BIANCA POV Katulad ng gusto ng mga bata, pagkatapos namin kumain, direcho kami sa books store. Although kasama namin si Thelma dahil siya ang officially na yaya ni Amanda, nasa kay Daniel pa rin si baby Amanda! Ayaw magpalapag or sumakay ng stroller niya! Gusto ng bata na karga-karga siya ng ama niya na parang wala lang din naman kay Daniel! Ewan ko ba...parang hindi siya nabibigatan kay Amanda gayung ang lusog ng batang ito! "Hmm, Daniel pwede bang ikaw na muna ng bahala sa mga bata? CR lang muna ako!" paalam ko kay Daniel habang nakasunod ang tingin ko kina Scarlett at Stephen na abala na sa kakapili ng mga kakailanganin nila sa School! Balak ko din tumingin tingin ng mga libro na pwede kong pagkaabalahang basahin kapag nasa mansion ako. Since ayaw ni Daniel na magbalik trabaho ako, inaabala ko ang sarili ko na magbasa ng mga libro para hindi ako ma-bored sa mansion. "Gusto mo samahan na kita?" kaagad niya namang sagot sa akin. Umiling naman ako! "No need na! Baka hanapin ta
BIANCA POV "WHAT? Hindi kayo nagkatuluyan ni Arnold? Paanong nangyari iyun?" nanlalaki ang mga matang tanong sa akin ni Amber habang nakaupo kami dito sa isang coffee shop! Pagkatapos ng madamdaming kumustahan naming dalawa kanina, tinawagan ko si Daniel na siya na muna ang bahala sa mga bata dahil kakausapin ko lang si Amber! Sinabi ko ang pangalan ng coffee shop kung nasaan kami ni Amber at puntahan niya na lang ako kung tapos nang mamili ang mga bata ng mga kakakailnganin nila. "Yes..hindi natuloy ang kasal naming dalawa at hindi ikaw ang dahilan noon! Kasalanan ko din! Kung nagtaksil siya sa akin noon, ganoon din naman ang ginawa ko sa kanya!' seryoso kong sagot sa kaibigan ko! "Meaning? Bianca, tapatin mo nga ako...may nangyari ba na hindi ko alam noong mga panahon na iyun?" seryosong tanong niya sa akin. Dahan-dahan naman akong tumango. "God...kung ganoon, naglolokohan lang kayo ni Arnold?" muli niyang tanong. Muli akong tumango! "What? Pero bakit? I mean...hindi ko m
BIANCA POV "YES...si Arnold ang ama ni Baby Caleb! Pero wala na akong balak pang ipaalam sa kanya! Ayos na sa akin na nagkaanak ako! Wala akong pinagsisihan sa mga nangyari!" nakangiti niyang sagot sa akin. Sa nakikita ko ngayun sa best friend ko, piniplit niya lang na maging masaya kahit na ang totoo sobrang lugmok niya na! "Saan ka ngayun nakatira? I mean, sa nalalipas na mahigit tatlong taon...saan ka naglalagi? Kakarating mo lang ba ng bansa?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Kung sasabihin ko ba sa iyo kung saan ako nakatira, hindi mo ba ako isusumbong kay Arnold?" nakangiti niyang tanong sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang matawa. 'Sira...natural, aalamin ko at sasabihin mo sa akin kung saan ka nakatira ngayun para mabisita kita! nakalimutan mo na ba...mag best friend tayo at iisa lang ang sukat ng mga bituka natin!" nakangisi kong sagot sa kanya. Napansin kong saglit siyang nag-isip bago muling nagsalita. "Actully, sa Germany ko ipinanganak si Baby Caleb pero afte
BIANCA POV PAGKATAPOS ng masinsinang pag-uusap naming dalawa ni Amber, mabilis na din siyang nagpaalam sa akin. Kailangan na daw nilang makauwi sa condo kung saan sila tumutuloy habang nandito sila sa Manila. Nag offer pa nga ako na ihahatid na namin siya pero kaagad na din siyang tumanggi. May kotse naman daw siya at kaya niya ang sarili niya. May yaya din daw ang anak niya at kaya daw hindi niya kasama dahil pinag day-off niya daw! Hinayaan ko na lang ang kaibigan ko lalo na at naging unfair yata ako kay Daniel pati na sa mga anak namin ngayung araw. Imbes kasi na sila ang kasama ko ngayun, mas pinili ko na si Amber ang kausapin ko! Nag skating daw ang mga bata kaya naman pagkagaling sa coffee shop doon na ako dumirecho! Mahilig ang mga anak namin sa skating at doon sila palaging nagyayaya sa amin ni Daniel kapag nandito kami sa mall na ito. Saktong pagdating ko sa nasabing lugar, nakita ko din naman kaagad si Daniel. Tahimik siyang nakaupo habang nakasunod ang paningin ni
BIANCA POV '"DANIEL! Totoo ba? Tatoo ba iyang sinasabi mo? Hindi ka ba nagbibiro?" naluluha kong tanong sa kanya! "Nagbibiro? Bianca...wala na akong time para sa biro-biro na iyan....mahal kita! Mahal kita at papayag ka man or hindi...magpapakasal ka sa akin. Magpapakasal tayo!" seryoso niyang sagot sa akin kasabay ng pagpasok niya ng isang kumikinang na bagay sa palasingsingan ko! Wala sa sariling napatitig ako doon at bago pa ako nakasagot ulit, kaagad na tumampad sa paningin ko ang isang singsing na maayos nang nakasuot sa palasingsingan ko! "Daniel..God! Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya ngayun!" umiiyak na bigkas ko kasabay ng mahigpit na pagyakap ko sa kanya! "Ibig mo bang sabihin, pumapayag ka nang magpakasal sa akin? Na mananatili ka na sa tabi ko habang buhay?" mahinang tanong niya sa akin kasabay ng paghagod niya sa likod ko. Kaagad naman akong tumango "Yes...OO naman! Magpapakasal ako sa iyo! Magpapakasal ulit tayo at sa pagkakataon na ito, sisigu
BIANCA POV NAGING mas makulay ang mundo ko sa paglipas ng mga araw! Lalong naging malapit kami sa isa't isa ni Daniel na labis kong ipinagpasalamat. Kasal na lang talaga ang kulang sa aming dalawa at masasabi kong kami talaga ang nakatakdang magsama habang buhay "Sweetheart, papasok na muna ako ng work. Mamayang tanghali, susunduin kita para sabay nating ime-meet ang weeding coordinator na mag-aayos ng kasal natin." narinig kong sambit ni Daniel sa may punong tainga ko pero hindi ko mamulat-mulat ang aking mga mata. Pilit akong hinihila ng aking antok. Umaga na ako nakatulog kanina dahil tinapos ko pang basahin ang libro na ipinasalubong niya sa akin noong nakaraang araw. Hindi ko talaga tinantanan hangat hindi ko natatapos! "Ahmmm, yes....okay! Ingat ka Mahal!" mahina kong sambit habang dahan-dahan kong imunumulat ang aking mga mata. Kaagad na tumampad sa paningin ko ang makisig na mukha ni Daniel na halos nakadikit na sa aking pisngi! Amoy na amoy ko din ang pabangong gami
BIANCA POV MABUTI na lang at pagkatapos ng medyo mahaba-habang payo kay Amber, mukhang nakinig din siya sa akin dahil kakausapin niya daw si Arnold kapag magkita sila ulit! Mabilis na akong bumangon ng kama pagkatapos naming mag usap ni Amber! Direcho ako ng banyo para maligo. Sakto na pagkatapos kong maligo, tumawag si Daniel! On the way na daw ang personal driver niya para sunduin ako! Mabilis akong nag-ayos. Nag apply lang ako ng manipis na make up pero sinigurado ko na magandang maganda ako sa paningin ni Daniel. Hindi na ako nakakain kaya nararamdaman ko na din ang pagkalam ng aking sikmura. Pero pilit ko iyung binabaliwala. Babawi na lang ako ng kain mamayang lunch! Saktong kakatapos ko lang mag-ayos nang marinig ko ang mahinang katok sa pintuan ng kwarto! Dinampot ko ang bag ko at mabilis na naglakad para pabuksan kung sino ang nasa labas. Kaagad na tumampad sa paningin ko ang isa sa mga kasambahay na si Myrna at sinabi niya na nasa ibaba daw ang personal secretary ni
BIANCA POV MABILIS na lumipas ang mga araw. Sa wakas, dumating na din ang pinakahihintay ko! Ang araw ng pag iisang dibdib naming dalawa ni Daniel. Talagang minadali namin ang preparations. After one month ng pagproposed niya sa akin ng kasal, heto ako ngayun, inaayusan ng make- up artist at saktong alas tres mamayang hapon ang araw ng kasal naming dalawa ni Daniel. Simple lang naman ang celebrasyon ng kasal namin! Tanging malalapit na kaibigan ng pamilya at ilang mga business partners ni Daniel ang imbitado! Gusto kasi naming gawing solemn ang lahat since pangalawang kasal na namin ito kung tutoosin! "Ang ganda mo talaga Bianca. Supre duper blooming!" hindi ko mapigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang papuring iyun sa akin ni Amber! Siya ang maid of honor ko at sa wakas nagkaayos na din yata silang dalawa ni Arnold! Sa bahay na siya ni Arnold umuuwi kaya naman palagi na din kaming nagkikita nitong best friend ko! 'Thank you...." nakangiti kong s
SCARLETT POV Pagkatapos namin kumain, kaagad na din akong nagpaalam kay Draku na magpapahinga na muna ako sa aking kwarto! Kaagad naman siyang pumayag at inalalayan niya pa nga ako hangang sa makahiga na ako ng kama! Hindi ka pa ba aalis?" wala sa sariling tanong ko sa kanya! Kanina pa gustong pumikit ang mga mata ko pero hind ko matuloy-tuloy dahil sa presensiya niya! Dati naman kapag hinahatid niya ako dito sa aking silid hindi siya masayadong nagtatagal pero kakaiba yata ngayun ang kinikilos niya! Hindi siya matinag habang nakaupo sa kabilang bahagi ng kama! "Oh...gising ka pa? May gusto ka ba? SAbihin mo, ibibigay ko kaagad sa iyo!" nakangiti niyang sagot sa akin! Hindi ko na tuloy mapigilan ang mapairap! Ang layo na naman ng sagot niya sa sinabi ko! "Draku...pwede mo na akong iwan! Matutulog na kasi ako eh!" mahinang bigkas ko na sinabayan ko pa ng paghikab! Sobrang antok na antok na talaga ako kaya lang hindi din naman ako mapalagay kapag alam kong nandito lang siya sa k
SCARLETT POV "Okay ka lang ba?" kasalukuyan akong nag-eemote dito sa loob ng kwarto nang bigla namang pumasok si Draku! Mabuti na lang talaga at nakatlikod ako sa gawi ng pintuan kaya may pagkakataon pa ako para punasan ang luha mula sa aking mga mata! Hindi ko na naman kasi talaga mapigilan ang maiyak eh! Sa sobrang babaw ng luha sa aking mga mata pati yata mga walang kwentang bagay iniiyakan ko na! "O-okay lang ako!" mahina kong sambit habang hindi na ako nag-abala pang lingunin siya! Nahihiya akong baka mahalata niya na galing ako sa pag-iyak! Ayaw kong mag-isip siya ng kung ano pa man! Kung totoo or isang malaking pagkukunwari man ang ginagawa niyang pag-aalaga sa akin wala na akong pakialam pa! Basta ang importante nandito ako sa isang kumportableng lugar at safe naman ako! "Okay ka lang? Scarlett, sa ilang buwan na nagkasama tayo, kilalang kilala na kita!" narinig kong bigkas niya! Nakatayo na siya sa harapan ko samantalang nakaupo naman ako dito sa kama! Pilit ko ding
DRAKU POV (bigyan natin ng POV) HINDI ko alam kung paanong nag-umpisa ang pagkahumaling ko kay Scarlett pero isa lang ang sigurado ko ngayun, gusto ko siyang protektahan sa lahat ng oras! Gusto ko siyang makasama habang buhay at maangkin hindi lang ang katawan niya kundi ang buo niyang pagkatao! Oo, nakakahiyang aminin sa sarili pero nagawa kong mainlove sa babaeng mas hamak na bata sa akin kung edad ang pag-uusapan! Bonus na lang siguro ang pagdadalang tao niya para masigurado ko sa aking sarili na akin lang siya! Unang kita ko pa lang sa kanya noon, talagang nahulog na din talaga ang loob ko sa kanya! Ayaw ko lang aminin...pilit ko ding sinusupil iyun at binabaliwala dahil hindi talaga pwede! Wala naman din kasi akong plano na pumasok sa isang seryosong relasyon kaya naman hindi ko akalain na kay Scarlett lang pala ako mababaliw! Sabi ko sa sarili ko dati, paparusahan ko lang siya bilang kabayaran sa lahat ng mga kasalanan na nagawa niya sa anak kong si Anyana! Kaya lang,
SCARLETT POV '"DAD! Ano ba, anak mo ako at wala ba talaga akong rights para mag-stay sa bahay na ito?" seryosong tanong ni Anyana sa kanyang ama! Mukhang wala pa din talaga siyang balak na umalis dito! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya kung bakit napasugod siya sa bahay na ito pero nag-aalala akong isipin na baka nandito siya para guluhin ako! Kilala ko si Anyana! Alam kong lagpas langit ang galit niya sa akin at ngayun pa lang hindi ako dapat pakampanti lalo na kung nasa paligid lang siya! Dumagdag din sa problema kong ito si Gino! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay niya at bakit niya nabangit sa akin na mahal niya daw ako! Kung totoo man ang nabangit niyang pagsinta sa akin or hindi wala na akong pakialam pa! Wala na din naman akong kahit na katiting na nararamdaman sa kanya eh! Mas gusto ko na nga lang sana ng tahimik na buhay pero hindi ko alam kung paano makakamit iyun dahil umpisa pa lang puro na problema ang dumadating sa buhay ko! "Para kay Sca
SCARLETT POV "Nag-desisyon na siya diba? Ayaw ka na niyang makausap, bakit mo pa ipinipilit ang gusto mo?" seryosong tanong ni Draku kay Gino! "Ku-Kuya! Kahit saglit lang. Please hayaan mo muna akong makausap siya ulit! Marami pa akong gustong sabihin sa kanya!" nakikiusap na bigkas ni Gino sa Kuya niya! Isang matalim na titig ang ibinigay sa kanya ni Draku kasabay ng pag-iling! "NO! Hindi ako papayag! Sobra-sobra na ang time na ibinigay ko sa iyo para makausap siya at ayaw niya na din! Buntis si Scarlett at bawal din sa kanya ang sobrang ma-stress!" seryosong sagot ni Draku sa kapatid niya! KItang kita ko sa mukha ni Gino ang pagkadismaya at muling tumitig sa akin! "Scarlett, ikaw ang magdesisyon! Hindi ba't ako naman talaga ang mahal mo? Handa akong maghintay! Tandaan mo, handa kong itama lahat ng pagkakamali ko mapatawad mo lang ako sa lahat---" hindi na natapos pa ang sasabihn ni Gino nang biglang tumama ang kamao ni Draku sa panga nito! Impit naman akong napasigaw lal
SCARLETT POV HINDI nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat na kaagad na rumihistro sa mga mata ni Gino! Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong kausapin ngayun gayung malinaw naman noon pa na wala siyang pakialam sa akin! "Naiinitindihan ko kung bakit nakapagdesisyon ka ng ganito, Scarlett! Alam kong naguguluhan ka lang sa mga nangyari dahil feeling mo wala kang kakampi!" mahina niyang sambit! Peke naman akong natawa! Pasimple kong pinunasan ang luhang hindi ko na namalayan pa na muling pumatak mula sa aking mga mata at tinitigan si Gino! "Pinapamukha mo ba sa akin ngayun na nahihibang na ako?" Oo, wala nga akong kakampi at tanging si Draku lang ang meron ako ngayun na alam kong handa niya akong damayan kahit na ano ang mangyari!" seryoso kong bigkas sa kanya! Tiwala naman ako sa sinasabi ko ngayun dahil nararamdaman ko na tapat naman si Draku sa ginagawa niyang pag-aalaga sa akin ngayun. "No! Hindi sa ganoon! Tangap ko ang pagkakamali ko at kaya ako nandito
SCARLETT POV "KAHIT saglit lang! Please, pwede bang kahit saglit lang makausap ka?" nakikiusap na bigkas ni Gino! Wala sa sariling napatitig ako kay Draku at hindi nakaligtas sa paningin ko kung gaano siya ka-seryoso ngayung habang nakatitig kay Gino! Mukhang hindi talaga siya masaya sa pakiuisap ng half brother niya. "Okay, tungkol saan ang sasabihin mo? Sabihin mo na dahil gusto ko nang magpahinga!'' nayayamont kong bigkas! Wala sa sariing napatingin ako kay Anyana at kitang kita ko talaga sa mga mata niya ang pagkadisguto! Ilang beses ko din siyang nahunuli na pasulyap-sulyap sa tiyan ko! "NO! Hindi pwede! Hindi kayo pwedeng mag-usap!" seryosong bigkas ni Draku! Pilit naman akong ngumiti! 'Saglit lang naman daw! Pagbigyan mo na iyang kapatid mo!" pilit ang ngiting sagot ko! Sa ilang linggo na kasama ko si Draku sa bahay na ito, tuluyan na ding palagay ang loob ko sa kanya! Natuto na din akong makipag-usap sa kanya! Siguro dahil sa kaloob-kalooban ng puso ko, alam kong mabuti
SCARLETT POV Patuloy ang paglipas ng mga araw! Talagang tinutoo ni Draku ang sinabi niya sa akin na magli-leave daw siya sa opisina niya para masamahan ako! Ilang check- ups ko na din na kasama siya at hindi niya talaga ako iniiwan! Napagkakamalan na nga siya ng karamihan na asawa ko pero deadma lang siya! Mukha pa nga siyang nag-eenjoy sa ginagawa niya kaya hinahayaan ko na lang! Katulad na lang ngayun, kasama ko siya dito sa likurang bahagi ng sasakyan! Kakagaling lang namin sa OB Gyne ko at walang ibang ginawa si Draku kundi ang alalayan ako! Kung pwede nga lang buhatin niya na ako, ginawa niya na eh! Huwag lang daw akong mahirapan! "Gusto mo bang kumain na muna tayo?" nakangiti niyang tanong sa akin? Hawak niya ang isa kong kamay ngayun at pinisil-pisil pa iyun! Nasanay na ako sa ganito niyang gawain kaya naman parang normal na sa akin ang lahat Palagi siyang nakaalalay sa akin kahit saan kami magpunta kaya kahit papaano, nasanay na ako sa mga hawak niya! "Gusto ko nang
SCARLETT POV Tama lang ang naging desisyon ko na bigyan ng chance si Draku na magpaka-ama sa mga anak namin! Hindi ko pa man nasisilang ang mga babies, ramdam ko na magiging mabuti siyang ama sa mga bata! Kahit papaano, maswerte pa rin pala ako! Tinalikuran na yata ako ng lahat pero heto siya! Ang taong akala ko walang ibang gustong gawin kundi ang durugin ako pero kabaliktaran pala ang mangyayari! Siya pala ang hindi ko inaasahan na masasandalan sa mga panahong kailangang kailangan ko na ng karamay! Na kailangan ko ng matatag na masasandalan lalo na at kakaiba yata ang epekto ng pagbubuntis ko! Kahit papaano, nahimasmasan na ako! Nandito na ulit ako sa silid ko kasama si Draku na hindi ko kayang tumingin ng direcho sa kanya! Nahihiya kasi talaga ako sa mga nangyari! Feeling ko sobrang drama ko kanina na hangan ngayun, namamaga ang mga mata ko sa matinding pag-iyak! "Ayos ka na ba dito? May gusto ka bang kainin?" narinig kong muling sambit niya! Kanina pa siya! Sa tuwing nags