Napangiti ng maluwag si Zoe nang marinig ang sinabi ni Daecon. Nasa labas na sila ng airport at magkahawak-kamay na naglalakad patungo sa naghihintay na sasakyan sa parking area. Kahapon pa iyon itinawag ni Daecon sa headquarter ng CAU kaya kanina lang ay inihatid iyon ni Zachary roon at iniwan kagaya ng bilin ni Daecon. Gusto niya munang dalhin si Zoe sa isa sa paborito niyang lugar bago tumuloy sa HQ kung saan naghihintay sina Caelan, Ezra, Zachary, Tobias, Akila, Austin, Bona at Bianca.
Ah, yeah...he missed Bianca already and her cooking. He's been craving for it for months.
Wala ang ibang members ng CAU sa headquarter dahil may mga bagong misyon ang mga ito. Si Alec ay pumunta sa Besmoth City para imbestigahan ang nawawalang relic sa museum ng Besmoth na pinaniniwalaang naiwan pa ng mga sinaunang taong-lobo.
Si Jean naman ay nasa Campwood para sa panibagong mis
NIGHT SHADE TRIBENEAR CAMPWOOD TERRITORY Pasipol-sipol na pumasok si Asher sa loob ng hindi kalakihang bahay. Kagagaling niya lang sa capital ng Central, Midland at hindi iyon nakakatuwa. Masyado siyang napagod dahil nasa dulo na ng Central ang Night Shade Tribe na matagal nang nilimot ng lahat. Asher's russet brown eyes darkened. His hands fisted and his jaws clenched. If only..... "You're already here." Malamig na ani ng boses mula sa likuran ni Asher. Dumampot siya ng mansanas sa basket na nakapatong sa lamesa at pinunasan iyon gamit ng suot niyang pantalon. "Yeah!" Tipid niyang sagot na hindi nag-abalang lingunin ang kausap. Pinagkiskis niya ang mga kamay na may suot na gloves at bahagya iyong itinapat sa apoy na nakasinding kandila. Malakas ang patak ng n'yebe sa labas kaya balot na balot siya mula ulo hanggang paa. Kung ang mga taong-lobo
"Zoe, tikman mo itong niluto ni Bona. The best ito!" Sabi ni Austin sa babaeng pangiti-ngiti lang nang maka-alis si Daecon.Naipakilala na ito ni Daecon sa lahat kaninang pagkarating ng dalawa."Lahat ng umaapak dito sa HQ, kailangang tumikim ng luto ng pambatong cook ng CAU..." Susog naman ni Zachary na sinabayan ni Akila ng pagtango."Tama...tama!" Sang-ayon nito."Niluto iyan ni Bona para sa iyo talaga." Sabad naman ni Ezra na himalang nakisakay sa kung anumang binabalak ng mga walang-hiyang kasama ni Daecon.Alanganing ngumiti si Zoe. "Talaga ba?" Tanong nito.Tila iisa ang ulong sabay-sabay na tumango ang apat na lalaki."Sabi kasi ni Daecon, paborito mo raw ang spaghetti kaya sabi ko sa kanila, ipagluluto kita. This is what I call——Bona's courtesy food!" Turan ni Bona bago kumuha ng maliit na mangkok.
Sabay na napatigil sa pagtatawanan sina Akila at Zachary nang magkasunod na pumasok sa dining area sina Daecon at Caelan. Nangunot ang noo ni Daecon nang mapansing wala sa upuan si Zoe."Ah, nasa kusina lang. Sinamahan ni Austin." Turan ni Bona na tila nahulaan ang laman ng isip ni Daecon.Deacon's brows furrowed."Why?" Tanong nitong ang tinutukoy ay kung bakit nasa kusina at si Austin ang kasama. Bakit hindi na lang si Bona."Oh, dinala lang sa kusina ang pinagkainan niya ng spaghetti. May ginagawa ako kaya si Austin na ang sumama."Mas lalong nagsalpukan ang malalagong kilay ni Daecon. Something is off.Tiningnan niya sina Zachary at Akila na sabay namang nagkibit-balikat. Palihim namang tiningnan ni Caelan ang mga ito ng masama."Kumain siya ng luto mo, Ate Bona?" Tanong ni Daecon pagkatapos sulyapan ang spagh
Marahang kumatok ng tatlong beses si Bona sa pinto ng k'warto ni Jessica na pansamantala munang ipinagamit kay Zoe habang naroroon ang babae sa Central."Tuloy..." Anang malamyos na tinig mula sa loob.Muntik nang mapamura si Bona. Ngayon niya naunawaan kung bakit nahumaling si Daecon sa babae. Boses pa lang nito, nakaka-inlab na. Hindi kagaya niyang may kalakihan na nga ang boses ay wala pang kalambing-lambing lalo pa't halos araw-araw siyang nakikipagsigawan sa mga kasama niya rito sa HQ.Pinihit ni Bona ang seradura ng pinto at bahagyang sumilip sa loob. Hawak niya sa kabilang kamay ang bagong comforter at mga punda ng unan na gagamitin ni Zoe."Ihahatid ko lang itong comforter at mga punda ng unan, Zoe at saka bagong kobre-kama na rin." Aniya sa babae bago tuluyang pumasok sa loob."Salamat..." Mahinang sabi nito na nakatalikod pa rin sa kanya.
"Wow! Himala yata ito. Mukhang masarap ang luto ni Bona, ah." Puna ni Austin sa nakahaing sisig sa mesa.Ginawa iyon ni Bona kanina para daw pangpulutan nila. Kasalukuyan silang nasa living room at pare-parehong nakasalampak sa sahig habang nanonood ng basketball game sa malaking flat screen TV at may mga hawak na bote ng beer. Nasa labas sina Daecon at Caelan. Hinihintay ng mga ito si Bianca na hindi pa nakaka-uwi. Si Bona naman ay umakyat sa second floor para asikasuhin ang ibang kailangan ni Zoe."'Yon!" Sabi naman ni Zachary. "Sa wakas, tumama rin si Bona." Nakangising dugtong nito."Teka, walang serving spoon at platito. Kukuha ako." Sabi naman ni Akila na sinabayan ng tayo."Bilisan mo. Malapit nang matapos ang first half nitong laro. Basta, ang pustahan, ha. Bawal ang 123!" Ani ni Zachary na ang mga mata ay tutok na tutok sa pinapanood."Shoot that ball, idiot!" Sigaw
Parehong tahimik sa biyahe sina Daecon at Zoe hanggang sa makarating sila sa Lightfoot Park kung saan unang dinala ng alpha ng Frostwood ang babae nang una itong umapak sa Central, Midland.Maagang umalis sa headquarter ng CAU si Daecon kanina para makapag-isip nang mabuti. Nabigla siya sa mga sinabi ni Bianca kagabi at sa nakita niyang galit nito pero mas hindi niya kinayang makita ang mga luha nitong walang tigil sa pagpatak habang sinusumbatan siya. Mga luhang tila patalim na deritsong bumabaon sa puso niya. Iyon ang unang pagkakataong nakita niya si Bianca na ganoon. At, iyon ay dahil sa kanya.Tama si Caelan. He can't keep both. Kailangan niyang pakawalan ang isa.Tahimik pa ring sabay na bumaba ng sasakyan sina Daecon at Zoe. Naglakad silang dalawa hanggang sa lugar kung saan nila masayang pinalipas ang ilang oras kahapon bago tumuloy sa HQ—ang kahapong napakasayang sandali na napalitan ng nakakamatay na oras sa pagitan
Nagising si Bianca na masama ang pakiramdam at parang pinupukpok ng martilyo ang ulo. Napangiwi siya at wala sa loob na sinapo ang sentido. Hinilot niya iyon sa pag-asang mabawasan man lang ang kirot kahit kaunti ngunit tila mas lalo pa yata iyong lumala. Nanatili siyang nakapikit habang inaalala ang nangyari kagabi. Nalasing siya dahil sa limang tagay ng alak na in-order niya sa bar kagabi kasama si Asher.Biglang napadilat si Bianca nang maalala ang lalaki. Kahit masakit ang ulo ay pinilit niyang bumangon para alamin kung ano ang nangyari sa kaibigan. Tanda niyang sinalubong sila ng galit na si Daecon kagabi pagkarating nila sa tapat ng headquarter ng CAU. Gusto pa sana niyang umalis kagabi pero bago pa man sila nakahakbang ni Asher ay mabilis na itong nahawakan ni Daecon at binigyan ng malakas na suntok. Tumalsik sa gitna ng kalsada si Asherk nang ihagis ito ni Daecon bago siya nito binalingan at pinasan na parang isang sakong bigas para ipasok sa
"So, kakausapin mo si Bianca pagbalik sa HQ?" Tanong ni Zoe kay Daecon.Kasalukuyan silang nakaupo sa ibabaw ng hood ng sasakyan ni Daecon at parehong kumakain ng hamburger. Iyon ang isa sa mga natutunan ni Daecon kay Zoe sa West, Midland. Natuto siyang kumain ng hamburger at fries kasama si Keifer na hindi gawa ni Bianca.Ibinaba ni Daecon ang hawak na hamburger sa plastic na nasa tabi nito at ipinagpag ang mga kamay bago bumuga ng hangin. Tumingin ito sa kawalan na tila ba doon kumukuha ng sagot sa tanong ni Zoe. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Bianca. Gusto niya itong harapin pero hindi niya alam kung paano. He was never been this uncertain all his life but when it come to handling Bianca's anger, it seems like he can't really be so sure that they'll gonna be okay again if ever they talk."I don't know..." Turan ni Daecon pagkaraan ng ilang sandaling katahimikan. "Hindi ko alam kung paano ko siya haharap
Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi alam ni Daecon kung may oras pa ba siya para mag-isip dahil sa mga sandaling iyon ay nakatulala na lamang siya maging ang katabi niyang si Caelan. Batid niyang maging ang isa sa dalawang founder ng CAU ay nabigla rin dahil sa bilis ng mga pangyayari. Hindi pa man tuluyang na-a-absorb ng isipan nila ang tungkol kay Jean pero heto at nakaharap naman sila sa panibagong rebelasyon. Sa harapan kasi nila ay nakatayo si Jean na nasa anyong lobo at balot ang katawan ng malakas na mahikang maging si Christine ay hindi ito magawang labanan. Nasa labas na silang lahat ng ancestral house ng High Priestess ng Night Shade. Nang makawala si Zoe mula sa pagpipigil ni Kathleen ay kaagad nitong tinulungan si Jean kaya mas lalong lumakas ang babae. At ngayon nga ay pareho nang nakalutang ang dalawang vessel ni Princess Shayna habang balot ang mga katawan ng nakakasilaw na liwanag. Ang huling naalala ni Daecon bago sila napunta sa labas ng bahay ay nang may tila kulay
"Alessia..."Natigilan si Bianca nang marinig ang malamyos na tinig na iyon. Hindi niya alam kung saang lugar siya naroroon. Ang natatandaan lamang niya ay nagising siyang nasa ginta ng walang hanggang kakahuyan. Pamilyar sa kanya ang lugar pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita."Alessia..."Muling narinig ni Bianca ang tinig ngunit hindi niya alam kung saang bahagi ng kakahuyan ito nanggagaling.Luminga sa paligid si Bianca. Sinuyod ng kanyang paningin ang bawat bahaging tanaw ng mga mata niya. Umaasa siyang makikita niya ang babaeng tumatawag sa kanya."Nasaan ka?" pasigaw na tanong ni Bianca ngunit wala siyang nakuhang sagot.Sandaling tumayo sa pagitan ng dalawang matatayog na puno si Bianca at matamang pinagmasdan ang paligid. Talagang pamilyar sa kanya ang lugar na kinaroroonan niya. Alam niyang minsan na siyang nakapunta rito.
Hindi alam ni Zoe kung anong oras na nang imulat niya ang kanyang mga mata basta ang sigurado lang niya ay madilim na sa labas. Wala na siyang nakikitang liwanag na nakikita mula sa siwang ng nakasarang malaking bintana. Sandali niyang ikinurap-kurap ang mga mata para masanay sa malamlam na liwanag na nagmumula sa nakasinding kandila.Biglang natigilan si Zoe. Kandila? Brown out ba?Nagmamadaling bumangon si Zoe mula sa pagkakahiga sa kamang saka pa lang din niya napansing kakaiba ang desenyo na tiyak niyang pang sinauna. Kulay ang pintura ng headboard at tanging ang may kakapalang tela na tila comforter lamang ag sapin. Walang malambot na kama na kagaya ng nakasanayan niya.Wala sa loob na nahilot niya ang balikat na saka pa lang din niya napansing nananakit. Maging ang likod niya ay masakit din dahil siguro sa higaang may katigasan.Ipinig ni Zoe ang ulo bago inalis ang pansin sa higaan niya. Tumayo siya at kahit ma
"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" Mula sa ginagawa ay dahan-dahang nag-angat ng paningin si Christine. Binitawan niya ang hawak na kandila at tinitigan si Daecon na bakas sa mukha ang pinaghalong labis na pag-aalala at alinlangan. Pag-aalala para sa kahihinatnan ng gagawin ng High Priestess ng Night Shade at alinlangang baka hindi sila magtagumpay. Paano na si Bianca at si Zoe? Seryoso ang anyo at deritso ang mga matang tiningnan ni Christine si Daecon bago ibinuka ang bibig para magsalita. "This is the only way that I know, Daecon. I need to unlink the soul of Princess Shayna from Zoe's body—" Napatigil sa pagsasalita si Christine nang itaas ni Daecon ang mga kamay at tulirong nagpalakad-lakad sa harapan niya at ni Caelan. "What if we just do the sacri—" "Are you nuts, Sinfield?!" halos dumandong sa loob ng apat na sulok ng library ang boses ni Caelan na siyang nagpatigil sa pinuno ng Frostwood. "And, wh
Binitawan ni Deacon ang hawak na libro nang tumunog ang cellphone niyang nasa loob ng suot niyang pantalon. Mabilis niya iyong dinukot at nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay kaagad niya iyong sinagot. "Kuya Priam," bati niya sa pinuno ng Darkwood na siya ring isa sa dalawang founder ng Claws And Arrows United. "Kumusta diyan?" Sandaling sumulyap si Daecon sa gawi ni Caelan na abala rin sa pagbabasa. "We're doing good so far. Nandito kami sa Night Shade. Wala kaming—" Hindi natapos ni Daecon ang sasabihin nang sumabad si Priam. "I know," ani nitong sandaling tumigil. "Trust her, Daecon. Trust Christine." dugtong nitong nagpakunot ng noo ni Daecon. Bakit parang kilalang-kilala nito ang babae? "You know her?" hindi napigilang tanong ni Daecon na nakakunot pa rin ang noo. Isang mahinang buntong-hininga ang narinig ni Daecon mula sa kabilang linya. Hindi pa muna ito
"What book do we exactly looking for, Christine?" tanong ni Daecon habang ang mga mata ay masusing binabasa ang mga label na nakasulat sa iba't-ibang librong maayos na nakahanay sa floor to celling na bookshelf. Kung lahat ng librong narito sa loob ng library ng ancestral house nina Christine ay spellbook, damn but he couldn't imagine how powerful the witches of Night Shade tribe can be. It's far from what he just had imagined. Kanina pa silang tatlo paikot-ikot sa loob ng library. Siya, si Caelan at si Christine. Inutusan sila ng babae na hanapin ang librong makakatulong daw para maalis si Zoe sa pagiging vessel ni Princess Shayna. Naiwan naman si Asher sa labas ng kwartong gamit ni Bianca para magbantay samantalang si Kathleen naman ang nagbabantay kay Zoe. Maayos na ang kalagayan ni Alec at nagpapahinga na lang. Well, all thanks to Christine again. Kathleen almost drained her power when she healed Austin plus the fact that she used some of her
"Whew!" Bulalas ni Jessica nang tila sa isang kisap-mata lang ay naroon na sila sa mismong bukana ng Night Shade.The moment that bloodmoon was gone, Christine immediately casted a spell and in just a blink of their eyes, a portal appeared right in front of them. Kasabay niyon ay tila hinigop sila ng malakas na pwersa patungo sa kung saan at nang tuluyang iyong mawala ay naroon na sila sa lugar ng mga mangkukulam. Well, white or black, they're all just the same. Witches..."That was really fast," turan naman ni Caelan na kagaya ni Jessica ay bakas din sa mukha ang pagkamangha.Why not? It was the first time that they experience a witch's power, first hand. That was really cool."Let's go," seryosong turan ni Christine bago muling ipinikit ang mga mata. Bumuka ang bibig nito at umusal ng kakaibang mga salitang batid nina Caelan at Jessica na tanging mga kagaya lang nitong taga Night Shade tribe ang makakaunawa.At muli
"We need to get her to Night Shade..." Tila iisa ang mga ulong sabay-sabay na napalingon sina Daecon, Caelan at Zachary nang marinig ang sinabi ni Christine. Pare-pareho silang tumatakbo nang mabilis habang buhat ni Daecon ang walang malay na si Bianca. It wasn't easy for them to get themselves out of Chandler's premises. Hindi lang ang buong konseho ng Chandler at mga sundalo nito ang kinailangan nilang harapin dahil maging ang mga bampira, taong-lobo at mga hunters ay naka-abang din. Mabuti na lang at may dumating na tulong mula sa grupo ni Galen at ng mga bagong hunters na sumailalim noon sa training nina Jess, Jean, Caelan, Alec at Bona. "Night Shade?!" Tiim ang anyong angil ni Deacon sa babae. Kung may balak man itong gawin ay sisiguraduhin niyag hindi ito magtatagumpay. Sumeryoso si Christine. "Dahil ang Night Shade lang alam kong lugar na ligtas para sa pamangkin ko, Sinfield." Turan ni Christine habang tumatakbo
ISANG MALAKAS na halakhak ang pinakawalan ni Bianca bago itinaas ang dalawang kamay at kumumpas. "Oh, shit!" Bulalas ni Asher kasabay ng pagtalsik ng mga katawan nilang tatlo nina Christine at Kathleen sa malaking puno, ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan nila kanina. Sabay pang dumura ng dugo sina Christine at Kathleen nang tumama ang likod nila sa nakausling ugat ng kahoy. Umungol naman si Asher at muling napamura nang maramdaman ang pagsalakay ng walang kapantay na sakit sa kanyang likuran dahil sa pagbagsak niya sa matigas na lupa. "Asher!" Puno ng pag-aalalang sigaw ni Jean sa lalaki at umakmang tatakbo palapit pero kaagad itong pinigilan ni Asher. "No, just stay where you are, Jean..."sigaw niyang bago pinilit ang sarili na tumayo. "I'm finally back!" Sigaw ni Bianca na kasalukuyang nakadipa habang nakatingala sa madilim na kalangitan. "What's happening to her?" Tanong ni C