Share

Kabanata 2

Kabanata 2

"The sixth commandment of God, Sister Clary. Can you tell us what it is?" Mother Superior looked at her with a soft expression written on her wrinkled face. Nasa mga mata nito ang pag-asang masasagot niya ang simpleng tanong, ngunit alam niya sa kanyamg sariling mabibigo lamang ito sa kanya.

Because she remembers nothing, except the fragments of her memories in this convent. Ngunit kahit pa sabihing may munti siyang mga alaala sa kumbento, madalas niyang kwestyunin ang sarili kung nabibilang ba talaga siya sa mga madreng kasama.

Bukod sa madalas niyang pananaginip ng makamundong mga bagay, hindi niya madamang nasa kumbento at pagsisilbi sa Diyos ang kanyang puso.

She glanced at Sister Agatha, seeking help again, but when the nun tilted its head to gaze at her, she suddenly felt shivers down her spine she doesn't entirely know where it came from.

Malamig ang klase ng tinging ipinukol nito sa kanya kaya hindi niya napigilang magtaka. Naroon na naman ang pamilyar na ekspresyon sa mga mata nito...

Winaksi ni Clary ang napansin, kahit pa sa tuwing pagpatay ang napag-uusapan, lumalamlam ang mga mata ng kaibigan saka ito huhugot ng malalim na hininga...na para bang iyon ang usapang pinakaayaw nitong nadidinig.

Tumikhim si Sister Agatha, ang blangkong mga mata ay bumaling sa matandang madre. Nang unti-unting umangat ang isang sulok ng mga labi nito, pakiramdam ni Clary ay nagsitindigan ang kanyang mga balahibo.

"Thou shalt not kill." Her lips stretched wider to form a disturbing smile. "Clary needs more time to remember things, Mother Superior. Pasasaan ba at magbabalik din sa kanyang alaala ang lahat. Let's just pray for the best by then."

Bagsak ang mga balikat na lumabas si Clary ng opisina ni Mother Superior kasama ang kaibigang si Sister Agatha. Nang banggain nito ang kanyang braso, hindi niya napigilang mapailing habang may matipid na ngiti sa labi. 

Kakaiba talaga ang madreng si Agatha para sa kanya. Most of the time she's playful and loves to talk, but once she hears certain words, her expression changes instantly and her eyes will completely turn cold.

Madalas din niya itong mahuling natutulala, tila malalim ang iniisip at kung minsan pa, pumapatak ang luhang mabilis din nitong pinupunasan.

Agatha is one mysterious woman she doesn't think she's ready to decipher, ngunit ngayong nakikita niya itong bumaril na tila ba isang ekspertong mamamatay-tao, gusto niyang manlumo.

This is far more dangerous than the mysterious Agatha she used to know...

Nanginginig ang mga tuhod ni Clary nang sinubukan niyang humakbang palapit sa kaibigang madre, ngunit nang muling magpaputok ng baril si Agatha, napahinto siya sa paglakad lalo nang madinig ang malutong na mura mula sa bibig nito.

"Damn it!" She unbuttoned her sleeves and Clary gasped when she saw what's strapped on the inner part of Sister Agatha's arm. 

Another magazine loaded with bullets...

Napalunok si Clary. Gaano na ba ito katagal na nagpapalakad-lakad sa sagradong lugar na ito habang nasa katawan ang mga bagay na iyon? Pakiramdam tuloy niya, hindi niya ito lubusang kilala gaya ng sinasabi ng lahat.

Agatha looked at her after changing the magazine. Napasinghap si Clary nang ikasa nito nang walang kahirap-hirap ang baril bago siya nito hinatak muli upang tumakbo.

"T-Teka, Sister." Nanginginig ang kanyang tinig at bago pa niya nadugtungan ang sinasabi, nakaladkad na siya ng madre palabas ng pantry.

Bombs kept exploding everywhere but Agatha doesn't seem to care as she dragged her through the blinding smoke. Napaubo si Clary, ang mga mata ay sumakit ngunit hindi siya binitiwan ng kaibigan.

They kept running until they reached the end of the hall. Doon ay sumalubong ang dalawang armadong lalakeng mabilis na pinaputukan ni Agatha sa ulo.

Umalingawngaw ang malakas na tili ni Clary. Bumagsak siya sa sahig dala ng matinding takot nang makita ang pag-agos ng masaganang dugo mula sa butas na mga noo ng dalawang lalake.

Agatha sighed and took the guns from the dead men. Nang lumapit ito sa kanya upang tulungan siyang tumayo, halos mapaatras siya palayo sa kaibigan.

Dumilim ang ekspresyong nakaguhit sa mukha ni Agatha. Nang hawakan siya nito sa magkabilang balikat habang hawak din ang mga baril, lalong nanginig ang kanyang katawan sa takot.

"Listen to me, Clary!" Sigaw nito upang makuha ang atensyon niya. "We only have each other. Hindi ka pwedeng mamatay at hindi rin ako pwede kaya makisama ka."

Nanginginig na umiling si Clary, takot na takot. She can't blame her, alright. A servant of God just killed another human beings right before her eyes!

Agatha sighed. Inis nitong hinubad ang telang nagtatago sa kanyang buhok saka ito sandaling umayos ng tayo upang paputukan ang ilang taong parating. Muling napapitlag si Clary. Tumindi ang panginginig ng kanyang mga kamay at kulang na lang ay takpan niya ang kanyang magkabilang tainga upang hindi na marinig ang kaguluhang nagaganap.

"I am the only one you can count on, Clary. Oras na makuha ka ng organisasyon, mamamatay ka sa mismong kamay ni Decka!"

Decka...

Why did that name sound...familiar?

Natigilan siya at natulala, pagkuwa'y bahagyang kumukunot ang noo nang ilang imahe ang bigla na lamang pumasok sa kanyang isip.

"Decka..." She whispered absentmindedly.

Muling napamura si Agatha matapos magpaputok ng ilang beses. Mayamaya'y pwersahan na siya nitong hinatak pataas, pero bago sila nakahakbang palayo, isang putok ng baril ang umalingawngaw at ang bala ay tumama sa tiyan ni Agatha.

A painful groan escaped Agatha's lips as she hit the floor. Nanlaki ang mga mata ni Clary at ang takot ay nanumbalik sa kanyang sistema nang makita kung paanong namantsahan ng sariling dugo ni Agatha ang puting damit.

"S-Sister Agatha!" She screamed in terror, but before she could even bend on her knees to help her, a series of gunshots echoed at the other end of the hall.

Napapikit si Clary sa takot, ang nanginginig na mga kamay ay tumakip sa kanyang ulo habang nakayuko sa kaibigang duguan.

Her trembling body felt helpless. Hindi niya alam kung saan huhugot pa ng lakas upang makatakbo kasama si Agatha sa ganitong lagay. Lalo pang tumindi ang takot na lumalamon sa kanyang katinuan nang madinig ang mga yabag.

Natataranta niyang dinaluhan si Agatha, hindi alam kung pipigilan ang malakas na pag-agos ng dugo sa tiyan nito o aakayin na ito paalis.

Tears began to form in her eyes when she saw how Agatha struggled for air. Lumalalim nang lumalalim ang paghinga nito, tila hindi na kinakaya ang matinding sakit na iniinda.

"A-Anong gagawin ko..." Her lips quivered as tears began to trail down her cheeks.

Agatha pushed her away while forcing her to take the gun. Umiling siya at lalong naiiyak na pilit iniakbay ang braso nito sa kanyang balikat.

"Hindi kita iiwan dito, Agatha."

That line echoed inside her head as if she had said it already before. Blurry images flashed inside her head in a fast motion, but she was able to hear her own voice while she's dragging the same woman out of a dark alley.

Napahawak siya sa kanyang ulo nang madama ang matinding sakit. Parang binibiyak ang kanyang bungo, inuubos ng sakit ang natitirang lakas sa kanyang katawan.

"U-Umalis ka na! Tumakas k-ka!" Utos ni Agatha, ang baril ay pilit pinagduduldulan sa kanya. Nang tignan niya ito, naroon na ang pagmamakaawa sa namumula nitong mga matang unti-unting sumara.

Halos manghina si Clary. Nanginig ang kanyang ibabang labi nang rumagasa ang kanyang luha, pilit ginigising ang wala nang malay na kaibigan. 

Gusto niya pang gumawa ng paraan. Kung kinakailangang pasanin niya ito hanggang sa makarating sa ligtas na lugar ay handa na niyang gawin, ngunit bago pa man siya nakagawa ng panibagong hakbang, natigilan siya nang umalingawngaw ang tila pamilyar na baritonong tinig sa pasilyo...tinatawag ang pangalan niya.

"Clary!"

Her body froze as her heart went wild inside her chest. Pamilyar ang tinig na iyon...maging ang kilabot at kakaibang sensasyong sabay niyang nadama nang madinig ang pagtawag nito sa pangalan niya.

Lumunok siya nang pilit. Her head tilted to watch the man walk towards her while he efforessly held a shotgun that's resting on his shoulder. Napakalaki nitong tao at sa simpleng itim na jacket at maong na pantalon lamang, halos takasan na ng lakas ang mga tuhod ni Clary sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Ang postura ay nagbabanta. Ang titig ay nakakawala ng katinuan...

His thick midnight brows almost met each other as his sharp jaw clenched in a dangerous manner. Ang manipis nitong mga labi ay mariing nakasara, ngunit nang magtama ang kanilang mga mata, pakiramdam ni Clary ay nawalan ng hangin ang kanyang dibdib.

Behind his thick lashes hides the pair of familiar dark green eyes that seems to be shouting a thousand emotions...yet Clary was only able to understand a few.

Pain.

Longing.

Desire...

His jaw moved, and the moment he harshly pulled her body up to hold her on her nape as his intense pools lock with hers, tears rolled down Clary's face when a part of her realized something.

Her heart feels the exact emotions she's seeing in this dangerous man's eyes.

His face went closer and all Clary can do was gasp for air. Ni hindi niya magawang ikurap ang kanyang mga mata, at kung si Clary ang tatanungin, isang salita lamang ang kaya niyang gamitin sa mga oras na ito upang i-describe ang lalake.

He is...lethal. Not just because he's armed right now, but because of what he can effortlessly make her feel.

And Clary isn't sure if she's liking that at all...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status