ANG PAGBUKAS NG PINTO ang nagpahinto kay Zahra sa pagbabasa ng libro. Pero hindi man siya nag-aksaya ng oras na tingnan kung sino ang pumasok. Muli niyang ipinagpatuloy ang pagbabasa habang nakasandal sa headboard ng kama."What are you doing? I already instructed manang Aiza to tell you that you must be ready at six pm," bakas ang galit sa boses nito.Hindi siya sumagot bagkus ay ipinagpatuloy ang pagbabasa hanggang sa nawala sa kanyang harapan ang libro at narinig ang pagbagsak no'n sa sahig. She gritted her teeth. Hearing his voice always makes her blood boil. It's been two years but she can't accept the fact that she ended up with him."If I were you, I would start fixing myself. You still have thirty minutes." Masama niya itong tiningnan. At ano pa ba aasahan niya. Sa loob ng dalawang taon ay wala naman itong ginawa kung hindi gawin siyang alipin. She hates him. "I will not go," matigas niyang sagot at sinalubong ang walang emosyon nitong mga mata. That cobalt blue eyes. Siya r
KANINA PA SI ZAHRA wala sa sarili mula nang masilayan ang dating kasintahan. Oo, hindi siya pwedeng magkamali na ang Clyde Vito Villasis Romano at ang Clyde Villasis na naging kasintahan niya ay iisa. Pangalan lang ang nagbago pero walang nagbago sa itsura nito. Imposible naman kamukha lang ito ng kasintahan niya. Pero bakit nang magtagpo ang kanilang mga mata kanina ay parang hindi siya nito kilala. Ito pa ang may ganang magalit samantalang siya ang niloko nito. Muli na naman kumirot ang isang bahagi ng puso niya nang maalala na naman ang kataksilan ng dating kasintahan. Kinuha lang nito ang pinakaiingatan niya saka siya itinapon na parang basura. 'Kusa mong ibinigay' salungat ng isang bahagi ng isip niya.Oo na! Kusa niyang ibinigay kasi nagtiwala siya sa kasintahan pero nagkamali pala siya."Are you okay?" Tanong ni Lorenzo ang pumukaw sa malalim niyang pag-iisip. Napalingon tuloy siya rito. Kanina pa tapos ang speech ni Clyde at kasalukuyang nakikipag-usap sa ibang mga bisita hab
HANGGANG SA makarating sina Zahra at Lorenzo sa kotse ay walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Nang simulan paandarin ang makina ng kotse at unti-unti na itong umuusad upang umalis ay nanatili pa rin silang tahimik. Inabala muli ni Zahra ang sarili na pagmasdan ang buong kapaligiran. Pero sadyang matalas yata talaga ang memorya niya dahil pilit bumabalik ang eksenang nakita niya kanina. Kung paano tugunin ni Clyde ang halik ng babae na 'yun. Ito rin kaya ang babaeng nakita niyang kasama nito. Siguro nga. O, baka iba na naman. Sa estado ngayon ng dating kasintahan ay imposibleng iisa lang ang babae nito. Kung noon nga ay ang dami nang nanghahabol rito kahit simpleng mamamayan lamang ito ng bansa. What more now that he is the missing son of Mr. Romano."You enjoy the party?" untag ni Lorenzo sa kanya na ikinalingon niya rito. Ang mga mata nito ay nakatingin lang sa harapan habang naka-cross ang mga kamay sa dibdib nito at naka de-kwatro ang mga paa. Sino ba hindi ma-i-intimidate sa i
ILANG ULIT napabuntung-hininga si Zahra habang patungo sa kanilang kumpanya. Ngayon ang araw kung kailan niya kailangan harapin ang taong nagbabalik mula sa kanyang nakaraan. Ang taong pinilit niyang kalimutan pero heto parang bangungot na ayaw siyang tantanan. What a twisted life she has!Nang huminto ang sinasakyan ay napabaling ang tingin niya sa labas ng bintana. Wala man nagbago sa kumpanya nila. Pero aaminin niya na mas lumago ang kita nito. Hindi naman ipinagkait sa kanya ni Lorenzo ang mga impormasyon tungkol sa kumpanya nila kaya kahit paano ay updated siya. Hindi lang hinayaan ni Lorenzo na magtrabaho siya dahil hindi niya raw kailangan. Kaya daw siyang buhayin nito. Pero ang totoo, ayaw lang mapuna ito ng mga tao. Oo nga naman, kilala ang asawa niya sa larangan ng negosyo. Nakakababa nga naman sa pagkatao nito kapag nalaman na pinagtratrabaho siya nito. Pero sa isang iglap. Nagbago ang pananaw nito. Dahil lang sa kanilang bagong investor. "Senyorita, just call us if you
INABALA NA LANG NI Zahra ang sarili kaysa isipin pa ang sinabi ni Lorenzo. Ayaw niyang bigyan nang kahit na anong malisya ang binitiwan nitong mga salita. Isa lang ang gusto niya sa mga oras na ito. 'Yun ay ang mayakap ang anak. She can and she will do everything to be with her son even if it means facing the last person she wanted to see. Ang sunod-sunod na katok ang gumambala sa kanyang pagbabasa. Hindi pa man siya nagsasalita ay bumukas na ang pintuan. Ang natatarantang mukha ni Essa ang pumasok. Tiningnan niya lang ito habang nakatayo sa harap ng table niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari rito."Essa!" malakas niyang tawag rito.Napakislot si Essa at tumingin sa kanya. "Ma'am, the n-new investor is here," nautal pa nitong sambit.Napatingin siya sa kanyang suot na relo. Sa sobrang focus niya sa mga papeles ay hindi niya napansin ang paglipas ng oras. Exactly ten in the morning."Ano pa ginagawa mo? Papasukin mo na," utos niya rito. Namilog ang mga mata nito. "What?" Nagt
KANINA PA TULALA si Zahra. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari kanina. Clyde kissed her. At hindi 'yun smack lang. It was a deep, aggressive and full of heartache kiss. Ramdam na ramdam niya ang pait sa paghalik nito. Pero ang hindi niya maunawaan, bakit? "Ayos ka lang ma'am Zahra," tanong ni Essa ang pumukaw sa kanya. Nilingon niya ito. Nakatayo ito sa bungad ng pintuan. Naghihintay ng kanyang sagot.Matapos ang halik na 'yun ay basta na lamang siya iniwanan ni Clyde. Iniwanan na parang diring-diri ito sa kanya. Na parang basahan. Iniwanan…ulit. She blinked her eyes and faced her. "Yea," tipid niyang sagot saka tumayo at bumalik sa kanyang swivel chair. "May kailangan ka?" muli niyang tanong rito nang manatili itong nakatayo."Nakita ko kasi si Clyde esteh si Mr.Romano na lumabas na. Tapos na ba ang meeting n'yo?" Humakbang si Essa palapit sa table niya.Tapos na ba ang meeting nila? Hindi niya rin alam. Kaya naman nag-isip siya nang maidadahilan rito at hindi naman siya bini
WALANG PAGSIDLAN ANG kasiyahan ni Zahra habang pinagmamasdan ang anak na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Kay tagal niyang hinintay ang pagkakataon na mayakap at makatabi sa pagtulog ang anak. Hinaplos niya ang umbok nitong pisngi. Natawa siya nang gumalaw ang kilay nito pero natigilan rin nang may biglang maalala. Ang taong kamukhang-kamukha ng anak. "Zahra, can we talk?" Narinig niya ang boses ni Lorenzo mula sa labas. Sinigurado niya muna na maayos ang anak bago tumayo at nagtungo sa pintuan."Ano pag-uusapan natin?" Bungad na tanong niya. She doesn't want to waste her time because she was not sure until when Wyatt stayed beside her. "I did not receive a thank you to you after bringing Wyatt here. And now, you look pissed seeing me?" Puno nang sarkasmong sagot nito. Kaya naman huminga siya nang malalim at kinausap ang sarili na dapat siyang kumalma. "May kailangan ka?" tanong niya sa pinakamalumanay niyang boses. Ngumisi ito. "Mr.Romano will be back tomorrow to sign th
"ARE YOU just going to stand there?" Tanong ni Clyde sa dating kasintahan nang manatili itong nakatayo. "Take your sit, Mrs. Costa," pinagdiinan niya pa ang huling salita. Huminga si Zahra nang malalim saka hinakbang ang mga paa palapit sa single couch na katapat niya. Napatingin pa ito sa bote ng alak na nasa lamesa. At alam niya na gusto nitong itanong bakit ang aga-aga ay umiinom na siya. Nang makaupo si Zahra ay kinuha niya ang bote ng vodka—his favorite. Nagsalin siya sa baso saka diretsong tinungga 'yun."Is it too early for that?" Komento nito na ikinalingon niya rito. Zahra is looking at him, and their eyes meet. He's the first one to withdraw the staring moment. He doesn't know but everytime he looks at her in the eyes, it's like something was knocking at his head—and heart."Do you still remember this room?" he asked her using his flirtatious voice while his eyes glanced at the whole room. "I'm here for the contract and not to reminisce about the past. Here, sign it. "He s
SIMULA nang umalis ang mga magulang ni Zahra kasama si Clyde at ama nito ay hindi na siya napakali. Sobra ang pag-aalala ang nararamdaman niya. Natatakot siya para sa kaligtasan ng mga ito lalo pa at walang kasiguraduhan kung paniniwalaan ba ang sasabihin ng kanyang Ina. Maging siya ay hindi agad nagawang paniwalaan ang siniwalat ng mga magulang. Isa na naman katotohanan ang sumambulat sa kanyang mukha. Kapatid niya si Lorenzo. Kaya ba ganoon na lang ang gaan ng loob nang makita ito noong mga bata pa sila? At sa loob ng dalawang taon na magkasama sila ay hindi niya tuluyan magawang kamuhian ito. Oo, nagalit siya pero may parte ng puso niya ang hindi niya maintindihan. Kaya pala… A sibling connection. Masyado ba sila pinaglaruan ng tadhana o sadyang ito ang nakatakda para sa kanila. Huminga siya nang malalim habang pinagmamasdan si Lorenzo na kasalukuyan pa rin walang malay. Pinuntahan niya ito sa hospital para malaman ang kalagayan nito dahil hindi niya agad ito napuntahan dahil sa
NANG makarating sina Clyde sa Colombia ay mas naging alerto sila. Hindi nila teritoryo 'to at mas lalong wala pa siyang ka-alliance rito. Nahirapan siya maghanap sa Foedus mabuti na lang at may nakausap na ang ama niya kaya mas lumakas ang loob niya. Hindi siya naduduwag ngunit kasama niya ang mga magulang ni Zahra at ayaw niya na may mangyaring masama sa mga ito sa poder niya. Ayaw na niyang bigyan pa ng sakit ang babaeng mahal niya. Nang makalabas sila ng airport ay may nakaabang ng sasakyan na maghahatid sa kanila sa lugar kung nasaan ang ama ni Mrs.Baek. Subalit hindi nakaligtas sa kanya ang ilang kotse na nasa unahan at likuran ng kotseng sasakyan nila pati ang ilang nakaunipormadong mga kalalakihan. Nakasisiguro siya na hindi nila mga tauhan ‘yon."Don't worry son, we are safe." His father tapped his shoulder when he noticed that he was scrutinizing the area.Clyde nodded. It was his father so he was telling the truth. Sabi niya nga, siya man ang pinuno ngayon ng Draco Elites h
"CLYDE, Lorenzo… is my half-brother. Kadugo ko siya, kapatid ko siya."Nabingi yata si Clyde sa binitiwang salita ni Zahra. Ano na naman kalokohan 'to? Hindi na ba matatapos ang mga pasabog sa buhay nila? Nagtagis ang bagang niya saka sinulyapan ang kanyang mga magulang. Gusto niya marinig mula sa mga 'to ang katotohanan. Kaya ba umiiyak ang mama niya? Bigla nalipat ang tingin niya kay Mrs.Baek. Kung ganoon, ito ang tunay na Ina ni Lorenzo. Pero paano nangyari 'yon? Nasa poder nina Uncle Ergon ang tunay nitong Ina saka…Isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya kasabay ng pagsabunot sa kanyang buhok. Kung wala lang siyang sugat na iniinda baka kanina pa siya nagwala na naman. "What are you saying, Zahra? Paano mo naging kapatid si Lorenzo? Hindi mo tunay na Ina si Mrs. Baek?" tanong niya. Pwede rin naman 'yon. Namayani ang katahimikan na mas lalong nagpapainit sa ulo niya. Nabitin na nga siya kanina tapos heto pa ang isasalubong. "Wala bang magsasalita? Magpapaliwanag kung paano
SUNOD-SUNOD na katok ang narinig nina Clyde at Zahra. Nagkatinginan pa sila. Si Zahra ay bakas na nahiya ito habang si Clyde ay asar dahil hindi pa siya tapos. Humalik muna siya sa labi nito bago nagpasyang tumayo. Wala siyang hiya naglakad nang nakahubad. Pumasok siya sa banyo saka kinuha ang isang puting roba.Nang makalabas siya ay nakita niyang nakaupo na si Zahra at nakasandal sa may headboard ng kama. "Stay there, I will just check who's knocking." Pagkasabi niyon ay naglakad na siya palapit sa pinto. Bahagya niyang binuksan 'yon at mas lalo siyang nainis noong makita si Jack."What do you need?" asik niya rito saka humakbang palabas. Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ni Jack habang sinusuri siya ng tingin. 'Ang sarap bigwasan ng pagmumukha.' Kaya naman isang hampas sa dibdib nito ang ginawa niya na ikinaubo pa kunwari. Ang hina lang no'n para lang magising. "Master!""What? Don't you see you're disturbing us! Now, tell me, what do you want?" madiin niyang tanong s
MAAYOS NA NAKARATING sa Agrianthropos sina Clyde. Lorenzo was directly sent to the hospital that Jake—one of the founders owns. Wala pa rin itong malay nang mailipat sa private room. Padapa ang pagkakahiga nito dahil nga ang likod nito ang napuruhan. Bigla tuloy sumagi sa isip niya ang initiation noon. Kung saan ganoon na ganoon din ang ayos niya. At least, hindi na nito iindahin ang mga latigo kapag namilit na maging miyembro ng Foedus. Kinausap na ni Clyde si Atty. Hart para kay Lorenzo. Ipinaalam na niya na gusto nito maging parte ng Foedus at siya ang magiging backer nito. Kayang-kaya naman nito ilabas lahat ng kailangan bukod nga kasi sa initiation ay may pera pang involve.Napalingon siya nang makita ang mga magulang at magulang si Zahra na papalapit sa kanya. Palabas na kasi siya ng silid at gusto muna niya umuwi at gusto niya makita ang kanyang mag-ina."Son," bati ng kanyang ama. "How's your brother?" kapagkuwan tanong nito. Pero nagtataka siya dahil alam niya ay naka-confin
MABILIS ANG kilos nina Clyde na nilisan ang warehouse. Alam na ng mga tauhan kung ano ang gagawin sa mga bangkay. They will bomb the whole warehouse leaving no evidence."To the south," sambit ni Yuri sa tamang diretsong na kailangan nila tahakin. He was nervous and worried. Natatakot siya sa kung ano ang nangyari sa mga kinalakihang mga magulang. "F*ck! Yuri, can't you figure out the situation?" asar niyang tanong at nilingon pa ito na abala sa back seat habang hawak ang laptop. Tulad kanina ay si Jack ang nagmamaneho habang si Lia at Yuri ay nasa back seat nakapwesto. "I'm trying to locate, they are moving…" Nakita niyang ang pagbilis lalo ng mga kamay nito sa paggalaw. "They are heading to the nearest hospital." Isang malakas na mura ang pinakawalan niya. Hospital? Isa lang ang ibig sabihin. May napahamak. He closed his eyes and clenched his jaw. Kapag talaga may nangyari masama kina Nanay at Tatay ay uubusin niya ang lahat ng miyembro ng Alta Underground na 'yon. Sisiguraduhin
HINDI MAIWASAN ni Zahra na mag-alala sa pag-alis ni Clyde. Lalo na kina Nanay at Tatay, alam niya kung gaano kamahal ni Clyde ang mga ito. At ngayong nasa panganib ang dalawa ay siguradong hindi matatahimik si Clyde hanggang hindi masisiguro ang kaligtasan ng mga kinalakihang magulang. Napabuntung-hininga si Zahra saka sinilip ang anak. Mahimbing na naman ang tulog nito. Nagising ito kanina at heto napagod na naman sa kakalaro sa mga lola at lolo. Mag-alas sais na rin ng gabi at wala pa siya balita kina Clyde. Habang lumalaki ang anak ay mas nagiging kamukha ito ng ama. Bigla siyang natigilan. May posibilidad na pasukin din ng anak ang mundo ng ama nito. Dahil, ito ang tagapagmana ni Clyde. Ang huling tawag sa kanya ni Clyde ay noong ipaalam nito na nakarating na raw ang mga ito sa Manila. Ang simpleng pagtawag nito ay malaking bagay sa kanya. Alam niya na hindi na niya ito maaabala dahil priority nito ang mailigtas ang mag-asawa. But she's hoping that he will call to update her. Na
HINDI MAPALAGAY si Clyde habang nasa may 'di kalayuan sila, kasalukuyan sila nakahinto at naghihintay sa pagdating ni Paul sa hideout ng mga kalaban. Matapos niya ito makausap ay agad itong nagtungo sa Liege. Mabuti na lang at wala itong ibang lakad o kahit mayroon pa alam niyang hindi siya nito bibiguin. Habang naghihintay sila kay Paul ay nagkalap na ng mga impormasyon si Yuri tungkol sa boss ng mga Alta na naka-assign dito sa Pinas. Hindi gano'n kadali hanapin 'yon dahil tulad nila ay maingat din ang mga ito. Pero mukhang nabalewala rin ang ginawa ni Yuri dahil pagkarating ni Paul ay sinabi lang na napag-aralan na raw nito ang lahat ng tungkol kay Kino Larkato—pangalan ng boss ng Alta na kumalaban sa kanila.Napaayos ng upo si Clyde nang makita ang pagparada ng sasakyan kung saan sakay si Paul. Bilib na rin talaga siya rito dahil maging ang isa sa mga ginagamit ni Kino na kotse ay nagawa nitong kuhanin. Hindi talaga siya nagkamali ng nilapitan. A perks of being a Foedus member. Mar
CLYDE immediately left after hearing that Zahra would stay with him. Nakaramdam siya ng saya na marinig mula sa bibig ng dating kasintahan na siya pa rin ang mahal nito. Pero ang kasiyahan na 'yon ay hindi niya tuluyan magawa dahil sa masamang balita. Naabutan niya sina Jack na naghihintay sa labas kapagkuwan ay sinulyapan si Lorenzo na tahimik lamang nakatayo habang nakapamulsa. Nang dumako ang tingin nito sa kanya ay tila may nakita siyang pangamba sa mga mata nito. Subalit hindi na niya 'yon pinansin at tuluyan pumasok sa kotse na maghahatid sa building kung nasaan ang chopper na gagamitin pabalik ng Manila."What is the status?" tanong niya agad pagkaandar ng kotse. Nakita niya pang sumakay rin si Lorenzo sa kabilang kotse."Yuri trying to track them—""Damn it!" matigas niyang mura na ikinaputol ng iba pang sasabihin ni Jack na nasa driver seat. "How did it happen? No one knows about them. Kaya nga sobrang dalang ko lang sila makita para maiwasan ang bagay na ito!" Napaigik siya