NANG makatapos sa pagluluto si Aevo ay umakiyat ng muli ito para puntahan at ayain kumain si Minnie. Napagpasiyahan niya na sa silid na lang sila kumain para hindi na bumaba si Minnie. Inilagay na lang niya sa may tray ang lahat ng niluto niya.
Napaakiyat na rin si Vonie, nang dumating nga sila roon ay nakapikit ang babae at mukhang nakatulog."Babe, gising na the food is ready,"panggigising niya sa asawa. Umungol ito at unti-unti ay iminulat ang mata."Are you okay?"tanong ni Aevo ng mapansin na namumutla ito. Tuluyan na ibinaba ng lalaki ang hawak-hawak pang tray ng pagkain nila at mabilis na nilapitan si Minnie."Your sick Babe,"alalang bigkas ni Aevo ng matapos niyang sapuin ang leeg nito."W-wala lang ito, tara kumain na tayo,"mahina ang tinig na sabi ni Minnie."Wait, I'll get a thermometer para mai-check natin ang init mo."Hindi pa nakasagot si Minnie ay mabilis ng naglakadBUONG araw na nag-stay si Aevo sa bahay nila, kasama niya ang misis niyang si Minnie na kahit paano ay bumuti na ang pakiramdam. Nang huli niyang tignan ang body temperature nito ay tuluyan ng bumaba ang lagnat nito.Siya na rin ang nag-alaga kay Vonie, parang bonding na nilang mag-ama."Sigurado ka bang kahit hindi ko na tawagin para pumasok si Candy?"tukoy ni Minnie sa yaya ng bata"It's alright babe, magpahinga ka na kasi papupuntahin ko isang maid dito ni Lola Saifa para mag-asikaso. Ilalabas ko lang sa mall at park itong si Vonie,"paalam ni Aevo."Siya nga babe, mukhang sabik na si Von sa pamamasiyal noong isang araw pa kasi niya inuungot lumabas kaso hindi ko naman mapagbigyan kasi may pasok din ako sa Salon,"ani naman ni Minnie."Yeah stay here and rest babe, saka tumawag si Tita Sandy na dumaan daw ako roon kasi may ibibigay siya para sa iyo,"ang dagdag pa na sabi ni Aevo."Thanks babe, kung
TULUYAN natuloy sa out of town ang buong pamilya ni Aevo. Sa Norshan Famoso Resort na pagmamay ari ng college colleagues ni Minnie na si Shaina Monuz. Na katulad nito ay kakasal din."I'm glad na rito mo napiling dalhin ang family mo Ivana,"sabi ng babae."Of course lalo at five star ang rate nitong resort mo at hindi ako nagkamali dahil naka-refreshing din ang ambiance,"wika ni Minnie na manaka-nakang inililibot sa buong lugar ang paningin.Hindi iyon nalalayo sa lugar ng La Buento del Corazon na may mga halaman paso sa iba't ibang panig ng lugar. Maging ang mint green na theme sa buong lugar ay maaliwalas tignan."I hope you'll enjoy your staying to my resort. If you need something just call one of my personnel through landline,"sabi ni Shaina bago sila ipasa sa isang staff ng naturang resort kung saan siyang magbubuhat ng mga dalahin nila.Lumingon-lingon si Minnie at hinanap kung nasaan ang mag-ama niya ngunit
HUMINGA muna ng malalim si Alyssa bago niya inumpisahan ang paglalahad sa nakaraan."Naging masaya naman ang mga unang taon ng pagsasama namin ng inyong ama na si Gustav. Napakalambing niya at halos hindi kami mapaghiwalay, nagleave rin siya ng ilang buwan mula sa trabaho. Kaya lalong nagkaroon kami ng oras sa isa't isa..."Agad na nakipagbeso-beso si Alyssa sa kaibigan niyang si Sandy nang pumasok siya sa back area ng dating pinagtatrabuhan na clubhouse. Sa silid na iyon ay kalimitan silang nage-stay kapag vacant nila ng mga katrabaho niya."Kumusta ka Ali, oohh... huwag mo ng sagutin. Kitang-kita naman na masayang-masaya ka ngayon sa buhay may asawa mo. Wow! at ano mga 'yan umaasenso ka na ah bestie!"Napapantistakuhan saad ni Sandy na napatingin sa mga dala-dala niyang paper bag."Ano ka ba, hindi naman, na-bo-bored na kasi ako. Alam mo naman na nasa bahay na lang ako at namimiss kong magtrabaho,"malun
MATAPOS na isalaysay lahat ni Alyssa ang nakaraan ay halos walang makapang salita si Aevo at Aizo pansamantala silang napipi. Tila tinitimbang ang lahat ng mga narinig nila buhat sa ina."M-masakit man iwan ko kayo noon mga a-anak ay kinailangan ko,"ang umiiyak nitong sabi na nagpupunas na ng luha. Maging sina Minnie at Lauren na nakarinig sa pagkwe-kwento ng kanilang biyenan ay napaiyak din sa lahat ng pinagdaanan nito."Bakit hindi ka man lang nagsalita dati?"ang mapait na tanong ni Aevo na nakaiwas ng tingin ngunit mahihinuhang nasasaktan ito sa mga narinig mula sa kanyang ina."Dahil ako ang humiling sa kanya V na huwag sasabihin sa inyo ang mga ginagawa ni Gustav sa Mommy niyo,"pag-agaw ng pansin sa kanila ni Lola Saifa na kadarating lang din sa resort.Bigla naman napatayo si Aevo at hindi halos makapaniwala sa sinabi ng kanyang Lola."Nagsinungaling ka Lola? b-bakit...""Dahil natakot ako
ILANG araw na ang nakalilipas matapos na malaman niya ang panloloko ng asawa niya. Ngunit heto siya nanatiling naroon siya sa sariling pamamahay. Nagbulag-bulagan at pilit na kumakapit sa paniniwala na pagsubok lamang iyon sa pagsasama nila bilang mag-asawa.Tatlong katok muna ang ginawa ni Minnie sa nakasaradong pinto ng libriary bago niya iyon ipihit pabukas."Aevo gising na hindi ba may pasok ka ngayon?"malumanay na wika niya sa lalaki.Marahan niyang niyugyog ang balikat nito upang magising ito mula sa pagkakatulog. Maya-maya ay tuluyan na itong naalimpungatan."Teka... ano na bang oras?"paos na tanong ni Aevo habang kinusot-kusot ang mata. Inabot niya ang side table para kuhanin ang salamin niya para sa mata. Ngunit hindi niya mahagilap doon."Shit! where is that,"inis na sabi ni Aevo."Ito ba ang hinahanap mo, wala riyan naiwan mo rito sa harapan ng work desk mo,"sabi naman ni Minnie na inaabot sa lalaki a
PALAKAD-LAKAD lang si Lauren sa harapan ng asawa niyang busy sa kaharap na laptop. Dahil hanggang sa pagdating nito sa kanilang bahay ay trabaho pa rin ang inaatupag nito."Are you listening to me loves?"wika ni Lauren na halata sa mukha ang pagkairita."Yeah I'm listening,"wika lang ng lalaki na panay pa rin naman ang pagtipa sa keyboard."Ganyan lang ang sasabihin mo matapos akong dumaldal dito ng napakahabang minuto? your unbelievable!"inis na sabi ni Lauren na hindi mapigilan umikot ang mata."Baka naman kasi nagkakamali ka lang ng hinila, imposible naman magawa ng kakambal ko ang sinasabi mo. You knew my brother more,"saad nito."Of course! kaya nga hindi ko mapaniwalaan iyon. Pero si Von mismo ang nagsabi alangan magsinungaling iyong bata sa akin. Malakas talaga ang kutob ko na may hindi magandang nangyayari sa pagsasama nina Ivana at Aevo. Nakausap mo na ba ang kambal mo?""Hindi pa dahil marami kaming t
TULUYAN ibinaba ni Minnie ang telepono. Katatapos lang niyang matawagan ang Mama Sandy niya."Babe, are you sure na kaya mo ng magpunta ng o-bgyne mo with out my presence ngayong araw?"tanong ni Aevo na naglakad palapit sa kanya."Oo naman Babe, saka kasama ko naman si Vonie at Mama kaya ayos lang. Sige na baka ma-late ka pa sa pagpasok sa opisina mo,"ani ni Minnie na masuyo pa siyang hinalikan sa pisngi.Tumango naman si Aevo at tuluyan naglakad hanggang sa may garrage. Sinabayan pa siya ng misis niyang si Minnie at kumaway pa ito ng tuluyan siyang makapasok sa loob ng sasakiyan. Ngiting-ngiti ito, ngunit ang hindi alam ng babae ay pinagmamasdan pa rin siya ni Aevo mula sa loob ng sasakiyan. Kaya nahuli siya nitong kinuha ang Iphone nito at sinagot ang tawag.Kasalalukuyan si Xiamvylle ang nasa kabilang linya. Magmula ng araw na nagkaroon sila ng out of town ng family nina Aevo ay madalas ng nag-uusap ang dalawa. Dahil napag
GULAT na napamaang si Aevo sa kasamang babae ng mga sandaling iyon.Maging si Chezka man ay nakatitig lang din sa kanya na tila naghihintay sa sasabihin niya.Maya-maya'y tuluyan siya nitong tinapik sa braso kaya upang masamid mula sa paninigarilyo si Aevo."Ano ka ba! hindi ka na mabiro, itsura mo para ka naman lugi kung may mangyari nga sa atin. Napakasuwerti mo nga kung meron nga!"nakangising saad ni Chezka na naiiling."Ikaw! kung ano-ano sinasabi mo!"inis na sabi ni Aevo na hindi maipinta ang mukha. Habang ang babae naman ay tila aliw na aliw sa pamumutla niya."Para naman malaking kasalanan na ma-involve ka sa akin. Pero kidding ano bang problema kung bakit nagawa mong magpakalasing sa clubhouse. Ang alam ko naman dati ay hindi ka umiinom,"mababa ang tono na usisa ni Chezka. Iniiwas pa niya ang mukha sa lalaki nang mapansin nito ang biglang paglungkot nito.Dinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga ni
ONE YEAR LATERSAMO'T SARING mga bulaklak ang makikita sa buong paligid ng maliit na chapel na iyon sa San favian. Halos kumpleto na ang entourage, maging ang groom na nasa harapan ay nakangiti nang naghihintay sa kanyang napakagandang bride sa suot lang naman nitong wedding gown na simple man ang pagkakagawa ay bagay na bagay naman iyon dito.Dinig na dinig ang wedding song habang naglalakad ng mabagal ang babae palapit sa lalaking una at huli niyang mamahalin.Sa buong oras ng kasal ay naging matiwasay naman na nairaos. Pinili ng dalawa ang isang intimate wedding. Halos piling bisita lang din ang naroon at ang kanilang pamilya.Naglakad na lang sila hanggang sa reception ng kanilang kasal. Sa itaas ng burol, hindi naman na nahirapan ang mga bisita dahil may pinasadiya ng hagdan bato sa ibaba hanggang sa pag-akiyat.Napapaligiran ng naggagandahan bulalak na tanim ang itaas. Isang bungalow ang nag-iisang nakatayo. Maliit man ku
NAGING masaya na rin sina Minnie at Aevo na sa dinami-dami ng pagsubok na dinaanan nila ay pinanitili nilang matatag ang bawat isa.Isang CEO si Aevo sa malaking kumpaniya sa Maynila, kilalang masungit, gwapo pero may mabuting kalooban at si Minnie sa una ay nakilala bilang isang mahirap na babae na nangangarap makatagpo ng lalaking pinapangarap niya. Katulad ng mga romance novel na katha ni Babz07aziole ay naniniwala siya: balang-araw darating ang prince charming niyang magbibigay katuparan sa happily ever after love life niya.Mukhang dininig naman siya, dahil isang aksidenti man sila pinagtagpo ni Aevo ay hindi naman dahilan niyon para hindi umusbong ang tunay na pag-ibig sa pagitan nilang dalawa. Pero... mapapanindigan ba nila ito hanggang sa huli.MATAPOS ang kaguluhan sa pamilya nila ay pinili ni Aevo na magpatuloy bilang CEO ng Gimenez Telecommunication Company.Habang si Aizo ay piniling magp
HALOS hindi pa nakakahuma sa kabiglaan si Minnie matapos siyang pakawan ng lalaki sa isang makapagil hiningang halikan!"Hindi na mahalaga iyon babe, ang importante ngayon andito na ako. Bumalik na ako, I have a goodnews for you... ikakagulat mo ang ibabalita ko," wika pa nito na may ngiti sa labi.Kahit na tangay na tangay siya sa paghalik at presensiya ng lalaki ay hindi pinayagan ni Minnie na maging marupok sa harap nito."Kung sino ka man, please... umalis ka na. Alam ko na ang lahat na nagpanggap kang Aevo n-na ikaw si Gideon Laurzano. Kamuntik mo nang mapatay si Aizo mabuti na lang at nakaligtas siya!" Tuloy-tuloy na wika ni Minnie."Ano bang sinasabi mo, ako ito si Aevo ang asawa mo. Umamin na ang totoong Gideon na nagpanggap siyang ako, ginamit niya ang karamdaman ko babe. Nagka-amnesia ako at mula sa umpisa ay plinano lahat ng nakakatanda naming kapatid na si Gideon ang gagawin
AGAD na binuklat ni Aizo ang DNA test result niya at sa lalaking nagsalin sa kanya ng dugo. Ang pinaghihinalaan niyang kakambal at tunay na Aevo Gimenez.Halos manginig nga ang kamay ni Aizo at maluluha habang pinagmamasdan ang hawak-hawak na papel: Na nagpapatunay na siyang nagpakilalang Gideon Laurzano noong una ay si Aevo nga talaga!"A-anong resulta apo?" Ang hindi mapakaling tanong ni Lola Saifa.Napatingin naman si Aizo sa kanyang abuela at abuelo na naghihintay din ng sasabihin niya. Kita rin sa mga mukha nila ang labis na tensyon."Yes Lola Saifa... Lolo Ghad... totoo nga siya si Aevo!" Halos isigaw ni Aizo ang mga sinabi.Wala rin pagsidlan ng katuwaan ang dalawang matanda matapos na marinig ang sinabi niya. Maging ang asawa niya na tahimik lang na nakaupo sa tabi ng mga ito ay nakangiti ngunit kasabay na umiiyak ito."Siya nga ang apo natin,
TULOG na tulog na si Minnie sa mga sandaling iyon. Hating-gabi na at sobrang napagod si Gideon sa ilang ulit na nagpaangkin sa kanya ito.Paalis na siya nang naalimpungatan ito. "Uuwi ka na ba?" tanong ni Minnie na kinusot-kusot pa ang mata na tuluyan napabangon mula sa kama."Yeah I have to go, may mahalaga akong pupuntahan. Just always take care okay, kayo ng mga bata." Matapos sabihin iyon ni Gideon ay hinalikan pa siya sa labi. Hinaplos pa nito ang pisngi niya bago ito tuluyan lumabas sa pinto na binuksan nito ng gabing iyon.Hindi aakalain ni Minnie na iyon na ang huling araw na makikita niya ang lalaki. Dahil nabalitaan niya ng sumunod na araw na nagkaroon ng engkuwentro at barilan sa loob ng mansyon ng Lolo Ghad at Lola Saifa.Lahat ng iyon ay nalaman niya mismo sa bibig ng bayaw niyang si Aizo na dinalaw niya mula sa hospital kung saan ito na-confine."Hindi ko aakalain na ibang Aevo pala ang kas
HANGGANG sa paglaki niya ay nangibabaw ang hinanakit niya sa Ama. Kahit nang mamatay ang ina niya ay hindi nagpakita si Gustav, pakiramdam ni Gideon ay tinalikuran na siya ng mundo sa mga sandaling iyon. Dahil sa walang-wala siya at nasa edad benti lamang siya noon ay kinailangan niyang mangutang sa isang loan shark ng pampalibing sa ina. Maging ang pagkakautang niya sa ospital kung saan na-admit ng ilang Buwan ito ay kinailangan niyang mabayaran para mailabas niya ito noon. Umabot din iyon ng isang milyon, natapos man ang pagpapalibing ng ina ay hindi natapos-tapos ang paghahanap niya ng paraan para mabayaran ang lahat ng utang niya kay Don Quixote isang Intsik na nagpahiram sa kaniya ng malaking halaga.Iba't ibang trabaho ang pinasukan niya, hanggang sa dumating na makilala niya si Don Vladimir ang ama ni Shamcey. Binigyan siya nito ng isang trabaho na hindi aakalain ni Gideon na siyang magsasalba sa kanya sa lahat ng pinagkakautangan niya: Ang maging bayaran mamatay
NANLALAKI ang mata niyang tinitigan ang lalaki. Takot na takot siya habang pinagmamasdan pa rin itong nakatitig din naman sa kanya."P-papatayin niyo ho ba ako mister?" ang maiiyak na tanong ni Gideon na sinalsal ng kaba ang dibdib.Isang manipis na ngiti ang pumunit sa labi ng lalaki at saka ito humalakhak ng walang humpay.Hindi alam ni Gideon kung bakit ganoon ang naging reaction nito. Muli na naman niyang sinubukan na buksan ang katabing pinto ng kotse. Nagbabakasali siyang makakatakas siya!"Natutuwa ako sa iyo alam mo ba, dahil diyan sasamahan mo akong mag-dinner," wika nito na nakatitig pa rin sa kanya.Binalingan niya ito at nakita naman ni Gideon na walang halong biro ang nasa mukha ng lalaki.Kaya kahit kabado pa rin ay nanahimik na lang si Gideon sa kanyang kinauupuan, habang hinihintay ang bawat sandali na sakay siya ng mamahalin kotse ng la
MARAHAS na binuksan ng nagpanggap na Aevo ngunit totoong Gideon Laurzano sa totoong buhay ang pinto ng roof dect ng apartment kung saan siya nagtago sa kasalukuyan. Hangga't mainit pa rin ang mata sa kanya ng lahat. Sinindihan niya ang switch ng m bombilya na patay-sindi."Puny*ta talaga!" pagmumura ni Gideon. Pabagsak siyang naupo sa kama niya na iniigkasan ng spring dahil sa lumang-luma na iyon at sira-sira pa.Kahit saan ka tumingin, ay makikita ang kalumaan ng buong silid. Ang mga kurtina na nakasabit ay puti pa ang dating kulay, ngunit dahil sa matagal ng nakasabit na ang huli pang gumamit sa silid ay naroon na iyon. Dahil sa tatlong taon na nawala siya roon ganoon na rin katagal iyon doon.Halos napuno na ng alikabok at ang ilang mga gamit ay hindi nakaayos sa tamang lagayan.Agad kumuha ng t-shirt si Gideon sa lagayan at pinunit iyon para may maipangtapal siya sa bala ng baril na tumama sa kan
TULUYAN hinila ni Aizo ang manggas na suot ng lalaki na humahalak lang."Halika! sa labas tayo mag-usap de punggal ka!" mataas ang tinig na sigaw ni Aizo. Mabilis naman niyang nahila ito sa labas ng mansyon.Isang suntok muli ang ipinadapo niya sa mukha nito." 'Yan lang ba ang kaya mo, dapat ganito ka sumuntok!" Dahil sanay sa pakikipag-basag ulo ito ay walang-wala sa kanya ang pagsusuntok sa kanya ni Aizo.Sinipa muna niya ito sa sikmura kaya sumadsad sa semento ito. Hindi ito nakatayo sa lakas ng impact niyon."Hindi ko aakalain na mabilis mong madidiskubre na hindi ako si Aevo. Matalino ka talaga, kaya mas may karapatan ka na maging CEO ng company ni Dad," nakangising sabi nito na hinila si Aizo palapit." Pero alam mo hindi ko papayagan pa na may isa sa inyo na umagaw sa lahat ng kayaman na para sa akin lang dapat. Ako ang panganay sa atin kaya ma