Gabriel Tage Fernandez
"Kuya maanuna na po kami ni Gaston" paalam saakin ng isang kapatid namin na si Grace."Oh sige. Nandyan na ba si Renzo?" tanong ko sa kanya at saka naman pumasok sa loob ng pintuan namin ang batang si Renzo na kasing edaran lang ni Grace."Good morning po Kuya Gab. Mauuna na po kami nina Grace" paalam din ni Renzo."Oh sya sige. Mag iingat kayo sa pagpasok sa school ha. Gaston wag kang uuwi ng mag isa. Antayin mo sina ate Grace mo at Kuya Renzo" pagpapaalala ko sa bunso naming kapatid."Opo kuya" sagot naman nito.Pagkaalis nila ay pumunta na ulit ako sa kusina at naabutan ko si mama na naghuhugas ng mga pinagkainan namin kaya agad ko siyang nilapitan "ma, ako na po ang magtutuloy nyan. Magpahinga nalang po kayo doon" pagpepresinta ko kaya nakatanggap na naman ako ng masamang tingin mula sa kanya."Diba sabi ko naman sayo anak kaya ko naman ang mga gawaing ganito. Hindi naman ako nagkikilos masyado at alam mo namang hindi ako sanay na umupo nalang lagi sa isang tabi. Tsaka ikaw lang naman ang inaalala ko, diba may pasok kapa kaya maligo kana at mag ayos. Ako ng bahala dito sa mga hugasin na ito" pag iinsist niya kaya wala na rin akong nagawa pa dahil ng tumingin ako sa wall clock namin ay mas aalas syete na ng umaga. May pasok pa ako sa tintrabahuhan kong restaurant ng alas otso."Sige po, pero pagkatapos mo po dyan ay magpahinga na po kayo sa sala. Wag na po kayong magkikilos masyado ha" paalala ko pa sa kanya."Hay nakong bata talaga na ito, ginagawa naman akong baldado" rinig ko pang katwiran ni mama kaya napailing iling nalang ako at dumiretso na sa kwarto ko para kunin ang mga damit ko at saka pumunta sa banyo."Ma yung gamot nyo wag ninyong kalimutan na inutan sa tamang oras ha. Tsaka po pala yung ulam ninyo mamayang tanghali ay natakpan po sa lamesa. Mamaya po pala baka gabing gabi na po ako umuwi kaya baka hindi na po ako makasabay sainyo kumain ng hapunan po" paalala ko sa kanya."Bakit naman anak? Diba hanggang alas singko lang naman ang pasok mo sa trabaho?" takang tanong sakin ni mama.Kasalukuyan akong nagsasapatos habang kinakausap si mama "kasi po mayroon na po akong isa pang trabaho para po may pangdagdag tayong panggastos at pangbili din po ng maintenance ninyo. Alam ninyo naman po na hindi po nasapat yung kinikita ko sa restaurant diba kaya naghanap pa po ako ng trabaho. Mula alas singko hanggang alas dyes ng gabi yung isa ko pa pong trabaho" dumiretso na ako sa salamin namin sa sala at inayos ang sarili. Sinuklay ko lang ang buhok at inayos ang damit."Baka naman inaabuso mo na ang katawan mo nyan anak. Baka pwedeng wag na-" hindi ko na siya pinatapos pa dahil alam kong ganito ang magiging reaksyon ni mama."Ma, ayos lang po ako. Alam nyo namang napakalakas ko po diba. Kayang kaya ko po ang trabaho ko at hindi po natin ititigil ang pagmemaintenance ninyo. Gusto ka pa po naming makasama ng matagal at diba po bibigyan ko pa po kayo ng mansion at marangyang buhay. Kaya ginagawa ko po tong lahat para matupad ang pangako kong iyon sainyo. Kaya wag na po kayong mag isip ng kong ano ano pa po ha baka makasama pa po iyan sa kalagayan ninyo" paliwanag ko sa kanya.Nakita kong napatalikod ito pero hindi nakaligtas saakin ang pasimple nyang pagpunas ng luha kaya nilapitan ko ito at niyakap "mama talaga oh. Responsibilidad ko po ito bilang anak ninyo at higit sa lahat gagawin ko po ang lahat para saatin ng mga kapatid ko. Wag ninyo na pong sisihin ang sarili ninyo ha" pang aalo ko sa kanya. Niyakap naman ako nito pabalik."Ang swerte ko talaga sayo anak. Hindi ko alam kong ano ang nagawa kong mabuti at biniyayaan ako ng kasing bait mong anak. Ang swerte namin ng mga kapatid mo dahil nandyan ka para saamin. Mahal na mahal kita anak. Sana ay aalagaan mo rin lagi ang sarili mo ha. Wag kaming lagi ang iniisip mo, kapag di mo na kaya ay hindi masama ang magpahinga" tuluyan na ngang naiyak si mama kaya pinatahan ko siya."Opo alam ko naman po yun" sagot ko sa kanya. Inalayo ko na siya saakin at pinunasan ang luha nya "ano ba yan mama ang aga aga ang drama drama natin eh. Malelate na tuloy ako sa trabaho nito" pagpapatawa ko sa kanya na tinawanan naman niya."Pasensya na anak hindi ko lang kasi maiwasan eh. O sya sige na baka malate kapa sa trabaho" kinuha ko na ang bag ko saka nagpaalam sa kanya papuntang trabaho."Good morning Kuya Ben" bati ko kay Kuya Ben. Siya ang guard dito. Tinanguan naman ako nito saka ngumiti "magandang umaga din sayo Gab" bating balik nito.Dumiretso na ako sa locker room namin para magbihis ng uniform namin. Naabutan ko doon si Nathaniel at Russo."Oy andyan kana pala Gab" pagpuna saakin ni Russo sabay hubad ng suot niyang damit at kinuha ang uniform namin na pamalit.Nilagay ko na rin sa locker room ko ang bag ko at nagsimula na ring hubarin ang damit ko."Kakarating mo lang rin Rus?" tanong ko sa kanya habang nagbibihis."Oo, halos kasabayan ko lang itong si Nathaniel" sagot naman niya.Napatingin naman ako kay Nathaniel na tapos ng magbihis at inibubungkos nalang ang apron niya."Oy, kamusta ang happy happy ninyo kagabi ni Caden?" tanong ko kay Nathaniel. Ang tinutukoy ko ay ang pagliwaliw nila kagabi. May bagong bar daw kasing napuntahan si Caden kaya inaya niya sana kami kaso parehas kaming tumanggi ni Russo kasi naghanap pa ako ng isa pang trabaho kagabi kasama si Pat habang si Russo ay may date daw kasama ang jowa nito."Ayos naman kaso lang muntik pa kaming mapaaway. Kasi naman si pareng Caden, pipili nalang ng ififlirt na babae yung may sabit pala" natatawang kwento ni Nathaniel na sakto namang dating ng isa pa naming kasamahan dito na si Caden."Bakit parang narinig ko ang pangalan ko dyan ha?" may kaingayan na sabi nito sabay diretso rin sa locker room niya at saka nagbihis."Wala kinekwento ko lang dito kina Gab yung ginawa mo kagabi. Muntik pa tayong mapaaway doon eh. Gago ka talaga pre" natatawang wika ni Nathaniel na tinawanan din namin ni Russo."Gago eh yung babae ang unang lumapit saakin eh, malay ko ba namang may sabit pala yun. Kasalanan ko bang lapitin ako ng mga babae, muntik pang mabangasan ng mukhang aso nyang jowa ang gwapong mukha ko. Mabuti nalang kailag ako eh" may pagmamayabang na kwento naman ni Caden."Tigilan mo nga ako ulol kong hindi pa ako nagpagitna at nagpaliwag doon ay baka nagkarambulan na doon sa bar" kontra naman sa kanya ni Nathaniel."Tama na nga yan. Tara na baka inaantay na tayo don ni Manager. Anong oras na oh, magbubukas na tayo" pag aaya samin ni Russo pero hindi parin tumitigil sina Nathaniel at Caden sa bangayan nila.Actually Caden and Nathaniel are bestfriends at sabay silang pumasok dito sa restaurant habang si Russo naman ay nauna saakin ng one week. Magkaka edad lang sina Russo, Nathaniel at Caden habang ako ang pinakabata sa kanila.They also know my gender preference and I'm glad na hindi sila yung taong madaling manghusga. They accepted me at hindi naging iba ang turing nila saakin.I'm actually a gay person pero lalaki parin ang pananamit ko at syempre ang kilos ko. Lean lang ang shape ng katawan ko. Hindi rin gaanong maputi ang balat ko at katamtaman lang ang kulay nito. Sabi nina Nathaniel ay ang liit ko daw. Nasa 5'5 lang kasi ang height ko habang sila ay nasa 5'9 to 5'11. Si Russo ang pinakamatangkad saamin dito.Pagkalabas nga namin ay diretso trabaho na kami dahil lumabas kanina si Manager mula sa opisina niya para tingnan kong nagsisimula na kaming mag ayos sa loob mabuti nalang ay nagsimula na kami bago pa icheck ni Manager kong nagtatrabaho na ba kami. Dumating na rin sina Kuya Ethan at Kuya Ronald. Sila ang mga chef dito sa Restaurant. Si Kuya Ethan ang main chef habang si Kuya Ronald naman ang assistant chef.Pagkatapos ng trabaho namin ay kanya kanya na kaming paalam. Nakaabang na si Patrick sa labas. Dala dala nito ang motor nito."Oh suot mo na yan bakla ka. Malelate na tayo" sabay abot nya saakin ng spare helmet na dala dala nya.Hindi naman kalayuan ang papasukan naming bar dito sa pinagtatrabahuhan kong restaurant kaya alam kong makakaabot naman kami sa call time doon.Pumarada kami sa labas ng Bar 'Seraphim' yan ang pangalan ng bar. Buhay na buhay ang pangalan nito na napapalibutan ng mga lights kaya hindi pwedeng hindi mo sya mabasa gayong maliwanag ito at nasa tuktok ng bar.Pagkapasok na pagkapasok namin ay agad kong nalanghap ang iba't ibang amoy ng alak na hinahaluan ng amoy ng sigarilyo. Kailangan kong masanay na sa araw araw na ganitong eksena.Sa may likuran kami duman kung saan ang daanan ng staff ng bar. Mga customers lang kasi ang pwedeng dumaan doon sa may entrance kong saan may dalawang bouncer na nakabantay. Mahigpit sa mahigpit ang patakaran sa bar na ito. Strongly prohibited sa mga minors at talagang wala namang nakakapasok na minor dito."Andyan na pala kayo. Oh heto ang mga uniforms ninyo. Dalian nyo at dumadami na ang mga customers" sabi ng manager namin saamin sabay abot saamin ng uniform namin. Halos parehas lang naman ang uniform namin dito at sa restau na pinagtatrabahuhan ko except sa top nito na long sleeves at may bowtie na kulay beige.Parehas kaming mabilis na nagsipagbihis ni Patrick sa locker room namin. Actually parehas kami ng kasarian ni Patrick, pero gaya ko ay lalaki paring kumilos ito at manamit. Mahahalata mo lang ito na hindi straight kapag nagsasalita kasi medyo may kalamyaan. Medyo maharot din ito kaya minsan ay kakahiyang kasama ang baklang to dahil sa sobrang ratrat ng bibig.Nagsimula na kaming magtake ng orders at kagaya ng inaasahan ay medyo nakakapanibago dahil kong sa restaurant ay medyo light ang mood dito ay medyo intense lalo na at umiinom at kong ano ano pang bisyo ng mga tao ang ginagawa nila sa loob.Nandyan ang naghahalikan ng walang pakundangan, mga nagsisipaghaplusan kahit saang parte ng katawan at higit sa lahat ang hook up na para bang normal na lang na bagay ang sex para sa kanila.Alam kong kailangan kong sanayin ang sarili ko sa mga ganitong bagay ngayong nagtatrabaho na ako dito. Kailangan mong sikmurain ang ganitong trabaho para kina mama.Kinakabahan man sa unang araw ko dito ay ginawa ko naman ng maayos ang trabaho ko. Minsan ay nagkakasalubong ang mga mata namin ni Pat at nagtatanguan nalang kami bilang paalala na maayos pa kami.Ilang minuto at oras pa ang lumipas at medyo nagagamay ko na ang trabaho dito.Kuha ng order dito at hatid ng order doon. Yan lang ang ginagawa ko sa mga nakalipas na oras. May mga nagpeperform din na mga dancers sa may mini stage kagaya ng mga nakikita ko noon sa tv. Mga babaeng nakabra at panty lang. Nakasuot sila ng nagsisikintabang mga maskara para matakpan ang mga mukha nila. Todo giling ang mga ito sa stage habang dumadagundong ang sexy music sa loob ng bar. Medyo may kadiliman din dito sa loob dahil mga party lights lang naman ang nagbibigay ng liwanag sa area at doon lang sa stage kong saan may sumasayaw ang may malinaw na liwanag.Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko hanggang sa muntik na akong mabuwal dahil sa dala dalawang tray ng order ang nasa kamay ko pero hindi iyon natuloy dahil sa dalawang kamay na pumigil sa bewang ko."Oppss are you okay little guy?" medyo deep ang boses nito kaya inayos ko ang pagkakatayo ko.Agad ko itong hinarap at awtomatiko akong napatingala dahil sa tangkad nito. Nakapaskil ang isang ngiti sa mukha nito habang nakatingin saakin."S-Salamat sa pagsalo sakin kanina. Pasensya na sa abala" pagpapasalamat at paghingi ko ng paumanhin sa kanya.Mas lumawak ang ngiti nito. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito dahil medyo madilim nga ang paligid pero samyong samyo ko ang mamahaling pabango nito at humahalo doon ang amoy ng isang wine kaya alam kong nakainom ito."No worries. Good that you're fine. Why are you carrying a two tray heavy loaded especially with your size. Talagang mabubuwal ka nyan" may halong birong wika niya."Parte po ito ng trabaho ko. Salamat ulit, kailangan ko na pong maihatid ito sa pagdadalhan ko nito. Salamat po ulit" paalam ko sa kanya at siguro narealize naman niya na hinohold back niya ako sa pagdeliver ng order ng customer."Oh sorry, are you sure you don't need help?" tanong pa niya.I just give him a reassuring smile para matapos na "okay lang po ako, sige po mauuna na po ako baka inaantay na po itong order na dala ko eh" paalam ko sa kanya saka tinalikuran na ito at muli na sanang maglalakad para hanapin ang table na pagdadalhan ko nito ng magsalitang muli ito."Zaden..... Zaden Ennis Ricaldi is the name, little guy"Coast Damian O'Bienz"Sir this is the document you requested" abot saakin ni Liam which is my secretary sa pinapakuha kong documents sa kanya. I am currently studying about everything I need to know about the latest operations and promotional proposals about our company.Malapit na kasing magsummer kaya siguradong maraming mga turista foreigners and locals will surely come and go to the Philippines. I am finding some certain proposals we can use to endorse our company especially our special courses in terms of International Flights.Mayroon kasi ang kompanya na mga planes that can travel internationally which is the first aim of our company. The planes our company provided is specially equipped based on the flight it can take for example the target flight will be just around the Philippines itself, we have planes for that and also planes outside the country like in asia, europe, america's and other countries. We can already travel around 62 countries in total.And I'm planning to appr
Gabriel Tage FernandezMedyo nasasanay na ako ngayon sa trabaho ko dito da bar. Medyo parehas lang naman ang way ng pagtake ng orders ng mga customers dito sa pagtake ng orders sa restaurant na pingtatrabahuhan ko sa umaga.Luckily ay wala pa naman nagiging problema sa loob ng ilang araw na pagtatrabaho ko dito."Gab pakihatid nito sa table 43 daw" tawag sakin ni Kuya Theo na isa sa mga bartenders dito sa loob ng bar. "sige po kuya" lumapit naman ako doon at agad na kinuha ang tray na may lamang mga tequila glass na orders sa table 43.Agad ko namang nakuha ang table 43 dahil nakahilera naman ang mga tables dito number by numbers. By tables kasi may bilang lang kong ilang tao ang pwedeng mag occupy ng table kaya kong ilan kayong magkakasama ay paniguradong may table number na para sa inyo.Agad akong ngumiti kahit alam kong hindi naman nila gaanong mahahalata ang ngiti ko dahil sa medyo nga may kadiliman sa loob at tanging party lights lang ang nagbibigay ng ilaw sa buong loob ng bar
Gabriel Tage Fernandez"You know this little guy bro?" rinig kong tanong ng katabi nitong lalaki.Nanatili itong nakatitig saakin. He didn't even bother looking at the guy who asked him "yeah but not yet his name" he said while still pasting his stare at me.Nakita kong tumayo ang isa pang lalaki sa kanila. Medyo napaatras ako ng lumapit ito saakin at pinatong ang kamay nito sa may kanang balikat ko. Narinig ko pa itong tumawa ng mahina "don't worry I won't harm you little guy. Can you tell us your name, seems like our brother interested on you" napatingin pa ito sa lalaking kasalukuyang nakatitig saakin.Nagsipag sang ayunan naman ang iba pa nilang kasama. They are all loud inside teasing the guy and asking for my name "s-sige po sir. My name is Gabriel po. You can call me Gab" pakilala ko sa kanila. I managed to make myself speak kahit na kinakabahan ako sa mga oras na ito dahil unang una ay ramdam ko ang uncomfort sa sitwasyong ito and I don't like that guy's stares, it make's me u
Gabriel Tage Fernandez Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog ng maramdaman ko ang mabigat na bagay na nakadangay sa dibdib at sa may parteng paa ko. Napaungot ako ng agad ba rumagasa sa ulo ko ang kirot at bigat nito.Doon lang ako napabukas ng mga mata ko. Ang unang bumungad saakin ang puting ceiling. Napataka ako ng mapagtanto ko na hindi puti ang ceiling ng kwarto ko at higit sa lahat wala iyong kisame.Napapikit ulit ako dahil sa sakit ng ulo ko na para bang pinupokpok ito ng martilyo. Doon ko lang rin naalala na nakainom pala ako kagabi. Isang shot lang iyon pero agad akong nalasing non.Muli akong napamulat at may napagtanto. Akmang babangon ako ng hindi ko magawa, naalala kong may mabigat palang bagay na nakadagan sa dibdib ko at sa may hita ko at ng tingnan ko ang gilid ko ay halos panawan ulit ako ng ulirat dahil hindi isang bagay ang nasa tabi ko, kundi isang tao. Isang lalaki ang kasalukuyang malalim ang pagkakatulog.He was sleeping deeply na nakadapa pero nakadagan ang
Gabriel Tage FernandezPumasok na ako ng sumunod na araw and luckily ay wala naman daw naghanap sakin kahapon. It only means na hindi natandaan ng lalaking iyon ang mukha ko and I hope hindi na muli pang magkita ang mga landas namin. I lost something important on me but wala akong time to remorse about it dahil mas mahalagang makapagmove forward ako dahil kailangan kong kumayod at magtrabaho para kina mama at sa mga kapatid ko.Iniyak ko na iyon lahat ng araw na iyon. Nakakapanghinayang man but nangyare na eh. I can't take it back kaya ano pang silbi kong pagmumukmukan ko ito ng matagal at tsaka baka mahalata pa ni mama na may nangyareng hindi maganda saakin mag aalala lang sya at baka makasama pa sa kalagayan nya. Mabuti na nga lang at nailusot ko ang hindi ko pagpasok kahapon at mabuti nalang nakatawag ako sa manager doon sa resto at sa bar na pinagtatrabahuhan ko na hindi muna ako makakapasok dahil masama ang pakiramdam ko.Sana lang talaga ay hindi na kami magkita pa ng lalaking i
Gabriel Tage FernandezDumaan pa ang ilang araw and Sir Zaden didn't come again sa bar. Medyo nakaramdam ako ng guilt dahil iniwan ko lang sya doon after nyang mag confess and I didn't even give him a clear response about his confession. I couldn't blame myself fully too kasi pinangunahan ako ng kaba at pagkagulat that time kaya kinailangan kong umalis doon. The pressure I am feeling that right was really heavy at ayaw kong magpadalos dalos. Alam kong masasaktan parin siya once I told him my answer but I want to figure out how to tell him in a less disappointment way.Patuloy parin naman ang pagtatrabaho ko. It's been past one month since that night happened. Wala namang naghanap saakin at sumugod saakin kaya medyo nakampante na akong hindi nga ako nakilala ng lalaking iyon. Hindi na rin naman ito nakabalik pa dito sa bar. I know he is a friend if sir Zaden pero hindi na ito nakabalik pa dito kahit pa noong isang linggong huling balik dito ni sir Zaden kong saan ito nagconfess saakin.
Naalimpungatan si Gabriel dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa may bandang dibdib niya at meron ding nakadagan sa may ibabang parte ng katawan niya.Akala niya ay kong ano lang pero ng sandaling maimulat na niya ang mga mata niya ay bumungad sa kanya ang nakakagimbal na pangyayareng babago sa buhay niya.He was so confused at the moment at hindi malaman ang gagawin. Isang lalaki ang kasalukuyang nasa malalim na pagtulog na kapwa hubad din kagaya niya. Ang mabigat na mga kamay nito at binti ang dumadagan sa kanya kanina.Kaagad na nilukuban ng kaba at takot si Gabriel sa mga naiisip na pwedeng mangyare.Dahan dahan at maingat niyang inangat paalis sa katawan niya ang kamay at paa nito bago umusod pagilid para makaalis. Pero parang nilalapnos ang balat niya sa tuwing gumagalaw siya lalo na sa parteng pang upo niya. Hindi siya tanga para hindi malaman kong ano ang nangyare sa kanila ng lalaking kasama niya sa kama.Halos maiyak pa siya ng sinubukan niyang tumayo. Nangangatog ang mga
Agad na nagsipag ayusan sa pagpila ang mga empleyado ng Airlines De O'Bienz International Empire o AoI Empire ng sandaling pumarada sa harapan ng entrance ang isang magarang Black Mercedez Benz na kotse.Pasimple pang nagkatinginan ang lahat at kita ang pagkataranta sa mga mukha nila. Tensyonado ang lahat dahil ngayon dadating ang bagong President ng kompanya. Hindi rin lingid sa kanila kong anong klaseng boss ang papalit sa dating Presidente ng AoI Empire dahil isa ito sa tanyag na piloto kahit na 28 anyos pa lamang ito. Marami na itong napalipad na mga eroplano at marami din itong achievements bukod pa sa matagumpay na propesyon nito. Isa ito sa mga bata at matagumpay na piloto dahil sa naabot nitong ranggo sa propesyon nito kaya hindi ito basta bastang tao.Bumaba ang driver nito at saka umikot papunta sa passenger's seat at hindi rin nagtagal ay tumapak na ang makinang na itim na black shoes nito sa sahig at hindi maalis ng lahat ang tingin nila sa ngayon ay lalaking tuluyan ng na