ANYANA POV NAPANSIN kong kaagad na nanlaki ang mga mata ni Glaiza sa utos kong iyun at wala sa sariling napaatras siya! Kaya lang, hindi pa rin siya ligtas dahil mabilis siyang nilapitan ng isa sa mga bodyguards ko at malakas na sinampal! Hindi ko naman mapigilan ang mapangisi sa sobrang tuwa! Ganito pala ang feelings kapag nasusunod ang nais mo! Masaya at nakaka-proud at feeling ko sobrang taas ng lipad ko. Feeling ko din kaya ko nang gawin ang lahat! "Ano ang ginawa mo Anyana!" galit na sigaw ni Glaiza habang sapo niya ang nasaktang pisngi! Matamis naman akong napangiti. "Bakit, ano na naman ang ginawa ko? Ako ba ang sumapal sa iyo?" natatawa kong sagot. "Hayop ka! Hayop ka talagang babae ka!" galit niyang sigaw sa akin sabay duro. Muli siyang nilapitan ng aking tagabantay at muling binigyan ng sampal sa kabilang pisngi. "Huwag mong bastusin ang amo namin Miss kung hindi may kalalagyan ka!'" nababantang bigkas ng isa sa kanila! Napansin ko nang napaiyak na si Glaiza da
ANYANA POV ''ANYANA, ano ba iyang sinasabi mo? Naiintindihan kong galit ka sa amin pero sana huwag mo naman sanang idamay sila Mommy at Daddy oh! Alam mo naman siguro na mula pagkabata mo pa lang, itinuring ka na nilang hindi iba sa kanila!" seryosong bigkas ni Scarlett! Hindi ko naman mapigilan ang mapaismid! "Talaga ba? Totoo ba iyang sinasabi mo Scarlett? Hindi yata ako maniniwala dahil hindi ko iyun ramdam! Si Lola Sylvia lang ang nagmamahal sa akin ng tunay at wala nang iba at dahil wala na siya wala nang dahilan pa para magplastikan tayong dalawa! Don't worry, alam ko naman kung bakit abot hangang langit ang galit niyo sa akin lalo na nitong huli eh...ayaw niyong magkaroon ng kahati sa yaman ni Lola diba?" nang-uuyam kong bigkas! "Well...sa inyo na iyun...wala na akong pakialam pa dahil simula noong bumalik ang alaala ko, tuluyan ko nang pinutol ang lahat ng kung anong ugnayan ko sa pamilya mo Scarlett!" muli kong bigkas. Napansin ko naman ang pagkatigagal niya habang tit
ANYANA POV Habang nagsasalita si Scarlett, napansin ko pa ang hayagang pag-akbay ni Gino dito! Hindi ko naman mapigilan ang mapataas ng kilay at seryosong tumitig kay Gino. "Girlfriend ko na si Scarlett, Anyana! Sinagot niya na ako kahapon!" nakangiti niyang bigkas sabay kindat sa akin. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "What? Girlfriend mo na siya? Paano nangyari iyun Gino? Bakit hindi mo naman nababangit sa akin na nililigawan mo pala siya?" gulat kong bigkas. "Ano ka ba Anyana...don't tell me na hayagan kang nagseselos sa relasyo naming dalawa? Wala naman sigurong masama diba? Alam mo naman na noon pa man, may gusto na ako kay Gino at ngayung nobyo ko na siya, hindi ako papayag na maagaw siya ng iba sa akin!" seryosong bigkas ni Scarlett! Ramdam ko sa boses niya ang pagiging seryoso kaya naman muli akong napatitig kay Gino at huling huli ko ang makahulugang pagtitig niya sa akin sabay kindat! Hindi ko naman mapigilan ang mapaismid. "Bakit naman ako magseselo
ANYANA POV "Bakit mo ito ginagawa? Kung galit ka sa amin, hindi mo naman dapat sirain ang sarili mo eh! Anyana, kami ang pamilya mo simula noon at ready pa rin kami na tangapin ka sa bahay! Please, tama na, hindi ito ang inaasahan kong gagawin mo!Huwag ka naman sanang magpakasira sa kung kani-kaninong lalaki oh....pwede ba?" seryosong bigkas ni SCarlett na akala mo sobrang nag-aalala sa akin! Kung kaplastikan man ang lumalabas sa bibig niya ngayun dahil kaharap namin si Gino, wala na akong pakialam pa! Wala sa sariling napatitig ako sa pintuan ng boutique at hindi ko mapigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko nang mapansin ko ang pagpasok nila Uncle Asher at Uncle Zeus! Ang bilis naman nila akong balikan? Wala sa sariling nakangiti kong binalingan ang sales lady na nakaantabay sa akin para sabihin kung ano ang napili ko "Biyyan mo ako ng tig-iisang pares ng mga naka-display! Medium size!" excited kong bigkas at naglakad pasalubong sa mga bagong dating kong tiyuhin
BUENAVENTURA RESIDENCE "NAGKITA kami ni Anyana kanina sa mall!" sambit ni Scarlett habang magkaharap ang buong pamiya na kumakain ng dinner dito sa dining area Kapansin-pansin ang kaagad na pag-angat ng tingin ni Stephen at direktang tumitig sa kanyang kapatid. Halata sa hitsura nito ang pananabik na makibalita kung kumusta na nga ba si Anyana. Ilang buwan na din kasing hindi niya nakikita si Anyana at sa mga buwan na lumipas, aminado siya sa kanyang sarili na sobrang nahihirapan na siya! WAlang araw na hindi niya ito hinahanap at patuloy din siyang inuusig ng kanyang kunsensya! "Nagkita kayo? Saan? Bakit ngayun mo lang sinabi? Dapat tinawagan mo sana ako eh di sana pinuntahan ko siya kaagad!" kaagad niya namang sambit sa kapatid! Halata sa boses nito ang matinding panghihinayang kaya naman hindi mapigilan ni Scarlett ang makaramdam ng awa sa kanyang kapatid. Saksi siya kung paano nahihirapan ang kanyang kapatid nitong mga nakaraang buwan! Sa pag-alis ni Anyana sa poder nil
BUENAVENTURA RESIDENCE "HINDI magandang idea na sumasama-sama si Anyana sa lalaking iyan! Ano ba ang nangyayari sa batang iyun? HIndi niya ba alam kung gaano ka-delikado ang lalaking kasama niya?" halata ang matinding pagkadismaya sa boses ni Daniel Buenaventura habang iniaabot niya ang hawak niyang cellphone sa kanyang anak na si Stephen. Kaagad namang napatiim bagang si Stephen ng makita niya nag larawan! Hindi kayang tangapin ng puso niya na makikita na nagawa nang makipag-date ng asawa niya sa ibang lalaki habang siya ay nagmumukmok at walang ibang ginawa kundi ang magpakalasing! "Ano ang gagawin ko Dad, Mom!" mahina niyang sambit na halata sa boses ang matinding lungkot! Kung hindi lang nakakahiya sa mga magulang niya kanina niya pa gustong umiyak. "I think, hindi mo na siya deserve Stephen! Kalimutan mo na kaya siya! Sa ilang buwan na umalis siya sa poder natin kung sinu-sinong lalaki na ang sinamahan niya! Hindi lang ang Draku na iyan kundi may dalawa pa! Sa nabangkit
ANYANA POV ''DAD, please naman, pagbigyan niyo na ako! SAbi ni Unlce zach, ngingiti lang naman daw ako sa harap ng camera at magpo-posed! Sayang din kasi ang offer niya sa akin eh! Malaking halaga din iyun!" pangungumbinsi ko kay DAddy habang magkaharap kaming kumakain ng agahan! Tumawag kagabi sa akin si Uncle Zach at nakiusap ito na kumbinsihin ko daw si Daddy Draku na payagan akong maging endorser ng mga bagong beauty products na ila-launch niya! Naghahabol na din kasi ng time si Uncle Zach at kailangan maisagawa ang picturial bago ang birtday party ni Uncle Asher para daw mailabas na ang bagong billboard ng naturang produkto. "NO, hindi pa rin ako papayag! Kahit na magkano pa ang offer ng Uncle mo kaya kong tumabasan iyun Anyana! Alam mo naman kung gaano kita kamahal at hangat maari ayaw kong lumabas sa publiko ang mga larawan mo!" seryosong sagot niya sa akin. Mukhang buo na talaga ang desisyon niya kaya naman hindi ko mapigilan ang mapasimangot! Ito ang mahirap kay Da
ANYANA POV '"SENYORITA, busog pa po kami? Huwag niyo po kaming alalahanin, ayos lang po talaga kami!" pagkatapos ng pictorial ko kanina, hindi na ako nagpahatid pa kay Uncle pauwi ng bahay! Marami pa daw siyang trabahong tatapusin kaya naman ako na din mismo ang nagsabi sa kanya na ako na ang bahala sa sarili ko. Kasama ko naman sila Ate Divina at Manang Grasya pati driver at tatlong bodyguards. "Ano ba kayo, gusto kong icelebrate ang pagkakaroon ko ng unang project kaya naman hayaan niyo na ako! Kakain tayo at magpapakabusog tayong lahat!" nakangiti kong bigkas! Hindi na umimik pa ang mga kasama ko hangang sa nakarating kami sa isang mamahaling restaurant! Noong una nag-aalangan pa silang pumasok sa loob kaya lang noong tinitigan ko na sila habang nakataas ang aking kilay wala na silang choice kundi sundin ang nais ko! Kung tutuusin, mga staff ko na sila at gusto ko din silang pakisamahan ng maayos! Ayaw ko na silang ituring na iba sa akin lalo na at nakita ko naman ang dedik
SCARLETT POV SIX YEARS LATER YES, ganoon kabilis ang paglipas ng taon! Anim na taon ang mabilis na lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat! Wala na sila Scarlett at Stephen at nandito pa rin ako ngayun! Nakatayo sa harap ng kanilang puntod at kakatapos lang mag-usal ng maiksing panalangin! Sariwa pa rin ang sugat sa puso pero kailangan tangapin ang katotohanan na wala na sila! Na kailangan nang mag-moved-on dahil iyun ang nararapat! Alam kong tahimik na din naman sila! Na masaya na sila kung nasaan man sila naroroon! Sayang nga lang dahil hindi naging masaya ang naging buhay nila noong nandito pa sila sa mundong ito pero sana, kung totoo man ang reincarnation, magiging masaya na sana sila sa susunod nilang buhay! Kahit kailan, mananatili sila sa puso ko! Hinding hindi ko sila makakalimutan! Wala sa sariling napatitig ako sa larawan ni Anyana! Napakaganda niya talaga! Buhay na buhay ang ngiti sa kaniyang labi! Sayang nga lang at hindi siya lumaban! Alam kong m
DRAKU MONTEVERDE ATIENZA RESIDENCE SCARLETT POV "YAYA, kumusta ang mga bata? Tulog na ba sila?" seryosong tanong ko sa isa sa mga yaya's ng mga anak naming dalawa ni Draku! Tanghali na at hindi ko alam kung bakit kanina pa ako hindi mapalagay. Hindi din maalis-alis sa isipan ko si Anyana! Sobra kasi talaga akong naaawa sa kalagayan niya ngayun! Alam kong masyado nitong dinamdam ang biglaang pagkamatay ni Stpehen pero hindi lang naman siya ang nagluluksa! Buong pamilya namin ay nagluksa din sa biglaang pagpanaw ng kakambal ko at hangang ngayun hindi pa rin matatangap ng mga magulang ko na wala na siya! IYun nga lang, dumagdag pa talaga sa dagok ang muling pagkakasakit ni Anyana! Sa hindi malamang dahilan, napag-alaman ng mga Doctor nito na lumulaki na naman pala ang puso ni Anyana which is hindi magandang senyales! Kaparehong kapareho ang kondisyon ng sakit niya noong bata pa siya! Wish ko lang na sana malagpasan niya lahat iyun! Hindi ko alam kung kaya pa bang tangapin nami
ANYANA POV DALAWANG linggo ang matulin na lumipas na wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa loob ng aking kwarto kapag araw at sa gabi naman makikita ako sa garden na tahimik na nagmumuni-muni! Araw-araw din ako kung dalawin ni Daddy para masiguro ang kaayusan ng kalagayan ko! Minsan na din akong dinalaw ng mga Uncles ko sa bahay na ito at masasabi ko na masaya ako dahil ramdam ng puso ko kung gaano ako kahalaga sa kanila! Nakakalungkot isipin na alam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal! Sa bawat araw na nagdaan, ramdam ko na lalo akong humihina! May mga pagkakataon pa nga minsan na nahihirapan na akong bumangon sa umaga at kaunting galaw lang naghahabol na din ako sa aking paghinga! Dinadalaw din ako ng Doctor ko pero wala na akong energy pa para magtanong kung ano na ba ang sitwasyon ko! Ramdam ko din naman na alam na nilang lahat na alam ko na din kung ano man ang sitwasyon ko ngayun pero kagaya noon, wala talagang ni isa sa kanila ang gustong mag-open up tun
ANYANA POV 'ARE you sure, ayos ka lang dito?" seryosong tanong sa akin ni Daddy! Ayaw niyang pumayag na lumabas ako ng hospital pero wala na din silang nagawa pa nang ako na mismo ang nagpumilit pa! Ayaw man nilang direktang sabihin sa akin ang kalagayan ko alam ko sa sarili ko na kaunting oras na lang ang natitira sa akin at ayaw kong sa hospital ako bawian ng buhay! Pasalamat na lang talaga ako dahil narinig ko ang pag-uusap nila ng Doctor ko dahil mukhang wala talagang balak si Daddy na sabihin sa akin ang tunay kong kalagayan! '"Okay, sasamahan ka nila Ate Divina at Manang Grasya sa bahay na ito! Kung bakit naman kasi gusto mo dito gayung mas palagay ang loob ko kung doon ka na lang muna sa bahay namin titira!:" seryosong sagot ni Daddy! Wala sa sariling inilibot ko ang tingin sa paligid! Nandito kami sa bahay kung saan ako lumaki at nagdalaga! Ang bahay na minsang tinirhan namin ni Stephen noong nagsasama pa kami! Ang bahay na ipinamana sa akin ni Lola Sylvia Buenaventura
ANYANA POV "I AM SORRY, Mr Atienza pero sa sitwasyon niya ngayun hindi namin maipapangako kung kaya niya bang mag-undergo ng another operation! May history na siya ng surgery noong bata pa siya dahil ipinanganak siyang may congenital heart disease." narinig kong bigkas nang kung sino! Ang alam ko si Daddy ang kausap niya kaya naman mas pinili kong matulug-tulugan! "Ano ang pwedeng gawin para madugtungan nang buhay niya? Willing akong gumastos ng kahit na magkano para maging maayos ulit ang puso niya, Doc!" narinig kong sambit ni Daddy! Hindi ko mapigilan ang mapakunot noo dahil sa narinig ko! "I am sorry, Mr. Atienza! Isa ito sa malaking side effect ng mga batang nagkaroon ng history ng congenital heart disease! Although, succesful ang surgery niya noon pero hindi ibig sabihin noon na kaya niya nang mabuhay hangang sa kanyang pagtanda! After so many years, dumadating talaga ang ganitong problema at hindi namin sigurado kung kakayanin pa ba ng pasyente ang mag-undergo ng another
ANYANA POV Ang kagustuhan ko pa rin ang nasunod kaya walang nagawa si Gino kundi pagbigyan ako! May kinausap lang siya na kung sino dito sa hospital pagkatapos noon pinayagan na akong makaalis sa kondisyon na kailangan kong makabalik para daw maobserbahan ako! Maraming test pa daw ang dapat gawin sa akin which is hindi ko na din pinagtoonan ng pansin! Hindi ko alam kung ano ang dahilan at kung bakit dalawang araw akong walang malay sa hospital pero dahil mas focus ang isipan ko sa mga nangyari kay Stephen, hindi na ako nagtanong pa kay Gino! Habang nasa biyahe kami, mas pinili ko na lang ang manahimik! Bago naman kami umalis ng hospital, nangako si Gino sa akin na didirecho daw kami sa kinaroroonan ni Stephen which is labis kong ipinagpasalamat! Hangang ngayun kasi pinilit kong kinukumbinsi ang sarili koo na hindi totoong wala na siya! Pero ang pangungumbinsi kong iyun sa sarili ko ay biglang naglaho lalo na nang mapansin ko na sa isang memorial chapel kami dumirecho! "Ano ang
ANYANA POV Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero sa muling pagmulat ng aking mga mata ibayong katahimikan ang kaagad na sumalubong sa akin! Sumalubong sa paningin ko ang puting kulay ng paligid at nang ibaling ko ang aking tingin hindi ko mapigilan ang magtaka dahil sa mga nakakabit ng kung ano sa katawan ko! May nakakabit din sa akin na oxygen which is nakakapagtaka! HIndi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero hindi ko mapigilan ang muling pagpatak ng luha mula sa aking mga mata nang maalala ko ang nangyari kay Stephen! Sa kabila ng mga masasakit na nangyari sa amin, hindi ko alam kung kaya ko bang tangapin ang lahat pero isa lang ang sigurado ako, sobrang sakit sa puso na makita siyang isa nang malamig na bangkay. Pero totoo ba talaga iyun? Hindi kaya isang panaginip lang? Sana panaginip lang ang lahat! Kahit na gaano pa siya kasama hindi pa rin naman magbabago ang katotohanan na siya pa rin ang tinitibok ng puso ko! Sa naisip kong iyun dahan-dah
ANYANA POV "Ano ang nangyari? Bakit ka namumutla?" seryosong tanong ni Doc Alvin nang maabutan niya ako dito sa labas ng restaurant! Kakatapos lang namin mag-usap ni Amanda at nag-aabang na lang ako ng taxi para masakyan ko patungo sa hospital kung saan daw dinala si Stephen! "Sorry, kailangan kong makaalis! Si Stephen...naaksidente!" diretsahan kong sagot kay Doc Alvin! Napansin kong saglit siyang natigilan bago tumango-tango! "Okay...sa kotse ko! Sasama ako ng hospital!" seryosong sagot niya sabay hawak niya sa akin at inakay niya ako patungo sa kanyang kotse! Naging sunod-sunuran naman ako kay Doc Alvin! Pagkasakay namin pareho sa sasakyan, kaagad siyang nagmaneho! Sinabi ko pa nga sa kanya kung saang hospital dinala si Stephen at pagkatapos noon, naging tahimik na ako buong biyahe! Ramdam ko ang takot ko sa puso ko pero umaasa ako na sana ayos lang si Stephen! Kahit naman sinaktan niya ako ng paulit-ulit, hindi ko naman pinangarap na mapahamak siya lalo na at alam kong w
ANYANA POV Dahil sa ginawa ni Stephen kanina sa simbahan, nagpasya na lang kaming dalawa ni Doc Alvin na kumain sa restaurant! Lagpas na sa oras ng pagkain ng tanghalian at nag-aalburuto na ang tiyan ko sa gutom! Wala na din akong balak na pumunta ng reception party dahil mukhang nababaliw na si Stephen! Para bang wala na siyang kahihiyan at hayagan niya nang ipinapakita sa lahat kung gaano na kasama ang ugali niya! Kahit ako, nagulat din talaga sa ginawa niya kanina! Harap-harapan ba naman kung mangumprunta! Ano ba ang pakialam niya kung may kausap akong lalaki? Naikasal na siya lahat-lahat ang hilig niya pa ring makialam sa buhay ng may buhay! "Ano ang gusto mong kainin?" nakangiting tanong sa akin ni Doc Alvin! HIndi ko naman mapigilan ang mapatitig sa kanya! Sa halos isang buwan na nakilala ko siya wala man lang akong nakitang kahit na isang kapintasan sa ugali niya! Kapag magkasama kaming dalawa talagang ipinaparamdam niya sa akin kung gaano ako ka-special na malayong mal