CHAPTER 56CALL ME, KUYA!Ang sarap naman ng tulog ko, parang ngayon lang ulit ako nakatulog nang ganito ka himbing di tulad ng ilaw araw. Kapag sarili mo talagang kwarto ay nakakatulog ka ng mahimbing. Hindi tulad sa kwarto ni Cherry na, malaki nga ang bed at soft kapag humiga ka pero hindi naman ako mapakali at pakiramdam ko, may kasama akong ibang tao habang natutulog, para bang may isang multo na tumatabi sa akin. Hindi ko sinasabi na isa na lamang multo si Cherry, pero iba kasi ang pakiramdam ko or dahil hindi lang talaga ako sanay sa ganoon na kama.Mas lalo ko pang diniinan ang katawan ko sa mainit na katawan. Dahil medyo malamig kapag ganitong maaga tapos sabayan pa ng lamig ng electric fan lalo at hindi naman ako sanay.“Hmmm," niyakap ko pa lalo ang aking mga braso sa katawan ng mama ko dahil sobrang lamig talaga. Nilagay ko pa ang aking isang binti malapit sa kanyang bewang. Narinig ko na may nagmura pero binalewala ko lamang dahil inaantok pa ako. Hindi ko nga rin alam k
CHAPTER 57CALL ME, KUYA!“Hijo! Hija! Saan ba kayong dalawa natulog? Nagtext nga kayo na sa labas kayo mananatili pero wala man lang akong ka idea kung saan kayo.”"Sorry mom, nag sleep over lang po sa kakilala namin, don't worry, safe naman po ang pagpunta namin at maayos naman po ang pakikitungo sa amin.” Paliwanag ng amo ko. Tumatango lang ako kay mommy dahil kahit ako, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. "Mommy! I'm sorry! Late ko na po kayong na text, si kuya kasi sabi n'ya na siya na ang magpapaalam sa inyo ni daddy baka raw hindi kayo papayag." sabi ko kasi totoo naman talaga.“It's okay baby! As long as si kuya mo Izaak ang kasama mo ay panatag na ako. Basta always remember to avoid drinking wine or any liquid lalo na ang mga matatapang. And drink moderately lamang. Izaak! Lagi ko yang ipaalala sa inyo to take good care of your sibling, huh? Ingatan mo siya. Ayoko ng mawalay pa sa akin ang anak ko,” hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil sa sinabi ni momm
CHAPTER 58CALL ME, KUYA!“Are you okay, baby? Baka may sakit sa'yo at ayaw mong lumabas, pwede tayong bumalik sa bahay kung gusto mo.” Agad akong napabaling kay mommy Maribel at umiling. Katabi ko si mommy na nakaupo sa backseat at si daddy ay nasa front seat kasama ang driver, samantalang sina kuya ay hiwalay ng kotse. “Hindi naman po! Iniisip ko lang po siguro kung ano ang next na kakainin ko pagdating natin sa venue,” tanging nasabi ko kahit katunayan hindi naman iyan ang gusto kong sabihin. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni ate Samantha. “Marami kang pagpipilian baby. Just choose whatever you want and I'll pay for it., okay? Kung hindi mo magustuhan ang restaurant na pinuntahan natin, well let me know para hahanap tayo ng ibang venue. Di ba, may favorite ka na restaurant na gustong-gusto mong pinupuntahan palagi? Korean restaurant iyon? Naalala mo pa ba? Doon tayo pupunta ngayon!” Masayang wika ni mommy na ikinatuwa ko naman. Pero hindi pagkain ang pinoproblema ko sa mg
CHAPTER 59CALL ME, KUYA!“Hi babes, okay lang, nagcocomputer lang din naman ako." "Thank you Monique, akala ko kasi kanina kapa naghihintay sa akin,” nabunutan naman ako ng tinik dahil akala ko ako ang tinatawag, ibang pangalan pala.Gosh, naging praning na yata ako, minsan kasi hindi ko man lang iniisip kong ano ang magiging kinalabasan ng lahat lalo kung hindi ako nag-iingat tulad na lang ngayon. Hindi rin naman kami nagtagal sa restaurant at naisipan namin na umuwi na lang sa bahay dahil hindi ko na kaya pang dagdagan ang laman ng tiyan ko kaya pinatake-out ko na lang kay mommy ang dessert na para sa akin. Nasa sasakyan kami ngayon at nasa biyahe na pauwi, samantalang si ex at si kuya ay nasa kanyang kotse at siya ang nagda-drive ulit, mamamasyal na raw muna sila, pinipilit kasi ni mommy para mag-bonding, at baka ihahatid na rin ni kuya sa kanilang bahay. Mabuti iyan kaysa bumalik pa sa bahay at doon tumambay. So what, wala akong pake kung saan man sila pupunta. Saan sila m
CHAPTER 60CALL ME, KUYA “Mommy?"Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa pagkabigla. Ito na ba yon? Wala naman kaming relasyon pero sa sobrang lapit naming dalawa ay baka kamalan kami na may something. Hindi ko yata mawari na sa ganitong eksena malalaman ni mommy ang pagpapanggap namin ni Kuya. Ngumiti si mommy at lumapit sa amin ni kuya Izaak. Hindi na kami magkayakap kundi magkahawak kamay na lamang kami ni kuya. Nasa likod ko ang kamay ko at naroon kay kuya, hindi niya ako binitawan dahil ramdam niya siguro ang pagkagulat at panginginig ko. “May bagay ba akong hindi alam mga anak?"“Mo-mommy!" Ako na nauutal, halos hindi makatingin sa kanya ng diretso sa kanyang mga mata. “Ikaw ba ang may problema Izaak? Tungkol ba ito sa trabaho mo sa kumpanya?” Bumuntong hininga si mommy at pinagmasdan kami ni kuya. "Kung may kinakaharap man kayo na problema, huwag ninyong suluhin na dalawa o mag-isa. Nandito kami ng daddy niyo, hmm. Handa kaming makinig sa inyo kasi walang
CHAPTER 61CALL ME, KUYA!Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa maraming iniisip. Lumabas ako ng kwarto at bumaba para hintayin siya sa sala pero walang dumating na Izaak. Mabuti na lang at walang katulong or hindi nagising sina mommy habang umiiyak ako sa sala mag-isa.Bakit ba ako nasasaktan? Wala namang kami? Kapatid ang turingan namin sa isa't-isa pero bakit ganito? Bakit ang sakit-sakit pala kapag patalikod kayong niloloko, shit! Wala namang kaming label na dalawa, pero bakit ako nasasaktan? Kinabukasan.Pinunasan ko ang mga luha ko sa mga mata at tinapos ang pagsusuklay ng buhok ko na may naalala na naman. Agang-aga kumikirot ang puso ko. Tatlong oras lang yata ang tulog ko kaya kitang-kita ang itim sa ilalim ng mga mata ko.Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Nakita ko si Yaya Mely na cook sa pamilya ng Legaspi.“Tulog pa po ba sila Yaya? Sina mommy po?" “Tulog pa po ma’am." Ngumiti ako at tumango.Nauna na akong kumain dahil aalis ako ngayong araw. Mag-eenroll
CHAPTER 62CALL ME, KUYA!Paano kaya niya nalaman? Sinabi ni kuya? Tinulak ko ang lalaki dahil sa gulat sa sinabi niya. Napailing at kinakabahan pero tinawanan niya lang ako. Baliw talaga. Naglakad na lang ako patungo sa direksyon ng tao na ayaw ko sanang makita kahit ngayong araw lang. Naalala ko na naman ang nakita ko kagabi. Matapang ko siyang hinarap habang nakapamewang.“Why are you here? Paano mo nalaman na dito ako pupunta?" “At bakit hindi mo ako hinintay?" May diin at galit ang pagkasabi niya.I smirked, “bakit naman kita hihintayin? Nagsabi ka ba sa akin na hintayin kita bago ka pumasok sa kwarto mo kanina?"“I said, maliligo at magbibihis lang ako. Bakit hindi ka nagpaalam na aalis ka?” mahina pero halos pagalit na sambit niya sa akin.“Bakit pa ako magpapaalam, nakapag paalam na ako kay mommy at kay Yaya Mely. Ok na iyon." Napanganga siya sa sinabi ko. Halos hindi makapaniwala na iyan ang isasagot ko sa kanya.“Why are you mad at me?" “Mad at me? Ikaw nga diyan ang ga
CHAPTER 63CALL ME, KUYA!Natatawa ako kunwari.“Saan? Sa-saan ka naman nagseselos? Wala nga akong karapatan para magselos na makita ko kayo ni Samantha kagabi sa party kaya…. wala ka ring karapatan na magselos, kuya… Izaak.” Nahihirapan kong sabihin sa kanya. Mahirap mang aminin pero bibig ko na ang nagsalita kaya wala na akong kawala pa. “At bakit wala tayong karapatan na magselos? Nagseselos ako kapag may nagkagusto o masaya ka sa iba. Sa tingin ko alam mo ang sagot Unique, pero ayaw mo lang sabihin sa akin o ayaw mong aminin sa sarili mo na … “"Wala naman talaga. Magkapatid tayo kung iyan ang gusto mong marinig sa akin. Lagi ko ‘yang ipaalala sa ‘yo at baka nakalimutan mo na.” "Tsk, hindi ako naniniwala," he smirked after he said that. Tinagilid niya ang kanyang katawan para maharap ako kaya agad akong umiwas pagkatapos kong ayusin ang pag-upo ko sa upuan at tumingin sa malayo sabay ngiti. Pero gamit nang kanyang daliri ay pinaharap niya ang mukha ko sa kanya. Tinititigan ng