PROLONGUE: “Bring her to my hotel room. Ito ang address,” madiin na sabi ni Jacob kay Steven, iniabot ang isang piraso ng papel na may nakasulat na address. “7pm Sharp. Ayokong naghihintay. Kilala mo ako Steven, i always get what I want” Ang kaniyang boses ay malamig at puno ng awtoridad, isang boses na hindi sanay tumanggi sa kaniyang kausap. Hindi mapakali si Steven, kitang-kita ang kaba sa kanyang mukha, alam niyang isang maling sagot na kaniyang sasabihin ay maari siyang mapahamak. “Aah, sir Jacob. pasensya na po, pero hindi po talaga pumapayag si Marielle na lumabas , isa po ito sa kasunduan namin. Baguhan pa kasi si Marielle at parte lang po siya ng show, hindi siya sumasama sa mga guests,” sagot niya, halos humihina na ang boses sa takot. “Wala akong pakialam,” malamig na tugon ni Jacob, “Gawan mo ng paraan. Kung ayaw mong mawala ang negosyo mo. Alam mo na ang pwedeng mangyari sa bar mo kung hindi ko makukuha ang babaeng yan ngayong gabi" Napalunok si Steven at wala na
AT THE HOTEL "Hello Steven bakit hindi mo kagad sinabi sakin na dito pala sa pinag-fu-full-ti-man ko ang hotel na pupuntahan ko? alam mo namang walang nakakaalam ng trabaho ko sa gabi. Pahamak ka talaga kahit kailan!" iritable kong sabi sa aming bar owner. "Bakit di mo ba nakita ang address nung binigay ko sayo kanina?" tanong sakin ni Steven. "grrr kung nakita ko magtatanong ba ko sayo?! buti na lang naka wig pa rin ako, at buti na lang dala ko ang salamin ko pati ang scarf ko. Naku ka talaga Steven kung hindi ko lang kailangan ng perang iyon hindi talaga ako pupunta dito." sagot ko kay Steven. Nagtago muna ako sa gilid inaayos ko ang aking sarili bago ako pumasok sa loob ng hotel ng sa gayun ay walang makakilala sa akin. Para kasi akong lutang sa aking sarili kanina kaya hindi ko na namalayan ang address. Basta ko ito inabot sa driver. Nagulat na lang ako ng huminto ang taxing sinasakyan ko sa tapat ng aking regular job. Natawa naman si Steven sa akin. Nakasundo ko ang baklang a
JACOB: Mariin kong siniil ng halik ang babaeng nakamaskara. Ang tamis ng kaniyang mga labi . Sa di ko maipaliwanag na dahilan ay nakakaramdam ako ng matinding pag-iinit sa tuwing magdidikit ang balat naming dalawa. Kakaiba ang aking pakiramdam kaysa sa ibang babae na aking nai-kama. Sinasabi ko na nga ba ng makita ko pa lang siya sa kasa ay alam kong may kakaiba na sa kaniyang pagkatao. "Ayoko na hindi ko pala kayang gawin ito, hindi na ako tutuloy?" napaurong siya at tila aalis ng bigla ko siyang hilahin. "it's too late now baby!" mariin kong sabi , nakita ko ang malamlam niyang mukha. Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng pagkahabag sa kaniya pero mas nananaig ang aking pagnanasa sa kaniya. "masyado mo ng pinag init ang aking katawan." napasandal siya ng upo sa aking couch . Kinapitan ko ang kaniyang mukha at siniil siya ng marahas na halik. Pilit siyang nanlalaban pero mas malakas ang aking pwersa. Hindi ko inaasahan , bigla niyang kinagat ang aking mga labi. Matalim
Hinaplos ko ang kaniyang ulo. "it's okay, maya maya sasarap na din iyan." humalik ako sa kaniyang ulo. Ang kaninang marahas kong anyo ay napalitan ng pagtingin para sa babaeng naka-maskarang ito. Akala ko ay nagsisinungaling lang siya ng sabihin niyang first time niya. Nang maging madulas na ito ay paunti unting bumilis ang aking naging pag-ulos hanggang sa nasarapan na siya. Napapaungol na siya sa bawat pagbayong gagawin ko. "GRRR NAKAKAGIGIL KA TALAGA. AHHH " napapakapit ako ng mariin sa kaniyang hita habang itinutulak ko ito sa aking pagkalalaki. Ilang minuto kaming nagtagal sa ganuong posisyon. Hanggang sa pinihit ko na siya patuwad. Ipinasok kong muli ang aking sandata. Nakakakiliti ang pagkiskis ng mainit na balat ng aking pagkalalaki sa kaniyang loob. Ramdam ko ang aking pangigigil. Mariin kong kinakapitan ang kaniyang balakang. Naglikha ng malakas na tunog ang pagsasalpukan ng aming mga katawan. Rinig na rinig ko ang pagki-kiskisan ng aming mga balat dala ng matinding pamama
AT THE HOSPITALNagmamadali akong pumasok sa kwarto ng ospital, dala ang ilang supot ng prutas at gamot para kay Mama."Mama" parang akong bata na pinakita ang supot na aking dala "binilhan kita ng mga paborito mong pagkain at prutas, kamusta ka naman po dito ? sa susunod bibilhan kita ng tablet para may pagkakalibangan ka kapag nasa trabaho ako. parang bored na bored ka na dito e" nakangiti kong sabi sa kaniya habang binabalatan ko ang orange na aking nabili para sa kaniya.Nagtataka man si Mama pero napangiti pa rin siya ng makita ako. Ngunit sa kabila ng kanyang mga ngiti, bakas ang panghihina ng kaniyang katawan, at ramdam ko ang unti-unting pagkawala ng kaniyang lakas. Hindi na siya kasing sigla gaya noon.“Anak… baka wala nang natitira para sa’yo,” mahinang pagkakasabi sakin ni Mama, pilit man niyang itago sa akin ang kaniyang totoong nararamdaman ay dama ko ang sakit sa kaniyang mga mata sa tuwing makikita niya ako. Alam kong sumasama ang loob niya dahil palagi niyang iniisip
JACOB SOBEL: Walang paglagyan ang galit na aking nararamdaman sa mga sandaling ito, dama ko pa rin ang sakit ng kaniyang pagkakasipa sa aking pagkalalake. Hindi ko inasahang iiwan ako ng babaeng nakamaskara pagkatapos ng gabing iyon. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, may babaeng hindi nagpakita ng interes sa akin matapos ang isang gabing pagsasama namin. Palaging ako ang nagpapaalis at tumataboy sa aking nakakaniig. "SH*T" napapamura ako sa aking sarili. hindi ako sanay na iwanan ng isang babae at lalong hindi ako sanay sa hindi pagsunod sa aking kagustuhan. Isang bagay lang ang natitiyak ko. Hindi ako titigil hanggat hindi nakikilala at muling nahahawakan ang babaeng nagpabaliw sa akin. Isang gabing punong puno ng pagnanasa. Ang daming katanungan ang iniwan ng babaeng ito sa isip ko. Hindi ako makakapayag na ganun ganun lang ang pagtakas niya sa akin. Hindi pa ako tapos sa kaniya. “Sino ka ba maskara girl?! Masyado mong ginulo ang utak ko!” Napa
"So, Marielle pala ang pangalan niya," napapabulong kong sabi sa aking sarili, pasimple akong napapangiti ngunit pilit kong winaksi ito sa aking puso dahil puno ako ng galit at determinasyon na malaman kung nasaan siya. Lumapit ako kay Steven, at mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa mesa. "Sabihin mo sa akin ang lahat ng alam mo tungkol kay Marielle, lahat lahat kahit kaliit-liitang detalye sasabihin mo sakin?" matigas kong sabi Nag-aalangang tumingin sa akin si Steven, ngunit alam niyang wala siyang magagawa. Unti-unti niyang siniwalat ang lahat ng kaniyang nalalaman tungkol kay Marielle. Lahat lahat. Kahit pa ang mga sikreto niyang pinaka-tatago niya. "Sir Jacob " napaupo si Steven nagsimula na siyang magsalita sa akin. "Sir, sa totoo lang hindi po talaga full time na stripper dito si Marielle, napalitan lang siyang gawin ito para matustusan niya ang pagpapagamot sa kaniyang ina. Kaya hindi rin po siya nagtatanggal ng kaniyang maskara dahil ayaw niyang malaman sa kaniyang full
MARIELLE POV Sunod sunod ang pag ring mula sa aking telepono. Wala sana akong balak na sagutin ito kaya lang ay mukhang wala namang balak huminto sa kakatawag itong si Steven, "Yes Steven ano na naman yun? nasa trabaho pa ko. Sinabi ko na sayong hindi na nga ako babalik sa kasa ayoko na!" pang bungad kong bulyaw kay Steven "Marielle, anong ginawa mo nung nakaraang gabi? Galit na galit si Jacob!" tanong ni Steven, bakas ang pagkaalarma. Ramdam ko ang tensyon sa boses nito. Hindi nito pinansin ang aking sinabi. "Bakit? Ano bang problema?, anong gagawin ko sa kaniya? wala nanakbo na nga ako sa kaniya paalis, pwede ba hindi ko siya ninakawan, for God sake. Hindi na nga niya ako binayaran, siya pang may balak na magreklamo sayo!." naiirita kong sabi kay Steven, pinapanatili ko ang pagiging kalmado ko sa kabila ng matinding kabang bumabalot sa aking isip. Walang tigil sa pagkalabog ang aking puso. "Mariel, hindi mo kilala si Jacob. Hindi mo alam ang kaya niyang gawin! I'm warning
MARIELLE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakaupo sa harap ng salamin. Ang make-up artist ay maingat na nilalapat ang foundation sa mukha ko, pero ramdam ko ang pagkatuliro sa dibdib ko. Ang araw na ito ang pinakamatagal kong hinintay, pero parang mas mabilis ang tibok ng puso ko kaysa sa mga oras sa relo. “Relax, Marielle,” sabi ng Mommy ni Jacob sa akin mula sa likod ko, hawak niya ang isang baso ng tubig na iniabot niya sa akin. “Ayokong makita kang umiiyak habang inaayusan ka. Makakasira iyan” Pero hindi ko magawang pigilan ang luha ko. Napatingin ako sa kanya, at doon na tumulo ang unang patak nito. luha ng matinding kaligayahan. “ahmmm Tita, hindi ko ma-explain. Parang… parang panaginip lang ang lahat,” halos bulong kong sabi sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko. “Ito na po talaga ’yun. Magiging asawa na ako ni Jacob ng totohanan at hindi dahil sa kahit na anong kontrata.” Ngumiti siya, pero ang mga mata niya ay namumula na rin. “Tama na yan Mariel
MARIELLE POV Magmula ng proposal ni Jacob ay pinagkatiwala na niya sa akin ang buong pag-pa-plano para sa kasal namin, at sa totoo lang, sobrang saya ko na hinayaan niya akong magdesisyon. Pero kahit ganoon, ramdam ko ang suporta niya sa bawat hakbang na ginagawa ko. Laging malambing ang approach niya at laging sinisiguro na okay ako. Sa lahat ng desisyon na ginagawa ko din ay palagi siyang kasama. Pag-uwi niya isang gabi mula sa kaniyang trabahi ay sinalubong ko siya sa pinto. Agad niyang tinanggal ang coat niya at nilapag ito sa gilid, saka ako hinila papunta sa sofa. “So , Kamusta na ang fiance ko? Ano na ang balita sa kasal natin love?!” Sabit niya sa akin habang haplos haplos niya ang braso ko. “Okay naman love. Medyo Hectic, pero nakakatuwa. Ang dami kong nakikilalang mga tao salamat na lang din sa mga koneksyon mo at nagiging madali ang lahat,” sagot ko habang iniikot ang mga mata ko. “Kanina lang, kinontak ko na yung florist. Sigurado akong magugustuhan mo yung setup.”
Ito ang huling gabi namin sa Paris. Malamig ang ngayong gabi kaysa sa inaasahan ko, pero hindi iyon sapat para patigilin ang mga pawis na dumadaloy sa kamay ko. Hawak-hawak ko ang kamay ni Marielle habang naglalakad kami sa ilalim ng mga kumikislap na ilaw sa paligid ng Eiffel Tower. Tumigil kami sa tapat ng tower, at napatingala siya, para bang ngayon lang niya nakita ang isang bagay na kasingn ganda nito. “Jacob, sobrang ganda talaga dito! Never kong na imagine na isang araw ay makakapunta ako dito” bulalas niya, makikita ang pagkislap sa kaniyang mata senyales na sobrang saya niya. Napangiti ako habang tinitingnan siya. “Hindi pa ito ang pinakamaganda sa gabing ito,” bulong ko sa sarili ko, pero siyempre, hindi niya narinig iyon. “Gusto mo bang lumapit tayo??” tanong ko sa kaniya habang tinuturo ko ang direksyon ng tower kung saan nakatayo na ang grupo ng mga musikero na hinire ko para sa gabing ito. “Sure, pero ang daming tao ah baka mahirapan din tayong makakuha ng maga
JACOB POV Matapos ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang mga araw dahil sa pag iintindi namin sa kaso ng mama ni Marielle, mula sa matindinding stress ng kaso, at ang gulo sa pagitan ng mga pamilya niya ay alam kong kailangan naming magpahinga. Lalong-lalo na siya. Matagal ko nang iniisip ang ideya ng pagpunta sa Paris kasama siya, pero alam kong hindi siya basta-basta pumapayag sa mga ganitong plano. Kaya ginawa ko ang dapat gawin, inalis ko ang lahat ng excuses niya. Ginawa ko itong surpresa para sa kanya. “Jacob, ano na naman ’to?” tanong niya habang nakatingin sa nakabukas na maleta sa kama niya. Halatang naguguluhan siya, pero may bahagyang ngiti sa kanyang labi. “Alam kong napagod ka sa lahat ng nangyari, Marielle,” sagot ko, inilalapag ang pasaporte niya sa tabi ng maleta. “Kailangan mo ’tong trip na ’to. Tayong dalawa lang atleast ngayon tapos na ang lahat ng isipin, wala nang abala sa atin. Promise, mag-e-enjoy ka dito.” “Hindi ba pwedeng dito na lang tayo magp
Nagkagulo ang lahat ng tao sa korte. Umugong ang mga bulong bulungan at ang mga tingin ng mga hukom ay tila ba nagkaruon ng pagdududa sa parte namin. Hindi naman nagpatinag ang abugado namin. Lumapit siya sa witness stand ."Sergeant, kung wala kang kinalaman, paano mo maipapaliwanag ang text messages na ito?" Iniangat niya ang mga kopya ng ebidensya. "Paano mo maipapaliwanag ang bank transfers na natanggap mo mula kay Jullian? huwag mong sabihing regalo lang ang ganuon kalaking halaga? " tanong ng abugado namin. Napatingin siya sa pwesto nila Don Antonio. "bakit ka ngayon napapatingin sa pwesto nila Don Antonio, dahil hindi ka ba nasabihan ng isasagot mo sakaling matanong ka namin tungkol dito?" tanong ng abogado namin. "kaibigan ko lang si Jullian, donation niya yun para pasasalamat sa lahat ng ginagawa ng mga kapulisan para sa bayan" sagot niya Natawa ang abogado namin "talaga? kung gayun Miss Jullian pwede ka din ba naming maging kaibigan? napakabait mo naman palang kaibigan
Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Ako si ‘Devil’s Dragon Lord.’ Ako ang head ng mafia. Ako ang kinatatakutan ng lahat ng nasa ilalim ng mundo ng sindikato.” Nanatili siyang tahimik, pero kita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Kaya nagpatuloy ako. “Pero noong una kitang nakita, wala akong alam tungkol sa totoo mong pagkatao. Minahal kita bilang ikaw, ang Marielle na isang mapagmahal na anak sa kaniyang ina. I swear to God, hindi ko alam ang kaugnayan mo kay Don Antonio. Hindi ko inisip kung sino ka, hindi ko hinanap ang koneksyon mo sa kahit sinong maimpluwensyang tao.” Tumingin siya sa akin, pero hindi ko mabasa ang iniisip niya. “Simula noong dumating ka sa buhay ko, unti-unti kong tinalikuran ang mga dating gawain ko. Pero ginamit ng mga kalaban ko ang kahinaan ko—ikaw. Sila ang dahilan kung bakit ito nangyari. Patawarin mo ako, Marielle. Pakiramdam ko, may kasalanan ako sa nangyari sa mama mo.” “Jacob…” mahina niyang bulong, nanginginig ang boses. “Kung hindi dahil sa ak
JACOB SOBEL POV Kasama ko sina Hanz sa sala. Tahimik lang kaming nag-uusap, pero nararamdaman kong may tensyon sa paligid. Habang si Marielle ay abalang naghahanda ng hapunan namin sa kusina. Tila wala siyang pakialam sa mundo, tahimik na ginagawa ang nakasanayan niya. Sa kabila ng lahat ng gulo, parang normal ang araw na ito para sa lahat. Pero hindi. Kung sabagay ako lang ang nakakaalam ng tensyon na ngyayari sa pagitan namin at ni Don Antonio. Walang ka ide-ideya si Marielle sa totoong ugat ng kaniyang angkan. Biglang tumunog ang telepono ko, at nang makita kong ospital ang tumatawag, kumabog ang dibdib ko. Sinagot ko ito kaagad dahil alam kong tungkol na ito sa DNA na pinasagawa ko. “Hello?” “Sir Jacob, may update na po kami sa DNA test,” sabi ng boses sa kabilang linya. May bigat sa tono niya, na parang alam na niya ang magiging reaksyon ko. Tahimik akong nakinig at binatuhan ko ng isang tingin si Marielle, matamis siyang ngumiti sa akin kaya naman nginitian ko din siya
“Bakit niyo ‘yun ginawa?!” sigaw ni General, habang ako ay nanunuod na lang sa salamin na tanaw at rinig ang lahat ng sinasabi at ngyayari sa loob ng interrogation room. “Bakit niyo pinatay ang mama ni Marielle?!” Malamig siyang ngumiti. “Dahil sagabal siya sa akin. Hindi siya pwedeng bumalik sa amin. Bibisitahin ko lang naman talaga dapat siya at binigyan ng 10 milyon para lumayo na ng tuluyan sa pamilya namin. At ng makita ko ang anak niyang si Marielle, wohhh" napapasipol niyang sabi, matandang maniyak ang walanghiya " sinabihan ko lang naman siyang kukuhain ko ang anak niya para gawin kong babae, tutal ay wala itong alam sa koneksyon niya sa akin pero mailap din ang anak niya kaya patatahimikin ko na lang din. Mga inutil, sagabal lang sa lahat ng plano ko!" mayabang na sabi nito. Hindi niya alintana an glahat ng kaniyang kakaharaping kaso sa lahat ng sinabi niya. Nag file na kami ng iba't ibang kaso laban kay Don Antonio. Pagdating sa pag interrogate kay Jullian ay agad niyan
“Jacob…” bungad ni Don Antonio, hindi maikubli ang takot sa mukha niya. “Akala mo ba, matatapos ito nang hindi kita kakaharapin?” sagot ko, ang boses ko’y malamig at puno ng galit. Isang matalim na tingin ang binigay ko kay Jullian na minsan kong minahal pero nag traydor lang din sa akin. “Hindi mo alam kung sino ang kinalaban mo, bata,” sagot niya, pilit na nagpapakitang matatag. “Alam ko kung sino ka, Don Antonio. Isang matandang hayop na walang ginawa kundi kayan-kayanin lang ang mga taong walang laban at inosente, pero ngayon sinisigurado ko sayong tapos na ang paghahari-harian mo!." Biglang sumingit si Jullian, pilit na nagpapaliwanag. “Jacob, hindi ko ginusto ito! Napilitan lang ako! maniwala ka sakin. Pinilit lang ako ni Don Antonio!” natatawa naman si Don Antonio sa inakto ng kaniyang anak-anakan “Huwag mo akong gawing tanga, Jullian,” sigaw ko. “Ginamit mo ako! Ginamit mo ang tiwala ko para ipahamak si Marielle!” “Jacob, hayaan mo akong ipaliwanag!” sigaw niya ulit, ha