•Gaea•
Tatlong linggo ang lumipas. Ngayon ay pupunta ako sa hotel kung saan ang set para sa last shooting. Masaya ako dahil malapit na ring matapos ang trabaho ko na pupunta sa mga set, at mananatili na lamang ako sa opisina.
Tinatamad na akong maggagala lalo na ngayon at may maumbok na ang akin tiyan at madali na lamang akong mapagod."Babe, tawagan mo lang ako mamaya, okay? Susunduin kita huwag kang umuwi ng mag-isa lalo na at delikado na ang panahon ngayon." Simula noong mag-away kami ay sa condo na ako nito umuuwi para raw mabantayan niya kami ni baby at hindi naman ako nagreklamo dahil palagi na namang umalis si Samantha kaya wala akong kasama sa apartment. "I'll see you later?" nakangiti niyang tanong.Tumango ako at niyakap siya nang mahigpit. Kahit magkasama kami sa bahay ay palagi ko pa rin itong nami-miss.
Hinalikan ko ito sa la•Gaea•Hindi ko alam kung paano nagagawa ni Cassandra ang bagay na iyon. Sa maamo nitong mukha, hindi mo aakalain na makakagawa ito ng masama. Ngunit ang galit sa mga mata nito habang nakatingin sa akin hindi maipagkakaila na handa itong patayin ang taong nasa harapan nito sa mga oras na iyon.Hindi ko alam kung may ibang galit ba ito sa akin o kung talagang dahil lang iyon sa relasyon namin ni Clyden. Kung hihiwalayan ko ba si Clyden ay titigilan na ako nito? Pero paano naman si baby? Makakaya ko bang palakihin itong mag-isa? Ano ang sasabihin ko kapag naghanap ito sa ama niya kapag lumaki na siya?"Halika, Gaea, sa sofa ka umupo. Hindi pwedeng umupo ka sa malamig na sahig na'to." Napantingin ako kay Samantha Nicolai nang marinig ko itong magsalita. Sa pagkakaalam ko ay wala itong scene ngayon pero mabuti na lang at nagpunta siya rito at nasagip niya kami ng anak ko. "Hawakan mo ang kamay mo."&nb
•Clyden•Sinundan ko ng tingin ang papalayong si Gaea. Nasasaktan din naman ako sa tuwing nakikita ko itong umiiyak o nasasaktan ko, pero hindi ko rin naman pwedeng paniwalaan kaagad ang sinasabi nito.Kaibigan ko na si Cassandra mula pa noong bata kami. Siya itong tumulong sa tuwing pinapagalitan ako ng mga magulang ko. Siya rin ang sumasalo sa akin kapag nagpupunta kami ng barkada sa probinsya para lang mag-overnight. Palagi ako nitong sinasagip sa pamamagitan ng pagsama sa akin at sabihan si mommy na huwag mag-alala dahil nandoon naman siya.Hindi ko ito nakitang manakit ng ibang tao mula pagkabata kaya nahihirapan akong paniwalaan si Gaea. Lalo na at nag-away rin kami dati ni Cassandra dahil pinagbibintangan ito ng dati kong nobya at nalaman ko na lang na wala pala talaga itong kasalanan."I'm sorry, Gaea," mahina kong bulong. Bumalik ako sa pagluluto dah
•Gaea•Kumunot ang noo ko nang makita ang sasakyan na papalapit sa pwesto namin ni Nicolai. Pinuntahan ako nito kanina sa bahay nang sinabihan ko siyang magta-taxi lang ako dahil hindi ako mahahatid ni Clyden dahil mag-uusap sila mamaya ni Cassandra."Sino naman ang walang-hiyang driver na'to!" naiinis niyang saad. Kulang na lang yata ay murahin nito ang driver na dikit ng dikit sa kotse namin. "Pasensya ka na, Gaea, ah. Wait lang!"Ilalabas sana nito ang kanyang ulo nang biglang may nagpaputok. Pareho kaming napatili sa sobrang gulat, lalo na at muntikan na niyang ilabas ang kanyang ulo."Gaea, are you okay?""I'm fine, Nicolai, dapat ikaw ang tatanungin ko n'yan. Hindi ka ba nasaktan?" nag-aalala kong tanong. Ngunit hindi pa siya nakakasagot nang may bumangga na naman sa gilid ng sasakyan namin."The f
•Gaea•Dalawang linggo ang matulin na lumipas natanggal na rin ang tubo sa bibig ko at si Samantha at Kristel ang palagi kong kasama ngayon. Ilang ulit nang gustong pumasok sa kwarto ko ngunit hindi ko hinahayaan.Ngayon nga ay nasa labas na naman ito at nag-eeskandalo. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Samantha at papaalisin na naman sana ito nang hinawakan ko ang kanyang kamay. Lumingon ito sa akin nang may pagtataka."Kakausapin ko siya, Samantha, gusto kong magkausap kami nang masinsinan para hindi na siya ulit manggulo," mariin niyang saad. Tumango naman siya at marahang tinapik ang kamay ko at hinila papunta sa may pintuan si Kristel."Tawagin mo lang kami kapag may kailangan ka, okay?" saad nito nang lumingon siya sa akin. Tumango ako at malapad na ngumiti sa kanya."Samantha, pwede ko na bang makausap an
•Gaea•Kinabukasan ay pinatawag ako ni Doktora Clemen sa room na para lang sa baby ko. Ibinilin daw iyon ni Nicolai bago siya mamatay, at ibinigay raw nito ang buong personal savings niya para i-withdraw kay baby.Mas lumaki ang respeto ko sa kanya dahil sa pag-aalala nito sa anak ko. Hindi ko man siya nakita sa huling sandali niya pero sigurado akong masaya ito ngayon dahil nabuhay kami ni baby. Balang araw kapag nagkita kami ulit sa kabilang buhay ay hindi ako magsasawang magpasalamat sa kanya kahit araw-araw ko pang gawin iyon."Here you go!" masayang saad ni Doktora Clemen nang makapasok ako sa loob. Dala-dala nito ang sanggol na dalawang buwan na simula nang isinilang ko ito. Napangiti ako nang makita ang maliit nitonh katawan. "Buhatin mo siya, hija, hinahanap na niya ang init ng mama niya."Kinuha ko ito mula sa kanya at binuhat sa aking bisig. Ramdam ko ang
•Gaea• "Mom—my!" Natatawa akong napating kay Clyden Nikolai habang tumatakbo ito papalapit sa akin. Dalawang taon na ang lumipas at sapat na sa akin iyon para muling manumbalik ang dati kong sigla lalo na at nasa tabi ko palagi si CN. "Come here! I want ka po rito sa tabi ko, mommy! Ay! Ako na lang po ang pupunta r'yan, my!" masaya niyang saad habang nagpapalakpak. "Bilisan mo, baby, dahil naghihintay si mommy. Ilang minuto ba darating ang baby ko rito. Nami-miss ko pa naman siya nang husto," nakangiting asar ko sa kanya. Inilagay niya ang kanyang kamay sa bibig at humagikhik. Itinuro pa ako nito sa Tita Nene niya na nagbabantay sa kanya ngayon. "Baby Clyden Nicolai, nasaan na ba ang gwapong anak ko na iyo!" nakangiti kong tawag dito. Mas lalong lumakas ang hagikhik nito dahil sa pagtawag ko sa kumpletong pangalan niya. Gusto raw kasi talaga niya ang pangalang ibin
•Gaea• Nasa itaas sina CN at Nene pinapabantayan ko na muna ito sa kapatid ko dahil tumutulong ako kay mama na magluto ng mga pagkaing babaunin namin mamaya. Maliligo kami mamaya sa beach resort na nirentahan ng mga pinsan ko para mas ma-enjoy namin ang bonding namin mamaya. "Bumisita kayo ni Nicolai rito, Gaea, kapag wala kang trabaho, ha? Alam mo naman na mami-miss namin ng ama mo ang makulit namin na apo." Napatawa ako sa sinabi ni mama at tumango, ilang beses na niyang pinaulit-ulit na sabihin sa akin iyon. "Atsaka dapat nakahanda ka palagi kapag nagkikita kayo ng ama niya." "Opo, ma, hindi ko po alam kung kailan kami ulit magkikita ni Clyden pero pinapalangin ko na sana hindi agaran..." Napabuntong-hininga ako habang iniisip ang magiging kahihinatnan ng muling pagkikita namin ni Clyden. "Sa tingin ko po ay hindi ko siya kayang harapin kapag biglaan kaming magkita."
•Gaea•Hindi kami dumeretso sa bahay ni Samantha. Gusto raw itong regaluhan ni CN ng flowers dahil ngayon na lang sila ulit nagkita ng ninang niya, kaya dinala ko ito sa mall na malapit."Anong flowers ba ang gusto mong ibigay kay Ninang Samantha mo?" tanong ko sa kanya. Nagkamot siya sa kanyang batok at nilibot ang kanyang paningin sa kinatatayuan namin. Nanlalaki ang mata nito sa tuwa nang may nakita siyang malaking teddy bear di kalayuan sa amin. Alam ko na iyon ang tinitingnan niya dahil sinusundan ko naman ang mga mata nito. "Huwag mong sabihin na iyang malaking bear ang ibibigay mo?" Labas-ngipin siyang ngumiti sa akin habang kinikisap ang kanyang mga mata.Napakunot ako sa aking noo dahil sobrang cute nito. "Mommy, like ko po iyong pink pero mas like ko po iyong white." Natawa ako sa sinabi nito at kinurot ang kanyang pisngi."Sa tingin ko naman, CN, ikaw iyong may gusto at hindi si Ninang S
•CN•Napatingin ako kay daddy na hindi mapirme sa kanyang kinatatayuan. Kahit naikasal na sila dati ay ganoon pa rin ang reaksyon nito ngayon. Walang pinagbago maliban na lang sa amin ni Corrine at ang pagtanda nila mommy ng ilang taon.Labing-limang taon ang lumipas ngunit wala man lang pinagbago sa nararamdaman nilang dalawa. Corrine and I always witness my parents sweetness and love. Sa ilang taon nilang pagsasama may awayan man ngunit hindi ko narinig maski isa sa kanila na nagsabi na maghiwalay, instead I always hear some comforting words.Iyong matatamis na salita ni daddy na nagpapatigil sa pagtatampo ni mommy. Lumingon ako sa may aisle nang marinig ko ang pagkanta ng wedding singer."Kuya, ang ganda ni mommy!" wika ni Corrine sa aking tabi habang nakatitig sa ina namin. Napangiti ako nang makita ang magandang mukha ni mommy. Wala man lang pinagbago sa
•Eychan•Napatingin ako sa dalawang taong kakapasok lang. Nahihiyang naglakad si tita papalapit sa akin habang si Clyden naman na nakasunod dito ay may malapad na ngiti."Kukunin ko lang si CN para makapag-usap kayo nang maayos," usal niya nang makalapit na siya sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya at pinatayo si CN para mabuhat niya ito. "Kakain muna tayo, big boy, okay? Kailangan natin ng lakas para bantayan si mommy.""Okay po, daddy! Gusto ko pong maging strong para po hindi na ulit masaktan si mommy po." Napangiti ako sa pinag-usapan nilang dalawa at kumaway na sa kanila.Mahina pa ang katawan ko dahil sa nangyaring aksidente, lalo na at kakagising ko pa lang. Pero gusto kong makausap si Tita Letecia hindi ako makatulog hanggat hindi ko ito nakakausap."Gaea, pinapatawag mo raw ako sabi ni Clyden?" mahinahon
•Clyden•Limang oras na ang lumipas at kanina pa ako rito naghihintay ng susundo sa akin ngunit wala namang dumating. Siguro ay naging abala ito sa pagbabantay sa mag-ina ko kaya nakalimutan ni daddy ang pinag-usapan namin kanina.Tiningnan ko ang aking orasan at nang makita ang oras doon ay kaagad na akong nagtawag ng taksi para magpahatid sa hospital na kinaroroonan ni Gaea. Mabilis ang tibok ng aking puso, kinakabahan ako na makita si Gaea sa sitwasyon na kinasasangkutan nito ngayon. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang masaktan ito.Simula nang ma-aksidente ito dati ay pinangako ko na sa aking sarili na iingatan ko na siya ngunit heto at nangyari na naman ulit. "Saan po tayo, sir?" tanong ng taxi driver sa akin nang makasakay na ako at maiayos na ang aking mga gamit."Sa Y General Hospital po, kuya," tugon ko sa kanya at kinuha muli ang cellphone
•Third Person•Ang mga mabibilis na yapak ng mga paa dahil sa takbuhan ng mga nurse at pamilya ng pasyente ang mas lalong nagpagulo sa isipan ni Letecia. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Gaea sa kanya. Sinagip nito ang buhay niya sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Hindi ito nagdalawang-isip na ibuwis ang buhay nito kahit halos itakwil na niya ito.Napatingala ang ginang nang makita niya ang pares ng mga paa sa kanyang harapan. Sumalubong sa kanyang paningin ang nurse na puno rin nang pag-aalala ang mukha habang nakatitig dito."Ma'am, ginagamot na po ang daughter-in-law ninyo, kailangan niyo na pong pumunta sa emergency room para magamot din po kayo." Kumunot ang noo ng matanda at hinawakan ang noong itinuro ng nurse.Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa kamay niyang may dugo. Hindi nito ito iyon namalayan kanina dahil kaag
•Eychan•Napaatras ako nang akmang sasampalin ako nito. Hindi ako pwedeng lumaban pero kung kaya ko namang iwasan ay gagawin ko naman iyon makalayo lang sa gulo. Hindi porke't hindi ako lalaban ay magpapa-api na ako sa kanya nang ganoon kadali, hindi naman ako martyr lalo na at hindi ko naranasan na saktan ng aking mga magulang."Hindi ko alam kung ano ang nakita ng anak ko sayo para pakasalan ka," nakangisi niyang saad at tinitigan ako mula sa aking paa patungo sa ulo. "Wala ka namang ikakabuga at wala kang panama sa ibang babae na kilala ng pamilya namin."Nasaktan ako sa sinabi nito pero pinipilit ko pa rin ang aking sarili na kumalma. Pwede na nga yata akong patungan ng korona para sa pagiging kalmado ko."Hindi po kasi siya bulag, tita, nakikita niya po iyong hindi niyo nakikita," balik ko sa kanya. Nakita ko ang litid ng ugat sa kanyang leeg nang ikuyom
•Gaea•Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Tiningnan ko si CN na mahimbing pa rin na natutulog bago marahan na bumaba sa kama. Tinungo ko kaagad ang pintuan at tiningnan kung sino ang kumakatok."Kailangan po kayo?" tanong ko sa kasambahay na nabungaran ko pagbukas ko ng pinto. Ngumiti naman ito sa akin habang tumatango, mas niluwagan ko pa ang pintuan para magkausap kami nang maayos. "Ano po ang kailangan niyo, nay?"Medyo may katandaan na ito kaya iyon na lang ang ini-address ko sa kanya. "Ma'am, pinapatawag na po kayo nila Mr. Lee sa baba. Kakain na raw po, ma'am," pagbibigay-alam niya.Hindi ko aakalain na sabay-sabay pala rito kung mag-umagahan lalo na at sinabi kagabi ng nakausap kong kasambahay ay minsanan lang magkita o nandito ang mga Lee. Sa dami naman ng negosyo nila ay naiintindihan ko naman ang mga ito.&
•Gaea•Napatingin ako sa mag-ama ko na nasa may paanan ng kama. Nakatayo si CN habang nakaluhod naman sa harapan nito si Clyden para mapantayan ang tangkad ng anak namin."Kapag umalis na si daddy magpakabait ka kay mommy, ah?" bilin nito sa anak. Napangiti ako nang mabilis na tumango si CN ngunit kagat-kagat na ang ibabang labi halatang pinipigil ang pag-iyak."Kailan ka po babalik, daddy? Ilang days po ba ang itutulog ko para pag-gising ko po ay nar'yan na po kayo ulit?" inosente nitong tanong.Tumayo si Clyden at binuhat ang anak para dalhin si CN sa kamang kinauupuan ko. Umupo ang una sa aking tabi habang nakapaupo naman sa kanyang binti si CN."Hindi mo lang namamalayan na nakauwi na pala ako. Pangako iyan, anak, just don't count the days para hindi mo maramdaman ang tagal ng paghihintay, okay?"
•Gaea•Ang malagintong bahay nila Clyden ang muling nakapagtigil sa akin sa paglalakad. Hindi ko maiwasang mailang at subukang ihambing ang sarili ko sa kanya.Kahit na nagtra-trabaho na ako ngayon at may malaking sahod ay hindi pa rin iyon maikukumpara sa yaman ng pamilya niya. 'You can't sit with us' parang iyon ang vibes na nakikita ko sa pamilya nila."Are you okay?" tanong niya sa akin nang mahalata ang pagkatigil ko. Malalim akong napabuntong-hininga at hinanap ng aking mga mata ang pamilya niya, ngunit sa sobrang laki ng mansyon ng mga ito ay hindi naman dumapo ang mga mata ko sa isa sa mga pamilya nito. "Kinakabahan ka pa rin ba? Huwag kang mag-alala, babe, nandito lang ako. Sabihin mo lang sa akin kung may problema ka, okay?""Mommy, huwag ka pong mag-alala nandito rin po ako!" Tumango ako at kinurot ang pisngi ni CN.&nb
•Gaea•Nanatiling nakapokus ang aking paningin kay Clyden na paikot-ikot sa buong kwarto. Akala yata nito ay hindi ko siya papayagan kung aalis siya ngayong araw o sa makalawa.Hindi ako sang-ayon sa biglaang pag-alis nito, pero kung gusto kong magkaayos ang buo naming pamilya ay papahintulutan ko ito. Hindi ko rin maatim na masaktan pa ang bestfriend niya dahil sa paglalayas nito. Kung hindi dahil sa amin ni Russu ay hindi naman iyon mangyayari sa kanya, lalo na at may Terrence na nagmamahal dito."Clyden," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin na puno nang pagtatanong ang mga mata. Marahan kong tinapik ang bakanteng bahagi ng sofa na kinauupuan ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang makaupo na siya sa aking tabi. "Kanina ka pa paikot-ikot, babe, may problema ka ba?" tanong ko kahit alam ko naman na ang dahilan nito.Hindi siya u