bago umuwi sa dorm. “Baka nasa stock room pa. Mauna na kayo guys kunin ko lang tapos sunod na ako.” Sabi niya at tatakbo na sana ng pigilan siya ng kuya niya. “Samahan na kita.” Seryosong sabi ni Zayne pero umiling lang si Zoey sa kaniya. “No need na kuya kaya ko na ‘yun! Sige na uwi na kayo!” Kumaway pa si Zoey sa kanila at tumakbo palayo kaya wala silang nagawa kundi hayaan ito. Uwian na ng mga estudyante kaya maraming tao sa may hallway at halos lahat ng nakakasalubong ni Zoey ay binabati siya. Hindi niya alam kung mapapangiwi ba siya o ano dahil nasanay siyang puro panlalait ang sinasabi ng mga estudyante sa kani
Doon niya lang napansin ang paligid, katulad ‘din iyon ng dorm nila ngunit mas malaki lang. Mas maraming silid ‘din tingin niya ay nasa anim. Malinis ang paligid at hindi niya akalain na malinis ang dorm ni Xavier. Kaya naman pala parang bahay na dahil kadugtong ng office nito ang dorm ng lalaki. Ang kaso mag-osa lang ito. “Hindi ba siya Nalulungkot nag-isa dito?” wala sa sariling tanong ni Zoey at naglakad na papunta sa kusina. Nakita niya doon ang may takip na pagkain. Pinanyahang manok at rice. Mainit oa ‘yung ulam kaya mukang kaluluto lang habang ganoon ‘din ang kanin. Sinawalang bahala nalang niya ang tanong sa isip niya dahil kumalam na ang sikmura niya sa mabangong amoy pagbukas niya sa ulam. Hindi na nga niya naisip kung baka may lason iyon dahil sa biglaang gutom niya. Unang subo niya at nanlaki ang mata niya dahil sa sarap hanggang hindi niya namalayang naka dalawang plato na siya! “Wow grabe! Diko akalain na may talent ‘din pala ‘yun sa pagluluto. Akala ko puro k
“BAKIT ba kasi ikaw ang partner ko? O bakit ako pa ang kailangan sumali tsk!” Kanina pa nagrereklamo si Zoey kay Xavier simula nang lumabas sila sa room. Mayroong direct practice na ang mga ito matapos i-announce ni headmistress Patricia at Xavier ang tungkol sa event na iyon kaya deretsyo na sila sa covered court. Mayroon nang ginagawang stage doon ngayon at patapos na. Biglaan man ang event na ‘yon ay mabilis ang kilos ng kanilang mga trabahador kaya mabilis itong natatapos. “Can you just accept it? Di ka ba nagsasawa sa paulit-ulit mong reklamo.” Bulong ni Xavier na ikinasama ng tingin ni Zoey sa kaniya at nag cross arms nalamang. Nasa halos labinlimang pairs sila na representative ng kada-rooms. Mayroong hindi sumali nang malamang kasali pala sila Zoey at Xavier lalo na’t alam nilang wala na silang pag-asa sa mga ito. Nang makarating sila ay kaniya-kaniya ng upo ang mga ito pero ang partner ni Zoey ay wala sa tabi niya dahil kausap siya ng organizer magong si headmistress
SIX ng gabi, matapos niyang palinawagan ang mga kaibigan niya at ang kuya niyang nakangisi sa kaniya ay nagpasya siyang lumabas para kunin ang cellphone niya. Sisiguraduhin niyang makukuha na niya iyon this time para tuluyan ng maputol ang connection nila ni Xavier. Dahil ayaw niua ng atensyon ng mga students doon ay sa may garden siya dumaan at nalaman niya na mas short cut pa iyon kaya susunod doon na siya dadaan. Kumatok siya muli sa office ni Xavier ngunit walang sumagot kaya pumasok siya tutal bukas naman ang pinto.Dah na rin siguro may obligation siya as president ng University kaya bukas parati ang pinto na iyon sabagay ang pinto papunta mismo sa dorm nito ay hindi naman bukas. “President Xander?” tawag niya dito ngunit natigilan siya ng makita niya irong tulog sa table. Tahimik niyang sinara ang pinto at naglakad palapit sa lalaki. Napangisi siya dahil tulog ito maaari na niyang kunin ang cellphone niya. Maingat siyang kumilos at binuksan ang cabinet nito at doon ay nakit
Nagsimula na ang rampahan. Magkakasama muna ang magpapartner at maghihiwalay sa ginta at lalakad sila paikot ng stage tapos muling magtatagpo sa pinakang unahan at magpapakilala. Ganoon ang magiging ayos nila. Puro tilian sa paligid na halos ikabingi at ikangiwi na ni Zoey at Xavier lalo na nang sila na ang magpakilala. Halos hindi na nga marinig ang boses nila sa mic. Doon lang napansin ni Zoey na judge pala si Madel at dalawang lalaki at isang babae. Mukang iyon ang totoong guest nila last time sa ball hindi na ang mga magulang nila. Nang matapos ang pakilala ay nag change outfit agad sila and then rumampa. Nakadalawang segment agad sila, isang sports wear then formal attire. Ang team ni Zoey at Xavier sa sports wear ay Tennis while sa formal attire naman ay pareho silang naka suit. Kay Xavier ay itim na suit while si Zoey ay black ‘din na may pagka gray. Si Zoey lang ang naiiba sa mga candidates na babae na naka suit. Women empowerment ang tawag niya sa suot niya dahil hin