Share

CINCO MORTALES SERIES: His Indecent Touch
CINCO MORTALES SERIES: His Indecent Touch
Author: Celestine_Lemoir

Prologue

Prologue

MALAMIG ang pawis na namuo sa noo ni Clary dala ng masamang panaginip. It's been years already but the ghost of her past still lingers under her skin like a parasite she can never get rid of, at hindi niya iyon matanggap. Kung sana ay may paraan upang mawala sa kanyang isip ang karumal-dumal na araw na iyon, hindi niya sana sinusumpa ang Panginoon ngayon. If only people like that man didn't have the chance tp exist in this world, no one like her will ever suffer. Hindi siguro madilim ang tingin niya sa mundo. 

Bumangon siya at akmang aalis ng kama nang gumalaw ang taong nakahiga sa kanyang tabi na tulad niya, tanging kumot lamang ang saplot sa katawan. Dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan, natitigan niya ang inaantok pa ngunit nangangamba nitong mga mata.

"Are you gonna leave now?" he asked in a raspy and worried way. In his eyes were written the words his lips will never utter. His plea to make her stay longer next to him.

She swallowed and flashed a weak smile. "Hindi pa. Iinom lang ako ng tubig. I had a bad dream."

Napawi ang pangamba sa guwapo nitong mukha. Tuluyan itong bumangon at sinuot ang boxers na nasa paanan ng kama saka ito kumuha ng roba para sa kanya. Ito pa mismo ang nagsuot nito sa kanya saka nito inalok ang kamay upang alalayan siyang makatayo. Pagkatapos ay sabay nilang tinungo ang kusina ng inookupa nitong suite. Nang buksan nito ang ilaw ay sandali siyang napapikit. 

She blinked and watched him take his steps towards the fridge. Hindi niya napigilang pasadahan itong muli ng tingin kahit pa kabisado na ng kanyang sistema ang bawat bahagi ng katawan ng binata. From his broad shoulders to his toned and a little bit scarred back, her eyes drifted to the tattoo on his lower back. A weird-looking tattoo he never told her what really meant. Nang makilala niya ito ay nakapinta na ang tattoo sa balat nito.

Kinuhanan siya nito ng tubig saka lumapit sa kanya. Nakasandal siya sa lababo nang tanggapin niya ang baso ng tubig nang hindi inaalis ang titig sa mapungay nitong mga mata. Sandali pang naglakbay ang kanyang tingin pababa sa matangos nitong ilong hanggang sa manipis nitong mga labing gustong-gusto niyang hinahalikan. She never knew tenderness until she tasted him, and that's how she became addicted to sultry kisses.

Nanatili siya sa kanyang pwesto. Ang lalake naman ay sinangkal ang mga kamay sa edge at niyuko nang bahagya ang ulo upang magpantay sila. She started drinking without tearing away from his gaze. Those expressive pools, she doesn't think she could ever get enough of it since the first time she saw him.

Ngunit ang mga sandaling gaya nito, kahit gaano kaganda, alam niyang palaging may hangganan. Sumikip na naman tuloy ang kanyang dibdib nang maalalang bago sumapit ang umaga ay kailangan na naman nilang maghiwalay.

She sighed. How long had they've been this way? Risking their own lives for the sake of a few stolen moments together? Hindi niya na maalala. Mula nang paghiwalayin ng mga desisyon nila sa buhay ang kanilang mga landas, natagpuan na lamang nila ang kanilang mga sariling gumagawa ng paraan upang muling magtagpo sa mapanganib na gitna ng kanilang mga mundo.

"Iyon pa rin ba?" he asked in a worried but soft tone.

She licked her lips and nodded. "My nightmares are getting more vivid when I'm too stressed out."

Bumuntong hininga ito at kinuha mula sa kanya ang baso. Ito na mismo ang naglagay nito sa lababo saka siya hinapit at kinulong sa matipuno nitong mga bisig. Nang muling magtama ang kanilang mga tingin, hindi niya napigilang ihaplos ang kanyang mga palad sa braso nito paakyat sa balikat hanggang sa tuluyang mamirmi sa leeg ng lalake.

If there is a word for what she's feeling whenever he's this close to her, it would be homey. Sa kabila ng banta sa kanilang mga buhay dala ng pagkikita nila kahit pa magkaiba na ang kanilang mga mundo, hindi pa rin naaalis ang epekto ng lalake sa kanyang sistema. Kahit pa sabihing wala silang matinong pag-uusap sa kung ano na ba talagang estado ng namamagitan sa kanilang dalawa, hindi niya maipagkakailang nananatili pa rin itong pinaka-espesyal na tao sa kanyang buhay.

Tinulak nito ang ilang hibla ng kanyang buhok patungo sa likod ng kanyang tainga. "Are you stressed out because of work or because of us?"

"Sa trabaho at… sa sitwasyon natin." She exhaled. Ang kanyang mga mata ay lumamlam kasabay ng paghaplos niya sa panga nito gamit ang kanyang hinlalaki. "Can't you really stop this? Hindi tayo sa ganito inasahan ni Papa na hahantong. He raised us to the best he could so we can be—"

"Clary…" tawag nito sa malamyos ngunit nagsusumamong tinig.

Alam niya na ang ibig sabihin ng pagputol nito sa kanyang sinasabi. Hindi nito isasakripisyo ang natatamasang kapangyarihan at limpak limpak na salapi para lang makasama siya. He will always choose the dark side over her and that just pains her even more. Napapikit siya at kumalas mula sa bisig nito nang tuluyang sumakit ang kanyang puso. Tinungo niya ang veranda ng suite ngunit sumunod pa rin ito. Nang yakapin siya ng lalake mula sa likod, nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi nang lalong bumigat ang kanyang dibdib. 

Masakit para sa kanyang isiping habang siya, nais na magkaroon ng payapang buhay at bumuo ng pamilya kasama ito, iba naman ang landas na nais nitong tahakin. Landas na kahit kailan, hinding-hindi niya magagawang piliin sa kabila ng nadarama niyang pagmamahal para rito. Siguro nga ay ganoon talaga. Hindi lahat ng tao ay kayang isakripisyo ang ibang bagay sa ngalan ng pag-ibig. Hindi lahat, gaya niya.

He kissed the top of her head and tightened his hug as if he's trying his best to shield her from the cold breeze of the night. Hindi ito nagsalita at mas ginusto niya na iyon kaysa magtalo na naman sila. 

"Just trust me, meine liebe. That's all I need from you..." he whispered before he buried his face on her shoulder.

Napabuntong hininga na lamang si Clary at piniling itikom ang kanyang bibig. Kailangan niyang tanggapin na palagi lang siyang pangalawa sa prayoridad nito at sa kabila ng kung anumang namamagitan sa kanila, he will always be an enemy. 

The enemy who happened to own her heart.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status