"Clara." sambit ni mom.Lahat kami napalingon sa babaeng dumating. Nagtataka ang lahat. Katahimikan ang sumakop sa kaniyang pagdating.Tinawag siya ni mom na Clara? Clara ang pangalan niya? Sino siya? Hindi siya familiar sa akin. "Nababaliw na ba kayo para ilayo sa akin ang asawa ko? Hindi niyo ito pwedeng gawin sa akin. I'm his wife. Kailangan kong malaman ang kalagayan niya. Kailangan ko siyang alagaan at mahalin bilang asawa."Nakita kong matapang napalakad si mom nang ilang hakbang sa harapan ng babaeng si Clara. May galit ito sa kaniyang mga mata."Pwede ba Clara itigil mo na ito? Tama na! Sinira mo na si Lucas. Sinira mo na ang anak ko. Wala kang karapatan para guluhin si Lucas sa pamamahay ko. Pwede kitang ipakulong sa ginagawa mo."Nabalisa si Clara dahil sa marahang pagbigkas ni mom. Napakunot noo ito at nagtataka. Nanlaki rin ang kaniyang mga mata."Pagkatapos ng lahat? Ako pa rin ang lumalabas nasalarin? Ako pa rin ang may kasalanan? Ginagawa ko ito para sa asawa ko. Hind
Bahagya akong napabuntong hininga. Bahagya kong nilapitan si Andrie. Malungkot lamang ito dahil sa nangyari.Kinuha ko ang kaniyang mga kamay at hinarap. May lungkot pa rin sa puso ko. Hindi ko mawari kung sadya talaga itong nangyayari sa buhay ko? Ang daming problemang pinagdadaanan.Bigla ko na lang naalala ang panahon na nagdudusa si Andrie. Mga panahon na nahihirapan siya. Ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Kung bakit siya nasasaktan ngayon.Pina-kidnapped ko siya noon para pahirapan si Iris. Pero ang hindi ko alam. Siya pala ang anak ko. Kinamuhian ko siya nang lubos.Hindi ko matanggap sa sarili ko. Napakalaking kasalanan ang nagawa ko. Ang sama kong ama. Ang sama-sama ko. Walang kapatawaran ang ginawa ko.Naramdaman kong may luhang pumatak sa mga mata ko. Nagsisisi ako sa lahat kong ginawa para sa anak ko. Hindi ako naging mabait sa kaniya kahit kailan."I'm sorry!" marahan kong hinaplos ang mukha ng anak ko. Lungkot ang nakikita ko sa kaniyang mga mata."Anak! Alam
Napasuyap ako sa aking reflection sa salamin. Huling sinara ko na rin ang huling butones ng coat ko. Hindi pa rin ako mapalagay. Oo, pupunta ako ngayon sa company. Sa tingin ko ito na ang tamang oras para bumalik. Kailangan ako ang magpatakbo ng kompanya. Ng Vontrell company.Handa na akong harapin ang lahat sa aking pagbabalik. Kukunin ko na sana ang isa sa relo ko ngunit bila akong may naalala.Ang black watch na ito ay regalo sa akin ni Clara bago kami ikasal. Binili niya talaga ito para sa akin. Sabi niya. Huwag ko raw itong tatanggalin sa kamay ko.Marahan ko itong kinuha at pinagmasdan. Bumalik tuloy ang mga alaala na mayroon kami ni Clara. Ang masasayang mga araw. Lalo na noong wedding day namin. Sobrang saya namin noon.Akala ko wala nang katapusan ang lahat? Alaka ko wala nang magbabago. Pero hindi pala doon matutuldukan ang lahat.Ang lahat ay bilang naglaho. Nasira ang lahat na pinaghirapan namin ni Clara dahil sa ginawa niya. Sinira niya ang lahat hindi lang ang pagkatao k
Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan. Gusto kong habulin si Clara sa kaniyang pag-alis pero hindi ko na ito naabutan. Ang bilis niyang mawala. Labis akong nababahala sa ano man ang pwedeng mangyari. Sobra akong nababalisa. May pangamba sa puso ko.Wala nang ibang ginwa si Clara kundi ang sirain ang lahat. Marami ng nadadamay sa pinagagawa niya. Wala siyang ibang inisip kundi ang sarili niya. Ang puso niya.Bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi ni Clara. Iyon ang dahilan para maging magulo ang isipan ko. Maraming katanungan ang sumasaksak sa isipan ko.Ano kaya ang gagawin ni Clara? Totoo kayang gagawin niya ang mga ibinanta niya sa amin ni Iris? Maghihiganti kaya siya sa amin?No!Kailangan ko siyang pigilan. Hindi niya pwedeng gawin iyon. Kailangan ko siyang kontrolin sa mga plano niya. Alam kong hindi siya papayag na manahimik na lang. Kilala ko si Clara. Alam kong gagawin niya ang lahat para tuluyan kaming sirain ni Iris. Alam kong nagawa niya na ito dati. Hindi siya papayag na ma
"Mommy!" pagsigaw ni Andrie habang umiiyak. Hindi siya mapakali.Agad itong nilapitan ng mom ni Iris. Ang kaniyang lola. Labis na umiiyak sa Andrie. Niyakap ito ng kaniyang lola upang pakalmahin."Walang hiya ka. Malandi. Ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang lahat. You ruined my own family. Hayop. Ahhhh." Malakas ang pagsigaw ni Clara habang patuloy na sinasaktan si Iris. Ayaw itong magpapigil sa akin. Patuloy ito sa pagsugod kay Iris. Hindi ko sila kayang awatin."Hindi ako ang sumira Clara. Ikaw ang sumira sa lahat. Ikaw ang nagsimula ng lahat ng ito. Ikaw ang pumatol sa asawa ng may asawa. Ahhhhh."Patuloy rin na sinasabunutan ni Iris si Clara sa buhok. Ayaw rin itong magpaawat. Galit ang nararamdaman ng puso niya para kay Clara. "Clara please! Stop doing this shit." pagsigaw ko kay Clara. Pero itinulak niya ako. Ayaw niyang magpaawat. Patuloy niyang sinusugod si Iris.Sobra akong nahihilo sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para awatin sila. Labis akong n
Mariin kong pinunas ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. Parang binibiyak ang puso ko sa mga sandaling ito. Ang sakit sakit tanggapin. Ang hirap."Ahhhhh!" napadaing si Clara nang magising. Napahawak ito sa kaniyang noo."Ang anak ko! Asan ang anak ko." nanabaliw niyang turan. Hindi siya mapakali. Hinahanap niya ang kaniyang anak.Tumingin siya sa mga mata ko at napaimpit siya sa pag-iyak. Nagtatanong ang kaniyang mga mata niya. Nangilid ang kaniyang mga luha. I shook my head. Hindi ko alam kung paano sasabihin ang lahat? Kung paano ko ipapaliwanag kay Clara. Parang tinutusok ang dibdib ko ng kirot."W-wala na siya! W-wala naang anak natin." "Hindi! Hindi totoo yan. Buhay ang anak ko. Buhay siya." sambit ni Clara at napahagulhol sa pag-iyak. Hindi niya matanggap na wala ang anak namin.Alam kong masakit. Alam kong mahirap paniwalaan. Hindi ko rin matanggap. Pero wala na ang anak namin at iyon ang totoo.Kanina nang lumabas ang Doctor. Sinabi nila na wala na ang bata. Hindi ko mat
Katahimikan ang sumalubong sa akin pagbungad ko ng sala. Kararating ko lang ng mansion mula nang maghiwalay kami ni Iris.Wala si Clara dito sa sala. Umakyat na lamang ako ng hagdan para pumunta ng kwarto namin. Pero bigla akong napatigil nang may narinig akong humihikbi sa loob ng kwarto.Nakaawang lamang ang pinto ng kunti. Naririnig kong umiiyak si Clara. Dahil sa kuryusidad ay pumasok na ako nang tuluyan.Nadatnan ko na lamang siyang nakahawak sa kaniyang mga maleta. Nakaimpaki na siya at handa na siyang umalis? Iiwan niya na ako? Totoo ang nakikita ko na aalis na siya. Makikipaghiwalay siya sa akin? Nagtataka lamang ako. Hindi ito sa akin magagawa ni Clara. Alam kong minahal niya ako sa buong buhay niya. Tapos ngayon iiwan siya ako? Ang bilis naman hindi ako makapaniwala?Nakatayo lamang ako sa harapan niya. Alam kong alam niya na dumating na ako. Pero parang wala lang ako sa kaniya. Hindi siya tumingin sa akin. Hindi siya kumibo. Umiiyak lamang siya. Marahan niyang pinunas an
Iris's POV"Lucas! Lucas na-kidnapped si Andrie. Na-kidnapped ang anak natin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko?"Hindi ako mapakali. Nag-uunahan lamang sa pagpatak ang mga luha ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko! Hindi ko alam!"Ano...? Nawawala si Andrie?" "Lucas hindi ko alam ang gagawin? Hindi ko alam! Kinuha nila si Andrie." "Okay! Pupuntahan kita. Kailangan natin mahanap si Andrie, okay." Ramdam ko ang pag-aalala ni Lucas sa kaniyang boses. Sobra siyang nag-aalala kay Andrie. Sa anak namin. Ramdam mong hindi siya mapakali. Nanginginig lamang ang mga kamay ko sa takot. Pumapatak lamang ang mga luha ko. Napahikbi ako sa pag-iyak. Hindi ko pinangarap ang mawalay sa akin si Andrie. Kasi hindi ko kakayanin kung mawawala siya. Ayaw ko nang mawalay pa siya sa akin. Naramdaman kong niyakap na lamang ako ni mom. Humahagulhol lamang ako sa pag-iyak. Labis akong nag-aalala sa anak ko.Ramdam ko ang paghagod ng kamay ni mom sa likuran ko. Humihikbi rin siya sa pag-iyak. Ram