"Uminom ka muna ng tubig." Inilahad ni Ate Chantal ang isang basong tubig at agad ko namang tinanggap iyon.At habang umiinom ay muli siyang bumalik sa pagkakaupo sa mahabang sofa na katapat lang niyong sa akin. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso sa ilalim ng dibdib at nagdekwarto ang dalawang binti habang matamang nakatingin sa akin. Base sa suot niyang damit ay halatang kauuwi lamang niya galing sa trabaho. Medyo mapungay na rin ang kaniyang mga mata na para bang pagod na pagod na sa dami ng mga ginawa buong maghapon.Nang maubos ko ang laman ng baso ay marahan ko iyong ipinatong sa babasaging lamesa. Tumikhim ako't umayos ng pagkakaupo. Hindi malaman kung saan ko ibabaling ang aking paningin. Ngayong nahimasmasan na ako ay ramdam ko na ang matinding awkwardness sa pagitan naming dalawa dahil paulit-ulit na nagre-replay sa aking utak ang mga katagang binitawan niya kanina."...Simula ngayon hindi ka na papabayaan ni Ate. Hindi ka na mag-isa, kasama mo na ako."Every word she had
"So magkwento ka naman," aniya at pinagtaasan ako ng kilay.Dagli akong natigilan bago tipid na natawa. "Ano namang ikwe-kwento ko sa 'yo?""Kung bakit bigla ka na lang sumulpot dito?" Umarko ang kaniyang kilay. "Siguro'y natauhan ka na sa mga pinaggagawa ng asawa mo 'no?"Natutop ko ang aking bibig dahil sa walang prenong tanong niya. Now I'm wondering if she knew what happened to Anne and Aziel? Alam kaya niyang nawalan ng anak iyong dalawa? Aware kaya siya sa mga nangyayari noon o kagaya ko ring walang ideya?"I just want to breathe for a while," tanging nagging sagot ko lang na siyang dahilan para mas lalong lumalim ang gatla sa kaniyang noo.She scoffed at me. "Breathe lang? Hindi pa rin kayo maghihiwalay? Bilib din ako sa katangahan mo, ah!""Pinag-iisipan ko pa. Gusto ko munang pag-isipang mabuti ang mga desisyon ko dahil ayaw kong magsisi ulit sa huli."I don't want to commit the same mistakes again. Iyon ang napagtanto ko nitong mga nagdaang araw. Ang isang desisyon ay hindi
Hindi gan'on kahaba ang inilaan kong oras para pag-isipan ko ang desisyong ito. Basta ang nasa utak ko lang n'on ay gusto ko nang makalayo. Bahala na kung sa huli ay magsisi na naman ako.I always made impulsive decisions and got easily swayed by my emotions. Kagaya nga noong sinabi sa akin ni Ate Chantal habang nasa biyahe kami papuntang Bohol, mabilis daw akong mauto – na kahit kaunting salita lamang ay bumibigay at naniniwala na ako.Marami pa siyang patutsada sa akin na hindi ko na pinatulan pa dahil bukod alam kong may sense naman ang sinasabi niya ay lumilipad din ang utak ko kung tama na naman ba itong pinaggagawa ko. May malaking parte na nagsasabi sa akin na ayaw kong iwan si Aziel, iyon ang totoo. Pero kung paulit-ulit ko naman siyang pipiliin, paano naman ako? Ano na lang ang matitira para sa sarili ko?Sa Anda, Bohol matatagpuan ang beach resort na sinasabi ni Ate Chantal na ima-manage ko. Hindi naman kaagad ako magsisimula sa mataas na posisyon dahil kinakailangan ko pang
Matapos ng ilang buwan kong pananatili ko sa Anda ay inilipat na ako ni Mommy sa malaking branch ng aming resort sa Panglao. At first, medyo natatakot at kinakabahan pa ako dahil mas malaking responsibilidad na ang nakapatong sa aking balikat na kalaunan ay nakasanayan ko na rin naman.Dulot ng kaliwa't kanang trabaho ay wala na akong naiisip pa na kung ano. Minsan nga ay nakakalimutan ko na kung ano ang dahilan at bakit ako napadpad dito.Ang panandaliang paglayo sa aking asawa ay nagdulot naman ng magandang resulta. Tila isa akong ibon na nakawala sa hawla. Gumaan ang bawat paghinga at ang takbo ng aking utak ay naging mapayapa, kahit na minsan ay may mga pagkakataong binibisita pa rin ako ng pagkabahala.Natuto akong maging bukas sa ibang tao. Natuto akong manindigan sa pinaniniwalaan ko at pagdating sa pagdedesisyon ay hindi na ako padalos-dalos. Lahat ng ideya at maaaring maging epekto nito'y talagang pinag-iisipan ko.Mas naging malalim din ang pagkakakilala naming magkapatid pa
When our fourth anniversary came, I celebrated it alone. I prepared a simple dinner date for myself on the shore while watching the sunset. Ate Chantal made it just exclusive for me.And I must tell you that it was such a bittersweet moment. Mukha akong tangang umiiyak habang inaalala ang tatlong taon naming pagsasama. Kahit hindi naging maayos ang takbo ng relasyon namin, hindi ko rin maitatangging naging masaya ako habang kapiling siya.Naalala ko pa iyong halos isumpa niya ako dahil ayaw niyang matali sa akin pero wala pang dalawang buwan ng pagsasama ay dinala niya ako sa bagong bahay na ipinagawa niya na para sa aming dalawa talaga. Iyong mga panahong sinasabi kong gusto kong magpagupit ng buhok pero nagagalit siya sa akin dahil mas gusto niya raw itong mahaba.The way he took me gently while we were having sex, consistently kissed my forehead and wearing my clothes back after the deed. Even the fact that he memorized the small details about what was my favorites and what's not.
Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko. Kung alam lang ni Ate Chantal kung gaano ko siya gustong sabunutan sa labis na pagkairita. Halata namang sinadya niyang gawin ang lahat ng ito.Sa harap pa talaga ni Aziel ako napiling paupuin. Simula nang dumating ako sa lamesang ito'y hindi na niya nilubayan ng tingin. Sa kanan niya ay si Louie at Dewei na pangisi-ngisi sa akin. Sa kaliwa naman ay iyong maganda at sexy'ng babae na nagngangalang Larisa na halatang-halatang interesado sa magaling kong asawa.Maingay ang buong hapagkainan dahil na rin kay Ate Chantal na bangkang-bangka sa usapan. Nanatili lamang akong nakayuko at pinaglalaruan ang aking pagkain, ni hindi ko man lang magawang makitawa sa kanila.To be honest, I still don't know what to feel. Nasa pagitan pa rin ako ng gulat at pangangarap na hindi ito totoo, na isa lamang panaginip.Iyong taong halos buwan ko ring hindi nakita, iyong taong araw-araw kong iniisip at ipinagdarasal sa gabi ay narito na mismo sa harapan ko. Iis
"Bakit ganiyan ka kung makareact, Chantria? If I know namiss mo rin ang asawa mo," may bahid ng pang-aasar na saad sa akin ni Ate Chantal.Mula sa baso ng alak ay matalim akong nag-angat ng tingin sa aking demonyitang kapatid na pangisi-ngisi lang habang lumalaklak ng alak sa aking harapan."Manahimik ka nga, Ate. Baka mamaya'y may makarinig sa iyo at isiping marupok ako."Kahit na malakas at dumadagundong ang music dito sa bar ay naungusan iyon ng hagalpak niya."Dalawang linggo siyang mananatili rito sa BTB, Chantria. Huwag mong sabihin na dalawang linggo ka rin magkukulong sa kwarto para lang hindi magkrus ang landas nyo?" asik pa niya."Oo, gagawin ko talaga iyon." Dinampot ko ang baso at dire-diretsong nilagok ang lahat ng laman niyon. Mariin kong ipinikit ang mga mata nang gumuhit ang pait at init na dulot n'on sa aking lalamunan.Kasunod kong sinulyapan ay si Everleigh na tahimik at tila lumilipad ang isip. Kahapon ko pa napapansin na parang wala siya sa sarili. Para bang takot
Kumunot ang noo ni Ate Chantal, nagtataka na rin sa inaasta ng kaibigan namin. "They already separated when I came into the picture. On going na rin ang annulment nila noong nakilala ko si Dewei–""But you still have a hidden agenda..." bintang ni Leigh kaya naalarma na ako.Why was she reacting this way? Hindi ba niya naiintindihang mabuti ang sinabi ng kapatid ko?Pagak na natawa si Ate Chantal at marahas na umiling. "Leigh naman, bobo ka ba? Hindi ako ganiyan kadesperada. Alam kong hiwalay na sila, but I know that I won't risk my heart with someone who's still married in the eyes of God and in the law. Dahil alam kong sa huli, ako rin ang madedehado. Ayaw kong madungisan ang pangalan o reputasyon ko. So, I'll just wait here. Saka lang ako gagawa ng move para mas makilala siya nang lubos kapag alam kong wala na talaga siyang sabit," mahabang lintanya niya.Pinagmamasdan ko ang itsura ni Leigh na nawalan na ng imik. Akala ko'y doon na magtatapos ang mga sinasbi ni Ate, ngunit hindi p
"Sir, wala pong nakaregister na Aziel and Chantria Navarro sa marriage certificate."My forehead creased in sudden confusion. "What? Check it again. That's impossible."The lady shook her head again. "Sir, wala po talaga. If you want po, I can give you a copy of your CENOMAR," paliwanag pa niya sa akin.Para na naman akong napunta sa isang malaking bangungungot habang binabasa ang nakasaad sa mga dokumento. Hindi kami totoong ikinasal ni Chantria. Sa mata ng batas at Diyos, hindi kami mag-asawa. Habang nasa loob ng sasakyan ay sinabunutan ko ang aking buhok at ilang beses na pinagsasampal ang sarili, nakikiusap at humihiling na sana'y panaginip lang ang lahat ng ito.Ilang beses kong sinubukang sabihin kay Chantria pero palagi lamang akong nabibigo, lalo na sa tuwing nakikita ko kung paano kumikislap ang kaniyang mata sa labis na saya. Kumikirot ang puso ko sa tuwing pinagmamasdan siya.Tangina naman, bakit baa ng damot sa amin ng mundo? Hindi na ba talaga kami puwedeng maging masaya?
My sister went back to the Philippines for our wedding. Buong akala ko'y kahit papaano ay magiging masaya iyon pero ang hindi ko inaasahan ay ang isang text na galing sa magulang ni Anne na wala na ang mga batang dinadala niya at ako ang sinisisi nila sa nangyari.Anne became depressed and her family wanted me to take all the responsibilities for what happened to their daughter because if not, they would do anything just to ruin our reputation as well as the Saavedra's... at ayaw kong mangyari iyon dahil paniguradong sa huli ay sa akin din mapupunta ang sisi.Naghalo-halo na ang nararamdaman ko noong panahong iyon. Para akong mababaliw sa dami ng iniisip. Gusto kong umiyak at magmukmok dahil pakiramdam ko'y pumalpak ako bilang anak at sinisisi ko rin ang sarili dahil sa nangyari kay Anne at sa bata.I wanted to grieve, to mourn, or even just to fucking breathe for a while, pero hindi iyon nangyari dahil pagkatapos na pagkatapos ng kasal ay agad na akong sumabak sa trabaho at pag-aaral
Marami kaming pagkakahalintulad kagaya ng pareho kaming walang choice kundi ang sumunod sa mapagdesisyon naming magulang. Tho, ako naman ay hindi natatakot sumuway kapag may pagkakataon. Mas mahirap lamang sa parte niya dahil hindi siya itinuturing bilang pamilya dahil anak 'lamang' daw siya sa labas kaya wala siyang ibang pagpipilian talaga kundi ang sumunod. At habang nakikilala ko nga siya ay hindi ko maiwasang mamiss ang kapatid kong nasa ibang bansa.Chantria... she could pass as my younger sister. But I know and it's obvious that she was feeling differently towards me. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil bata pa siya at paniguradong magbabago pa ang nararamdaman niya.I'm aware of how fucked up and harsh the world is on Chantria; even her own family wanted to get off her, so I made a promise to her that I would protect her the way I protected my sister, Aia. I was silently praying that the world had been gentler for her because she didn't deserve all the hate from the people
Nakita ko ang malambot na pag-angat ng tingin ni Mommy kay Daddy at marahang hinaplos ang kamay nito sa pagbabaka-sakaling mapapaamo niya ang matandang asawa."Sige na, Carlito. Pagbigyan mo na ang mga anak mo..." malumanay na saad ni Mommy Mel."Manahimik ka, Mel. Ako ang lalaki at padre de pamilya. Ako ang nagpapalamon sa inyo kaya ako ang masusunod." Tiim-bagang siyang umiwas ng tingin sa aming lahat at bumalik sa pagkain na parang walang nangyari.Naging mahirap para sa akin ang pangungumbisi sa magulang ko. Idagdag pa na mas lalong gumulo rin ang relasyon namin ni Anne. Sa tuwing magkausap kami sa telepono ay palagi iyong humahantong sa away kaya minsan ay mas pinipili ko na lamang na umiwas at hindi siya kausapin. Kung kakausapin man ay may kinalaman lamang iyon sa pagbubuntis niya. Palagi niya rin akong tinatanong kung kailan ako susunod sa kaniya pero hindi ko iyon mabigyan ng malinaw na kasagutan.Tangina, gustong-gusto ko na ring umalis sa pamamahay na ito. Nakakasakal. Naka
"If you're going to have your first girlfriend, make sure that's Anastacia Del Mundo."From my food, my stare went up to my dad. Kita ko rin ang pag-angat ng tingin ni Louie na nakikiramdam. "Pardon?""Oh, don't make me repeat it. I know you heard me clearly," he muttered with coldness.I laughed ridiculously in my mind as I watched him sip on his coffee. "No fucking way..." I answered him with conviction.Agad naman akong sinaway ni Mommy at pinaalalahanang nasa harap kami ng pagkain pero hindi ako natinag. Ayon na nga, eh. Payapa akong kumakain dito, sarap na sarap pa ako rito sa ngininguya ko tapos bigla na lamang magsasalita ng gan'on? Parang gago. Nakakawalang gana."Stop being hardheaded, young man. Iyon na lang ang gagawin mong tama sa pamilyang 'to," he strictly hissed.Umigting ang panga ko at pabagsak na binitawan ang kutsara't tinidor. Nagpakawala ako ng sarkastikong tawa habang nakatitig sa pinggan ko. Hindi ko pa man nadedepensahan ang sarili ko ay muling bumuwelta si Mom
Another two years have passed in our lives and I can finally say that I am finally healed. As I looked back on the past, I realized how traumas and pains encouraged me to become something I didn't expect I would be.Pareho kaming nagkamali ni Aziel. Hindi naging maayos ang simula at daloy ng pagsasama naming dalawa. Hindi rin naging madali ang mga dagok at pagsubok na ibinato sa amin ng tadhana. Pero sabay kaming nagsisi, natuto, bumangon, at nagsimula muli sa mas tamang paraan. Sa matatag na samahan. Sa mas malalim na pagmamahalan.Ilang beses kaming nagkahiwalay pero kagaya ng isang alon na kahit anong pag-alis, sa huli ay babalik at babalik pa rin kami sa isa't isa. Kagaya ng paglubog ng araw na hindi lamang nangunguhulugan ng pagtatapos kundi pati na rin ng bagong simula. At tila sa malalim na pagkakalunod sa sakit, pait, at pagkadismaya, ngayon ako'y nakaahon na. Hindi ko rin alam kung paano ko nakaya, ngunit ipinagmamalaki kong ngayo'y nasa pampang na at maayos nang nakakahinga.
Mahirap mag-adjust sa simula lalo na para kay Asher, pero nakikita kong masaya at nag-eenjoy naman siya sa bagong buhay niya rito sa Maynila. Si Aziel naman ay bumalik na sa pagtra-trabaho at mas pursigido pa nga sa pagkakataong ito. Kahit madalas siyang abala ay hindi naman niya kami pinapabayaan. Napapansin ko lahat ng effort na ginagawa niya para mas lalo pang makabawi sa amin ni Asher.Bago pumasok sa trabaho ay mayroon nang nakahandang breakfast para sa amin. Nakahanda na rin ang tubig sa bathtub na pampaligo namin ni Asher. Hindi rin siya nakakalimot na tumawag para kumustahin kami o di kaya'y mag-update kung anong ginagawa niya, sinong kasama niya, o kung anong oras siya uuwi.Sinisiguro niyang sapat na oras ang ibinibigay niya sa anak namin at maging na rin sa akin. Hindi naman ako naghahangad ng kahit ano sa kaniya lalo na't alam naman namin pareho kung ano ang estado ng relasyon naming dalawa. Kahit minsan, ipinagtatabuyan ko siya o hindi ko ipinapahalata sa kaniya ang narar
I smiled at her. "Salamat pa rin. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi ako mamumulat. Hindi ako magkakaroon ng tapang.""Thank yourself, then. I only gave you advice and it is still up to you if you're gonna listen or not, and fortunately, you did."Wala nang nagsalita pa sa aming dalawa. Pareho lang kaming nakatitig kay Asher na tumakbo na sa kaniyang ama at tinutulungan na siyang pumasok sa loob ng helicopter. Nilingon ako ni Aziel at sinenyasan na aalis na kami kaya umayos na ako ng tindig."I guess everything is settled now? Mauuna na akong umalis sa inyo. I have an important meeting in a few minutes," Anne said.She stood up straight, turned her back, and was ready to leave when I called her name again. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi ako nilingon."Anne... s-si Elias," I whispered, loud enough for her to hear.Nanatili lamang siyang nakatayo at hindi nagsasalita. Akala ko nga ay wala na siyang balak pero nagulat ako nang sumagot siya."Don't worry about him. He's safe with me,"
"Mimi Ganda, what time po uuwi si Papa Pogi? Hindi pa po naka-ready mga clothes niya, eh," tanong ni Asher pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng aking kwarto.Natigilan ako sa paglalagay ng mga damit sa maleta at nagkatinginan kami ni Aziel. Nang ibalik ko ay ang tingin sa anak namin ay nakatunganga pa rin ito at nag-aabang ng sagot namin. Sinubukan kong ibuka ang bibig para magsalita pero wala akong mahanap na tamang kataga.Paano ko ba kasi sasabihin sa kaniya? Kapag nalaman niya, tiyak na iiyak siya nang sobra. Ayaw pa naman ni Aziel na umiiyak si Asher dahil naiiyak din siya."Uhm...""Papa, call mo na siya!""Anak..." I called him in a low voice as I bit my lower lip. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin na siyang ginawa naman niya.Inalalayan siya ni Aziel na umakyat sa kama at umupo sa aking kandungan. Pansamantala muna naming binitawan ang aming ginagawa at ibinigay ang buong atensyon sa anak namin. Sasabihin namin sa kaniya ang totoo na hindi namin kasama si Elias at Nanay