CHAPTER 26
WALA akong maisip na paksa sa loob ng sasakyan habang pabalik na kami ng bahay. Panaka-naka kong sinusulyapan si Arken habang seryosong nagmamaneho at nakatuon lang ang mata nito sa daan. Habang malalim akong nag-iisip ng pangpalipas oras ay mas lalong nadadagdagan ang aking kaba.
Sumagi sa aking isip ang mga nangyari sa restaurant kanina. Inaamin kong nakahuhulog nga ng loob ang kanynag ginawa at hindi lahat ng lalaki’y may ganoong kakayanan na pasayahin ang kanilang asawa. Sumikdo ang kirot sa dibdib ko nang maalalang parte lang pala iyon ng pagiging nanay ko kay Eli.
Tahimik akong bumaba ng sasakyan nang makarating na kami ng bahay. Tahimik namang siyang sumunod sa akin at sinalubong kaagad kami ng mano at halik mula kay Eli.
“Kanina ko pa po ‘yan pinapatulog, ate, pero sabi niya ay hihintayin daw kayo.” Sumulyap si Jela sa aking likuran kung saan nakatayo si Arken.
“Mama, gusto ko lang naman po kasing ma
CHAPTER 27HINDI kami nagkikibuan ni Arken simula nang nagkasagutan kami. Ayoko ring lunokin ang pride dahil hindi ko naman kasalanan ‘yon. Ngunit sa araw na ito’y nakatanggap ako nang hindi inaasahang tawag."Talaga? Seryoso?!" excited kong tanong sa kausap sa cellphone. Tumawag si Gieselle dahil nandito siya sa isla at kasali sa pictorial nina Steve. Maging ang aming manager na si Mother Chelsea ay sumama sa kanila. Mabilis kong isinarado ang shop at nagmamadaling tumulak kung saan sila tumutuloy. Mahigpit na yakap ang isinalubong niya sa akin habang lumuluha naman si Mother Chelsea na humarap sa akin."Lokaret kang bata ka," maktol nito, "mag-aasawa ka lang pala bakit hindi ka nagpaalam ng maayos?""Biglaan po kasi, Mother," pagdadahilan ko.Niyakap na lamang niya ako ng mahigpit at wala ng sinabi pa."Puwede ka pa rin namang bumalik sa pagmo-model. Tatanggapin pa rin kita, Paloma, dahil marami pa ring naghahanap sa'yo," pakiu
CHAPTER 28 PARTE ng aking panaginip ang mainit na tagpo sa pagitan namin ni Arken. Kahit malamig ang umaga ay pinagpapawisan ako sa panaginip na 'yon. Dahan-dahan akong gumalaw para bumangon pero may mabigat na nakadagan sa aking hita. Mainit ito, gayundin ang tumatama sa aking kanang balikat. Kung hindi ako nagkakamali ay hininga ito ng isang tao. Nilingon ko ito at nanlaki ang matang nakatunghay sa guwapong mukha ni Arken. Saka ko lang napagtantong hindi panaginip ang mga tagpong iyon kung hindi ay totoo talagang nangyari. Ang pagtatalo namin ay nauwi sa mapusok at nakasasabik na halikan. Nasapo ko ang noo dahil sa katangahang nagawa. Gumalaw ang aking katabi at pinulupot nito ang braso sa aking baywang saka hinila palapit sa kanya. Isiniksik pa niya lalo ang mukha sa aking leeg tila takot na mawala ako. Hinintay ko munang lumalim ulit ang kanyang paghinga, indikasyon na bumalik ito sa mahimbing na tulog, bago ko dahan-dahang inalis ang nakapulupot niyang b
CHAPTER 29 MAAGANG umalis si Arken dahil kailangan siya sa site ng ipinapagawang resort. Hindi na kami nagpang-abot kaya nag-almusal akong mag-isa bago pupunta sa pictorial nina Gieselle. Lalabas na sana ako nang makasalubong si Jela. "May bisita po kayo. Pinapasok ko na po at nandiyan sa sala. Magandang babae po, Ate." Hindi ko inaasahang ganito kaaga sisirain ni Nicolle ang araw ko. Siya ang bisitsng tinutukoy ni Jela. "Ano bang kailangan mo?" Ipinahalata kong hindi ko nagustuhan ang pagpunta niya rito. "Dinadalaw ka." "Ako o ang asawa ko?" deritsong tanong ko. Ayokong makipagplastikan sa kanya lalo’t halata naman kung sino ang kanyang sadya. "Asawa mo lang sa papel," pagtatama niya. Ano pa nga bang aasahan ko? Pupunta siya rito para makipagkaibigan sa akin? Siyempre hindi, lalo na kung pagbabasehan ang namagitan sa kanila ni Arken noon. "Wala na siya rito. Maagang pumunta sa trabaho," sa halip ay sagot ko.
CHAPTER 30 ANG bigat ng aking pakiramdam kinabukasan. Parang ayaw kong gumising at humilata na lang sa kama buong araw. Pagod na pagod ako. Hindi lang isang beses akong inangkin ni Arken kagabi, nasundan pa ito ng ilang beses sa buong magdamag. Pero wala na siya sa aking tabi ngayong umaga at pumasok na raw sa trabaho ayon kay Jela. Kailangan ko na rin sigurong bisitahin ang shop at simulan ng tahiin ang ilang naka-pending na orders. Naglinis muna ako sa shop bago nagsimulang magtabas ng mga tela. Wala pang halos isang oras ay may pumasok ng customer. "May ipapatahi po ba kayo? Hindi pa po ako tumatanggap ng mga orders ngayon dahil marami pa akong tinatapos," sabi ko at hindi na tiningnan ang pumasok. "Bakit? Ganyan ka ba kaabala sa pakikipaglandian kay Arken para hindi matahi ang mga orders ng customers mo?" Nag-angat ako ng tingin sa customer. Mukha ni Nicolle na nakataas ang kilay ang sumalubong sa akin. Padabog kong inilapag ang gunting at telang
CHAPTER 31TILA sasabog ang aking ulo dahil sa dami ng tanong na gusto kong ibato kay Arken nang magkita na kami sa bahay pagsapit ng gabi. Hindi na normal ang aking paghinga gawa ng pinipigil na galit. Naglalaro sa aking gunita ang ginawa nila ni Nicole buong araw."Hindi na kita nasundo kasi nagkaproblema sa sight," hinging paumanhin niya habang lumalapit at hinalikan ako sa noo.Hindi ako sumagot. Busangot na mukha lang ang naging tugon ko. Anong klaseng problema? Design para sa malanding kagaya ni Nicolle? Umalis ako sa kanyang harapan na walang kahit na anong sinabi. Nadaanan ko si Eli sa sala na nanonood ng TV. Nang makita niya ako’y lumapit ito sa akin at nagmano.Padabog kung inilapag ang bag na dala at dumiretso sa banyo para makaligo na. Habang nasa loob ng banyo ay pinag-isipan ko kung tama bang tanungin ko si Arken kung ano ang ginawa niya buong araw pero baka naman ay sumusobra na rin ako at hindi na resonable sa kanya. Ang sarap i-umpo
CHAPTER 32KUNG hindi pa ako pinuntahan at ginising ni Eli ay tatanghaliin na naman ako sa pagbangon. Ginising niya ako para sabay kaming kumain ng agahan at pinaunlakan ko naman kahit inaantok pa ako't mabigat ang pakiramdam. Lately, madalas kong maramdaman ang pagiging takaw sa tulog, marahil ay bunga ng ilang gabing maraming iniisip. Dinagdagan pa ni Arken na wala na yatang planong umuwi rito sa bahay at hindi pa nagpaalam ng maayos."Mama, I feel so alone kaya I want to have breakfast with you. Si Papa?" Binato na nga niya ako ng tanong na hindi ko alam ang sagot."He's in the office, anak. He got plenty of works to do kaya hindi siya nakauwi kagabi," pagsisinungaling ko sa bata. Ang bigat sa dibdib na kailangan kong magsinungaling para pagtakpan ang kagaguhan ni Arken."Pero uuwi naman po siya mamaya, 'di ba?" Nadudurog ako habang pinagmamasdan ang bata.Nagpalipas muna ako ng ilang sandali bago sumagot. Pinuno ko ng hangin ang dibdib para pal
CHAPTER 33KINABUKASAN ay lutang ako. Walang matinong tulog at magdamag na umiyak. Kailangan ko lang sigurong ihinga lahat ng ito kaya tinawagan ko na si Gieselle para makapagsumbong."My God, Paloma! Bakit ngayon ka lang nagsabi kung kailan nakauwi na ako? Akala ko ay tinigilan ka na ng bruhang 'yon, hindi pa pala?!" sigaw niya sa kabilang linya. Bahagya kong inilayo ang telepono sa tainga bago pa mabasag ang aking eardrum."Oo, Gie. Ayoko lang namang ako mismo ang magrireklamo kay Arken dahil baka sabihin niyang wala akong karapatang magreklamo. Masakit marinig mismo sa kanya na wala namang feelings attached kung anong mayroon kami," mahinang saad ko."Pero it doesn't mean na puwede ka na lang niyang ganyanin. Kahit alam niyang nandiyan ka ay didikit pa rin siya sa Nicolle na 'yon. Nakaka-isulto ang ganyan. May asawa siya tapos anytime kung i-request siya ng kanyang ex ay nandiyan kaagad siya?" talak pa niya.Hindi na lang ako kumibo dahil may pu
CHAPTER 34PUTING dingding at kisame ang sumalubong sa akin nang imulat ko ang mata. Kahit hindi ako magtanong ay alam kong nasa ospital ako. Pumikit ako ulit saka ibinuka ang mata para sanayin sa liwanag. Tumihaya ako at nilingon ang kaliwang bahagi ng kama. Walang tao maliban sa akin pero may mga prutas na nakalagay sa ibabaw ng lamisitang nandoon. Nasapo ko ang noo nang sinubukan kung alalahanin ang mga nangyari kanina. Dugo na umagos sa aking hita bago ako nawalan ng malay. Pagpihit ng door knob ang sunod kong narinig kaya dumako ang mata ko sa pintuan. Bumukas ito at pumasok ang doktor kasunod si Arken."Magandang hapon, Mrs. Fernandez," bati sa akin ng may edad na babae."I'm Dr. Camacho at ako ang ob-gyne na tumingin sa'yo kanina. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya habang tumayo sa gilid ng kamang aking hinihigaan."Maayos na naman po, Doc. Wala na ang sakit sa puson pero nakakaramdam pa rin po ng pagod," sabi ko sa totoo.Tumango siya
"YOU MAY KISS THE BRIDE" Masigabong palakpakan ang pumutol sa malalalim na halikan namin ni Arken. Tila nakalutang ako sa alapaap at parang panaginip lang ang lahat. Isang taon pagkatapos ng marriage proposal ay tuluyan na kaming humarap sa altar at ikinasal ulit. Sa pagkakataong ito’y sa simbahan na, pinagplanuhang maigi at hindi madalian. Hinintay na muna naming manganak ako bago isinakatuparan ang aming pag-iisang dibdib. Kumaway sa amin si Ate Leanne na kalong ang bunso namin ni Arken. Kahit na lalaki pa rin ito’y masaya at buong puso naming tinanggap. Makagagawa pa naman daw kami ng baby girl rason ni Arken. Kahit panay ang iwas ni Gieselle para hindi makasalo ng bouquet pero parang nananadiya ang pagkakataon at kusang lumapit ang bulaklak sa kaniya. "Naku, Gie, humanda ka dahil ikaw na yata ang susunod na magwa-walk down the aisle. I’m so excited for you my, dear, friend," tudyo ko rito. "Naniwala ka naman sa pamahiing 'yan? Paano ako ikakasal kung kahit jowa ng
CHAPTER 46(ARKEN’S POV 2)Akala ko’y tuloy-tuloy na ang pagbuo namin ng pamilya pero bumalik si Nicollete na naging parte ng aking nakaraan."Arken, I want you back. I still love you and I hope na ganoon ka rin sa akin," harap-harapan niyang pag-amin."Nicolle, I love you as my friend and as a sister. Sinubukan ko pero hindi na hihigit pa roon 'yon. Sinubukan naman natin na magkaroon ng relasyon dahil na rin sa kagustuhan ng pamilya mo at ng daddy ko pero wala namang nangyari 'di ba?" Pilit kong pinapaintindi sa kanya ang reyalidad.Natutunan kong pahalagahan ang ibang tao dahil kay Paloma. Dahil sa kaniyang kabaitan kaya kahit naiinis at nawawalan na ako ng pasensiya ay pinipigilan kong magalit."I want you back, Arken. Believe me ako pa rin ang babaeng babalikan mo at ako lang ang kayang magtiis sa'yo," isa na naman sa mga banta niya."I love Paloma! Kahit maghubad ka pa sa harapan ko ay hinding-hindi ako papatol sa'yo! Huwag mong hintayin na mas lalo akong magalit. Huwag mo ng ipi
CHAPTER 45(ARKEN’S POV)"DUDE, sige na at sasaglit lang naman tayo roon. Para naman makita ako ng kapatid ko at malaman niyang supurtado ko siya sa career niya," pamimilit sa akin ng kaibigang si Kenjie. Kasali ang collection ng kapatid niyang fashion designer sa isang fashion show ngayon. Inaasahan nito ang kaniyang pagdating pero ayaw namang pumunta ng gago kung siya lang mag-isa."How about Matt? Iyon na lang kasi ang isama mo. Like, what the hell? Fashion show? Ano ako bading?" pagtanggi ko. May usapan ngayon ang barkada na pupunta sa isang high end bar at nakikita ko na ang sariling magsasawa sa maraming magagandang babae na puwedeng ikama na walang commitment at feelings na involved."Si Matthew? Naka-off na ang cellphone ng gago siguro ay nakakita na ng puwedeng maitabi buong gabi," reklamo niya.Napabuga ako ng hangin. Kung bakit kasi nangako pa siya sa kapatid niyang pupunta roon gayung mga babae at lalaking may pusong babae lang naman ang mag-i-enjoy sa ganoon?"Arken, ngay
CHAPTER 44PALAPIT na ng palapit ang kaarawan ko pero hindi man lang namin napag-uusapan ni Arken ang tungkol dito."So may grand celebration ba, Pam?" Nanunukso ang boses ni Gieselle. Tulad ng mga monthsary dapat ay pahalagahan din ng taong nagmamahal ang birthday ng iniibig nila pero mukhang malabong mangyari ‘yon."Ayoko ng umasa, Gie, dahil alam ko namang wala," malungkot kong sagot."Ito naman masyadong matampuhin. Malay mo tatahi-tahimik lang 'yan si fafa Arken pero baka may inihanda para sa'yo."Iling ang tanging sagot ko sa kaibigan. Masasaktan lang ako kung aasa."Magdi-dinner lang siguro tayo at matutulog ng maaga."Kumunot ang noo ni Gieselle at hindi makapaniwala na ganoon lang ang gagawin."First time ko yatang narinig 'yan sa'yo na ganyan ang birthday celebration," mahinang usal niya.Nang sumunod na linggo ay hindi ko inaasahan ang pagbisita ni Ate Leanne. Nakabalik na pala siya mula sa ilang linggong bakasyon."Kumusta, Pam?" malumanay na bati sa akin habang nasa garde
CHAPTER 43HINDI ko alam kung ano ang dapat isagot kay Arken. Dapat bang umamin ako? Tatalon sa sobrang tuwa? Nabibingi ako sa sariling kabog ng dibdib."You don't need to answer. Ang gusto ko lang ay sabihin ang matagal ko ng nararamdaman. Ang hirap kasi kung araw-araw ay kailangan kong itago ang damdamin para sa'yo."May maliit na ngiti sa kaniyang labi saka inabot ang setbealt. Kinintalan niya ako ng halik sa labi at nagulat ako roon. Pinagpapawisan at nanlalamig ako dahil sa kaba."It's my welcome kiss. Wala ka kanina sa bahay pagdating ko," sabi nito na titig na titig sa akin. Nakagat ko ng mariin ang labi dahil sa tuwang pinipigilan.Sinumbatan ko si Gieselle pag-uwi nito sa bahay. Pinaalala ko sa kanya kung paano niya ako iniwan sa ere at hindi man lang tinulungang makapagpaliwanag kay Arken."Ayoko ngang madamay sa gulo ninyong mag-asawa. Mamaya ay pagalitan din ako lalo't ako ang pasimuno ng paggala natin. Isa rin ako sa nakiusap na sumali ka sa pictorial. Mabuti ng ikaw ang
CHAPTER 42KINULIT ako ni Gieselle ngayong umaga upang samahan siyang lumabas. Ikatlong araw na ngayon ng pananatili ni Arken sa Singapore at hindi ko pa alam kung kailan ito makakauwi."Sige na, Pam, para 'di ka ma-bore dito sa kahihintay ng prinsipe mo," matamlay na saad nito."Saan na naman nanggaling 'yan?" pagkukunwari ko naman na tila walang alam sa sinasabi niya."Sos, ako pa ba ang lolokohin mo? Panay kaya ang sulyap mo riyan sa cellphone at kapag tumunog ay sobrang excited kang basahin kung sino man ang nag-chat.""Sige na, sasamahan na kita. Saan ba kasi ang gala mo?" Pumayag na ako para tumigil na ito. Nararamdaman ko ring namumula na ang aking pisngi dahil sa hiya."Maglalakad-lakad lang tayo sa tabing-dagat parang gala na wala sa plano," turan niya habang lumalabas ng bahay.Hindi maaraw ngayon dahil natatakpan ng makapal na ulap ang kalangitan. Hindi ko rin masasabing uulan. Mahangin at angkop ito sa aming plano ngayong araw."May pictorial yatang nagaganap." Sabay nguso
CHAPTER 41ISANG linggo pagkatapos ng school play ni Eli ay naghahanda na naman si Arken para sa dadaluhang meeting nito sa Singapore. Wala na yata itong pahinga pero hindi mariringgan ng kahit na anong reklamo sa kaliwa't kanang trabaho."Na-double check mo na ba ang mga gamit na dadalhin doon? Baka may nakalimutan ka? Mga importanteng dokumento ng negosyo ninyo?" tanong ko habang isinasarado na nito ang maleta."Wala na. Saka meet up with some investors lang naman ang gagawin namin and presentations for the future projects.""Mga ilang araw ka kaya roon? Aabutin ba ng linggo?" I sound like a clingy wife."Depende. May target kasi kami sa mai-invite na mga investors or any partnership under our family businesses kaya wala talagang fix date kung kailan ang balik ko. May ilang mga businessmen na kasabay ko, may ibang sa mga susunod pa na araw kaya hanggang may interesado sa mga presentations ay papaunlakan namin,” paliwanag nito.Tumango ako na nakakunot ang noo. Ilang oras kaya tumata
CHAPTER 40HALOS hindi ako humihinga habang hinihintay ang magiging sagot ni Arken. Nakatitig lamang ang lalaki sa akin na hindi mababakasan ng kahit na anong emosyon."Really?" namamangha nitong sabi, maya-maya lang. May malaking ngiti ang mukha nito na tila hindi makapaniwala sa narinig. Tumango ako bilang sagot na mas lalong nagpasaya sa kanya."Thank you so much, Pam!" bulalas nito. Tuluyan na niya akong nilapitan saka niyakap ng sobrang higpit. Hindi pa nakontento’t hinalikan pa ako nito sa pisngi at noo na ikinagulat ko. Akmang magsasalita pa sana sako nang makarinig ng isang pagtikhim. Sabay kaming napalingon at bumungad ang mga mukha nina Gieselle, Jela at Vanessa at hindi na ako magtatanong kung sino ang may-ari ng pagtikhim na ‘yon. Parang napapaso akong bahagyang lumayo mula sa kaharap at inayos ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga. Mainit ang aking pakiramdam, lalong lalo na ang pisngi."So anong mayroon dito?" nakataas-kila
CHAPTER 39MAY iniabot si Eli sa akin pagdating nito galing ng eskwelahan. Invitation ito para sa kanilang school play."Mama, I will be the prince sa play na 'yan," nagmamalaki nitong saad."Really? Wow, ang galing naman ng anak ko!" puri ko saka pinupog siya ng halik."Mama, don't do it. Hindi na ako baby," reklamo nito at pinunasan pa ang mukha."Ang arte naman ng baby boy ko. Kahit kailan, ikaw pa rin ang baby ko," pang-aasar ko pa sa kanya."Mama, hindi na po ako baby. Magiging kuya na nga ako," maktol nito.Niyakap ko na lang ito ng mahigpit. Naalala ko ang mga panahong kaming dalawa lang, noong wala pang Arken na dumating."Mama, pupunta naman si Papa sa play, 'di po ba?" maya-maya ay tanong nito."Oo naman. Ipapaalam natin sa kanya ang tungkol sa school play mo at tiyak na pupunta 'yon," paninigurado ko."Mama, bakit minsan na lang po si Papa pumupunta rito? Napapansin ko rin po na hindi na siya natutulog