BIANCA POV NAGING mas makulay ang mundo ko sa paglipas ng mga araw! Lalong naging malapit kami sa isa't isa ni Daniel na labis kong ipinagpasalamat. Kasal na lang talaga ang kulang sa aming dalawa at masasabi kong kami talaga ang nakatakdang magsama habang buhay "Sweetheart, papasok na muna ako ng work. Mamayang tanghali, susunduin kita para sabay nating ime-meet ang weeding coordinator na mag-aayos ng kasal natin." narinig kong sambit ni Daniel sa may punong tainga ko pero hindi ko mamulat-mulat ang aking mga mata. Pilit akong hinihila ng aking antok. Umaga na ako nakatulog kanina dahil tinapos ko pang basahin ang libro na ipinasalubong niya sa akin noong nakaraang araw. Hindi ko talaga tinantanan hangat hindi ko natatapos! "Ahmmm, yes....okay! Ingat ka Mahal!" mahina kong sambit habang dahan-dahan kong imunumulat ang aking mga mata. Kaagad na tumampad sa paningin ko ang makisig na mukha ni Daniel na halos nakadikit na sa aking pisngi! Amoy na amoy ko din ang pabangong gami
BIANCA POV MABUTI na lang at pagkatapos ng medyo mahaba-habang payo kay Amber, mukhang nakinig din siya sa akin dahil kakausapin niya daw si Arnold kapag magkita sila ulit! Mabilis na akong bumangon ng kama pagkatapos naming mag usap ni Amber! Direcho ako ng banyo para maligo. Sakto na pagkatapos kong maligo, tumawag si Daniel! On the way na daw ang personal driver niya para sunduin ako! Mabilis akong nag-ayos. Nag apply lang ako ng manipis na make up pero sinigurado ko na magandang maganda ako sa paningin ni Daniel. Hindi na ako nakakain kaya nararamdaman ko na din ang pagkalam ng aking sikmura. Pero pilit ko iyung binabaliwala. Babawi na lang ako ng kain mamayang lunch! Saktong kakatapos ko lang mag-ayos nang marinig ko ang mahinang katok sa pintuan ng kwarto! Dinampot ko ang bag ko at mabilis na naglakad para pabuksan kung sino ang nasa labas. Kaagad na tumampad sa paningin ko ang isa sa mga kasambahay na si Myrna at sinabi niya na nasa ibaba daw ang personal secretary ni
BIANCA POV MABILIS na lumipas ang mga araw. Sa wakas, dumating na din ang pinakahihintay ko! Ang araw ng pag iisang dibdib naming dalawa ni Daniel. Talagang minadali namin ang preparations. After one month ng pagproposed niya sa akin ng kasal, heto ako ngayun, inaayusan ng make- up artist at saktong alas tres mamayang hapon ang araw ng kasal naming dalawa ni Daniel. Simple lang naman ang celebrasyon ng kasal namin! Tanging malalapit na kaibigan ng pamilya at ilang mga business partners ni Daniel ang imbitado! Gusto kasi naming gawing solemn ang lahat since pangalawang kasal na namin ito kung tutoosin! "Ang ganda mo talaga Bianca. Supre duper blooming!" hindi ko mapigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang papuring iyun sa akin ni Amber! Siya ang maid of honor ko at sa wakas nagkaayos na din yata silang dalawa ni Arnold! Sa bahay na siya ni Arnold umuuwi kaya naman palagi na din kaming nagkikita nitong best friend ko! 'Thank you...." nakangiti kong s
BIANCA POV "Anong ginagawa mo? Paano kang nakalabas sa kulungan?" galit na tanong ni Daniel kay Jeneva. Yes, si Jeneva ang nasa harapan namin ngayun at kitang kita ko ang galit sa mga mata niya habang nakatitig sa akin. "Ano ang ginagawa ko? Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa iyo noon Bianca...hinding hindi ko hahayaan na magiging masaya ka! Akin lang si Daniel at walang sino man ang pwedeng umagaw sa kanya! " galit na sigaw niya sa akin. Hindi ko na napigilan pa ang maiyak. Nakakatakot ang hitsura ni Jeneva. Parang wala siya sa kanyang sarili! Para siyang baliw! Hindi niya pala talaga matatangap ang kabiguan na naranasan niya kay Daniel kaya nandito siya ngayun sa harapan namin! Gusto niyang guluhin ang kasal ko! Nakasuot siya ng kulay itim na wedding gown pero wala siyang kahit na anong make up sa kanyang mukha. Sobrang putla niya at nangingitim din ang ilalim ng kanyang mga mata. Para tuloy siyang bangkay na naglalakad. "You're crazy! Paano ka nakalabas ng kulungan?
BIANCA POV "ARNOLD, kumusta siya? Kumusta si Daniel?" umiiyak kong bigkas at kaagad siyang sinalubong nang mapansin ko ang paglabas niya mula sa emergency room ng hospital. Kaagad naman naming nadala si Daniel dito sa hospital at dahil pag aari ni Arnold ang hospital na ito, nakaready na ang lahat ng mga kailanganin at bago pa kami dumating kanina naka-ready na din pati mga doctors na gagamot kay Daniel! May tama ng bala si Daniel sa likod niya! May tinamaan daw na ugat na kumukonekta direkta sa kanyang puso na naging sanhi ng labis na pagdurugo kaya kaagad siyang nawalan ng malay kanina. Iyun nga lang pagdating namin ng hospital, agad na idiniklara ng doctor na critical ang kalagayan niya. Since magkapareho sila ng blood type ni Arnold, siya na din mismo ang nag donate ng dugo para masalinan kaagad si Daniel at magiging maayos ang kalagayan niya. "Bianca, everything will be okay! Lumalaban siya. Promise, malakas si Daniel at kaya niya ang lahat ng ito!" mahinahong bigkas ni
BIANCA POV Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay! Nagising ako na maayos na akong nakahiga dito sa loob ng hospital bed at may nakakabit sa akin na dextrose! "Kumusta ang pakiramdam mo iha?" narinig kong bigkas ng isang kilalang boses. Akmang babangon na sana ako pero mabilis nya akong hinawakan sa kamay. "Magpahinga ka muna! Kailangan mong magpahinga muna Bianca." seryosong bigkas ni Mommy Sylvia. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya at hindi nakaligtas sa paningin ko ang namamaga niyang mga mata. "Si Daniel po...kumusta ang kalagayan niya?" seryosong tanong ko sa kanya. Malungkot siyang ngumiti sa akin bago siya nagsalita. "Nasa ICU. Patuloy na inoobserbahan ng mga Doctor ang kalagayan niya!" malungkot na sagot niya sa akin. "Pero ayos na po siya diba? Sinabi sa akin ni Arnold na magiging maayos na siya? Na ligtas siya?" mahina kong sagot. Puno ng pag-asa ang kalooban ko na gagaling siya dahil hangang ngayun, pinanghahawakan ko pa rin ang sinabi ni Arn
BIANCA POV ''Panghahawakan ko ang pangakong iyan Daniel! Hindi ko kayang mawala ka sa akin at salamat dahil ligtas ka!" umiiyak kong bigkas habang nakahawak na ako sa kamay niya! "Of course....magiging ligtas ako! Isa akong masamang damo at hindi pa ako kukunin ng Diyos!" nakangiting sagot niya sa akin. "Sira! Nasa hindi maayos kang kalagayan at hindi ka dapat magbiro ng ganiyan|! Muntik ka nang mapuruhan ng Jeneva na iyun kaya magpagaling ka kaagad!" kaagad kong sagot sa kanya. Ang lakas ng loob niyang sabihin ang bagay na iyun gayung alam ng Diyos kong gaano ako natakot sa nangyari! Ngayun ko lubos na napatunayan na hindi ko pala talaga kayang maging masaya kung sakaling may masamang nangyari sa kanya. "Kumusta ang mga anak natin?" muling tanong niya. "Nasa maayos silang kalagayan! Nasa mansion sila ngayun at tiyak na matutuwa sila kapag malaman nilang ligtas ka na!'" nakangiti kong sagot sa kanya. Kaagad ko namang naramdaman ang pagpisil niya sa palad bago siya muling
BIANCA POV "What? Buntis ka na naman?" gulat na tanong ni Amber habang nakaupo kami sa sofa dito sa loob ng private room ng hospital kung saan naka-confine si Daniel. Pagkaalis ni Mommy Sylvia, dumating naman itong si Amber dala ang sangkatutak ng prutas na pasalubong! Nasa office daw si Arnold pero pupunta din daw maya-maya. May tinatapos lang daw ng trabaho sa opisina! "HOy, boses mo! Ang lakas! Hindi pa alam ni Daniel ang tungkol dito kaya pwede bang hina-hinaan mo ang volume niyan dahil baka magising ang mahal ko?" naiinis kong sagot sa kanya! Kaagad naman siyang napanguso. "OO na! Shit, ang bilis mong mabuntis bruha ka! Baka bago ka mag- menopause maka -isang dosena kayong anak ni Daniel! Maamoy mo lang yata ang brief ni Daniel, buntis ka na kaagad eh!" pabirong bigkas niya! Kaagad ko naman siyang sinimangutan! Saan kaya kumuha ng lakas ng loob ang Amber na ito para mang asar ng ganito? Hindi ba pwedeng masyado lang healthy ang sperm ni Daniel kaya mabilis niya akong n
SCARLETT POV SIX YEARS LATER YES, ganoon kabilis ang paglipas ng taon! Anim na taon ang mabilis na lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat! Wala na sila Scarlett at Stephen at nandito pa rin ako ngayun! Nakatayo sa harap ng kanilang puntod at kakatapos lang mag-usal ng maiksing panalangin! Sariwa pa rin ang sugat sa puso pero kailangan tangapin ang katotohanan na wala na sila! Na kailangan nang mag-moved-on dahil iyun ang nararapat! Alam kong tahimik na din naman sila! Na masaya na sila kung nasaan man sila naroroon! Sayang nga lang dahil hindi naging masaya ang naging buhay nila noong nandito pa sila sa mundong ito pero sana, kung totoo man ang reincarnation, magiging masaya na sana sila sa susunod nilang buhay! Kahit kailan, mananatili sila sa puso ko! Hinding hindi ko sila makakalimutan! Wala sa sariling napatitig ako sa larawan ni Anyana! Napakaganda niya talaga! Buhay na buhay ang ngiti sa kaniyang labi! Sayang nga lang at hindi siya lumaban! Alam kong m
DRAKU MONTEVERDE ATIENZA RESIDENCE SCARLETT POV "YAYA, kumusta ang mga bata? Tulog na ba sila?" seryosong tanong ko sa isa sa mga yaya's ng mga anak naming dalawa ni Draku! Tanghali na at hindi ko alam kung bakit kanina pa ako hindi mapalagay. Hindi din maalis-alis sa isipan ko si Anyana! Sobra kasi talaga akong naaawa sa kalagayan niya ngayun! Alam kong masyado nitong dinamdam ang biglaang pagkamatay ni Stpehen pero hindi lang naman siya ang nagluluksa! Buong pamilya namin ay nagluksa din sa biglaang pagpanaw ng kakambal ko at hangang ngayun hindi pa rin matatangap ng mga magulang ko na wala na siya! IYun nga lang, dumagdag pa talaga sa dagok ang muling pagkakasakit ni Anyana! Sa hindi malamang dahilan, napag-alaman ng mga Doctor nito na lumulaki na naman pala ang puso ni Anyana which is hindi magandang senyales! Kaparehong kapareho ang kondisyon ng sakit niya noong bata pa siya! Wish ko lang na sana malagpasan niya lahat iyun! Hindi ko alam kung kaya pa bang tangapin nami
ANYANA POV DALAWANG linggo ang matulin na lumipas na wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa loob ng aking kwarto kapag araw at sa gabi naman makikita ako sa garden na tahimik na nagmumuni-muni! Araw-araw din ako kung dalawin ni Daddy para masiguro ang kaayusan ng kalagayan ko! Minsan na din akong dinalaw ng mga Uncles ko sa bahay na ito at masasabi ko na masaya ako dahil ramdam ng puso ko kung gaano ako kahalaga sa kanila! Nakakalungkot isipin na alam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal! Sa bawat araw na nagdaan, ramdam ko na lalo akong humihina! May mga pagkakataon pa nga minsan na nahihirapan na akong bumangon sa umaga at kaunting galaw lang naghahabol na din ako sa aking paghinga! Dinadalaw din ako ng Doctor ko pero wala na akong energy pa para magtanong kung ano na ba ang sitwasyon ko! Ramdam ko din naman na alam na nilang lahat na alam ko na din kung ano man ang sitwasyon ko ngayun pero kagaya noon, wala talagang ni isa sa kanila ang gustong mag-open up tun
ANYANA POV 'ARE you sure, ayos ka lang dito?" seryosong tanong sa akin ni Daddy! Ayaw niyang pumayag na lumabas ako ng hospital pero wala na din silang nagawa pa nang ako na mismo ang nagpumilit pa! Ayaw man nilang direktang sabihin sa akin ang kalagayan ko alam ko sa sarili ko na kaunting oras na lang ang natitira sa akin at ayaw kong sa hospital ako bawian ng buhay! Pasalamat na lang talaga ako dahil narinig ko ang pag-uusap nila ng Doctor ko dahil mukhang wala talagang balak si Daddy na sabihin sa akin ang tunay kong kalagayan! '"Okay, sasamahan ka nila Ate Divina at Manang Grasya sa bahay na ito! Kung bakit naman kasi gusto mo dito gayung mas palagay ang loob ko kung doon ka na lang muna sa bahay namin titira!:" seryosong sagot ni Daddy! Wala sa sariling inilibot ko ang tingin sa paligid! Nandito kami sa bahay kung saan ako lumaki at nagdalaga! Ang bahay na minsang tinirhan namin ni Stephen noong nagsasama pa kami! Ang bahay na ipinamana sa akin ni Lola Sylvia Buenaventura
ANYANA POV "I AM SORRY, Mr Atienza pero sa sitwasyon niya ngayun hindi namin maipapangako kung kaya niya bang mag-undergo ng another operation! May history na siya ng surgery noong bata pa siya dahil ipinanganak siyang may congenital heart disease." narinig kong bigkas nang kung sino! Ang alam ko si Daddy ang kausap niya kaya naman mas pinili kong matulug-tulugan! "Ano ang pwedeng gawin para madugtungan nang buhay niya? Willing akong gumastos ng kahit na magkano para maging maayos ulit ang puso niya, Doc!" narinig kong sambit ni Daddy! Hindi ko mapigilan ang mapakunot noo dahil sa narinig ko! "I am sorry, Mr. Atienza! Isa ito sa malaking side effect ng mga batang nagkaroon ng history ng congenital heart disease! Although, succesful ang surgery niya noon pero hindi ibig sabihin noon na kaya niya nang mabuhay hangang sa kanyang pagtanda! After so many years, dumadating talaga ang ganitong problema at hindi namin sigurado kung kakayanin pa ba ng pasyente ang mag-undergo ng another
ANYANA POV Ang kagustuhan ko pa rin ang nasunod kaya walang nagawa si Gino kundi pagbigyan ako! May kinausap lang siya na kung sino dito sa hospital pagkatapos noon pinayagan na akong makaalis sa kondisyon na kailangan kong makabalik para daw maobserbahan ako! Maraming test pa daw ang dapat gawin sa akin which is hindi ko na din pinagtoonan ng pansin! Hindi ko alam kung ano ang dahilan at kung bakit dalawang araw akong walang malay sa hospital pero dahil mas focus ang isipan ko sa mga nangyari kay Stephen, hindi na ako nagtanong pa kay Gino! Habang nasa biyahe kami, mas pinili ko na lang ang manahimik! Bago naman kami umalis ng hospital, nangako si Gino sa akin na didirecho daw kami sa kinaroroonan ni Stephen which is labis kong ipinagpasalamat! Hangang ngayun kasi pinilit kong kinukumbinsi ang sarili koo na hindi totoong wala na siya! Pero ang pangungumbinsi kong iyun sa sarili ko ay biglang naglaho lalo na nang mapansin ko na sa isang memorial chapel kami dumirecho! "Ano ang
ANYANA POV Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero sa muling pagmulat ng aking mga mata ibayong katahimikan ang kaagad na sumalubong sa akin! Sumalubong sa paningin ko ang puting kulay ng paligid at nang ibaling ko ang aking tingin hindi ko mapigilan ang magtaka dahil sa mga nakakabit ng kung ano sa katawan ko! May nakakabit din sa akin na oxygen which is nakakapagtaka! HIndi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero hindi ko mapigilan ang muling pagpatak ng luha mula sa aking mga mata nang maalala ko ang nangyari kay Stephen! Sa kabila ng mga masasakit na nangyari sa amin, hindi ko alam kung kaya ko bang tangapin ang lahat pero isa lang ang sigurado ako, sobrang sakit sa puso na makita siyang isa nang malamig na bangkay. Pero totoo ba talaga iyun? Hindi kaya isang panaginip lang? Sana panaginip lang ang lahat! Kahit na gaano pa siya kasama hindi pa rin naman magbabago ang katotohanan na siya pa rin ang tinitibok ng puso ko! Sa naisip kong iyun dahan-dah
ANYANA POV "Ano ang nangyari? Bakit ka namumutla?" seryosong tanong ni Doc Alvin nang maabutan niya ako dito sa labas ng restaurant! Kakatapos lang namin mag-usap ni Amanda at nag-aabang na lang ako ng taxi para masakyan ko patungo sa hospital kung saan daw dinala si Stephen! "Sorry, kailangan kong makaalis! Si Stephen...naaksidente!" diretsahan kong sagot kay Doc Alvin! Napansin kong saglit siyang natigilan bago tumango-tango! "Okay...sa kotse ko! Sasama ako ng hospital!" seryosong sagot niya sabay hawak niya sa akin at inakay niya ako patungo sa kanyang kotse! Naging sunod-sunuran naman ako kay Doc Alvin! Pagkasakay namin pareho sa sasakyan, kaagad siyang nagmaneho! Sinabi ko pa nga sa kanya kung saang hospital dinala si Stephen at pagkatapos noon, naging tahimik na ako buong biyahe! Ramdam ko ang takot ko sa puso ko pero umaasa ako na sana ayos lang si Stephen! Kahit naman sinaktan niya ako ng paulit-ulit, hindi ko naman pinangarap na mapahamak siya lalo na at alam kong w
ANYANA POV Dahil sa ginawa ni Stephen kanina sa simbahan, nagpasya na lang kaming dalawa ni Doc Alvin na kumain sa restaurant! Lagpas na sa oras ng pagkain ng tanghalian at nag-aalburuto na ang tiyan ko sa gutom! Wala na din akong balak na pumunta ng reception party dahil mukhang nababaliw na si Stephen! Para bang wala na siyang kahihiyan at hayagan niya nang ipinapakita sa lahat kung gaano na kasama ang ugali niya! Kahit ako, nagulat din talaga sa ginawa niya kanina! Harap-harapan ba naman kung mangumprunta! Ano ba ang pakialam niya kung may kausap akong lalaki? Naikasal na siya lahat-lahat ang hilig niya pa ring makialam sa buhay ng may buhay! "Ano ang gusto mong kainin?" nakangiting tanong sa akin ni Doc Alvin! HIndi ko naman mapigilan ang mapatitig sa kanya! Sa halos isang buwan na nakilala ko siya wala man lang akong nakitang kahit na isang kapintasan sa ugali niya! Kapag magkasama kaming dalawa talagang ipinaparamdam niya sa akin kung gaano ako ka-special na malayong mal