“Katulad nito? Ganun ba? Nasabi ko man sa inyo ng mas maaga ay si Trina pa rin ang kakausapin ko. Pareho ko silang kwenekwento sa mga Dela Vegas but they finds Trina different from her sister. Hindi ko sinabi na ikwenento ko ang nakakahiya kay Joyce, sinabi ko lang na mas active ito sa labas kesa kay Trina na palaging nasa loob ng bahay. They like Trina for their son kahit na hindi pa nila ito nakikita, I told them too that Trina is my daughter from another woman but they don’t care about it kaya bakit mas nag-aalala kayo kesa sa mga magulang ng magiging groom?”
“Pero kasi diba, hindi naman payag si Trina sa kasal na yan?”
“Gusto man niya o hindi wala na kayong magagawa sa desisyon ko. Walang hilig si Joyce sa negosyo kesa kay Trina, tinanong din ako ng matandang Dela Vegas kung ano ang kinahihiligan nilang dalawa, ng malaman niyang mahilig sa drawing si Trina sa mga damit ay siya rin ang sinabi niyang ipagkasundo ko. Hindi lang ako ang namili kay Trina kundi ang mga Dela Vegas din.” pagpapaliwanag pa nito pero hilaw na natawa si Emily at inis na tiningnan ang asawa.
“Palibhasa kasi anak siya ng babae mo, babaeng kinahumalingan mo kaya mas gusto mo yung magandang buhay para sa kaniya dahil gusto mong bumawi, gusto mong bumawi sa naging anak niyo. You’re so unfair Zack!” inis na nitong saad.
“Stop blaming Trina, Emily! Nagkamali ako, inaamin ko yun pero kailanman ay hindi ako naging unfair sa mga anak ko.”
“Dahil ang pagkakamali mong iyun ay hindi mo pinagsisisihan! Dahil minahal mo ang babaeng yun kaya mas mahal mo ngayon ang anak niyo kahit na patay na siya!”
“Stop with your dramas Emily!” galit na nitong saad, nasuntok pa nito ang lamesa niya dahil nagsisimula nanaman ang asawa niya. Matagal ng panahong nangyari iyun pero hanggang ngayon palagi pa rin niyang binubuksan ang nagawa niyang pagkakamali. “Pinagsisisihan ko mang naloko kita noon pero kailan man ay hindi ko pinagsisisihan na naging anak ko si Trina. Mula umpisa naibigay ko lahat kay Joyce ng kailangan niya pero si Trina naranasan ang lahat ng hirap sa buhay. Pagtatalunan pa ba natin ‘to Emily? Hindi na tayo mga bata para sa mga ganitong bagay. Kung dahil lang sa kasal kung bakit nanaman tayo nagkakaganito, ask the Dela Vegas instead to cancel their wedding and tell them that you want Joyce and Darren to get married.” Inis nitong saad saka naupo sa kaniyang upuan at muling hinarap ang laptop.
Nasa labas naman ng pintuan si Trina, hindi niya na tinuloy ang balak niyang pagkatok. Napangiti na lamang siya dahil ang alam niya ay hindi siya mahal o minahal ng kaniyang ama dahil palaging malamig ang pakikitungo nito sa kaniya, hindi niya lang napapansin na may halaga pala siya sa kaniyang ama.
‘Kailan man ay hindi ko pinagsisisihan na naging anak ko si Trina.’ Muling ulit sa kaniyang tenga, ang sarap palang pakinggan kapag ipinagtatanggol ka ng yung ama. Nilagyan niya ng tubig ang pitsel niya saka pumasok sa loob ng kwarto niya. Hindi man sila madalas magkaroon ng oras ng kaniyang ama ay sapat na sa kaniyang malaman niyang may care ito sa kaniya kahit kaunti, masaya na siya dun.
Ipinikit niya naman na ang kaniyang mga mata at natulog ng may ngiti sa labi kahit na iniisip pa rin ang kasal na magaganap kahit hindi niya gusto.
KINABUKASAN
Lumabas na siya ng kaniyang kwarto at dumiretso na sa kusina, sakto ring naghahanda na ang mga katulong nila para sa agahan. Naupo naman na siya at naabutan pa niyang nagbabasa ng dyaryo ang ama. Kahit na nasa moderno na silang panahon ay mahilig pa rin itong magbasa sa dyaryo.
“Milk po ma’am?” tanong ng katulong kay Trina ng umiling ito.
“Marami akong pinabiling bagong damit mo Trina ganun na rin sa mga heels dahil kapag maghahanda na para sa kasal ay iyun ang isusuot mo, makakasama mo ang binatang Dela Vegas na yun. Ikaw naman Joyce naglagay ako ng pera sa account mo, bilhin mo ang gusto mong bilhin dahil baka hindi mo lang magustuhan ang mga ipapabili ko.” saad ng kanilang ama.
“Salamat po,” saad ni Trina, napairap na lamang si Joyce dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya tanggap na si Trina ang ikakasal sa lalaking matagal niya ng gusto. Kung alam niya lang na mangyayari pala ito balang araw ay sinunod niya na ang kaniyang ama dahil simula una ay siya ang palaging kinakausap sa iniuutos nito pero palaging si Trina ang itinuturo niya dahil may mas hilig ito sa negosyo.
Nang matapos silang kumain ay nagtungo ng garden si Trina, napatingin na lang siya sa kaniyang cell phone ng magbeep ito. Napakunot na lamang ang kaniyang noo ng makita niyang unknown number ang nagtext.
[We need to see each other now, exactly 9am in a coffee shop near in your company. If not, you will not going to like what I am going to do with you. Huwag kang magsasama kahit sino.]
-Darren
Basa niya sa text mula kay Darren. Para saan naman ang pag-uusapan nilang dalawa? Saka saan niya nakuha ang number nito? Kung makapag-utos akala mo kung sino, tsss. Napairap na lamang siya saka tiningnan ang oras, alas otso na kaya isang oras na lang ang paggagayak niya. Tumayo naman na siya saka pumasok sa kaniyang kwarto para maligo. Napansin pa niya ang nagkalat na mga shopping bag sa kama niya kaya binuksan niya ang isa. Hindi kasi siya mahilig bumili ng mga damit niya kahit na nagbibigay ang kaniyang ama, mas maganda na yung may naiipon ka para may mahugot kapag kinailangan. Iyun na lamang ang isusuot niya dahil parang luma na ang mga damit niyang paulit-ulit pa niyang isinusuot sa tuwing may okasyon at sa pagdalo niya sa mga aral ng Diyos.
30 minutes naman siyang nagstay sa banyo niya bago siya nakalabas at nagbihis. Maganda naman lahat ng mga binibili ng kaniyang ama at tila ipinasadya pa iyun para sukat sa katawan niya. Tiningnan pa niya ang mga heels dun, kinuha niya na lamang ang isang 3 inch dahil mangangalay lamang siya kapag yung mataas pa ang isinuot niya.
Nang matapos siya ay saka siya lumabas ng kaniyang kwarto, napatingin naman sa kaniya ang kapatid niyang nakaupo sa salas.
“At saan naman ang punta mo para mag-ayos ka pa?” mataray nitong tanong.
“May pupuntahan lang ako saglit, maiwan muna kita.”
“Whatever, do whatever you want. Kung gusto mong huwag ng bumalik, pwede rin.” Irap nitong saad saka ibinalik ang paningin sa pinapanuod. Lumabas naman na si Trina saka sumakay sa kotse niya na bihira niya namang magamit, hindi niya na pinansin ang sinabi ng kapatid.
Napatingin na lang siya sa kaniyang relo ng maipit siya sa traffic. 5 minutes na lang at magnanine na baka nandun na ang binata. Para pa namang hindi ito makapaghintay, anong magagawa niya kung naipit siya sa traffic saka biglaan naman kasi ang pagtetext nito. Nang makaalis siya sa traffic ay mabilis na pinaandar ang kaniyang sasakyan hanggang sa makarating ito sa coffee shop na sinasabi ni Darren. Pumasok naman na siya sa loob saka inilibot ang paningin sa paligid. Napalingon na lamang siya sa bandang gilid ng may kumaway dun, nakita niya naman si Darren na salubong na salubong ang kilay.
“Pasensya ka na, naipit lang sa traffic.” Saad nito saka naupo. Tinawag naman na muna ni Darren ang waiter saka umorder ng makakain nila. Hindi naman na muna ito nagsalita, tiningnan niya ang kabuuan ni Trina at kita niya naman ang taglay nitong kagandahan saka siya napangisi.
“Girls is always girls, nagpapaganda ka ba?” tanong nito na ikatawa ni Trina dahil sa kapal ng mukha niyang sabihin iyun sa kaniya. Sinunod niya lang ang kaniyang ama kung ano ang isusuot niya, wala rin siyang nilagay sa mukha niya maliban sa lip tint na nasa labi niya, sadyang natural ang ganda niya.
“Anong tingin mo sa akin? may gusto sayo? hello, nasobrahan ka naman yata sa kapal ng mukha mo. Pakibawasan dahil ikaw lang ang mapapahiya sa huli, anong akala mo? lahat ng babae mahuhumaling o magkakagusto sayo? ibahin mo ako.”
“Then why did you accept this marriage?” tanong nito, nilingon naman na muna nila ang kararating na waiter.
“Enjoy ma’am, sir.” saad nito, nang makaalis na ito saka ibinalik ni Trina ang atensyon niya sa binata.
“Bakit ikaw? Bakit ka pumayag sa kasal na ito? bakit ako ang tinatanong mo gayong pumayag ka rin naman? Hmmm?” taas kilay nitong saad, inis namang tiningnan ni Darren si Trina dahil sa balik nitong tanong.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa babae, I want you to tell your parents that you’re going to cancel the marriage.” Diretsong saad nito, napangisi naman si Trina dahil sa wakas hindi lang siya ang may ayaw sa kasal na ito. May magiging kakampi siya.
“Sa pagkakaalam ko ay magulang mo ang lumapit sa Daddy ko, bakit hindi ikaw ang kumausap sa mga magulang mo?”
“Bakit ba ang hilig mong ibalik sa akin ang mga tanong ko?” pigil ang galit ni Darren dahil kanina pa si Trina.
“Dahil kahit kaya mo namang gawin ay ako pa ang uutusan mo, ang kakausapin mo. Ikaw itong lalaki pero ako pa ang kakausapin mo? sige sabihin na nating kinausap ko na ang Daddy ko tapos hindi pumayag, anong gagawin mo? hindi ba at kakausapin mo pa rin ang mga magulang mo?”
“You’re worthless.” Blangkong saad ni Darren dahil ang akala niya ay maaasahan niya ito pero ibinabalik niya lang sa kaniya ang lahat. Sinamaan naman ng tingin ni Trina si Darren.
“Ikaw ang gumawa kung gusto mo dahil kahit kausapin ko ang Daddy ko wala pa ring magbabago, sinasabi ko na sayo dahil kakausapin ko sana siya kagabi pero narinig ko silang nagtatalo ng step mother ko sa kasal at hindi siya payag na icancel.” Saad niya, napabuntong hininga naman si Darren. “Kung wala ka ng sasabihin ay aalis na ako.” saad niya pero bago pa man siya makatayo ay sumilaw na sa kanilang mga mata ang pagflash ng camera, sabay nilang nilingon ito at nanlaki na lamang ang kanilang mga mata ng paparazzi ang nakita nila.
“Damn!” mahinang mura ni Darren ng sunod sunod silang kinuhanan ni Trina. Mabilis na inalis ni Darren ang kaniyang coat at pinangharang sa mukha ni Trina pero huli na ang lahat.
“Totoo po bang may relasyon kayong dalawa? Nagkikita po ba kayo ng palihim?” sunod sunod na tanong ng mga ilang paparazzi. Tumayo naman na si Darren saka nilapitan si Trina at hinawakan sa magkabilang balikat habang nakalagay sa ulo niya ang coat ni Darren. “Excuse me,” tanging saad ni Darren subalit hindi man lang ito sila mga umalis. “Damn it!” mahinang mura ni Darren dahil hindi na sila makaalis sa kinalalagyan nila. “Excuse me ma’am, naaabala niyo na po ang mga customers namin. Sa labas na lang po tayo kung maaari.” Nakikiusap na saad ng manager ng coffee shop, kumilos naman na rin ang ibang staff para palabasin ang mga paparazzi. Napaupo na lamang uli si Darren at Trina ng makalabas na ang mga paparazzi. “Look what happened.” Pigil ang inis niyang saad dahil tila mas lalong lumala ang nangyari dahil sa lihim nilang pagkikita. “Are you blaming me? alam mo namang nasa public place tayo Darren so don’t blame me. Ikaw ang namili ng lugar na i
“Congrats,” mapait niyang bati saka umalis na at pumasok sa kaniyang kwarto. “What did you do?” tanong ni Trina ng hindi tinitingnan si Darren. “Isipin mo na lang na ginawa ko ito para sayo, maybe we can plan this soon.” “Soon? Narinig mo ba kung anong sinabi nila? Ngayong buwan na magaganap yung kasal.” “There’s a divorce paper woman, do you get it?” saad nito, natahimik naman si Trina. Meron mang divorce paper pero hindi nila mababago na ikinasal nga silang dalawa. Napabuntong hininga na lamang si Trina dahil hindi niya naman makakausap ang kaniyang ama tungkol sa bagay na yun. “Yaya, bigyan mo sila ng meryenda. Iho, iha dun muna kayo sa garden para makapag-usap pa kayong dalawa.” Saad ng Daddy ni Trina, tumango na lamang silang dalawa saka sila nagtungo dun. “Ano pa bang pag-uusapan nating dalawa? Tapos naman na lahat, wala na tayong magagawa para ihinto ang kasal na ito. Gusto mo bang maging runaway bride ako?” tiningnan nama
“Nafinalize niyo na ba lahat ng gagamitin sa kasal niyong dalawa?” tanong ng Mommy ni Darren, nandito sila ngayon sa bahay nila Trina at muling pinag-uusapan ang tungkol sa kasal. “Okay na Mom, right Trina?” baling ni Darren kay Trina na kumakain pa. “Ah opo, okay na po lahat.” sagot niya naman saka sinamaan ng tingin si Darren. Walang araw na hindi siya nito bwinisit. Nang matapos na kumain ng tanghalian ay nag-usap usap na lang uli sila sa sala. Sinabi naman lahat ni Trina ang mga napag-usapan nilang dalawa ni Darren. Sa buong linggo na yun ay naging abala ang lahat sa kasal. Napapagod na rin si Trina dahil bawat araw ay may kinakausap siya sa mga nag-aasikaso sa kasal nila dahil sa susunod na araw na iyun magaganap. “Nakakapagod,” usal niya saka sumakay sa kotse ni Darren. Isinandal niya naman na ang kaniyang likod saka ipinikit ang kaniyang mga mata. Gusto niya na talagang matulog dahil kung saan saan sila nakakarating ni Darren sa pag-aasikaso sa
Hinarap naman na nila ang isa’t isa ng isusuot na nila ang mga singsing nila. They even exchange their vows at binalot ng palakpakan ang buong lugar. “You may now kiss the bride.” Anunsyo nito, hinarap naman na ni Darren si Trina at dahan dahan na inalis ang belo nito. Tinitigan niya si Trina, may make up man o wala ang dalaga ay maganda talaga ito. Naibaba na lamang niya ang kaniyang paningin sa labi ni Trina at tila sadyang inaakit siya nito. Dahan dahan niyang nailapit ang kaniyang mukha, naipikit na lamang ni Trina ang kaniyang mga mata. Hinalikan naman na ni Darren si Trina subalit sa gilid lamang iyun ng labi nito kaya napamulat siya kaagad. Ang akala niya talaga ay hahalikan siya ng binata, mabuti na lamang at sa gilid lamang iyun ng labi niya. Nagpalakpakan naman ang lahat ng tuluyan ng naging isa ang dalawa. Nagsimula na silang kumain, naupo naman na silang dalawa sa pwesto na nasa harap pa rin. Kaunti lang naman ang nakain ni Trina kaya napalingon sa kaniya
Nakatingin naman ang ibang mga empleyado ng pumasok si Trina, bahagya lang siyang ngumiti dahil naiilang siya sa mga tingin ng mga ito. “Hindi ba at siya yung nakita na kasama ni Sir Darren? Hindi kaya totoo yung sinasabi na siya ang dinedate ni Sir?” rinig pa nitong bulong ng mga kababaihan, hindi niya naman na iyun pinansin. Dumiretso na siya sa opisina ni Darren. Naabutan niya naman itong abala sa laptop niya. “What? Do you need something? Hindi porket asawa kita ay labas masok ka na lang sa opisina ko, empleyado pa rin kita rito Trina.” Malamig nitong aniya. “I know, I just want to know kung saan mo ako ilalagay.” “Diyan ka na lang sa labas ng office ko para kapag pinatawag kita ay mabilis ka lang pumunta. And I want you to do another design for the upcoming show. Nakita ko yung mga design mo pero gusto kong gumawa ka pa ng iba, I will give you one week, is that enough?” tanong nito, napaisip naman si Trina kung kakayanin ba niya ang isang linggo
Nang matapos si Darren ay inayos naman na ni Trina ang mga pinagkainan nila. Tinakpan niya na lang din ang mga pagkaing hindi nila naubos. “Hayaan mo na lang diyan ang mga cleaners, bumalik ka na sa trabaho mo.” malamig pa rin niyang aniya. Lumabas naman si Trina ng wala ng salita. “May pinagawa pa sayo si Sir? kumain ka na ba?” tanong ni Angel ng makita niyang bagong labas si Trina sa office ni Darren. “Kumain na ako, huwag mo akong alalahanin.” Nakangiti niyang sagot. Bumalik naman na sila sa trabaho nila. Nakatuon lang ang atensyon ni Trina sa drawing niya. Lima na lang siguro ang iguguhit niya para makapamili si Darren. Napainat na lamang siya ng mangalay siya, napatingin na lang siya sa paligid niya at napakunot noo ng makita niyang wala ng masyadong tao. Nilingon niya naman si Angel na abala pa ring nakatingin sa computer niya. Tiningnan niya ang oras niya ay alas sais na. “Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ni Trina sa kaniya dahil parang hin
Hindi pa alam ni Trina kung maglalakad ba siya patungong office ni Darren. Ramdam niya ang pag-iiba ng tinig nito kanina at alam niyang galit talaga ito. Naipikit na lamang niya ang kaniyang mga mata, dahan dahan niyang tinungo ang office ni Darren. Parang hindi pa niya maramdaman ang paghawak niya sa door knob dahil sa kabang nararamdaman niya. Nakayuko ang kaniyang ulo ng makapasok na siya, nakatalikod naman sa kaniya si Darren. Ilang minuto pang namutawi ang katahimikan sa silid na iyun bago siya hinarap ni Darren. “Sinabi mong ngayon mo na yun ipapasa sa akin, what happened Trina?!!” galit nitong tanong, nagitla pa si Trina kaya naipikit pa niya ang kaniyang mga mata. “Pasensya ka na, hindi ko naman alam na ganun ang mangyayari eh.” “Tatlong araw na lang ang natitira sa araw na ibinigay ko sayong palugit, mahalaga ang show na ito. Kung hindi mo kayang pahalagahan ang trabaho mo, magkulong ka na lang sa kwarto mo!!” “Hindi ko sinasadya! Nag
“Nakalimutan niyo bang nag-ayos kami ng cctv? Pinatay muna namin ang mga cctv na inayos namin kasama na rin ang cctv sa labas ng office ni Sir kaya putol yan. Ilang floor ang inayos namin, bakit ba?” tanong pa nito, naipikit na lamang ni Trina ang kaniyang mga mata at humugot ng malalim na hininga. Bakit ngayon pa kung kailan may kailangan siyang tingnan. “Pasensya na po kayo ma’am mukhang hindi niyo po makikita ang gusto niyong makita. Ano po bang gusto niyong malaman?” “Wala, salamat.” Nakangiting saad ni Trina saka lumabas ng silid na iyun, bagsak ang balikat niyang naglakad pabalik ng department nila. Iyun na lang kasi ang pag-asa niya para mapatunayan na hindi siya pabaya at hindi nag-iingat. Pakiramdam niya kasi talaga may taong sinadyang tapunan ang mga gawa niya. Hinayaan niya na lang naman na iyun saka itinuon ang atensyon sa pagguhit ng panibago. Tatapusin niya na lamang iyun kahit alam niyang masyado ng gahol sa oras. Ng sumapit ang oras ng uwian n
“Acccckkk, my God! Bakit ang daming langgam!” rinig kong sigaw ni Joyce na nandito rin pala. Napangiti na lang ako ng tanguan at ngitian ako ni Daddy. Naiiyak naman si Mommy habang nakatingin sa aming dalawa. Masaya ako, masaya ako dahil binigyan niya ako ng pagkakataon na bumawi, na mahalin siya muli. Kung naging greedy ako sa kapangyarihan noon at pinili ang negosyo kesa sa kaniya, ngayon siya ang pipiliin ko over everything because she is my everything. Wala man akong naaalala sa kaniya sa nakalipas na pitong taon, wala pa rin namang nagbago sa nararamdaman ko dahil siya pa rin ang nakapagpatibok ng puso ko sa pangalawang pagkakaton. Nasaktan ko man siya, babawiin ko yun, ipaparamdam ko sa kaniya na mahalaga pa siya sa mahalaga. She is like a gem that you don’t want to lose. Hindi ko mapigilan ang paglandas ng mga luha ko dahil sa nakikita ko ngayon, she is like an angel na bumaba sa lupa. She is so gorgeous in her white wedding dress. Pakiramdam ko masyadong mabagal ang oras at a
Hindi ko alam na ganun na pala ang pinagdadaanan ni Trina, wala akong kaalam alam sa mga nangyayari sa kaniya. Ang akala ko talagang galit lang siya sa akin, wala akong inisip kundi kung paano ko uli siya makakausap ng maayos. Hindi ko alam na may nagtatangka pala ng buhay niya. I’m really a useless husband to her, am I really worth it for her? Wala akong ginawa kundi ang saktan siya. Gusto ko ng sampalin si Ashley nang sabihin niya sa akin ang lahat pero malaking pagpipigil ang ginawa ko because she’s still a woman. I never hit a woman and I will never be dahil kapag nanakit ako ng babae pakiramdam ko sinaktan ko na rin ang ina ko at ang asawa ko.Inamin sa akin lahat ni Ashley, lahat lahat ng mga ginawa niya. Sila rin pala ang dahilan kung bakit naaksidente si Joyce gamit ang kotse ni Trina, hindi ko sila mapapatawad kung may nangyari kay Trina. Ang mga bulaklak ng tulips na palagi kong nakikita sa office ni Trina, I’m so stupid to think na may nanliligaw
TRINA POV “Babe,” mahinang wika ni Darren nang magkasalubong kaming dalawa. “Please let’s talk.” nagsusumamo niyang aniya, gustuhin ko man pero may kailangan akong gawin. “Maybe next time Darren.” “When? Gustong gusto na kitang makausap. Please, let me explain everything.” “Darren, may kailangan pa akong gawin.” Lalampasan ko na sana siya ng hawakan niya ang braso ko, blangko ko naman siyang tiningnan at ang kamay niyang nakahawak sa akin. Napapahiya naman siyang binitawan yun. “I’ll wait.” Maghihintay pero kailangan may reserba? Tssss. I’m still mad at you Darren, nasasaktan mo pa rin ako. Kahit ganito lang ako, kahit na para akong walang pakialam sayo pero ramdam ko pa rin yung sakit. Para pa ring kinukurot ang puso ko sa tuwing naalala ko ang picture niyo ng magkasama. Hindi ko lang kayang isipin na ang lalaking mahal ko may ibang humahawak sa kaniya. Walang salita ko siyang iniwan. May mga bagay na dapat pa akong malaman, kaya ko lang ihilom ang puso kong dulot ng mga pananak
Maya maya pa ay bahagya siyang nagulat pero hindi mo yun mahahalata kaagad kung hindi ka nakatitig sa mga mata niya.“If you have problem with me Ashley, tell it. Hindi yung ganito kailangan mo akong takutin ng mga sulat.”“Hindi ko po talaga alam ang tungkol dito Ma’am. Wala po akong alam.” Wika niya pero this time parang hindi na convincing ang tinig niya. Alam kong walang nakagawa ng kasalanan ang aamin ng sarili niyang kasalanan. I will find it in my own way Ashley. Kung hindi nga ikaw then good to hear that. Huwag mong sirain ang pangarap ko para sayo sa simpleng dahilan mo.“I just want to remind you Ashley, nasa ibaba ka pa. Wala ka pa sa pinakatuktok kaya huwag mong hayaan na kung gaano ka kabilis umangat ay ganun ka rin kabilis na bumagsak. Makakaalis ka na.”“Naiintindihan ko po Ma’am. Kung may nalaman man po ako, sasabihin ko po kaagad sa inyo. Ingat po kayo, pasensya na rin po sa nangyari.&
Ilang araw din akong hindi pumasok ng kompanya. Pagkaalis ng anak ko para pumasok ay umaalis na rin ako. Sa ibang lugar ko ginagawa ang mga trabaho ko. Halos araw araw ding nanggugulo si Darren sa bahay, ayon sa mga katulong ko. Gusto kong irelax ang sarili ko, gusto kong makapag-isip ng maayos. Uunahin ko muna ang tungkol sa babaeng nagtatangka ng buhay ko kesa kay Darren.I can deal with him to the other days pero hindi muna ngayong mas mahalaga itong ginagawa ko. Pinag-isipan kong mabuti, pinagsama-sama ko ang lahat ng mga palatandaang nalalaman ko.Noong isang araw, nakita ko siyang may dala dalang mga bulaklak na tulips. Siya lang ang nakita kong may hawak nun sa mga pinagmamasdan ko sa kompanya. Maaaring may kinalaman siya sa nagpapadala ng mga bulaklak at card sa akin.Taas noo akong naglakad sa lobby kahit panay ang lingon sa akin ng mga empleyado. Ang lahat ng mga issue dito sa kompanya ay hindi lumalabas, subukan mong ilabas ngayon paniguradong bukas w
Nagising akong nasa tabi ko pa rin si Ate Joyce at nakatutok sa cellphone niya. “Gising ka na pala, gutom ka na ba? Nagpadeliver na lang ako ng pagkain nating dalawa rito. Ang tagal mo ring matulog.” Tiningnan ko ang relo ko at tanghalian na pala. Hindi ko namalayan ang oras, ganun na pala ako katagal na natulog. “You’re still here, wala ka bang gagawin?” paos pang tanong ko, nakatagal siyang hintayin o bantayan ako rito? “Anong gagawin ko? Gusto mo bang kalbuhin ko na talaga ang babaeng yun? Ang kapal kapal ng malanding yun. Pero kanina ko pa tinitingnan ang media pero wala namang nagbabago ron. Parang normal lang ba yung nangyayari rito sa kompanya.” Taka niyang wika, kahit naman magulo na rito sa loob walang magtatangkang ilabas ang lahat ng nangyayari rito. Takot na lang nilang mawalan ng trabaho. “Kilala mo si Darren, hinding hindi niya hahayaang marumihan o madungisan ang pangalan niya at ng kompanya. Lahat kaya niyang paikutin sa pamamagitan ng
Bahagya akong napahakbang, gusto kong makita ng malinaw baka namamalikmata lang ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko gayong malinaw ang nakikita ko. Why? Bakit niya ginagawa sa akin ito? Bakit kailangan niya akong lokohin?Tahimik silang lahat na nakatingin sa akin, ni hindi ko rin maikurap ang mga mata ko para mapagmasdan ko ang itsura niya. What happened? Ilang araw lang silang nawala pero bakit ganito? Parang namamanhid ako, hindi ko alam kung anong iisipin ko. What happened between them. Sunod sunod akong napalunok at unti-unti ko ng nararamdaman ang pagtutubig ng mga mata ko.Malinaw kong nakikita ang litrato nilang dalawa habang nakahiga sa kama, pareho silang tulog. Why Darren? Bakit mo ito ginagawa sa akin? Akala ko ba, ako lang? ako pa rin but what is the meaning of this. Ayaw kong maniwala pero heto na eh, malinaw na malinaw na ngayon sa harapan ko ang litrato nilang dalawa sa iisang kama. Parehong masarap ang tulog nila.“Ngayon, sabihi
Hindi ko alam kung paano ako makakapagtrabaho ng maayos nito dahil iniisip ko yun. Sa paglabas ko ng kompanya nakamasid lang ako sa paligid ko. Nagpapadrive na lang din ako, palagi ko ring chinecheck muna ang sasakyan ko para sigurado. Sa labas na rin ako nagpaparking para nakikita lang, lagi ring nasa tapat ng cctv camera. Speaking of cctv, tiningnan namin ang kuha ng cctv noong araw at oras na yun. Nakasuot siya ng itim at balot na balot ang buo niyang katawan kaya hindi namin makilala kung sino, hindi rin naman makita kung babae ba o lalaki. Hindi muna namin yun ipinaalam sa mga otoridad baka dahil mahalata kami. Sa tuwing tinatanong ko rin ang driver ng anak ko ay wala naman daw siyang napapansing kakaiba o delikado sa paligid nila. Mabuti naman kung ganun at hindi nila isinasali ang anak ko sa problema nila sa akin. Naging usap usapan si Ashley matapos ang runway niya sa New York sa media. Tinitingnan ko naman si Ate Joyce pero parang wala lang sa kaniya
Tatlong araw lang nanatili sa hospital si Ate Joyce at ngayon din ang araw ng fashion show ni Ashley. Kahit gamitin pa namin ang private plane ng kompanya ay hindi na kami aabot, hindi rin naman pwedeng pwersahin si Ate Joyce dahil sa nangyari.Naging mapagmasid din ako sa paligid ko simula ng sabihin yun sakin ni Ate, sa ngayon wala pa namang kakaiba sa paligid ko. Pinabantayan ko na rin si Chris sa driver niya, mananatili siya sa school kasama ng anak ko. Ayaw kong masyadyong pakampante at saka lang kikilos kapag may nangyari nanaman.Marami na akong pinoproblema sa trabaho ko tapos dumagdag pa ito. Ano ba talagang pakay nila sa akin? anong gusto nilang makuha para gawin sa akin ang bagay na yun at talagang gusto nila akong mawala sa mundo. Naipikit ko na lang ang mga mata ko at hinilot ang sintido, what I have done to them to do this to me.Kaming dalawa pa lang ni Ate Joyce ang nag-uusap tungkol sa bagay na ito, ayaw naming ipaalam muna sa iba dahil baka maa