ILANG araw na mula nang mangyari ang pagkikita ng mag-ama ni Caroline at saka ng mga Concha. Natatakot si Thalia dahil parang pakiramdam niya ay hindi sila patatahimikn ng ama ng ex-fiancee ni Earl. Si Earl naman ay pinagkibit-balikat lamang ang tagpong yun.Noong makita ni Earl si Caroline noong araw na iyun ay pinakiramdaman niya ang kaniyang damdamin. Marami na ang nagbago sa nararamdaman niya, yoon ang kanyang napagtanto. Marahil ay minahal din naman niya talaga noon si Caroline, ngunit iba na ngayon. Tila ba nawala na ganoon kabilis na nawala ang pagmamahal niya para rito. Siguro dahil nawalan siya ng gana dahil niloko siya nito. Pagkatapos andiyan si Thalia na walang lalaki na hindi siya magugustuhan. Nasa kanya na kasi ang lahat.Lihim na napangiti si Earl nang maisip niya ang asawa. Mahal na niya si Thalia, yun ang naging realisasyon niya noong araw na iyun.“Naks, ganda ng ngiti ah kahit mag-isa lang dito sa opisina ah,” pang-aalaska s
NAIS sana ni Thalia na talikuran na lamang ang ama ni Caroline dahil hindi talaga siya komportable dito. Kitang-kita sa awra nito ang pagiging ma-awtoridad at strikto. Natatakot siya! Yung ang pakiramdam niya dito. Ngunit pinilit niyang ikalma ang sarili sa harapan nito. “Good evening po,”bati niya dito na kinakabahan at pinilit na ngumiti pa din sa matandang lalaki. Lalong dumilim ang mukha ni G. Ronaldo Abad sa kanya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at tinignan siya na halatang minamata siya. “You know that there’s no good whenever you’re around,” nang-uuyam na sagot ni Ronaldo Abad. “Wala po akong ginagawang masama sa inyo,” her hands are trembling already. She’s so scared right now. Parang feeling niya anytime ay may gagawin itong masama sa kanya. “Really, inagawan mo ang anak ko. Inagaw mo sa kanya si Earl!” madiin na pagkakasabi nito sa kanya. Halata na nagpipigil lang na saktan siya. “Maniwala po kayo. Hindi ko po ginusto ang nangyari. At saka tanggap ko naman p
NAGTATAKA si Earl sa ikinikilos ni Thalia sapagkat magmula nang umupo siya sa katabi nito ay hindi ito masyadong umiimik. Kapag kinakausap lamang ito ni Claire or ng parents niya nagsasalita. Kapag naman siya ay napakatipid ng sagot niya. Nagtatampo kaya ito dahil sa iniwan niya ito kanina? Hindi kasi siya nakatanggi nang lapitan siya ni Caroline kanina. Hiniling nito na magkausap-usap silang tatlo nila ni Daniel. Lumabas sila sa may fountain at doon nag-usap. Actually, wala naman na sa kanya yun eh, okay na siya. Siguro dahil nga may feelings na niya ang asawa. Basta ang hirap ipaliwanag ng damdamin niya. “Earl pare thank you so much for understanding,” sabi ng kaibigan niyang si Daniel sa kanya kanina. “Oo nga Earl, sorry ulit. “ buong sinseridad na sabi ni Caroline. “Everything is okay na. May dahilan ang mga bagay-bagay. Just be happy guys,” nakangiting sabi niya sa dalawa. “Oi pero an gang ganda pala ni Thalia, no wonder kaya ka naka-move on agad sa akin no,” nanunuksong t
NANG makauwi na ang mag-asawa sa condo ay dumiretso na agad si Thalia sa kuwarto. Gusto niyang matuwa dahil naramdaman ang pag-aalala mula sa mga magulang ni Earl at kay Claire. Gayundin naman sa kay Earl kaya lang sa tuwing naiisip niya kung bakit nangyari na nasaktan siya ni Ronaldo ay hindi maiwasan ang masaktan siya. Naiisip niya kasi na nung oras na sinampal siya ni Ronaldo ay nasa piling ng anak nitong s Caroline si Earl. Ang sakit lang isipin na mahal pa rin nito ang dating kasintahan. Hindi tuloy niya maiwasang mag-isip nab aka kung hindi siya nabuntis ni Earl ay malamang magkaayos pa ang dalawa. Mabilis na nakapagpalit ng gown niya si Thalia at nakapagsuot na ng pantulog. She’s wearing a silk dress sleepwear. Halatang-halata ang tiyan niya dito. Marahan niyang hinaplos ang tiyan. Ang anak niya ang pinaka-importante sa kanya ngayon. Ngunit kahit papaano ay natutuwa naman siya na mahal ito ng kanyang ama. Masaya kahit ang anak na lamang nila kahit hindi na siya. Hindi namalay
TILA ba naumid ang dila ni Earl at hindi makasagot sa tanong ng asawa. Nararamdaman naman niya na hindi na niya ganoon kamahal si Caroline ngunit hindi na ba niya ito mahal ng talaga?Hindi na nahintay ni Thalia ang sagot ng asawa dahil na hinila na siya ng antok. Naisip niya din na maaaring hanggang ngayon ay may nararamdaman pa din si Earl kay Caroline ngunit ang mahalaga ngayon ay sinusubukan ni Earl na mag-work ang kanilang marriage.Napabuntong-hininga si Earl nang makitang hindi na nahintay ni Thalia ang kanyang kasagutan. Dinampian na lamang niya ito ng halik sa ulo.“Konting hintay pa wife, I’m gonna get there,“ mahina niyang bulong dito.Kinabukasan ay maagang gumising si Earl at ipinaghanda ng breakfast ang asawa. Gusto niyang pagsilbihan ito at mag-focus sa kaniyang mag-ina. Simula ngayon ay sila ang kaniyang priority.“Morning,” malambing na bati niya kay Thalia. Habang ang asawa naman ay kakagising pa lama
MASAYA ang naging pasko nina Thalia kasama ang kanilang pamilya. Hapon ng araw mismo ng pasko sila umuwi. Hinatid muna nila ang kaniyang Lolo at lola sa kanila sa Makati. Habang nasa biyahe naman ay walang tigil si Earl sa pagsasabi na excited siya sa regalo ni Thalia. Napapangiti na lamang si Thalia sa inaasal ng asawa. Natutuwa siya na makita ang makulit na side nito, noon kasi akala niya sobrang seryoso nito at mukhang napakasungit. Madalas din nitong hinahalikan ang kanyang kamay na hawak-hawak pa nito habang nagmamanedo. Hindi maiwasang umasa ni Thalia na sana ay matutunan na nga siyang mahalin ng asawa. Sobrang saya niya siguro kapag nangyari yun kasi ibig sabihin ay magkakaroon na ng katugunan ang nararamdaman niya para sa asawa. Mahal na niya si Earl. Matagal na ngunit pilit niya itong nilalabanan at tinatago noon dahil nga ramdam niya ang galit nito sa kanya, kaya naman lagi siyang in-denial sa feelings niya dahil nga ayaw niyang masaktan. Nang makarating sa condo ay nauna
SA sobrang sama ng loob ay wala na lamang nagawa si Thalia kundi ang bumalik sa condo. Habang naglalakad ay naisip niya na kung tama ba na hindi niya kinompronta ang dalawa. Dapat ba sinugod ko ba sila? Tanging tanong niya sa isip. Ngunit alam niya sa sarili niya na ayaw niya ng ganoon, ayaw niya ng eskandalo. At saka baka mas masaktan pa siya, paano kung sabihin mismo ni Earl sa harapan nila na mahal pa din nito si Caroline. Iniisip pa lang niya na maririnig yun kay Earl ay para na siyang sinaksak ng sangkaterba. Ngunit hindi naman niya ito masisi dahil umeksena lang naman talaga siya sa dalawa. Kahit na hindi mahal ni Caroline si Earl, ang asawa niya ay mahal ang dating nobya. Naguguluhan siya hindi niya alam kung ano ang isipin ngayon. Bakit ba nakipagkita ang asawa niya kay Caroline sa ganitong oras ng gabi? Samantala, mataimtim na nakikinig si Earl sa mga sinasabi ni Caroline tungkol sa hinala nitong banta ng ama niya tungkol sa kanyang asawa. Napabuo ang kamao niya nang maisip
NAGSESELOS si Thalia dahil nakita sila nito ni Caroline sa café. Nakita pa nito na magkayakap sila. Napangiti siya sa naisip na kaya nagseselos ay dahil may nararamdaman si Thalia sa kanya. Hindi naman siguro masama kung kiligin siya di ba. Shit! Nakakabakla pala to. Ngunit bigla siyang napangiwi ng maalala na galit ang asawa niya. Damn! Kailangang suyuin niya ang asawa. Ayaw niyang lumipas ang oras na hindi sila ayos na mag-asawa. Mabilis na tinungo ni Earl ang kanilang kuwarto upang sundan ang asawa. Nadatnan niya ang asawa na nakahanda nang matulog. Nakahiga na ito ngunit nakasandal pa sa headboard ng kama. “Please hear me out,” nakikiusap na turan ni Earl sa asawa. Marahan siyang umakyat sa kama at lumapit sa asawa. “I don’t know if I am ready to hear you now. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko,” humihikbing sabi ni Thalia. Nasasaktan si Earl na nakikitang nasasaktan ang asawa. Parang pinipiga ang puso niya. “Ayokong lumipas ang oras na ito na hindi mo nalalaman kung bakit kam