•Gaea•
Tinitignan ko ang mga gamit ko at tseni-tsek kung may kulang ba dito at baka may maiwan pa ako. Uuwi na kasi kami pabalik sa Y city at pupuntahan namin mamaya si CN sa bahay nila mama dahil pupunta kaming amusement park at magfa-family bonding.Sabay kaming lahat pauwi. Iisa lang ang sasakyan na gamit namin. Masaya ang byahe pauwi dahil na rin sa kompleto ang buong barkada. Puro harutan, tawanan at kulitan lang ang ginawa namin buong byahe. Ang lalakas mang asar pero ang Dali din namang mapikon.
Nang makarating kami sa bahay ng magulang ko ay bumaba na kami sa sasakyan at nagpaalam na sa kanila. Pagpasok namin sa bahay ay nakita namin sila mama na nasa sala at nanonood ng TV."Ma, nandito na po kami." Sabi ko pagkapasok pa lang namin.
Dumeretso kami doon at nagmano sa kanila."Ma, alis na po kami. Para n•Gaea• Hinawakan ko ang kamay ni CN nang maramdaman ko ang panginginig nito. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ay nanginginig na ang katawan nito. Bumitaw pa ito kanina sa akin dahil gusto niyang takpan ang kanyang mga mata. Nang makapasok at makaupo ito sa binti ng kanyang ama ay unti-unti naman itong kumalma, ngunit hindi pa rin nakatanaw sa magandang tanawin. Hinayaan ko lang naman ito para hindi siya mabigla at baka ano pa ang gawin kapag natakot ito ng husto. "Mommy, natatakot po ako. Naaalala ko na naman po iyong dati, mommy, daddy," saad niya sa akin. Nasa harapan nila akong dalawa kaya kitang-kita ko kung paano nagpapalit-palit ang reaksyon ng kanyang mukha at mga mata. Dinala ko ang kanyang kamay sa aking labi at ginawaran iyon ng mumunting halik. "You'll be fine, baby, mommy and daddy is here with you. Breath in and breath out," paulit-ulit
•Gaea• Napatingin ako sa kanila mama habang inaayos ang mga gagamitin ko para sa kasal bukas. Sobrang bilis nang pagtibok ng aking puso dahil sa kasabikan para sa mga mangyayaring event. Dalawang buwan din ang hinintay namin bago mangyari ito dahil sa marami ang preparasyon ang kailangan pagtuunan ng pansin. Gusto kasi ni Clyden iyong kumportable daw ako at hindi minamadali ang kasal naming dalawa. Wala rito ngayon si Clyden dahil sabi ni mama ay bukas na lang kami magkikita dahil hindi raw maganda sa dalawang taong ikakasal ang magkita bago ang kasal. Hindi naman namin kinontra iyon ni Clyden dahil sa dinarami-rami ng masamang nangyari sa amin ay hindi na maipagkakaila na may tsansa ngang mangyari ang bagay na iyon. "Anak, excited ka na ba para bukas? Parang kahapon lang ay yakap-yakap pa kita habang umiiyak ka nang masama mong pakiramdam sa akin," nakang
•Gaea• Napangiti ako nang magsimula na si father sa mga seremonyas niya at taimtim kaming nakikinig sa kanya. Marami itong ipinagawa sa amin ngunit isa lang ang hinihintay kong sabihin nito iyon ay ang pagsasabi ng aming mga vows. ""I, Clyden Lee, take you Gaea Montessori to be my wife. I promise to be true to you in good times, in sickness and in health. I will love and honor you all the days of my life," nakangiti niyang saad habang hawak-hawak ang aking kamay. "Marami na tayong pinagdaanang dalawa pero dahil hindi tayo sumuko ay nandito na tayo ngayon. I may not be a perfect husband and father but I promise to be a good one. If you're tired and cannot do the house chores I promise to do it for you, and if you're sick I promise to stay by your side. I'll carry you if you need to pee or do something but your knees can't do so. Feed you everytime you get hungry. I can do anything for you, babe."
•Clyden•Napatingin ako sa mag-ina ko na naglalaro sa may dalampasigan. Sa halip na pumunta kami ni Gaea sa ibang bansa para sa honeymoon ay hindi na lang namin tinuloy dahil ayaw naman nitong iwan ang anak namin.Hindi ako makapaniwala na darating ako sa puntong ito, na magseseryoso ako sa buhay at magiging tapat sa isang babae. Lalakad na sana ako papalapit sa kanila nang biglang may tumapik sa aking balikat. Nilingon ko ito at nakita si Tuff at Sky naroroon."Iba na talaga ang pagmamahal na iyan, Clyden," asar sa akin ni Sky. Hindi naman ako kumontra roon dahil tama naman siya. Hindi ko na iyon maitanggi simula nang inamin ko sa sarili ko na si Gaea lang ang tanging mamahalin ko at ang tanging babaeng nagpapasaya at magpapasaya sa akin.Sa kanya lang ako mananatili at kung sakali man na matapos ang buhay namin na ito siya pa rin ang hahanapin ko sa kabil
•Clyden•"Tito Tuff, sa tingin ko po ay galit po kayo kay Ate Kira po!" sumbat ni CN kay Tuff na hanggang ngayon ay hindi pa rin mapugto ang tingin sa babaeng kaharap nito.Nilingon naman kaagad ni Tuff ang anak ko at naguguluhan itong tiningnan. "Anong ibig mong sabihimn, big boy?" tanong nito kay CN."Iyong eyes niyo po para po sa tiger po na nakita namin ni mommy na galit po. Atsaka po bakit po para kayong unggoy na di mapirmi sa inuupuan niyo po?" Nakagat ko ang aking labi para pigilan ang aking tawa lalo na at nakita ko ang pagkunot-noo ni Tuff. "Sorry na lang po kayo, Tito Tuff, kasi may tagapagtanggol na po si Tita Kira kaya di niyo na po siya maaaway!""Sino?" Hindi naman galit ang pagkakabigkas niya ng isang salitang iyon, ngunit dumagundong pa rin ang boses niya sa madilim na gabi."Mommy, galit po sa akin si Tito Tuff,"
•Gaea•Matapos ang leave namin ni Clyden ay pareho na naman kami balik trabaho, at dahil sa nangyari noon sa akin ay nagpakonsulta kami sa doctor tungkol sa pinagbubuntis at ang sabi nito ay kailangan ko raw magpahinga ng husto at bawal ma-stress, dahil delikado raw sa bata na nasa sinapupunan ko.Hindi naman tumanggi si Kenneth nang sabihin ko rito na sa bahay na lamang ako magtra-trabaho at kapag sobrang kailangan na ako sa kompanya o di kaya'y sa site ay pupuntahan ko na lang kaagad."Gaea, hindi ka ba nabo-bored dito sa bahay mo?" tanong sa akin ni Kristel nang makalapit na ito sa inuupuan kong sofa.Naiiling naman na tumagilid ng higa si Samantha dahil sa sinabi nito. Alam kasi niya na hindi naman talaga ako mahilig lumabas at kailangan niya pa akong pilitin para maisama kung pupunta siya ng club no'n."
•Gaea•Matapos naming kumain kasama sila Samantha at Kristel ay umuwi na rin naman kaagad sila dahil may kanya-kanya rin silang importanteng pupuntahan.Naglaro muna ang dalawa sa labas ng bahay ng basketball para kahit papaano ay ma-enjoy ng mag-ama ang extra time nila. Kinagabihan ay sabay naming pinatulog si CN sa kwarto nito."Gusto sana nilang hiramin ni mommy si CN," saad ni Clyden nang makahiga na kami sa sarili naming kama. Tumagilid ako para makita siya at iniyakap ang isa kong kamay sa kanyang bewang. Mas inilapit nito ang kanyang katawan sa akin, hinawi ang aking maliliit na buhok sa noo at hinalikan iyon. "Hindi pa ako nagbigay ng sagot sa kanila mommy kasi ayaw ko naman na pangunahan ang desisyon mo."Palagi talagang kino-konsidera ni Clyden ang mga desisyon ko kaya minsan lang kami magtalo, at dahil lang iyon kung hindi na talaga namin nagugustuhan an
•Gaea•Nanatiling nakapokus ang aking paningin kay Clyden na paikot-ikot sa buong kwarto. Akala yata nito ay hindi ko siya papayagan kung aalis siya ngayong araw o sa makalawa.Hindi ako sang-ayon sa biglaang pag-alis nito, pero kung gusto kong magkaayos ang buo naming pamilya ay papahintulutan ko ito. Hindi ko rin maatim na masaktan pa ang bestfriend niya dahil sa paglalayas nito. Kung hindi dahil sa amin ni Russu ay hindi naman iyon mangyayari sa kanya, lalo na at may Terrence na nagmamahal dito."Clyden," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin na puno nang pagtatanong ang mga mata. Marahan kong tinapik ang bakanteng bahagi ng sofa na kinauupuan ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang makaupo na siya sa aking tabi. "Kanina ka pa paikot-ikot, babe, may problema ka ba?" tanong ko kahit alam ko naman na ang dahilan nito.Hindi siya u
•CN•Napatingin ako kay daddy na hindi mapirme sa kanyang kinatatayuan. Kahit naikasal na sila dati ay ganoon pa rin ang reaksyon nito ngayon. Walang pinagbago maliban na lang sa amin ni Corrine at ang pagtanda nila mommy ng ilang taon.Labing-limang taon ang lumipas ngunit wala man lang pinagbago sa nararamdaman nilang dalawa. Corrine and I always witness my parents sweetness and love. Sa ilang taon nilang pagsasama may awayan man ngunit hindi ko narinig maski isa sa kanila na nagsabi na maghiwalay, instead I always hear some comforting words.Iyong matatamis na salita ni daddy na nagpapatigil sa pagtatampo ni mommy. Lumingon ako sa may aisle nang marinig ko ang pagkanta ng wedding singer."Kuya, ang ganda ni mommy!" wika ni Corrine sa aking tabi habang nakatitig sa ina namin. Napangiti ako nang makita ang magandang mukha ni mommy. Wala man lang pinagbago sa
•Eychan•Napatingin ako sa dalawang taong kakapasok lang. Nahihiyang naglakad si tita papalapit sa akin habang si Clyden naman na nakasunod dito ay may malapad na ngiti."Kukunin ko lang si CN para makapag-usap kayo nang maayos," usal niya nang makalapit na siya sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya at pinatayo si CN para mabuhat niya ito. "Kakain muna tayo, big boy, okay? Kailangan natin ng lakas para bantayan si mommy.""Okay po, daddy! Gusto ko pong maging strong para po hindi na ulit masaktan si mommy po." Napangiti ako sa pinag-usapan nilang dalawa at kumaway na sa kanila.Mahina pa ang katawan ko dahil sa nangyaring aksidente, lalo na at kakagising ko pa lang. Pero gusto kong makausap si Tita Letecia hindi ako makatulog hanggat hindi ko ito nakakausap."Gaea, pinapatawag mo raw ako sabi ni Clyden?" mahinahon
•Clyden•Limang oras na ang lumipas at kanina pa ako rito naghihintay ng susundo sa akin ngunit wala namang dumating. Siguro ay naging abala ito sa pagbabantay sa mag-ina ko kaya nakalimutan ni daddy ang pinag-usapan namin kanina.Tiningnan ko ang aking orasan at nang makita ang oras doon ay kaagad na akong nagtawag ng taksi para magpahatid sa hospital na kinaroroonan ni Gaea. Mabilis ang tibok ng aking puso, kinakabahan ako na makita si Gaea sa sitwasyon na kinasasangkutan nito ngayon. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang masaktan ito.Simula nang ma-aksidente ito dati ay pinangako ko na sa aking sarili na iingatan ko na siya ngunit heto at nangyari na naman ulit. "Saan po tayo, sir?" tanong ng taxi driver sa akin nang makasakay na ako at maiayos na ang aking mga gamit."Sa Y General Hospital po, kuya," tugon ko sa kanya at kinuha muli ang cellphone
•Third Person•Ang mga mabibilis na yapak ng mga paa dahil sa takbuhan ng mga nurse at pamilya ng pasyente ang mas lalong nagpagulo sa isipan ni Letecia. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Gaea sa kanya. Sinagip nito ang buhay niya sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Hindi ito nagdalawang-isip na ibuwis ang buhay nito kahit halos itakwil na niya ito.Napatingala ang ginang nang makita niya ang pares ng mga paa sa kanyang harapan. Sumalubong sa kanyang paningin ang nurse na puno rin nang pag-aalala ang mukha habang nakatitig dito."Ma'am, ginagamot na po ang daughter-in-law ninyo, kailangan niyo na pong pumunta sa emergency room para magamot din po kayo." Kumunot ang noo ng matanda at hinawakan ang noong itinuro ng nurse.Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa kamay niyang may dugo. Hindi nito ito iyon namalayan kanina dahil kaag
•Eychan•Napaatras ako nang akmang sasampalin ako nito. Hindi ako pwedeng lumaban pero kung kaya ko namang iwasan ay gagawin ko naman iyon makalayo lang sa gulo. Hindi porke't hindi ako lalaban ay magpapa-api na ako sa kanya nang ganoon kadali, hindi naman ako martyr lalo na at hindi ko naranasan na saktan ng aking mga magulang."Hindi ko alam kung ano ang nakita ng anak ko sayo para pakasalan ka," nakangisi niyang saad at tinitigan ako mula sa aking paa patungo sa ulo. "Wala ka namang ikakabuga at wala kang panama sa ibang babae na kilala ng pamilya namin."Nasaktan ako sa sinabi nito pero pinipilit ko pa rin ang aking sarili na kumalma. Pwede na nga yata akong patungan ng korona para sa pagiging kalmado ko."Hindi po kasi siya bulag, tita, nakikita niya po iyong hindi niyo nakikita," balik ko sa kanya. Nakita ko ang litid ng ugat sa kanyang leeg nang ikuyom
•Gaea•Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Tiningnan ko si CN na mahimbing pa rin na natutulog bago marahan na bumaba sa kama. Tinungo ko kaagad ang pintuan at tiningnan kung sino ang kumakatok."Kailangan po kayo?" tanong ko sa kasambahay na nabungaran ko pagbukas ko ng pinto. Ngumiti naman ito sa akin habang tumatango, mas niluwagan ko pa ang pintuan para magkausap kami nang maayos. "Ano po ang kailangan niyo, nay?"Medyo may katandaan na ito kaya iyon na lang ang ini-address ko sa kanya. "Ma'am, pinapatawag na po kayo nila Mr. Lee sa baba. Kakain na raw po, ma'am," pagbibigay-alam niya.Hindi ko aakalain na sabay-sabay pala rito kung mag-umagahan lalo na at sinabi kagabi ng nakausap kong kasambahay ay minsanan lang magkita o nandito ang mga Lee. Sa dami naman ng negosyo nila ay naiintindihan ko naman ang mga ito.&
•Gaea•Napatingin ako sa mag-ama ko na nasa may paanan ng kama. Nakatayo si CN habang nakaluhod naman sa harapan nito si Clyden para mapantayan ang tangkad ng anak namin."Kapag umalis na si daddy magpakabait ka kay mommy, ah?" bilin nito sa anak. Napangiti ako nang mabilis na tumango si CN ngunit kagat-kagat na ang ibabang labi halatang pinipigil ang pag-iyak."Kailan ka po babalik, daddy? Ilang days po ba ang itutulog ko para pag-gising ko po ay nar'yan na po kayo ulit?" inosente nitong tanong.Tumayo si Clyden at binuhat ang anak para dalhin si CN sa kamang kinauupuan ko. Umupo ang una sa aking tabi habang nakapaupo naman sa kanyang binti si CN."Hindi mo lang namamalayan na nakauwi na pala ako. Pangako iyan, anak, just don't count the days para hindi mo maramdaman ang tagal ng paghihintay, okay?"
•Gaea•Ang malagintong bahay nila Clyden ang muling nakapagtigil sa akin sa paglalakad. Hindi ko maiwasang mailang at subukang ihambing ang sarili ko sa kanya.Kahit na nagtra-trabaho na ako ngayon at may malaking sahod ay hindi pa rin iyon maikukumpara sa yaman ng pamilya niya. 'You can't sit with us' parang iyon ang vibes na nakikita ko sa pamilya nila."Are you okay?" tanong niya sa akin nang mahalata ang pagkatigil ko. Malalim akong napabuntong-hininga at hinanap ng aking mga mata ang pamilya niya, ngunit sa sobrang laki ng mansyon ng mga ito ay hindi naman dumapo ang mga mata ko sa isa sa mga pamilya nito. "Kinakabahan ka pa rin ba? Huwag kang mag-alala, babe, nandito lang ako. Sabihin mo lang sa akin kung may problema ka, okay?""Mommy, huwag ka pong mag-alala nandito rin po ako!" Tumango ako at kinurot ang pisngi ni CN.&nb
•Gaea•Nanatiling nakapokus ang aking paningin kay Clyden na paikot-ikot sa buong kwarto. Akala yata nito ay hindi ko siya papayagan kung aalis siya ngayong araw o sa makalawa.Hindi ako sang-ayon sa biglaang pag-alis nito, pero kung gusto kong magkaayos ang buo naming pamilya ay papahintulutan ko ito. Hindi ko rin maatim na masaktan pa ang bestfriend niya dahil sa paglalayas nito. Kung hindi dahil sa amin ni Russu ay hindi naman iyon mangyayari sa kanya, lalo na at may Terrence na nagmamahal dito."Clyden," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin na puno nang pagtatanong ang mga mata. Marahan kong tinapik ang bakanteng bahagi ng sofa na kinauupuan ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang makaupo na siya sa aking tabi. "Kanina ka pa paikot-ikot, babe, may problema ka ba?" tanong ko kahit alam ko naman na ang dahilan nito.Hindi siya u