Uhm.."Umarko ang likod niya na nakasandal sa haligi. Itanggi man niya ay nakaramdam siya ng kiliti lalo na ng pisilin ni Ace ang maliit na korona sa dibdib niya.Pilit niyang nilabanan ang sarili na huwag magpatangay sa ginagawa nito. Na huwag siyang tumugon sa mga haplos nito.Ngunit hindi nakisama ang kanyang katawan na patuloy lang sa pag arko kahit na nanunulak parin ang kamay niya dito."Ahhh" napasinghap si Ashley.Nanginig pa ang katawan niya ng maramdaman ang mainit na hininga ni Ace sa tainga niya na ngayon ay doon na siya nito hinahalikan. Gamit ang dila nito ay parang nilalasaan ang tainga niya."Uhm, ako lang ang makakagawa nito sayo." Bulong nito sa pagitan ng paghalik sa tainga niya.Sa panga niya, sa leeg niya. Naglakbay ang labi nito sa buo niyang mukha, sa kanyang leeg."Ugh." Napangiwi siya sa pagitan ng kanyang pag ungol ng kagatin ni Ace ang pagitan ng leeg at balikat niya."Ang tamis ng balat mo." Bulong nito na muling sumipsip sa balat niya. Nag iwan iyon ng pul
Dinala ni Ace si Ashley papasok ng mansyon deretso sa kanyang silid. Nang nasa loob na sila, dumeretso sila ng banyo saka niya ibinaba si Ashley. Ngunit pagkababa pa lang ni Ace kay Ashley, tumaas ang kamay nito at malakas na dumapo iyon sa kanyang pisngi. SLAP! Nanlaki at natigilan si Ace biglang pagsampal ni Ashley sa kanya. Napatitig hanggang sa nagdilim na naman ang mukha nito. "Kahit na anong gawin mo ay hindi mo ako mapipigilan. Kahit na paulit-ulit mo mang gawin iyon sa akin ay hindi ibig sabihin nun ay hindi na ako hahanap ng iba." Galit na galit at punong-puno ng hinanakit si Ashley habang sinasabi iyon. Nanlilisik ang mga mata niya. At bago pa man makabawi si Ace sa kabiglaan sa naging pagsampal niya ay itinulak na niya ito palabas ng banyo at isinara ang pinto. Agad na tinungo ang shower matapos niyang alisin ang mga damit saka niya doon itinapat ang sarili. Nanginginig sa galit si Ashley habang hindi siya magkandaugaga sa paglilinis ng kanyang katawan. Gus
Kinaumagahan ng magising si Ashley, agad na bumaba kasama si lola Astrid na nagtungo sa hapag kainan. Habang naghihintay ng agahan ay dumating naman si Ace. "Lola." Pagtawag pansin ni Ace kay lola Astrid. "Uh." Maikling tugon lang nito kay Ace at walang pakialam sa presensya nito. Galit parin si lola Astrid kay Ace pero hindi naman nito iyon mailabas kay Ace. Hindi mapipilit ni Lola Astrid na umibig si Ace kay Ashley, kaya para saan pa para ipagpilit kung ayaw nito. Napasulyap naman si Ace kay Ashley na tahimik lang. Hindi ito sumulyap sa kanya at nakatuon lang ang mga mata sa TV. Sa nakaraan, maliban sa hindi naman madalas nag aagahan si Ace dahil nahuhuli itong bumangon lalo na at may mga social engagement ito, kadalasan ay pumupunta na lang ito kay lola Astrid at kasama itong mag almusal. Pero ngayon ay napansin niyang binalewala siya ni lola Astrid. Hindi na siya umimik pa. Naupo at nakisabay sa kanila. Natuon na din ang mga mata sa TV. Kapag nandoon siya, ang mga kat
Napatitig siya kay Drake. Nagpakawala ng malalim na paghinga. "Sige." Sagot na lang ni Ashley. Sinasanay pa niya ang sarili. Sinasanay sa mga bagong bagay malayo kay Ace. Umandar na ang sasakyan ng sumagot siya. Habang nasa biyahe sila, naisip ni Ashkey ang balitang napanuod kaninang umaga, lumingin siya kay Drake. "Napanuod ko ang balita tungkol kay Byron kanina, salamat. Huwag mo ng tanggihan ang pasasalamat kong iyan, hindi lang naman para sa akin kundi para na rin sa ibang mfa babaeng nabiktima niya." Nagpasalamat siya ulit dito dahil malaking tulong ang pagpapakulong kay Byron. Marami nang nabiktima ito at walang nais na magsampa ng demanda laban dito dahil na rin sa katotohanan na natatakot ang mga nabiktima nito sa kilalang pamilyang kinabibilangan nito. Na siguradong mawawalan lang ng silbi dahil pagaganahin ang kapangyarihan ng mga ito. Si Byron ay miyembro ng pamilyang Villanueva, sa apelyedong nito, magagawa nito talaga ang anumang gusto nito sa ordinaryong tao kahit
"The number you have dialed is out of.."Nang marinig ni Ashley ang mekanikal na boses na iyon, kinalma niya ang kanyang emosyon. Hindi dapat siya mataranta.Sa puntong iyan, ay baka may ginagawa pa ito at abala sa ibang trabaho.【Tawagan mo ako kapag hindi ka na abala】Matapos maipadala ni Ashley ang mensahe kay SJ ay ibinalik niya ang telepono sa kanyang bag at maglakad na sana papunta sa subway nang may tumunog na busina ng sasakyan sa kanyang likuran.Lumingon si Ashley para tignan kung sino iyon.Isang itim na kotse ang naka-park doon. Hindi umalis si Drake.Bumalik si Ashley sa kotse.Magpapasalamat sana ulit si Ashley kay Drake ay naalala niya ang sinabi nito kaya mabilis na nilunok na lang ang salita sanang lalabas sa bibig niya."Akala ko magpapasalamat ka na naman." Tumaas pa ang gilid ng labi ni Drake na pabirong sinabi sa kanya.Napalingon naman si Ashley kay Drake ng marinig niya iyon.Nagtama ang kanilang mga mata.Natawa na lang si Drake sa naging ekspresyon ni Ashley.
Hindi pinansin ni Ace si James, kinuha ang alak, itinagilid ang kanyang ulo at humigop, lalo pang tumindi ang dilim sa pagitan ng kanyang mga kilay."Huwag mo namang takutin ang mga barkada ko sa tingin mong iyan." Sabi pa ni James na bahagyang umusad ng upo palapit kay Ace."Nabalitaan kong magkasama sina Ashlet at Drake! Hindi ba maganda? Mas maganda nga iyon dahil makakaalis ka sa babaeng salut na iyon. CHEERS!" Inilapit ni James ang baso nito sa baso ni Ace na kanipagkimpian saka ininum ang baso at inisang lagok ang lamang alak.Hindi maitago ang masayang ekspresyon sa mukha ni James dahil makakalaya na si Ace kay Ashley sa pagkakatili nito dito.Ngunit sa hindi inaasahan, nang tumingin si James kay Ace pagkatapos uminom, hindi niya nakita ang inaasang kasiyahan din tulad ng saya nang malaman na nililigawan na nga ng isang Villanueva si Ashley.Nagtama pa ang mga mata nila at nakita ni James kung gaano kalamig ang tingin ni Ace sa kanya. Halatang hindi ito nasisiyahan sa mga sinab
Kuyom ang mga kamao ni Sheena. Nanginginig na ang tuhod niya. Hindi niya kaya ang nasasaksihan mismo ng kanyang mga mata. Makikipaghiwalay na ba siya ng tuluyan kay James? O hindi niya parin kaya? Dahil sigurado siyang hindi siya mabubuhay kung wala ito sa tabi niya. Habang paalis naman si Ashley sa club, madadaanan niya ang box kung saan nasa loob si Ace. Nakita ni Ashley si Sheena. Sa pagkakaawang ng pinto ay nakita din ni Ashley na nasa loob si James na isa sa malapit na barkada ni Ace na ngayon ay may ibang kahalikang babae. Bagong kasintahan ni James. Alam din ni Ashley na kasintahan ni James si Sheena. Ngunit hanggang doon na lang ang alam niya. Sa loob ng limang taon, hindi siya dinala ni Ace upang makita o makilala ang mga barkada nito. Ayaw munang makialam ni Ashley, ngunit nang makita niya ang hitsura ni Sheena, ay tila nakikita niya ang sarili na mapagkumbabang umiibig lamang kay Ace noon. Pagkatapos niyang ibuhos ang lahat ng pagmamahal kay Ace ay hindi parin
Nang marinig ni Ashley ang pagtatanong ni Ace tungkol kay Sisi ay bigla siyang ngumisi, "Ha." Ngayon niya maipaghahambing ang pagpapahalaga nito at pagmamahal. Mahal ni Ace si Vinice, kaya lahat ng bagay tungkol dito ay mahalaga sa kanya. Naalala niya na kababalik lang nila Vince sa Quirino at aksidenteng nahiwalay kay Belle sa mall. Sa oras na iyon, ilang minuto lang silang nagkahiwalay, ngunit ipinahalughog agad ni Ace ang buong mall at ginamit lahat ang mga koneksyon. Nagkagulo ang buong kabisera sa oras na iyon, para lamang sa paghahanap kay Vinice. Noon din alam ng lahat na si Ace ay may asawa na at may isang anak na babae. Ang pagkakakilanlan ni Sisi, na hindi nakilala mula noong siya ay isinilang, ay nakuha ni Vinice sa sandaling bumalik ito sa Quirino. At paano si Sisi? Gaano na katagal mula noong huling nakita ni Ace si Sisi? Bakit hindi niya ito hinanap sa isang oras lang na hindi ito makita? O kahit isang araw man lang sana. Kahit na anong sabihin niya ay hindi siya
Mahigpit pa rin na naikuyom ni Belle ang palad Ginawa niya ang lahat para sa marating niya ngayon ang kinalalagyan niya ngunit sinisira lang ni Ashley. Naalala pa niya nang makabalik sila ni Vinice ay ipinagpatuloy niya ang pagtatanim ng masamang imahe ni Ashley sa mga mata ni Ace habang siya ay nagtagamin ng magandang imahe dito. Binabaliktad niya ang lahat gamit lamang ang kanyang mga salita at mga paawa niya kay Ace. Nagtatagumpay naman siya kahit na minsan ay hindi napapansin niya na tila nagdadalawang isip si Ace ngunut kapag nakikita na niya iyon ay ipinapaalala niya ang jade pendant na hawak nito. At dahil doon, nakukuha niya ang buong tiwala ni Ace. Isa pa ay ang malaman niya na may sakit nga si Sisi, at isa iyon sa ginawan niya na naman ng paraan para ipakitang nagsisinungaling na naman si Ashley at sinabi niya kay Ace na ginagamit lang ni Ashley si Sisi para kunin ang pansin nito. At naisip niya, na kung mawawala si Sisi ay wala na ngang hahadlang na manatili si Ace s
"Asha!' Ipinulupot ni Ace ang mga braso sa baywang ni Ashley na puno ng pag aalala ang mukha. Ibinaba niya ang kanyang mga mata at tumingin kay Ashley na bumagsak sa kanyang mga braso. Sa kaibuturan ng kanyang mga mata ay may kirot sa kanyang puso na hindi niya namamalayan. "Ashley." Naiwan naman ang mga kamay ni Drake sa ere, itinaas niya ang kanyang mga mata at nag- aalalang tumingin kay Ashley. Sa pagtingin ni Drake kay Ashley na mukhang hindi maganda, ang kailangan nito ngayon ay isang magandang pahinga. Alam ni Drake ang personalidad ni Ace at hindi nito hahayaang umalis si Ashley kasama niya. Dahil sa gusot na kinakaharap nito ay hindi makapag pahinga ng maayos si Ashley. Binawi ni Drake ang kanyang kamay at hinayaan si Ace na hawakan si Ashley at umalis para makapag pahinga na muna ito. Hindi na muna siya makikialam kahit na gustong gusto niyang bawiin si Ashley sa mga kamay ni Ace. Isinakay na ni Ace si Ashley sa sasakyan. Mabilis na pinaandar ang sasakyan paa
Tumingin si Ashley kay Ace, puno ng hinanakit. Para saan pa ang mga katanungang iyon ni Ace? Itinaas ni Ashley ang kanyang kamay at tinulak ng malakas si Ace, itinulak niya ito palayo, itinuro ang mga piraso ng tasa sa lupa. "Ano ang sinabi niya? Sinabi niya na iyan ay ginawa ni Sisi sa loob ng dalawang buwan para lamang iregalo sayo. Narinig mo ba yun?” Nanginginig ang boses sa galit si Ashley habang sinasabi iyon kay Ace. "And you smashed it with your own hands! Bilang isang ama, muli mong niyurakan ang pagmamahal ni Sisi sa iyo!" "Ace, si Sisi ay malamang na hindi pinalad sa loob ng walong buhay na ipanganak na muli bilang iyong anak, na nagbibigay sa iyo ng pagkakataong saktan siya nang paulit-ulit nang ganito!" Walang maapuhap na salita si Ace na isagot kay Ashley. Hindi ito ang cup na ibibigay ni Ashley kay Drake para ipahayag ang pagmamahal niya dito, kundi isang regalo sa kaarawan niya na ginawa ni Sisi para sa kanya. At binasag na lang niya ito gamit ang sarili niyan
Bago makarating sa ceramic shop si Ace, nakita niya mula sa malayo si Drake na hawak-hawak si Ashley sa mga braso nito. Sumandal si Ashley kay Drake sa mga bisig nito nang walang anumang pagtanggi. Magkayakap silang dalawa sa kalsada na parang walang ibang tao sa paligid nila. Katulad ng ibang normal na mag-asawang nagmamahalan na walang pakialam sa sasabihin ng iba. Halos katatapos lang itinanggi ni Ashley sa publiko kung ano nga ba ang relasyon nila sa harap ng maraming media outlet sa bahay ng pamilyang Mondragon, at pagkatapos ay tumalikod, umalis at ngayon ay niyakap nito si Drake. Ngunit kilalang-kilala ni Ace si Ashley. Si Ashley ay isang tao na may malakas na pakiramdam ng may hangganan pagdating sa mga relasyon sa pagitan ng mga lalaki at babae. Sa loob ng limang taon na nakasama niya ito, kahit na sabihing pinabayaan niya ito at hindi pinansin, hindi siya madalas bumalik sa El Cielo. Si Ashley ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang relasyon sa ibang lalaki at a
Naiwan sa ere ang kamay ni Drake na napatingin kay Ashley.Tahimik na binawi ang kamay niya na hindi napansin ni Ashley dahil nakatingin ito sa labas ng bintana.Binawi na din niya ang tingin mula kay Ashley at umayos ng upo.Habang si Ashley ay tahimik lamang na binalingan ang kanyang cellphone.Kinuha iyon mula sa kanyang bag. At halatang nagulat siya nang makita kung sino ang tumawag.Pagkaraan lamang ng ilang sandali, inayos at pinakalma niya ang sarili bago sinagot abg tawag."Yes, hello?""Lady boss." Ang tawag ay galing sa ceramic shop.Ang ceramic cup na ginawa ni Sisi sa tindahang iyon bago ito mamatay ay handa na.Tinanong siya kung kailan siya magkakaroon ng oras para kunin iyon."Kukunin ko ngayon din."Pagkatapos magsalita ni Ashley, ibinaba niya ang cellphone."Saan ka pupunta? Ihahatid na kita doon." Si Drake na nauna nang nagsalita bago pa man siya makapagsalita.Hindi nag atubili si Ashley at sinabi ng maayos kay Drake kung saan siya pupunta. Ibinigay niya dito ang ad
Kumilos si Axel at direktang hinila si Ashley, na minsan nitong hinamak, para iligtas sila sa sitwasyon. Hindi na nito tinanong ang kagustuhan ni Ashley. Sa opinyon ni Axel, ang aksyon ni Ashley ngayon ay para lamang mapromote sa katayuan. Sinundan ni Ashley si Ace sa loob ng limang taon nang walang anumang legal na katayuan. Hindi pa kasi nila kinikilala si Ashley at si Sisi na bahagi ng pamilyang Mondragon, ngunit ngayon ay pinili nilang kilalanin sa publiko si Belle at ang anak nitong babae. Sa isip ni Axel ay nagseselos si Ashley kaya sinadya niyang isiwalat na isa lamang bastarda si Vinice sa harap nila at maraming tao ng magsimula na ang piging. Sa ganitong paraan, hinding hindi papayagan ni Axel na papasukin si Belle at ang bastarda nito sa pamilyang Mondragon. Ang plano ni Ace na ianunsyo sa harap ng publiko si Belle at ang anak nito ay ginawa na, at lahat ng mga pangunahing pamilya at media ay naghihintay na lang sa kumpermasyon. At hindi hahayaan ni Axel na m
Sa pagsampal ni Axel kay Ace ay hindi agad ito nakakilos.Napatingin siya sa mga papel na nagkalat sa semento.Kahit hindi na niya iyon hawakan ay malinaw sa kanyang mga mata ang nakasulat doon.Paternity test nila ni Vinice at nagresulta na hindi niya ito tunay na anak.Nandilim ang paningin niya. Tumingin kay Belle na nagtatanong ang mga mata.Habang si Belle ay mas nanginig pa sa takot sa nakitang reaksyon ni Ace."Walang kwenta kang babae. At sinasabi ko sayo, hindi ka kailanman mapapabilang sa aming pamilya." Si Axel na sa galit ay sinampal si Belle sa harap ng kanilang bisita.Habang si Ashley ay tahimik lamang, nakaarko ang mga labi na may ngiting tagumpay.Hindi na siya makikialam, sapat na iyon sa ngayon. Ang ipahiya si Ace sa lahat at makita ang pagbagsak ni Belle ng paunti unti."Ace..."Hindi umimik si Ace. Madilim ang ekspresyon ng mukha nito."At ikaw." Galit na binalingan ni Axel si Vinice na naguguluhan sa mga nangyayari.Mahigpit na hinawakan ni Axel ang braso ni Vini
Nagsimula na ang piging para sa pagkilala sa mag inang Belle at Vinice.Dumating si Ashley sa patyo ni Lola Astrid. Nagulat si lola Astrid ng makita siya sa pag aakalang hindi siya makakadalo.Maraming mga kilalang tao sa Quirino at halos ng mga kapartner sa negosyo ng Mondragon ang dumalo.Tahimik lamang si Ashley na nanunuod sa pagdating ng mga bisita.Sa loob loob niya ay hindi na makapaghintay ngunit mas pinanatili niya ng sarili na manahimik muna.Mas maraming dadalo. Mas maraming bisita, mas maganda ang kalalabasan ng kanyang plano. Mas marami ang makakaalam na ang isang Ace ay nagpakatanga sa babaeng minahal at inaako ang anak ng iba.Dumating na din sina Belle at Vinice na sinundo ng driver ng Mondragon. Kasabay ng pagdating na din nina Ace at ang ama nito.Nakita niya si Belle na napakaganda ng bihis. Kumikinang ang silver dress nito at nakapink naman ang dress ni Vinice.Umarko ang kilay labi niya habang nakasunod lamang ang tingin niya sa mga ito.Sabay sabay na pumasok sa
Ang lumang bahay ng pamilya Mondragon, ang patyo ni Lola AstridAyaw ni Ashley na pumunta sa pamilyang Mondragon, ngunit naisip niya si Lola Astrid na naghihintay sa kanya.Isa si Lola Astrid sa iilang tao sa mundong ito na mabait sa kanya at tunay na nagmamalasakit sa kanya.Hiniling niya sa kanya na pumunta para sa hapunan, ngunit alam niyang ayaw niyang harapin ang ibang mga tao sa pamilyang Mondragon, kumain lamang siya sa looban ni Lola Astrid.Si Ashley ay kausap si Lola Astrid.Habang magkasabay na pumasok sina Ace at ang ama nito na si Axel Mondragon."Ma.""Lola."Nakita ni lola Astrid ang dalawa at mukhang naiinis, "Anong ginagawa mo dito?""Tungkol sa usapin kina Ace at Belle, nais naming hingin ang iyong opinyon.""Mahalaga pa ba ang aking opinyon?" Pabalang na tanong ni Lola Astrid.Hindi nagsalita si Ace sa pag uusap ng kanyang ama at ni lola Astrid.Sa pagpasok kanina ni Ace ay nakita niya na nag uusap sina Ashley at lola Astrid ngunit ng makalapit na sila ay parang hin