•Gaea•
Kinabukasan ay pinatawag ako ni Doktora Clemen sa room na para lang sa baby ko. Ibinilin daw iyon ni Nicolai bago siya mamatay, at ibinigay raw nito ang buong personal savings niya para i-withdraw kay baby.
Mas lumaki ang respeto ko sa kanya dahil sa pag-aalala nito sa anak ko. Hindi ko man siya nakita sa huling sandali niya pero sigurado akong masaya ito ngayon dahil nabuhay kami ni baby. Balang araw kapag nagkita kami ulit sa kabilang buhay ay hindi ako magsasawang magpasalamat sa kanya kahit araw-araw ko pang gawin iyon."Here you go!" masayang saad ni Doktora Clemen nang makapasok ako sa loob. Dala-dala nito ang sanggol na dalawang buwan na simula nang isinilang ko ito. Napangiti ako nang makita ang maliit nitonh katawan. "Buhatin mo siya, hija, hinahanap na niya ang init ng mama niya."
Kinuha ko ito mula sa kanya at binuhat sa aking bisig. Ramdam ko ang•Gaea• "Mom—my!" Natatawa akong napating kay Clyden Nikolai habang tumatakbo ito papalapit sa akin. Dalawang taon na ang lumipas at sapat na sa akin iyon para muling manumbalik ang dati kong sigla lalo na at nasa tabi ko palagi si CN. "Come here! I want ka po rito sa tabi ko, mommy! Ay! Ako na lang po ang pupunta r'yan, my!" masaya niyang saad habang nagpapalakpak. "Bilisan mo, baby, dahil naghihintay si mommy. Ilang minuto ba darating ang baby ko rito. Nami-miss ko pa naman siya nang husto," nakangiting asar ko sa kanya. Inilagay niya ang kanyang kamay sa bibig at humagikhik. Itinuro pa ako nito sa Tita Nene niya na nagbabantay sa kanya ngayon. "Baby Clyden Nicolai, nasaan na ba ang gwapong anak ko na iyo!" nakangiti kong tawag dito. Mas lalong lumakas ang hagikhik nito dahil sa pagtawag ko sa kumpletong pangalan niya. Gusto raw kasi talaga niya ang pangalang ibin
•Gaea• Nasa itaas sina CN at Nene pinapabantayan ko na muna ito sa kapatid ko dahil tumutulong ako kay mama na magluto ng mga pagkaing babaunin namin mamaya. Maliligo kami mamaya sa beach resort na nirentahan ng mga pinsan ko para mas ma-enjoy namin ang bonding namin mamaya. "Bumisita kayo ni Nicolai rito, Gaea, kapag wala kang trabaho, ha? Alam mo naman na mami-miss namin ng ama mo ang makulit namin na apo." Napatawa ako sa sinabi ni mama at tumango, ilang beses na niyang pinaulit-ulit na sabihin sa akin iyon. "Atsaka dapat nakahanda ka palagi kapag nagkikita kayo ng ama niya." "Opo, ma, hindi ko po alam kung kailan kami ulit magkikita ni Clyden pero pinapalangin ko na sana hindi agaran..." Napabuntong-hininga ako habang iniisip ang magiging kahihinatnan ng muling pagkikita namin ni Clyden. "Sa tingin ko po ay hindi ko siya kayang harapin kapag biglaan kaming magkita."
•Gaea•Hindi kami dumeretso sa bahay ni Samantha. Gusto raw itong regaluhan ni CN ng flowers dahil ngayon na lang sila ulit nagkita ng ninang niya, kaya dinala ko ito sa mall na malapit."Anong flowers ba ang gusto mong ibigay kay Ninang Samantha mo?" tanong ko sa kanya. Nagkamot siya sa kanyang batok at nilibot ang kanyang paningin sa kinatatayuan namin. Nanlalaki ang mata nito sa tuwa nang may nakita siyang malaking teddy bear di kalayuan sa amin. Alam ko na iyon ang tinitingnan niya dahil sinusundan ko naman ang mga mata nito. "Huwag mong sabihin na iyang malaking bear ang ibibigay mo?" Labas-ngipin siyang ngumiti sa akin habang kinikisap ang kanyang mga mata.Napakunot ako sa aking noo dahil sobrang cute nito. "Mommy, like ko po iyong pink pero mas like ko po iyong white." Natawa ako sa sinabi nito at kinurot ang kanyang pisngi."Sa tingin ko naman, CN, ikaw iyong may gusto at hindi si Ninang S
•Eychan•Wala akong pakialam sa mga matang nakatingin sa amin habang hawak-hawak ko ang kamay ni Thunder. Kailangan kong iwasan ang mga taong naroroon kung kinakailangan."Eychan, alam kong may gusto ka sa akin pero maaga pa naman at may pasok pa tayong dalawa," bigkas ni Thunder na nakasunod sa aking likuran. "Gusto ko rin namang makasama ka pero ang—"Pareho kaming napatigil ni Thunder nang bigla akong mabangga sa babaeng nasa harapan namin ngayon. Tinaas ko ang aking paningin para humingi sana ng tawad ngunit natigilan ako ng makita ang mukha niya.Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatitig sa kanyang mukha. Kung hindi ko lang kilala ang sarili ko ay tiyak kong mapagkakamalan ko na ako ay siya.Ganoon na gano'n ang itsura ko dati noong hindi pa ako nagtatago sa itsurang ito. Pati ang pananamit ko dati ay kagaya rin ng sa kanya."Ouch!" maarte nitong saad
•Gaea•"Thank you sa pagtanggap ng proyektong ito, Miss Gaea," nakangiting saad ni Jasmin. Tumango ako at tinanggap ang kanyang kamay. "Mauna na kami at kung may kailangan ka ay tawagan mo lang kami. Gusto lang talaga namin na maganda ang kalalabasan ng music video na ito.""Thank you rin sa inyo. Sige po." Hinayaan ko na muna silang naunang umalis bago sumunod sa mga ito.Dahil alam ko naman na hindi sasaktan ni Clyden ang anak namin ay tinapos ko muna ang meeting sa kliyente ko bago nagpaalam kay Miss Nancy na may pupuntahan akong importante. Dahil natapos ko naman ang lahat ng mga nakatambak na scripts kanina ay hinayaan na ako nito, lalo na at sa cafe ko naman dinala ang kliyente.Pagkarating ko sa address na ibinigay sa akin ni Clyden ay kaagad na akong bumaba sa kotse. Matataas ang gate no'n kaya hindi na makita ang bahay. Mabilis kong pinindot ang doorbell at nang tanungin ako ng guard
•Gaea•"Mommy, cry ka po?" tanong sa akin ni CN pagkalapit ko sa kanya. Umiling ako kaagad at lumuhod sa kanyang harapan at niyakap ito nang mahigpit. Nang kumalma ang aking puso ay kaagad akong lumayo sa kanya at tinitigan siya sa kanyang mga mata. "Red po ang eyes niyo, mommy, kaya alam po ni CN na cry po kayo," malambing nitong wika sabay haplos sa aking mukha.Umiling ako at hinuli ang kamay niya at hinalikan iyon. Ako naman ngayon ang humaplos sa kanyang manipis na pisngi. "Hindi umiiyak si mommy. Alam mo ba na napuwing ako kanina roon sa likuran dahil maraming dust?" rason ko sa kanya.Mula sa akin ay ibinaling niya ang tingin sa aking likuran, kaya kaagad kong nilingon kung sino ang tinitingnan nito. "Bakit cry ka rin po? Napuwing ka rin po ba like mommy?" puno ng kainosentehan na tanong nito kay Clyden.Ngumiti naman ang huli at tumango sa t
•Gaea•Habang pinapatulog ako kay CN ay biglang tumunog ang aking cellphone. Napatingin ako sa screen no'n at dahil nasa kabilang side iyon ay hindi ko siya maabot hanggat hindi ako tumatayo."CN," tawag ko sa pangalan ng anak ko para tingnan kung natutulog na ba siya. Narinig ko ang malalim nitong paghinga kaya napangiti ako at hinalikan siya sa noo. "Ang gwapo naman ng baby ko," nakangiti kong saad bago tumayo sa kama.Inayos ko muna ang kumot niya bago pumunta sa kabilang bahagi ng kama at kinuha ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan doon ni Clyden. Hindi ko naman alam kung bakit ito tumatawag sa ganitong oras. Balak ko rin naman siyang tawagan kanina ngunit naisip ko na pupuntahan ko na lang siya bukas para makapag-usap kami nang maayos.Nang muli itong tumunog ay kaagad kong sinagot iyon. "Bakit ka tumawag, Clyden?" bungad na tano
•Gaea•"Clyden, kailangan mo nang umuwi!" utos ko sa kanya dahil malapit nang maghating-gabi at nandito pa rin ito sa apartment. Mula sa kusina ay sinundan pa ako nito patungo sa kwarto namin ni CN. "Clyden, nakikinig ka ba sa akin?"Lumingon siya sa akin at niyakap si CN. Hinalikan pa nito sa noo ang bata bago muling ibinaling ang tingin sa akin. "Alam mo ba na dalawang taon ko rin na hinintay na muli kang makatabi?"Walang-emosyon na dumapo ang aking mata sa kanya. Ngunit binalikan naman ako nito nang masayang mukha. "Hindi mo ba naiintindihan kong bakit kita pinapalayo sa amin ni CN?" inis na tanong ko sa kanya."Gaea, pakinggan mo rin naman ako," nagmamakaawa niyang saad. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin sa ceiling. Ito na naman kami nagsisimula na namin kami sa walang-kwentang usapan na ito. "Si Nicole ay anak ng kapatid ko. Kailangan ko
•CN•Napatingin ako kay daddy na hindi mapirme sa kanyang kinatatayuan. Kahit naikasal na sila dati ay ganoon pa rin ang reaksyon nito ngayon. Walang pinagbago maliban na lang sa amin ni Corrine at ang pagtanda nila mommy ng ilang taon.Labing-limang taon ang lumipas ngunit wala man lang pinagbago sa nararamdaman nilang dalawa. Corrine and I always witness my parents sweetness and love. Sa ilang taon nilang pagsasama may awayan man ngunit hindi ko narinig maski isa sa kanila na nagsabi na maghiwalay, instead I always hear some comforting words.Iyong matatamis na salita ni daddy na nagpapatigil sa pagtatampo ni mommy. Lumingon ako sa may aisle nang marinig ko ang pagkanta ng wedding singer."Kuya, ang ganda ni mommy!" wika ni Corrine sa aking tabi habang nakatitig sa ina namin. Napangiti ako nang makita ang magandang mukha ni mommy. Wala man lang pinagbago sa
•Eychan•Napatingin ako sa dalawang taong kakapasok lang. Nahihiyang naglakad si tita papalapit sa akin habang si Clyden naman na nakasunod dito ay may malapad na ngiti."Kukunin ko lang si CN para makapag-usap kayo nang maayos," usal niya nang makalapit na siya sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya at pinatayo si CN para mabuhat niya ito. "Kakain muna tayo, big boy, okay? Kailangan natin ng lakas para bantayan si mommy.""Okay po, daddy! Gusto ko pong maging strong para po hindi na ulit masaktan si mommy po." Napangiti ako sa pinag-usapan nilang dalawa at kumaway na sa kanila.Mahina pa ang katawan ko dahil sa nangyaring aksidente, lalo na at kakagising ko pa lang. Pero gusto kong makausap si Tita Letecia hindi ako makatulog hanggat hindi ko ito nakakausap."Gaea, pinapatawag mo raw ako sabi ni Clyden?" mahinahon
•Clyden•Limang oras na ang lumipas at kanina pa ako rito naghihintay ng susundo sa akin ngunit wala namang dumating. Siguro ay naging abala ito sa pagbabantay sa mag-ina ko kaya nakalimutan ni daddy ang pinag-usapan namin kanina.Tiningnan ko ang aking orasan at nang makita ang oras doon ay kaagad na akong nagtawag ng taksi para magpahatid sa hospital na kinaroroonan ni Gaea. Mabilis ang tibok ng aking puso, kinakabahan ako na makita si Gaea sa sitwasyon na kinasasangkutan nito ngayon. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang masaktan ito.Simula nang ma-aksidente ito dati ay pinangako ko na sa aking sarili na iingatan ko na siya ngunit heto at nangyari na naman ulit. "Saan po tayo, sir?" tanong ng taxi driver sa akin nang makasakay na ako at maiayos na ang aking mga gamit."Sa Y General Hospital po, kuya," tugon ko sa kanya at kinuha muli ang cellphone
•Third Person•Ang mga mabibilis na yapak ng mga paa dahil sa takbuhan ng mga nurse at pamilya ng pasyente ang mas lalong nagpagulo sa isipan ni Letecia. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Gaea sa kanya. Sinagip nito ang buhay niya sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Hindi ito nagdalawang-isip na ibuwis ang buhay nito kahit halos itakwil na niya ito.Napatingala ang ginang nang makita niya ang pares ng mga paa sa kanyang harapan. Sumalubong sa kanyang paningin ang nurse na puno rin nang pag-aalala ang mukha habang nakatitig dito."Ma'am, ginagamot na po ang daughter-in-law ninyo, kailangan niyo na pong pumunta sa emergency room para magamot din po kayo." Kumunot ang noo ng matanda at hinawakan ang noong itinuro ng nurse.Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa kamay niyang may dugo. Hindi nito ito iyon namalayan kanina dahil kaag
•Eychan•Napaatras ako nang akmang sasampalin ako nito. Hindi ako pwedeng lumaban pero kung kaya ko namang iwasan ay gagawin ko naman iyon makalayo lang sa gulo. Hindi porke't hindi ako lalaban ay magpapa-api na ako sa kanya nang ganoon kadali, hindi naman ako martyr lalo na at hindi ko naranasan na saktan ng aking mga magulang."Hindi ko alam kung ano ang nakita ng anak ko sayo para pakasalan ka," nakangisi niyang saad at tinitigan ako mula sa aking paa patungo sa ulo. "Wala ka namang ikakabuga at wala kang panama sa ibang babae na kilala ng pamilya namin."Nasaktan ako sa sinabi nito pero pinipilit ko pa rin ang aking sarili na kumalma. Pwede na nga yata akong patungan ng korona para sa pagiging kalmado ko."Hindi po kasi siya bulag, tita, nakikita niya po iyong hindi niyo nakikita," balik ko sa kanya. Nakita ko ang litid ng ugat sa kanyang leeg nang ikuyom
•Gaea•Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Tiningnan ko si CN na mahimbing pa rin na natutulog bago marahan na bumaba sa kama. Tinungo ko kaagad ang pintuan at tiningnan kung sino ang kumakatok."Kailangan po kayo?" tanong ko sa kasambahay na nabungaran ko pagbukas ko ng pinto. Ngumiti naman ito sa akin habang tumatango, mas niluwagan ko pa ang pintuan para magkausap kami nang maayos. "Ano po ang kailangan niyo, nay?"Medyo may katandaan na ito kaya iyon na lang ang ini-address ko sa kanya. "Ma'am, pinapatawag na po kayo nila Mr. Lee sa baba. Kakain na raw po, ma'am," pagbibigay-alam niya.Hindi ko aakalain na sabay-sabay pala rito kung mag-umagahan lalo na at sinabi kagabi ng nakausap kong kasambahay ay minsanan lang magkita o nandito ang mga Lee. Sa dami naman ng negosyo nila ay naiintindihan ko naman ang mga ito.&
•Gaea•Napatingin ako sa mag-ama ko na nasa may paanan ng kama. Nakatayo si CN habang nakaluhod naman sa harapan nito si Clyden para mapantayan ang tangkad ng anak namin."Kapag umalis na si daddy magpakabait ka kay mommy, ah?" bilin nito sa anak. Napangiti ako nang mabilis na tumango si CN ngunit kagat-kagat na ang ibabang labi halatang pinipigil ang pag-iyak."Kailan ka po babalik, daddy? Ilang days po ba ang itutulog ko para pag-gising ko po ay nar'yan na po kayo ulit?" inosente nitong tanong.Tumayo si Clyden at binuhat ang anak para dalhin si CN sa kamang kinauupuan ko. Umupo ang una sa aking tabi habang nakapaupo naman sa kanyang binti si CN."Hindi mo lang namamalayan na nakauwi na pala ako. Pangako iyan, anak, just don't count the days para hindi mo maramdaman ang tagal ng paghihintay, okay?"
•Gaea•Ang malagintong bahay nila Clyden ang muling nakapagtigil sa akin sa paglalakad. Hindi ko maiwasang mailang at subukang ihambing ang sarili ko sa kanya.Kahit na nagtra-trabaho na ako ngayon at may malaking sahod ay hindi pa rin iyon maikukumpara sa yaman ng pamilya niya. 'You can't sit with us' parang iyon ang vibes na nakikita ko sa pamilya nila."Are you okay?" tanong niya sa akin nang mahalata ang pagkatigil ko. Malalim akong napabuntong-hininga at hinanap ng aking mga mata ang pamilya niya, ngunit sa sobrang laki ng mansyon ng mga ito ay hindi naman dumapo ang mga mata ko sa isa sa mga pamilya nito. "Kinakabahan ka pa rin ba? Huwag kang mag-alala, babe, nandito lang ako. Sabihin mo lang sa akin kung may problema ka, okay?""Mommy, huwag ka pong mag-alala nandito rin po ako!" Tumango ako at kinurot ang pisngi ni CN.&nb
•Gaea•Nanatiling nakapokus ang aking paningin kay Clyden na paikot-ikot sa buong kwarto. Akala yata nito ay hindi ko siya papayagan kung aalis siya ngayong araw o sa makalawa.Hindi ako sang-ayon sa biglaang pag-alis nito, pero kung gusto kong magkaayos ang buo naming pamilya ay papahintulutan ko ito. Hindi ko rin maatim na masaktan pa ang bestfriend niya dahil sa paglalayas nito. Kung hindi dahil sa amin ni Russu ay hindi naman iyon mangyayari sa kanya, lalo na at may Terrence na nagmamahal dito."Clyden," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin na puno nang pagtatanong ang mga mata. Marahan kong tinapik ang bakanteng bahagi ng sofa na kinauupuan ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang makaupo na siya sa aking tabi. "Kanina ka pa paikot-ikot, babe, may problema ka ba?" tanong ko kahit alam ko naman na ang dahilan nito.Hindi siya u