•Gaea•
Hindi ako mapakali habang naghihintay ng doctor na lumabas sa kwarto ni Clyden, habang sila Sky at Terrence naman ay inaasikaso si CN. Kinakabahan ako sa magiging resulta ng pagbaril dito.
Mula sa pagkakayuko ay Mabilis akong napatingala para tingnan kung sino ang nagbukas ng pinto. Nagkatinginan kami ng doctor na kakakuha pa lang ng kanyang mask.
"Kayo po ba ang pamilya ng pasyente?" tanong nito sa akin. Ngumiti naman ako kaagad at tumango. "Successful ang operasyon pero we need to monitor him time to time dahil delikado ang parteng natamaan sa kanya. Malapit iyon sa puso kaya kritikal ang kanyang kondisyon.""Thank you po, doc," nakangiti kong sambit. Hindi pa man magaling si Clyden ay masaya na ako dahil successful na ang operasyon nito sa ilang oras naming paghihintay rito magandang balita na ang successful ang operasyon nito. Mananalig na•Gaea•Dalawang oras akong naghintay kay Russu dito sa may maliit na abandonadong tindahan, ngunit hindi naman ito nagpapakita sa akin. Alam ko na kanina pa ito dumating ngunit hindi lang nagpapakita at nanatili lamang nakamasid at baka may kasama akong iba.Napatingin ako sa cellphone ko nang may nag-text doon. Napangisi ako nang makita ang numero ni Russu na nakatatak sa screen."Are you tired of waiting, love?" Iyon ang mensaheng nabasa ko mula sa kanya. Tumayo ang balahibo ko dahil hindi nagustuhan ng puso't-isipan ko ang mensaheng iyon. "I'm coming. Huwag kang mag-alala wala akong gagawing masama sa'yo."Malungkot akong bumuntong-hininga dahil sa kasunod nitong mensahe. Kung hindi lang sana nagbago ang ugali ni Russu edi sana magkaibigan pa rin kami ngayon. Hindi sana namin nilalayuan ang isa't-isa at patuloy pa rin sana kaming nag-
•Clyden•Nagising ako sa maingay na usapan ng mga taong nasa aking paligid. Pagkamulat ko pa lang ng aking mga mata ay nagsilapitan na kaagad ang mga kaibigan ko sa akin. Nakangiting mukha nila ang sumalubong sa akin."Nasaan si Gaea at CN?" mahina kong tanong. Iyon ang una kong naitanong nang hindi ko makita ang mag-ina ko.Pangalawang beses na akong nagising noong una ay kami lamang dalawa ng doktor at sandali lang iyon. Tinanggal lang nito ang mga apparatus na nakakabit sa aking katawan dahil maayos na naman daw ako pagkatapos niyang i-check ang lahat.Ngunit kahit noong una akong magising ay wala akong nakita o narinig lang man na boses ni Gaea. Wala ito sa aking tabi na napaka-impossibleng mangyari dahil alam kong babantayan ako nito."Isang buwan ka ng nandito, Clyden, at maraming nangyari sa isang buwan na iyon," tugon ni T
•Gaea•Napangiti ako nang makita ang mga ibong nagliliparan sa himpapawid. Malabo pa ang aking paningin ngunit mas maigi na iyon kaysa sa madilim na tanawin na ilang linggo ko ring pinagtiisan."Gaea!" Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Lumapit sa akin si Faran at may inilahad itong pagkain sa harapan ko. Napangiti ako nang makita ang laman ng bowl na ibinigay nito sa akin. Isa iyong macaroni salad at sinabi ko sa kanya na ipagluto niya ako one of this days. "Ginawa ko 'yan para talaga sa'yo," nakangiti niyang saad sabay kindat sa akin.Natawa naman ako sa ginawa nito sabay iling sa kanya. Noong una kaming magkakilala ay medyo naging akward kami sa isa't-isa. Hindi ako nito kinakausap kong hindi naman importante, ngunit nang lumipat kami sa L.A kasama ang girlfriend niya ay nabago naman ang lahat ng iyon.Tinulungan nila akong dalawa para mapabilis ang
•Gaea•"Sinabi ko naman sa'yo na kanina pa ako nagugutom 'di ba? Gusto mo ba na ikaw na lang iyong kainin ko para naman hindi mo ako pigilan—""Sino naman nagsabi sa'yo na hindi kita pipigilan, ha? Gwapo ka ba?" taas-kilay na bulyaw ni Kristel kay Sky."Mas gwapo pa ako roon sa ka loveteam mo. Akala mo naman!" balik naman dito ni Sky.Iyon ang naabutan namin ni Clyden nang dumating kami sa resort ni Sky. "Bakit naman nag-aaway ang dalawang iyan dahil sa pagkain?" naguguluhan kong tanong kay Samantha nang lumapit ito sa amin."Kasi iyang si Sky kanina pa inaasar si Kristel habang lumalangoy kaya nang umahon ito at naunang pumunta sa may mga pagkain ay ito naman ang nagbawal sa una," kibit-balikat na bigay impormasyon nito sa akin."Sky, ano ba ang ginagawa mo r'yan. Kumai
•Gaea•Dahil sa mga nangyari ay matagal na rin kaming hindi nakapag-usap ni Samantha. Wala na akong alam sa mga nangyayari sa buhay nito at sa kanila ni Navy. Huling impormasyon ko tungkol sa kanilang dalawa ay noong maghiwalay sila.Sabay kaming pumulot ng shells at itinapon iyon sa may dagat. Napangiti ako nang maramdaman kong sumandal siya sa aking balikat."Gaea, I'm tired," mahina niyang saad habang hinahaplos ang kanyang braso. Kumunot naman ang aking noo habang nakatingin sa kanya. "Pagod na akong magpanggap na hindi ko na naiisip si Navy. Pagod na akong pigilin ang pag-iyak para hindi malaman ng iba na nasasaktan ako."Sa kabila nang pagkamasayahing tao ni Samantha ay hindi mo aakalaing may itinatago itong sakit sa kanyang dibdib. Mas mabigat pa ang dinadala nito kaysa sa mga taong pinapasaya niya."Bakit hindi mo su
•Gaea•"Later may gaganaping party sa may bar nitong resort. Gusto niyo bang sumama?" tanong nito sa amin nang makarating na rin si Faran, Kenneth at Tuff. Hindi ako sumagot dahil si Clyden ang gusto kong magdesisyon, ayaw ko na ulit na mangyari iyong kanina kahit na pinayagan naman ako nito. "Kung sasama ang mga girls edi sasama rin naman kayo hindi ba? Para naman sabihin na maraming tao ang resort uy!"Matao ang resort ng mga Buenavintura siguro ay dahil na rin binabayaran ng mga bisita nito ang buong lugar sa bawat parte ng result kaya grupo lamang ang makikita rito ngayon."Anong ibibigay mo sa amin kapag pumunta kami?" taas-kilay naman na tanong sa kanya ni Tuff. Napatingala ito at nag-isip ng bagay na ibibigay sa mga sasama sa kanya."Pag-isipan mo nang mabuti iyan, liit, at baka walang magtanggol sa'yo roon kapag na-bully ka!" natatawang
•Gaea• Tinitignan ko ang mga gamit ko at tseni-tsek kung may kulang ba dito at baka may maiwan pa ako. Uuwi na kasi kami pabalik sa Y city at pupuntahan namin mamaya si CN sa bahay nila mama dahil pupunta kaming amusement park at magfa-family bonding. Sabay kaming lahat pauwi. Iisa lang ang sasakyan na gamit namin. Masaya ang byahe pauwi dahil na rin sa kompleto ang buong barkada. Puro harutan, tawanan at kulitan lang ang ginawa namin buong byahe. Ang lalakas mang asar pero ang Dali din namang mapikon. Nang makarating kami sa bahay ng magulang ko ay bumaba na kami sa sasakyan at nagpaalam na sa kanila. Pagpasok namin sa bahay ay nakita namin sila mama na nasa sala at nanonood ng TV. "Ma, nandito na po kami." Sabi ko pagkapasok pa lang namin. Dumeretso kami doon at nagmano sa kanila. "Ma, alis na po kami. Para n
•Gaea• Hinawakan ko ang kamay ni CN nang maramdaman ko ang panginginig nito. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ay nanginginig na ang katawan nito. Bumitaw pa ito kanina sa akin dahil gusto niyang takpan ang kanyang mga mata. Nang makapasok at makaupo ito sa binti ng kanyang ama ay unti-unti naman itong kumalma, ngunit hindi pa rin nakatanaw sa magandang tanawin. Hinayaan ko lang naman ito para hindi siya mabigla at baka ano pa ang gawin kapag natakot ito ng husto. "Mommy, natatakot po ako. Naaalala ko na naman po iyong dati, mommy, daddy," saad niya sa akin. Nasa harapan nila akong dalawa kaya kitang-kita ko kung paano nagpapalit-palit ang reaksyon ng kanyang mukha at mga mata. Dinala ko ang kanyang kamay sa aking labi at ginawaran iyon ng mumunting halik. "You'll be fine, baby, mommy and daddy is here with you. Breath in and breath out," paulit-ulit
•CN•Napatingin ako kay daddy na hindi mapirme sa kanyang kinatatayuan. Kahit naikasal na sila dati ay ganoon pa rin ang reaksyon nito ngayon. Walang pinagbago maliban na lang sa amin ni Corrine at ang pagtanda nila mommy ng ilang taon.Labing-limang taon ang lumipas ngunit wala man lang pinagbago sa nararamdaman nilang dalawa. Corrine and I always witness my parents sweetness and love. Sa ilang taon nilang pagsasama may awayan man ngunit hindi ko narinig maski isa sa kanila na nagsabi na maghiwalay, instead I always hear some comforting words.Iyong matatamis na salita ni daddy na nagpapatigil sa pagtatampo ni mommy. Lumingon ako sa may aisle nang marinig ko ang pagkanta ng wedding singer."Kuya, ang ganda ni mommy!" wika ni Corrine sa aking tabi habang nakatitig sa ina namin. Napangiti ako nang makita ang magandang mukha ni mommy. Wala man lang pinagbago sa
•Eychan•Napatingin ako sa dalawang taong kakapasok lang. Nahihiyang naglakad si tita papalapit sa akin habang si Clyden naman na nakasunod dito ay may malapad na ngiti."Kukunin ko lang si CN para makapag-usap kayo nang maayos," usal niya nang makalapit na siya sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya at pinatayo si CN para mabuhat niya ito. "Kakain muna tayo, big boy, okay? Kailangan natin ng lakas para bantayan si mommy.""Okay po, daddy! Gusto ko pong maging strong para po hindi na ulit masaktan si mommy po." Napangiti ako sa pinag-usapan nilang dalawa at kumaway na sa kanila.Mahina pa ang katawan ko dahil sa nangyaring aksidente, lalo na at kakagising ko pa lang. Pero gusto kong makausap si Tita Letecia hindi ako makatulog hanggat hindi ko ito nakakausap."Gaea, pinapatawag mo raw ako sabi ni Clyden?" mahinahon
•Clyden•Limang oras na ang lumipas at kanina pa ako rito naghihintay ng susundo sa akin ngunit wala namang dumating. Siguro ay naging abala ito sa pagbabantay sa mag-ina ko kaya nakalimutan ni daddy ang pinag-usapan namin kanina.Tiningnan ko ang aking orasan at nang makita ang oras doon ay kaagad na akong nagtawag ng taksi para magpahatid sa hospital na kinaroroonan ni Gaea. Mabilis ang tibok ng aking puso, kinakabahan ako na makita si Gaea sa sitwasyon na kinasasangkutan nito ngayon. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang masaktan ito.Simula nang ma-aksidente ito dati ay pinangako ko na sa aking sarili na iingatan ko na siya ngunit heto at nangyari na naman ulit. "Saan po tayo, sir?" tanong ng taxi driver sa akin nang makasakay na ako at maiayos na ang aking mga gamit."Sa Y General Hospital po, kuya," tugon ko sa kanya at kinuha muli ang cellphone
•Third Person•Ang mga mabibilis na yapak ng mga paa dahil sa takbuhan ng mga nurse at pamilya ng pasyente ang mas lalong nagpagulo sa isipan ni Letecia. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Gaea sa kanya. Sinagip nito ang buhay niya sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Hindi ito nagdalawang-isip na ibuwis ang buhay nito kahit halos itakwil na niya ito.Napatingala ang ginang nang makita niya ang pares ng mga paa sa kanyang harapan. Sumalubong sa kanyang paningin ang nurse na puno rin nang pag-aalala ang mukha habang nakatitig dito."Ma'am, ginagamot na po ang daughter-in-law ninyo, kailangan niyo na pong pumunta sa emergency room para magamot din po kayo." Kumunot ang noo ng matanda at hinawakan ang noong itinuro ng nurse.Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa kamay niyang may dugo. Hindi nito ito iyon namalayan kanina dahil kaag
•Eychan•Napaatras ako nang akmang sasampalin ako nito. Hindi ako pwedeng lumaban pero kung kaya ko namang iwasan ay gagawin ko naman iyon makalayo lang sa gulo. Hindi porke't hindi ako lalaban ay magpapa-api na ako sa kanya nang ganoon kadali, hindi naman ako martyr lalo na at hindi ko naranasan na saktan ng aking mga magulang."Hindi ko alam kung ano ang nakita ng anak ko sayo para pakasalan ka," nakangisi niyang saad at tinitigan ako mula sa aking paa patungo sa ulo. "Wala ka namang ikakabuga at wala kang panama sa ibang babae na kilala ng pamilya namin."Nasaktan ako sa sinabi nito pero pinipilit ko pa rin ang aking sarili na kumalma. Pwede na nga yata akong patungan ng korona para sa pagiging kalmado ko."Hindi po kasi siya bulag, tita, nakikita niya po iyong hindi niyo nakikita," balik ko sa kanya. Nakita ko ang litid ng ugat sa kanyang leeg nang ikuyom
•Gaea•Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Tiningnan ko si CN na mahimbing pa rin na natutulog bago marahan na bumaba sa kama. Tinungo ko kaagad ang pintuan at tiningnan kung sino ang kumakatok."Kailangan po kayo?" tanong ko sa kasambahay na nabungaran ko pagbukas ko ng pinto. Ngumiti naman ito sa akin habang tumatango, mas niluwagan ko pa ang pintuan para magkausap kami nang maayos. "Ano po ang kailangan niyo, nay?"Medyo may katandaan na ito kaya iyon na lang ang ini-address ko sa kanya. "Ma'am, pinapatawag na po kayo nila Mr. Lee sa baba. Kakain na raw po, ma'am," pagbibigay-alam niya.Hindi ko aakalain na sabay-sabay pala rito kung mag-umagahan lalo na at sinabi kagabi ng nakausap kong kasambahay ay minsanan lang magkita o nandito ang mga Lee. Sa dami naman ng negosyo nila ay naiintindihan ko naman ang mga ito.&
•Gaea•Napatingin ako sa mag-ama ko na nasa may paanan ng kama. Nakatayo si CN habang nakaluhod naman sa harapan nito si Clyden para mapantayan ang tangkad ng anak namin."Kapag umalis na si daddy magpakabait ka kay mommy, ah?" bilin nito sa anak. Napangiti ako nang mabilis na tumango si CN ngunit kagat-kagat na ang ibabang labi halatang pinipigil ang pag-iyak."Kailan ka po babalik, daddy? Ilang days po ba ang itutulog ko para pag-gising ko po ay nar'yan na po kayo ulit?" inosente nitong tanong.Tumayo si Clyden at binuhat ang anak para dalhin si CN sa kamang kinauupuan ko. Umupo ang una sa aking tabi habang nakapaupo naman sa kanyang binti si CN."Hindi mo lang namamalayan na nakauwi na pala ako. Pangako iyan, anak, just don't count the days para hindi mo maramdaman ang tagal ng paghihintay, okay?"
•Gaea•Ang malagintong bahay nila Clyden ang muling nakapagtigil sa akin sa paglalakad. Hindi ko maiwasang mailang at subukang ihambing ang sarili ko sa kanya.Kahit na nagtra-trabaho na ako ngayon at may malaking sahod ay hindi pa rin iyon maikukumpara sa yaman ng pamilya niya. 'You can't sit with us' parang iyon ang vibes na nakikita ko sa pamilya nila."Are you okay?" tanong niya sa akin nang mahalata ang pagkatigil ko. Malalim akong napabuntong-hininga at hinanap ng aking mga mata ang pamilya niya, ngunit sa sobrang laki ng mansyon ng mga ito ay hindi naman dumapo ang mga mata ko sa isa sa mga pamilya nito. "Kinakabahan ka pa rin ba? Huwag kang mag-alala, babe, nandito lang ako. Sabihin mo lang sa akin kung may problema ka, okay?""Mommy, huwag ka pong mag-alala nandito rin po ako!" Tumango ako at kinurot ang pisngi ni CN.&nb
•Gaea•Nanatiling nakapokus ang aking paningin kay Clyden na paikot-ikot sa buong kwarto. Akala yata nito ay hindi ko siya papayagan kung aalis siya ngayong araw o sa makalawa.Hindi ako sang-ayon sa biglaang pag-alis nito, pero kung gusto kong magkaayos ang buo naming pamilya ay papahintulutan ko ito. Hindi ko rin maatim na masaktan pa ang bestfriend niya dahil sa paglalayas nito. Kung hindi dahil sa amin ni Russu ay hindi naman iyon mangyayari sa kanya, lalo na at may Terrence na nagmamahal dito."Clyden," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin na puno nang pagtatanong ang mga mata. Marahan kong tinapik ang bakanteng bahagi ng sofa na kinauupuan ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang makaupo na siya sa aking tabi. "Kanina ka pa paikot-ikot, babe, may problema ka ba?" tanong ko kahit alam ko naman na ang dahilan nito.Hindi siya u