KINABUKASAN ay maagang pumasok si Claire sa kaniyang pinag tatrabahuhan dati ngunit ang akala niyang masayang araw na pagbalik sa trabaho ay biglang naglaho ng mayroon siyang masamang balitang natanggap. “Ms.Claire! Bumalik ka! Kamusta ka na po?!” Masayang sabi nang gaurd sa kaniya. “Ayos lang ako kuya, kayo dito? Natagalan akong nawala eh pero bumalik na ako,” nakangiti niyang sabi dito at nakita niya ang pagkagulo sa expression nito. “Bumalik ho? Hindi niyo po ba alam? May iba nang manager Ms.Claire pinalitan na po ni Ms. Two days ago,” Nawala ang ngiti sa labi ni Claire dahil sa sinabi ng gaurd sa kaniya. Parang malaking suntok sa kaniya ang narinig na iyon na mayroon ng ipinalit sa trabaho niya. Napapikit siya sa isiping hindi nga pala siya nag paalam nang maayos sa trabaho. “Ang sabi pa nga po ni Ms narinig ko lang po disappointed daw po siya sayo dahil sa biglaan mong pagkawala, hindi ka nila mahanap. Ang tagal ka nilang pinahanap,” Parang mas lalong nanghina si Claire
CLAIRE “Ma'am ito napo ang damit na susuotin niyo, magpalit kana po at ba ka magkasakit kayo,” Napatingin ako sa iniaabot niya saakin na isang paper bag, sa itsura palang nito ay halata mo nang mamahalin ang nasa loob niyon. Nalipat ang aking paningin doon sa babae at nagtataka itong nakangiti saakin. Dahan-dahan akong tumango at kinuha ang paper bag pagkatapos ay pumasok sa loob ng banyo. Kumpleto ang gamit na nasa loob pati undergarments ay meron kaya napalitan ko lahat ng aking soot. Isa siyang floral dress na hanggang tuhod ko, long sleeve siya kaya nagmuka akong pormal sa aking soot mayroon din itong nasamang black flat shoes. Lumabas na ako sa loob ng banyo at napatingin ako sa salamin na nasa aking harapan. Parang nakita kong muli ang Claire na mayroon pang maayos na buhay, noong nabubuhay pa si mama. Noong mga panahon na maayos pa ang lahat. “Ang ganda niyo po,” Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko doon ang babaeng nagbigay saakin nung paper bag na iyon. Nginit
KINABUKASAN ay maaga akong umalis sa bahay upang maghanap ng bagong lilipatan at sa awa ng dyos ay maaga din akong nakahanap kaya agad din kaming lumipat doon. Nagulat pa ang nagpapaupa sa biglaan naming paglipat lalo na at natutuwa ito sa kambal, nag offer pa nga ito na kahit kailan kami magbayad ay ayos lang ngunit tumanggi ako. Hindi na namin kakayanin ang limang libong paupahan kaya doon kami sa Isang libo lamang, bukod pa ang tubig at kuryente. Maliit lamang ito kumpara sa dati, dito ay kita mo na ang kusina, para siyang sala sa dati naming inuupahan tapos wala din siyang kwarto, kami nalamang ni nanay ang gumawa ng kwarto na kahoy, ang harap sa pinakang higaan namin. Walang ibang space basta malagyan lamang ng harang ang higaan. Si nanay ay sa sala nalamang daw tutulog. Nag sorry pa ako kay nanay dahil sa sitwasyon namin pero sabi niya basta magkakasama kami ay wala na siyang isasaya pa doon. Maghapon kaming nag ayos ng bahay. Hapon nang matapos at nakatulog si nanay sa so
DALAWANG buwan ang lumipas ang unang buwan na malakas na sahod ko sa trabaho ay nawala ng maging five hours nalamang ang aking trabaho, ang buong akala ko talaga ay tuloy tuloy ang ten hours ngunit hindi pala. The more na dumadagdag ang empleyado ay the more na babawas ang oras mo, ngayon nga ay limang oras nalamang ako. Marami paring nakain sa restaurant kaya kinakailangan ng maraming employee at palitan kami sa shift. Hindi ko muling inaasahan na darating ako sa point na muling mag hihirap kami. Napansin ito ni nanay, ang pagiging madalas ko na sa bahay kesa sa trabaho, sinabi ko na nabawasan ang oras ko kaya ganoon. Nalungkot siya dahil dito ngunit mas lalong ako. Lumipas pa ang ilang linggo at hindi na talaga kinakaya ng kinikita ko ang pagpapalaki sa kambal. Tatlong buwan na ang mga ito at malalakas sa gatas at iba pa nilang pangangailangan. Kung minsan nga ay natitipid ko na sila sa gatas dahil sa kakulangan sa pambili. Hindi ko na alam kung saan pa kukuha ng pera kaya nais
UMIIYAK parin ako ng makarating ako sa tapat nang bahay ni Quinn. Hindi ko mapigilan ang aking luha ngunit hindi naman ako pwedeng magpakita kay Quinn ng ganito. Magtataka ito kung bakit at maaaring malaman niya na ako ang nagiwan ng sanggol sa tapat nila Zekiel. Mas lalo akong napaiyak dahil doon, anak ko si Zayne hindi ko kinakayang mawalay siya saakin pero kung para sa ikabubuti niya ay gagawin ko. Napaupo ako sa may gate at niyakap ang aking tuhod. Nasaakin parin ang bag na pinaglagyan ko kay Zayn ngunit pinalitan ko lamang ang laman upang kung sakaling tanungin ako ay wala silang makuhang ebidensya. Si Zayne, siya ang panganay ko. Mas napaiyak ako dahil doon, tama ba ang ginawa ko? Tama bang ibigay ko si Zayne? "Claire is that you?" Napaangat ang aking muka dahil sa pagkagulat at nakita ko si Quiin na nag tataka ngunit napalitan iyon nang pag-aalala ng makita akong umiiyak. "Claire it's you! Why are you crying?!" Mas napaiyak ako dahil sa tanong niya na halos ikangini
Tinanguan ko na lamang ang mga pulis dahil hindi parin natigil sa pag-iyak si Quinn. Hinayaan ko na lamang siya at tumahimik. Naalala ko nanaman ang anak ko, muling tumulo ang aking luha ngunit agad ko rin iyong pinunasan. Nagpaalam ako kay nanay na aalis ako para nga sa surprise ko sa birthday ni Quinn ang kaso hindi niya alam na sinama ko si Zayne. Napatingin ako sa orasan at nakita kong mag aalas dose na ng madaling araw. "Quinn tumahan kana, wala kang kasalanan okay? Wag mong sisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan dahil basta basta nalang akong umihi sa ganoong lugar," Kailangan ko ring umuwi agad dahil maaaring magwala si nanay kapag hindi niya nakita si Zayne doon, hindi niya alam na isinama ko ito at worst ay ipinamigay ko pa sa ama nito. Humiwalay si Quinn sa pagkakayakap ko at umiling saakin. "H-hindi ito mangyayari kung—" "Shhh, tapos na yun Quinn. Ang mahalaga ay ayos na ako hindi ba? So bakit kapa ma guguilty jan?" Natahimik naman siya sa sinabi ko kaya n
Kinalong ni Zekiel ang sanggol at katulad kanina ay hindi pa 'rin maputol ang titigan nilang mag-ama. Si Zekiel ay parang mapuputol ang kaniyang hininga dahil sa nangyayari, nag uumapaw ang galak sa kaniyang puso sa di malamang dahilan. Lalo na nang buhatin niya si Zayne ay mas lalong napuno ng kasiyahan ang kaniyang puso. "Z-zayne," Hindi alam ni Zekiel pero yan ang naibigkas niya at pagkasabing pagkasabi niya niyon ay nakita nila ang masayang muka ng sanggol na naglilikot at tila inaabot ang muka niya. Hindi napigilan ni Zekiel ang pagngiti rin dahil sa kaniyang nakita na nakakuha ng reaction ng mga kasambahay dahil magkamukang magkamuka sila ultimo pagtawa. Sakto naman na napicturan ni Manang Cecelia ang tagpo na iyon at dahil nga may tunog ang pag click ng camera ay napatingin sa kaniya ang mga ito lalo na si Zekiel. "Hindi ko hahayaan na hindi makunan ang ganoong tagpo!" masayang sabi nito na ikinawala ng ngiti ni Zekiel at tumikhim. "W-where is his mother?" Hindi nap
"LOVE, mahahanap din natin si Claire," Pagpapalubag loob na sabi ni Dylan sa kaniyang asawa. Tatlong buwan na ang nakakaraan magmula nang lumipad sila patungo sa ibang bansa upang doon manganak at tatlong buwan narin ang nakakaraan magmula ng makita nila si Claire at ang pamilya nito. "Pero wala ako sa tabi niya, hindi ko na alam ang nangyari sa kaniya. Wala na sila doon sa tinitirhan nila saan sila nagpunta?" Naguguluhan na sabi ni Bea sa asawa. "Wag kang mag-alala darating ang araw na makikita natin sila. Kung ano man ang nangyari malamang ay may rason sila kaya sila biglang nawala hindi ba?" natahimik nalamang si Claire dahil sa sinabi ng kaniyang asawa. Walang oras o araw na hindi niya naiisip ang kaibigan dahil nag-aalala siya para dito. Hindi naman niya inaasahan na pagbalik nila ay wala doon sila Claire. Nagkaroon sila nang anak na babae na nasa dalawang buwan na ngayon. Natutulog ito sa may crib nito sa kwarto nila hanggat maaari na bata pa ang anak nila ay ayaw nilan
Hi guys! Bakit wala pa rin akong update? Pakinggan niyo po ako, honestly takot po ako mag update. Pinakang kinakatakutan naming writers ay ang mag sulat ng hindi magandang daloy ng kwento. Aware naman po kayo na matagal bago ko masundan ang story, dahil po nawala ako sa daloy ng kwento. Hindi ko nga po alam kung okay ba ang naisulat ko last update ko? Comment naman po kayo if ever okay siya at nakaka-excite pa rin. Alam ko mayroon akong ibang kwento na isinusulat, yes po dahil need ko pa rin mag move forward besides itong pagsusulat na rin po ang source of income ko. Nag aaral din po ako at ito ang tumutulong sa pamilya ko kaya need ko talaga gumawa po ng bagong kwento para at the same time kumita din po ako. Now, may nag message po saakin, hello tukayo Nicole Tejadal! Maraming salamat sayo dahil nabuksan ang isip ko na wag matakot mag sulat. Or di kaya mag update kahit pa-konti konti basta ituloy ko ang story ni Zayn at Zoey. Story ni Zekiel at Claire ang isa sa paburito kong mga
“NASAAN si Ace?” Napalingon si Archer sa kaniyang ate Catherine ng pumasok ito sa kanilang kwarto. Kanina pa nito hinahanap ang kapatid dahil mayroon sana itong itatanong dito ngunit ang naabutan niya lang ay si Archer na naglalaro sa computer. “Umalis ate Cath, pumunta kay ate Zoey.” Napatango si Catherine dahil sa sinabing iyon ni Archer at tummalikod na upang umalis ngunit kusa siyang napahinto ng mayroon siyang maalala. Lahat ng plano nila ay si Ace ang may idea, iniisip niya kung paano iyon ng laman lahat ng kapatid gayong ang bata-bata pa ng mga ito. “Archer pwede ba kitang makausap sandali?” Napangiti si Archer dahil sa sinabi ng kaniyang ate at tumango dito. Inalis niya muna ang headphone na suot niya at hinarap ang kaniyang ate na nakaupo sa kanilang higaan. “Hindi ba maraming nangyari sa inyo ni Ace noong iniligtas niyo si ate Zoey?” tumango naman is Archer sa sinabi ng kaniyang ate. “Paano niyo nagawa lahat ng ‘yon? I mean ang bata niyo pa that time, three?” Napaisip
PAGKARATING ni Zoey sa kanilang hideout ay agad na nagtanong ito kay Georgia kung mayroon ba silang kasamang mga Filipino doon at mayroon nga. Kasama niya ‘daw iyon mula sa assassin world na siyang hindi sangayon sa pamamalakad ni Kathryn. Nang dahil doon ay nawala ang panghihinala ni Zoey sa lalaking iniligtas niya. Tinanong siya nito kung bakit niya naitanong kung kaya na-kwento niya ang tungkol sa iniligtas niya kanina. Matapos nilang mag-usap ay nagpasya si Zoey na mag training nalang muna. Ang tagal na ‘rin ng makapag training siya ng seryosohan kung kaya pakiramdam niya ay nabubuhay ang dugo niya sa pagsasanay. Marami siyang mga kasabayan sa training ground at dahil malaki naman iyon ay walang problema. Wala ‘ring pakialamanan sa mga nag tetraining. Pwede ‘ring magkaroon ng training partner dipende sa’yo. Karaniwan na mayroong training partner ay ‘yung mga gustong makipaglaban ng mano-mano. Sa ngayon ay ang gagamitin niya muna ay puting tela na ibinalot niya sa kaniyang kamay
NAKAUPO at binabasa ni Zoey ang mga papers na nasa kaniyang harapan. Naroroon na sila ngayon sa hide out ng kaniyang tito Phil at iniharap na sa kaniya nito ang mga information na nakalap nila tungkol kay Kathryn. Ayon sa mga nakalap nilang information ay nagkaroon ng trauma ang babae dahil sa kaniyang ginawang pagpatvy sa in ana si Kayla. Yes, si Kathryn talaga ang tunay na pumatvy sa kaniyang ina. Nung mga panahon na naglalaban silang dalawa ni Zoey dumating ang kaniyang ina para pigilan siya. Ngunit dahil nasa gitna ng labanan ang dalawa ay nadamay si Kayla at ito ang tinamaan ng anak. Sa gulat ni Kathryn ay napaatras siya palayo doon at nakatingin lang sa kamay niya na mayroong dugo. Habang nanginginig ang kamay at paulit-ulit na sinasabi sa sarili na hindi siya ang gumawa si Zoey naman ang sumubok na pigilan ang pagkawala ni Kayla. Kitang-kita iyon ni Georgia, hindi lang iyon nakuhaan pa niya ng video ang mga pangyayari hanggang sa sumigaw si Kathryn ba si Zoey ang pumatvy d
“KUNG ganon nalaman niyo lahat ng plano ko kasi narinig niyo ako?” tanong ni Zoey na sabay ikinatango ng kambal. Ayon sa mga ito, nang makita nilang binabalak ng tauhan ni Kathryn na putulin ang break ng kotse niya ay siya agad ang naisip nilang sabihan. Pero imbes na matuloy iyon ay narinig nila ang pakikipag-usap niya kay Phil. Doon nagsimula ang plano nilang kambal lalo na’t tumama ang ulo ng ate nila sa kahoy. Ang totoong plano ay susundan nila ito sa oras na ihatid sila ni Zoey sa isang tabi, susundan nila ito at hindi lalayo dito’t magmamasid lang ng palihim. Ngunit nagbago lang iyon dahil sa hindi inaasahang pagakakataon at ang ending sila ang nag-alaga sa kanilang ate. Hindi maiwasan ni Zoey na ma-teary eye dahil sa kaniyang naririnig. Kung tutuusin ay utang na loob niya sa kambal ang kaniyang buhay dahil kung hindi dahil sa mga ito ay baka wala na siya. Ano nalang ang mangyayari sa kaniya sa ilog na ‘yun? Sa bilis ba naman ng agos ng tubig. “Thank you twins!” nasabi ni
“HMP!” Pagpupumiglas ni Zoey dahil bigla nalamang mayroong tumakip sa kaniyang bibig at inilabas siya ng veranda. “Shhh! It’s me Zoey!” mahinang bulong sa kaniya ni Phil na siyang may kagagawan ng pagkuha sa kaniya. “T-tito Phil?” “Yes, we must get out of here as soon as possible!” Napaseryoso si Zoey dahil sa sinabi nito sa kaniya at binitawan na siya ng lalaki at tumingin sila sa paligid kung mayroon bang bantay. Nang masigurong wala ay walang alinlangan silang bumaba mula sa veranda na iyon at maayos na nag landing sa damuhan. “Follow me tito Phil,” mahinang sabi ni Zoey na ikinatango lang sa kaniya ng lalaki. Ang plano ay siya ang kukuha kay Zoey ngunit ang naging ending ay ito lang ‘din ang naglabas sa kanila sa lugar na iyon. Ano pa nga bang aasahan ni Phil? Silang kambal ni Zayne ang unang matatalinong batang nakilala niya, bakit una? Simple lang dahil mayroong mas matalino sa kanilang dalawa. Matapos ang ilang minutong pakikipagpatentero nilang dalawa sa mga banta
Hi Kimmie's! Alam ko marami ng galit sa inyo dahil wala akong update dito sobrang tagal na and yes kasalanan ko po. I'm really sorry, pero di ko na maibabalik ang mga nakalipas na buwan. Sadyang marami lang nangyari sa personal kong buhay to the point na di ako makasulat ng ayos. Yes, may bago akong story pero hindi ko mapagsabay ang dalawang story kaya mas pinili ko muna mag focus sa isa pero ngayon handa na akong pagsabayin sila at bumalik na ako sa dati yey! As of now binabasa ko ulit ito para as soon as matapos kong mabasa at makabalik ako sa kwento ni Zoey matutuloy ko na. Again, sorry sa matagal na paghihintay but be patient guys. Mag uupdate ako sooner or later. Gugulatin ko nalang po kayo para surprise. Sana ay nandito pa 'rin kayo nakasubaybay sa kwento ng Gray Family. Comment down sa matyagang nag hihintay ng update, mahal ko kayo! Thank you so much! Love lots!
KAHIT na hindi alam ni Zoey kung ano ang sasabihin niya kay Xavier ay nangingibabaw pa ‘rin ang kaniyang pagkamiss sa nobyo. Kahit na nakakasama niya ito ng madalas noong nagpapanggap siya bilang Fiona ay hindi naman niya ito maalala kaya ngayon na nakaka-alala na siya ay mas nangingibabaw ang kaniyang pagkamiss dito ngayon. Naupo si Xavier sa gilit ng kaniyang higaan habang siya naman ay sumandal sa headboard upang kahit papaano ay makapantay niya ito. Magkatitigan lamang silang dalawa at walang nagsasalita. Kapwa mayroong mga ngiti sa labi ngunit hindi mo mararamdaman ang ni-katiting na awkward sa kanilang pagitan. Hanggang sa hindi na nila napigilan at tila iisa ang kanilang nasa isip dahil pareho nilang niyakap ang isa’t-isa ng sobrang higpit. Hindi iyon inaasahan ni Zoey kung kaya naging emosyonal siya hanggang sa tuluyan ng tumulo ang luha niya at humagulhol na ito sa balikat ng lalaki. “My angel why? May masakit ba sa’yo?” alalang tanong ni Xavier dito ng maramdaman niya ang
“REPORT” Seryosong sabi ni King Clark ng pumasok sila ni Zekiel sa loob ng CCTV room kung saan naroroon ang mag kakaibigan kasama ang bunsong kambal. Agad na nagsitayuan ang mga ito at sa pangunguna ni Zayne ay siya ang sumagot sa kanilang titong Hari. “Nakita namin na ibinaba siya malapit dito sa palasyo. Ang ipinagtataka lang namin ay pagka-alis na pagka-alis ng van na iyon ay nawala na ‘din ang footage. Sinubukan na namin lahat ng alam namin para maibalik ang footage ngunit wala pa ‘rin.” Seryosong sabi ni Zayne na siyang ikinatango naman ng mga kasama niya. Samantalang sina Zekiel at King Clark naman ay nagkatinginan dahil doon. Pinasuyod ‘din kasi nila ang paligid para masiguro kung mayroon pa bang ibang kalaban sa paligid ngunit wala na naman silang nakita. “Kung ganon pinaghandaan nila ito. Ang tanong ay anong ginawa nila sa anak ko para nalang umiyak ito ng ganon?” naguguluhan na sabi ni Zekiel. “Ang mas nakakapagtaka pa po tito ay walang ibang sugat si Zoey bukod sa marka