JACOB POV Matapos ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang mga araw dahil sa pag iintindi namin sa kaso ng mama ni Marielle, mula sa matindinding stress ng kaso, at ang gulo sa pagitan ng mga pamilya niya ay alam kong kailangan naming magpahinga. Lalong-lalo na siya. Matagal ko nang iniisip ang ideya ng pagpunta sa Paris kasama siya, pero alam kong hindi siya basta-basta pumapayag sa mga ganitong plano. Kaya ginawa ko ang dapat gawin, inalis ko ang lahat ng excuses niya. Ginawa ko itong surpresa para sa kanya. “Jacob, ano na naman ’to?” tanong niya habang nakatingin sa nakabukas na maleta sa kama niya. Halatang naguguluhan siya, pero may bahagyang ngiti sa kanyang labi. “Alam kong napagod ka sa lahat ng nangyari, Marielle,” sagot ko, inilalapag ang pasaporte niya sa tabi ng maleta. “Kailangan mo ’tong trip na ’to. Tayong dalawa lang atleast ngayon tapos na ang lahat ng isipin, wala nang abala sa atin. Promise, mag-e-enjoy ka dito.” “Hindi ba pwedeng dito na lang tayo magp
Ito ang huling gabi namin sa Paris. Malamig ang ngayong gabi kaysa sa inaasahan ko, pero hindi iyon sapat para patigilin ang mga pawis na dumadaloy sa kamay ko. Hawak-hawak ko ang kamay ni Marielle habang naglalakad kami sa ilalim ng mga kumikislap na ilaw sa paligid ng Eiffel Tower. Tumigil kami sa tapat ng tower, at napatingala siya, para bang ngayon lang niya nakita ang isang bagay na kasingn ganda nito. “Jacob, sobrang ganda talaga dito! Never kong na imagine na isang araw ay makakapunta ako dito” bulalas niya, makikita ang pagkislap sa kaniyang mata senyales na sobrang saya niya. Napangiti ako habang tinitingnan siya. “Hindi pa ito ang pinakamaganda sa gabing ito,” bulong ko sa sarili ko, pero siyempre, hindi niya narinig iyon. “Gusto mo bang lumapit tayo??” tanong ko sa kaniya habang tinuturo ko ang direksyon ng tower kung saan nakatayo na ang grupo ng mga musikero na hinire ko para sa gabing ito. “Sure, pero ang daming tao ah baka mahirapan din tayong makakuha ng maga
MARIELLE POV Magmula ng proposal ni Jacob ay pinagkatiwala na niya sa akin ang buong pag-pa-plano para sa kasal namin, at sa totoo lang, sobrang saya ko na hinayaan niya akong magdesisyon. Pero kahit ganoon, ramdam ko ang suporta niya sa bawat hakbang na ginagawa ko. Laging malambing ang approach niya at laging sinisiguro na okay ako. Sa lahat ng desisyon na ginagawa ko din ay palagi siyang kasama. Pag-uwi niya isang gabi mula sa kaniyang trabahi ay sinalubong ko siya sa pinto. Agad niyang tinanggal ang coat niya at nilapag ito sa gilid, saka ako hinila papunta sa sofa. “So , Kamusta na ang fiance ko? Ano na ang balita sa kasal natin love?!” Sabit niya sa akin habang haplos haplos niya ang braso ko. “Okay naman love. Medyo Hectic, pero nakakatuwa. Ang dami kong nakikilalang mga tao salamat na lang din sa mga koneksyon mo at nagiging madali ang lahat,” sagot ko habang iniikot ang mga mata ko. “Kanina lang, kinontak ko na yung florist. Sigurado akong magugustuhan mo yung setup.”
MARIELLE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakaupo sa harap ng salamin. Ang make-up artist ay maingat na nilalapat ang foundation sa mukha ko, pero ramdam ko ang pagkatuliro sa dibdib ko. Ang araw na ito ang pinakamatagal kong hinintay, pero parang mas mabilis ang tibok ng puso ko kaysa sa mga oras sa relo. “Relax, Marielle,” sabi ng Mommy ni Jacob sa akin mula sa likod ko, hawak niya ang isang baso ng tubig na iniabot niya sa akin. “Ayokong makita kang umiiyak habang inaayusan ka. Makakasira iyan” Pero hindi ko magawang pigilan ang luha ko. Napatingin ako sa kanya, at doon na tumulo ang unang patak nito. luha ng matinding kaligayahan. “ahmmm Tita, hindi ko ma-explain. Parang… parang panaginip lang ang lahat,” halos bulong kong sabi sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko. “Ito na po talaga ’yun. Magiging asawa na ako ni Jacob ng totohanan at hindi dahil sa kahit na anong kontrata.” Ngumiti siya, pero ang mga mata niya ay namumula na rin. “Tama na yan Mariel
MARIELLE POVNang magsimula na ang seremonyas ng kasal ay seryoso kaming nakikinig sa mga payo ng Pari sa amin. Siguro ay tumatagos sa akin ang misa ng Pari tungkol sa pamilya. Kaya hindi ko din mapigilang mapaluha dahil sa panghihinayang kong hindi na nasaksihan ni Mama ang pinaka importanteng event na ito sa buhay ko. Masayang masaya ako ngayon pero siguro ay masa hihigit pa ang kaligayahang nararamdaman ko kung sakaling kasama naming nakikinig si Mama sa misa ni Father. Napatingin ako kay Jacob habang kami ay nakatayo sa harap ng altar ramdam ko ang bigat ng bawat sandali hindi dahil sa takot, kundi dahil sa sobrang pagmamahal at kasiyahang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Nakatingin siya sa akin at tila sinasabi ng kanyang mga mata na ako ang dahilan ng lahat ng ginawa niyang pagbabago ay para sa akin. Well, palagi naman talaga niyang sinasabi iyon."Mga mahal naming bisita," wika ng Pari. "Narito tayo ngayon at nagtipon-tipon upang saksihan ang pa
Humawak ako sa kamay ni Jacob, at nakita kong nangingilid na rin ang luha sa mga mata niya. "Jacob," simula ko bahagya muna akong huminga ng malalim bago nagpatuloy. "Ikaw ang taong nagpaalala sa akin kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pagmamahal. Hindi perpekto ang buhay natin at alam kong maraming pagsubok ang hinarap natin, pero hindi mo ako kailanman iniwan. Sa lahat ng pagkakataong kaya mo naman akong bitawan, pinili mo pa rin akong hawakan. Nagpapasalamat ako sayo higit sa lahat sa pananatili sa tabi ko ng mga panahong kailangan kailangan kita. At yun ay ang mga sandaling nagluluksa ako sa pagkawala ni Mama, akala ko noon ay wala ng magiging direksyona ng buhay ko. Akala ko dun na din hihinto ang buhay ko pero salamat Jacob dahil hindi ka bumitiw sakin. Nanatili ka sa tabi ko at tinulungan mo ako ng higit pa sa inaasahan ko. Hindi mo sinukuan ang kaso ni Mama hanggang sa makamit mo, natin ang hustisya sa ngyari kay Mama. Salamat Jacob. It means alot to me kung alam mo
Pagkatapos ng seremonya ay nauna kaming dumating sa reception area at maya maya lang din ay nagsidatingan na ang mga bisita na sinalubong namin sa harapan ng reception hall. Napaka-ganda ng naging ayos ng event hall, this is more than what i expected to be. Punong-puno ng magagarang dekorasyon, mga ilaw na kumikislap sa paligid, mga bulaklak na nagmistulang obra maestra, at ang eleganteng hapag-kainan na puno ng masasarap na putahe. Naroon ang lahat ng mahal namin sa buhay, masaya at sabik na sabik na makasama kami sa pagdiriwang ng aming bagong yugto bilang mag-asawa. Samantalang ang mga bodyguard ni Jacob ay nakapalibot sa amin. Binigyan niya ng lamesa ang mga ito kung saan sila makikisalamuha sa aming lahat. Sa labas ay puno ng mga pulis na ni request ni Jacob. Mahigpit ang naging seguridad sa mga sandaling iyon. Nagsimula na ang party at kasiyahan ng mga bisita. Kaniya- kaniyang kainan hanggang sa nagkainuman na ng kaunti ang mga bisita.Habang pinapalakpakan kami n
MARIELLE POV Anim na buwan matapos ang aming kasal, nananatiling masaya at puno ng pagmamahalan ang buhay namin ni Jacob bilang mag-asawa. Ngunit kahit gaano ako kasaya sa bahay, naramdaman ko rin ang pagka-inip. Lagi akong naghahanap ng mga bagay na pwedeng pagkaabalahan. Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama, tumingin ako kay Jacob. Napakagwapo niya kahit sa simpleng suot niya, pero halata kong pagod siya mula sa trabaho. "Jacob," mahina kong sabi sa kaniya pero alam kong narinig niya ako dahil agad siyang lumingon sa akin. "Yes, love? Ano iyon?" tanong niya, nilagay ang braso niya sa paligid ko. Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Gusto ko sanang magtrabaho ulit. Feeling ko, masyado na akong stagnant dito sa bahay. Gusto kong maging productive." Saglit siyang natahimik, tinitigan niya ako na parang inaaral ang iniisip ko. "Saan mo balak magtrabaho?" "Sa dati kong trabaho, sa Club , magsusuot pa rin naman ako ng maskara saka kagaya ng dati sasayaw lang ako. No take o
“Ah.. hindi? Siyempre naman hindi” confident kong sagot, sinusubukan kong kumbinsihin ang sarili ko, na hindi niya gagawin pero God! Magmula ng makita ko sa internet ang kaya niyang gawin natakot na ako. Alam kong kaya niya iakong patahimikin panghabambuhay , ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit lahat ng taong nakakakilala sa kaniya ay takot na takot sa kaniya. Dahil isa siyang Don. “Okay!” bumaling ako at humarap sa kaniya . magkatapat ang aming mga mukha at matapang akong nagtanong “sige…. May nalaman ako sa internet at gusto ko sanang ikaw mismo ang magsabi sa akin pero huwag na lang.” “Naiitindihan ko ang ibig mong sabihin, may karapatan kang malaman kung sino ako! Dahil ako na ang makakasama mo sa habang panahon!” Pinasadahan niya ng kaniyang mga daliri ang aking buhok bago nagsimulang magsalita. Sa unang pagkakataon nakita kong naging seryoso ang mukha ni Harley habang kaharap ako. “Magmula ngayon ayoko ng magtago sayo Lilly, gusto kong sabihin ang lahat ng tungkol s
Napaupo ako bigla, tumingin sa paligid ng kwarto. Napakatahimik ng kwarto, at ang tanging liwanag ay nanggagaling sa nakabukas na pintuan na banyo. At pagbaling ko ng aking paningin sa coach sa gilid ng kama sa paanan ko ay namataan ko si Harley. Nakamasid siya sa akin at halos mapatalon ako sa kama sa sobrang pagkagulat, nakasuot lang siya ng stripe na pajama at walang pang itaas na suot. Hindi ko pa siya nakitang kalahating hubad, ngunit hindi ko itatago kung gaano ako kasaya sa nakikita ko. Hindi ko naiwasang makagat ang pang-ibabang labi ko. Hinahangaan ko ang matipuno niyang mga braso, katawan, bawat hiwa ng abs sa kanyang tiyan. Nang makita ko ang maitim na buhok na nagtatago sa ilalim ng nababanat gitnang bahagi ng kaniyang pajama, nararamdaman ko ang kakaibang pamamasa sa pagitan ng aking mga binti. Shit! Bakit sobrag hot niya? "Hello sweetie," mahinang sabi niya at dinilaan ang ibabang labi. Napalunok ako habang nakatitig sa kanya na parang nahihipnotismo. Oh God
Bago ko pa man tapusin ang ilusyon ko kay Harley, nagulat na ako at napapikit nang bigla kong maramdaman ang mainit na palad na kumapit sa bewang ko. Hindi ko na kailangan pang lumingon at tignan kung sino ang pumasok sa loob ng shower area nang hindi humihingi ng pahintulot mula sa akin. “Oh God!” napasingap ako ng hangin ng maramdaman ko ang basa at sexy niyang katawan. Ang kaniyang tit* na tumutusok sa aking likuran. Napapaiktad ang aking katawan, gusto kong tumanggi pero ang buong pagkatao ko ay gustong magpatuloy ang lalaking ito sa kaniyang ginagawa. Ang kaniyang kamay ay naglakbay sa aking tiyan at huli sa aking balikat, nagsimula siyang masahihin ako. Hinayaan ko siyang haplusin ang aking katawan. At worst kusang humilig ang aking katawan sa kaniyang dibdib. “Ow sweetie…” bulong niya sa aking tainga, bahagyang dumikit ang kaniyang ilong sa aking tainga. Isang pamilyar na panginginig ang dumaloy sa aking katawan, na dumadaloy sa pagitan ng aking mga hita. Tanga, traydor
LILLY POV Tang ina talaga! Ano ba namang buhay mayroon ako dito? Bakit ba parang sunod-sunuran ako sa mga taong ‘to? Hindi ko naman obligasyon ang kahit na sino dito! Umiikot ang aking mata sa pag-iisip ng mapaet kong buhay sa piling ng mga hudlong ito. Kaya lang kahit anong tigas ng ulo ko ay siya namang lambot ng tuhod ko. Ayaw makisama sa pagrerebelde ng utak ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nanginginig ang paa ko habang naglalakad sa pasilyo ng bahay ni Harley, para akong batang nakasunod sa paglalakad ni Jake na akala mo ay nakagawa ako ng isang napakalaking kasalanan na anumang oras ay maari akong hatulan. Mas gugustuhin kong maligo at tumalon sa kama para magpahinga pero pakiramdam ko ay hindi ko magagawa iyon anumang dahil sa mga kinikilos ng ungguy na to sigurado akong may hindi magandang nangyayari. Ano yun? Hindi ko din alam. Hindi man lang magsalita ‘tong hayop na to kung bakit na naman ba ako pinapatawag ni Harley. “Lilly, binababalaan kita, mag behave ka s
“Ano ang gusto kong mangyari? “ sumimangot ako, tumalon sa aking mga paa. Ibinaba ko ang baso na halos mabasag sa lakas ng pagkakabagsak ko sa lamesa. Lumakad ako papunta sa aking fiance. Ipinatong ko ang aking kamay sa lamesa at hinaranangan siya para hindi makatayo, tinignan ko siya diretso sa kaniyang mga mata. “Marneth, alam mo bang nasobrahan ka sa pagkalasing at nagkalat sa event ng aming pamilya? Nakita ng lahat ang mga kalokohang pinag-gagagawa mo!”“Oh come on Harley, masyado kang nagiging exagerated. Nakatayo pa naman ako sa mga sarili kong paa, hindi naman ako ganoon kalasing!” Malutong akong tumawa. “Sa tingin mo ba pinaghihigpitan kita?” my God! Binibiro mo ba ako?” suminghap ako ng mapang asar. Nilagay ko ang kamay ko sa likod ng leeg niya at medyo na tense siya . ALam na niya ang kasunod noon. “Na-dis-appoint ako sa ugali mo kahapon. Ikaw ang fiance ko at kung sa tingin mo hahayaan ko lang ang ginawa mong kahihiyan kahapon? Then nagkakamali ka! Ito ang tandaan mo, hin
“Hello Sir, good morning po. Nakita ko po sa wall ko ang job hiring niyo, available pa po ba?” tanong ko sa lalaki sa kabilang linya. Umaasa akong matatanggap ako sa trabahong ito. “Yes, avaialble pa. Mag co-conduct lang muna ako ng small interview. “ sumang-ayon ako. Ilang minuto din kaming nag-usap ng interviewer. “So ganito, kung avaialble ka sa monday para sa final interview, para kasi ito sa expansion ng aming restaurant. “ sabi niya sa akin“Okay Sir, if ever po ano po ba ang magiging work ko?” Tanong ko sa lalaking nasa kabilang linya.“Hindi naman mahirap ang task mo, usually mag bus out. Then delivering food sa table ng mga customer. May kaniya-kaniya kayong designated area ng pagtatrabahahuhan. “ natuwa ako, dahil mukhang kaya ko naman ang trabaho. “Okay Sir, what time po?”“Be at 8 in the morning, i expect you to come!” “Okay Sir, thank you so much . It really made my day.”“Okay, so see you then!” pagkasabi ko ay nagpaalam na din ako sa kausap ko. Natuwa ako dahil sa il
”Ayan tignan mo nga ang ginagawa mo samin ngayon. Anak ka namin! Pero nakakaya mo kaming tiiisin. Bakit hindi ka umuwi? "Kasi lumipat po ako," ungol ko bilang tugon, hindi ako makatinging sa kanila bagkus ay nakatingin lang ako sa aking mga kamay. ”ewan ko ba sayong bata ka! Bakit ka pa nagpapakahirap sa buhay mo! Pwede ka namang bumalik sa bahay natin . Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagpapahirap sa trabahong halos wala ka nang sahurin! Tapos yung apartment na nilipatan mo?!sobrang panget. Daig pa yung tambakan natin ng gamit. Mabuti pa yung bahay ng aso natin mabango! Ano bang gusto mong palabasing bata ka!” “Gusto ko ng katahimikan!” Malakas kong sagot kila Papa. Nilingon ko ang paligid ng restaurant at tinignan ko kung may nakarinig sa pinag uusapana namin. Mabuti na lang at hindi rush hour kaya halos walang nakarinig sa amin. “Anong pinagsasabi mo?” Galit na sabi ni Papa pero halata ang pagpipigil sa kaniyang boses. “Alam niyo Mama, Papa. Magmula bata ako. Wala na akon
Napalunok ako at iminulat ang aking bibig upang magsalita, ngunit umiling siya bago ako makapagsalita. Pagkatapos ay tumalikod siya at lumabas ng silid, na iniwan akong nag-iisa. Napabuntong-hininga ako sa kanyang mga sinabi. Ang sitwasyong ito ay lubusang baliw. Walang patutunguhan. Ikakasal na si Harley sa loob ng ilang buwan. Kahit paano niya ako tingnan, hindi na iyon mahalaga. Hindi ako pinansin ni Harley sa loob ng kalahating araw. Kaya't nagpasya akong gawin ang pareho. Lumabas ako upang bisitahin ang aking mga magulang sa lungsod. Pagdating ko sa café, eksaktong alas-tres na ng hapon, masayang kumaway sa akin si Mama at binigyan ako ng malapad na ngiti. Napakaganda niya sa kanyang bistida, ang kanyang buhok ay nakaayos sa isang maluwag na bun. Pero si Papa… ibang usapan. Tahimik siyang nakatitig sa akin, tinatapik-tapik ang gilid ng kanyang tasa gamit ang kutsara, tila sinusuri ako ng kanyang matalas na mga mata. Alam kong madali kong maloloko si Mama, ngunit hindi si P
JAKE ROBERTS POV Tumango ako sa amo/kaibigan kong si Harley dahil sa balitang sinabi niya sa akin. Kahit na babae ko na si Marneth , dahil sa malalim na pinagsamahan naming dalawa. Ayoko din namang mapahamak siya. Kaya ganoon na lamang ang galit ko nang malaman ko ang ginawang pananamban ng mga tauhan ni Arthur sa kaniya. Pagkauwi ko sa bahay ay masaya pa akong sumisipol mula sa ibaba ng aming building, hanggang sa pagpasok ko sa aking unit. Naramdaman ko ang biglang nag-aapoy kong pisngi. Kinapa ko ang aking pisngi na tila namanhid, ang ugong sa aking tainga ay nakakairita. Madilim kong tinapunan ng tingin ang babaeng nasa harapan ko ngayon. “Damn it Marneth! Ano na naman ba ito?” “Fvck You Jake! I hate you!” galit na galit niyang sigaw sa akin. Mabait si Marneth, may delikadesa, mahinhin, malambing at kadalasang panlalandi ang sinasalubong sa akin sa tuwing sikreto siyang pumupunta sa aking unit pero taliwas ang pag uugali nito ngayong araw. Sigurado akong may nagpataas