Jake’s POV“Grandpa, did you do it?” Mahigpit na nakakuyom ang mga kamay ko sa ilalim ng lamesa habang nasa harapan ako ni lolo, unang rinig ko palang ng nangyari kay Lorain ay gustong-gusto ko ng puntahan sila at tanungin.But doing it might cause more harm to her, ayaw ko na magmalinis dahil kung tama man ang hinala ko ay ako ang pinaka dahilan bakit siya napahamak.Binaba ni lolo ang hawak niyang newspaper, ang mga mata niya at masamang tumingin sa akin. “Pinagbibintangan mo ba ako?” halata ang galit sa tono ng boses niya.“Hindi sa ganoon, kaya ko nga kayo tinatanong para malaman ko kung wala talaga kayong kinalaman sa nangyari—”Malakas na hampas sa ibabaw ng lamesa ang ginawa niya, “hindi mo pa ako pinagbibintangan sa lagay na iyan? Kung hindi mo talaga naisip na may kinalaman ako sa nangyari sa babaeng iyon ay una palang wala ka dito para tanungin ako ng nonsense na bagay!”Umalingawngaw ang boses niya sa dining area, agad nagiwasan ng tingin ang mga katulong sa paligid at umal
Jake’s POVPagpasok ko palang sa shop ay paulit-ulit na bati ang natanggap ko, pero hindi ko magawang ngumiti. Ngayon palang ay hindi ko na alam kung paano ko pipigilin ang galit na namumuo sa dibdib ko, kahit hindi ko pa nakikita si Jamie ay ramdam na ramdam ko ang nginig ng kalamnan ko.“Where is she?” Mabilis kong tanong pagkalapit ko palang sa secretary niyang nakatayo sa gilid, tulad noon ay walang pagbabago ang pakikitungo niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang hostility niya, pero pareho kaming walang magagawa.“Inside, namimili ng design ng mga kurtina na gagamitin sa venue.” Malamig ang boses niya at mabilis rin na inalis ang tingin sa akin.“Then why are you here, bakit hindi mo siya sinamahan sa loob?” Muli kong tanong kahit na alam kong ayaw niya akong kausap.Muli niya akong nilingon at tinignan na para akong may sinabi na isang birong hindi nakakatawa, “bakit ko siya sasamahan sa loob para mamili, when in the first place hindi naman ako ang pakakasalanan niya?” Ang malami
Jake’s POVPara akong nabingi sa pagkakasampal niya, pero halos bawat salitang binitawan niya pagkatapos ay rinig na rinig ko ng malinaw, sa mga oras na iyon ay para akong nabuhusan ng nagyeyelong tubig. How can I even say those words?Anong pinagkaiba ko kila lolo kung pareho ko rin na titignan ang mga tao base sa estado nila sa buhay, “I’m sorry, I—” Hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil alam ko sa sarili kong pag sinabi ko na hindi ko sadya na sabihin iyon ay magtutunog palusot lang.Kahit balik-baliktarin ang sitwasyon ay iyon talaga ang mga salitang pumasok sa isip ko at hindi na mababago iyon, and I hate myself for that.“No need to say sorry, nasabi mo na.” Inis na sagot niya sa akin, akmang hahawakan ko siya sa braso ng isang kamay ang pumigil sa akin.“Don’t touch her, ngayon ka nalang pupunta para tulungan siya sa pag-aayos ng kasal NINYO ay ganyan ka pa?” Sarkastiko niyang sabi, ito ang unang pagkakataon na ginawa niya ito sa harapan ng ibang tao.Nakatayo siya doon na pa
Jake’s POVRamdam ko ang panlalamig ang buo kong katawan habang naglalakad ako sa hallway patungo sa kwarto kung nasaan nagpapahinga si Lorain, sa totoo lang ay kulang ang lakas ng loob ko para harapin siya ngayon.Gayon na alam ko kung sino ang may kasalanan kung bakit siya ngayon nasa hospital, pero hindi ko kayang isuplong sa mga pulis si Jamie.“Andito lang ako para sa’yo, Lorain. Kahit anong mangyari, kahit buhay ko ang kapalit ay hindi kita tatalikuran.” Napatigil ang kamay ko sa ere ng akma ko ng pipihitin ang door knob ng marinig ko ang boses ng lalaki sa loob habang sinasabi ang mga katagang iyon.“Raziel, maraming babae ang may gusto sa’yo. Seryoso ka ba na handa ka na magulo ang maayos mo na buhay dahil lang sa katulad ko?” Boses naman ngayon ni Lorain ang narinig ko, puno ng lungkot iyon dahilan para maikuyom ko ang kamay ko at ibaba ito.Once again, I hurt her. Hindi man ako ang direktang nanakit sa kaniya ay ako pa rin ang dahilan, gusto ko siyang yakapin. Ako dapat ang
Lorain’s POV“All the models, please get ready. The show will begin after 10 minutes, all the possible investors and bidders are already outside.” Saad ng organizer ng event sa mga model na ngayon ay suot na ang mga gowns na irarampa nila mamaya.Seven o’clock na ng gabi, at medyo malamig na rin ang hangin. Ramdam ko ang bawat halik ng sariwang hangin sa aking balat habang naghihintay pa ng ibang attendees sa labas ng building, ito na ang pinakahihintay ko na event.Napatingin ako sa sarili kong reflection sa pintuan ng building, nagpapasalamat ako na wala akong natamong malalang injury noong naaksidente kami kung hindi ay wala ako ngayon dito at hindi ko makikita ang mga tela namin na hinahangan ng marami.Aware naman ako na pinakamakikita nila ay ang design ng wedding gown, pero gusto ko pa rin na makarinig kahit ilan lang na papuri sa telang ginamit ng company.“Lorain, bakit andito ka sa labas?” Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso, “ang lamit ng balat mo, ba
“Next is indigenous wedding dress inspired, makikita ang detalyadong paghabi ng bawat layer nito sa baba…”Marami pa ang sinabi ng MC, bawat wedding dress ay may kani-kaniyang paliwanag para sa mga manunuod. Halata na sinigurado nila Jamie na mai-highlight ang mga kakaibang katangian ng bridal dress na pinapakita ngayon sa stage.Iba’t-ibang klasing papuri naman ang naririnig ko mula sa paligid, sa mga tao sa gilid namin at maging sa likuran. Lalong hindi ko napipigilan ang sarili kong mapangiti kung ang maririnig kong papuri ay kasama ang tela na ginamit nila, sempre ay sa amin galing iyon.Habang patagal ng patagal ay palamig na ng palamig ang paligid, halos ilang oras na rin kasi ang nakalipas simula ng kanina. Mas nadagdagan pa ang mga reporters at attendees, mabuti nalang ay maluwang ang venue.“Next bridal dress, and will be the last one.” Nakangiting anunsyo ng MC, “sa lahat ng dresses and gowns na nakita ninyo, ang isa na ito ang pinaka special at mas pinagtuunan ng pansin. At
Zavier’s POVSecretary…Ano nga ba ang pwede kong gawin kundi ang panuorin lang siya sa stage, habang nakangiti ng matamis sa harapan ng mga camera na sunod-sunod ang pagkislap para kuhanan siya ng litrato suot ang napakagandang wedding dress.Bagay na bagay sa kaniya, ang kagandahan niya ay mas lalong lumabas. Sa mga oras na iyon ay gusto ko siyang yakapin, sabihin kung gaano siya kaganda habang suot ang pinaghirapan niyang bridal gown para ipagmalaki sa lahat ng taong andito ngayon… But I can’t.Mariin kong naikuyom ang magkabila kong kamay at pilit na pinipigilan ang luhang nagbabadyang umagos palabas sa aking mata, sa mga ganitong oras ay muli akong nasasampal ng katotohanan na iba talaga ang mundo na ginagalawan namin.Mas mainam siguro kung umalis nalang muna ako dito at ‘wag silang panuorin, ayaw ko rin naman na makita niya akong parang kawawa dito sa gilid. Alam ko rin naman na may mga matang nakamasid sa akin, ayaw kong mas mukhang katawa-tawa sa pamilya niya.Lumakad ako pal
Lorain’s POVHindi pa man tapos ang event ay sikat na sikat na at sobra na ang tunog ng pangalan ng dalawa sa mga balita, social media, at kung saan-saan pa. Kasabay doon ay ang pagkalat ng mga bridal gowns na sadya nga namang naging advantage ng company ni Jamie.Unang bidding palang ay marami na ang nag-aagawan, hindi ko alam kung para maipagmalaki na marami silang pera o para ipagmalaki sa social media na nabili nila ang isa sa mga bridal gown ngayon gabi patunay na andito sila.“Si Jamie ‘yun diba?” Tanong ni Raziel habang tinuturo ang isang babaeng nasa lobby, kasama niya ang secretary niya. “Parang nag-aaway yata sila, should we go and ask them?”Pahakbang na sana siya ng pigilan ko siya, mabilis kong iniling-iling ang ulo ko ng may mapansin ako sa itsura nilang dalawa. “I think, wala tayong karapatan na mangialam sa kanilang dalawa. Hayaan nalang muna nating silang mag-usap, tutal ay wala naman tayong alam sa nangyayari.”“You think? Para kasing iiyak si Jamie, paano nalang pal
Pinagsiklop ni Raziel ang dalawa niyang kamay at naupo ng maayos, “hindi ko alam kung tamang desisyon na sabihin ko sa’yo ang lahat, wala si Jake dito na alam ko’ng mas gusto mo na marinig ang katotohanan sa kaniya higit kanino.”May sakit na dumaan sa mata niya, gusto ko na sabihing mali siya pero hindi ko nagawa na magsalita. Kahit na gustong-gusto na tanungin siya kung bakit ganoon nalang siya masaktan tuwing babanggitin ang pangalan ni Jake.“Wala akong problema kahit sino ang magsabi sa akin, ang mahalaga ay malaman ko kung ano ang totoo.” Mabilis ko na iniwas ang tingin sa kaniya, merong part sa akin na ayaw kong makita pa ang kung anong emosyon na pwede kong makita sa mukha niya.“Is that so?” Maikling tanong niya na parang inaasahan na niya ang sagot ko na iyon, “pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang side ni Jake,” ramdam ko ang titig niya sa akin, “siya ang nakasama mo, siya lang ang nakakaalam kung paano ipapaliwanag ang lahat ng maayos.”Tumango ako bilang pag s
Hindi huminto ang kamay ko sa panlalamig at panginginig, ano pa ang hindi ko alam tungkol sa akin? Simula ba noong una ay tama akong may tinatago si Jake sa akin, at ayaw niyang malaman ko ang katotohanan?Bakit hindi ko na gamit ang apilyido niya kahit suot ko pa ang wedding ring naming dalawa, panaginip ko lang bai tong lahat? Hanggang ngayon ba ay nakakulong pa rin ako sa isang bangungot?Nanatili akong nakayuko at pilit pinoproseso ang isang bagay na nalaman ko, kahit luha ay ayaw ng pumatak sa sobrang halo-halo ng nararamdaman ko. Maging katawan ko yata ay naguguluhan na kung dapat ba akong malungkot o magalit, dahil ako mismo ay hindi ko alam.Lumangitngit ang pintuan, patunay na may dumating. Pero hindi ko magawang tignan kung sino ito, dahil natatakot akong pag angat ng mata ko ay mukha ni Jake ang makita ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, natatakot ako sa kung ano ang masabi o magawa ko.“Lorain,” halos mapaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Raziel habang naglalakad
Alas-dyes na ng gabi, pero walang Jake na dumadating. Ilang beses ko na rin na sinabihan si Raziel na iwan na lang niya ako, pero hindi rin siya umaalis, nanatili siyang tahimik na nakahiga sa sofa habang ako naman ay sa kama.“Ayos ka lang ba talaga d’yan, pwede ka naman umuwi na. Mamaya lang ay may nurse naman ulit na mag check sa akin, you don’t need to stay here baka mamaya ay and’yan na rin naman si Jake.” Muli akong nagsalita.Alam ko naman kasing gising pa rin siya at hindi ko kinakaya ang katahimikan ng paligid, lalo na at paghinga lang namin ang maririnig. Naramdaman ko naman ang paggalaw niya para tumaligid paharap kung nasaan ako, “ayos lang, hindi naman ito ang unang beses na mag stay ako.”Para akong nanigas sa pagkakahiga, hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma ang pakiramdam ko simula kanina. Hindi ko maintindihan bakit ganito nalang tumibok ng mabilis ang puso ko tuwing tinitignan ako ni Raziel.Mali, Maling-mali na maramdaman ko ang ganito para sa ibang lalaki. Hin
Lorain’s POV“Dahan-dahan, ‘wag mo masyadong biglaan o pilitin ang sarili mo.” Marahan na bulong niya habang inaalalayan ako, parang mas kabado ba siyang masaktan ako.“Raziel, hindi ko pinipilit ang sarili ko. Kumalma ka lang, Hindi ko sasaktan ang sarili ko.” Natatawa kong sabi, siya ang kasama ko ngayon sa rehabilitation ko sa paglalakad. Dapat ay si Jake pero umang-umaga palang ng tumawag ang secretary niya dahil nagkaroon ng emergency sa company.“H-Hindi naman iyon ang ibig ko na sabihin, baka lang mabigla ang muscle mo. Maybe mas maayos siguro kung ang nurse ang tutulong sa’yo, kinakabahan talaga ako.” Muli niyang sabi dahilan para hindi ko mapigilan ang sarili ko na tuluyang matawa.“Raziel, hindi ko akalain na ganyan ka pala.” Tawang-tawa kong sabi, dahilan para mamula naman ang tenga niya pati ang mukha at leeg.“Natatakot lang ako na baka mas lalo ka ma-injured, anong alam ko kung tama ba ang ginagawa natin. Sabi nung nurse babalik agad siya, bakit ang tagal naman yata.” Pa
John’s POV“What do you think you are doing here, John? Hindi ko alam kung mayroon pa bang dahilan para magpunta ka rito, tapos na ang project para sa bridal fashion show at wala na rin ang kasal namin ni Jake.” Mataray na tanong ni Jamie pagpasok niya sa kaniyang office.“Well, tama ka naman doon. Pero mag-usap tayo, may gusto akong sabihin na maging dahilan na pwedeng maging dahilan ulit para magkaroon ng meeting sa pagitan nating dalawa.” Makahulugang sabi ko habang nakangisi.Kitang-kita ko sa mukha niya ang stress, naiintindihan ko iyon. Sino nga ba ang hindi kung bigla kang iwan sa ere ng lalaking pinagkatiwalaan mo, hindi alam ni Jake kung sino ang sinasayang niya.“At ano naman iyon para maging dahilan ng pagkakaroon ulit ng dahilan para mag meeting kayo? Sa pagkakaalam ko ay wala namang kailangan talaga ang pamilya namin sa inyo, so what can you offer para hayaan kong maglabas at pasok ka ulit dito sa company ko?” Walang pakundangan saad niya sa akin, kumpara noon ay iba na a
John’s POVIsang malakas sa sampal ang natanggap ko mula kay dad, halata ang panggagalaiti nito dahil sa failed na planong ginawa ko. Idagdag pa na may idea na si Jake sa ginawa namin, but it still fortunate na mas iniisip niyang ang matandang ito ang puno’t-dulo ng plano.“Dad, kahit magalit kayo ay walang mangyayari. Isa pa, balita ko ay walang ala-ala ang babae na iyon sa lahat ng nangyari. May oras pa tayo para linisin ang pangalan natin, kung pipilitin natin si Jake ay wala siyang magagawa kundi pumayag sa gusto mo—”Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng muli akong nakatanggap ng sampal mula sa kaniya, “naririnig mo ba ang sarili mo, John? Sa tingin mo ay susunod pa sa atin si Jake pagkatapos ang planong ginawa mo pero wala namang nangyari?”Mariin niya akong tinignan, para akong isang tangang hayop na hindi niya maaasahan. Hindi ko mapigilan na maikuyom ang dalawa kong mga kamay at napatingin sa bantay niya, kung wala lang iyon ay matagal ko ng sinakal ang matandang ito para mawa
“Lorain, wake up.” Dahan-dahan kong minulat ang mata ko ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Jake na nakatanaw sa akin, “are you okay, nagsasalita ka habang tulog.” Hinaplos niya ang noo ko para punasan ang mga pawis na tumatagaktak doon.“A-Ayos lang, kanina ka pa andito?” Nagtataka kong tanong at nilibot ang tingin sa paligid, wala na si Raziel sa sofa dahilan para mapunta ang tingin ko sa orasan sa gilid. Alas syete na pala ng gabi, ganoon na ako katagal nakatulog?“Kanina pa, sabi ni Raziel ay kanina ka pa raw tulog. Tulungan kitang maupo, kailangan mo ng kumain at anong oras na rin.” Marahan niya akong tinulungan at pinasandal sa unan, “mukhang hindi pa rin nakakabawi yung katawan ko kahit ilang araw ka ng tulog.”Andoon pa rin ang pag-aalala niya para sa akin, pero hindi ko magawang matuwa. “Siguro nga.”Kahit pilit ko na magpanggap na masigla ay imposible, hindi talaga mawala ang kakaibang pakiramdam ko pag nasa tabi ko si Jake.“May problema ba, bakit ganyan ang itsura mo? S
Lorain’s POVRamdam ko ang init ng hiningi niya na tumatama sa akin, kailan ba kami huling nag kiss at grabe nalang ang tibok ng puso ko?“Lorain…” Rinig ko na tawag niya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat dahilan para mapamulat ako, “mas mabuti kung magpahinga ka muna, mas mainam kung—”“But it just a kiss,” muli na namang kumalat ang inis sa sistema ko, kahit ako ay naninibago sa inaasal ko.Pakiramdam ko ay nagkaroon ng malaking space lalo sa pagitan namin kumpara noon, ang lapit-lapit niya sa akin ngayon pero malayo pa rin. Naikuyom ko ng mahigpit ang aking kamay habang hawak ang bed sheet sa gilid, sumisikip ang dibdib ko.“I’m sorry, Lorain pero not now.” Tumaas ang kamay niya at pinatong sa ulo ko, marahan niyang hinaplos ang buhok ko na parang bata.Pero kahit anong lamyos ng hawak niya, kahit ganoon ko nararamdaman ang init ng presensya niya, hindi nababago ang pakiramdam ko na may kulang.Tumango ako, wala naman akong magagawa kung ayaw niya. Siguro ay naawa lan
Lorain’s POV“J-Jake, anong ginagawa mo dito, hindi ka ba busy sa company?” Hindi ako makapaniwala na andito siya, lalo na ang mukha niyang puno ng pag-aalala.“Huh, ah, yes. Walang gaanong ginagawa sa office, kumusta ang pakiramdam mo?” Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko ng puno ng pag-iingat, “anong sabi ng doctor sayo?”Hindi ko alam kung bakit pero lahat ay panibago sa pakiramdam ko, kahit na nakaupo siya sa harapan ay and nakapalapit namin sa isa’t-isa, may kung anong kulang para sa akin.Ngumiti ako sa kaniya kahit na ganoon ang nararamdaman ko, “ayos lang naman ang pakiramdam ko, kumain ka na ba?” Tanong ko at hinawakan ang kamay niya, hindi maiwasan na mas madagdagan ang kung anong meron sa pakiramdam ko ng makita ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko.“Ehem, yes. Lagpas lunch break na rin naman, ikaw ba?” Pagbalik niya ng tanong sa akin at hinawakan rin ng mahigpit ang kamay ko.“May mag-asawang dumalaw kanina, hindi ko sila maalala pero may dala silang pagka