Ibinaba niya ang kanyang mga mata upang tumingin kay Ashley, igagalang kung ano ang gusto nito, "Miss Diaz, kanino ka sasama?" Si Drake ang ka-blind date ni Ashley ngayon. Dahil, tinutulungan ni lola Astrid si Ashley na maghanap ng blind date. Para matapos na ang relasyon ni Ashley kay Ace. "S-sayo! Alisin mo ako..." Walang pag aalinlangang sagot ni Ashley kay Drake na hindi na sumulyap kay Ace. Dahil sa mga salita na iyon ni Ashley, nabalot ng kadiliman ang mukha ni Ace, at napakalamig ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Pagkatapos ma-droga, talagang naglakas-loob siyang sundan si Drake? "Ace, medyo hindi ako komportable." Nang muli sanang hahawakan ni Ace si Ashley, lumabas naman sa isang silid si Belle, hinawakan sa braso si Ace at isinandal ang ulo dito na tila nanghihina. Napasulyap lang sa gilid ng mga mata si Ashley. Hindi na iyon bago sa kanya. At alam niyang lalabas at lalabas si Belle kahit na anong oras. Hindi na nakakagulat iyon para sa kanya, na mag
Ang hangal na Helen na naniwala sa kanyang kasinungalinan na siya ay anak ng isang mayamang pamilya ay nahulog mula sa ulap sa kumunoy. At ngayon, pagkatapos ng pangyayaring ito ay hindi na maaaring maging mapagmataas at makapangyarihan sa harapan niya kapag nagtagumpay sa paggahasa sa kanya ni Byron. Bukod doon sa naisip tungkol kay Helen, mas lalo lang niyang kinapopootan si Ashley ng muling sumagi sa isip niya na binalewala siya ni Ace dahil lamang sa babaeng iyon. .... Pagkaraan lang ng unang pulang ilaw ng trapiko, naabutan ng mabilis na itim na sasakayan ni Ace ang sasakyan ni Drake. Humarang ang sasakyan niya sa harap ng sasakyan ni Drake. Si Ace na nasa likurang upuan ay labis na nagngangalit. "At saan mo balak dalhin ang asawa ko?' Nangangalit na tanong ni Ace ng makababa siya mula sa sasakyan. Sa pagtingin niya kay Ashley sa likurang upuan ng sasakyan at sa pamamagitan ng nakababang bintana ay sapat na para maramdaman ng tao sa loob ang nagbabagang galit sa ka
Hindi maipagkakailang nagulat si Drake sa ginawa ni Ace , at marahan na binawi ang mga mata sa kanila. Sinamantala naman ni Carlo ang pagkakataon na alisin ang kamay ni Drake sa pulso ni Ace. Marahas na nanginig ang mga mata ni Ashley, at halos maubos niya ang lahat ng kanyang pagpipigil sa sarili upang hindi maipikit ang kanyang mga mata nang halikan siya ni Ace. Sa halip, inilayo niya ang kanyang ulo mula sa mga labi nito at idiniin ang dalawang salita mula sa pagitan ng kanyang mga ngipin, "Umalis ka na!" Ang kalahating katawan ni Ashley ay nasa kotse parin ni Drake. Napupuno siya ng sama ng loob. Ang kanyang mga kamay ay mahinang dumikit sa malakas na dibdib ni Ace, at hinila niya ang kanyang katawan pabalik upang palakihin ang distansya sa pagitan nila. Yumuko si Ace at bumulong sa kanyang tainga sa boses na silang dalawa lang ang nakakarinig. "Ashley, gusto mo bang gumawa pa ako ng mas matindi pa sa halik sa harap ni Drake?" Si Ace, na parang bulungan sa pagitan n
Sa Hotel...Naparami ang drogang nainum ni Byron. Matapos nitong kaladkarin si Helen papasok ng silid, hindi na ito makapaghintay na makarating sila sa kama at direktang idiniin ni Byron si Helen sa sahig. Walang pag -aalinlangan na itinaas ni Byron ang kamay at basta na lang hinila ang damit ni Helen. "Byron.. huwag!"Habang hindi tumitigil sa pagsigaw si Helen ay natanggal na ang kanyang damit. Si Helen ay lumaki sa isang layaw na estado, mayabang at mapagmataas. At sa kanyang mga mata, si Drake lang ang karapat-dapat sa kanya. Paano niya natitiis na hinawakan siya ni Byron at halayin siya? "Bitawan mo ako!" Nagpumiglas siya nang marahas. Itinaas niya ang kanyang kamay at sinampal sa mukha si Byron. Hindi napaghandaan iyon ni Byron sa pagsampal ni Helen dito kaya bahagyang natigilan. Nagtagumpay si Helen sa kanyang pag-atake at kinalmot ang mukha ni Byron gamit ang kanyang mahahabang mga kuko.Sa pagkakataong iyon, hinawakan ni Byron ang kanyang mga kamay.Pulang-pula na an
Si Byron na dumudugo ang ulo, ay natagpuan ng staff ng hotel at agad na pinadala sa ospital. Matapos malagyan ng benda ang sugat, umalis si Byron sa emergency room na nagmumura. Iniisip din niyang hanapin ang maliit na asong babae na nangahas na saktan siya sa kagabi. Hindi niya palalampasin ang ginawa ng babaeng iyon sa kanya. Pagkalabas na pagkalabas niya sa ospital, may biglang bumusal sa bibig niya at kinaladkad sa isang sulok ng ospital. Doon, nakatayo ang isang matangkad at tuwid na pigura. Ang presyon ng hangin sa paligid ng lalaki ay napakababa, na tila nasa ilalim sila ng lupa na tanging ang kislap lang ng mga mata ng lalaki ang nakikita. Itinapon si Byron mismo sa paanan ng lalaki. Ibinaba ng lalaki ang kanyang mga mata at tumingin kay Byron na may madilim na mukha, na para bang nakatingin siya sa isang patay na tao. Nag uumapaw sa galit ang makikita sa mga mata niya na nakatingin kay Byron na nakaluhod sa lupa.Gusto sanang magmura ni Byron ngunit tila nalunok nito
Hospital ward...Nagising si Ashley ilang minuto lamang nang makaalis si Ace. Malabo na sa kanyang alaala ang mga sumunod na nangyari nang kunin siya ni Ace mula sa sasakyan ni Drake.Ngunit malinaw parin sa kanyang isip ang mga nangyari sa loob hotel. Kinikilabutan parin siya sa tuwing naalala iyon. Paano na lang kung hindi siya nakaalis? Paano na lang kung wala si Drake na tumulong sa kanya?Malalim ang paghingang pinakawalan niya. Tuluyan na din siyang nagmulat ng mga mata. At ang bumungad sa kanya ay ang puting kisame. At ang malakas na amoy ng gamot sa hospital.Nasa hospital siya? Paanong nasa hospital siya gayong kinuha siya ni Ace kay Drake. At inaasahan na niya na sa paggising niya ay nasa silid na siya ni Ace at sinamantala na nito ang kahinaan niya.Ngunit bakit? Malaking palaisipan iyon na nabuo sa isipan niya.Iginala niya ang paningin. Nagbabaka sakali na makita si Ace. Ngunit hindi niya ito makita? Kaya parang bumalik ang alaala niya bago siya binuhat ni Ace paalis sa s
Nakakasilaw iyon sa kanyang mga mata. Ang liwanag na bumabalot sa napagandang anghel na bumaba sa lupa.Hindi maalis ni Drake ang mga mata kay Ashley dahil tila siya nahihipnutismo dito.Hindi naman makatingin ng deretso si Ashley kay Drake. Nakaramdam siya ng pagkaasiwa.Nagmamadaling umalis si Ashley pumunta ng kusina para gumawa ng tsaa ngunit hindi lamang iyon ang dahilan niya kundi dahil hindi niya matagalan ang tingin nito sa kanya. Umiiwas siyang magtama ang kanilang mga mata.Nakipag usap naman si Lola Astird kay Drake habang naghihintay sila kay Ashley.Habang gumagawa siya ng tsaa ay napansin niyang pumasok sa kusina si Lola Astrid.Napalingon siya dito. Nakangiti itong lumapit sa kanya."Lola, bakit?" Magaan ang boses na tanong niya kay lola Astrid. "Lili, anong tingin mo kay Drake?" Tanong ni Lola Astrid sa kanya.Napapansin niya na sobrang nagustuhan ni lola Astrid si Drake. Hindi maitago sa kislap ng mga mata nito. Noong pumipili si Lola Astrid ng blind date para kay
"Isang pamilya? May nakaligtaan ba ako?" Halos hindi bumuka ang bibig ni Ace habang sinasabi iyon, hindi masabi sa kanyang tono kung siya ba ay masaya o galit, pumasok siya ng may malalaking hakbang. Hinubad niya ang kanyang coat at ibinigay iyon sa naghihintay na katulong, lumakad papunta sa sofa, sumulyap kay Ashley nang hindi mahahalata, at pagkatapos ay umupo sa tapat nilang tatlo. Ang kanyang mahahabang binti ay naka-crossed, ang kanyang mga kilay ay kasing lamig ng dati, at ang kanyang katawan ay bahagyang nakatagilid paharap kay Drake. Para bang naramdaman niyang napakataas ng temperatura ng silid habang nakabukas ang heater, niluwangan ni Ace ang kanyang necktie at binuksan ang dalawang butones ng kanyang polo, na nagpapakita ng kanyang balingkinitang leeg. Nakatingin kay Drake na may ngiti sa kanyang mukha, hinila niya ang kanyang kwelyo at inayos iyon ng kaunti. Mula sa paningin ni Drake, nakita na lang nito ang makapal na pulang marka ng halik sa leeg ni Ace sa i
Nagsimula na ang piging para sa pagkilala sa mag inang Belle at Vinice.Dumating si Ashley sa patyo ni Lola Astrid. Nagulat si lola Astrid ng makita siya sa pag aakalang hindi siya makakadalo.Maraming mga kilalang tao sa Quirino at halos ng mga kapartner sa negosyo ng Mondragon ang dumalo.Tahimik lamang si Ashley na nanunuod sa pagdating ng mga bisita.Sa loob loob niya ay hindi na makapaghintay ngunit mas pinanatili niya ng sarili na manahimik muna.Mas maraming dadalo. Mas maraming bisita, mas maganda ang kalalabasan ng kanyang plano. Mas marami ang makakaalam na ang isang Ace ay nagpakatanga sa babaeng minahal at inaako ang anak ng iba.Dumating na din sina Belle at Vinice na sinundo ng driver ng Mondragon. Kasabay ng pagdating na din nina Ace at ang ama nito.Nakita niya si Belle na napakaganda ng bihis. Kumikinang ang silver dress nito at nakapink naman ang dress ni Vinice.Umarko ang kilay labi niya habang nakasunod lamang ang tingin niya sa mga ito.Sabay sabay na pumasok sa
Ang lumang bahay ng pamilya Mondragon, ang patyo ni Lola AstridAyaw ni Ashley na pumunta sa pamilyang Mondragon, ngunit naisip niya si Lola Astrid na naghihintay sa kanya.Isa si Lola Astrid sa iilang tao sa mundong ito na mabait sa kanya at tunay na nagmamalasakit sa kanya.Hiniling niya sa kanya na pumunta para sa hapunan, ngunit alam niyang ayaw niyang harapin ang ibang mga tao sa pamilyang Mondragon, kumain lamang siya sa looban ni Lola Astrid.Si Ashley ay kausap si Lola Astrid.Habang magkasabay na pumasok sina Ace at ang ama nito na si Axel Mondragon."Ma.""Lola."Nakita ni lola Astrid ang dalawa at mukhang naiinis, "Anong ginagawa mo dito?""Tungkol sa usapin kina Ace at Belle, nais naming hingin ang iyong opinyon.""Mahalaga pa ba ang aking opinyon?" Pabalang na tanong ni Lola Astrid.Hindi nagsalita si Ace sa pag uusap ng kanyang ama at ni lola Astrid.Sa pagpasok kanina ni Ace ay nakita niya na nag uusap sina Ashley at lola Astrid ngunit ng makalapit na sila ay parang hin
Galit na galit na tumayo si Ace nang makawi.Pilit na hinabol ang kamay ni Ashley para hindi tuluyang makalabas ng sasakyan ngunit naging mabilis si Drake na hilain si Ashley palabas.Mabilis siyang sumunod. Ngunit sa paglabas niya ay sumalubong sa kanya ang kamao ni Drake.Napaatras siya.Umangat ang kamay, idiniin ang daliri sa labi, pinahid ang dugo sa kanyang labi.Nalasaan niya ang dugo, napadura siya.Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin kay Drake.Ang lakas ng loob nitong makipag away sa kanya para lamang kay Ashley.Matagal na din na may alitan sila sa negosyo, kaya hindi niya gusto si Drake at lalo na ngayon, mas hindi niya nagustuhan ang ugali nito na hindi itinago ang pagkagusto nito kay Ashley."Ashley, halika ka dito." May pagbabanta na tawag niya kay Ashley na nasa likod ni Drake. Ngunit hindi siya nito pinansin kaya mas nag apoy ang galit niya.Kuyom ang palad, kung hindi niya ito makukuha sa mabuting usapan ay kukunin niya ito ng dahas sa mga kamay ni Drake, hindi
Matapos magpaalam ni Ashley ay bumalik siya sa Saguday.Inihatid siya ng driver sa mansyon."Nandito na tayo, fifth young lady." Magalang na sabi sa kanya ng driver."Salamat."Matapos niyang bumaba sa kotse ay hindi agad siya umakyat. Nakasunod lamang ang kanyang mata sa papalayong kotse.Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Ang bilis ng mga nangyayari sa paligid niya.Tumalikod na siya para umakyat.Sa paghakbang niya ay may mabilis na kotseng tumigil sa tapat niya. Hindi niya iyon pinansin sa pag aakalang isa lamang din resedente ang sakay ng kotseng tumigil.Ngunit nagulat na lamang siya ng may biglang humawak sa kamay niya."Ace." Nanlaki ang mga mata niya at agad na nagpumiglas ng makilala ang humawak sa kanya.Hinatak agad siya ni Ace palapit at walang babalang binuhat siya at isinakay sa kotse.Mabilis ding sumakay si Ace at pinigilan ang kanyang pagbaba.Nang lumapit si Ace sa kanya ay itinaas niya ang kanyang paa saka ito sinipa nang malakas.Nagdilim naman ang mukha ni
Pagkalabas ni Ashley sa ospital ay tamang dumating si Drake.Tumigil ang kotse nito sa harapan niya.Mabilis na umibis ng sasakyan at lumapit sa kanya. Pinagbuksan siya nito ng pinto at umalalay pa sa pagsakay niya."Masama parin ba ang pakiramdam mo? Bakit hindi ka muna manatili sa ospital?" Tanong ni Drake sa kanya na may pag aalalang tinig.Nakatingin ito sa kanya ng makasakay na din ito.Umiling si Ashley. Naiisip parin niya ang nakita kanina sa chart ni Vinice. "Drake, may bahagi ba kayo sa ospital na ito?" Tanong niya kay Drake."Oo, bakit mo natanong? May problema ba?""Gusto ko sanang kumuha ng sample ng dugo ni Vinice. Gusto ko lang makasiguro."Napatitig sa kanya si Drake. Ilang sandali din itong hindi umimik."Sige." Tipid nitong sagot."Salamat.""Kahit ano, basta kaya kong tumulong. Lumapit ka lang sa akin."Sumulyap siya dito. Nagtama ang kanilang mga mata. Sabay na may guhit ng ngiti sa kanilang mga labi."Saan kita ihahatid?"Umiling siya. Wala siyang alam na uuwian n
Sa Tres Reyes...Nanatiling gising buong gabi si Belle dahil sa galit.Sa labas ng kwarto niya ay narinig niya ang mga galaw doon.Gising na si Vinice at tulad ng dati ay hindi siya nito inistorbo dahil alam nito na ayaw na ayaw niya ng iniistorbo siya nito.Tinulungan ng katulong si Vinice sa paghahanda para sa pagpasok sa paaralan.Hindi lalabas ngayon si Belle. Gusto niyang ipaalam sa publiko na si Vinice ay anak ng isang Mondragon.Kaya nakapagpasya siyang bumuo ulit ng isang plano.Ilang sandali pa ay nakaalis na si Vinice hatid ng driver. Tahimik at palihim lang siyang sumunod dito.Sa hindi kalayuan ay nakamasid siya kay Vinice. May kinausap siyang mga bata at binayaran upang awayin at saktan nila si Vinice nang sa ganun ay dadating si Ace at ipagtatanggol si Vinice.Ngumisi si Belle na tila isang demonyo. Na sa ilalim ng itim na salaming suot ay sa mata nito ang nanlilisik nitong tingin.Ilang sandali pa ay umalis na ang driver na naghatid kay Vinice. Doon na lumapit ang tatlo
Matapos pahiran ang buong katawan ni Ashley ng gamot, nagpakuha si Ace ng kanyang maisusuot. Wala siyang balak umalis. Hindi niya iiwan ngayon si Ashley. Nang dumating ang damit niya ay nagpasya na siyang maligo sa banyo ng ward at doon na naglinis ng katawan. "Maari ka ng magpahinga." Utos niya kay Carlo nang lumabas siya matapos maligo. "Sige, Mr. Mondragon. Tawagan lamang ninyo ako kapag may kailangan kayo." Tumango na lang si Ace. Maayos na nagpaalam si Carlo. Pumasok pabalik sa loob. Ikinandado ang pinto. Muli siyang napatitig kay Ashley na mahimbing nang natutulog. Magaan na din ang bawat paghinga nito hindi tulad kanina. Nagpasya siyang mahiga sa tabi nito kahit na may isa pa namang kama sa loob. Bago nahiga ay inayos na muna niya ang ilaw para maging malamlam lang ang liwanag sa loob ng ward. Maingat ang bawat kilos niya na tumabi dito. Marahan niyang hinawakan ang ulo nito at pinaunan sa kanyang braso. Bahagya namang gumalaw si Ashley na naramdamang m
Hindi na nag isip pa si Ashley.Tumayo siya at humakbang palabas."At saan mo balak pumunta?" Tanong ni Ace.Pinigilan si Ashley sa mga kamay.Ngunit naging lakas kay Ashley ang pagnanais na kunin ang kwintas kaya naitulak niya si Ace ng malakas sa bintana.Nagulat ito.Mabilis ang kanyang naging hakbang bago pa man makahuma si Ace.Sumakay siya ng elevator.Walang ibang laman ang kanyang isip maliban sa makuha ang kwintas na itinapon no Ace sa bintana.Kahit na nanghihina ang kanyang katawan ay hindi niya iyon alintana.Humabol naman si Ace ngunit mabilis na nakasakay si Ashley sa elevator. Hindi na nito naabutan si Ashley.Nag aalala ito. Iniisip parin ni Ace kung bakit ganun kahalaga kay Ashley ang kwintas na iyon at nagkaroon ng lakas para puntahan iyon.Nag aatubili na hindi mahintay ni Ace na bumukas ang elevator. Kaya tinungo niya ang fire exit at doon na siya bumababa.Malalaki ang bawat hakbang niya pababa. Ngunit kahit na anong bilis ang ginawa niya ay mas mabilis ang elevat
Hindi pinansin ni Ace ang galit na tingin ni Ashley sa kanya, mas humigpit pa ang pagkakayapos ng braso niya sa baywang nito at hindi binitawan. Seryuso ang mukha na bumaling kay Drake. Tinignan ito ng may kahulugan habang yumuko siya at inilapit ang labi sa tainga ni Ashley. "Paalis mo siya, kung gusto mong makuha ang kwentas." Bulong niya kay Ashley habang ang mga mata ay nakatuon parin kay Drake. Nakaarko ang mga labi ni Ace. "Napakasama mo." Ganting bulong ni Ashley sa pagitan ng mga ngipin. Nanginginig si Ashley sa pinipigilang galit. Malinaw sa mga sinabi ni Ace kung ano ang ibig nitong sabihin sa mga salita nito. Na kung hindi niya papaalisin si Drake ay hindi niya makukuha ang kwentas niya. Napalunok siya, lumingon kay Drake. Napatingin naman sa kanya si Drake na tila hinihintay lang ang sasabihin niya. "M-maayos na ako, Drake. P-pwede mo na akong iwan." Sabi niya kay Drake. Kunot ang noo ni Drake sa narinig mula sa kanya ngunit hindi na nagtanong pa kung bakit kahit