Share

CHAPTER 3

Penulis: DÁRKVLADIMIR
last update Terakhir Diperbarui: 2021-11-16 10:38:05

“Don't ask–call me love." Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ‘yung mga sinabi niya kanina, para bang hindi siya nahihiyang sabihin ‘yon, ‘yung tipong parang matagal na niya akong kakilala.

Love? Ang wirdong pakinggan, nakangingiwi.

“Hoy, kanina ka pa nakatulala!" Nabalik ako sa wisyo nang marinig ang matinis na boses ni Cindy, muli akong nagkunot noong tumitig sa kaniya. “Ah–wala may naisip lang kasi ako!" Nginitian ko siya, bahagya pa akong napakamot sa ulo.

Nanlaki ang kaniyang mga mata, “Ano?" Natutuwang sambit niya. “What if magluto tayo ng miryenda para sa mga trabahador?" Ani ko.

“Iyan ang wag na wag mong gagawin!" Nanlaki ang mga mata niya ng sambitin iyon.

Napakamot ako sa ulo dahil sa pagtataka.

Bakit naman? Kasi ba baguhan pa lang ako dito kaya baka akalain nila ay pumapapel na ako? Hindi naman iyon ‘yung intensyon kong gawin.

“B-bakit?" Kinakabahan kong tanong, nag-iba kasi ‘yung reaksyon niya nang sabihin ang mga kataga, para bang bigla siyang natakot.

Gusto kong malaman ang dahilan kaya nagtanong ako.

“Nu'ng kasing huling nagpakin kami sa mga trabahador ay nagalit si Sir, natakot na ako sa kaniya simula noon, kaya hindi na ako muling nagmarunong pa." Pumait ‘yung hitsura niya matapos sabihin iyon.

Sino ba naman kasi ang hindi matatakot sa lalaking sing-tigas ng yelo ang puso? Sa lalaking daig pa ang binagsakan ng langit at lupa? Nakatatakot naman talaga siya kung tutuusin.

“Tara na nga! Lumibot na lang tayo sa hasyenda! Sigurado akong matutuwa ka sa makikita mo!" muling nagbalik iyong enerhiya niya, hindi na ako muling nakatanggi pa dahil hinila na niya kaagad ‘yung kamay ko.

Natutuwa ako sa mga nakikita, palabati ‘yung mga trabahador, hindi katulad sa pinagtatrabahuhan ko dati, makasarili't walang iniisip kung hindi ‘yung pansariling kapakanan nila.

“Mang Ernesto! Kamusta na po kayo?" Napatingin ako sa matandang binati ni Cindy, kung ako ang tatanungin ay mga nasa sisenta na ang edad nito, malakas pa naman siya ngunit hindi na talaga maitatago ‘yung pagiging matanda niya.

“Maayos naman, Deng! Kamusta ka na ba? Antagal mo ng hindi napupunta dito ha?" Nagmano si Cindy sa kaniya habang ako naman ay nanatiling nakatayo sa likod niya, hindi umiimik.

Napapansin ko din kasi ‘yung mga tinginan ng ibang mga tao sa akin, para bang hinuhusgahan ako.

“Maayos din naman po ako, kayo kamusta po ang tuhod ninyo? Nakaiinom naman po ba kayo ng gamot sa tamang oras?" 

“Eto matibay pa din ‘yung mga buto ko sa tuhod, batak na batak kasi sa trabaho!" Nginitian ko siya nang makita kong tumitig siya sa akin. “Siya nga pala, sino iyang dalaga sa likuran mo? Bagong trabahador ba iyan ni Boss Zeke?" 

Tiningnan ko ang sarili mula ulo hanggang paa atsaka muling tumitig sa kanila.

Simple lang ‘yung damit ko, isang bestida lang na hindi lalagpas sa tuhod, nakalitaw din ‘yung balikat ko kaya mahahalata iyong pagiging probinsyana ko.

Wala naman akong nakikitang masama sa trabahador ngunit bakit parang nainsulto ako sa sinabi niya? Bakit parang may kirot na dumampi sa puso ko nang marinig kong sabihin niya iyon? Kasi ba dahil ang papel ko dito ay ang pagiging fiance niya? Kaya ako nainsulto dahil napagkamalan akong trabahador at hindi bilang fiance niya?

“Ah hindi po– siya po ‘yung pakakasalan ni Sir Zeke!" Pabiro niya akong tinabig sa balikat kung kaya't nagkusa akong abutin ang kamay ng matanda para magmano.

“Ah kung ganoon ay magaling palang pipili si Boss? Simpleng babae ang nabingwit niya ngunit maganda, sigurado akong mabait din itong batang ito!" Natawa ako sa sinabi niya.

Maganda? Unang beses ko pa lang masabihan ng ganito sa buong buhay ko, iyon nga lang ay anak na ang nagsabi nito sa akin.

“Ako po si Brielle, Bri na lang po ang itawag ninyo sa akin!" Ganadong sambit ko. “Mang Ernesto po ang pangalan ko, Ma'am Bri!" 

Ma'am? Ang pormal naman ng ganoong tawag, hindi ako sanay.

“Wag ninyo na po akong tawaging Ma'am, Bri na lang po!" Nahihiya akong ngumiti sa kaniya.

“Hindi talaga nagkamali si Sir ng pagpili sa iyo!" 

Hindi ko man nakita ngunit naramdaman ko ang tinginan ng iba sa mga tao dito, nahiya na naman ako.

Ilang saglit pa'y nakarinig ako ng mga bulungan mula sa hindi kalayuan.

“Iyan ba ‘yung magiging asawa daw ni boss? Ang simple naman! Halatang mahirap!" Narinig ko din iyong mga mahihinang tawanan nila. “Mas gugustuhin ko pa ‘yung dating hitsura nu'ng nobya niya kaysa sa hitsura nitong babaeng ito! Ang tapang ng hiya!"

Yumukom ang mga kamay ko, nararamdaman ko ‘yung mga nagbabadyang luha sa gilid ng mga mata ko.

Sa bagay sino ba naman kasi ako para magustuhan niya? Atsaka isa pa, alam ko namang hindi seryoso itong pagpapanggap na ito!

“Oh bes, okay ka lang?" 

Aksidente akong napatingin kay Cindy. “Ah oo–nga pala mauna na ako ha may nakalimutan lang akong gawin!" hindi ko na hinintay pa ‘yung sasabihin niya at kaagad na tumakbo papalayo sa kinaroroonan nila.

Iba't-ibang mga negatibong komento ang tumatakbo sa isipan ko.

Bakit ako nahihiya? Bakit ko ikinahihiya ‘yung pagiging mahirap ko? Bakit ako naiinis sa kanila? Dahil ba nagagawa nilang laitin ako kahit parehas lamang kami ng estado sa buhay? Parehas lang din naman kami ng mga kinakain ngunit bakit ganoon sila magsalita? Bakit sila ganoon manghusga na para bang kilalang kilala na nila ako?

Hindi ko inaasahan ang pagkawala ng mga luha matapos kong makapasok sa kwarto, hindi ko ito mapigilan, nagiging mahina na naman ako, nagpapakain na naman ako sa sistema ko! Nagpapakain na naman ako sa kahinaan na hindi naman dapat!

Hindi ganito ‘yung itinuro ni Papa sa akin!

Sigurado akong magagalit siya kung nakikita niya akong umiiyak dahil sa sinasabi ng ibang tao.

“Kailangan mong maging malakas!" Ibinabaon ko ang mga kataga sa isipan, umaasa ako na iyon ang magpapatahan sa akin.

Kailangan kong maging malakas dahil may rason ako para gawin iyon.

Kailangan kong maging malakas para sa mga kapatid ko, kailangan kong maging malakas para sa mga minamahal ko.

At higit sa lahat kailangan kong maging malakas dahil kailangan.

Kusang tumigil ang mga luha ko nang makarinig ng mahihinang katok mula sa pintuan, pinunasan ko ang mga luhang bumasa sa aking mukha gamit ang likod ng aking mga palad.

Sino ba ito? Kung si Cindy naman ay ambilis naman niya akong nasundan? O baka si Manang Ester lang? 

Nagmamadali akong buksan ‘yung pintuan at hindi ko inaasahan na makikita ko sa harap ang lalaking kinatatakutan ko.

Nakabukas ‘yung iilan sa butones ng kaniyang suot, hapit na hapit ito sa kaniyang katawan kaya't malaya kong nakikita ‘yung magandang hugis ng kaniyang katawan.

Para siyang nanlalambot, nanlilisik pa din ang kaniyang mga mata nang titigan ko siya. “I forgot to give you this," kasabay no'n ang pag-abot niya sa akin ng isang telepono.

Kumunot naman ang noo kong tumitig sa kaniya. “Para saan po ito?" Nagtatakang tanong ko.

“Nakasave na dya'n ‘yung number ko, call me if there's an emergency." Tumango ako, “isa pa, wag mong ibibigay ‘yung number mo sa kahit na sino okay?" May pagkamalat sa malalim na boses niya nang sabihin ang mga kataga, bagay sa kaniya ‘yung ganoon, mas lalo siyang gumagwapo kung ganoon palagi ang boses niya.

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
huwag kang magpapatalo brielle dahil hindi mo naman kasalanan kung ikaw ang pakakasalan ni mr.zeke
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 4

    Kaagad niya akong tinalikuran matapos niyang ibigay itong teleponong ito sa akin. “Hoy bes, Anong nangyari? Bakit ka umalis kaagad?" Nag-aalalang tanong ni Cindy nang makasalubong ko siya papunta sa kusina, naghahabol siya ng hininga na animo'y tumakbo ng malayo. “Wala naman, may nakalimutan lang akong gawin." Ngumiti ako sa kaniya, kumuha ako ng isang basong tubig at nilagok iyon. “Teka nga," Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, kinikilatis ‘yung hitsura niya. “Bakit parang hingal na hingal ka? Ano bang ginawa mo?" Kumunot ang noo niya, “Bes hinabol kita! Hindi lang kita naabutan dahil ang haba ng mga biyas mo!" Natatawang sambit niya. Kumuha siya ng inumin at diretsong nilagok iyon. “Nakita ko si Sir Zeke na lumalabas mula sa kwarto mo," Tumaas ‘yung isang kilay ko. “Anong ginawa no'n sa kwarto mo?" Pabirong tanong niya. “May sinabi lang siya, ‘di rin naman siya n

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-16
  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 5

    Muli kaming sumakay sa kaniyang kotse at hindi na niya ako magawang kibuin hanggang sa makarating kami sa mansyon.Nakikita ko pa din ang pamumula sa kaniyang mukha hanggang sa kaniyang leeg, kinakamot niya ito ng madiin.Inalalayan ko siya patungo sa kaniyang kwarto.Naupo ako sa gilid ng kaniyang kama, nagulat ako ng tanggalin niya ‘yung natitirang butones sa kaniyang damit.Malaya kong nakikita ang kaniyang dibdib hanggang sa matigas niyang t'yan.Tinakpan ko ang mga mata nang mapagtanto kong nakatitig ako sa kaniyang t'yan.Diyos ko! Ano bang ginagawa mo Brielle!Ayokong magkasala, patawarin po ninyo ako ama sa langit.Pero ang ganda ng hubog ng pangangatawan niya, halatang naaalagaan niya iyon.“Where are you going?" Malamig ang tinig niya nang sabihin iyon kaya't awtomatiko akong napahinto sa paglalakad para lingunin siya.“Kukuha lang ako ng gamot at pampunas sa katawan mo." kasabay

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-17
  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 6

    “Sa kaligtasan nila, hindi normal ang mga trabaho ng magulang ni Zeke, ija." Napatango na lamang ako, wala akong mabuong salita. “Oh siya d'yan ka na ija at ako'y may gagawin pa." kasabay no'n ang pagtalikod niya sa akin. Iniwan niya akong nakatulala, pilit kong iniintindi ‘yung mga sinabi niya. Anong ibig sabihin niya sa mga iyon? “Oy bes! Bat ka ba nakatulala d'yan!" Bulyaw ni Cindy na ngayon ay nasa harapan ko na pala, napa-iling na lamang ako sa kaniya. “Kamusta pala si Sir Zeke? Balita ko sumumpong na naman ‘yung allergy niya kaya umuwi kayo kaagad?" “Ah oo, hindi ko kasi alam na mayroong problema ‘yung balat niya sa bagoong." Nanlaki ang mga mata niya, “Bagoong?! Hala! Edi nagalit ‘yon sa iyo kanina?" Ngumiti ako, “H-hindi naman. . ." saglit kong ikinunot ang noo. “Hay mabuti! Nu'ng huli kasing pinakain s'ya ng bagoong ay nagalit siya!" Huminga siya ng malalim, wala namang bago do'n dahil lagi naman siyang galit.

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-18
  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 7

    “Bes, Goodmorning!" Maingay na boses ni Cindy ang bumungad sa akin paglabas ko ng kwarto, malawak ang pakakangiti nito sa kaniyang labi. “Nga pala, pinapasabi ni Sir Zeke na dumeretso ka sa opisina niya matapos mong mag-almusal." Aniya, nilapitan niya ako at mahinang tinapik-tapik ang balikat ko. “Labas muna ako ha." Nagpatango-tango ako sa sinabi niya.Ako hinahanap? Bakit na naman kaya?Saglit kong tinungo ang kusina para magtimpla ng kape't kaagad na dumeretso sa opisina niya.Huminto ako sa paglalakad nang makahinto ako sa harapan ng pintuan, muli akong huminga ng malalim. Ewan ko ba! Likas na sa akin na gawin ang mga bagay na ganito.“How's your sleep, Bri?" Bungad niya sa akin matapos kong makapasok sa loob, bahagyang nanlaki ang mga mata kong naupo sa harapan ng lamesa niya. “Maayos naman. . ." bahagya akong ngumiti sa kaniya.“Anyways, tungkol sa pinag-usapan natin kagabi," Napatingin ako sa mga mata niya

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-21
  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 8

    Nakatulog ako ng mahimbing dahil sa labis na pagkapagod, ang daming nangyari kagabi, nagsisimula na din kasing umusad ‘yung misyon niyang naming ito.Hindi pa rin ako makamove-on sa paghalik niya sa noo ko nu'ng gabing iyon, ang pinag-usapan kasi namin ay ‘Public Affection' lang, hindi ko din alam kung ano ang rason para gawin niya iyon, napapansin ko nga ding hindi na siya katulad nu'ng mga nakaraang araw, ‘yung laging galit na animo'y pasan-pasan na niya ang lahat ng problema sa mundo.“Hi, I'm Levi, Sir Ezekiel's assistant." Nakipag kamay ako sa lalaking ngayon ay nakatayo sa harapan ko, may katangkaran siya kaya't bahagya akong napatingala para makita ang mukha niya, may katangusan ‘yung ilong niya, mamula-mula din ang kaniyang mukha at bukod do'n ay nakasuot ito ng tuxedo, para siyang isang escort.Pinilit ko ang sariling magbalik sa sariling wisyo, ilang beses muna akong kumurap bago makabuo ng mga salitang sasabihin, &l

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-23
  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 9

    “Thank you, Zeke." mga binili niya sa akin ‘yung tinutukoy ko at ‘yung espesyal na araw na ito. “No, Bri, thank you." Nararamdaman ko ‘yung mainit na hininga niya na dumadampi sa leeg ko. Nakaupo kami sa isang couch, magkalapit lang kami ng pwesto kaya nararamdaman ko ‘yung paghinga niya, nararamdaman ko din ‘yung mga titig niya sa akin kaya hindi ko siya matititigan ng diretso. May problema ba sa mukha ko? Ilang saglit pa'y tumunog ‘yung telepono niya kaya kaagad niyang ibinaba ‘yung kopitang kaniyang hawak-hawak at itinuon ang pansin sa teleponong iyon, naglakad siya papalayo sa akin, nakikita ko naman ang panggigigil ng kaniyang panga nang titigan ko siya mula sa isang sulok ng kwartong ito. Inayos ko ang sarili nang makalapit na siya sa akin, napansin kong bumalik na naman ‘yung seryoso niyang mukha, “Ipapahatid na lang kita sa guwardya, hindi kita maihahatid." Tumalikod siya sa akin na animo'y isa lamang akong bula na kahit anong oras ay pep-pwedeng mawa

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-27
  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 10

    “Saan ba tayo pupunta?" Hindi pa rin ako mapakali, nilakasan ko ang loob para tanungin si Zeke na ngayo'y nakatuon ang pansin sa pagmamaneho, saglit niya akong tinitigan. “You're stressed and you are missing something." bahagyang tumaas ‘yung isa sa mga kilay ko, totoo naman na nai-stress na ako sa mga pinagggagawa namin pero alam ko namang parehas lang ang nararamdaman namin, wala akong karapatang magreklamo. Pamilyar ‘yung mga dinaraanan namin, nanlalaki ang mga mata ko nang makitang muli ‘yung mga dati kong dinaraanan. “Here, alam kong nami-miss mo na ang mga kapatid mo, Bri." Napangiti ako sa kaniya, ma-awtoridad na kumilos ang katawan ko para yakapin siya, natutuwa ako sa kaniya dahil sa kabila ng mga kasungitan niya dati'y mayroon pala siyang tinatagong kabaitan. “Go see them, hindi tayo pwedeng magtagal dito." Nakita kong bahagya siyang ngumiti sa akin, “Hindi ka ba sasama sa akin sa loob? Kilala ka naman na ‘di ba?" “Kila

    Terakhir Diperbarui : 2022-02-17
  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 11

    “Bes, kanina ka pa nakatulala. Okay ka lang ba?" Ang pamilyar na boses ay nanggagaling kay Cindy. Nagpakawala ako nang mabigat na paghinga matapos siyang lingunin. Marahan akong ngumiti, ”Oo naman, maayos ako.” kasabay no'n ang pagkindat ko sa kaniya. Hindi pa rin ako mapakali sa kaiisip tungkol roon sa sinabi ni Zeke sa akin kahapon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil anlaki na nang ipinagbago niya o dapat bang sumakay na lang ako sa gusto niyang mangyari. Baka isa lang ‘yon sa bagong plano niya. “Oh kung gano'n, mauna na muna ako ha. Hindi ka ba talaga sasama sa hasyenda?” Ngumiti ako matapos ay marahang nagpa-iling-iling. “Hindi, may gagawin pa ako.” Nagpatango-tango muna siya bago tumalikod sa akin. Pinagmasdan ko siyang makalayo sa kinaroroonan ko. “Tama, baka isa lang ito sa mga plano niya.” Mahinang bulong ko sa sarili, lumagok ako ng isang basong tubig matapos no'n. Isang plano na dapat kong sakyan.&

    Terakhir Diperbarui : 2022-02-18

Bab terbaru

  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   Special Episode:

    “Thank you for being part of my life, Misis ko. You brought so much happiness. . ." Napapikit na lamang ako nang idantay ko ang ulo sa kaniyang braso. Ipinalupot ko ang braso ko sa katawan niya atsaka ngumiti.“Maraming salamat din dahil sa mga sakripisyo mo," ani ko. Naririnig ko ang pagwawala ng puso nang halikan ako nito sa noo.“This is not the end, I promise you. Simula pa lang ‘to ng buhay mag-asawa natin," bulong niya. He fished his phone underneath his pillow. “Bangon na tayo, may sorpresa ako sa ‘yo," aniya at umakmang babangon na ng kama.Ininat ko ang mga braso atsaka humikab ng ilang segundo bago siya tingnan. “Susunod na ako, mauna ka na." I said as I tied my hair into a bun hairstyle. Pinagmasdan ko lang siyang maglakad papalayo sa ‘kin habang ako ay hinila ang pang-upo sa dulo ng kama para itiklop at ayusin ang gusot na mga kumot. Ilang minuto ko pang pinagmasdan ang sarili sa harapan ng salamin. Napapansin kong umuumbok na ang aking t'yan, hinimas-himas ko pa ito haba

  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   Words from the Author!

    Gosh, we've made it this far! Una, nagpapasalamat ako sa patuloy na pagtangkilik ninyong lahat sa istoryang ito at maging sa ‘kin man. To my avid Readers, 12.2k reads na ito! Grabe kayo! Hindi ko man inaasahan na basahin ninyo ito hanggang dulo dahil alam kong sinimulan kong isulat ito noong panahong hindi pa ako masyadong maalam na manunulat ngunit napakasaya ko. From the Reads, Gems, and ‘yung pag-unlock ninyo sa story ko using your purchased coins. Sobrang na-appreciate ko po lahat. I promise that I'll improve my skills more to give you the best reading experiences. And also, bilang pasasalamat, mag-abang kayo sa special chapter na kasunod nitong announcement ko. Comment nga kayo rito, gusto ko kayo mapasalamatan isa-isa! Ang tanong, ilang words ang special chapter? Oops, basta ang sagot ko ay bilang ng mga salita na sa tingin ko ay hindi kayo madi-dissapoint! I have an on-going story ulit, promise maganda at kapana-panabik ang magiging takbo ng istorya. Ang title ay ”Owned by

  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 43

    “Wake up!"Awtomatikong bumukas ang aking mga mata nang makarinig ng bulyaw. Kaagad akong umupo sa kama at mabilisang kinuskos ng palad ang aking mga mata. Kunot noo akong tumingin sa paligid kapag tapos. “C-Cindy?" bulong ko nang makita ko siyang nakatayo sa harapan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko siya kaya't mataman ko siyang kinilatis ng paningin.“Oo, baliw ka! Para kang nakakita ng multo!" biro niya. Kaagad naman akong tumayo sa kinauupuan para salubongin siya ng yakap. “Na-miss kita," saad ko. “Bakit ka pala andito?" I asked in a frustrated tone. Kumunot rin ang noo ko.“Ang oa mo naman, wala pa yata akong isang buwan na nawawala, e." she said as she laughed. Siya nga talaga itong nasa harapan ko. Hindi ako nananaginip.“Shabu ka ba? Malamang andito ako kasi araw ng kasal ng best friend ko. Hindi ba ako invited?" she said in a light tone. Umiling-iling ako bilang sagot. “No, I mean, ‘di ba nag-aaral ka na?" I asked. “I was about to," sagot nito. “but go

  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 42

    “Kapag tapos nito, anong pinaplano ninyong dalawa?" Damian asked.Magi-isang oras na kaming nakaupo sa loob ng kwartong ito. Kanina pa nga ako nilalamig sa lakas ba naman ng hangin dito sa loob. Tinanggal ko ang mga braso sa pagkikibit-balikat atsaka ikiniskis ang mga palad upang kumuha ng init mula dito.I sipped my coffee out of being cold. Kaming tatlo lang dito sa VIP room ng coffeeshop, mabuti na lang at mayroong ganitong kwarto sa branch na ito. It's a great way to relax lalo pa't kung gusto mong mapag-isa at lumayo sa mataong lugar. “We want to live alone, malayo sa lugar na ito." Zeke unexpectedly uttered. Hindi ko inaasahang sasagutin niya ang tanong kaya't nakuha nito ang atensyon ko.Kanina pa kasi siya walang imik at nakatutok sa telepono niya. Hindi ko ba alam kung ano na naman ang pinagkaka-abalahan niya ngunit panigurado akong importante ‘yon.“Hmm, ang ganda ng naisip mong plano. Ilan ba ang gusto mong anak sa best–" naputol ang pagsasalita ni Damian nang madalian kon

  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 41

    Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, “Huh? You planned everything for me not to get out of you?" saad ko. He nodded then simply kissed my neck.“Of course," he whispered.“Pero bakit mo hinayaang mag-training, Zeke? For what? Pati ba ‘yon ay plano mo, nailagay sa kapahamakan ang anak mo sa sinapupunan ko?" I said. Marahan kong hinimas ang tiyan ko.“That's clearly for clout. Marami na akong naririnig na sabi patungkol sa ‘yo na buntis ka raw. Of course, I don't want to risk your life and the baby after it got publicized." he smirked then rolled his eyes. “P-Pero paano nalaman ni Mrs. Elizabeth," tumaas ang kilay niya sa sinabi ko, “Nandoon ako kanina, narinig ko ang usapan ninyo." I gulped.“I'm well informed about that. That's why I cleared up some things to her. That's the reason why pinuntahan ka rito ni Damian to make sure that you're safe." I nodded slowly. Hindi pa rin ako makapaniwala sa angking kautakan niya.“And do you think, maniniwala siya?" he shook his head as he pout i

  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 40

    Marahan akong napaupo sa sulok ng kwarto nang makarating sa bahay. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko–paano ko naman maiiwasan ang pagkabahala kung alam kong hindi ako ang pipiliin niya? Of course, he'll choose what's best for him; the money, the fame, and his safety. Pinaghirapan din niya ang lahat nang ‘yon kaya't sino ako para piliin niya? For sure, pinag-uusapan na nila kung paano ako itatapon na parang kung sino lang. I know na hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman niya para sa ‘kin since we've been together for just. . .months!What if he'll throw me and the child I'm carrying into a hopeless situation? Alam kong alam niya na sa kapangyarihan at ka-sopistakadong pamimikas niya'y maraming nagkakandarapa sa kaniya. Models, Infamous CEOs, Artists? Name it, he'll freaking make it fall in love with him in just a wink. Humugot ako nang isang malalim na paghinga matapos sumandal sa pader; iniisip ang pwedeng kahantungan ng sanggol sa sinapupunan ko. It's either he'll tell me t

  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 39

    “We're here, Madame," saad nito. Kaagad ko siyang binalingan ng tingin, sa hindi inaasahan ay umipon ang mga luha mula sa gilid ng mga mata ko. Na sa kahit anong oras ay maaaring kumawala na alam kong hindi ko mapipigilan pa. Napamaang ako sa kinauupuan at marahang tinanggal ang seatbelt. Nasa passenger seat ako nakaupo but I decided to wear a seatbelt, mabilis kasi ang pagpapatakbo niya kanina. “H'wag ka nang bumaba. Dito ka na lang." I gulped, marahan kong ibinaling ang paningin sa labas ng sasakyan. Walang gaanong tao sa labas. At ang tanging nakikita ko lang ay ang mga pulis na nakabantay sa gate. Kumunot ang noo niya. “Huh? Hindi kita pwedeng iwanan, Madame. Ayokong may mangyaring masama sa ‘yo katulad noon," she uttered. Tinanggal niya ‘yung seatbelt na nakapalupot sa kaniya.Umiling ako. “H-hindi, ako na. Kaya ko nang mag-isa at isa pa, h'wag mo nang ibalik ‘yung nangyari sa ‘kin noon. Alam ko, may sarili ka nang pamilya, Rebecca. Naranasan ko na ang lahat nang ‘yon, n-na ma

  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 38

    Napalunok ako nang maramdaman ang panunuyot ng lalamunan. Sa hindi inaasahan, nagtama ang paningin naming dalawa. “Sa mga pumatay sa magulang ko.” I said, ikinubli ko ang nagbabadyang luha sa gilid ng mga mata ko sa pamamagitan ng tono nang pananalita ko. “Murdered...” aniya habang tumatango-tango. “‘cause of what?” I gazed at him upon narrowing my eyes. “Tuturuan ninyo ba ako o hindi? Kasi kung hindi, mas makakabuti kung umuwi na lang ako.” I asked, bahagyang napakunot ang noo ko. Kailangan pa bang tanungin ang mga ‘yon? “You ready?” I nodded. Iniayos ko ang pagtayo at mataman siyang tiningnan. Nagsimula ang page-ensayo namin. Tinuruan niya ako ng mga basic self-defense na maggagamit ko sa mga susunod pang araw. I'm aware na maselan ang pagbubuntis ko. At mahihirapan ako. Ngunit para sa aming dalawa ‘to gayong hindi ko alam kung hanggang kailan nasa tabi namin si Zeke. Napahawak ako sa tiyan ko saka marahang napaupo, nangangatog ang mga tuhod kong tiningnan si Killian. Nakati

  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   Note

    This is your author– Hey there everyone! I felt bad for having a slow update, alam ko pong naghihintay kayo sa natagal na update na ito and I felt sorry. Nasabi ko na po ito sa comment section. Please, bear with me. Please don't leave a bad review and low ratings as it is hurting me–but I'm still open for constructive criticism so please, sabihin ninyo lang po ang opinyon ninyo paukol dito. Kung may nakikita kayong problema, just comment na lang po sa particular chapter o sa comment section pero ‘wag po kayong mag-iwan ng bad review. –DÁRKVLADIMIR 1.7K READS!!! So happyyy!

DMCA.com Protection Status