Nagbabalik na aiya ahha. Sorry na at namahinga muna si Clyde. May nag-aabang pa ba? Salamat kung meron.
SIMULA nang umalis ang mga magulang ni Zahra kasama si Clyde at ama nito ay hindi na siya napakali. Sobra ang pag-aalala ang nararamdaman niya. Natatakot siya para sa kaligtasan ng mga ito lalo pa at walang kasiguraduhan kung paniniwalaan ba ang sasabihin ng kanyang Ina. Maging siya ay hindi agad nagawang paniwalaan ang siniwalat ng mga magulang. Isa na naman katotohanan ang sumambulat sa kanyang mukha. Kapatid niya si Lorenzo. Kaya ba ganoon na lang ang gaan ng loob nang makita ito noong mga bata pa sila? At sa loob ng dalawang taon na magkasama sila ay hindi niya tuluyan magawang kamuhian ito. Oo, nagalit siya pero may parte ng puso niya ang hindi niya maintindihan. Kaya pala… A sibling connection. Masyado ba sila pinaglaruan ng tadhana o sadyang ito ang nakatakda para sa kanila. Huminga siya nang malalim habang pinagmamasdan si Lorenzo na kasalukuyan pa rin walang malay. Pinuntahan niya ito sa hospital para malaman ang kalagayan nito dahil hindi niya agad ito napuntahan dahil sa
"SERYOSO?" Ang gulantang na tanong ni Clyde kay Zahra na malawak ang pagkakangiti habang pinagmamasdan ang gulat na gulat na mukha ng binata.Ngayon araw kasi ay ibinigay na niya ang matamis niyang 'oo' sa binata. Bakit pa niya patatagalin? Isang buwan ay sapat na para aminin niyang may puwang na sa puso niya si Clyde. Hindi rin naman mahirap magustuhan ito lalo na at napakabait at mabuting tao ito. "Ayaw mo yata, eh. Bawiin ko na lang," biro ni Zahra rito. Natawa pa siya nang bigla itong tumayo at sumigaw ng napakalakas. "Yes! Yes! Yes!" malakas na sigaw ni Clyde kapagkuwan ay muling humarap sa kanya at inilahad ang isang kamay nito. Malugod naman niya itong tinanggap. Pagkatayo niya ay hindi na siya nagulat nang yakapin siya ng binata. Napangiti na lang siya na yumakap pabalik rito.Nakilala niya ito nang minsan masiraan siya sa daan at saktong dumaan ito. Tinulungan siya nitong ayusin ang kanyang sasakyan. Akala niya ay 'yun na ang huli nilang pagkikita pero naulit pa ng dalawang
LUMIPAS ANG isang buwan bilang magkasintahan sina Zahra at Clyde. At sa loob ng isang buwan na 'yun ay puno ng kasiyahan ang tanging naramdaman ni Zahra. Para sa kanya ay isang tamang desisyon ang kanyang ginawa. Ang mahalin si Clyde Villasis."My unica hija is blooming. May nagpapatibok na ba sa aming prinsesa?" tanong ng kanyang mommy ang nagpabalik sa kanyang sarili."Mom." Tumayo siya upang humalik sa pisngi ng mommy at daddy niya na hindi niya namalayan na naroon na. "Porket blooming dapat may reason?""Of course. Pinagdaanan ko na 'yan kaya alam ko," nakangiting tugon ng mommy niya, maging ang kanyang daddy na napapailing na naupo at sinulyapan siya ngunit nginitian lamang siya. As always. Ganun talaga ang kanyang daddy kaya marami ang natatakot rito pero sobrang lambing nito sa kanya. "Mom!""What? There's nothing wrong with that. Wala naman masama magmahal just to make sure he is worth it." HANGGANG sa opisina ay hindi mawala sa isipan ni Zahra ang huling sinabi ng ina. She k
ISANG oras nga lang ang hinintay ni Zahra at naglalakad na palapit sa kanya ang kasintahan. Napaka gwapo talaga nito kahit sa simpleng jeans at white na t-shirt na pinaresan ng itim na rubber shoes. Kaya hindi niya masisisi ang mga kababaihan na sulyapan ang kasintahan."I'm sorry at pinaghintay kita." Hinalikan siya nito sa labi na ikangiti niya. Lalo nang makita niya ang paglukot ng mga mukha ng mga babaeng tulo laway na sa kasintahan."Ok lang. Pero sigurado ka na ayos lang sila. Sabi mo kanina merong absent sa inyo? Baka bukas wala ka ng trabaho?" nagdududang tanong niya.Nginitian siya ni Clyde na ikinalabas ng mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. Kakaiba talaga ang binata. Malakas ang dugo ng tatay nito. Dahil wala man siyang makitang kahit na anong pagkakakilanlan nito bilang isang Pilipino. Nagdududa tuloy siya kung kalahating pinoy ba talaga ito."No worries cupcake, everything is under control. Takot lang nila sa'kin," sabi nito na sinabayan pa nang bahagyang pagtawa. Kay
HANGGANG SA matapos maligo si Zahra ay hindi nawawala ang pagkamangha sa kanyang mukha. Kanina pagkapasok pa lang niya sa loob ng banyo ay alam na niyang hindi basta-basta ang lugar na tinutuluyan nila ngayon From the room to the bathroom, the place was screaming 'high technologies'. Ang dami tuloy tanong ang nasa kanyang isipan. Pagkalabas niya sa banyo ay dumiretso ang kanyang tingin sa may kama. At muli siyang namangha sa isang pulang dress na naroon. Nagsimula siyang humakbang upang mas malapitan na makita ang nasabing damit.Pagkalapit niya ay napadako naman ang kanyang tingin sa isang paper bag na nasa tabi nito. Kinuha niya ito at kinuha ang nasa loob. Halos magkulay kamatis ang kanyang mukha dahil sa nakita. Isang magkaparehas na underwear na kulay pula rin. Naipilig niya ang ulo at nagtatanong kung paano nalaman ng kasintahan ang kanyang sukat. Sa nakikita niya pa lang kasi ay halatang sukat na sukat ito sa kanya.Napabuga siya ng hangin. Mayroon ba siyang hindi nalalaman
"IKAW NA TALAGA!" maarteng sabi ni Essa kay Zahra nang ikwento niya rito ang nangyari sa kanilang unang buwan bilang magkasintahan ni Clyde. "Mapapa sana all na lang talaga ako," hirit pa nito.Napailing na lang siya dahil maging siya ay lumulutang pa rin sa alapaap. That night was memorable. Mas lalo niyang minahal si Clyde. Napag-alaman niya rin na pagmamay-ari daw 'yun ng boss nito—ang may-ari ng restaurant na pinapasukan nito. Naitanong niya nga kung gaano na ka-close si Clyde sa boss nito dahil nagawa nitong ipagkatiwala ang isang napakaganda at talaga ginastuhan na bahay. "Miss Baek, still here?" Nabalik sa sarili si Zahra dahil sa pagpitik ni Essa sa kanyang noo. "Boss mo ako, pinapaalala ko lang," sabay irap ni Zahra kay Essa na hindi naman sineryoso ang kanyang sinabi bagkus ay nagpatuloy ito sa pagpapantasya. "Kapag ang Clyde ko ang pinagpapantasyahan mo, magbalot ka na saka ka lumayas sa harapan ko."Imbes na seryosohin ang kanyang sinabi ay tumawa lang si Essa saka nagp
NAPATINGIN si Zahra sa isang sasakyan na hindi pamilyar sa kanya na naka-park sa kanilang garahe. Kakarating niya lang dahil inutusan pa siya ng kanyang daddy na dumaan sa isang restaurant upang kunin ang in-order nito. Siya pa talaga inutusan at anong meron sa Italian foods? Kailan pa naging mahilig ang ama sa pagkain ng mga Italyano.Nang makita niya ang kotseng naka-park ay nasagot niya ang sariling tanong. Mukhang para sa bisita ang order ng ama. Bakit hindi na lang ito nagpaluto? They have one of the best chef not only in the country but in the world. So…What with his dad? Pagkapasok niya sa malaking pintuan ng mansion nila ay sinalubong siya agad ni Manang Aiza at dalawa pang katulong. Nag-bless siya rito. Si Manang Aiza ay para na niyang pangalawang ina. Dito siya lumaki dahil laging busy ang mga magulang. "Ito po ang susi, nasa kotse po ang mga pagkain na in-order ni Daddy," magalang niyang sabi rito."Sige, kami na bahala. Umakyat ka na sa taas at magpalit. Tatawagin kita
HINDI ALAM NI ZAHRA kung paano siya nakaalis ng bahay. Basta ang alam niya ay gusto niya muna makahinga. Pakiramdam niya ay bigla siyang kinapusan ng hangin. 'You are going to be my wife!''You are going to be my wife!''You are going to be my wife!'Paulit-ulit niya pa rin naririnig ang mga salitang 'yun mula sa lalaking ni hindi niya nga kilala. Matapos nito sabihin ang mga salitang 'yun ay napatingin siya sa kanyang mga magulang. At sa reaksyon ng mukha ng mga ito bakas na hindi nagsisinungaling ang lalaki. Mabilis siyang tumakbo patungo sa kanyang silid. Narinig niya pa ang pagtawag sa kanya ng mga magulang pero hindi niya pinansin. Pagkapasok niya sa silid niya ay hinanap niya lang ang kanyang bag saka muling bumaba. Naabutan niya pang nagtatalo ang kanyang daddy at ang lalaki. Galit ang daddy niya pero parang wala naman pakialam ang lalaki. Hinarangan siya ng daddy niya at nagsusumamo ang mukha nito na bigyan ito ng pagkakataon na magpaliwanag. Pero sarado pa ang isip niya—a
SIMULA nang umalis ang mga magulang ni Zahra kasama si Clyde at ama nito ay hindi na siya napakali. Sobra ang pag-aalala ang nararamdaman niya. Natatakot siya para sa kaligtasan ng mga ito lalo pa at walang kasiguraduhan kung paniniwalaan ba ang sasabihin ng kanyang Ina. Maging siya ay hindi agad nagawang paniwalaan ang siniwalat ng mga magulang. Isa na naman katotohanan ang sumambulat sa kanyang mukha. Kapatid niya si Lorenzo. Kaya ba ganoon na lang ang gaan ng loob nang makita ito noong mga bata pa sila? At sa loob ng dalawang taon na magkasama sila ay hindi niya tuluyan magawang kamuhian ito. Oo, nagalit siya pero may parte ng puso niya ang hindi niya maintindihan. Kaya pala… A sibling connection. Masyado ba sila pinaglaruan ng tadhana o sadyang ito ang nakatakda para sa kanila. Huminga siya nang malalim habang pinagmamasdan si Lorenzo na kasalukuyan pa rin walang malay. Pinuntahan niya ito sa hospital para malaman ang kalagayan nito dahil hindi niya agad ito napuntahan dahil sa
NANG makarating sina Clyde sa Colombia ay mas naging alerto sila. Hindi nila teritoryo 'to at mas lalong wala pa siyang ka-alliance rito. Nahirapan siya maghanap sa Foedus mabuti na lang at may nakausap na ang ama niya kaya mas lumakas ang loob niya. Hindi siya naduduwag ngunit kasama niya ang mga magulang ni Zahra at ayaw niya na may mangyaring masama sa mga ito sa poder niya. Ayaw na niyang bigyan pa ng sakit ang babaeng mahal niya. Nang makalabas sila ng airport ay may nakaabang ng sasakyan na maghahatid sa kanila sa lugar kung nasaan ang ama ni Mrs.Baek. Subalit hindi nakaligtas sa kanya ang ilang kotse na nasa unahan at likuran ng kotseng sasakyan nila pati ang ilang nakaunipormadong mga kalalakihan. Nakasisiguro siya na hindi nila mga tauhan ‘yon."Don't worry son, we are safe." His father tapped his shoulder when he noticed that he was scrutinizing the area.Clyde nodded. It was his father so he was telling the truth. Sabi niya nga, siya man ang pinuno ngayon ng Draco Elites h
"CLYDE, Lorenzo… is my half-brother. Kadugo ko siya, kapatid ko siya."Nabingi yata si Clyde sa binitiwang salita ni Zahra. Ano na naman kalokohan 'to? Hindi na ba matatapos ang mga pasabog sa buhay nila? Nagtagis ang bagang niya saka sinulyapan ang kanyang mga magulang. Gusto niya marinig mula sa mga 'to ang katotohanan. Kaya ba umiiyak ang mama niya? Bigla nalipat ang tingin niya kay Mrs.Baek. Kung ganoon, ito ang tunay na Ina ni Lorenzo. Pero paano nangyari 'yon? Nasa poder nina Uncle Ergon ang tunay nitong Ina saka…Isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya kasabay ng pagsabunot sa kanyang buhok. Kung wala lang siyang sugat na iniinda baka kanina pa siya nagwala na naman. "What are you saying, Zahra? Paano mo naging kapatid si Lorenzo? Hindi mo tunay na Ina si Mrs. Baek?" tanong niya. Pwede rin naman 'yon. Namayani ang katahimikan na mas lalong nagpapainit sa ulo niya. Nabitin na nga siya kanina tapos heto pa ang isasalubong. "Wala bang magsasalita? Magpapaliwanag kung paano
SUNOD-SUNOD na katok ang narinig nina Clyde at Zahra. Nagkatinginan pa sila. Si Zahra ay bakas na nahiya ito habang si Clyde ay asar dahil hindi pa siya tapos. Humalik muna siya sa labi nito bago nagpasyang tumayo. Wala siyang hiya naglakad nang nakahubad. Pumasok siya sa banyo saka kinuha ang isang puting roba.Nang makalabas siya ay nakita niyang nakaupo na si Zahra at nakasandal sa may headboard ng kama. "Stay there, I will just check who's knocking." Pagkasabi niyon ay naglakad na siya palapit sa pinto. Bahagya niyang binuksan 'yon at mas lalo siyang nainis noong makita si Jack."What do you need?" asik niya rito saka humakbang palabas. Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ni Jack habang sinusuri siya ng tingin. 'Ang sarap bigwasan ng pagmumukha.' Kaya naman isang hampas sa dibdib nito ang ginawa niya na ikinaubo pa kunwari. Ang hina lang no'n para lang magising. "Master!""What? Don't you see you're disturbing us! Now, tell me, what do you want?" madiin niyang tanong s
MAAYOS NA NAKARATING sa Agrianthropos sina Clyde. Lorenzo was directly sent to the hospital that Jake—one of the founders owns. Wala pa rin itong malay nang mailipat sa private room. Padapa ang pagkakahiga nito dahil nga ang likod nito ang napuruhan. Bigla tuloy sumagi sa isip niya ang initiation noon. Kung saan ganoon na ganoon din ang ayos niya. At least, hindi na nito iindahin ang mga latigo kapag namilit na maging miyembro ng Foedus. Kinausap na ni Clyde si Atty. Hart para kay Lorenzo. Ipinaalam na niya na gusto nito maging parte ng Foedus at siya ang magiging backer nito. Kayang-kaya naman nito ilabas lahat ng kailangan bukod nga kasi sa initiation ay may pera pang involve.Napalingon siya nang makita ang mga magulang at magulang si Zahra na papalapit sa kanya. Palabas na kasi siya ng silid at gusto muna niya umuwi at gusto niya makita ang kanyang mag-ina."Son," bati ng kanyang ama. "How's your brother?" kapagkuwan tanong nito. Pero nagtataka siya dahil alam niya ay naka-confin
MABILIS ANG kilos nina Clyde na nilisan ang warehouse. Alam na ng mga tauhan kung ano ang gagawin sa mga bangkay. They will bomb the whole warehouse leaving no evidence."To the south," sambit ni Yuri sa tamang diretsong na kailangan nila tahakin. He was nervous and worried. Natatakot siya sa kung ano ang nangyari sa mga kinalakihang mga magulang. "F*ck! Yuri, can't you figure out the situation?" asar niyang tanong at nilingon pa ito na abala sa back seat habang hawak ang laptop. Tulad kanina ay si Jack ang nagmamaneho habang si Lia at Yuri ay nasa back seat nakapwesto. "I'm trying to locate, they are moving…" Nakita niyang ang pagbilis lalo ng mga kamay nito sa paggalaw. "They are heading to the nearest hospital." Isang malakas na mura ang pinakawalan niya. Hospital? Isa lang ang ibig sabihin. May napahamak. He closed his eyes and clenched his jaw. Kapag talaga may nangyari masama kina Nanay at Tatay ay uubusin niya ang lahat ng miyembro ng Alta Underground na 'yon. Sisiguraduhin
HINDI MAIWASAN ni Zahra na mag-alala sa pag-alis ni Clyde. Lalo na kina Nanay at Tatay, alam niya kung gaano kamahal ni Clyde ang mga ito. At ngayong nasa panganib ang dalawa ay siguradong hindi matatahimik si Clyde hanggang hindi masisiguro ang kaligtasan ng mga kinalakihang magulang. Napabuntung-hininga si Zahra saka sinilip ang anak. Mahimbing na naman ang tulog nito. Nagising ito kanina at heto napagod na naman sa kakalaro sa mga lola at lolo. Mag-alas sais na rin ng gabi at wala pa siya balita kina Clyde. Habang lumalaki ang anak ay mas nagiging kamukha ito ng ama. Bigla siyang natigilan. May posibilidad na pasukin din ng anak ang mundo ng ama nito. Dahil, ito ang tagapagmana ni Clyde. Ang huling tawag sa kanya ni Clyde ay noong ipaalam nito na nakarating na raw ang mga ito sa Manila. Ang simpleng pagtawag nito ay malaking bagay sa kanya. Alam niya na hindi na niya ito maaabala dahil priority nito ang mailigtas ang mag-asawa. But she's hoping that he will call to update her. Na
HINDI MAPALAGAY si Clyde habang nasa may 'di kalayuan sila, kasalukuyan sila nakahinto at naghihintay sa pagdating ni Paul sa hideout ng mga kalaban. Matapos niya ito makausap ay agad itong nagtungo sa Liege. Mabuti na lang at wala itong ibang lakad o kahit mayroon pa alam niyang hindi siya nito bibiguin. Habang naghihintay sila kay Paul ay nagkalap na ng mga impormasyon si Yuri tungkol sa boss ng mga Alta na naka-assign dito sa Pinas. Hindi gano'n kadali hanapin 'yon dahil tulad nila ay maingat din ang mga ito. Pero mukhang nabalewala rin ang ginawa ni Yuri dahil pagkarating ni Paul ay sinabi lang na napag-aralan na raw nito ang lahat ng tungkol kay Kino Larkato—pangalan ng boss ng Alta na kumalaban sa kanila.Napaayos ng upo si Clyde nang makita ang pagparada ng sasakyan kung saan sakay si Paul. Bilib na rin talaga siya rito dahil maging ang isa sa mga ginagamit ni Kino na kotse ay nagawa nitong kuhanin. Hindi talaga siya nagkamali ng nilapitan. A perks of being a Foedus member. Mar
CLYDE immediately left after hearing that Zahra would stay with him. Nakaramdam siya ng saya na marinig mula sa bibig ng dating kasintahan na siya pa rin ang mahal nito. Pero ang kasiyahan na 'yon ay hindi niya tuluyan magawa dahil sa masamang balita. Naabutan niya sina Jack na naghihintay sa labas kapagkuwan ay sinulyapan si Lorenzo na tahimik lamang nakatayo habang nakapamulsa. Nang dumako ang tingin nito sa kanya ay tila may nakita siyang pangamba sa mga mata nito. Subalit hindi na niya 'yon pinansin at tuluyan pumasok sa kotse na maghahatid sa building kung nasaan ang chopper na gagamitin pabalik ng Manila."What is the status?" tanong niya agad pagkaandar ng kotse. Nakita niya pang sumakay rin si Lorenzo sa kabilang kotse."Yuri trying to track them—""Damn it!" matigas niyang mura na ikinaputol ng iba pang sasabihin ni Jack na nasa driver seat. "How did it happen? No one knows about them. Kaya nga sobrang dalang ko lang sila makita para maiwasan ang bagay na ito!" Napaigik siya