CHAPTER 60CALL ME, KUYA “Mommy?"Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa pagkabigla. Ito na ba yon? Wala naman kaming relasyon pero sa sobrang lapit naming dalawa ay baka kamalan kami na may something. Hindi ko yata mawari na sa ganitong eksena malalaman ni mommy ang pagpapanggap namin ni Kuya. Ngumiti si mommy at lumapit sa amin ni kuya Izaak. Hindi na kami magkayakap kundi magkahawak kamay na lamang kami ni kuya. Nasa likod ko ang kamay ko at naroon kay kuya, hindi niya ako binitawan dahil ramdam niya siguro ang pagkagulat at panginginig ko. “May bagay ba akong hindi alam mga anak?"“Mo-mommy!" Ako na nauutal, halos hindi makatingin sa kanya ng diretso sa kanyang mga mata. “Ikaw ba ang may problema Izaak? Tungkol ba ito sa trabaho mo sa kumpanya?” Bumuntong hininga si mommy at pinagmasdan kami ni kuya. "Kung may kinakaharap man kayo na problema, huwag ninyong suluhin na dalawa o mag-isa. Nandito kami ng daddy niyo, hmm. Handa kaming makinig sa inyo kasi walang
CHAPTER 61CALL ME, KUYA!Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa maraming iniisip. Lumabas ako ng kwarto at bumaba para hintayin siya sa sala pero walang dumating na Izaak. Mabuti na lang at walang katulong or hindi nagising sina mommy habang umiiyak ako sa sala mag-isa.Bakit ba ako nasasaktan? Wala namang kami? Kapatid ang turingan namin sa isa't-isa pero bakit ganito? Bakit ang sakit-sakit pala kapag patalikod kayong niloloko, shit! Wala namang kaming label na dalawa, pero bakit ako nasasaktan? Kinabukasan.Pinunasan ko ang mga luha ko sa mga mata at tinapos ang pagsusuklay ng buhok ko na may naalala na naman. Agang-aga kumikirot ang puso ko. Tatlong oras lang yata ang tulog ko kaya kitang-kita ang itim sa ilalim ng mga mata ko.Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Nakita ko si Yaya Mely na cook sa pamilya ng Legaspi.“Tulog pa po ba sila Yaya? Sina mommy po?" “Tulog pa po ma’am." Ngumiti ako at tumango.Nauna na akong kumain dahil aalis ako ngayong araw. Mag-eenroll
CHAPTER 62CALL ME, KUYA!Paano kaya niya nalaman? Sinabi ni kuya? Tinulak ko ang lalaki dahil sa gulat sa sinabi niya. Napailing at kinakabahan pero tinawanan niya lang ako. Baliw talaga. Naglakad na lang ako patungo sa direksyon ng tao na ayaw ko sanang makita kahit ngayong araw lang. Naalala ko na naman ang nakita ko kagabi. Matapang ko siyang hinarap habang nakapamewang.“Why are you here? Paano mo nalaman na dito ako pupunta?" “At bakit hindi mo ako hinintay?" May diin at galit ang pagkasabi niya.I smirked, “bakit naman kita hihintayin? Nagsabi ka ba sa akin na hintayin kita bago ka pumasok sa kwarto mo kanina?"“I said, maliligo at magbibihis lang ako. Bakit hindi ka nagpaalam na aalis ka?” mahina pero halos pagalit na sambit niya sa akin.“Bakit pa ako magpapaalam, nakapag paalam na ako kay mommy at kay Yaya Mely. Ok na iyon." Napanganga siya sa sinabi ko. Halos hindi makapaniwala na iyan ang isasagot ko sa kanya.“Why are you mad at me?" “Mad at me? Ikaw nga diyan ang ga
CHAPTER 63CALL ME, KUYA!Natatawa ako kunwari.“Saan? Sa-saan ka naman nagseselos? Wala nga akong karapatan para magselos na makita ko kayo ni Samantha kagabi sa party kaya…. wala ka ring karapatan na magselos, kuya… Izaak.” Nahihirapan kong sabihin sa kanya. Mahirap mang aminin pero bibig ko na ang nagsalita kaya wala na akong kawala pa. “At bakit wala tayong karapatan na magselos? Nagseselos ako kapag may nagkagusto o masaya ka sa iba. Sa tingin ko alam mo ang sagot Unique, pero ayaw mo lang sabihin sa akin o ayaw mong aminin sa sarili mo na … “"Wala naman talaga. Magkapatid tayo kung iyan ang gusto mong marinig sa akin. Lagi ko ‘yang ipaalala sa ‘yo at baka nakalimutan mo na.” "Tsk, hindi ako naniniwala," he smirked after he said that. Tinagilid niya ang kanyang katawan para maharap ako kaya agad akong umiwas pagkatapos kong ayusin ang pag-upo ko sa upuan at tumingin sa malayo sabay ngiti. Pero gamit nang kanyang daliri ay pinaharap niya ang mukha ko sa kanya. Tinititigan ng
CHAPTER 64CALL ME, KUYA!“Sunshine! “Omg! Hala! Namiss kita!” Hindi ko naman inasahan na yakapin ako ni Sunshine pagkarating namin sa opisina ng boss ko.Sumama ako kay kuya sa office niya dahil wala sa bahay si mommy and daddy dahil nasa ibang bansa at mananatili sila roon ng isang linggo.Wala naman akong ibang gagawin sa bahay kundi ang tumambay. Nakabisita na rin ako sa mga magulang ko, gustuhin ko man na manatili sa bahay ng matagal pero hindi maaari lalo at laging naka-monitor si Mommy Maribel sa akin kung saan na ako.Wala pa kasi akong plano na sumama sa kanila dahil sa totoo niyan ay natatakot ako na baka malaman ng iba na peke pala ang passport ko. Baka ma identify nila na hindi ako si Cherry. Ang alam ko pa naman sa mga ganyan na paliparan ay sobrang strict. Higit sa lahat kung bakit ayokong sumama na wala si kuya ay dahil business trip ang pinuntahan nila mommy hindi para magbakasyon lang kundi trabaho talaga. Hindi ko pa forte ang trabaho nila. “Anong balita sayo? Mab
CHAPTER 65CALL ME, KUYA!“Back off!" narinig ko ang boses ni kuya Izaak na papalapit. Agad namang tumabi ang mga tao. Hindi ko sila nakikita dahil tinakpan ko ang aking mukha dahil sa sobrang hiya. Pinagtitinginan ba naman ako, may gusto ng tumulong sa akin kaya tumawag na raw ng ambulance.Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin at sa perfume na gamit niya ay alam ko na kung sino ito, si kuya.“Kuya!"“Shhh… I'm here now. " bulong niya sabay halik sa ibabaw ng aking ulo.“Tumatawid na kami na may biglang tumulak sa akin kuya, hindi ko sila makikita dahil hindi ko naman alam na gagawin nila ito sa akin, ang sakit tuloy ng pang-upo ko." parang bata na sumbong ko sa kanya habang kumakapit ako ng maigi sa kanyang braso habang karga niya ako. "Shhh, gagamutin natin yan mamaya, relax ka lang at ako na ang bahala sa gumawa niyan sa'yo. Pinaghahanap na iyon ng mga kapulisan." saad ni kuya kaya tumango ako.Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin kaya pagdilat ng mga mata ko ay naki
CHAPTER 66CALL ME, KUYA!“Samahan mo ako mamaya please, nagpapasukat kasi ako ng damit para susuotin ko sa birthday ni tita Maribel. Sige na ha? Tingnan ko lang kung maayos na iyon at kung kasya na ba sa akin or baka may kailangan pa na i-adjust. Libre kita sa isa sa sikat na restaurant na bagong bukas lamang sa uhmm… near Taguig yata iyon or kahit saan mo gusto na restaurant para ma libre kita, promise ako ang magbabayad.” Maarteng wika ni Ate Samantha kay Kuya Izaak.Nasa sala nag-uusap ang mag-irog at naririnig ko mula sa kusina ang pag-uusap nila. “You see, I'm busy. Baka pwede na pahatid ka na lang sa driver namin.” ani ni kuya sa matigas na boses. "No! Ayoko, dapat Ikaw ang kasama ko. Mabilis lang tayo at hindi yata tayo abutan ng one hour doon, sige na please. I called tita Maribel and she said yes already. So, mag-yes ka na rin please, I need you around dahil ikaw ang magdedecide if it's beautiful na ba or baka may kailangan pang ibago sa damit ko.” Dagdag niya pa.Naawa
CHAPTER 67CALL ME, KUYA!Nasa Baltimoore mall bumaba ang dalawa. Naghintay muna ako ng ilang minuto bago ako kumuha ng pera sa wallet ko.“Bayad Manong oh! Keep the change po at maraming salamat na hindi mo agad ako pinababa,” ani ko sa taxi driver. Laking ang tulong ang ginawa niya sa akin ngayon dahil kung ibang driver pa ito ay baka kanina pa ako kinaladkad pababa.“Okay lang po iyan ma’am, mabuti at nasundan agad natin ang sasakyan nila kung saan pumunta ang asawa mo at ang kabit n'ya po. Mabuti at naisipan niyo na sundin." Asawa? Kabit? Pffft, parang gusto ko na lang matawa sa sinabi ni Manong. Akala niya pala na asawa ko si Izaak dahil sinusundan namin? Natatawa naman ako, hindi ko nga rin alam kung bakit ko pa ba sila sinusundan, pero nandito na ito at wala ng atrasan pa. Maya-maya kasi ang sabi ko sa kanya na sundan ang sasakyan sa unahan, sinabi ko lang naman na gusto ko makakuha ng ebidensya sa panloloko nila sa akin. Joke lang naman iyon pero ganito pala sineryoso ni kuya