Share

Chapter 1: She Witnessed

Author: snowqueencel
last update Last Updated: 2022-07-26 00:57:22

Nathalia’s POV

Pinatay ko ang makina ng aking sasakyan, nang itigil ko ito sa tapat ng isang mataas na building. Nang masigurong wala na akong naiwan ay bumaba na ako at tiningala ang matayog na building sa ‘king harapan.

Napailing na lang ako, bago nagsimulang maglakad at makisabay sa agos ng mga tao na papasok din sa loob.

Nang makapasok ay agad na bumungad sa ‘kin ang lounge area, kung saan ay marami ang mga nakatambay at nagbabasa ng magazines. Nasisiguro ko na karamihan sa kanila ay guests nitong hotel.

Mayroon ding mga naglalakihang chandelier na nakasabit sa kisame. Malamig ‘tong tingnan sa mga mata dahil gawa ito sa crystal. Carpeted naman ang hallway at sa bawat pillar na madaanan ko ay mayroong mga indoor plant na nakasabit dito.

Napangiti na lang ako, bago tuluyang dumiretso sa reception area.

“Good afternoon, Ma’am. How may I help you?” magalang na bati ng receptionist na mayroong ngiti sa kanyang mga labi.

Inilibot ko ang paningin. It’s not my first time here. Pero kahit gano’n ay hindi naman puwedeng basta-basta ko na lang puntahan ang mga kaibigan ko.

Ilang oras ko kasi silang hinintay kanina sa school para sabay-sabay sana kaming makapagpapirma ng clearance. Pero inabot na lang ako roon ng hapon ay wala man lang dumating ni isa sa kanila. Ni hindi man lang sila nagre-reply sa mga text at sumasagot sa mga tawag ko. Offline rin sila kaya hindi nila nakikita ang mga chat ko.

“I’m looking for someone. Actually, apat sila. They’re working—”

Napahinto ako sa pagsasalita nang mahagip ng paningin ko ang pamilyar na bulto ni Mads. Nakasuot pa siya ng housekeeping uniform at mukhang nagmamadali.

Magsasalita pa sana ang babaeng kaharap ko, pero agad akong nagpasalamat at nagpaalam upang sundan ang magaling kong kaibigan.

Dumiretso siya sa isang mahabang pasilyo at binuksan ang pinto sa dulo nito. Ilang minuto muna ang pinalipas ko bago ako sumunod. Panigurado kasing magugulat siya sa oras na makita niya ako rito. Ilang liko pa ang kanyang ginawa at pinto pa ang kanyang pinasukan na halos hindi ko na matandaan ang daan pabalik.

Bilang lang sa daliri sa kamay ang mga pagkakataon na pinupuntahan ko sila rito. Well, the mere fact that they’re not returning any of my texts and calls made me do so today. Sa pagkakaalam ko kasi ay off naman nila ngayon. Kaya naman ay talagang hindi ako mapalagay. Siguro ay kinulang sa staff ang hotel at emergency silang pinatawag.

Sa totoo lang ay hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit ko siya palihim na sinusundan. I just had this weird feeling inside of me, urging me that I should follow her. When in fact, I can just call her attention.

Napakunot ang noo ko nang mapansin na papunta sa basement ang daan na tinatahak niya pababa.

Ano naman kayang gagawin niya roon?

Sa pagkakaalam ko ay nagpa-part-time silang apat dito bilang mga housekeeper at bellboy. Kung kaya naman ay nagawa nilang makapasok sa prestihiyosong unibersidad na pinapasukan namin ngayon.

Hindi dahil sa kinikita nila rito. Kung hindi dahil sa pagpapa-aral mismo sa kanila ng may-ari ng hotel na ‘to.

They’re all orphans. Sa bahay ampunan na sila pare-parehong lumaki at nagkakilala.

Though I don’t have any idea about the whole story. Ni hindi ko nga alam kung ano ang dahilan kung bakit sila naulila. I didn’t bother to ask, because I know how sensitive the topic is.

Isa pa ay may sarili rin akong lihim na ayoko rin nilang malaman.

Basta isang araw ay may isang tao na lamang daw na nagmagandang loob na kupkupin sila mula sa bahay-ampunan.

Ang taong ‘to ay walang iba kung hindi ang ama ng nagmamay-ari ng hotel na ‘to. Marami na akong narinig tungkol kay Don Isaac Anderson. Pero hindi ko pa siya nakikita sa personal o kahit sa picture man lang.

Samantalang ang anak naman niya na si Stephen Anderson ay nakita ko na kahit papaano sa picture. Paano ba namang hindi? Eh, madalas siyang laman ng iba’t ibang pahayagan, maging ng mga social media sites dahil sa kung anu-anong kontrobersiya na nakakabit sa pangalan niya.

Naalala ko tuloy noong araw na tinanong ko sina Mads tungkol sa bagay na ‘yon. Agad naman nilang itinanggi ang mga paratang. Mabait daw si Stephen at sinisiraan lamang siya ng mga kalaban sa negosyo. Siguro dahil sa batang edad ay nagawa na niyang gumawa ng sariling pangalan, makapagpatayo at makapagpatakbo ng sarili niyang kumpanya.

He owns this hotel. Iba pa ang negosyo ng kanyang ama. He’s indeed one of the youngest sought after bachelor in town.

Pero isa rin siya sa itinuturing kong kakumpetensya sa negosyo namin.

Nang makarating sa basement ay nagpalinga-linga ako sa paligid nang mapansin na wala na pala si Mads. Masyado ata akong nalunod sa pag-iisip.

“Saan naman kaya nagsuot ang babaeng ‘yon? Saka ano ba’ng gagawin niya rito?”

Napasimangot ako nang tuluyan ko na nga siyang hindi nakita. Sa paglilibot ko ng tingin ay roon ko lang napansin na tila isa itong pribado at tagong parking lot. Ni wala man lang guwardiya o kaya CCTV camera sa paligid. Which is very unusual para sa isang kilalang hotel.

Mas maliit pati ang espasyo nito at kakaunti lamang ang mga sasakyan na nakaparada rito. Isa pa ay masyadong komplikado ang daan papunta rito na para bang sinadya.

Ipinagkibit-balikat ko na lang ang mga bagay na napansin. I was about to retreat and just decided to text them again when suddenly, I heard a loud thud. Muli akong napalinga sa paligid at sinundan ang pinanggagalingan ng sunod-sunod na ingay.

Sa hindi malamang kadahilanan ay biglang tinambol ng kaba ang dibdib ko. Sinisigaw ng isang bahagi ng isip ko na umalis na lang at bumalik sa loob para maisagawa ang talagang pakay ko rito.

Pero may isang bahagi rin ng isip ko ang nagsasabi na magpatuloy ako.

Hanggang sa marating ko ang pinakasulok na parte ng basement. Ngunit gano’n na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa nakita kasabay ng pagtakip ng aking kanang kamay sa bibig upang pigilan ang anumang ingay na maaaring kumawala roon.

Mabilis akong nagtago sa isa sa mga nakaparadang sasakyan at bahagyang sinilip ang isang hindi kaaya-ayang eksena na nangyayari sa harap ko ngayon. Malayo naman ang kinapupuwestuhan ko at paniguradong hindi ako madaling makikita. Pero sapat na upang makita ko ang kanilang ginagawa.

I never thought that I would witness such kind of scene in real life.

Because right there I saw a man, hopelessly lying on the ground, groaning in pain as he held his stomach and begging for forgiveness to...

Napaangat ako ng tingin at halos malaglag ang panga ko nang makita kung sino ang may kagagawan no’n sa kanya.

Stephen Anderson!

Hindi ako maaaring magkamali! Kahit sa picture ko palang siya nakikita ay nasisiguro kong siya ‘yon!

He has a pointed nose, round and blue eyes, clean cut hair and red lips. Halata rin ang namumutok nitong muscles sa suot na polo. Moreno ang kulay ng balat niya na bagay naman sa kanya.

In fairness, papasang model ang isang ‘to.

Agad ko namang ipinilig ang ulo nang dahil sa naisip.

Oh, shit! Ano nga ba kasing ginagawa ng boss nina Mads sa lalaking ‘yon?

Tiningnan niya ang cellphone na hawak at tila may binasa, bago muling binalingan ang lalaking nakasalampak sa sahig at halos wala ng buhay. Walang kahit na anong emosyon ang kanyang mukha.

“Take him. I need to teach him a lesson and made him remember that he messed with a wrong person.”

Ngayon ko lang napansin ang nagkalat na mga lalaking pawang mga nakaitim at may mga suot na shades. Pinagtulungan nilang itayo ang bugbog sarado na lalaki, bago ipinasok sa isa sa mga nakahintong sasakyan. Tinted ang salamin nito kaya hindi mo magagawang makita kung ano ang nasa loob.

Hanggang sa lahat sila ay sumakay na sa kani-kanilang mga sasakyan. Nang mawala na sila sa paningin ko ay hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang sumapi sa ‘kin at namalayan ko na lang ang sarili na tumatakbo, kahit nanginginig ang aking mga binti dala ng pinaghalong takot at kaba pabalik sa main lobby.

Hindi naman sa nagpapakabayani ako. But my parents and friends told me to fight when I know that it’s the right thing to do.

Bahala na nga si Batman! Malilintikan na naman ako nito kina Mama at Mads kapag nagkataon.

But who would have thought that the ever famous Stephen Anderson can actually hurt people just like that?

Natauhan lang ako nang mabangga sa kung sino. Hindi ko na sana siya papansinin kung hindi lang niya tinawag ang pangalan ko.

“Nathalia! What are you doing here?”

Saglit akong napahinto at agad na lumingon nang marinig ang pamilyar niyang boses.

Si Harold!

I was about to go near him when I remembered the guy. Kailangan siyang mailigtas!

“I’ll explain it to you guys later. I need to go!”

Narinig ko pa ang malakas na pagtawag niya sa ‘kin, pero hindi ko na ‘to pinansin.

Pagkalabas ko ng building ay saktong namataan ko naman ang sunod-sunod na pagsulpot ng mga pamilyar na sasakyan mula sa kung saan. Walang pagdadalawang-isip akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito paalis.

Naglagay ako ng sapat na distansya sa pagitan ng mga sasakyan namin para hindi nila mahalata na may sumusunod sa kanila. Isa ito sa mga bagay na naituro ni Damon sa ‘kin noon.

I don’t really know why I’m doing this. I just should have let it pass and go back to my friends like what I originally planned. I shouldn’t involve myself in the case like this!

Pero hindi maatim ng konsensya ko na balewalain na lang ang nangyari. Lalo pa at involve ang boss ng mga kaibigan ko. I need to know his reason behind his actions.

Para bago pa may mangyaring masama sa mga kaibigan ko ay sisiguraduhin kong mapapaalis ko na sila sa hotel na ‘yon!

Hindi ko na namalayan kung gaano katagal ang naging biyahe, nang biglang tumigil ang sinasakyan nilang mga kotse sa tapat ng isang abandonadong gusali.

Itinigil ko naman ang sasakyan ko sa may kalayuan at sa likod ng isang malaking puno na may kumpol ng mga basurahan at malalaking drum upang hindi ito mahalata.

Napapikit ako nang mariin. Nagtatalo ang kalooban ko kung tutuloy pa ba ako o hindi.

Malalim akong humugot ng hininga nang humantong ako sa isang desisyon.

“You can do this, Nath! For justice’s sake!”

Ilang beses pa akong nagdasal, bago nanginginig ang aking mga kamay na lumabas. Pinunasan ko rin ang namumuong pawis sa ‘king noo. Pero bago ako tuluyang bumaba ay siniguro kong dala ko ang tanging bagay na maaari kong magamit sa ganito kadelikadong sitwasyon. Kahit na ba alam kong ako ang dehado kahit saang anggulo mo pa tingnan.

Swiss knife.

Dala-dala ko rin ang phone ko na naka-silent sa loob ng aking bulsa. Mahirap na at baka ito pa ang maging mitsa ng buhay ko. Hindi ko muna pinansin ang sandamakmak na missed calls at texts galing sa mga kaibigan ko.

Napaismid ako. Samantalang kanina ni isa ay wala man lang sumasagot sa kanila.

Nagsimula na akong humakbang palapit sa abandonadong gusali. Ngunit mabilis akong nagtago sa likod ng isang malaking drum nang bigla na lang akong may namataan na dalawang armadong lalaki na nag-uusap.

Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng ulirat pagkakita pa lamang sa mga naglalakihang baril na hawak nila. Pigil ko rin ang aking hininga sa takot na mapansin nilang may ibang tao rito bukod sa kanila.

Doon lang tila pumasok sa isip ko ang gulong kinasangkutan ko. Napalunok ako ng wala sa oras.

Dios mio, Nath! Ano ba naman to’ng pinasok mo?

Gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader dahil sa padalos-dalos kong desisyon. Pero alam ko naman  na kahit ilang beses ko pang gawin ‘yon ay wala na rin namang magbabago.

Napahinga ako nang malalim. Bahala na. Nandito na rin lang ako.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa lumang gusali nang mapansin na wala ng pagala-galang bantay sa paligid. Siniguro ko na hindi ako makakalikha ng kahit anong klase ng ingay. Harold taught me how.

Sa ganitong sitwasyon ko lubos na ipinagpapasalamat ang mga natutunan ko sa mga kaibigan ko.

Nang mapansin kong maraming nakabantay sa harap ay umikot ako at dumaan sa kanang bahagi ng gusali. Mabuti na lang at may lagusan roon at walang nakabantay.

Habang papalapit ako ay mas lalong lumilinaw ang naririnig kong mga boses na nag-uusap sa loob.

“Kanino ka nagtatrabaho?”

Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita si Stephen na nakatutok ang baril sa kaawa-awang lalaki, habang nakatapak ang isang paa niya sa sugatang braso nito. Pero bago pa man may makapansin sa ‘kin ay mabilis na nakapagtago ako sa likod ng isa sa mga drum dito na natatabunan ng maraming kahon. Padapa akong lumapit patungo sa puwesto nila, habang mahigpit na nakahawak sa swiss knife ko.

Nang makahanap ng komportableng posisyon ay nanginginig ang kanang kamay na binuksan ko ang phone ko at hinanap ang camera app, bago ko ito inilipat sa video mode. Nagpalinga-linga muna ulit ako sa paligid at nakumpirma kong hindi na nila ako makikita sa kinalalagyan ko ngayon.

“Mas mabuti pang patayin mo na lang ako! Dahil wala kang mapapala sa ‘kin!”

Ano raw? P-Patayin? Can Stephen really do that?

Halos mabitiwan ko ang hawak na phone nang dahil sa narinig. Mabuti na lang at agad akong nakabawi sa pagkabigla.

May isang tauhan si Stephen na biglang lumapit sa kanya at may inabot. Pinaningkit ko ng husto ang aking mga mata para maaninag kung ano ‘yon.

Teka, flashdrive?

Biglang tumawa nang malakas ang lalaki na tila ba nababaliw. Nagawa pa talaga niyang tumawa sa sitwasyon niya ngayon?

“Akala n’yo ba porke’t nakuha n’yo ‘yan ay tapos na? Tandaan mo, hindi lang ang boss ko ang gumagalaw para makuha ang bagay na ‘yon.”

An evil smile formed on Stephen’s lips. “I know. But sad to say, a few days from now, I’ll finally get a hold of that thing. Too bad they won’t make it. Because from the very start, I already won.”

“Hah! Tingnan lang natin—”

“Hawak ko ang pamilya mo.” Pagputol ni Stephen sa anumang sasabihin ng lalaki.

Bigla itong natigilan. Mas lalong kumuyom ang kamao ko nang dahil sa narinig.

Natatakot ako. Pero mas nangingibabaw ang galit ko ngayon.

How dare he involve an innocent life with this?

“P-Pakiusap! W-Wag ang pamilya ko. M-Magsasalita na ako,” nagmamakaawang turan ng lalaki. Sa isang iglap ay biglang nawala ang tapang niya kanina lang.

Pinaikot-ikot ni Stephen ang hawak na baril sa kanyang kamay. “Good. Now, I’ll repeat my question. Kanino ka nagtatrabaho? At anong impormasyon na ang naibigay mo sa kanya?”

“Sa mga F-Ferrer. At wala pa akong nasasabi sa kanila dahil i-sinave ko pa lang ang lahat ng nakuha kong impormasyon diyan sa f-flashdrive—”

Ang sunod kong narinig ay ang pag-alingawngaw ng putok ng baril sa lugar na ‘yon.

Napahigpit ang hawak ko sa phone ko na nagawang i-record ang buong pangyayari. Pero bago ko pa man itigil ‘yon ay kitang-kita ng dalawang mata ko ang pag-angat ni Stephen ng tingin sa direksyon ko.

Oh, my God! Did he see me?

Related chapters

  • Capturing Cinderella (Mafia Series #1)   Chapter 2: Concerned And Frustrated

    “Ano palang ginagawa mo sa hotel kahapon? Saka bakit bigla ka na lang tumakbo? You told me that you’ll talk to us later that day. But what happened? You’re not even answering our calls!” sunod-sunod na tanong ni Harold sa ‘kin, bago sumimsim ng frappe na hawak niya.I was about to speak when Albert interfered.“Hindi mo alam kung gaano kami nag-alala sa ‘yo! Nagulat na lang kami nang sabihin ni Harold sa ‘min na nakita ka niya sa lobby ng hotel at nagmamadaling umalis. Akala tuloy namin ay kung saang gulo ka na sumuong.” Napailing siya, bago sumubo ng maliit na piraso ng blueberry cheesecake niya na nasa isang platito.Sasagot na sana ako ng si Damon naman ang biglang sumabat. Sinamaan ko siya ng tingin, pero parang hindi niya nakuha ang gusto kong iparating.“Knowing you and your heroine act. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matuwa o magsisi na tinuruan ka namin ng self-defense at kung anu-ano pang safety precaution’s technique.”Malalim akong napahugot ng hininga, nang makita

    Last Updated : 2022-07-26
  • Capturing Cinderella (Mafia Series #1)   Chapter 3: Stay Away

    Halos isang oras na ang lumipas magmula ng maging abala ako sa harap ng laptop ko. Napagdesisyunan ko kasi na mangalap ng mahahalagang impormasyon tungkol kay Stephen Anderson.Kung dati ay iniignora ko lamang ang mga balita na naririnig at nababasa ko tungkol sa kanya, ngayon ay kailangan ko ng magkaroon ng pakielam. I need to know every single detail about him.I should be aware of who he really is and what is he capable of doing.Aside from killing and manipulating people.Napailing na lang ako at halos malukot ang aking mukha, dahil karamihan sa artikulong nababasa ko tungkol sa kanya ay puro negatibo. Marami na pala talagang issue ang naikabit sa pangalan niya. Though there are some recognition as well.But still, it wouldn’t change the fact that he’s indeed a bad person, and it won’t cover his bad deeds.Just this recently, he’s been accused as the one who killed the well-known businessman, Mr. Choi. Bali-balita na isa raw ito sa matinding karibal niya sa negosyo at kamakailan l

    Last Updated : 2022-07-31
  • Capturing Cinderella (Mafia Series #1)   Chapter 4: Kidnapped

    Inilapag ko ang dalang dalawang basket ng puting rosas sa harap ng magkatabing lapida, bago dahan-dahang umupo sa damuhan. Marahan kong hinaplos ang nakaukit na pangalan doon at malungkot na ngumiti.“Birthday ko na po ngayon. Dalaga na po ang anak n‘yo.” Pilit kong pinasaya ang aking boses pero pumiyok pa rin ito.Napapikit ako nang mariin kasabay ng pagtulo ng isang butil ng luha sa ‘king kanang mata. Pero agad kong pinalis ‘yon at hinamig ang sarili, bago muling dumilat. This was supposed to be a happy day.“Sana nandito pa po kayo. Siguro masaya tayong nagdiriwang ngayon.” Kinagat ko ang ibabang labi.“Naaalala ko pa rati na kahit bata palang ako ay ang dami n’yo ng plano na agad nabuo para sa ‘kin. Magmula sa pagtatapos ko ng high school, sa magiging debut ko, sa pagtatapos ko ng kolehiyo at hanggang sa dumating ang panahon na ipagkakatiwala n’yo na sa ‘kin ang pamamalakad sa kumpanya. Dahil ako lang ang nag-iisang tagapagmana n’yo. Maging sa kung sino ang mapapangasawa ko...”Ba

    Last Updated : 2022-08-12
  • Capturing Cinderella (Mafia Series #1)   Chapter 5: The Proposal

    Nakatulala lang ako hanggang sa huminto ang van na sinasakyan namin. Unti-unti ko ng nararamdaman ang pagod nang dahil sa walang tigil kong pag-iyak kanina. Namaga na lang ang mga mata ko at namaos na rin ang boses ko sa pagmamakaawa, pero wala pa rin itong naging silbi. Tila naging bingi sila sa ‘king mga hinaing at bulag sa takot na bumabalot sa ‘kin.Hindi ako umimik nang hilahin ako palabas ng sa tingin ko ay kanang kamay ni Stephen. Mahigpit ang naging pagkakahawak niya sa braso ko. Na para bang magagawa ko pa silang takasan sa lugar na ‘to.Nasisiguro ko naman na hindi lang isang simpleng tauhan ni Stephen ang lalaking ‘to, dahil narinig kong tinawag siyang boss ng isa sa mga kasamahan niya kanina.Nahigit ko naman ang hininga nang makita ang mga lalaking nakasuot ng kulay itim na suit, na nagbabantay sa paligid at may mga nakasukbit na baril sa kanilang beywang. Nang dahil doon ay masasabi kong mahigpit ang seguridad nila rito.Sa pag-angat ko naman ng tingin ay bumungad sa ‘kin

    Last Updated : 2022-08-23
  • Capturing Cinderella (Mafia Series #1)   Chapter 6: The Paintings

    I tried to open the window here in my room, but to no avail. I let out a deep sighed when I noticed that it’s locked from the outside. Though I can just break it, but it will surely gain attention. Which, as much as possible, I’m avoiding to happen.Muli akong tumanaw sa labas ng bintana at kitang-kita ko kung paanong walang katinag-tinag na nakatayo ang mga bantay na nandoon, habang may mga hawak na baril. Inilibot ko rin ng tingin ang kabuuan ng paligid at doon ko lang napagtanto na napapaligiran ng matataas na pader ang kinatitirikan ng mansyon na ‘to.Nang maligo naman ako kanina ay napansin ko na wala man lang ni maliit na bintana sa loob ng banyo. Siguro ay sinadya ang pagkakagawa nito upang dito ikulong ang mga taong dinudukot nila.Bagsak ang balikat na ibinaba ko na ang kurtina at nagsimulang libutin ang kabuuan ng kuwarto. The room is huge, and the elegance travels to every part of this room. There is a small chandelier hanging on the ceiling, while the floor were covered by

    Last Updated : 2022-08-29
  • Capturing Cinderella (Mafia Series #1)   Chapter 7: Secrets

    Bakas ang gulat sa kanyang mukha nang dahil sa ibinato kong tanong. May dumaan na pag-aalala sa kanyang mga mata, pero mabilis din itong nawala. Napansin ko rin na ibinaba nina Ace at Shantel ang mga hawak nilang baril.“What do you mean?”Dahan-dahan niya akong binitiwan, bago bumalik sa kinauupuan niya kanina na para bang walang nangyari.Nagdududa ko siyang tiningnan. “Sino ka ba talaga? May kinalaman ka ba sa nakaraan ko?”He looked at me in disbelief. “What? I don’t know what you are talking about. Bakit? Nakita mo na ba ako rati?” balik tanong niya sa ‘kin.Natigilan ako. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ko ba biglang naisip at naitanong ‘yon. Gusto kong batukan ang sarili nang dahil sa kahihiyan.“Hindi pa.”He shrugged. “That answers your question.” Napatingin siya sa phone niya na nakalapag na ngayon sa ibabaw ng mesa. “Oh. I forgot something. Hindi pa nga pala ako tapos makipag-usap sa—”Bigla akong natauhan nang maalala ang pinag-uusapan namin kanina.“Fine!” malak

    Last Updated : 2022-08-29
  • Capturing Cinderella (Mafia Series #1)   Chapter 8: The Marriage

    “Wow! Hindi ko akalain na may mas igaganda ka pa pala.” Pumalakpak si Shantel, habang nakatayo sa likod ko at titig na titig sa ‘kin mula sa salamin na nasa aming harapan.Samantalang ako naman ay blangko lang ang ekspresyon habang sinusuri ang ayos ko, hanggang sa gown na suot ko. Pinatalikod pa ako ni Shantel para masipat ko rin daw ang hitsura ng likod ng suot kong gown. She even squealed and looked amaze at the same time.Well, who wouldn’t? It’s a princess like ivory bridal gown, which have a striking beaded lace embroidery on the plunging neck over the illusion bodice. Then, the beaded lace cap sleeves flow into the magnificent illusion back with lace accents and button closure. It was paired with four inches, white embellished satin block heel sandals.While my ash gray wavy hair was fixed to a loose updo. It has a few strands out to the front to frame my face and give the style a softer look. With a light make-up on and a pair of diamond earrings.To sum it all, I actually loo

    Last Updated : 2022-09-04
  • Capturing Cinderella (Mafia Series #1)   Chapter 9: The Bodyguard

    “How dare you say that to them? We both know what’s the truth!” mahinang sigaw ko sa kanya. Pilit na pinipigilan ko ang sarili na magwala.Wala na ba talaga siyang ibang maisip na palusot na mas matino pa bukod roon?Tanan? Really?“Okay lang ‘yan, Thalia. Wala ka namang dapat na ikahiya pa sa ‘min. Kasal na kayo at para na rin naman tayong magkapatid.” Harold grinned like an idiot.Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Ang magaling kong mga kaibigan ay nagpaloko naman! Mukha ba akong lihim na nakikipagrelasyon at basta na lang sasama sa kung sino?Napataas ang kilay ni Stephen at nanghahamong tumitig sa ‘kin. “Then, what do you want me to tell them? The truth? Are you ready for the consequence, if ever?” nang-uuyam niyang bulong.That made me shut my mouth. Kung gano’n ay sinabi lang pala niya ang totoo sa pamilya ko. Marahil ay napalapit na rin sa kanya sina Mads kaya ayaw na niyang idawit pa ang mga ito hangga’t maaari.Napailing siya at muntik na akong mapatili nang bigla n

    Last Updated : 2022-09-12

Latest chapter

  • Capturing Cinderella (Mafia Series #1)   Special Chapter

    After 5 years...I woke up with the feeling of someone caressing my bare shoulder. Slowly, I opened my eyes and the smiling face of my husband came into view.What a wonderful sight."Good morning, my wife," he greeted, then kissed my forehead.Agad naman akong napangiti at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi."Good morning, my hubby. What time is it?" Napatingin ako sa labas ng bintana na nasa kanyang likuran. Tila kasisikat pa lang ng araw."It's just six o'clock in the morning, and the last time I check, Nathan is still sleeping." He grinned.Napataas ako ng kilay. "So?"Napasinghap naman ako nang bigla na lang siyang umibabaw sa 'kin."It means, we can have a one round." He winked.Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. "What the—"Before I could even utter a protest, his lips locked into mine. Napapikit na lang ako at ninamnam ang lambot ng mga labi niyang nakalapat sa 'kin.Agad na lumapat naman ang kanang kamay ko sa kanyang dibdib dahil wala siyang suot na p

  • Capturing Cinderella (Mafia Series #1)   Epilogue

    Nathalia's POVHindi mawala-wala ang ngiti sa 'king mga labi, habang matamang tinitingnan ang sarili ko sa harap ng malapad na salamin.Malalim akong napabuntong hininga. Panibagong yugto na naman ng buhay ko ang magtatapos sa araw na 'to.Pero kasabay no'n ay ang pagsisimula ng panibagong paglalakbay na kailangan kong tahakin at responsibilidad na kailangan kong pasanin."Are you ready?"Napaangat ang tingin ko kay Mama na kasalukuyang nakatayo sa likod ko at masuyong humawak sa magkabila kong balikat.Napatango naman ako at pilit na pinipigilan ang pangingilid ng luha ko. "I am, Ma. You know how much I have been waiting for this moment."Napangiti naman siya bago hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "Let's go."Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili sa huling pagkakataon, bago tumayo at sabay na kaming lumabas ng kuwarto.Pagkababa ay naabutan naming naghihintay sina Papa at Stephen sa sala. Hindi ko naiwasan ang mapailing nang mapansin na nandoon din sina Shantel at ang iba pa.Saba

  • Capturing Cinderella (Mafia Series #1)   Chapter 37: All Hail To The Queen

    NATHALIA WAS busy contemplating her thoughts on how she will be able to escape the room where she's into when suddenly, the door in front of her opened.Napaangat siya ng tingin at agad na umusbong ang galit sa kanyang puso nang tumambad sa kanyang paningin si Cole."You traitor! How dare you!"Napakuyom siya ng kamao, bago dali-daling bumaba sa kama at sinugod 'to. Hindi niya ininda ang pananakit ng kanyang katawan. Sunod-sunod na sampal ang kanyang pinakawalan sa mukha nitong hindi man lang makikitaan ni katiting na emosyon.Hanggang sa mabilis nitong nahuli ang kanyang dalawang kamay at marahas na itinulak siya, dahilan para mapahiga siya sa kama. Masama ang tinging ipinukol niya rito."Paano mo nagawa 'to sa 'min? Lalong-lalo na kay Stephen? You grew up staying beside him all the time. You've been with them for how many years. They're your friends and no matter how much—""Your husband killed my father, and because of your parents, my mother has been killed in a mission as well."

  • Capturing Cinderella (Mafia Series #1)   Chapter 36: The Story Behind Their Past

    Third Person's POVKASALUKUYANG naghahabulan at nagtatayaan ang limang taong gulang na si Nathalia kasama ang matalik niyang kaibigan na si Aries sa hardin ng kanilang mansyon. The two of them were inseparable ever since the day they both started to talk and walk. Halos araw-araw na magkasama ang dalawa at bukod sa pagiging kaibigan ay nagsilbi ring bodyguard ni Nathalia si Aries."Nathalia."Natigilan si Nathalia sa pagtakbo at mas lalong lumawak ang kanyang ngiti nang marinig ang baritonong boses ng kanyang ama na si Don Gray Fuentes. Habang si Aries naman ay bahagyang lumayo at natahimik sa isang tabi.Nakangiti rin ang ama na lumapit sa kanya."My business partners were here together with their children. That's why I want you to meet them and I hope that you can be friends with them." Marahan nitong pinisil ang kanyang ilong.Nagningning naman ang mga mata ni Nathalia nang dahil sa sinabi ng kanyang ama. Suddenly, she feels excited. Tahimik niyang inasam na sana nga ay makasundo n

  • Capturing Cinderella (Mafia Series #1)   Chapter 35: Mafia Queen

    Stephen's POVDamn this piece of shits! Gaano ba karami ang mga galamay ni Aries?Mabilis na iniiwas ko ang kotse nang mapansin na sa 'kin nakaumang ang baril ng dalawa sa nakasakay sa isang puting van. I can send them all in hell right now if I fucking want to. But I shouldn't waste any single minute of my time just by dealing with them.I need to see my wife as soon as possible. That's all that matter to me right now.Kinuha ko ang phone at agad na tinawagan ang head ng mga mafia guards na kasama ko ngayon."Clear my way and back me up. Make sure to kill all those motherfuckers!""Yes, Sir!"Pinatay ko na ang tawag at itinapon ang phone ko sa dashboard. Napahigpit ang hawak ko sa manibela nang mapansin na isa-isang pinapatumba ng mga tauhan ko ang kalaban sa unahan. Nang sa wakas ay tuluyan na silang naubos ay agad na pinaharurot ko ang sasakyan.Napasulyap ako sa side mirror at nakitang mabilis namang nakasunod ang mga kaibigan ko sa 'kin. Habang ang mga tauhan namin ay tuluyan ng

  • Capturing Cinderella (Mafia Series #1)   Chapter 34: Bring Back Memories

    Nathalia's POVAlam ko na darating din ang panahon na muli kaming magkikita ni Aries. Pero hindi ko inaasahan na muling magtatagpo ang landas namin sa ganitong paraan.Nalipat ang atensyon ko kay Cole nang bigla siyang bumaba ng kotse at mabilis na umikot patungo sa puwesto ko. Binuksan niya ang pinto at marahas na hinawakan ako sa braso, bago kinaladkad palabas ng kotse.Nakaawang ang bibig at hindi makapaniwalang napaangat ako ng tingin sa kanya. This is not the Cole that I used to know.The Cole I know is sweet, caring and gentle. Mahilig siyang mag-joke kahit corny at kumanta kahit wala sa tono ang boses niya."C-Cole, ano bang nang—" natigilan ako sa pagsasalita nang biglang sumabat si Aries."Oh, come on! Big brother! You don't have to be so harsh on her." Napailing siya bago pinalungkot ang mukha nang mapatingin sa 'kin.Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa narinig. Gulat na pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa."B-Big brother? W-What did he mean—"Malamig ang tin

  • Capturing Cinderella (Mafia Series #1)   Chapter 33: Traitor

    HINDI PA RIN makapaniwala si Nathalia sa litrato na kanyang nakita. Kaya naman ay muli niyang kinuha ang nahulog na photo album at sa nanginginig na mga kamay ay isa-isa niyang tiningnan ang mga litrato na naroon.Pakiramdam niya ay pangangapusin siya ng hininga nang makitang kasama siya sa lahat ng mga kuha. Hindi man niya maalala ang mga batang kasama niya ro'n ay natitiyak niyang si Stephen at ang mga kaibigan nito 'yon.Nakagat na lang niya ang ibabang labi, lalo na nang mapansin na kasama rin nila ro'n ang batang sina Mads, Damon, Harold at Albert. Minsan na siyang napapunta sa bahay na tinutuluyan ng mga 'to at nakita ang ilan sa mga larawan nila mula pagkabata. Kaya naman ay hindi siya maaaring magkamali.'What the hell? Ano ang kinalaman nila sa nakaraang hindi ko maalala?' tahimik na tanong niya sa isip.Napakurap siya at pilit na pinipigilan ang pagkawala ng luha sa kanyang mga mata. Dali-dali niyang isinara ang photo album at mahigpit 'tong hinawakan.She needs to hide this

  • Capturing Cinderella (Mafia Series #1)   Chapter 32: One Step Closer

    Third Person's POVMAHINANG NAPAMURA sina Ace at Shantel nang sa pagdating nila sa mansyon na pakay ay sinalubong sila ng mga nagkalat na bangkay sa labas nito."What the hell just happened here?" hindi makapaniwalang bulalas ni Shantel."Mukhang may nauna ng nagpunta rito at katulad ng pakay niya ang sa 'tin." Sinenyasan ni Ace ang mga tauhan na palibutan ang buong mansyon."Suriin n'yong maigi ang paligid maging ang mga bangkay. Baka mayroon pa sa kanilang nakatakas o buhay pa."Tinanguan siya ng mga tauhan, bago mabilis na naghiwa-hiwalay. Habang si Shantel naman ay inutusan ang mga tauhan na tingnan ang mapuno at masukal na parte. Mahirap na at baka mayroon pang nagmamatyag na kalaban sa paligid.Nang magkanya-kanya na ng puwesto ang mga 'to ay dahan-dahan ng pumasok sina Ace at Shantel sa loob ng mansyon. Iniumang nila ang mga hawak na baril at alerto na inilibot ang tingin.Maging ang loob ng mansyon ay puno rin ng nagkalat na bangkay. Halos hindi na nila mawari ang amoy nang da

  • Capturing Cinderella (Mafia Series #1)   Chapter 31: Mafia Reapers and The Photograph

    Halos tatlumpung minuto na rin ang nakalilipas magmula ng makauwi ako sa mansyon. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa natuklasan ko."Ouch! Dahan-dahan naman! Ako na nga lang kasi, eh."Pilit na inaagaw ni Mads ang bimpong hawak ni Damon na mayroong yelo. Dinadampian kasi nito ang pasa niya sa mukha.Hindi ko naiwasan ang mapangiwi. I felt bad for what happened to Mads. Nabangasan tuloy ang makinis niyang mukha. Kung alam ko lang na siya ang nasa likod ng maskara na 'yon ay naglakas loob na sana kong sumugod bago pa siya masuntok."No. Just stay still. Wag ka kasing malikot," maawtoridad na sabi ni Damon bago muling ipinagpatuloy ang ginagawa. Punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mukha.Naalala ko tuloy bigla ang nangyari kanina. No'ng unang beses na nakita niya ang nangyari kay Mads. Kahit bagsak na ang kalaban nang dahil sa ginawa kong pagpukpok dito ng bato ay hindi niya pa rin 'to tinantanan ng sipa at suntok hanggang sa hindi na makilala ang mukha nito.It's

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status