ANAYAN POV ''ANYANA, alam kong galit ka sa akin pero sana naman bigyan mo ako ng chance na makausap ka!" mahina niyang bigkas! Wala sa sariling napatitig ako sa kanya at kitang kita ko sa kanyang mga mata ang sinseridad! Hindi ko naman mapigilan ang mapailing. Magaling magkunwari itong si Stephen! Minsan niya na akong napaikot noon at hindi ko na hahayaan pang muli iyung mangyari ngayun! "Chance? Bigyan ng chance? Nahihibang ka na ba?" hindi ko na mapigilan pa ang galit ko habang sinasabi ang katagang iyun! Muli siyang natigilan habang titig na titig siya sa akin "Ang laki na nga ng ipinagbago mo! Hindi na ikaw ang Anyana na dati kong nakilala!" mahina niyang bigkas. Mapakla naman akong tumawa. "Sino? Sinong Anyana na tinutukoy mo? Ang weak na Anyana? Hindi ba't dalawang beses mo na siyang pinatay...or let's say---- niyo siyang pinatay kasama ng kakambal mo?" walang paligoy-ligoy kong bigkas! Gusto kong ipakita sa kanya na galit ako at walang kapatawaran lahat ng mga kasala
ANYANA POV "Senyorita, ayos lang po ba kayo? Ano po ang nangyari?" pasimple kong pinunasan ang luha na pumatak mula sa aking mga mata nang marinig ko ang tanong na iyun ni Ate Divina Tulala akong nakabalik dito sa loob ng restaurant kung saan ko sila iniwanan kanina. Hangang ngayun hindi pa rin ako makapaniwala na muling nagkrus ang landas naming dalawa ni Stpehen. "Ayos lang ako...sige na kumain na muna kayo!" mahina kong sambit at pasimpleng tumitig sa labas ng restaurant. Mula sa aking kinauupuan, tanaw na tanaw ko si Stephen. Nasa labas lang siya ng restaurant at directang nakatitig sa gawi ko. Hindi ko mapigilan na maikuyom ang aking kamao. Sa aming pagkikita ulit ni Stephen ay lalo lamang nag-alab ang galit na nararamdaman ng puso ko. Bumabalik lang sa alaala ko ang mga masasakit na mga nangyari sa akin mula sa mga kamay niya! Kung mahal ko siya noon, kakaiba naman ang nararamdaman ko para sa kanya ngayun. Galit ako sa kanya at hinding hindi ko na hahayaan pa na muli n
ANYANA POV '"ANYANA! Ano ba ang problema mo? Gaano ba kalaki ang galit mo sa akin at bakit ang laki na nang ipinagbago mo? Kahit na ano pang mga pagkakamali na nagawa mo, kaya naman kitang patawarin eh! Kaya pa rin kitang tangapin basta bumalik ka lang sa akin. Ayusin natin ito...please!" muling bigkas ni Stephen habang seryoso ang kanyang mukha! Nagbago na naman ang paraan ng pakikipag-usap niya sa akin! Bipolar na yata ang tao na ito eh...pagkatapos niya akong pagsabihan ng mga masasakit na salita kanina, bigla na naman nagbago ang tono ng kanyang pananalita ngayun. "Gaano kalaki ang galit ko sa iyo? HIndi mo ba nararamdam kung gaano ka kagalit na galit sa iyo Stephen? Narinig mo naman siguro ang sinabi ko sa iyo kanina diba? Kahit na lumuha ka pa ng dugo, hinding hindi kita mapapatawad! Pinatay mo ang anak ko! Pinatay niyong dalawa ni Scarlett ang anak ko!" galit ko nang sigaw sa kanya! Nanginginig na ang laman ko sa sobrang galit at para bang kakapusin na ako sa aking pagh
STEPHEN POV PARANG bomba na sumabog sa pandinig ko ang sinabing iyun ni Anyana! Ang katotohanan na hindi ko akalain na maririnig ko mismo sa kanyang bibig. Bago pa ako nakapag-react tuluyan na siyang naglakad palayo sa akin! Gustuhin ko man siyang habulin pero hindi ko naman alam kung paano gagawin dahil sa dalawang kalalakihan na buong pwersa na nakahawak sa akin. "Mr. Buenaventura...nagkita din tayo!" walang kakurap-kurap na nakatitig lang ako sa palayong pigura ni Anyana nang isang seryosong boses ang kaagad na pumukaw sa naguguluhan kong isipan! Wala sa sariling napabaling ako ng tingin at kaagad na sumalubong sa pangini ko ang seryosong mukha ni Draku Atienza! Ang taong ipinakilala ni Anyana sa akin kani-kanina lang na ama niya. "Sino ka? Bakit...paanong ikaw ang naging ama niya?" seryosong tanong ko! Hangang ngayun hindi pa rin kayang iaanalisa ng isipan ko ang aking natuklasan! Sa ikalawang pagkakataon, hinusgahan at pinaratangan ko na naman si Anyana sa isang pagkakasa
STEPHEN POV "PAANO kung hindi ko susundin lahat ng sinabi mo kani-kanina lang? May magagawa ka ba?" seryoso kong tanong sa kanya! Napansin kong huminto siya sa paghakbang at seryoso akong hinarap. "Well, kapag hindi mo sinunod ang nais ko at patuloy mo pa ring guluhin si Anyana, huwag niyo akong sisisihin kung may mga bagay akong magagawa na hindi niyo din magugustuhan!' seryoso niyang sagot sa akin! "Anong ibig mong sabihin? Isa ba itong pagbabanta?" kaagad ko ding tanong sa kanya. Kaagad naman siyang napangisi sabay iling "Ako ay isang tao na hindi mahilig sa mga pagbabanta, Stephen! HIndi lang naman ikaw ang may kasalanan sa anak ko diba? Marami kayo at pwede ko kayong isa-isahin para mapanagot! Kung ayaw mo ng gulo, mabuti pang sundin mo ang nais ko!'' seryoso niyang muling bigkas habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin! Ramdam ko ang panganib sa boses niya na nagbigay sa akin ng kakaibang takot! Takot na baka nga gumawa siya ng hakbang na hindi naayon sa kagustuhan
SCARLETT POV Saksi ako sa lahat ng paghihirap na pinagdadaanan ni Stephen at hindi ko din mapigilin na makaramdam ng kurot ng kontsensya sa isiping isa ako sa dahilan kung bakit siya naghihirap ngayun! Kung hindi sana ako naging pakialamera sa relasyon nilang dalawa ni Anyana hindi ko sana siya nakikitang nahihirapan ngayun! Sadyang nasa huli na nga talaga ang pagsisisi! Hindi na maibabalik ang mga nangyari na at wala na akong magagawa pa kundi ang umasa na sana magiging maayos din ang lahat! Kahit na kaibigan ko si Glaiza, hindi na talaga ako maghihimasok sa love life ni Stephen! Bahala na siya...ayaw ko nang makasira sa isang relasyon lalo na at nagkakamabutihan na din kaming dalawa ni Gino! Yes...si Gino! Ang lalaking matagal ko nang iniibig ay sa wakas naging kasintahan ko din! Umaasa ako na magiging maayos ang pagsasama naming dalawa dahil walang duda...mahal na mahal ko si Gino Atienza noon pa man! "May lakad ka?" maya-maya tanong sa akin ni Stpehen pagkatapos ng ilang m
SCARLETT POV "GINO, palagay mo kaya magugustuhan din ako ng Mommy at Daddy mo?" hindi ko maiwasang tanong kay Gino habang kumakain kami ng dinner dito sa isang kilalang restaurant! Kakatapos lang namin magshopping at ramdam ng kalamnan ko ang pagod. "Well, malalaman natin sa Sunday! Teka lang, pinayagan ka na ba ng Mommy at Daddy mo na sumama sa akin?" nakangiting tanong niya sa akin. Alanganin naman akong tumango. Puro problema tungkol kay Anyana ang napag-uusapan namin nitong mga nakaraang araw kaya naman hindi ko din talaga masingit-singit ang pagpapaalam kina Mommy at Daddy tungkol sa balak kong pagsama kay Gino na mag-yate! Dumagdag din kasi talaga sa problema ng pamilya namin ang palaging paglalasing ni Stephen kaya naman hindi matahi-tahimik ang pamilya namin! Kung alam ko lang na mangyayari ito sana noon pa man hindi ko na pinakialaman pa ang relasyon nilang dalawa ni Anyana! Hinayaan ko na sana sila eh di sana hindi ganito kagulo ang lahat-lahat. "Hindi pa nga eh..p
SCARLETT POV YES...aminado ako! Kasalanan ko! Kasalanan ko kung bakit pati kapatid ko ay nasasaktan ngayun! Ako ang nag-umpisa sa gulo! Simula't sapol, ako ang mitsa sa paghihirap ni Anyana! Plinano ko ang lahat ang worst, lahat ng mga kasamaan na ginawa ko ay muntik nang naging kapalit noon ang buhay ni Anyana. Hindi ako nakontento sa isang beses na nasaktan siya ng sobra! Pumangalawa pa talaga ako at hindi ko alam kung papaano ako makakabawi sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa ko! Gusto ko nang magbago! Gusto kong makausap si Anyana para sana makahingi man lang ng tawad sa kanya! Para naman mabawas-bawasan ng kahit na kaunti ang sundot ng konsensya na nararamdaman ko ngayun! Kaya lang, paano ba? Paano ako hihingi ng tawad sa isang taong nakikita ko ang pagkasuklam sa mga mata niya tuwing kaharap ko siya! "Scarlett, nadiyan ka pa ba? Hello??" napakurap ako ng makailang ulit nang muli kong narinig ang boses ni Kayzee! SA dami nang umuukupang alalahanin sa isipan ko naka
SCARLETT POV "I LOVE YOU, Scarlett Buenaventura!" muli niyang bigkas na nagpagulantang sa akin! Ni hindi ko inaasahan na maririnig ko ang katagang iyun sa mismong bibig ni Draku! Wala sa sariling napahawak ako sa aking tiyan at mapangiwi lalo na nang maramdaman ko na naman ang pagalw ng mga anak ko sa aking sinapupunan! Pati yata ang mga babies ko ay nagulat sa katagang binitiwan ng ama nila! "Ha? Anong sabi mo? Mahal mo na ako?" mahina kong tanong sa kanya. Gusto kong makasiguro kung tama ba iyung narinig ko sa kanya! BAka mamaya nagha- hallucinate lang ako at baka mapahiya lang ako! Aware ako na hindi talaga siya marunong magmahal kaya naman napakahirap paniwalaan ang sinasabi niya ngayun! "Willing akong ligawan ka maiparamdam ko lang sa iyo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko!" muli niyang bigkas habang hindi nya pa rin inaalis ang pagkakatitig sa aking mukha! Hindi naman ako nakaimik! Ano ba ang sasabihin ko sa kanya? Ano ba ang isasagot ko? Hindi ko alam! Masyado ak
SCARLETT POV ''SCARLETT, tulog ka na ba?" hindi ko na mabilang pa kung ilang beses nang paulit-ulit na nagtanong si Draku kung tulog na daw ba ako! Hindi ko alam kung ano ang trip niya sa buhay! Halos isang oras nang nakapatong ang kanyang isang palad sa tiyan ko habang halos nakadikit na din ang kanyang katawan sa akin "Draku, kung inaantok ka na pwede bang matulog ka na din? Paano ako makakatulog kong salita ka nang salita diyan?" hindi ko na mapigilan pang bigkas! Sino ba namang tanga ang makakatulog sa sitwasyon ko ngayun? Habang hinahaplos niya ang aking tiyan ramdam ko naman ang init na nagmumula sa kanyang palad na nagbibigay sa akin ng kakaibang kilabot! "Galit ka? Nakukulitan ka na ba sa akin?" muli nyang bigkas! Mariin naman akong napapikit! Parang hindi yata kami matatapos nito ah? Pagkatapos ng isa niyang tanong binabato niya ako ng panibagong tanong kaya ang ending lalong nawala ang antok ko na kanina lang ay ramdam na ramdam ko! "Hindi ah! Hindi ka naman makulit
SCARLETT POV Pagkatapos namin kumain, kaagad na din akong nagpaalam kay Draku na magpapahinga na muna ako sa aking kwarto! Kaagad naman siyang pumayag at inalalayan niya pa nga ako hangang sa makahiga na ako ng kama! Hindi ka pa ba aalis?" wala sa sariling tanong ko sa kanya! Kanina pa gustong pumikit ang mga mata ko pero hind ko matuloy-tuloy dahil sa presensiya niya! Dati naman kapag hinahatid niya ako dito sa aking silid hindi siya masayadong nagtatagal pero kakaiba yata ngayun ang kinikilos niya! Hindi siya matinag habang nakaupo sa kabilang bahagi ng kama! "Oh...gising ka pa? May gusto ka ba? SAbihin mo, ibibigay ko kaagad sa iyo!" nakangiti niyang sagot sa akin! Hindi ko na tuloy mapigilan ang mapairap! Ang layo na naman ng sagot niya sa sinabi ko! "Draku...pwede mo na akong iwan! Matutulog na kasi ako eh!" mahinang bigkas ko na sinabayan ko pa ng paghikab! Sobrang antok na antok na talaga ako kaya lang hindi din naman ako mapalagay kapag alam kong nandito lang siya sa k
SCARLETT POV "Okay ka lang ba?" kasalukuyan akong nag-eemote dito sa loob ng kwarto nang bigla namang pumasok si Draku! Mabuti na lang talaga at nakatlikod ako sa gawi ng pintuan kaya may pagkakataon pa ako para punasan ang luha mula sa aking mga mata! Hindi ko na naman kasi talaga mapigilan ang maiyak eh! Sa sobrang babaw ng luha sa aking mga mata pati yata mga walang kwentang bagay iniiyakan ko na! "O-okay lang ako!" mahina kong sambit habang hindi na ako nag-abala pang lingunin siya! Nahihiya akong baka mahalata niya na galing ako sa pag-iyak! Ayaw kong mag-isip siya ng kung ano pa man! Kung totoo or isang malaking pagkukunwari man ang ginagawa niyang pag-aalaga sa akin wala na akong pakialam pa! Basta ang importante nandito ako sa isang kumportableng lugar at safe naman ako! "Okay ka lang? Scarlett, sa ilang buwan na nagkasama tayo, kilalang kilala na kita!" narinig kong bigkas niya! Nakatayo na siya sa harapan ko samantalang nakaupo naman ako dito sa kama! Pilit ko ding
DRAKU POV (bigyan natin ng POV) HINDI ko alam kung paanong nag-umpisa ang pagkahumaling ko kay Scarlett pero isa lang ang sigurado ko ngayun, gusto ko siyang protektahan sa lahat ng oras! Gusto ko siyang makasama habang buhay at maangkin hindi lang ang katawan niya kundi ang buo niyang pagkatao! Oo, nakakahiyang aminin sa sarili pero nagawa kong mainlove sa babaeng mas hamak na bata sa akin kung edad ang pag-uusapan! Bonus na lang siguro ang pagdadalang tao niya para masigurado ko sa aking sarili na akin lang siya! Unang kita ko pa lang sa kanya noon, talagang nahulog na din talaga ang loob ko sa kanya! Ayaw ko lang aminin...pilit ko ding sinusupil iyun at binabaliwala dahil hindi talaga pwede! Wala naman din kasi akong plano na pumasok sa isang seryosong relasyon kaya naman hindi ko akalain na kay Scarlett lang pala ako mababaliw! Sabi ko sa sarili ko dati, paparusahan ko lang siya bilang kabayaran sa lahat ng mga kasalanan na nagawa niya sa anak kong si Anyana! Kaya lang,
SCARLETT POV '"DAD! Ano ba, anak mo ako at wala ba talaga akong rights para mag-stay sa bahay na ito?" seryosong tanong ni Anyana sa kanyang ama! Mukhang wala pa din talaga siyang balak na umalis dito! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya kung bakit napasugod siya sa bahay na ito pero nag-aalala akong isipin na baka nandito siya para guluhin ako! Kilala ko si Anyana! Alam kong lagpas langit ang galit niya sa akin at ngayun pa lang hindi ako dapat pakampanti lalo na kung nasa paligid lang siya! Dumagdag din sa problema kong ito si Gino! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya at bakit niya nabangit sa akin na mahal niya daw ako! Kung totoo man ang nabangit niyang pagsinta sa akin or hindi wala na akong pakialam pa! Wala na din naman akong kahit na katiting na nararamdaman sa kanya eh! Mas gusto ko na nga lang sana ng tahimik na buhay pero hindi ko alam kung paano makakamit iyun dahil umpisa pa lang puro na problema ang dumadating sa buhay ko! "Para kay Sca
SCARLETT POV "Nag-desisyon na siya diba? Ayaw ka na niyang makausap, bakit mo pa ipinipilit ang gusto mo?" seryosong tanong ni Draku kay Gino! "Ku-Kuya! Kahit saglit lang. Please hayaan mo muna akong makausap siya ulit! Marami pa akong gustong sabihin sa kanya!" nakikiusap na bigkas ni Gino sa Kuya niya! Isang matalim na titig ang ibinigay sa kanya ni Draku kasabay ng pag-iling! "NO! Hindi ako papayag! Sobra-sobra na ang time na ibinigay ko sa iyo para makausap siya at ayaw niya na din! Buntis si Scarlett at bawal din sa kanya ang sobrang ma-stress!" seryosong sagot ni Draku sa kapatid niya! KItang kita ko sa mukha ni Gino ang pagkadismaya at muling tumitig sa akin! "Scarlett, ikaw ang magdesisyon! Hindi ba't ako naman talaga ang mahal mo? Handa akong maghintay! Tandaan mo, handa kong itama lahat ng pagkakamali ko mapatawad mo lang ako sa lahat---" hindi na natapos pa ang sasabihn ni Gino nang biglang tumama ang kamao ni Draku sa panga nito! Impit naman akong napasigaw lal
SCARLETT POV HINDI nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat na kaagad na rumihistro sa mga mata ni Gino! Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong kausapin ngayun gayung malinaw naman noon pa na wala siyang pakialam sa akin! "Naiinitindihan ko kung bakit nakapagdesisyon ka ng ganito, Scarlett! Alam kong naguguluhan ka lang sa mga nangyari dahil feeling mo wala kang kakampi!" mahina niyang sambit! Peke naman akong natawa! Pasimple kong pinunasan ang luhang hindi ko na namalayan pa na muling pumatak mula sa aking mga mata at tinitigan si Gino! "Pinapamukha mo ba sa akin ngayun na nahihibang na ako?" Oo, wala nga akong kakampi at tanging si Draku lang ang meron ako ngayun na alam kong handa niya akong damayan kahit na ano ang mangyari!" seryoso kong bigkas sa kanya! Tiwala naman ako sa sinasabi ko ngayun dahil nararamdaman ko na tapat naman si Draku sa ginagawa niyang pag-aalaga sa akin ngayun. "No! Hindi sa ganoon! Tangap ko ang pagkakamali ko at kaya ako nandito
SCARLETT POV "KAHIT saglit lang! Please, pwede bang kahit saglit lang makausap ka?" nakikiusap na bigkas ni Gino! Wala sa sariling napatitig ako kay Draku at hindi nakaligtas sa paningin ko kung gaano siya ka-seryoso ngayung habang nakatitig kay Gino! Mukhang hindi talaga siya masaya sa pakiuisap ng half brother niya. "Okay, tungkol saan ang sasabihin mo? Sabihin mo na dahil gusto ko nang magpahinga!'' nayayamont kong bigkas! Wala sa sariing napatingin ako kay Anyana at kitang kita ko talaga sa mga mata niya ang pagkadisguto! Ilang beses ko din siyang nahunuli na pasulyap-sulyap sa tiyan ko! "NO! Hindi pwede! Hindi kayo pwedeng mag-usap!" seryosong bigkas ni Draku! Pilit naman akong ngumiti! 'Saglit lang naman daw! Pagbigyan mo na iyang kapatid mo!" pilit ang ngiting sagot ko! Sa ilang linggo na kasama ko si Draku sa bahay na ito, tuluyan na ding palagay ang loob ko sa kanya! Natuto na din akong makipag-usap sa kanya! Siguro dahil sa kaloob-kalooban ng puso ko, alam kong mabuti