NANLAKI ang mata ni Minnie nang bigla siyang siilin ng halik sa labi ni Aevo. Hindi siya makaiwas dahil mahigpit ang pagkakahawak ni Aevo sa magkabilang pisngi niya.
Itinutulak niya ito ngunit hindi pa rin ito natitinag, tuluyan wala siyang nagawa ng ipinid siya sa kinauupuan. Lalo siyang nanlambot ng magsimulang lamasin ni Aevo ang magkabila niyang dibdib, napanganga na lang siya ng maisilid ng tuluyan nito ang dila papasok sa kanyang bibig at maglumikot doon na tila may hinanap.Dahil natangay na siya, ay nakipagespadahan na rin si Minnie ng dila sa asawa. Isang ungol ang namutawi sa bibig niya ng gumapang pababa sa may leeg niya ang labi ni Aevo. Naikagat ni Minnie ang ibabang labi ng magsimulang sipsipin nito ang nakahantad niyang leeg.Napakapit na lang siya sa likuran ulo ng asawa na lalo pang pinagdidiinan niya ang sarili rito.Tila naman nakuha ni Aevo ang gusto ng mangyari ng misis niya."Can I take you now here babe,NAMUMUGTO ang mata ni Minnie dahil sa kanina pa siya umiiyak. Nanatili lamang siyang nakatitig mula sa salamin na pader sa labas ng silid ng dalawa niyang anak na sina Adiole at Aziole.Napag-alaman niyang may congenital heart disease ang anak. Ibig sabihin ay nagkaroon ng pagbabarado sa puso nito si Adiole. Habang si Aziole naman sinumpong ng hika dahil na rin sa walang tigil na pag-iyak nito ng matagal dahil sa paghahanap sa ina nito na naging dahilan para kapusin ito ng hininga."Anong gagawin ko ngayon, please Lord nakikiusap ako. Sana pagalingin mo na ang mga anak ko. H-hindi ko po alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanila,"mahinang pagdarasal ni Minnie habang nakapikit at pinagsalikop pa nito ang dalawang palad.Sa sandaling iyon ay ang paglapit naman ni Aevo sa babae."Magiging okay din ang lahat Babe,"pagpapalakas niya sa loob nito.Ngunit hindi iyon nakatulong kay Minnie, she keep in crying."Sige
DUMATING na nga ang Nanay Alicia at Tatay Hermenio niya sa hospital. Kasama rin nagpunta ng mga ito ang Mama Sandy niya."Ija, umuwi na muna tayo sa mansyon ng Papa mo. Bukas na lang tayo bumalik rito, bahala na muna sina ate Alicia'ng magbantay. Sige na..."yakag ng ina niya.Umiling naman si Minnie, halos tulala na rin siya dahil sa labis na kapaguran at kawalan ng pag-asa ng mga sandaling iyon."Anak, magpakatatag ka may awa Siya. Kaya sige na, umuwi ka muna at ng magpahinga,"wika naman ni Alicia na hinimas-himas pa ang braso ni Minnie."Siya nga naman ija, dahil sa ginagawa mo ay baka ikaw na rin ang sumunod na magkasakit. Paano naman si Vonie kung pati ikaw ay pababayaan mo rin ang sarili mo,"payo naman ni Mang Hermineo na nakatayo naman sa tabi ng asawa nitong si Alicia.Hindi naman umimik si Minnie. Nagtinginan naman ang tatlong nakakatanda. Awang-awa sila sa nangyayari sa anak nila at lalo na sa dalawang apo
NAGISING naman si Minnie na nasa sariling silid na siya sa mansyon sa Hacienda. Ang huling naalala niya ay pauwi na sila ng Mama Sandy niya."Nakita niya ang anak na nasa tabi at tulog na tulog pa. Kaya tuluyan na siyang bumangon at nagpunta ng banyo para makaligo. Pagkatapos niyon ay bumaba na siya para hanapin at makausap ang ama."Pa, sasabay ho ba kayong pumunta sa hospital---"Nabitin ang sasabihin niya ng mapansin niya kung sino ang kausap ng ganoon kaagang oras ng ama."Tinatanong mo ba kung pupunta ako sa hospital? baka mamaya ija. Ang mabuti pa'y sumabay ka na sa asawa mo, isasabay ko na lang si Vonie sa pagpunta,"sabi ni Don Hidalgo.Nakalapit na si Minnie sa ama at humalik sa pisngi nito. Saka nito binalingan ng tingin si Aevo, matalim niyang tinitigan ito na parang ipinaparating niyang hindi siya welcome sa kanilang bahay."Ahmmm... kakain lang po ako ng almusal,"paalam niya sa ama. Naglakad na nga siya papunta
MAGKATABI sila sa bench ni Aizo, nasa may park sila malapit sa hospital kung saan naka-confine pa rin ang isang kambal."Confirm na ang pag-alis niyo V?"tanong ni Aizo."Yeah,"maiksing sagot lang ni Aevo."But still hindi na maibabalik sa dati ang lahat,"malungkot niyang sagot."I'm sorry to hear that bro, at least you do everything para bumawi right. Maybe your cliche plan aren't not that good either."Iiling-iling si Aizo.Ito lang naman ang nag-iisang taong nakakaalam na wala siyang amnesia. Pinagbigyan siya nitong mawala ng isang taon at inako naman ni Aizo pagiging CEO niya sa kumpaniya.Mapait naman na nangiti si Aevo, muli siyang naglabas ng isang stick ng sigarilyo at ang lighter niya. Akmang sinindihan niya iyon ng bigla niyang mabitawan iyon.Agad naman dinampot ni Aizo ang lighter na nabitawan ng kakambal."May problema?"tanong nito.Umiling lamang si Aevo,inilahad niya ang palad at tuluyan naman i
PILIT na ngumingiti si Minnie sa mga bisitang nagpunta sa second birthday celebration ng anak niyang sina Adiole at Aziole."Mauuna na rin kaming uuwi Minnie, nag-enjoy at nabusog kami sa mga handang pagkain,"nasabi ni Lauren na humalik pa sa pisngi ni Minnie."Lagi ko pong pinag-pa-pray si Adiole Tita na gumaling na po siya,"sabi naman ni Elijah."Ang bait mo naman, salamat. Dalaw ka pa rin sa mga pinsan mo huh,"nawiwiling sabi naman ni Minnie na hinawakan pa sa ulo ang bata."Siya nga pala nasaan ang asawa mo?"Tinatanong ni Minnie si Aizo."Nauna nang lumabas, bakit?"sagot naman ni Lauren."May tatanungin lang sana ako,"sabi niya."Tara samahan na kita baka nauna na iyon bumaba sa may parking lot."Inihabilin na muna ni Minnie ang mga anak sa Papa Hidalgo at Mama Sandy niya.Hindi n
LUMIPAS ang ilang Buwan na walang naging balita sa asawa niyang si Aevo. Naging madalang din ang pagdalaw ng mga magulang ni Minnie sa kanila sa America. Dahil abala na ito sa mga sariling business.Nagsimula na rin mag-schooling ang anak nilang si Vonie, ang kapatid niyang si Monina ay siyang tumitingin-tingin rito sa tuwing free time nito.Pinakamaganda na yatang nangyari ay tuluyan naoperahan si Adiole sa una nitong operation. Ilang taon pa ang bibilangin para sa susunod na naman nitong opera. Naiuwi na nila ang bata, ngunit regular pa rin ang check up nito sa hospital.Habang siya, wala naman nagbago sa kanya. Dahil gusto niyang abalahin ang sarili niya ay tuluyan niyang itinuloy ang matagal na niyang pangarap ang sumali sa international make up contest. Masasabi niyang suporta siya ng kanyang pamilya dahil naroon ang mga ito ng lumahok siya sa paligsahan.Sa araw ng contest ay sobrang kabado siya, dahil nakita niya na magagaling ang mga makalalaban n
NAGPATULOY ang mga araw na wala pa rin naging balita si Minnie sa asawa niyang si Aevo. Sa nakalipas din, ay laging pumapasiyal si Xiamvylle sa kanila . Minsan ay ito rin ang nagpre-presenta na mag-drive sa kanila sa tuwing dadalhin nya si Adiole sa hospital para sa follow up check up nito."Salamat Xiam at sinamahan mo na naman kami sa pagpunta sa hospital,"wika ni Minnie habang nasa kalagitnaan sila ng biyahe."Wala iyon, basta para sa'yo ay masaya ako sa lahat ng ginagawa ko,"ani nito na sinulyapan pa siya na katabi nito. Habang kalong-kalong naman nito si Adiole. Nasa likuran naman si Aziole at si Von, kasama ang kapatid niyang si Monina at Candy na yaya naman ng panganay niya."Ate, pakibaba na lang ako sa tabi. Lalakarin ko na lang malapit naman na sa work station ko,"saad naman ni Monina."Ayaw mo ba na ihatid ka na lang namin sa mismong pinagta-trabahuhan mo?"tanong naman ni Xiamvylle na nginitian pa ito."
NAIS akayin ni Monina si Aevo sa pagpasok sa inuupuhan nitong apartment, ngunit hindi pumayag ito. Naiintindihan naman ng dalaga iyon, ayaw lang nitong siguro na maging dependable sa ibang tao. Kahit paano ay bilib din siya sa asawa ng ate Minnie niya. Lumaki itong may kaya sa buhay, ngunit ayaw maging pabigat sa ibang tao."Kumusta ka na Monina?"ang tanong ni Aevo matapos na mailapag nito sa harapan niya ang mga lalagyan ng kape, asukal at creamer. May biscuit din itong inihanda sa kanya na inilabas nito sa isang lalagiyan."Ayos naman ako Kuya Aevo, ikaw? mag-isa ka lang ba rito?"Sunod-sunod na tanong ni Monina na nag-umpisa ng gumawa ng iinumin na kape.Pinakatitigan niya ang electric kettle na hindi pa tapos kumulo."Oo mag-isa lang ako rito, pero may inuutusan ang kakambal ko na maglinis at mag-grocery sa akin ng mga kakailanganin ko rito sa apartment,"sabi naman ni Aevo na idinantay ang kamay sa magkabilng hawakan ng kinauupuan nito.
ONE YEAR LATERSAMO'T SARING mga bulaklak ang makikita sa buong paligid ng maliit na chapel na iyon sa San favian. Halos kumpleto na ang entourage, maging ang groom na nasa harapan ay nakangiti nang naghihintay sa kanyang napakagandang bride sa suot lang naman nitong wedding gown na simple man ang pagkakagawa ay bagay na bagay naman iyon dito.Dinig na dinig ang wedding song habang naglalakad ng mabagal ang babae palapit sa lalaking una at huli niyang mamahalin.Sa buong oras ng kasal ay naging matiwasay naman na nairaos. Pinili ng dalawa ang isang intimate wedding. Halos piling bisita lang din ang naroon at ang kanilang pamilya.Naglakad na lang sila hanggang sa reception ng kanilang kasal. Sa itaas ng burol, hindi naman na nahirapan ang mga bisita dahil may pinasadiya ng hagdan bato sa ibaba hanggang sa pag-akiyat.Napapaligiran ng naggagandahan bulalak na tanim ang itaas. Isang bungalow ang nag-iisang nakatayo. Maliit man ku
NAGING masaya na rin sina Minnie at Aevo na sa dinami-dami ng pagsubok na dinaanan nila ay pinanitili nilang matatag ang bawat isa.Isang CEO si Aevo sa malaking kumpaniya sa Maynila, kilalang masungit, gwapo pero may mabuting kalooban at si Minnie sa una ay nakilala bilang isang mahirap na babae na nangangarap makatagpo ng lalaking pinapangarap niya. Katulad ng mga romance novel na katha ni Babz07aziole ay naniniwala siya: balang-araw darating ang prince charming niyang magbibigay katuparan sa happily ever after love life niya.Mukhang dininig naman siya, dahil isang aksidenti man sila pinagtagpo ni Aevo ay hindi naman dahilan niyon para hindi umusbong ang tunay na pag-ibig sa pagitan nilang dalawa. Pero... mapapanindigan ba nila ito hanggang sa huli.MATAPOS ang kaguluhan sa pamilya nila ay pinili ni Aevo na magpatuloy bilang CEO ng Gimenez Telecommunication Company.Habang si Aizo ay piniling magp
HALOS hindi pa nakakahuma sa kabiglaan si Minnie matapos siyang pakawan ng lalaki sa isang makapagil hiningang halikan!"Hindi na mahalaga iyon babe, ang importante ngayon andito na ako. Bumalik na ako, I have a goodnews for you... ikakagulat mo ang ibabalita ko," wika pa nito na may ngiti sa labi.Kahit na tangay na tangay siya sa paghalik at presensiya ng lalaki ay hindi pinayagan ni Minnie na maging marupok sa harap nito."Kung sino ka man, please... umalis ka na. Alam ko na ang lahat na nagpanggap kang Aevo n-na ikaw si Gideon Laurzano. Kamuntik mo nang mapatay si Aizo mabuti na lang at nakaligtas siya!" Tuloy-tuloy na wika ni Minnie."Ano bang sinasabi mo, ako ito si Aevo ang asawa mo. Umamin na ang totoong Gideon na nagpanggap siyang ako, ginamit niya ang karamdaman ko babe. Nagka-amnesia ako at mula sa umpisa ay plinano lahat ng nakakatanda naming kapatid na si Gideon ang gagawin
AGAD na binuklat ni Aizo ang DNA test result niya at sa lalaking nagsalin sa kanya ng dugo. Ang pinaghihinalaan niyang kakambal at tunay na Aevo Gimenez.Halos manginig nga ang kamay ni Aizo at maluluha habang pinagmamasdan ang hawak-hawak na papel: Na nagpapatunay na siyang nagpakilalang Gideon Laurzano noong una ay si Aevo nga talaga!"A-anong resulta apo?" Ang hindi mapakaling tanong ni Lola Saifa.Napatingin naman si Aizo sa kanyang abuela at abuelo na naghihintay din ng sasabihin niya. Kita rin sa mga mukha nila ang labis na tensyon."Yes Lola Saifa... Lolo Ghad... totoo nga siya si Aevo!" Halos isigaw ni Aizo ang mga sinabi.Wala rin pagsidlan ng katuwaan ang dalawang matanda matapos na marinig ang sinabi niya. Maging ang asawa niya na tahimik lang na nakaupo sa tabi ng mga ito ay nakangiti ngunit kasabay na umiiyak ito."Siya nga ang apo natin,
TULOG na tulog na si Minnie sa mga sandaling iyon. Hating-gabi na at sobrang napagod si Gideon sa ilang ulit na nagpaangkin sa kanya ito.Paalis na siya nang naalimpungatan ito. "Uuwi ka na ba?" tanong ni Minnie na kinusot-kusot pa ang mata na tuluyan napabangon mula sa kama."Yeah I have to go, may mahalaga akong pupuntahan. Just always take care okay, kayo ng mga bata." Matapos sabihin iyon ni Gideon ay hinalikan pa siya sa labi. Hinaplos pa nito ang pisngi niya bago ito tuluyan lumabas sa pinto na binuksan nito ng gabing iyon.Hindi aakalain ni Minnie na iyon na ang huling araw na makikita niya ang lalaki. Dahil nabalitaan niya ng sumunod na araw na nagkaroon ng engkuwentro at barilan sa loob ng mansyon ng Lolo Ghad at Lola Saifa.Lahat ng iyon ay nalaman niya mismo sa bibig ng bayaw niyang si Aizo na dinalaw niya mula sa hospital kung saan ito na-confine."Hindi ko aakalain na ibang Aevo pala ang kas
HANGGANG sa paglaki niya ay nangibabaw ang hinanakit niya sa Ama. Kahit nang mamatay ang ina niya ay hindi nagpakita si Gustav, pakiramdam ni Gideon ay tinalikuran na siya ng mundo sa mga sandaling iyon. Dahil sa walang-wala siya at nasa edad benti lamang siya noon ay kinailangan niyang mangutang sa isang loan shark ng pampalibing sa ina. Maging ang pagkakautang niya sa ospital kung saan na-admit ng ilang Buwan ito ay kinailangan niyang mabayaran para mailabas niya ito noon. Umabot din iyon ng isang milyon, natapos man ang pagpapalibing ng ina ay hindi natapos-tapos ang paghahanap niya ng paraan para mabayaran ang lahat ng utang niya kay Don Quixote isang Intsik na nagpahiram sa kaniya ng malaking halaga.Iba't ibang trabaho ang pinasukan niya, hanggang sa dumating na makilala niya si Don Vladimir ang ama ni Shamcey. Binigyan siya nito ng isang trabaho na hindi aakalain ni Gideon na siyang magsasalba sa kanya sa lahat ng pinagkakautangan niya: Ang maging bayaran mamatay
NANLALAKI ang mata niyang tinitigan ang lalaki. Takot na takot siya habang pinagmamasdan pa rin itong nakatitig din naman sa kanya."P-papatayin niyo ho ba ako mister?" ang maiiyak na tanong ni Gideon na sinalsal ng kaba ang dibdib.Isang manipis na ngiti ang pumunit sa labi ng lalaki at saka ito humalakhak ng walang humpay.Hindi alam ni Gideon kung bakit ganoon ang naging reaction nito. Muli na naman niyang sinubukan na buksan ang katabing pinto ng kotse. Nagbabakasali siyang makakatakas siya!"Natutuwa ako sa iyo alam mo ba, dahil diyan sasamahan mo akong mag-dinner," wika nito na nakatitig pa rin sa kanya.Binalingan niya ito at nakita naman ni Gideon na walang halong biro ang nasa mukha ng lalaki.Kaya kahit kabado pa rin ay nanahimik na lang si Gideon sa kanyang kinauupuan, habang hinihintay ang bawat sandali na sakay siya ng mamahalin kotse ng la
MARAHAS na binuksan ng nagpanggap na Aevo ngunit totoong Gideon Laurzano sa totoong buhay ang pinto ng roof dect ng apartment kung saan siya nagtago sa kasalukuyan. Hangga't mainit pa rin ang mata sa kanya ng lahat. Sinindihan niya ang switch ng m bombilya na patay-sindi."Puny*ta talaga!" pagmumura ni Gideon. Pabagsak siyang naupo sa kama niya na iniigkasan ng spring dahil sa lumang-luma na iyon at sira-sira pa.Kahit saan ka tumingin, ay makikita ang kalumaan ng buong silid. Ang mga kurtina na nakasabit ay puti pa ang dating kulay, ngunit dahil sa matagal ng nakasabit na ang huli pang gumamit sa silid ay naroon na iyon. Dahil sa tatlong taon na nawala siya roon ganoon na rin katagal iyon doon.Halos napuno na ng alikabok at ang ilang mga gamit ay hindi nakaayos sa tamang lagayan.Agad kumuha ng t-shirt si Gideon sa lagayan at pinunit iyon para may maipangtapal siya sa bala ng baril na tumama sa kan
TULUYAN hinila ni Aizo ang manggas na suot ng lalaki na humahalak lang."Halika! sa labas tayo mag-usap de punggal ka!" mataas ang tinig na sigaw ni Aizo. Mabilis naman niyang nahila ito sa labas ng mansyon.Isang suntok muli ang ipinadapo niya sa mukha nito." 'Yan lang ba ang kaya mo, dapat ganito ka sumuntok!" Dahil sanay sa pakikipag-basag ulo ito ay walang-wala sa kanya ang pagsusuntok sa kanya ni Aizo.Sinipa muna niya ito sa sikmura kaya sumadsad sa semento ito. Hindi ito nakatayo sa lakas ng impact niyon."Hindi ko aakalain na mabilis mong madidiskubre na hindi ako si Aevo. Matalino ka talaga, kaya mas may karapatan ka na maging CEO ng company ni Dad," nakangising sabi nito na hinila si Aizo palapit." Pero alam mo hindi ko papayagan pa na may isa sa inyo na umagaw sa lahat ng kayaman na para sa akin lang dapat. Ako ang panganay sa atin kaya ma