Share

KABANATA 154

Should I Call You

(Arzelle POV)

Inamin ko na natatakot ako para kay Gaelle. Akala ko okay na siya base sa mga results na lumabas. Baka may mas malala talaga siyang dinadala na hindi pa nakikita ng mga machines ng mga doctor.

Naalala ko na naman ang Ina niya. Bagama't hindi ko pa nakikilala ang Ina niya o nakita kahit ang mga larawan niya, alam ko kung ano ang nararamdaman niya kapag nalaman niyang may sakit ang anak niya. Kailangan siya ni Gaelle ngayon.

Saan na kaya siya? Walang nabanggit si Gabion tungkol sakanya at ayaw ko namang tanungin siya tungkol sa Ina ng kambal niya.

Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyari sa kanya, o kung gusto pa niyang malaman kung anong nangyayari sa mga anak niya, pero inisip ko na baka pinagbawalan siya ni Gabion na puntahan ang mga anak niya. Di ko naman masabing di niya malalaman kung saan sila dahil sikat ang mag-ama, laman ng balita sa business news lagi si Gabion kaya imposibleng hindi may kita ng Ina ng kambal si Gabion at ang mga anak niya!

I
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status