“Sinasabi mo lang ba ‘yan para pagaanin ang loob ko?” Medyo hindi pa rin maayos ang tono ng pakikipag-usap niya sa akin, pero at least ngayon ay nakatingin na siya sa akin hindi tulad kanina.“No, seryoso ako.” Sagot ko at diretso na nakatingin sa kaniyang mga mata.“Fine, sabihin na natin na totoo ang mga sinasabi mo pero it doesn’t mean na payag ako sa nangyayari, hanggang kaya ko siyang pigilan na makalapit sayo ay gagawin ko.” Parang bata niyang sabi.Tumawa ako habang tumatango, “ikaw ang bahala kung ‘yan ang gusto mo,” ginulo ko ang buhok niya.“Hey, ang tagal ko na inayos ‘yan para lang magmukha akong presentable sayo.” Pagbabawal niya sa akin, pero hindi ako tumigil at mas ginulo ‘yun.“Mas gwapo ka kaya pag nakaganyan ang buhok mo, remember noong nagpunta ako sa bahay mo.” Pagpapagaan ko ng loob niya at hinaplos ang malabot niyang pisngi, mukhang daig pa ako sa skin care niya.“Alam ko naman na gwapo ako, Lorain.” Sabi niya at pilit binabalik ang dating ayos ng buhok, “pero g
Jamie’s POV“Welcome home, kamusta ang usapan ninyo?” Seryoso ang mukha niya, suot ang apron habang hawak ang sandok. Whenever I go home, ito lagi ang hinihintay ko na makita.“Fortunately, tumutupad naman siya sa usapan naming dalawa pero hindi pa rin siya sumusuko sa idea na makuha ang ex-wife niya.” Inabot ko sa kaniya ang bag ko at tinignan ang niluluto niya. “ano ito?”“Sinigang, malamig ang panahon kaya masarap humigop ng may sabaw ngayon. Pero kung ayaw mo ‘yan ay pwede naman akong magluto ng gusto mo, basta sabihin mo lang.” Sabi niya habang inaayos ang gamit ko sa drawer.“No, this is fine. Lahat naman ng luto mo ay masarap,” ngumiti ako kahit na nakatalikod siya sa akin at hindi makikita iyon, ah… I want to hug him.Naikuyom ko ang mga kamay ko ay pasimpleng tinignan ang CCTV sa gilid, my family does not even know what is the meaning of the word privacy.“Magbihis ka na, malapit ng maluto ‘yan panigurado ay pagbaba mo ay pwede na tayong magsimulang kumain.” Muli niyang binal
Jamie’s POVLumilipas ang mga araw at mas lalong napapadalas ang away namin, bihira nalang rin siya pumunta sa bahay ko para magkaroon kami ng private na oras sa isa’t-isa. “Here, you have two meeting at noon.” Nilapag niya ang isang papel kung saan nakasulat ang detalye doon.“Lewis,” pagtawag ko sa pangalan niya at akmang hahawakan ang kamay niya ng mabilis niyang nilayo iyon na parang ayaw niyang magdikit kahit dulo lang ng mga daliri naming dalawa.Naramdaman ko ang biglaang pagkirot ng dibdib ko dahil sa ginawa niya, mabilis kong inangat ang tingin ko sa mukha niya pero maging ang mata niya ay hindi ako magawang tignan. “Lewis.” Muli kong pagtawag sa kaniya.“Please don’t call me like that here,” sagot niya ng hindi tumitingin pa rin sa akin, “alam mo kung anong pwedeng mangyari pag may kahit isa lang na nakaalam kung anong meron sating dalawa, I’m your secretary now so treat me like one.”Humakbang siya paatras at yumuko, “I will go out now, ‘wag mo kakalimutan ang meeting mamay
John's POV (Jake's uncle)"You see, Jake is no longer doing what we told him to do. Since that woman arrived here, everything become chaotic." Pinatong niya ang baba sa magkasiklop niyang kamay."Mukhang nagdadalawang isip na rin si Jamie na magpakasal sa kaniya dahil sa nangyayari." Dagdag ko naman para mas lalong mainis si dad sa pamangkin ko na magaling.Nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko, yes, he should be disappointed to Jake now and let me be the one to inherit the company.“Anong ibig mo na sabihin, maging si Jamie ay nagdadalawang isip na rin sa usapan? Hindi pwede iyon, malaki ang mawawala sa atin pag nagkataon.” Napahilot siya ng sintido, “Matalino si Jake, kailangan lang niya ulit mamulat sa katotohanan.”Lihim akong nagngitngit, kahit anong gawin ko ay malaki pa rin ang tiwala niya sa lalaki na iyon. Ano ba ang meron sa Jake na iyon ay hindi niya mabitawan si Jake na mag inherit ng company.“Anong balak mo na gawin ngayon, dad? Pag nagkataon ay buong company ang
Lorain’s POV“We already ship everything, if you can check it right now and see if something missing then please inform us immediately so we can do our best to fulfill our duty.” Seryoso ko na sabi sa harap nila, kumpara noon ay mas naging tahimik ang lolo at tito ni Jake.Mas maganda iyon kung tutuusin pero hindi ko hindi ko alam bakit may kung ano akong nararamdaman, I feel uncomfortable every time their stares landed on me. Minsan pa ay napapansin ko ang pag ngisi ng tito ni Jake sa akin.“That’s good, sa tingin ko naman ay na check na ng mga nasa department ang materials at walang kulang. Malapit ng matapos ang project natin and I’m happy, I mean ang smooth ng partnership with you guys.” Sagot naman ni Jamie.May isa pa pala akong napansin, bukod sa pagtahimik ng dalawa ay ang kilos ni Jamie na parang limitado hindi tulad noon. Pati ang pagsasalita niya ay naging marahan, hindi na rin sila madalas ngumiti ng peke.Alam ko na wala naman akong karapatan na mangialam at mag-alala sa
Pagkababa ko sa lobby ay naabutan ko si Raziel na pinaliligiran ng tatlong babae, masaya ang mga itong nakikipag-usap sa kaniya. Halata sa pamumula ng pisngi ng isa kung gaano siya kinikilig, lalo na pag nagkakaroon siya ng pagkakataon na mahawakan sa braso ni Raziel.“Ehem!” Hindi ko napigilan ang sarili ko na tumikhim ng malakas na maging ang mga nasa kabilang banda ng lobby ay napatingin na rin sa akin. Hindi ko iyon pinansin at naglakad palapit kay Raziel, “tapos na ang usapan namin ni Jamie pero mukhang ikaw naman ang may mahalagang pinag-uusapan, should I go first?”Hindi ko pinansin ang tatlong babae sa gilid, hinintay ko ang sagot ni Raziel. Halata naman ang gulat sa mata niya, pero unti-unting sumilay ang ngiti sa labi na parang tuwang-tuwa pa. “Well, it’s not really important. Tinatanong lang nila ang tungkol sakin, tara na?”Tumingin ako sa tatlong babae at ngumiti, “wala na ba kayong itatanong sa kaniya?” Pinilit ko na hindi magtunog mataray habang sinasabi ko iyon, mabili
“Give way, move!” Sigaw ng isa sa mga taong nakatayo sa gilid ko habang inaangat nila ako pahiga sa stretcher, wala akong gaanong maintindihan sa mga sinasabi nila, mabigat pa rin ang ulo ko. Tanging ang gusto ko lang ay makita si Raziel.Sa kasamaang palad ay hindi ko maigalaw ng maayos ang leeg ko para lumingon sa paligid, namamanhid rin ang ibang parte ng katawan ko.“The other one, yung lalaki sa parte ng sinalpukan ng kotse nailabas nyo na ba—bili—yung dugo--” Mahina ang boses nila at putol-putol, gusto kong marinig ng maayos ang tungkol kay Raziel.Sinubukan kong ibuka ang bibig ko at nagawa ko naman, pero walang boses ang lumalabas doon. Sa halip ay ramdam ko kung gaano katuyo ang lalamunan ko at ang pag sakit nito pag pinipilit ko na magsalita.Tumingin sa akin ang isa sa kaniya at ngumisi, “you will be fine, just don’t move.” Bulong na sabi niya at may dinukot sa kaniyang bulsa, binuksan niya iyon ay tumambad sa akin ang syringe na may laman na likido.“A-Aah…” Gusto ko siyan
Jake’s POV“Grandpa, did you do it?” Mahigpit na nakakuyom ang mga kamay ko sa ilalim ng lamesa habang nasa harapan ako ni lolo, unang rinig ko palang ng nangyari kay Lorain ay gustong-gusto ko ng puntahan sila at tanungin.But doing it might cause more harm to her, ayaw ko na magmalinis dahil kung tama man ang hinala ko ay ako ang pinaka dahilan bakit siya napahamak.Binaba ni lolo ang hawak niyang newspaper, ang mga mata niya at masamang tumingin sa akin. “Pinagbibintangan mo ba ako?” halata ang galit sa tono ng boses niya.“Hindi sa ganoon, kaya ko nga kayo tinatanong para malaman ko kung wala talaga kayong kinalaman sa nangyari—”Malakas na hampas sa ibabaw ng lamesa ang ginawa niya, “hindi mo pa ako pinagbibintangan sa lagay na iyan? Kung hindi mo talaga naisip na may kinalaman ako sa nangyari sa babaeng iyon ay una palang wala ka dito para tanungin ako ng nonsense na bagay!”Umalingawngaw ang boses niya sa dining area, agad nagiwasan ng tingin ang mga katulong sa paligid at umal
Pinagsiklop ni Raziel ang dalawa niyang kamay at naupo ng maayos, “hindi ko alam kung tamang desisyon na sabihin ko sa’yo ang lahat, wala si Jake dito na alam ko’ng mas gusto mo na marinig ang katotohanan sa kaniya higit kanino.”May sakit na dumaan sa mata niya, gusto ko na sabihing mali siya pero hindi ko nagawa na magsalita. Kahit na gustong-gusto na tanungin siya kung bakit ganoon nalang siya masaktan tuwing babanggitin ang pangalan ni Jake.“Wala akong problema kahit sino ang magsabi sa akin, ang mahalaga ay malaman ko kung ano ang totoo.” Mabilis ko na iniwas ang tingin sa kaniya, merong part sa akin na ayaw kong makita pa ang kung anong emosyon na pwede kong makita sa mukha niya.“Is that so?” Maikling tanong niya na parang inaasahan na niya ang sagot ko na iyon, “pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang side ni Jake,” ramdam ko ang titig niya sa akin, “siya ang nakasama mo, siya lang ang nakakaalam kung paano ipapaliwanag ang lahat ng maayos.”Tumango ako bilang pag s
Hindi huminto ang kamay ko sa panlalamig at panginginig, ano pa ang hindi ko alam tungkol sa akin? Simula ba noong una ay tama akong may tinatago si Jake sa akin, at ayaw niyang malaman ko ang katotohanan?Bakit hindi ko na gamit ang apilyido niya kahit suot ko pa ang wedding ring naming dalawa, panaginip ko lang bai tong lahat? Hanggang ngayon ba ay nakakulong pa rin ako sa isang bangungot?Nanatili akong nakayuko at pilit pinoproseso ang isang bagay na nalaman ko, kahit luha ay ayaw ng pumatak sa sobrang halo-halo ng nararamdaman ko. Maging katawan ko yata ay naguguluhan na kung dapat ba akong malungkot o magalit, dahil ako mismo ay hindi ko alam.Lumangitngit ang pintuan, patunay na may dumating. Pero hindi ko magawang tignan kung sino ito, dahil natatakot akong pag angat ng mata ko ay mukha ni Jake ang makita ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, natatakot ako sa kung ano ang masabi o magawa ko.“Lorain,” halos mapaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Raziel habang naglalakad
Alas-dyes na ng gabi, pero walang Jake na dumadating. Ilang beses ko na rin na sinabihan si Raziel na iwan na lang niya ako, pero hindi rin siya umaalis, nanatili siyang tahimik na nakahiga sa sofa habang ako naman ay sa kama.“Ayos ka lang ba talaga d’yan, pwede ka naman umuwi na. Mamaya lang ay may nurse naman ulit na mag check sa akin, you don’t need to stay here baka mamaya ay and’yan na rin naman si Jake.” Muli akong nagsalita.Alam ko naman kasing gising pa rin siya at hindi ko kinakaya ang katahimikan ng paligid, lalo na at paghinga lang namin ang maririnig. Naramdaman ko naman ang paggalaw niya para tumaligid paharap kung nasaan ako, “ayos lang, hindi naman ito ang unang beses na mag stay ako.”Para akong nanigas sa pagkakahiga, hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma ang pakiramdam ko simula kanina. Hindi ko maintindihan bakit ganito nalang tumibok ng mabilis ang puso ko tuwing tinitignan ako ni Raziel.Mali, Maling-mali na maramdaman ko ang ganito para sa ibang lalaki. Hin
Lorain’s POV“Dahan-dahan, ‘wag mo masyadong biglaan o pilitin ang sarili mo.” Marahan na bulong niya habang inaalalayan ako, parang mas kabado ba siyang masaktan ako.“Raziel, hindi ko pinipilit ang sarili ko. Kumalma ka lang, Hindi ko sasaktan ang sarili ko.” Natatawa kong sabi, siya ang kasama ko ngayon sa rehabilitation ko sa paglalakad. Dapat ay si Jake pero umang-umaga palang ng tumawag ang secretary niya dahil nagkaroon ng emergency sa company.“H-Hindi naman iyon ang ibig ko na sabihin, baka lang mabigla ang muscle mo. Maybe mas maayos siguro kung ang nurse ang tutulong sa’yo, kinakabahan talaga ako.” Muli niyang sabi dahilan para hindi ko mapigilan ang sarili ko na tuluyang matawa.“Raziel, hindi ko akalain na ganyan ka pala.” Tawang-tawa kong sabi, dahilan para mamula naman ang tenga niya pati ang mukha at leeg.“Natatakot lang ako na baka mas lalo ka ma-injured, anong alam ko kung tama ba ang ginagawa natin. Sabi nung nurse babalik agad siya, bakit ang tagal naman yata.” Pa
John’s POV“What do you think you are doing here, John? Hindi ko alam kung mayroon pa bang dahilan para magpunta ka rito, tapos na ang project para sa bridal fashion show at wala na rin ang kasal namin ni Jake.” Mataray na tanong ni Jamie pagpasok niya sa kaniyang office.“Well, tama ka naman doon. Pero mag-usap tayo, may gusto akong sabihin na maging dahilan na pwedeng maging dahilan ulit para magkaroon ng meeting sa pagitan nating dalawa.” Makahulugang sabi ko habang nakangisi.Kitang-kita ko sa mukha niya ang stress, naiintindihan ko iyon. Sino nga ba ang hindi kung bigla kang iwan sa ere ng lalaking pinagkatiwalaan mo, hindi alam ni Jake kung sino ang sinasayang niya.“At ano naman iyon para maging dahilan ng pagkakaroon ulit ng dahilan para mag meeting kayo? Sa pagkakaalam ko ay wala namang kailangan talaga ang pamilya namin sa inyo, so what can you offer para hayaan kong maglabas at pasok ka ulit dito sa company ko?” Walang pakundangan saad niya sa akin, kumpara noon ay iba na a
John’s POVIsang malakas sa sampal ang natanggap ko mula kay dad, halata ang panggagalaiti nito dahil sa failed na planong ginawa ko. Idagdag pa na may idea na si Jake sa ginawa namin, but it still fortunate na mas iniisip niyang ang matandang ito ang puno’t-dulo ng plano.“Dad, kahit magalit kayo ay walang mangyayari. Isa pa, balita ko ay walang ala-ala ang babae na iyon sa lahat ng nangyari. May oras pa tayo para linisin ang pangalan natin, kung pipilitin natin si Jake ay wala siyang magagawa kundi pumayag sa gusto mo—”Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng muli akong nakatanggap ng sampal mula sa kaniya, “naririnig mo ba ang sarili mo, John? Sa tingin mo ay susunod pa sa atin si Jake pagkatapos ang planong ginawa mo pero wala namang nangyari?”Mariin niya akong tinignan, para akong isang tangang hayop na hindi niya maaasahan. Hindi ko mapigilan na maikuyom ang dalawa kong mga kamay at napatingin sa bantay niya, kung wala lang iyon ay matagal ko ng sinakal ang matandang ito para mawa
“Lorain, wake up.” Dahan-dahan kong minulat ang mata ko ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Jake na nakatanaw sa akin, “are you okay, nagsasalita ka habang tulog.” Hinaplos niya ang noo ko para punasan ang mga pawis na tumatagaktak doon.“A-Ayos lang, kanina ka pa andito?” Nagtataka kong tanong at nilibot ang tingin sa paligid, wala na si Raziel sa sofa dahilan para mapunta ang tingin ko sa orasan sa gilid. Alas syete na pala ng gabi, ganoon na ako katagal nakatulog?“Kanina pa, sabi ni Raziel ay kanina ka pa raw tulog. Tulungan kitang maupo, kailangan mo ng kumain at anong oras na rin.” Marahan niya akong tinulungan at pinasandal sa unan, “mukhang hindi pa rin nakakabawi yung katawan ko kahit ilang araw ka ng tulog.”Andoon pa rin ang pag-aalala niya para sa akin, pero hindi ko magawang matuwa. “Siguro nga.”Kahit pilit ko na magpanggap na masigla ay imposible, hindi talaga mawala ang kakaibang pakiramdam ko pag nasa tabi ko si Jake.“May problema ba, bakit ganyan ang itsura mo? S
Lorain’s POVRamdam ko ang init ng hiningi niya na tumatama sa akin, kailan ba kami huling nag kiss at grabe nalang ang tibok ng puso ko?“Lorain…” Rinig ko na tawag niya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat dahilan para mapamulat ako, “mas mabuti kung magpahinga ka muna, mas mainam kung—”“But it just a kiss,” muli na namang kumalat ang inis sa sistema ko, kahit ako ay naninibago sa inaasal ko.Pakiramdam ko ay nagkaroon ng malaking space lalo sa pagitan namin kumpara noon, ang lapit-lapit niya sa akin ngayon pero malayo pa rin. Naikuyom ko ng mahigpit ang aking kamay habang hawak ang bed sheet sa gilid, sumisikip ang dibdib ko.“I’m sorry, Lorain pero not now.” Tumaas ang kamay niya at pinatong sa ulo ko, marahan niyang hinaplos ang buhok ko na parang bata.Pero kahit anong lamyos ng hawak niya, kahit ganoon ko nararamdaman ang init ng presensya niya, hindi nababago ang pakiramdam ko na may kulang.Tumango ako, wala naman akong magagawa kung ayaw niya. Siguro ay naawa lan
Lorain’s POV“J-Jake, anong ginagawa mo dito, hindi ka ba busy sa company?” Hindi ako makapaniwala na andito siya, lalo na ang mukha niyang puno ng pag-aalala.“Huh, ah, yes. Walang gaanong ginagawa sa office, kumusta ang pakiramdam mo?” Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko ng puno ng pag-iingat, “anong sabi ng doctor sayo?”Hindi ko alam kung bakit pero lahat ay panibago sa pakiramdam ko, kahit na nakaupo siya sa harapan ay and nakapalapit namin sa isa’t-isa, may kung anong kulang para sa akin.Ngumiti ako sa kaniya kahit na ganoon ang nararamdaman ko, “ayos lang naman ang pakiramdam ko, kumain ka na ba?” Tanong ko at hinawakan ang kamay niya, hindi maiwasan na mas madagdagan ang kung anong meron sa pakiramdam ko ng makita ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko.“Ehem, yes. Lagpas lunch break na rin naman, ikaw ba?” Pagbalik niya ng tanong sa akin at hinawakan rin ng mahigpit ang kamay ko.“May mag-asawang dumalaw kanina, hindi ko sila maalala pero may dala silang pagka