I Feel Pity For You (Arzelle POV) Isang linggo na ang nakalipas mula nang makauwi kami mula sa Isla Araneta. Ang pagbabalik sa Cordova City ay pamilyar at medyo komportable na, ngunit malungkot din dahil naunang umalis ng isla si Gabion at hanggang ngayon di pa kami nagkitang uli. Hindi ko man lang namalayan na nag-iisa ako sa aming kwarto mula ng bumalik ako. Si Junior kase ay may sariling kwrato, I always check him sa monitor sa kwarto namin ni Gabion na nagpapakita ng footage mula sa camera sa mga kwarto ng kambal at sa silid ni Junior. Kita ko sa monitor na mahimbing silang natutulog. Nakatingin ako sa labas ng bintana ng silid. Walang mga tunog ng paghampas ng mga alon o pag-iingay mula sa mga ibon sa dagat na maririnig sa labas ng bintana. Nagkaroon lamang ng parehong katahamikan na nagpapaalala sa akin na ako ay muling nag-iisa. Oo naman, nakatira kami malapit sa mismong parke kung saan ko inihatid ang mga bata para maglaro, masaya doon maraming mga tao ngunit wala akong m
141.2Am I Belong To His Family?(Arzelle POV)Kinabukasan ay umuwi si Gabion ngunit umalis lang din agad.“Paalam,” sabi ko sa kanya kinaumagahan nang makita ko siya sa lobby at paalis na naman. Napakabusy niya. Ano kayang pinagkakaabalahan niya? Purong business ba? Sana nga.Nakasuot siya ng business suit at inutusan ang mga staff ng mansion. Napangiti ako nang makita ko ito, pagkatapos ay nilapitan ko siya sa huling pagkakataon. Lumingon siya at ang init ng titig niya nw sumilay sa kanyang mga mata ay nagpapula ng pisngi ko, lumapit siya sa akin, pagkatapos ay kinuha niya ang aking kamay at inilagay ang kanyang hinlalaki sa aking mga pulso. Ang paghipo ay magmumukhang inosente sa sinumang dadaan at makakakita sa amin, ngunit hindi ko alam kung bakit niya ako hinawakan doon. Naalala ko tuloy ang nakaraang gabi sa isla, gabi ng pinakawalan namin pareho ang aming kapusukan."Sa tingin ko, magkikita pa tayo mamaya," saad niya. Napatigil ako sa pormal ng kanyang boses, at kinumpirma nit
A Little Wait(Arzelle POV)Ang hindi ko napagtanto ay gusto nilang mag-focus ako sa aking mga libro at pag-aaral at hindi sa pagtatrabaho ng maaga, natatakot silang gumawa ako ng isang bagay na malalagay sa panganib ang scholarship na nakahanay kong matanggap."You're destined for great things, anak ko," bulong ng aking ama, at naghihintay pa rin ako hanggang ngayon kung tama nga siya.Napasinghap ako sa mga naa-alala “Ang lalim ng iniisip mo ah,” puna ni Nabi, na pinuputol ang mga iniisip na naglalagablab sa aking isipan.Napangiti ako sa babaeng nagpaalala sa akin ng maraming matandang lalaki na pwede kong maging sugar daddy upang makatulong sa aking pagaaral noom. Damn! Habang inihahanda niya ang order ko na halatang itinago niya sa memorya niya, inilabas ko ang cellphone ko at ginamit ang mobile payment app para ayusin magbayad ng palihim sa nakalagay na payment details sa table dahil alam kong di niya tatanggapin sakaling magbayad ako ng cash na alam niya."Naglagay ako ng dagd
I'm Too Weak For This(Gabion POV)(3 days later)Family Picturial ScheduleMaaga akong pumasok ng opisina para ihanda ang kailanganing pagkain, gamit, at lugar para sa family picturial namin at hintayin na lang ang mga bata at si Arzelle dito.May kumakatok sa pinto ng opisina ko.Alam kong siya ito dahil tumawag siya na papunta na raw kanina lang. Sinabi kong mauna siyang pumunta dito, si Mommy, caregivers at ang staff na ang maghanda sa kambal at kay Jr. para sa mga susuutin at kailanganin bago dalhin dito. Napansin ko ang pagiging maagap niya kahit noon pa bilang sekretarya ko. Nagpapakaba rin ang katok na maaring sa kanya galing at ang malalambot na kamay na iyon ay naalala ko pa kung paano ang paghaplos na ginawa sa aking pagkalalaki!“Come in,” malakas kong sabi, at inihanda ang sarili ko sa kanya nang bumukas ang pinto. Pumasok siya sa loob pero hindi niya agad isinara ang pinto. "Maaari mong isara ang pinto, pagkatapos ay maupo ka," saad ko.Bahagyang tumango siya, pagkatapos
Want Her Always(Gabion POV)Napatigil ako dahil sa kanyang mga sinabi, hindi dahil sa ayaw kong marinig ang mga iyon, para kasing nakakababa ng ego na malamang nahihirapan siya habang nasa buhay niya ako, dahil ito ay katulad ng pagwawagayway ng pulang bandila sa harap ng isang nagngangalit na toro. "Stop," sabi ko sa kanya, saka narealize ang sinabi ko. Bakit naman ako magagalit? Dapat nga alamin ko kung bakit siya nahihirapan. “Damn. Sabihin mo sa akin kung saan at kung bakit ka nahihirapan?" tanong ko.May kaunting sagabal sa kanyang paghinga, at nang magsimula siyang magsalita, patuloy na dumampi ang kanyang daliri sa aking mga labi. “Habang nakahiga ako sa kama sa gabi at iniisip ang iyong bibig sa bibig ko. Ang buong mundo ay dumudulas sa tuwing hinahalikan mo ako, at gusto kong maramdaman ang iyong mga labi kahit saan. Gusto kong halikan mo ang aking mga labi... ang aking dibdib... ang aking mga hita...pero wala ka. Nasa malayo ka at hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo. Nah
I Badly Miss You Mom, Dad(Arzelle POV)Ilang araw na ang lumipas, ngunit hindi ko mababago ang anumang bagay. Nagsimula na kaming magkalapit ni Gabion. Minsan kasama niya ako sa opisina, sa kanyang airlines, siya ang ganap na propesyonal na piloto at sigurado ako na walang sinuman ang naghihinala sa pagitan namin sa tuwing magkasama kami sa bawat flights niya. Pagkatapos, sa labas ng trabaho, nag-uusap kami nang parang mag-asawa, sa bahay kasama ang mga anak namin at walang nakakaalam na iba sa opisina at main building bukod sa mga tao sa mansion na kina Gabion ako umuuwi at may anak kami. Hindi na kami muling nagse-sex mula noong araw iyon sa kanyang opisina, ngunit alam kong hindi iyon dahil sa kawalan ng gana sa isa't isa, yon ay dahil ayaw naming mahuli at ma-issue sa trabaho. Mabilis akong naging sobrang attached na ulit sa kanya, kahit na paulit-ulit kong pinapaalalahanan ang sarili ko na hindi ito magreresulta sa anumang bagay na permanente kahit pa may magandang naidulot ito
In His Arms(Arzelle POV)Office."Anything interesting movie on Netflix?" I was trying to find anything para makausap siya.Kanina pa siya nakatitig sa phone niya at narinig ko ang introduction sounds ng Netflix."Hmmp," sabi niya, ngunit iyon lang."Kung ganoon, bakit may pinagtyagaan kang panoorin?" tanong ko para magbukas ng topic at makausap siya.He shrugged his shoulders and I thought it would be it, pero sinagot naman niya ako, anyway. “Paiba iba ang genre parang balita. Hindi mahalaga kung ano ang nangyari isang araw o dalawang araw na nakalipas. Hindi mo na maalala at wala ring ibang nakakaalam na sa detalye kapag lumipas na," saad niya."Oh, I see." And for once, sinadya ko talaga. Hindi ko lang siya pinapasaya tulad ng ginawa ng iba. Ano kayang pinapanood niya at ganon na lamang ang sagot niya?"Ano ba kaseng pinapanood mo?""Documentary ng isang taong may iba't ibang personality. Di mo talaga makikilala kong ano at sino ba talaga siya!" Pahayag niya.Good thing mukhang m
One Of My Weakness (Gabion POV)Wala akong ibang kinaiinisan kaysa sa pakikitungo ni Arzelle sa ibang lalaking katrabaho niya at di niya alam yon. Di siya aware na nagseselos ako pero di ko pinahalata, ayaw ko siyang kausapin pero halatang gumawa siya ng effort para makausap ako, ayaw ko sanang pansinin siya, ngunit gusto kong makipag-usap sakanya tungkol sa mga bata, na kung saan ay kailangang para sa aming tungkulin bilang mga magulang.Hindi naman mahirap dati ang kanyang pamilya, ngunit matapos mawala ang halos buong farm ng kanyang ama sa sunud-sunod na pagbigay ng tiwala sa tao, naging mahirap na kay Arzelle ang buhay pate ang kanyang pag-aaral. Maswerte parin siya dahil kahit di sila ganon ka yaman, nakasama parin niya ang ina niya samantalang ang kambal ko ay di man lang naranasang makita ang tunay nilang Ina kahit halos nasa kanila na lahat ang mga bagay na kailanganin nila sa buhay kasama ako.Takot akong hanapin ang babaeng yon,dahil kapag nagkataon hindi niya ako bibigya