Share

Kabanata 4

Author: MissLeaf
last update Last Updated: 2025-01-11 21:20:42

"Ate, ikaw na rin ang nagsabi, iyon ay ari-arian niya bago kami ikinasal. Wala akong naibigay kahit isang kusing, kaya ang hingin sa kanya na ilagay rin ang pangalan ko sa titulo ay parang hindi naman tama. Huwag na nating pag-usapan iyon."

Pagkakuha pa lang ng certificate, ibinigay na agad ni Morgan ang susi ng bahay sa kanya, at maaari na siyang lumipat kaagad. Napakalaking tulong na ang masolusyunan ang problema niya sa tirahan.

Hindi niya kailanman hihilingin kay Morgan na idagdag ang pangalan niya sa titulo. Ngunit kung kusa itong gagawin ni Morgan, hindi niya ito tatanggihan. Sa pagiging mag-asawa, desidido na silang magkasama sa buhay.

Sinabi lang iyon ni Bea, ngunit alam niyang ang kapatid niya ay hindi mapaghanap at masyadong ma-prinsipyo. Hindi na siya nagpumilit pa sa isyu.

Matapos ang maraming tanong mula sa kanyang kapatid, sa wakas ay nakalipat si Alex mula sa bahay nito.

Gusto sanang ihatid siya ng kanyang kapatid sa bago nitong tutuluyang bahay, ngunit nagkataon na nagising ang pamangkin niyang si Jack. Pagkagising nito, agad itong umiyak at hinanap ang kanyang ina.

"Ate, alagaan mo nalang muna si Jack. Kaunti lang naman ang gamit ko, kaya ko nang mag-isa."

Kailangan ring pakainin ni Bea ang kanyang anak, at pagkatapos ay maghahanda ng tanghalian. Kung dumating ang kanyang asawa mula sa trabaho sa tanghali at wala pang nakahandang pagkain, siguradong pagagalitan siya nito sa pagiging mabagal sa gawaing bahay.

Wala siyang magawa kundi sabihin, "Sige, mag-ingat ka sa daan. Kakain ka ba ng tanghalian dito mamaya? Imbitahan mo kaya ang asawa mo?"

"Ate, babalik pa ako sa tindahan sa tanghali, kaya hindi ako makakapunta. Abala rin sa trabaho ang asawa ko. Sabi niya, kailangan niyang mag-business trip mamaya. Baka matagalan pa bago ko siya madala rito para makilala sa inyo."

Bigla niyang naalala na nagsinungaling siya.

Hindi niya talaga kilala si Morgan, ngunit narinig niya mula kay Lola Paula na abala ito sa trabaho. Maaga itong umaalis at gabi na kung bumalik. Minsan ay may mga business trips na inaabot ng sampung araw o kalahating buwan. Hindi niya alam kung kailan ito puwedeng imbitahin, kaya hindi siya nangahas magbigay ng pangako sa kanyang kapatid, baka masira lang ang salita niya.

"Kakakuha n'yo pa lang ng marriage certificate ngayong araw, pero magba-business trip na siya kaagad," puna ni Bea. Ramdam niyang hindi masyadong pabor ang kaniyang ate sa kaniyang asawa.

"Kakakuha pa lang namin ng marriage certificate, pero wala pa kaming kasal. Kung kailangan niyang mag-business trip, hayaan mo siya. Makakagawa pa siya ng mas maraming pera. Marami pang gastusin sa hinaharap. Ate, aalis na ako. Pakainin mo na si Jack."

Kumaway si Alex bilang pamamaalam sa kanyang kapatid at pamangkin, saka kinuha ang kanyang maleta at bumaba ng hagdan.

Alam niya kung nasaan ang High View Village, ngunit hindi pa siya nakapapasok dito.

Tumawag siya ng taxi at dumiretso roon. Pagdating niya, naalala niyang nakalimutan niyang itanong kay Morgan kung saang building mismo at ang palapag ng bahay nito.

Dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone para tawagan si Morgan, ngunit hindi niya alam ang kanyang numero… nalimutan niyang hingin.

Hindi niya ma-contact si Morgan gamit ang tawag. Sakto namang nakita niya ang text ni Morgan kanina lamang. Pinapaalalang nalimutan niyang kunin ang numero niya.

Kaagad niya itong tinawagan.

Nasa meeting naman si Morgan noong mga oras na iyon, at lahat ng nasa conference room ay naka-mute ang kanilang mga telepono. Isa sa kanyang mga mahigpit na patakaran ay bawal ang pagsagot ng personal na tawag habang nasa meeting.

Pati ang kanyang telepono ay naka-mute, ngunit ito ay nasa mesa niya kaya agad niyang nakita ang voice call mula sa di rehistrading numero.

Nang kunin ang numero ni Alex ay nalimutan niya naman itong ilagay sa mismong telepono niya. Dahil hindi niya ito nakilala, agad niyang kinuha ang kanyang telepono at tinanggihan ang tawag nang hindi nag-iisip.

Pagkatapos, diretsahan niyang dinilete si Alex mula sa call history.

Walang kaalam-alam si Alex sa serye ng mga ginawa ni Morgan. Nang makita niyang hindi sinagot ni Morgan ang kanyang voice call, sinubukan niyang magpadala ng mensahe sa halip.

Nag-type siya, "Mr. Morgan Villamor? Nandito na ako sa High View Village, pero hindi ko alam kung anong numero at palapag ang bahay ninyo."

Pagkatapos niyang pindutin ang send, at maghintay ay laking gulat niya ng wala siyang matanggap na mensahe pabalik. 

Napatitig siya sa kanyang telepono nang tulala. Binabaan agad siya ng tawag at di manlang sagutin ang text niya.

"Bakit walang reply?"

Bulong ni Alex sa sarili habang sinusubukang alalahanin kung nagkamali ba siya ng tinawagan? Pero may text naman ito sa kaniya.

Sigurado siyang tama ang numerong iyon. 

"Nakalimutan ba niyang mag-asawa na kami?"

Sa totoo lang, kung hindi lang siya lumipat mula sa bahay ng kanyang kapatid, malamang makakalimutan din niyang may asawa siya.

Kaya tumawag na lang siya kay Lola Paula. Nang sagutin ni Lola Paula ang tawag, sinabi ni Alex, "Lola, lumipat na po ako mula sa bahay ng kapatid ko at nandito na ako sa High View Village. Pero hindi ko po alam kung saang palapag nakatira si Mr. Morgan—uh— este si Morgan. Lola, alam niyo po ba?"

Sandaling natigilan si Lola Paula, "..."

"Alex, huwag kang mag-alala. Tatawagan ko ang apo ko ngayon."

Dahil hindi rin alam ni Lola Paula.

Para mapag-aralan si Alex, sinigurado ni Morgan na ipaalam sa kanya na bago lang nabili ang bahay at sasakyan. Ang tanging alam ni Lola Paula ay ang bahay sa High View ay binili ng kanyang apo bago sila magpa rehistro ng kasal.

Pagkatapos niyang sabihin iyon, ibinaba ni Lola Paula ang tawag kay Alex at agad na tumawag kay Morgan.

Samantala, si Morgan ay dinilete ang bagong numero ng asawa at ibinalik ang kanyang telepono sa mesa upang magpatuloy sa meeting. Hindi pa lumilipas ang tatlong minuto nang muli itong mag-ilaw, at nakita niyang ang tumatawag ay ang kanyang lola.

Nang tumunog ang telepono ni Morgan, wala siyang nagawa kundi sagutin ito.

"Lola, nasa meeting po ako ngayon," sabi niya nang mababa ang boses. "Kung hindi naman po masyadong importante, pwede po ba nating pag-usapan ito pag-uwi ko?"

"Apo, anong gusali at palapag ang bagong apartment na binili mo sa High View Village? Nasa lugar na si Alex pero hindi niya alam kung anong palapag ang bahay ninyo. Hindi mo ba tinext? Sabihin mo na agad sa kanya," sabi ni Lola Paula.

Napataas ang kilay ni Morgan, bigla niyang naalala na ikinasal siya ngayong araw. Pinakasalan niya ang isang babaeng mahal na mahal ng kanyang lola ngunit hindi naman niya kilala. Parang Alex ang pangalan nito. Naalala rin niya na kakadelete lang niya sa numero nito kanina.

"Lola, sabihin mo po sa kanya nasa ikawalong palapag ng Building B, Room 808," sagot niya.

"Sige, Apo. Sasabihin ko na sa kanya. Balik ka na sa trabaho mo," sagot ni Lola, agad na binaba ang tawag para iparating ang impormasyon kay Alex.

Tinitigan ni Morgan ang telepono niya nang sandali, saka nagpasya na itext muli si Alex gamit ang numero nito.

"Pasensya na, nakalimutan kong ikaw pala iyon, nawala sa isip ko." mensahe ni Morgan bilang paghingi ng tawad.

Si Alex ay nakatulong noon kay Lola Paula, dahilan para maging malapit siya sa pamilya ng matanda. Noong una, ang mga anak ni Lola Paula ang nagpasalamat kay Alex. Ngunit si Morgan, na laging abala, ay hindi pa siya personal na nakilala. Kahit madalas banggitin ni Lola Paula si Alex, hindi niya iyon pinansin at hindi ito tumatak sa kanya.

Sumagot si Alex, "Ayos lang. Abala ka naman sa trabaho. Ikaakyat ko na ang mga gamit ko."

"Kailangan mo ba ng tulong?" tanong ni Morgan.

"Isang maleta lang naman ang dala ko. Kaya ko na itong iakyat mag-isa. Pero kung kailangan ko talaga ng tulong, babalik ka ba para tulungan ako?"

"Hindi," sagot ni Morgan nang prangka.

Sobrang dami ng trabaho niya at wala siyang oras para bumalik.

Nagpadala si Alex ng laughing-crying emoji bilang sagot at hindi na muling nag-reply. Natawa na lamang siya sa sagot ni Morgan. Naiintindihan niya ang sitwasyon at piniling huwag na itong istorbohin.

Masaya si Morgan na wala nang abala. Dahil hindi pa sila gaanong magkakilala, pakiramdam niya wala rin naman silang masyadong mapag-uusapan.

Tahimik siyang umaasa na magiging masunurin si Alex bilang asawa at hindi siya iistorbohin para sa maliliit na bagay. Wala siyang sapat na oras para asikasuhin ang mga iyon.

Pagkababa ng telepono sa mesa, tumingala si Morgan at napansin na nakatingin ang lahat sa loob ng meeting room sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 5

    "Ituloy na natin ang meeting." Walang pakialam na sinabi ni Morgan. Lumapit si Clark at mahinang nagtanong, "Kuya Morgan, narinig ko ang sinabi ni lola tungkol sa’yo. Totoo bang pinakasalan mo si Alex? Iyong babaeng malapit kay lola?" Ang pinakamalapit sa kanya ay ang kanyang mas nakababatang pi

    Last Updated : 2025-01-12
  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 6

    Pagkasakay ni Morgan sa Rolls-Royce, mahina niyang iniutos, "Sinugurado niyo bang dala niyo iyong isa pang sasakyan? Iyong mumurahin." Ginagamit niya ito para linlangin ang asawa niya. Ano nga ba ang pangalan ng asawa niya? "Ano nga pala ang pangalan niya?" Tinatamad si Morgan na kunin ang mar

    Last Updated : 2025-01-12
  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 7

    Pinahahalagahan ni Morgan ang kanyang pangangatawan at hindi niya hinahayaang mapasobra siya sa pagkain at inumin. "Napakahirap magbawas ng timbang." Ngumiti si Alex, "Kung sabagay, maganda nga ang pangangatawan mo." Mahina niyang bulong. "Kung gano’n, babalik na muna ako sa kwarto para matulog?"

    Last Updated : 2025-01-12
  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 8

    Walang sabing inilabas ni Morgan ang kaniyang wallet para iabot ang isang card sa kaniya. Itinulak niya pabalik kay Morgan ang bank card at ang papel na may nakasulat na password, at hindi man lang niya ito tinignan. "Sir Morgan, ang tahanang ito ay hindi lang sa iyo. Ako rin ay nakatira dito. I

    Last Updated : 2025-01-12
  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 9

    Pumunta si Alex sa bahay ng kanyang kapatid. Pagbukas ng pinto at pagpasok sa bahay, napansin niyang abala na ang kanyang kapatid sa kusina. "Ate." "Alex, nandito ka na pala." Lumabas si Bea mula sa kusina at masayang nakita ang kapatid. "Kumain ka na ba? Nagluluto ako ng noodles, gagawan din ki

    Last Updated : 2025-01-13
  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 10

    "Sige, alis na tayo." Tahimik na nainis si Morgan kay Alex, ngunit hindi siya nagsalita o gumawa ng anumang hakbang. Si Alex ay asawa niya sa papel lamang, ngunit sa totoo lang, parang hindi sila magkakilala. Hindi na muling nagsalita ang driver at pinaandar na ulit ang kotse. Walang kamalay-mal

    Last Updated : 2025-01-13
  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 11

    Ang banquet ay ginanap sa isang malaki at prestihiyosong Hotel, isang lugar na hindi kailanman naisip ni Alex na mapuntahan sa normal na pagkakataon. Ang Okada Hotel, na kilala bilang isa sa pinakamaluhong hotel sa lungsod, ay madalas tawaging "seven-star hotel." Hindi alam ni Alex kung tunay bang

    Last Updated : 2025-01-13
  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 12

    --- Unang beses ni Alex sa loob ng Okada Hotel, ngunit si Carol ay ilang beses nang nakapunta rito. Pagkatapos kumuha ng tig-dalawang plato ng pagkain, nagtungo sila sa isang tahimik na sulok. "Hindi natin kilala ang mga babaeng naririto. Kung babati tayo sa kanila, malamang hindi rin nila tayo pa

    Last Updated : 2025-01-13

Latest chapter

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 267

    Tahimik na nakikinig si Auntie Lia sa usapan ng mag-asawa habang nakataas ang ulo. Kung sakaling may hindi magandang mangyari, agad siyang puwedeng umeksena para iligtas ang sitwasyon. Ang panganay na amo nila ay mayabang at hindi marunong makipag-usap ng maayos. Wala siyang alam sa kung paano pali

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 266

    Agad na nakatulog si Jack sa bisig ng kanyang ina. Habang mahimbing pa ang tulog ng anak, iniabot siya ni Bea sa kanyang kapatid. Alam niyang kumuha sina Alex at ang asawa nito ng yaya—si Auntie Lia —para tulungan siya sa pag-aalaga kay Jack, kaya't labis ang pasasalamat ni Bea. Ngayon na hindi pa

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 265

    "…… Sa mga naging kaibigan ko, sinasabi ng iba na masama akong tao. Kung ikukumpara sa kanila, pakiramdam ko ay mabuti akong tao. Hindi naman ako gano’n kasama mag-isip. Minsan lang talaga mabilis na uminit ang ulo ko." Talagang nabago ang pananaw niya sa buhay dahil dito. Kaya pala may mga lolo a

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 264

    Malamig ang tono ni Alex nang sabihin niya, “Sino ba si Lance? Anong kinalaman niya sa akin? Si jack ang pamangkin kong tunay. Hindi ko ipagkakait ang tama para sa kanya para lang aliwin ang anak ng iba.” “Ano bang mali kay Jack? Ang masama ay ang apo mong pinalaki mo sa ganyang asal. Palaging inaa

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 263

    Pagkatapos magsalita ng matanda, binaba na niya ang telepono. Ngayong araw, may nakuha rin naman siya — kahit papaano, alam na niyang medyo tumatalino na ang kanyang panganay na apo. “Hay naku, para lang sa kaligayahan ng batang ‘yon habang-buhay, halos mamatay na ako sa pag-aalala. Pati buhok ko,

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 262

    “Ang tamis naman ng ngiti mo. Si mister mo ba ang nag-message sa’yo?” Biniro ni Carol ang kanyang kaibigan. Nang makita niyang tila nagkakaroon na ng damdamin para sa isa’t isa sina Alex at Morgan, natuwa si Carol para sa kaibigan niya. Inaasahan niyang magpapakasal na ang dalawa balang araw, at i

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 261

    "Ay nga pala, muntik ko nang makalimutan, Carol, gusto kang ipakilala ng asawa ko sa isang kaibigan niya. Isa siyang katrabaho niya sa kompanya, halos kaedad niya. Sabi nila, guwapo raw, maganda ang kita, at maganda rin ang pinanggalingang pamilya. Dahil sobrang abala siya sa trabaho, hindi pa siya

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 260

    Pagkatapos, ayon sa kahilingan ni Samantha, tinulungan ng dalawang babae na ipasok sa tindahan ang lahat ng pinamili mula sa sasakyan. "Ang mga laruan ay para kay Jack." Hindi na matandaan ni Samantha ang ibang bagay na binili niya, pero naalala niya ang mga laruan. Gusto rin niyang mapalapit kay

  • Capturing the Billionaire's Heart   Kabanata 259

    Kailangang kumayod para kumita, kaya walang oras para makasama siya. Suminghot si Bea, hindi lumingon, at mabilis na nagbisikleta palayo habang pinatitigas ang loob niya. Mabuti na lang at hindi na niya naririnig ang iyak ng anak niya. Binuhat ni Alex si Jack papasok sa sasakyan. Matagal nila ito

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status