Share

Kabanata 2

Author: MissLeaf
last update Last Updated: 2025-01-11 21:18:58

"Pumayag na ako kaya hindi na ako aatras."

Nag-isip si Alex ng ilang araw bago gawin ang desisyon. At dahil nakapagdesisyon na siya, hindi na siya uurong.

Narinig ni Morgan ang sinabi niya at hindi na siya pinilit pa. Kinuha niya ang kanyang ID at inilagay ito sa harap ng staff.

Ginaya rin ito ni Alex.

Mabilis na natapos ang proseso ng kanilang kasal, na tumagal nang wala pang sampung minuto.

Nang matanggap ni Alex ang marriage certificate mula sa staff, kinuha ni Morgan ang isang bungkos ng susi na matagal na niyang inihanda mula sa bulsa ng kanyang pantalon, iniabot ito kay Alex, at sinabi, "Ang bahay na binili ko ay nasa High View Village. Narinig ko kay Lola na nagbukas ka ng bookstore sa tapat ng Manila Science High school. Hindi kalayuan ang bahay ko mula doon. Kung sasakay ka ng bus, aabutin lang ito ng mahigit ten minutes."

"May lisensya ka ba? Kung meron, puwede kang bumili ng kotse. Matutulungan kitang bayaran ang down payment, at ikaw na ang magbayad ng buwanang hulog. Mas magiging madali para sa’yo ang pagpasok sa trabaho kung may kotse ka."

"Napakaabala ko sa trabaho. Maaga akong umaalis at gabi na kung bumalik, minsan pa nga ay pumupunta ako sa business trips. Kailangan mo lang alagaan ang sarili mo, huwag mo na akong alalahanin. Ipapasa ko ang gastusin sa bahay sa iyo pagkatapos ng suweldo ko."

"Isa pa, para walang gulo, itatago muna natin ang tungkol sa kasal natin."

Sanay si Morgan sa pagbibigay ng utos sa mga tao sa kumpanya. Sinabi niya ang mga bagay na ito nang sunod-sunod nang hindi hinihintay na magsalita si Alex.

Handang magpakasal si Alex nang mabilis dahil ayaw niyang mag-away pa ang kanyang kapatid at bayaw dahil sa kanya. Kailangan niyang magpakasal at lumipat mula sa bahay ng kanyang kapatid upang mapanatag ito at mabuhay nang tahimik.

Inalok siya ni Morgan ng susi ng bahay, at kinuha niya ito nang walang pag-aalinlangan.

"May lisensya ako, pero hindi ko kailangang bumili ng kotse sa ngayon. Madalas akong sumasakay ng electric scooter papasok at pauwi ng trabaho, at kakapalit ko lang ng baterya nito. Sayang naman kung hindi ko gagamitin."

"Ah, Morgan, kailangan ba natin ng split payment? Hatiin ang bawat gastusin?"

May pundasyon ng damdamin ang relasyon ng kanyang kapatid at bayaw. Ngunit kahit ganun, nagmungkahi pa rin ang bayaw niya ng split payment dahil pakiramdam nito ay dehado siya.

Alam ng Diyos kung gaano karaming oras ang kinakailangan para mag-alaga ng bata, mamalengke, magluto, at maglinis ng bahay. Ang mga lalaking walang karanasan dito ay palaging iniisip na madali lang ang ginagawa ng kanilang mga asawa sa bahay.

Siya at si Morgan ay nagkaroon lamang ng "fix marriage," at ngayon pa lang sila nagkita. Mas magiging komportable kung may split payment system sila.

Hindi man lang nag-isip si Morgan, at sinabi niya sa malamig ngunit malalim na tinig.

"Pinakasalan kita, kaya kitang suportahan at ang magiging pamilya natin. Hindi na kailangang paghatian ang lahat ng bayarin at gastusin."

Ngumiti si Alex. "Sige, ikaw ang bahala."

Hindi siya ang tipo ng tao na tatanggap lang nang walang kapalit.

Dahil nakikitira siya sa bahay nito, siya na ang bibili ng mga pangangailangan sa bahay mula sa sariling bulsa.

Pagkatapos ng lahat, nakakatipid naman siya sa upa.

Tanging sa pamamagitan ng pagbibigayan at pag-unawa sa isa’t isa magpapatuloy ang buhay.

Tiningnan muli ni Morgan ang oras gamit ang kanyang kanang kamay, at pagkatapos ay sinabi kay Alex.

"Abala ako, kailangan kong bumalik agad sa opisina. Puwede mong hiramin ang kotse ko pansamantala para makauwi, o kaya ay sumakay ka ng taxi at babayaran ko ang pamasahe mo. Si lola, ihahatid ko pa sa bahay ng kapatid ko."

"Bago ang lahat, akin na ang number mo para mas madali tayong makapag-usap."

Kinuha ni Alex ang kanyang cellphone, at ibinigay kay Morgan ang numero niya at sinabing, "Sasakay na lang ako ng taxi. Gawin mo na ang trabaho mo."

"Sige, kontakin mo ako kung may kailangan ka."

Bago umalis, iniabot ni Morgan kay Alex ang limang daang piso para sa taxi. Ayaw sana ni Alex tanggapin ito, ngunit tinapunan siya nito ng seryosong tingin kaya’t napilitan siyang kunin ang pera.

Hindi sabay lumabas ang bagong kasal mula sa Munisipyo. Naunang lumabas si Morgan.

Paglabas niya, diretso siyang pumunta sa sasakyan.

"Nasaan ang manugang ko?" tanong ni Lola Paula nang makita niyang mag-isa lang lumabas ang apo niya. "Sabay kayong pumasok, bakit hindi kayo sabay lumabas? Nagbago ba ang isip mo? O baka si Alex ang nagbago ng isip?"

Pagkatapos niyang mag-seatbelt, kinuha ni Morgan ang kanyang marriage certificate, tumalikod, at iniabot ito sa kanyang lola. "Nakuha ko na ang certificate. Pero abala ako sa opisina at kailangan bumalik para sa isang meeting. Binigyan ko siya ng limang daang piso para makasakay siya ng taxi pauwi."

"Lola, ihahatid po kita sa kanto ng subdivision at ipapaubaya sa bodyguard ang pag-uwi mo."

"Kahit gaano ka kaabala, hindi mo pwedeng iwanan si Alex mag-isa. Huwag kang umandar! Hintayin mo si Alex sa labas, ihatid mo siya pauwi, at saka ka magtrabaho," sagot ni Lola Paula habang nagtatangkang bumaba ng sasakyan, ngunit naka-lock ang pinto.

"Lola, pumayag na po akong pakasalan siya. Huwag mo niyo na ho sanang pakialaman ang iba pang bagay. Dahil kasal na kami at kailangan naming magsama, ako na ang magdedesisyon mula ngayon. Isa pa, kailangan ko munang alamin ang kanyang ugali. Hangga't hindi siya pumapasa sa pagsusuri ko, hindi ako magiging tunay na mag-asawa sa kanya."

"Ang mga lalaki sa pamilya natin ay hindi pabaya sa kanilang asawa, Morgan!" galit na sagot ni Lola Paula.

"Depende po iyon kung ang napiling asawa ni lola para sa akin ay karapat-dapat na maging kasama ko habang buhay," sagot ni Morgan habang pinapaandar ang sasakyan.

"Ikaw talagang batang ‘to, napaka-istrikto mo!" galit na sabi ng kaniyang Lola.

"Asawa raw? Iniwan niya agad ang bagong kasal niyang asawa pagkatapos makuha ang marriage certificate." Bulong ng matanda.

Alam ni Lola Paula na ang pinakamalaking ginawa ng kanyang apo ay ang pakasalan si Alex. Sa lahat ng iba pang bagay, nanindigan ito sa mga prinsipyo nito, at wala siyang magawa laban dito. Kung pipilitin pa niya nang sobra, baka tuluyang gawing biyuda ni Morgan si Alex habang-buhay. Imbes na makatulong, mapapasama pa si Alex.

Hinayaan lang ni Morgan na pagalitan siya ng kanyang lola.

Kung talagang mabuting tao si Alex, susuklian niya ang mga kabutihan nito. Ngunit kung niloko nito ang kanyang lola at ang kabutihan nito ay peke lamang, sa loob ng kalahating taon ay hihiwalayan niya ito. Gayunpaman, hindi naman niya ito hinawakan, at lihim ang kanilang kasal. Maaari pa rin itong magpakasal sa isang mabuting pamilya pagkatapos ng diborsyo.

Pagkatapos ng sampung minutong pagmamaneho, huminto ang kotse sa isang kanto.

May ilang mamahaling sasakyan na nakaparada roon, kabilang ang isang Rolls-Royce.

Ipinarada ni Morgan ang kanyang sasakyan sa tabi ng kalsada, bumaba, itinapon ang susi ng kotse sa naghihintay na bodyguard, at iniutos, "Ihatid niyo si Lola pauwi."

"Hindi ako uuwi! Gusto kong tumira sa inyo at samahan ang aking manugang!" protesta ni Lola Paula.

Ngunit pumasok na ang kanyang mahal na apo sa Rolls-Royce at hindi pinansin ang kanyang reklamo.

Wala siyang nagawa kundi panoorin ang kanyang apo na pumasok sa mamahaling sasakyan at umalis.

Si Morgan ay maala prinsipe pala ng komunidad ng negosyo sa VLM Corporation at pinuno ng pinakamayamang tao sa lungsod, na may netong halagang umaabot sa daan-daang bilyong piso!

"Ikaw talagang walang-hiya! Napakawalang-puso mo!" galit na bulalas ni Lola Paula. Pagkatapos ay bumulong siya nang may inis, "Mas mabuti kung dumating ang araw na mahalin mo nang todo si Alex. Hintayin mo, gusto kong makita ang araw na mababaliktad mo ang sitwasyon at masampal ako sa mukha dahil sa'yo."

Kahit gaano siya ka-galit, wala siyang magawa upang pababain muli ang kanyang apo. Agad niyang tinawagan si Alex, na nasa daan na pauwi sakay ng taxi.

"Alex, sobrang abala lang talaga si Morgan sa trabaho. Huwag mo na siyang alalahanin."

Hinawakan ni Alex ang marriage certificate na isinilid niya sa kanyang bag at sinabing, "Lola Paula, naiintindihan ko po. Wala po akong sama ng loob, huwag po kayong mag-alala. Binayaran niya naman po ang pamasahe ko sa taxi, kaya pauwi na ako ngayon."

"Nakuha niyo na ang marriage certificate, pero tawag mo pa rin sa akin ay Lola Paula. Masyadong pormal ang pagtawag mo saakin."

Sandaling natigilan si Alex, ngunit agad niyang binago ang kanyang tawag at tinawag itong lola.

Masaya namang sumagot ang matanda.

"Alex, pamilya na tayo mula ngayon. Kapag may ginawang masama ang masama ng apo ko, sabihin mo agad sa akin. Ako ang bahala sa kanya!"

Ang matanda, na sa wakas ay nakahanap ng manugang, ay hindi hahayaan ang kanyang apo na manakit ng iba.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Melida Cebujano Kristal
susunod na pahina Po pls!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 3

    "Opo Lola, gagawin ko po." Kaswal lang ang naging sagot ni Alex. Bagamat mabait si Lola Paula sa kanya, apo pa rin nito si Morgan, at siya ay asawa lamang ng apo nito. Kung sakaling magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang mag-asawa, kakampi kaya ang pamilya Villamor sa kanya? Hindi na

    Last Updated : 2025-01-11
  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 4

    "Ate, ikaw na rin ang nagsabi, iyon ay ari-arian niya bago kami ikinasal. Wala akong naibigay kahit isang kusing, kaya ang hingin sa kanya na ilagay rin ang pangalan ko sa titulo ay parang hindi naman tama. Huwag na nating pag-usapan iyon."Pagkakuha pa lang ng certificate, ibinigay na agad ni Morgan ang susi ng bahay sa kanya, at maaari na siyang lumipat kaagad. Napakalaking tulong na ang masolusyunan ang problema niya sa tirahan.Hindi niya kailanman hihilingin kay Morgan na idagdag ang pangalan niya sa titulo. Ngunit kung kusa itong gagawin ni Morgan, hindi niya ito tatanggihan. Sa pagiging mag-asawa, desidido na silang magkasama sa buhay.Sinabi lang iyon ni Bea, ngunit alam niyang ang kapatid niya ay hindi mapaghanap at masyadong ma-prinsipyo. Hindi na siya nagpumilit pa sa isyu.Matapos ang maraming tanong mula sa kanyang kapatid, sa wakas ay nakalipat si Alex mula sa bahay nito.Gusto sanang ihatid siya ng kanyang kapatid sa bago nitong tutuluyang bahay, ngunit nagkataon na nag

    Last Updated : 2025-01-11
  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 5

    "Ituloy na natin ang meeting." Walang pakialam na sinabi ni Morgan. Lumapit si Clark at mahinang nagtanong, "Kuya Morgan, narinig ko ang sinabi ni lola tungkol sa’yo. Totoo bang pinakasalan mo si Alex? Iyong babaeng malapit kay lola?" Ang pinakamalapit sa kanya ay ang kanyang mas nakababatang pi

    Last Updated : 2025-01-12
  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 6

    Pagkasakay ni Morgan sa Rolls-Royce, mahina niyang iniutos, "Sinugurado niyo bang dala niyo iyong isa pang sasakyan? Iyong mumurahin." Ginagamit niya ito para linlangin ang asawa niya. Ano nga ba ang pangalan ng asawa niya? "Ano nga pala ang pangalan niya?" Tinatamad si Morgan na kunin ang mar

    Last Updated : 2025-01-12
  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 7

    Pinahahalagahan ni Morgan ang kanyang pangangatawan at hindi niya hinahayaang mapasobra siya sa pagkain at inumin. "Napakahirap magbawas ng timbang." Ngumiti si Alex, "Kung sabagay, maganda nga ang pangangatawan mo." Mahina niyang bulong. "Kung gano’n, babalik na muna ako sa kwarto para matulog?"

    Last Updated : 2025-01-12
  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 8

    Walang sabing inilabas ni Morgan ang kaniyang wallet para iabot ang isang card sa kaniya. Itinulak niya pabalik kay Morgan ang bank card at ang papel na may nakasulat na password, at hindi man lang niya ito tinignan. "Sir Morgan, ang tahanang ito ay hindi lang sa iyo. Ako rin ay nakatira dito. I

    Last Updated : 2025-01-12
  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 9

    Pumunta si Alex sa bahay ng kanyang kapatid. Pagbukas ng pinto at pagpasok sa bahay, napansin niyang abala na ang kanyang kapatid sa kusina. "Ate." "Alex, nandito ka na pala." Lumabas si Bea mula sa kusina at masayang nakita ang kapatid. "Kumain ka na ba? Nagluluto ako ng noodles, gagawan din ki

    Last Updated : 2025-01-13
  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 10

    "Sige, alis na tayo." Tahimik na nainis si Morgan kay Alex, ngunit hindi siya nagsalita o gumawa ng anumang hakbang. Si Alex ay asawa niya sa papel lamang, ngunit sa totoo lang, parang hindi sila magkakilala. Hindi na muling nagsalita ang driver at pinaandar na ulit ang kotse. Walang kamalay-mal

    Last Updated : 2025-01-13

Latest chapter

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 267

    Tahimik na nakikinig si Auntie Lia sa usapan ng mag-asawa habang nakataas ang ulo. Kung sakaling may hindi magandang mangyari, agad siyang puwedeng umeksena para iligtas ang sitwasyon. Ang panganay na amo nila ay mayabang at hindi marunong makipag-usap ng maayos. Wala siyang alam sa kung paano pali

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 266

    Agad na nakatulog si Jack sa bisig ng kanyang ina. Habang mahimbing pa ang tulog ng anak, iniabot siya ni Bea sa kanyang kapatid. Alam niyang kumuha sina Alex at ang asawa nito ng yaya—si Auntie Lia —para tulungan siya sa pag-aalaga kay Jack, kaya't labis ang pasasalamat ni Bea. Ngayon na hindi pa

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 265

    "…… Sa mga naging kaibigan ko, sinasabi ng iba na masama akong tao. Kung ikukumpara sa kanila, pakiramdam ko ay mabuti akong tao. Hindi naman ako gano’n kasama mag-isip. Minsan lang talaga mabilis na uminit ang ulo ko." Talagang nabago ang pananaw niya sa buhay dahil dito. Kaya pala may mga lolo a

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 264

    Malamig ang tono ni Alex nang sabihin niya, “Sino ba si Lance? Anong kinalaman niya sa akin? Si jack ang pamangkin kong tunay. Hindi ko ipagkakait ang tama para sa kanya para lang aliwin ang anak ng iba.” “Ano bang mali kay Jack? Ang masama ay ang apo mong pinalaki mo sa ganyang asal. Palaging inaa

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 263

    Pagkatapos magsalita ng matanda, binaba na niya ang telepono. Ngayong araw, may nakuha rin naman siya — kahit papaano, alam na niyang medyo tumatalino na ang kanyang panganay na apo. “Hay naku, para lang sa kaligayahan ng batang ‘yon habang-buhay, halos mamatay na ako sa pag-aalala. Pati buhok ko,

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 262

    “Ang tamis naman ng ngiti mo. Si mister mo ba ang nag-message sa’yo?” Biniro ni Carol ang kanyang kaibigan. Nang makita niyang tila nagkakaroon na ng damdamin para sa isa’t isa sina Alex at Morgan, natuwa si Carol para sa kaibigan niya. Inaasahan niyang magpapakasal na ang dalawa balang araw, at i

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 261

    "Ay nga pala, muntik ko nang makalimutan, Carol, gusto kang ipakilala ng asawa ko sa isang kaibigan niya. Isa siyang katrabaho niya sa kompanya, halos kaedad niya. Sabi nila, guwapo raw, maganda ang kita, at maganda rin ang pinanggalingang pamilya. Dahil sobrang abala siya sa trabaho, hindi pa siya

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 260

    Pagkatapos, ayon sa kahilingan ni Samantha, tinulungan ng dalawang babae na ipasok sa tindahan ang lahat ng pinamili mula sa sasakyan. "Ang mga laruan ay para kay Jack." Hindi na matandaan ni Samantha ang ibang bagay na binili niya, pero naalala niya ang mga laruan. Gusto rin niyang mapalapit kay

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 259

    Kailangang kumayod para kumita, kaya walang oras para makasama siya. Suminghot si Bea, hindi lumingon, at mabilis na nagbisikleta palayo habang pinatitigas ang loob niya. Mabuti na lang at hindi na niya naririnig ang iyak ng anak niya. Binuhat ni Alex si Jack papasok sa sasakyan. Matagal nila ito

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status