Share

Kabanata 028

Author: Naked Eye
last update Last Updated: 2024-11-14 23:29:24

JACOB SOBEL POV

Buong maghapon ay abala ako sa pakikipag usap sa iba’t ibang tao para asikasuhin ang ngyari sa Mama ni Marielle. Lahat ng meeting about business ay pinakansel mo.

“Baby sige na magpahinga ka na muna, kailangan kong attend-an tong isang meeting. I can’t cancel it. Pero as soon as I finish my meeting ay uuwi na din ako kagad.” Malambing kong sabi kay Marielle

“Okay baby, salamat . Wala basta umuwi ka na lang pagtapos mo wala pa kong ganang kumain.” Malungkot niyang sagot sakin. Galit na galit ako pero pinipigilan kong ipahalata ito kay Marielle.

“Got to go baby, I Love You!” Pagdadahilan ko sa kaniya

“Sir dumating na po sa meeting room ang mga ka meeting niyo!” Sabi ng aking sekretarya

“Okay papunta na ko!” Wala na akong sinayang na oras agad akong tumayo at inayos ang aking sarili.

Pinatawag ko ang board of directors ng ospital ng pinag-stayan ng Mama ni Marielle. Lahat ng ginagawa ko ay lingid sa kaalaman ni Marielle dahil ayokong ma-stress na naman siya
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Captive by Lust Lover   Kabanata 029

    Nagkatinginan muli ang mga direktor. Ilang sandali ang lumipas bago may sumagot. Si Dr. Cruz, isa pang opisyal ng ospital, ang naglakas-loob na magsalita. “May mga hakbang na kaming ginagawa, Mr. Sobel,” sabi niya, halatang pilit pinapakalma ang sarili. “Inatasan na namin ang ilang staff na sumailalim sa masusing pagsasanay at pagsusuri. Alam naming hindi sapat ang magbigay lang ng paliwanag, kaya gagawin namin ang lahat para mapanumbalik ang tiwala ng mga pasyente at pamilya.” Tahimik akong tumitig kay Dr. Cruz. Ramdam ko ang pag-aalangan sa mga mata niya, pero naroon ang kaunting determinasyon. “Mabuti kung ganon,” sagot ko nang mabigat ang tono. “Pero tandaan niyo, kung sa susunod na linggo ay wala pa rin akong makitang aksyon o pagbabago, sisiguraduhin kong may mga taong magbabayad sa kapabayaan niyo.” Naramdaman kong napalunok si Dr. Cruz, at nakayuko ang ilan sa mga kasama niya. Sa tingin ko, hindi nila inaasahang haharap sila sa ganitong sitwasyon. Pero gusto kong iparating

    Last Updated : 2024-11-14
  • Captive by Lust Lover   Kabanata 030

    JACOB POVNasa loob lang ako ng aking opisina at lumutang ang isip sa mabilisang pagkahuli sa may sala sa nangyaring pagkamatay ng Mama ni Marielle. Nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Sergeant ang tumatawag. Saglit akong huminga nang malalim bago ko siya sagutin, umaasa ako pero natatakot sa kung ano ang sasabihin niya.“Jacob,” bungad niya, seryoso ang kaniyang tono. “May lead na kami. Isang empleyado ng ospital ang umamin. Siya raw ang may kapabayaan. Ayon sa kanya, napainom niya ng maling gamot ang mama ni Marielle, dahilan kung bakit ito inatake.”Napapikit ako nang mariin habang unti-unting nanikip ang dibdib ko. “Anong pangalan niya?” tanong ko, mahigpit ang hawak ko sa telepono.“Joseph Rodrigo. Isa siyang pharmacist assistant. Hawak na namin siya ngayon sa presinto para sa masusing interogasyon.”Hindi ko na hinintay ang susunod niyang sasabihin. Kinuha ko ang susi ng sasakyan at mabilis na umalis. Punong-puno ng galit ang dibdib ko. Hindi ko kayang palampasin ang ganit

    Last Updated : 2024-11-15
  • Captive by Lust Lover   Kabanata 031

    Jacob POV Pagkalabas ni Joseph Rodrigo mula sa interrogation room at mailipat sa selda, hindi pa rin natapos ang galit ko. Hindi sapat na nakakulong lang siya; gusto kong masigurado na mabibigyan siya ng nararapat na parusa para sa kapabayaan niya. Kaya agad kong tinawagan si Sergeant para makausap ang mayor na kilala ko at madalas kong nakakatulong sa ganitong sitwasyon. Pagdating ko sa kulungan, sinalubong ako ni Sergeant. “Jacob, nasa opisina na ang mayor. Naghihintay siya.” Tumango ako at sinamahan niya ako papunta sa opisina. Nang buksan niya ang pinto, naroon na si Mayor Lorenzo, nakaupo at mukhang kalmado. Nang makita niya ako, agad siyang ngumiti at tumayo para makipagkamay. “Jacob, mukhang matagal-tagal na rin mula noong huli tayong nagkita,” bungad niya. “Mukhang seryoso ang dahilan ng pagtawag mo sa akin.” Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Umupo ako sa harap niya, diretsong nakatingin sa kanya. “Mayor, wala na akong ibang hihilingin kundi ang tulungan mo akong masig

    Last Updated : 2024-11-17
  • Captive by Lust Lover   Kabanata 032

    MARIELLE POV Magmula noong mawala si Mama, pakiramdam ko’y nawalan na rin ako ng direksyon sa buhay. Araw-araw, parang may malaking espasyo sa puso ko na walang makakapuno. Kahit anong pilit kong ngumiti, ramdam ko pa rin ang lungkot. Mabuti na lang at nandiyan si Jacob. Palagi siyang nakasuporta sa akin. Pero nitong mga nakaraang linggo, napansin kong naging mas abala siya sa negosyo niya. Madalas, wala siya sa bahay at kung nasa bahay man siya, parang nasa ibang lugar ang isip niya. Naiintindihan ko naman. Alam kong marami rin siyang responsibilidad. Pero hindi ko maialis ang lungkot ko. Isang araw, habang abala ako sa kusina dahil ginagawa ko ang mga cupcakes para sa bubuksan kong maliit na negosyo, napansin ko si Jacob. Nasa may pintuan siya ,nakasandal at nakatingin sa akin. Ngumiti siya at dahan-dahang lumapit. “Hmmm… ang bango naman dito,” sabi niya habang humalik sa pisngi ko. Pero kahit ngumiti siya, may nakita akong lungkot

    Last Updated : 2024-11-18
  • Captive by Lust Lover   Kabanata 033

    Pagkatapos ng mahaba naming usapan ni Jacob tungkol sa imbestigasyon sa nangyari kay Mama, hindi ko maiwasang mag-isip nang malalim. Gusto ko na talagang harapin ang taong responsable sa pagkamatay ni Mama. Gusto kong makita siya, tanungin, at malaman kung bakit niya iyon ginawa. Ngunit alam kong may mas malaking bagay pa sa likod ng lahat ng ito, base na rin sa sinabi ni Jacob. Habang nakaupo kami sa sofa at tahimik na magkatabi, bigla akong nagsalita. “Jacob,” tawag ko sa kanya habang iniipit ko ang mga tuhod ko sa dibdib. “Bukas, gusto kong makita ’yung Joseph na iyon.” Tumigil siya sa paglalaro ng singsing sa kanyang daliri at tumingin sa akin. “Marielle, hindi pa ito ang tamang panahon.” “Pero bakit?” tanong ko, hindi maitago ang frustration sa boses ko. “Gusto ko lang naman malaman ang totoo. Gusto kong malaman kung bakit niya ginawa iyon kay Mama!” Hinawakan niya ang kamay ko. “Iniimbestigahan pa siya. Sa ngayon, nasa interrogation pa siya para umamin kung sino ang m

    Last Updated : 2024-11-18
  • Captive by Lust Lover   Kabanata 034

    Niyakap niya ako nang mahigpit. “Nandito lang ako, Marielle. Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan.” Tumango ako at ipinikit ang mga mata ko, ninanamnam ang init ng yakap niya. Sa mga sandaling iyon, parang kahit papaano, naging magaan ang lahat. Matapos ang ilang minuto, binasag ko ang katahimikan. “Jacob, gusto mo bang masahihin kita? Mukhang pagod ka na rin.” “Huwag na, okay lang ako,” sabi niya, pero kita kong pagod talaga siya. “Hindi, tara na. Masahihin kita para makapagpahinga ka naman,” pilit ko, sabay hatak sa kanya. Ngumiti siya at tumayo na rin. “O sige na nga. Pero huwag masyadong malakas, ha? Baka masaktan ako.” “Sus, para kang bata,” biro ko habang hinatak siya papunta sa kwarto. Pagdating sa kwarto, pinaupo ko siya sa kama at sinimulan ang masahe sa balikat niya. “Dapat yata ako ang magpasalamat, eh. Kung hindi dahil sa’yo, baka nawalan na ako ng lakas ng loob.” Napahinga siya nang malalim. “Mahal kita, Marielle. Wala akong ibang gusto kundi ang maging

    Last Updated : 2024-11-18
  • Captive by Lust Lover   Kabanata 035

    JACOB SOBEL POV Masaya akong makita si Marielle na muling nakangiti. Ang bigat ng mga nakaraang linggo ay unti-unting gumagaan habang pinagmamasdan ko siyang masaya at kumportable. Sa gitna ng park, sinenyasan ko ang mga tauhan ko na manatiling nasa di kalayuan. Ayokong maramdaman ni Marielle na may nagbabantay sa amin; gusto ko siyang bigyan ng normal na araw. Minessage ko rin si Hanz na huwag kaming lalapitan kahit anong mangyari, maliban na lang kung may seryosong problema. Pagdating namin sa puwesto, inilabas ni Marielle ang mga pagkaing inihanda niya. Habang inaayos niya ito, panay ang tukso niya sa akin, tipikal niyang paraan para pagaanin ang mood. “Jacob minsan naiisip ko bakit ba ko nahulog sayo?! At hanggang ngayon nag iisip pa din ako kung sino ka ba talaga. “ pang aasar niya sa akin pero alam kong gusto niya din malaman talaga ang totoong pagkatao ko. “Marielle, diba napagkasunduan na natin to. Mas mag focus na lang muna tayo sa kaso ng mama mo.” Sabi ko sa kaniy

    Last Updated : 2024-11-24
  • Captive by Lust Lover   Kabanata 036

    “Pasensya na, founder,” sabi ng isa, nanginginig. “Sino ba siya?” “Istupido!” Sigaw ng founder nila, sabay suntok sa isa sa mga tauhan niya. Lumapit siya sa akin, yumuko, at halatang takot na takot. “Mr. Jacob, patawarin mo na ang mga tangang ’to. Ako na ang bahalang kumastigo sa kanila,” sabi niya, halos hindi makatingin sa akin. Sinipa pa niya ang mga tauhan niyang nambastos kay Marielle, dahilan para mapaluhod ang mga ito sa harapan ko. “Humingi kayo ng dispensa mga bobo!” Sigaw pa niya Parang mga bata naman itong nghingi ng pasensya sa akin at kay Mairielle. Tumayo ako nang diretso at tinitigan sila nang mariin. “Ayoko nang makita kahit sino sa inyo. Umalis na kayo ngayon din.” Hindi na sila naghintay ng pangalawang utos. Mabilis silang nagsialis, parang mga dagang hinabol ng pusa. Ngayon, naiwan na lang kami ni Marielle. Binaling ko ang tingin ko sa kanya. Wala akong takot sa kahit na sino, pero kapag siya ang kaharap ko, bigla akong kinakabahan. Alam kong marami siya

    Last Updated : 2024-11-24

Latest chapter

  • Captive by Lust Lover   Kabanata 169

    Bago ko pa man tapusin ang ilusyon ko kay Harley, nagulat na ako at napapikit nang bigla kong maramdaman ang mainit na palad na kumapit sa bewang ko. Hindi ko na kailangan pang lumingon at tignan kung sino ang pumasok sa loob ng shower area nang hindi humihingi ng pahintulot mula sa akin. “Oh God!” napasingap ako ng hangin ng maramdaman ko ang basa at sexy niyang katawan. Ang kaniyang tit* na tumutusok sa aking likuran. Napapaiktad ang aking katawan, gusto kong tumanggi pero ang buong pagkatao ko ay gustong magpatuloy ang lalaking ito sa kaniyang ginagawa. Ang kaniyang kamay ay naglakbay sa aking tiyan at huli sa aking balikat, nagsimula siyang masahihin ako. Hinayaan ko siyang haplusin ang aking katawan. At worst kusang humilig ang aking katawan sa kaniyang dibdib. “Ow sweetie…” bulong niya sa aking tainga, bahagyang dumikit ang kaniyang ilong sa aking tainga. Isang pamilyar na panginginig ang dumaloy sa aking katawan, na dumadaloy sa pagitan ng aking mga hita. Tanga, traydor

  • Captive by Lust Lover   Kabanata 168

    LILLY POV Tang ina talaga! Ano ba namang buhay mayroon ako dito? Bakit ba parang sunod-sunuran ako sa mga taong ‘to? Hindi ko naman obligasyon ang kahit na sino dito! Umiikot ang aking mata sa pag-iisip ng mapaet kong buhay sa piling ng mga hudlong ito. Kaya lang kahit anong tigas ng ulo ko ay siya namang lambot ng tuhod ko. Ayaw makisama sa pagrerebelde ng utak ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nanginginig ang paa ko habang naglalakad sa pasilyo ng bahay ni Harley, para akong batang nakasunod sa paglalakad ni Jake na akala mo ay nakagawa ako ng isang napakalaking kasalanan na anumang oras ay maari akong hatulan. Mas gugustuhin kong maligo at tumalon sa kama para magpahinga pero pakiramdam ko ay hindi ko magagawa iyon anumang dahil sa mga kinikilos ng ungguy na to sigurado akong may hindi magandang nangyayari. Ano yun? Hindi ko din alam. Hindi man lang magsalita ‘tong hayop na to kung bakit na naman ba ako pinapatawag ni Harley. “Lilly, binababalaan kita, mag behave ka s

  • Captive by Lust Lover   Kabanata 167

    “Ano ang gusto kong mangyari? “ sumimangot ako, tumalon sa aking mga paa. Ibinaba ko ang baso na halos mabasag sa lakas ng pagkakabagsak ko sa lamesa. Lumakad ako papunta sa aking fiance. Ipinatong ko ang aking kamay sa lamesa at hinaranangan siya para hindi makatayo, tinignan ko siya diretso sa kaniyang mga mata. “Marneth, alam mo bang nasobrahan ka sa pagkalasing at nagkalat sa event ng aming pamilya? Nakita ng lahat ang mga kalokohang pinag-gagagawa mo!”“Oh come on Harley, masyado kang nagiging exagerated. Nakatayo pa naman ako sa mga sarili kong paa, hindi naman ako ganoon kalasing!” Malutong akong tumawa. “Sa tingin mo ba pinaghihigpitan kita?” my God! Binibiro mo ba ako?” suminghap ako ng mapang asar. Nilagay ko ang kamay ko sa likod ng leeg niya at medyo na tense siya . ALam na niya ang kasunod noon. “Na-dis-appoint ako sa ugali mo kahapon. Ikaw ang fiance ko at kung sa tingin mo hahayaan ko lang ang ginawa mong kahihiyan kahapon? Then nagkakamali ka! Ito ang tandaan mo, hin

  • Captive by Lust Lover   Kabanata 166

    “Hello Sir, good morning po. Nakita ko po sa wall ko ang job hiring niyo, available pa po ba?” tanong ko sa lalaki sa kabilang linya. Umaasa akong matatanggap ako sa trabahong ito. “Yes, avaialble pa. Mag co-conduct lang muna ako ng small interview. “ sumang-ayon ako. Ilang minuto din kaming nag-usap ng interviewer. “So ganito, kung avaialble ka sa monday para sa final interview, para kasi ito sa expansion ng aming restaurant. “ sabi niya sa akin“Okay Sir, if ever po ano po ba ang magiging work ko?” Tanong ko sa lalaking nasa kabilang linya.“Hindi naman mahirap ang task mo, usually mag bus out. Then delivering food sa table ng mga customer. May kaniya-kaniya kayong designated area ng pagtatrabahahuhan. “ natuwa ako, dahil mukhang kaya ko naman ang trabaho. “Okay Sir, what time po?”“Be at 8 in the morning, i expect you to come!” “Okay Sir, thank you so much . It really made my day.”“Okay, so see you then!” pagkasabi ko ay nagpaalam na din ako sa kausap ko. Natuwa ako dahil sa il

  • Captive by Lust Lover   Kabanata 165

    ”Ayan tignan mo nga ang ginagawa mo samin ngayon. Anak ka namin! Pero nakakaya mo kaming tiiisin. Bakit hindi ka umuwi? "Kasi lumipat po ako," ungol ko bilang tugon, hindi ako makatinging sa kanila bagkus ay nakatingin lang ako sa aking mga kamay. ”ewan ko ba sayong bata ka! Bakit ka pa nagpapakahirap sa buhay mo! Pwede ka namang bumalik sa bahay natin . Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagpapahirap sa trabahong halos wala ka nang sahurin! Tapos yung apartment na nilipatan mo?!sobrang panget. Daig pa yung tambakan natin ng gamit. Mabuti pa yung bahay ng aso natin mabango! Ano bang gusto mong palabasing bata ka!” “Gusto ko ng katahimikan!” Malakas kong sagot kila Papa. Nilingon ko ang paligid ng restaurant at tinignan ko kung may nakarinig sa pinag uusapana namin. Mabuti na lang at hindi rush hour kaya halos walang nakarinig sa amin. “Anong pinagsasabi mo?” Galit na sabi ni Papa pero halata ang pagpipigil sa kaniyang boses. “Alam niyo Mama, Papa. Magmula bata ako. Wala na akon

  • Captive by Lust Lover   Kabanata 164

    Napalunok ako at iminulat ang aking bibig upang magsalita, ngunit umiling siya bago ako makapagsalita. Pagkatapos ay tumalikod siya at lumabas ng silid, na iniwan akong nag-iisa. Napabuntong-hininga ako sa kanyang mga sinabi. Ang sitwasyong ito ay lubusang baliw. Walang patutunguhan. Ikakasal na si Harley sa loob ng ilang buwan. Kahit paano niya ako tingnan, hindi na iyon mahalaga. Hindi ako pinansin ni Harley sa loob ng kalahating araw. Kaya't nagpasya akong gawin ang pareho. Lumabas ako upang bisitahin ang aking mga magulang sa lungsod. Pagdating ko sa café, eksaktong alas-tres na ng hapon, masayang kumaway sa akin si Mama at binigyan ako ng malapad na ngiti. Napakaganda niya sa kanyang bistida, ang kanyang buhok ay nakaayos sa isang maluwag na bun. Pero si Papa… ibang usapan. Tahimik siyang nakatitig sa akin, tinatapik-tapik ang gilid ng kanyang tasa gamit ang kutsara, tila sinusuri ako ng kanyang matalas na mga mata. Alam kong madali kong maloloko si Mama, ngunit hindi si P

  • Captive by Lust Lover   Kabanata 163

    JAKE ROBERTS POV Tumango ako sa amo/kaibigan kong si Harley dahil sa balitang sinabi niya sa akin. Kahit na babae ko na si Marneth , dahil sa malalim na pinagsamahan naming dalawa. Ayoko din namang mapahamak siya. Kaya ganoon na lamang ang galit ko nang malaman ko ang ginawang pananamban ng mga tauhan ni Arthur sa kaniya. Pagkauwi ko sa bahay ay masaya pa akong sumisipol mula sa ibaba ng aming building, hanggang sa pagpasok ko sa aking unit. Naramdaman ko ang biglang nag-aapoy kong pisngi. Kinapa ko ang aking pisngi na tila namanhid, ang ugong sa aking tainga ay nakakairita. Madilim kong tinapunan ng tingin ang babaeng nasa harapan ko ngayon. “Damn it Marneth! Ano na naman ba ito?” “Fvck You Jake! I hate you!” galit na galit niyang sigaw sa akin. Mabait si Marneth, may delikadesa, mahinhin, malambing at kadalasang panlalandi ang sinasalubong sa akin sa tuwing sikreto siyang pumupunta sa aking unit pero taliwas ang pag uugali nito ngayong araw. Sigurado akong may nagpataas

  • Captive by Lust Lover   Kabanata 162

    Ang mas nakakapagpabagabag sa akin ay si Lilly, natatakot ako na dahil sa mga nasaksihan niya ngayon ay maaring mawala na siya ng tuluyan sa akin. Natutuwa ako sa kaniya, dahil sa sitwasyon kanina ay sinunod niya lahat ng mga pinag utos ko kanina. Nakayanan niyang makipag switch sa akin at magmaneho ng dire-diretso sa kabila ng hirap na makatakas sa kamay ng mga hudlong na iyon!.Nakatitig ako kay Lilly na kapit ko ngayon at inaalalayang magtungo sa kaniyang kwarto. Holy Shit Lilly! Anong klaseng babae ka! Ikaw lang ang nakapagpabilib at nakapagpabaliw sa akin ng ganito! Kung ako lang ang masusunod, hindi ko hahayaang mawala siya sa tabi ko ng kahit isang segundo . Ang hininga ko, ang katawan ko, ang tit* ko siya lang ang hinahanap-hanap.Inihiga ko siya sa kama, ngayon ko lang napansin na kanina pa pala nakayapak si Lilly. “Magpahinga ka na muna sweetie,” nahiga siya at tinaklob ko ang comforter sa katawan niya hanggang leeg. Kahit na hindi siya tulog ay iniiwasan niyang tigna

  • Captive by Lust Lover   Kabanata 161

    “Dumiretso ka lang hanggang umabot sa crossing ng daan. Kung mabilis na nakarating si Jake ay inaasahan kong sa mga oras na makarating tayo doon ay nandoon na din sila kasama ang mga tauhan niya” “Shit ayun ang plano mo? Paano pala kung wala pa sila?” tanong ko sa kaniya ng napapakunot ang noo. “Nandoon na ang mga yun, sigurado ako!” sagot niya at saka niya binuksan ang bintana. Paminsan minsan akong sumisilip sa rearview mirror para tignan ang nakasunod samin. “Bwisit na mga aswang ‘to hindi pa rin tayo tinitigilan, nakasunod pa rin satin.” Nakakatakot ang ginagawa nilang pagpatay sindi ng kanilang ilaw para distrakin ang pagmamaneho ko. Kaya naman iniiwas ko ang tingin ko sa kanila at itinutok ko ang tingin ko sa daan. Ganyan din ang ginagawa ng iba at mabilis silang sumunod sa amin. Tumawag muli si Harley nang hindi inaalis ang tingin sa salamin. “Nasan na ba kayo Jake? Napapalibutan na kami? Bilisan niyo!” sigaw niya, hindi ko na alam ang sinabi pa ni Jake. Pagkapatay niya

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status