Sinabi ni Lola na kung tatawagin niya si Morgan habang natutulog ito at magigising sa kanyang panaginip, siguradong magagalit ito.Tiningnan ni Alex ang oras. Lagpas hatinggabi na.Kadalasan ay umuuwi si Morgan ng ganitong oras, kaya malamang ay hindi pa ito natutulog.Tinawagan ni Alex si Morgan.Si Morgan ay natutulog pa rin. Sinadya niyang i-lock ang pinto, ngunit hindi niya alam kung bakit. Gayunpaman, naiinis siya nang makita si Alex na kasama si Clark.Ang tusong babaeng iyon, malinaw na naramdaman niyang wala siyang makukuhang malaking benepisyo kay Morgan, kaya abala siya sa paghahanap ng ibang “lalaki.”Niloko ni Alex si Lola.Tatlong buwan pa lang kilala ni Lola si Alex. Gaano niya kakilala si Alex?Ngunit dahil sa utang na loob, labis ang tiwala ni Lola kay Alsx at paulit-ulit niyang sinasabi na si Morgan ang magpakasal dito.Nang makita ni Morgan na walang tigil sa pag-ring ang telepono, hindi niya sinagot ang tawag ni Alex.Pagkalipas ng ilang sandali, kusa itong naputol.
Tensiyonado ang mukha ni Morgan, ngunit tahimik na namumula ang kanyang mga tainga. Dahil iyon sa maling pagkakaintindi niya kay Alex, at hindi dahil nahihiya siya. Hindi siya nahihiya! Paano magiging mahiyain si Morgan?"Ito ay usapin ng dignidad ng isang lalaki!"Napairap si Alex.Sa pagkakataong ito, namula nang husto ang gwapong mukha ni Morgan."Hindi kita gusto, lalo nang hindi kita mahal. Paano ako magseselos? Basta’t hindi ka magtataksil habang kasal tayo, wala akong pakialam kung sino ang kasama mo.""Hindi mo kailangang ulit-ulitin na hindi mo ako gusto at hindi mo ako mahal, na para bang sobra kitang gusto at mahal. Kinasal tayo, pero magkasama lang tayong nakatira. Sasabihin ko sa’yo ang totoo. Hindi ko gustong magmadaling umalis ang kapatid ko dahil sa alitan nila ng bayaw ko, kaya pumayag akong magpakasal sa’yo para lang magkaroon ako ng matitirahan.""Kung tungkol sa intensyon, ito ang intensyon ko para sa’yo. May condo ka, kaya libre akong makatira doon, makatipid ng u
"May sakit si Lola, may liver cancer siya. Buti na lang nasa early stage pa lang," sabi ni Paolo sa telepono. "Ang sabi ng doktor, mas mabuti kung ma-confine siya sa ospital sa lungsod. Kayo ng kapatid mo ay naka-settle na sa lungsod at pamilyar na sa lugar doon. Kayo na ang mag-asikaso ng appointment ni Lola at mag-arrange ng lahat. Papunta na kami doon para dalhin si Lola sa ospital." "Para pagdating niya, maipasok agad siya sa ospital at maumpisahan ang gamutan. Narinig ko rin na kailangang magbayad ng deposit sa ospital, kaya kayo na ang magbayad. Kahit wala na ang mga magulang ninyo, may bahagi rin kayo sa pamilya. Sa loob ng maraming taon, wala kayong naibigay na suporta sa kanila. Ngayong may sakit si Lola, kayo na ang sasagot sa gastos bilang kabayaran sa mga taon ng hindi ninyo pagbibigay ng suporta." Pagkarinig ni Alex sa sinabi ng pinsan niya, nanlumo siya at namutla ang mukha. Namatay ang mga magulang niya noong siya’y sampung taong gulang. Ang perang kompensasyon m
"Hindi ba kayo pinagtanggol ng mga lolo at lola ninyo?"Sa pangkalahatan, mahal ng mga lolo’t lola ang kanilang mga apo.Mapait na sinabi ni Alex, "Mahirap ang buhay ng nanay ko. Inampon siya at ilang beses ipinasa-pasa bago tuluyang inampon ng lolo’t lola ko. Hindi siya tunay na anak. Kaya’t imposibleng asahan na ibibigay nila ang lahat para sa amin. Pakiramdam nila, pinalaki na nila ang nanay ko, pero bago nila natamasa ang biyaya mula sa kanya, namatay na siya. Malaki raw ang kanilang kawalan.""Kumuha rin sila ng pera mula sa kompensasyon. Ang natira na lang sa amin ng ate ko ay isang daang libo nalang mahigit. Sino ba ang mag-aalala para sa amin? Sino ang susuporta sa amin? Lahat sila, iniisip lang ang sarili nilang interes. Takot na takot silang mawalan. Kung hindi dahil sa konsensya ng mga opisyal ng baryo na tumangging pumayag, baka wala ni isang kusing na nakuha kami ng ate ko."Habang inaalala ang nakaraan, tumingin si Alex sa bintana. Dalawang linya ng luha ang pumatak mula
"Ang lola ko, hindi tumitigil sa pangungulit na pakasalan ko raw si Alex. Sinabi ko na sa'yo 'yun.""E hindi ba pinakasalan mo na siya? Kinukulit ka ba ulit ni Lola na magpakasal naman sa iba?"Biro ni Samuel habang nagsasalita.Nagdilim ang mukha ni Morgan, "Isa lang ang kaya kong pakasalan. Walang pangalawang babae para sa mga lalaki sa pamilya namin maliban sa kanilang asawa.""Interesado ka ba sa asawa mo kaya gusto mong paimbestigahan ang nakaraan niya?""Hindi ko masasabing interesado ako. Iniisip ko lang na dahil mag-asawa kami, kailangang malaman ko ang ilang bagay tungkol sa kanya. Tulungan mo lang akong alamin ang background ng pamilya niya."Ibinahagi ni Alex ang ilang bagay tungkol sa pamilya nila, pero hindi lahat. Naisip niyang humingi ng tulong kay Samuel para alamin ang iba pa, para magkaroon siya ng ideya at matulungan si Alex kapag nagkaroon ito ng problema.Sa hinaharap, huwag na sanang maging padalos-dalos sa mga bagay, huwag magkamaling maghusga at manisi ng basta
Hindi yata kayang magsabi ng magagandang salita ni Morgan.Mas mabuting magpakumbaba siya gamit ang mga konkretong aksyon.“Bakit, nagkamali ka ba ng akala sa asawa mo? Ano bang naging maling akala mo tungkol sa kanya? Na umabot pa at naisipan mong magbigay ng regalo para humingi ng tawad,” ani Samuel, na biglang umusbong ang pagka-usisero.“Wala kang pakialam. Bumalik ka na sa trabaho. Makipag-usap ka kay Assistant Director tungkol sa kooperasyon ngayong gabi. Wala akong oras mamaya.”Kailangan kong samahan ang asawa ko sa bahay ng tiyahin ko para maghapunan.“Bakit wala ka na namang oras? Ano na naman ang gagawin mo?”“Dapat mong malaman, ang lalaking may pamilya ay hindi puwedeng ibuhos lahat ng oras sa kumpanya. Madali siyang lokohin.”Hindi siya makapagsalita. Tumagal pa ng ilang segundo bago niya naunawaan na iniwasan ng boss niya ang lakad para lang samahan ang asawa nito.Ang mag-asawa ba talaga ay sobrang espesyal?Siya, si Samuel, ay pwede ring magpakasal. Sa hinaharap, hind
Nang bagong kasal pa lang sila, puno ng matatamis na salita ang asawa niya. Nang kumbinsihin siyang magbitiw sa trabaho, sinabi nitong andiyan siya, at kahit bumagsak pa ang langit, hinding hindi siya nito iiwan. Sinabi rin nitong kaya niyang suportahan siya at hayaang manatili sa bahay bilang pinakamaganda niyang asawa.Maaga pa lang ay ipinagbuntis na siya, kaya napilitan siyang mag-resign dahil sa pagbubuntis.Sa pag-aalaga ng bata, nagbago ang hugis ng katawan niya. Para magkaroon ng gatas na maipapakain sa anak, kumain siya nang marami, kaya lalo siyang lumaki at tumaba.At dahil doon, nag-umpisa siyang pandirihan ng asawa niya.Tiningnan ni Bea ang anak niyang nasa stroller. Parang naramdaman ni Jack ang nararamdaman ng ina. Lumingon siya rito at tinawag ito sa malambing na boses ng isang sanggol."Mommy."Mahinang tumugon si Bea, hinaplos ang ulo ng anak, at malambing na sinabi, "Ang bait-bait naman ni Jack.""Mommy, Tita.""Gusto mo bang makita si Tita? Tatawagin ni Mommy si T
"Hindi mo ba sinabi na paunang bayad lang ang ibibigay mo?" Mahinang tanong ni Alex sa kanya. "Hindi naman mahal ang napili mong sasakyan, kaya kung kayang bayaran nang buo, mas mabuting bayaran na lang nang buo." Sabi ni Alex, "Ire-remit ko sa'yo ang kalahati ng pera mamaya." Tiningnan siya ni Morgan. "Hindi na kailangan." Napakurap si Alex. "Hindi na kailangan"—ibig sabihin, binigyan lang siya nito ng kotse? Bagaman hindi ganoon kamahal ang pinili niyang sasakyan, nagkakahalaga pa rin ito ng daan-daang libong piso. Kahit pa mag-asawa sila, bago pa lang silang kasal at halos hindi pa lubos na magkakilala. Ang pinaka-mahalaga, may pinirmahan silang kasunduan na maghihiwalay sila pagkalipas ng kalahating taon. Bigla na lang siyang binigyan ng kotse na ganoong halaga? Hindi niya matatanggap nang basta-basta ang isang regalong wala siyang pinaghirapan, kaya bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya napigilan ang sarili at hinila si Morgan palabas ng dealership, saka na
Napatawa ng dalawang beses si Alex at sinabing, "Narinig kong nasa ospital sina lolo at lola. Basta't hindi sila natutulog o kumakain, ang ginagawa lang nila ay laitin ako. Ni hindi nila iniisip na may mali sila. Seryoso ba kayong gusto nilang humingi ng tawad sa amin?"Napanganga si Paolo, tila may gustong ipagtanggol para sa mga lolo’t lola nila, ngunit walang lumabas na salita.Alam niyang hindi naman talaga nagpakumbaba sina lolo at lola. Napilitan lang silang makinig sa mungkahi ng pamilya para matapos na ang gulong ito at maiwasan pang madamay ang kanilang mga buhay at kabuhayan.Alam nilang oras na magkasundo na ang magkabilang panig, unti-unting lalamig ang isyu. May mga bagong usapin na lilitaw sa hot searches, at mawawalan ng pansin ang mga netizens sa nangyari sa kanila. Sa huli, makakabalik din sila sa tahimik nilang buhay.Napagtanto rin nilang makapangyarihan nga ang internet — tulad ng tubig, kaya nitong itaguyod ka o kaya'y palubugin. Hindi na sila basta-bastang gagami
"Pero kayo, ginagamit niyo ang moralidad para gipitin kami, pinapalitan ang tama ng mali, at sinisisi ako sa pagiging walang utang na loob. Hindi ako bibisita sa kanya o magbibigay ng pera. Pinagsalitaan niyo na ako ng masama, tapos gusto niyo pa akong pumunta roon para muli akong sumbatan?""Alex, sila pa rin ang ating mga lolo't lola. Kahit pagsabihan ka ni lola, hindi ka naman masasaktan. Kahit hindi niyo kailangang buhayin ang dalawang matanda, sinumang may kaunting konsensya ay magbibigay man lang ng panggastos nila. Ang tagal niyo nang hindi bumabalik ng probinsya para dalawin sila, at ni singkong duling, wala kayong naibigay. Basta malinaw ang konsensya mo, wala kaming sasabihin.""Binura na namin ang blog post na isinulat namin. Dapat burahin mo na rin 'yung sayo. Alam mo bang malaking epekto ang idinulot ng ginawa mo sa amin? Cyberbullying ang ginagawa mo sa amin. Pwede ka naming idemanda, pero nakikipag-usap muna kami nang pribado dahil magpipinsan tayo. Ayaw naming umabot s
Hindi sumagot si Carol, kaya si Clark na ang sumagot kay Alex.Nagdala siya ng masarap na agahan para sa dalawang babae. Mayaman din ang pamilya nila Clark — ang kanilang kusinero ay kinuha pa mula sa isang five-star hotel at binayaran ng malaking halaga. Talagang espesyal at masarap ang mga luto. Dahil magkakilala na sila mula pagkabata, kabisado niya ang mga paborito ng dalawa."Swerte natin ngayon."Masayang tinikman ni Alex at ng kanyang kaibigan ang pagkaing dinala ni Clark para sa kanila.Habang pinapanood ni Clark na nag-eenjoy ang dalawa sa pagkain, hindi niya mapigilang ngumiti."Ate Alex,"Tanong ni Clark na may ngiti "Kailan ka libre para ilibre ako gaya ng sabi mo noong nakaraan?""Ngayong Sabado, tanghali. Ako na ang taya. Saan mo gustong kumain? Sasama rin si Carol. Tutal, hindi naman masyadong maraming tao sa tindahan tuwing weekend, kaya okay lang kung magsara kami sandali. Kung mananatili ka lang sa bahay, siguradong kukulitin ka ng tiyahin mo na magpakasal. Mas mabut
Ang kanyang hipag, buhay man o patay, wala sa kanila ang nakakaalam."Siguro makakapagbakasyon tayo para makapagpahinga at baka sakaling makilala mo ang iyong kapatid o ang kanyang mga anak."Nanatiling tahimik si Ronasandali, at sinabi "Noong kami ay nagkahiwalay, napakabata pa ng aking kapatid na babae. Maraming nagbabago sa mga babae habang lumalaki. Hindi ko alam kung ano na siya ngayon. Kahit na makasalubong ko ang kanyang mga anak, sino ang makakakilala na sila ay aking mga pamangkin?""Sige, magbakasyon tayo."Hindi kayang tiisin ni Rona na biguin ang pagiging malambing ng kanyang anak na babae, kaya agad siyang sumang-ayon na magbakasyon sa tabing-dagat kasama ang kanyang anak.Nang makita ni Samantha na pumayag ang kanyang ina, nagpalitan sila ng tingin ng kanyang ama, at nakahanap siya ng paksa para kausapin ang kanyang ina tungkol sa mga nangyari ngayong araw.Masayang sinabi niya, "Mama, nakita ko si Morgan ngayon. Pinahinto ni Morgan ang kotse at binuksan ang bintana para
Bukod sa hindi pinapansin ni Morgan si Samantha, kahit pa maging bastos siya rito, babalik pa rin ito. Kahit masira ang kanyang reputasyon, hindi siya susuko maliban na lang kung bali na ang kanyang mga binti.Pagkatapos ibaba ni Morgan ang tawag, dumilim na naman ang mukha ni Warren. Hindi na niya napigilan at tinawagan ang kanyang kapatid upang pagalitan ito.Si Samantha naman ay pauwi na sakay ng isang taxi."Kuya, pauwi na ako. Wala naman akong ginawang kahihiyan ngayong araw. Hindi naman ako ganoon katalino, kaya hindi ko kayang magplano ng engrandeng bagay at sorpresa para kay Morgan""…Kung ginugugol mo na lang sana ang oras mo sa panunuyo kay Morgan para samahan si mama, siguradong mas magiging masaya siya.""Sinasamahan ko rin naman si mama. Pero may sakit siya sa puso, at ang sakit sa puso ay nangangailangan ng tamang lunas. Totoo namang ako ang pinakamamahal ni mama, pero hindi ako ang gamot niya."Ang dahilan ng sakit sa puso ng kanilang nanay ay ang matagal nang nawawalan
Hinarangan talaga ni Samantha ang gate ng kumpanya, kaya napilitang huminto ang sasakyan."Sir, gusto mo bang bumaba at kausapin si Miss Klein?"Lumingon ang driver at tinanong si Morgan.Nanatiling tahimik si Morgan sandali, pagkatapos ay ibinaba ang bintana.Nang makita ni Samantha na ibinaba niya ang bintana, tuwang-tuwa siya at agad na lumapit na may dalang bouquet ng bulaklak at insulated lunch box."Morgan!"Sa wakas, nakita na ni Samantha ang lalaking iniisip niya araw at gabi. Kahit na madalas siyang pumunta rito para ipahayag ang pagmamahal niya kay Morgan, matagal na rin silang hindi nagkikita nang harapan.Sobrang namiss niya ito!Pareho pa rin siyang kasing astig ng dati, at siya pa rin ang pinaka-gwapo sa paningin niya.Nang dumapo ang tingin niya sa mahigpit na nakapirming labi ni Morgan, gusto sanang lumapit ni Samantha at halikan ito ng dalawang beses.Maalala kaya niya kung malambot ba ang mga labi nito?Tinitigan ni Samantha si Morgan na punong puno ng pagmamahal, ka
Ibinunyag ni Samantha ang pagkakakilanlan ni Harold Galvez at nag-iwan ng mensahe sa opisyal na website ng kanilang kompanya, hinihiling sa punong tanggapan na tanggalin si Harold sa trabaho.Hindi inaasahan ni Alex na may makakakilala pa sa kanya base lamang sa kanyang lumang litrato noong bata pa siya. Sa tingin niya, siya na ngayon ang panalo, kaya ngumiti siya at umamin, "Ganda, magaling ang iyong mata at memorya.""Paano ko ba naman makakalimutan? Ang trending topic tungkol sa inyo ay nag-redirect ng atensyon ng maraming netizens. Hanggang ngayon, nasa listahan pa rin ng trending topics ang balita matapos mabunyag ang totoo."Sa narinig ni Alex, biglang may naisip siya at nagtanong nang may pag-aalinlangan, "Ganda, hindi ba… Ikaw ang anak ng may-ari ng Klein Corporation?"Napangiti si Samantha at pinuri siya, "Ang talino mo! Isang hulaan lang, tama agad."Natawa rin si Alex "Aba, tandahana nga naman. Kailangan kong pasalamatan si Miss Klein sa pagtulong, dahil sa pagpigil sa pagk
Nararamdaman ang saya pagkakaroon ng asawa, sa totoo lang medyo maganda nga talaga.Lumabas si Morgan na may dalang insulated lunch box.Pabalik sa kumpanya, ramdam niya ang pagmamahal sa almusal na inihanda para sa kanya ng kanyang asawa sa loob ng kotse.Kinain niya ito nang may kasabikan at labis siyang nasiyahan.Ang driver at ang mga bodyguard sa sasakyan ay medyo nagtataka. Ang almusal na inihanda ng asawa niya ay napakasimple, ngunit ang napaka pihikan na si Morgan ay kinain ito nang may kasiyahan. Siguro magaling talaga magluto ang napangasawa nito.Pagkaalis ni Morgan, tulad ng nakasanayan, tinawagan ni Alex ang kanyang kapatid. Nang malaman niyang maayos naman ito, lumabas na rin siya.Nang siya ay lumabas, rush hour na, at may mga senyales na ng pagsisikip ng trapiko sa daan. Habang patuloy siyang naglalakbay, lalong lumala ang traffic.Maraming taong nagmamadali papasok sa trabaho ang hindi mapakali at gusto ng magmura sa sobrang inis.Gusto na ring magmura ni Samantha.Si
Hindi talaga niya alam kung ano ang pag-uusapan nila.Ang mga batang mag-asawa sa paligid nila, karamihan ay bagong kasal, matamis na akala lalanggamin anumang oras, at naglalakad nang magkahawak-kamay. Samantalang ang mga mag-asawang may anak, ang usapan ay palaging tungkol sa mga bata, kaya marami silang napagkukwentuhan.Hindi tulad nila—walang pagmamahal, walang anak—kaya mahirap talagang makipag-usap.Nakita ni Alex ang tila nahihirapang itsura ni Morgan sa pakikipag-usap, kaya napangiti siya. Tumayo siya, saka hinila si Morgan. “Tara na, umuwi na tayo. Kung hindi, baka lalo kang hindi mapakali, na parang anytime, aatakihin kita.”“Alex, babae ka! Para kang lalaki kung makahila.”“Ano naman kung babae ako? Hindi naman nakakamatay ang pakikipag-usap.”Hinila niya ito palayo, pero sa damit lang niya hinawakan. Hindi siya nangahas na hawakan ang kamay nito, baka kasi pag-uwi nila, maghuhugas ito ng kamay nang maraming beses.“Hindi mo ba nakita ang trending topic dalawang araw na an