After 5 years...I woke up with the feeling of someone caressing my bare shoulder. Slowly, I opened my eyes and the smiling face of my husband came into view.What a wonderful sight."Good morning, my wife," he greeted, then kissed my forehead.Agad naman akong napangiti at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi."Good morning, my hubby. What time is it?" Napatingin ako sa labas ng bintana na nasa kanyang likuran. Tila kasisikat pa lang ng araw."It's just six o'clock in the morning, and the last time I check, Nathan is still sleeping." He grinned.Napataas ako ng kilay. "So?"Napasinghap naman ako nang bigla na lang siyang umibabaw sa 'kin."It means, we can have a one round." He winked.Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. "What the—"Before I could even utter a protest, his lips locked into mine. Napapikit na lang ako at ninamnam ang lambot ng mga labi niyang nakalapat sa 'kin.Agad na lumapat naman ang kanang kamay ko sa kanyang dibdib dahil wala siyang suot na p
“That’s all for today. Class dismissed.”Dali-daling tumayo ang mga kaklase ko at nag-unahang lumabas, pagkaalis na pagkaalis palang ng huling Professor namin para sa araw na ‘to. Ang ilan sa kanila ay nagtutulakan pa sa bandang pinto na akala mo ay mga hindi makakauwi. Hindi ko tuloy naiwasan ang matawa, habang inaayos ang mga gamit ko.Natigilan lang ako nang maramdamang may kumalabit sa kanang balikat ko. Nang lumingon ako para alamin kung sino ‘to ay ang nakangiting mukha ni Madeline ang bumungad sa ‘kin.“Malapit na nga pala ang debut mo, girl! Paniguradong paghahandaan na naman ‘yon nina Tito Edwin at Tita Marcel ng bongga! I’m so excited already!” tili pa niya.Napailing na lang ako sa kanya, habang nakangiti. “That’s not gonna happen.”Bigla naman siyang natigilan kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. “Huh?”Nagkibit-balikat ako. “I already talked to them about it. Just so you know, I want it to be simple and private. Kaya iilang bisita lang ang iimbitahan ko at hindi magkakaroo
Nathalia’s POVPinatay ko ang makina ng aking sasakyan, nang itigil ko ito sa tapat ng isang mataas na building. Nang masigurong wala na akong naiwan ay bumaba na ako at tiningala ang matayog na building sa ‘king harapan.Napailing na lang ako, bago nagsimulang maglakad at makisabay sa agos ng mga tao na papasok din sa loob.Nang makapasok ay agad na bumungad sa ‘kin ang lounge area, kung saan ay marami ang mga nakatambay at nagbabasa ng magazines. Nasisiguro ko na karamihan sa kanila ay guests nitong hotel.Mayroon ding mga naglalakihang chandelier na nakasabit sa kisame. Malamig ‘tong tingnan sa mga mata dahil gawa ito sa crystal. Carpeted naman ang hallway at sa bawat pillar na madaanan ko ay mayroong mga indoor plant na nakasabit dito.Napangiti na lang ako, bago tuluyang dumiretso sa reception area.“Good afternoon, Ma’am. How may I help you?” magalang na bati ng receptionist na mayroong ngiti sa kanyang mga labi.Inilibot ko ang paningin. It’s not my first time here. Pero kahit
“Ano palang ginagawa mo sa hotel kahapon? Saka bakit bigla ka na lang tumakbo? You told me that you’ll talk to us later that day. But what happened? You’re not even answering our calls!” sunod-sunod na tanong ni Harold sa ‘kin, bago sumimsim ng frappe na hawak niya.I was about to speak when Albert interfered.“Hindi mo alam kung gaano kami nag-alala sa ‘yo! Nagulat na lang kami nang sabihin ni Harold sa ‘min na nakita ka niya sa lobby ng hotel at nagmamadaling umalis. Akala tuloy namin ay kung saang gulo ka na sumuong.” Napailing siya, bago sumubo ng maliit na piraso ng blueberry cheesecake niya na nasa isang platito.Sasagot na sana ako ng si Damon naman ang biglang sumabat. Sinamaan ko siya ng tingin, pero parang hindi niya nakuha ang gusto kong iparating.“Knowing you and your heroine act. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matuwa o magsisi na tinuruan ka namin ng self-defense at kung anu-ano pang safety precaution’s technique.”Malalim akong napahugot ng hininga, nang makita
Halos isang oras na ang lumipas magmula ng maging abala ako sa harap ng laptop ko. Napagdesisyunan ko kasi na mangalap ng mahahalagang impormasyon tungkol kay Stephen Anderson.Kung dati ay iniignora ko lamang ang mga balita na naririnig at nababasa ko tungkol sa kanya, ngayon ay kailangan ko ng magkaroon ng pakielam. I need to know every single detail about him.I should be aware of who he really is and what is he capable of doing.Aside from killing and manipulating people.Napailing na lang ako at halos malukot ang aking mukha, dahil karamihan sa artikulong nababasa ko tungkol sa kanya ay puro negatibo. Marami na pala talagang issue ang naikabit sa pangalan niya. Though there are some recognition as well.But still, it wouldn’t change the fact that he’s indeed a bad person, and it won’t cover his bad deeds.Just this recently, he’s been accused as the one who killed the well-known businessman, Mr. Choi. Bali-balita na isa raw ito sa matinding karibal niya sa negosyo at kamakailan l
Inilapag ko ang dalang dalawang basket ng puting rosas sa harap ng magkatabing lapida, bago dahan-dahang umupo sa damuhan. Marahan kong hinaplos ang nakaukit na pangalan doon at malungkot na ngumiti.“Birthday ko na po ngayon. Dalaga na po ang anak n‘yo.” Pilit kong pinasaya ang aking boses pero pumiyok pa rin ito.Napapikit ako nang mariin kasabay ng pagtulo ng isang butil ng luha sa ‘king kanang mata. Pero agad kong pinalis ‘yon at hinamig ang sarili, bago muling dumilat. This was supposed to be a happy day.“Sana nandito pa po kayo. Siguro masaya tayong nagdiriwang ngayon.” Kinagat ko ang ibabang labi.“Naaalala ko pa rati na kahit bata palang ako ay ang dami n’yo ng plano na agad nabuo para sa ‘kin. Magmula sa pagtatapos ko ng high school, sa magiging debut ko, sa pagtatapos ko ng kolehiyo at hanggang sa dumating ang panahon na ipagkakatiwala n’yo na sa ‘kin ang pamamalakad sa kumpanya. Dahil ako lang ang nag-iisang tagapagmana n’yo. Maging sa kung sino ang mapapangasawa ko...”Ba
Nakatulala lang ako hanggang sa huminto ang van na sinasakyan namin. Unti-unti ko ng nararamdaman ang pagod nang dahil sa walang tigil kong pag-iyak kanina. Namaga na lang ang mga mata ko at namaos na rin ang boses ko sa pagmamakaawa, pero wala pa rin itong naging silbi. Tila naging bingi sila sa ‘king mga hinaing at bulag sa takot na bumabalot sa ‘kin.Hindi ako umimik nang hilahin ako palabas ng sa tingin ko ay kanang kamay ni Stephen. Mahigpit ang naging pagkakahawak niya sa braso ko. Na para bang magagawa ko pa silang takasan sa lugar na ‘to.Nasisiguro ko naman na hindi lang isang simpleng tauhan ni Stephen ang lalaking ‘to, dahil narinig kong tinawag siyang boss ng isa sa mga kasamahan niya kanina.Nahigit ko naman ang hininga nang makita ang mga lalaking nakasuot ng kulay itim na suit, na nagbabantay sa paligid at may mga nakasukbit na baril sa kanilang beywang. Nang dahil doon ay masasabi kong mahigpit ang seguridad nila rito.Sa pag-angat ko naman ng tingin ay bumungad sa ‘kin
I tried to open the window here in my room, but to no avail. I let out a deep sighed when I noticed that it’s locked from the outside. Though I can just break it, but it will surely gain attention. Which, as much as possible, I’m avoiding to happen.Muli akong tumanaw sa labas ng bintana at kitang-kita ko kung paanong walang katinag-tinag na nakatayo ang mga bantay na nandoon, habang may mga hawak na baril. Inilibot ko rin ng tingin ang kabuuan ng paligid at doon ko lang napagtanto na napapaligiran ng matataas na pader ang kinatitirikan ng mansyon na ‘to.Nang maligo naman ako kanina ay napansin ko na wala man lang ni maliit na bintana sa loob ng banyo. Siguro ay sinadya ang pagkakagawa nito upang dito ikulong ang mga taong dinudukot nila.Bagsak ang balikat na ibinaba ko na ang kurtina at nagsimulang libutin ang kabuuan ng kuwarto. The room is huge, and the elegance travels to every part of this room. There is a small chandelier hanging on the ceiling, while the floor were covered by
After 5 years...I woke up with the feeling of someone caressing my bare shoulder. Slowly, I opened my eyes and the smiling face of my husband came into view.What a wonderful sight."Good morning, my wife," he greeted, then kissed my forehead.Agad naman akong napangiti at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi."Good morning, my hubby. What time is it?" Napatingin ako sa labas ng bintana na nasa kanyang likuran. Tila kasisikat pa lang ng araw."It's just six o'clock in the morning, and the last time I check, Nathan is still sleeping." He grinned.Napataas ako ng kilay. "So?"Napasinghap naman ako nang bigla na lang siyang umibabaw sa 'kin."It means, we can have a one round." He winked.Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. "What the—"Before I could even utter a protest, his lips locked into mine. Napapikit na lang ako at ninamnam ang lambot ng mga labi niyang nakalapat sa 'kin.Agad na lumapat naman ang kanang kamay ko sa kanyang dibdib dahil wala siyang suot na p
Nathalia's POVHindi mawala-wala ang ngiti sa 'king mga labi, habang matamang tinitingnan ang sarili ko sa harap ng malapad na salamin.Malalim akong napabuntong hininga. Panibagong yugto na naman ng buhay ko ang magtatapos sa araw na 'to.Pero kasabay no'n ay ang pagsisimula ng panibagong paglalakbay na kailangan kong tahakin at responsibilidad na kailangan kong pasanin."Are you ready?"Napaangat ang tingin ko kay Mama na kasalukuyang nakatayo sa likod ko at masuyong humawak sa magkabila kong balikat.Napatango naman ako at pilit na pinipigilan ang pangingilid ng luha ko. "I am, Ma. You know how much I have been waiting for this moment."Napangiti naman siya bago hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "Let's go."Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili sa huling pagkakataon, bago tumayo at sabay na kaming lumabas ng kuwarto.Pagkababa ay naabutan naming naghihintay sina Papa at Stephen sa sala. Hindi ko naiwasan ang mapailing nang mapansin na nandoon din sina Shantel at ang iba pa.Saba
NATHALIA WAS busy contemplating her thoughts on how she will be able to escape the room where she's into when suddenly, the door in front of her opened.Napaangat siya ng tingin at agad na umusbong ang galit sa kanyang puso nang tumambad sa kanyang paningin si Cole."You traitor! How dare you!"Napakuyom siya ng kamao, bago dali-daling bumaba sa kama at sinugod 'to. Hindi niya ininda ang pananakit ng kanyang katawan. Sunod-sunod na sampal ang kanyang pinakawalan sa mukha nitong hindi man lang makikitaan ni katiting na emosyon.Hanggang sa mabilis nitong nahuli ang kanyang dalawang kamay at marahas na itinulak siya, dahilan para mapahiga siya sa kama. Masama ang tinging ipinukol niya rito."Paano mo nagawa 'to sa 'min? Lalong-lalo na kay Stephen? You grew up staying beside him all the time. You've been with them for how many years. They're your friends and no matter how much—""Your husband killed my father, and because of your parents, my mother has been killed in a mission as well."
Third Person's POVKASALUKUYANG naghahabulan at nagtatayaan ang limang taong gulang na si Nathalia kasama ang matalik niyang kaibigan na si Aries sa hardin ng kanilang mansyon. The two of them were inseparable ever since the day they both started to talk and walk. Halos araw-araw na magkasama ang dalawa at bukod sa pagiging kaibigan ay nagsilbi ring bodyguard ni Nathalia si Aries."Nathalia."Natigilan si Nathalia sa pagtakbo at mas lalong lumawak ang kanyang ngiti nang marinig ang baritonong boses ng kanyang ama na si Don Gray Fuentes. Habang si Aries naman ay bahagyang lumayo at natahimik sa isang tabi.Nakangiti rin ang ama na lumapit sa kanya."My business partners were here together with their children. That's why I want you to meet them and I hope that you can be friends with them." Marahan nitong pinisil ang kanyang ilong.Nagningning naman ang mga mata ni Nathalia nang dahil sa sinabi ng kanyang ama. Suddenly, she feels excited. Tahimik niyang inasam na sana nga ay makasundo n
Stephen's POVDamn this piece of shits! Gaano ba karami ang mga galamay ni Aries?Mabilis na iniiwas ko ang kotse nang mapansin na sa 'kin nakaumang ang baril ng dalawa sa nakasakay sa isang puting van. I can send them all in hell right now if I fucking want to. But I shouldn't waste any single minute of my time just by dealing with them.I need to see my wife as soon as possible. That's all that matter to me right now.Kinuha ko ang phone at agad na tinawagan ang head ng mga mafia guards na kasama ko ngayon."Clear my way and back me up. Make sure to kill all those motherfuckers!""Yes, Sir!"Pinatay ko na ang tawag at itinapon ang phone ko sa dashboard. Napahigpit ang hawak ko sa manibela nang mapansin na isa-isang pinapatumba ng mga tauhan ko ang kalaban sa unahan. Nang sa wakas ay tuluyan na silang naubos ay agad na pinaharurot ko ang sasakyan.Napasulyap ako sa side mirror at nakitang mabilis namang nakasunod ang mga kaibigan ko sa 'kin. Habang ang mga tauhan namin ay tuluyan ng
Nathalia's POVAlam ko na darating din ang panahon na muli kaming magkikita ni Aries. Pero hindi ko inaasahan na muling magtatagpo ang landas namin sa ganitong paraan.Nalipat ang atensyon ko kay Cole nang bigla siyang bumaba ng kotse at mabilis na umikot patungo sa puwesto ko. Binuksan niya ang pinto at marahas na hinawakan ako sa braso, bago kinaladkad palabas ng kotse.Nakaawang ang bibig at hindi makapaniwalang napaangat ako ng tingin sa kanya. This is not the Cole that I used to know.The Cole I know is sweet, caring and gentle. Mahilig siyang mag-joke kahit corny at kumanta kahit wala sa tono ang boses niya."C-Cole, ano bang nang—" natigilan ako sa pagsasalita nang biglang sumabat si Aries."Oh, come on! Big brother! You don't have to be so harsh on her." Napailing siya bago pinalungkot ang mukha nang mapatingin sa 'kin.Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa narinig. Gulat na pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa."B-Big brother? W-What did he mean—"Malamig ang tin
HINDI PA RIN makapaniwala si Nathalia sa litrato na kanyang nakita. Kaya naman ay muli niyang kinuha ang nahulog na photo album at sa nanginginig na mga kamay ay isa-isa niyang tiningnan ang mga litrato na naroon.Pakiramdam niya ay pangangapusin siya ng hininga nang makitang kasama siya sa lahat ng mga kuha. Hindi man niya maalala ang mga batang kasama niya ro'n ay natitiyak niyang si Stephen at ang mga kaibigan nito 'yon.Nakagat na lang niya ang ibabang labi, lalo na nang mapansin na kasama rin nila ro'n ang batang sina Mads, Damon, Harold at Albert. Minsan na siyang napapunta sa bahay na tinutuluyan ng mga 'to at nakita ang ilan sa mga larawan nila mula pagkabata. Kaya naman ay hindi siya maaaring magkamali.'What the hell? Ano ang kinalaman nila sa nakaraang hindi ko maalala?' tahimik na tanong niya sa isip.Napakurap siya at pilit na pinipigilan ang pagkawala ng luha sa kanyang mga mata. Dali-dali niyang isinara ang photo album at mahigpit 'tong hinawakan.She needs to hide this
Third Person's POVMAHINANG NAPAMURA sina Ace at Shantel nang sa pagdating nila sa mansyon na pakay ay sinalubong sila ng mga nagkalat na bangkay sa labas nito."What the hell just happened here?" hindi makapaniwalang bulalas ni Shantel."Mukhang may nauna ng nagpunta rito at katulad ng pakay niya ang sa 'tin." Sinenyasan ni Ace ang mga tauhan na palibutan ang buong mansyon."Suriin n'yong maigi ang paligid maging ang mga bangkay. Baka mayroon pa sa kanilang nakatakas o buhay pa."Tinanguan siya ng mga tauhan, bago mabilis na naghiwa-hiwalay. Habang si Shantel naman ay inutusan ang mga tauhan na tingnan ang mapuno at masukal na parte. Mahirap na at baka mayroon pang nagmamatyag na kalaban sa paligid.Nang magkanya-kanya na ng puwesto ang mga 'to ay dahan-dahan ng pumasok sina Ace at Shantel sa loob ng mansyon. Iniumang nila ang mga hawak na baril at alerto na inilibot ang tingin.Maging ang loob ng mansyon ay puno rin ng nagkalat na bangkay. Halos hindi na nila mawari ang amoy nang da
Halos tatlumpung minuto na rin ang nakalilipas magmula ng makauwi ako sa mansyon. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa natuklasan ko."Ouch! Dahan-dahan naman! Ako na nga lang kasi, eh."Pilit na inaagaw ni Mads ang bimpong hawak ni Damon na mayroong yelo. Dinadampian kasi nito ang pasa niya sa mukha.Hindi ko naiwasan ang mapangiwi. I felt bad for what happened to Mads. Nabangasan tuloy ang makinis niyang mukha. Kung alam ko lang na siya ang nasa likod ng maskara na 'yon ay naglakas loob na sana kong sumugod bago pa siya masuntok."No. Just stay still. Wag ka kasing malikot," maawtoridad na sabi ni Damon bago muling ipinagpatuloy ang ginagawa. Punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mukha.Naalala ko tuloy bigla ang nangyari kanina. No'ng unang beses na nakita niya ang nangyari kay Mads. Kahit bagsak na ang kalaban nang dahil sa ginawa kong pagpukpok dito ng bato ay hindi niya pa rin 'to tinantanan ng sipa at suntok hanggang sa hindi na makilala ang mukha nito.It's