Nagsimula na ang rampahan. Magkakasama muna ang magpapartner at maghihiwalay sa ginta at lalakad sila paikot ng stage tapos muling magtatagpo sa pinakang unahan at magpapakilala. Ganoon ang magiging ayos nila. Puro tilian sa paligid na halos ikabingi at ikangiwi na ni Zoey at Xavier lalo na nang sila na ang magpakilala. Halos hindi na nga marinig ang boses nila sa mic. Doon lang napansin ni Zoey na judge pala si Madel at dalawang lalaki at isang babae. Mukang iyon ang totoong guest nila last time sa ball hindi na ang mga magulang nila. Nang matapos ang pakilala ay nag change outfit agad sila and then rumampa. Nakadalawang segment agad sila, isang sports wear then formal attire. Ang team ni Zoey at Xavier sa sports wear ay Tennis while sa formal attire naman ay pareho silang naka suit. Kay Xavier ay itim na suit while si Zoey ay black ‘din na may pagka gray. Si Zoey lang ang naiiba sa mga candidates na babae na naka suit. Women empowerment ang tawag niya sa suot niya dahil hin
*SCENE BAGO MAWALA SI BIANCA* Kusang napadilat ang mata ni Bianca madaling araw palamang. Normal na araw para pumasok ngunit nagtataka siya kung bakit kusang kumikilos ang kaniyang katawan. ‘Anong nangyayari saakin?’ tanong niya sa isipan niya habang pinapanood ang mga nangyayari. Kusang lumabas ng kwarto ang kaniyang katawan at napansin pa niyang tulog ang mga kasama dahil nga madilim pa. Noong una ay nagtataka siya at hindi malaman kung anong gagawin pero ng kusang pumunta ang katawan niya papunta sa pinto palabas at binuksan iyon ay doon na siya nataranta. ‘S-sandali! Bakit ako lalabas?! Bakit hindi ko magalaw ang katawan ko?!’ Sigaw niya muli sa isipan niya at kahit anong pilit niyang igalaw ang katawan ay walang nangyayari. ‘No! Bumalik ka sa loob!’ Ngunit wala siyang nagawa at naramdaman niya ang malamig na simoy ng hangin dahil madaling araw palang. Kusa na siyang huminto sa pagpipilit na makakilos dahil walang nangyayari. Nakita nalang niya ang paligid at papunta siya s
Gulat na napatingin siya kay Zoey at inaabangan ang sagot nito. Totoo na natatakot siya sa Zayne na kaharap niya, sino bang hindi? Si Zayne ay ang replika ng kaniyang ama, ni Zekiel Gray. Ang katalinuhan at galing nito sa pakikipaglaban ay nakuha niya sa mommy at daddy niya. Ang aura nito ay katatakutan mo, naaalala niya ang ama niyang emperor kay Zayne. “May sinabi ba ako? Let go, ako ng bahala.” Muli ay walang buhay na sabi ni Zoey. Aaminin ni Xavier na nasaktan siya sa sinabi ng babae pero ayos lang, alam niyang nagsisimula palang siya. Hindi siya papayag na hindi makuha ang babae, para sa kaniya ay si Zoey ang lahat-lahat. Buhay niya, kalakasan niya and yet kahinaan. Wala namang nagawa si Zayne kundi bitawan si Xavier at si Zoey ang humarap dito. “Ano ulit ang sinabi mo?” tanong ni Zoey kaya napatikhim si Xavier at inayos ang kaniyang sarili bago nagsalita. “Ang sabi ko—” Hindi natuloy ni Xavier ang sasabihin niya ng bigla nalang siyang itulak ni Zoey pasandal sa sofa a
LAKING pasasalamat ni Zayne at pinaniwalaan ng kambal niya ang kaniyang paliwanag. Anong sinabi niya? Idinahilan niya na si headmistress Patricia ang nagsabi na ‘wag na munang sabihin sa kaniya. Mag-sosorry nalamang siya sa tita niya at sigiradong maiintindihan naman siya nito. Samantalang si Xavier naman ay nagpaliwanag kay Zoey kahit na hindi ito magtanong dahil siguradong nagtataka ang babae. Sinabi niya na matagal na siya doon at binubuo ang trust ni Madel kaya inabot ng ilang taon. “Anong tulong ang sinasabi mo Xavier?” Baling ni Zayne kay Xavier na ikinaupo nito ng maayos. Maging si Zoey ay inaantay ang sagot nito. “Madali lang ‘yan, kailangan nating malaman kung kinuha ba talaga ni Madel si Bianca. Pupuntahan natin siya at mag rereport tungkol sa pagkawala niya.” Nagkatinginan ang kambal dahil sa sinabi ni Xavier. Not bad. Ayon kay Xavier ay malaki ang tiwala sa kaniya ni Madel at ganoon ‘din kay headmistress Patricia. Sa ganoong paraan ay maaaring sabihin ni Madel sa
“TO end this announcement, gusto ko lang sabihin sa inyong lahat na the day after tomorrow na ang battle.” Sabi ni Madel na siyang ikinabigla ng lahat. “The day after tomorrow?!” “Finally ang pinakang inaantay ko!” “OMG! Kailangan kong ayusin ang mga gamit ko!” Sunod-sunod na kumento ng mga ito na ikinaseryoso ni Madel. Hinayaan niya muna ang mga ito na mag bigay ng kaniya-kaniyang kumento hanggang tuluyan na siyang nagsalita. “Okay na kayo? Ako naman?” Biglang natahimik ang paligid dahil sa lamig ng boses nito. Kanina lang ay masaya sila dahil naroroon na ang tagapagmana at susunod nilang pinuno pero ngayon mas sumaya pa sila dahil sa paparating na battle. Baliktad ang mga estudyante doon, mas gusto nila ang gulo. Mas gusto nila ang patayan kaya nga mga wala silang awa at walang inuurungan. “Now, alam kong napabilis ang battle pero dapat noong Mr and Ms Winterford University ang date ng battle. Inadjust lang namin dahil nga kay Hope. Ngayon na nandito na siya bakit h
“SIGURADO ka bang okay ka lang Selena? Ano ba talagang nangyari? Akala ko kakausapin mo na si Lili?” Takang tanong ni Tiana sa kaibigan habang may bitbit silang tray at papunta sa isang table na bakante. Nag-aya kasi si Selena na kumain at dahil nga wala silang pasok bilang paghahanda sa battle bukas ay libre sila anytime gawin ang gustuhin nila. Nahalata agad ni Tiana ang malungkot na aura ni Selena lalo na’t alam niya na kaya nito gusto kumain dahil may problema ito. Kilala na niya si Selena at ugali na nitong ilabas ang stress sa pamamagitan ng pagkain ngunit hindi naman tumataba. “Ayos lang ako—” “Look who’s here.” Hindi natuloy ni Selena ang sasabihin niya ng makasalubong nila si Hope kasama si Zoey na mayroon ‘ding dala na tray ng pagkain. “Ang liit nga naman ng mundo. Tiana, did you miss me?” Nagulat si Selena nang banggitin nito ang pangalan ni Taina kaya napalingon siya dito. Akala niya’y siya lang ang mahihirapan sa harapan ni Hope dahil sinasamahan na ito ni Zo
“HINDI ka pwedeng pumalpak bukas Hope. Kapag pumalpak ka makukuha lahat ni Tiana at Selena ang meron ka ngayon.” Seryosong sabi ni Madel na siyang ikinakuyom ng kamao ni Hope. Ang totoong pangalan niya ay Winwin, ang layo sa totoo niyang pangalan hindi ba? Pero simula nang magkaisip siya at sinabihan siya ng ina ay doon na niya sinimulang kilalanin ang sarili bilang Hope. Si Hope ay mayroong katulad ng ugali ng kaniyang ina, hindi nakukuntento. Mas gusto na makuha niya ang lahat ng hindi nahihirapan at mas lalong gusto niya na siy ang nasusunod at nakaka-angat. “Don’t worry mom, ako nang bahala sa kanilang dalawa.” Ngising sabi niya na ikinatango naman ng pekeng Madel. Ang totoo niyang pangalan ay Willow. Magulo ang lahat ng magsimula siyang magpanggap bilang Madel, kung tutuusin ay madali sa kaniya ang lahat dahil isa lamang siyang proxy at mayroon pang mas nakakataas sa kaniya na kinuha lang siya. Pero dahil ayaw niyang malamangan ay inako na niya ang posisyon at nagtayo ng sar
“Nakikita niyo ba ang dalawang ‘yun? Sila ang target natin, kailangan natin silang ma-eliminate kaagad.” Bulong ni Hope at tinuro si Selena at Tiana. Napalingon sa kanila ang dalawa at natigilan ng makita sila. “K-kailangan na nating tumakbo!” dali-daling sabi ni Tiana lalo na’t sa sama palang ng tingin ni Hope ay alam niyang may binabalak ang mga ito kaya hinila na niya si Selena paalis doon. “Bakit nila tayo hinahabol?!” sigaw na tanong ni Selena kay Toana na nagsisimula ng magalit. Naniniwala siya sa kambal pero ngayon ay unti-unti na iyong nawawala dahil maging sila’y gusto silang saktan. Ang mga gustong manakit sa kanila ay kaaway niya. “Selena makinig ka, itatakas kita dito. May alam akong daan, ‘wag mong pansinin ang humahabol saatin!” Seryosong sabi ni Tiana kaya napatango nalamang si Selena at sumunod sa kaibigan. “We lost them!” inis na sabi ni Hope at sinipa ang bato na nasa harap niya. Habol nila ang dalawa kanina pero nawala ito sa paningin nila. Ang totoo ay dini