Nang matapos si Darren ay inayos naman na ni Trina ang mga pinagkainan nila. Tinakpan niya na lang din ang mga pagkaing hindi nila naubos.
“Hayaan mo na lang diyan ang mga cleaners, bumalik ka na sa trabaho mo.” malamig pa rin niyang aniya. Lumabas naman si Trina ng wala ng salita.
“May pinagawa pa sayo si Sir? kumain ka na ba?” tanong ni Angel ng makita niyang bagong labas si Trina sa office ni Darren.
“Kumain na ako, huwag mo akong alalahanin.” Nakangiti niyang sagot. Bumalik naman na sila sa trabaho nila. Nakatuon lang ang atensyon ni Trina sa drawing niya. Lima na lang siguro ang iguguhit niya para makapamili si Darren.
Napainat na lamang siya ng mangalay siya, napatingin na lang siya sa paligid niya at napakunot noo ng makita niyang wala ng masyadong tao. Nilingon niya naman si Angel na abala pa ring nakatingin sa computer niya. Tiningnan niya ang oras niya ay alas sais na.
“Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ni Trina sa kaniya dahil parang hin
Hindi pa alam ni Trina kung maglalakad ba siya patungong office ni Darren. Ramdam niya ang pag-iiba ng tinig nito kanina at alam niyang galit talaga ito. Naipikit na lamang niya ang kaniyang mga mata, dahan dahan niyang tinungo ang office ni Darren. Parang hindi pa niya maramdaman ang paghawak niya sa door knob dahil sa kabang nararamdaman niya. Nakayuko ang kaniyang ulo ng makapasok na siya, nakatalikod naman sa kaniya si Darren. Ilang minuto pang namutawi ang katahimikan sa silid na iyun bago siya hinarap ni Darren. “Sinabi mong ngayon mo na yun ipapasa sa akin, what happened Trina?!!” galit nitong tanong, nagitla pa si Trina kaya naipikit pa niya ang kaniyang mga mata. “Pasensya ka na, hindi ko naman alam na ganun ang mangyayari eh.” “Tatlong araw na lang ang natitira sa araw na ibinigay ko sayong palugit, mahalaga ang show na ito. Kung hindi mo kayang pahalagahan ang trabaho mo, magkulong ka na lang sa kwarto mo!!” “Hindi ko sinasadya! Nag
“Nakalimutan niyo bang nag-ayos kami ng cctv? Pinatay muna namin ang mga cctv na inayos namin kasama na rin ang cctv sa labas ng office ni Sir kaya putol yan. Ilang floor ang inayos namin, bakit ba?” tanong pa nito, naipikit na lamang ni Trina ang kaniyang mga mata at humugot ng malalim na hininga. Bakit ngayon pa kung kailan may kailangan siyang tingnan. “Pasensya na po kayo ma’am mukhang hindi niyo po makikita ang gusto niyong makita. Ano po bang gusto niyong malaman?” “Wala, salamat.” Nakangiting saad ni Trina saka lumabas ng silid na iyun, bagsak ang balikat niyang naglakad pabalik ng department nila. Iyun na lang kasi ang pag-asa niya para mapatunayan na hindi siya pabaya at hindi nag-iingat. Pakiramdam niya kasi talaga may taong sinadyang tapunan ang mga gawa niya. Hinayaan niya na lang naman na iyun saka itinuon ang atensyon sa pagguhit ng panibago. Tatapusin niya na lamang iyun kahit alam niyang masyado ng gahol sa oras. Ng sumapit ang oras ng uwian n
“Napakawalang puso niya talaga.” Saad niya habang naglalakad papasok ng bahay nila, napaupo na lamang siya sa sofa at hawak hawak ang ulo niya dahil nahihilo talaga siya, pakiramdam niya umiikot ang paligid niya. Tila ba pinipiga ito sa sobrang sakit, pumasok naman na siya sa kusina nila at naghain ng makakain niya. Gusto niya na talagang matulog. “Kaunti nanaman lang po kakainin niyo ma’am?” tanong ng katulong nilang si Annie. “Gusto ko na kasing matulog kaya kaunti lang kakainin ko, babawi na lang ako bukas.” Nakangiti niyang saad, dahan dahan siyang umakyat ng hagdan hanggang sa makapasok siya ng kwarto. Ibinagsak na lamang niya ang sarili sa kama dahil hindi niya na talaga kaya, hindi na rin siya nakapagbihis at hinila na ang kumot niya dahil nilalamig na siya. Pumasok naman ng bahay nila si Darren saka niya inilibot ang paningin niya dahil alam niyang nakauwi na si Trina, nasa labas na kasi ang kotse nito. “Manang si Trina nakauwi na ba?” tanong
Nang matapos silang kumain ay si Darren na rin ang naglinis. Ibinigay niya na rin ang gamot para sa sakit ng ulo. “Salamat,” anas ni Trina ng ibigay niya na ang baso. “Papasok ka ba mamaya? Magpahinga ka na lang muna kung gusto mo.” “Okay na ako, sapat na sa akin yung nakapagpahinga ako ng kaunti.” “Kung iyan ang gusto mo, sabay na tayong pumasok mamaya.” Saad nito saka kinuha ang mga pinagkainan nila at bumaba. “Ako ba talaga ang may sakit o siya?” naguguluhan pang tanong ni Trina kahit na nakababa na si Darren. Kailan lang nung sinabi nito na ayaw niyang makita ng mga empleyado niyang magkasama silang dalawa tapos ngayon siya pa ang nagsabi na sabay na silang papasok mamaya. Ayos yun ah. Bumangon naman na siya saka pumasok ng banyo para makaligo. Napapaisip pa rin kung patuloy na ba ang kabaitan ni Darren sa kaniya o ngayong araw lang iyun dahil sinakit siya kasi pakiramdam niya guilty siya. Ganun nga lang siguro yun baka sa susunod
“Good morning ma’am,” bati ng katulong ng makababa na si Trina. Alas singko pa lang pero gising na siya, gusto niya kasing maghanda ng makakain nilang dalawa ni Darren. “Ako na lang ang magluluto, you can do another house chores.” Nakangiti niyang utos kay Annie. “Sige po ma’am,” anas nito, iniwan niya naman na si Trina sa kusina. Gusto lang talaga niyang magluto ngayon. Iniluto na lamang nya ang mga paborito ni Darren, hindi naman siya nagpapapansin dito o inaagaw ang atensyon niya. Walang masama ang magluto sa umaga kung ginusto mo lang. May ngiti ang kaniyang labi habang nagluluto, nangangamoy naman sa kusina ang mga luto niya. Nang matapos siya ay nauna na siyang kumain, hindi naman kasi nila obligadong hintayin ang isa’t isa lalo na kung mag-asawa lang sila sa papel. Umakyat naman na siya sa kwarto niya saka naggayak para makapasok na siya ng kompanya. Nagising naman si Darren ng wala na si Trina. “Sino nagluto ng agahan?” tanong ni Darren dahil
Lumipas ang maghapon na iyun pero hindi na nagpakita si Darren, ipinagsawalang bahala na lang iyun ni Trina. Palabas na sana siya ng kompanya ng habulin siya ni Nick. “Bakit?” tanong nito ng makalapit na sa kaniya ang sekretarya ni Darren. “Maghapon kasing wala si Sir, he need to sign these papers. Pakibigay na lang ito sa kaniya kapag umuwi na siya para kunin ko na lang sayo ng umaga. Pwede ba?” “Sure, no worries.” “Salamat,” nakangiti namang saad ni Nick, tumango na lang si Trina saka sumakay sa kotse niya para makauwi na. Naligo naman na muna siya ng makarating siya ng bahay. Kumatok siya sa pintuan ni Darren dahil baka sakaling nakauwi na ito pero nakailang katok na siya ay wala pa ring sumasagot. Baka hindi pa nakauwi, dala-dala naman ni Trina ang mga papeles na ibibigay niya kay Darren saka naupo sa sofa. Balak niya ring hintayin na lang si Darren para sabay na silang kumain ng hapunan. Binuksan niya na lang ang tv para malibang ang sarili pero
“I’m Lyndon Lopez,” masayang inilahad ni Lyndon ang kaniyang kamay kay Trina. “Trina Montenegros Sir,” tinanggap niya naman ang kamay ng binata. Napalingon na lamang sila sa pintuan ni Darren ng bigla itong nagsara ng malakas. “Don’t call me, Sir. Nasabi nila sa akin na ikaw yung bago nilang designer dito so ikaw ang makakasama ko sa pagdidisenyo?” “Designer po kayo?” “Yes at hindi ako bakla na sinasabi ng iba dahil ito ang daang tinahak ko.” natatawa naman nitong saad. “Wala po akong sinabi.” “Oo nga naman hahahaha. So dito rin ako maaassign kung saan ka, dito ako uupo hindi kalayuan sayo kaya hindi ako mahihirapan na magpapabalik-balik. It’s nice to see you Ms. Trina hindi naman nila nasabi na isang magandang binibini pala ang makakasama ko.” nahihiya namang tumawa si Trina. “Nice to meet you too Sir.” bumalik naman na sila sa mga pwesto nila at ipinagpatuloy ang kanilang mga trabaho. Napatingin pa si Trina sa bandang pintuan
Umakyat naman na si Trina sa kwarto niya saka nahiga. Nakatitig pa siya sa kisame at tila naghihintay ng himala para sa kaniya. Simple lang naman yung pangarap niya, makapagtrabaho at magkaroon ng sariling pamilya mula sa lalaking mamahalin niya pero parang ang hirap pang ibigay yun sa kaniya ng tadhana. Nagpakabait naman siya noong bata pa siya pero bakit niya ito nararanasan? Ano bang balak para sa kaniya? hindi niya maintindihan. Masyado bang mataas ang pangarap niya kaya ito nangyayari? Simple nga lang iyun eh pero ibinigay pa siya sa isang lalaking walang puso at walang awa, negosyo at pera lang ang mahalaga. Muli siyang napabuntong hininga, siguro naman balang araw ay makakalaya rin siya. Ipinikit niya naman na ang mga mata niya hanggang sa makatulog siya pero nagising din ng hating gabi dahil nakaramdam ng pagkauhaw. Napatingin na lang siya kay Darren na nasa sofa pa rin pero parang hindi naman ito nagalaw. Nilapitan niya ang asawa at nakatulog na ito sa pagtatr
“Acccckkk, my God! Bakit ang daming langgam!” rinig kong sigaw ni Joyce na nandito rin pala. Napangiti na lang ako ng tanguan at ngitian ako ni Daddy. Naiiyak naman si Mommy habang nakatingin sa aming dalawa. Masaya ako, masaya ako dahil binigyan niya ako ng pagkakataon na bumawi, na mahalin siya muli. Kung naging greedy ako sa kapangyarihan noon at pinili ang negosyo kesa sa kaniya, ngayon siya ang pipiliin ko over everything because she is my everything. Wala man akong naaalala sa kaniya sa nakalipas na pitong taon, wala pa rin namang nagbago sa nararamdaman ko dahil siya pa rin ang nakapagpatibok ng puso ko sa pangalawang pagkakaton. Nasaktan ko man siya, babawiin ko yun, ipaparamdam ko sa kaniya na mahalaga pa siya sa mahalaga. She is like a gem that you don’t want to lose. Hindi ko mapigilan ang paglandas ng mga luha ko dahil sa nakikita ko ngayon, she is like an angel na bumaba sa lupa. She is so gorgeous in her white wedding dress. Pakiramdam ko masyadong mabagal ang oras at a
Hindi ko alam na ganun na pala ang pinagdadaanan ni Trina, wala akong kaalam alam sa mga nangyayari sa kaniya. Ang akala ko talagang galit lang siya sa akin, wala akong inisip kundi kung paano ko uli siya makakausap ng maayos. Hindi ko alam na may nagtatangka pala ng buhay niya. I’m really a useless husband to her, am I really worth it for her? Wala akong ginawa kundi ang saktan siya. Gusto ko ng sampalin si Ashley nang sabihin niya sa akin ang lahat pero malaking pagpipigil ang ginawa ko because she’s still a woman. I never hit a woman and I will never be dahil kapag nanakit ako ng babae pakiramdam ko sinaktan ko na rin ang ina ko at ang asawa ko.Inamin sa akin lahat ni Ashley, lahat lahat ng mga ginawa niya. Sila rin pala ang dahilan kung bakit naaksidente si Joyce gamit ang kotse ni Trina, hindi ko sila mapapatawad kung may nangyari kay Trina. Ang mga bulaklak ng tulips na palagi kong nakikita sa office ni Trina, I’m so stupid to think na may nanliligaw
TRINA POV “Babe,” mahinang wika ni Darren nang magkasalubong kaming dalawa. “Please let’s talk.” nagsusumamo niyang aniya, gustuhin ko man pero may kailangan akong gawin. “Maybe next time Darren.” “When? Gustong gusto na kitang makausap. Please, let me explain everything.” “Darren, may kailangan pa akong gawin.” Lalampasan ko na sana siya ng hawakan niya ang braso ko, blangko ko naman siyang tiningnan at ang kamay niyang nakahawak sa akin. Napapahiya naman siyang binitawan yun. “I’ll wait.” Maghihintay pero kailangan may reserba? Tssss. I’m still mad at you Darren, nasasaktan mo pa rin ako. Kahit ganito lang ako, kahit na para akong walang pakialam sayo pero ramdam ko pa rin yung sakit. Para pa ring kinukurot ang puso ko sa tuwing naalala ko ang picture niyo ng magkasama. Hindi ko lang kayang isipin na ang lalaking mahal ko may ibang humahawak sa kaniya. Walang salita ko siyang iniwan. May mga bagay na dapat pa akong malaman, kaya ko lang ihilom ang puso kong dulot ng mga pananak
Maya maya pa ay bahagya siyang nagulat pero hindi mo yun mahahalata kaagad kung hindi ka nakatitig sa mga mata niya.“If you have problem with me Ashley, tell it. Hindi yung ganito kailangan mo akong takutin ng mga sulat.”“Hindi ko po talaga alam ang tungkol dito Ma’am. Wala po akong alam.” Wika niya pero this time parang hindi na convincing ang tinig niya. Alam kong walang nakagawa ng kasalanan ang aamin ng sarili niyang kasalanan. I will find it in my own way Ashley. Kung hindi nga ikaw then good to hear that. Huwag mong sirain ang pangarap ko para sayo sa simpleng dahilan mo.“I just want to remind you Ashley, nasa ibaba ka pa. Wala ka pa sa pinakatuktok kaya huwag mong hayaan na kung gaano ka kabilis umangat ay ganun ka rin kabilis na bumagsak. Makakaalis ka na.”“Naiintindihan ko po Ma’am. Kung may nalaman man po ako, sasabihin ko po kaagad sa inyo. Ingat po kayo, pasensya na rin po sa nangyari.&
Ilang araw din akong hindi pumasok ng kompanya. Pagkaalis ng anak ko para pumasok ay umaalis na rin ako. Sa ibang lugar ko ginagawa ang mga trabaho ko. Halos araw araw ding nanggugulo si Darren sa bahay, ayon sa mga katulong ko. Gusto kong irelax ang sarili ko, gusto kong makapag-isip ng maayos. Uunahin ko muna ang tungkol sa babaeng nagtatangka ng buhay ko kesa kay Darren.I can deal with him to the other days pero hindi muna ngayong mas mahalaga itong ginagawa ko. Pinag-isipan kong mabuti, pinagsama-sama ko ang lahat ng mga palatandaang nalalaman ko.Noong isang araw, nakita ko siyang may dala dalang mga bulaklak na tulips. Siya lang ang nakita kong may hawak nun sa mga pinagmamasdan ko sa kompanya. Maaaring may kinalaman siya sa nagpapadala ng mga bulaklak at card sa akin.Taas noo akong naglakad sa lobby kahit panay ang lingon sa akin ng mga empleyado. Ang lahat ng mga issue dito sa kompanya ay hindi lumalabas, subukan mong ilabas ngayon paniguradong bukas w
Nagising akong nasa tabi ko pa rin si Ate Joyce at nakatutok sa cellphone niya. “Gising ka na pala, gutom ka na ba? Nagpadeliver na lang ako ng pagkain nating dalawa rito. Ang tagal mo ring matulog.” Tiningnan ko ang relo ko at tanghalian na pala. Hindi ko namalayan ang oras, ganun na pala ako katagal na natulog. “You’re still here, wala ka bang gagawin?” paos pang tanong ko, nakatagal siyang hintayin o bantayan ako rito? “Anong gagawin ko? Gusto mo bang kalbuhin ko na talaga ang babaeng yun? Ang kapal kapal ng malanding yun. Pero kanina ko pa tinitingnan ang media pero wala namang nagbabago ron. Parang normal lang ba yung nangyayari rito sa kompanya.” Taka niyang wika, kahit naman magulo na rito sa loob walang magtatangkang ilabas ang lahat ng nangyayari rito. Takot na lang nilang mawalan ng trabaho. “Kilala mo si Darren, hinding hindi niya hahayaang marumihan o madungisan ang pangalan niya at ng kompanya. Lahat kaya niyang paikutin sa pamamagitan ng
Bahagya akong napahakbang, gusto kong makita ng malinaw baka namamalikmata lang ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko gayong malinaw ang nakikita ko. Why? Bakit niya ginagawa sa akin ito? Bakit kailangan niya akong lokohin?Tahimik silang lahat na nakatingin sa akin, ni hindi ko rin maikurap ang mga mata ko para mapagmasdan ko ang itsura niya. What happened? Ilang araw lang silang nawala pero bakit ganito? Parang namamanhid ako, hindi ko alam kung anong iisipin ko. What happened between them. Sunod sunod akong napalunok at unti-unti ko ng nararamdaman ang pagtutubig ng mga mata ko.Malinaw kong nakikita ang litrato nilang dalawa habang nakahiga sa kama, pareho silang tulog. Why Darren? Bakit mo ito ginagawa sa akin? Akala ko ba, ako lang? ako pa rin but what is the meaning of this. Ayaw kong maniwala pero heto na eh, malinaw na malinaw na ngayon sa harapan ko ang litrato nilang dalawa sa iisang kama. Parehong masarap ang tulog nila.“Ngayon, sabihi
Hindi ko alam kung paano ako makakapagtrabaho ng maayos nito dahil iniisip ko yun. Sa paglabas ko ng kompanya nakamasid lang ako sa paligid ko. Nagpapadrive na lang din ako, palagi ko ring chinecheck muna ang sasakyan ko para sigurado. Sa labas na rin ako nagpaparking para nakikita lang, lagi ring nasa tapat ng cctv camera. Speaking of cctv, tiningnan namin ang kuha ng cctv noong araw at oras na yun. Nakasuot siya ng itim at balot na balot ang buo niyang katawan kaya hindi namin makilala kung sino, hindi rin naman makita kung babae ba o lalaki. Hindi muna namin yun ipinaalam sa mga otoridad baka dahil mahalata kami. Sa tuwing tinatanong ko rin ang driver ng anak ko ay wala naman daw siyang napapansing kakaiba o delikado sa paligid nila. Mabuti naman kung ganun at hindi nila isinasali ang anak ko sa problema nila sa akin. Naging usap usapan si Ashley matapos ang runway niya sa New York sa media. Tinitingnan ko naman si Ate Joyce pero parang wala lang sa kaniya
Tatlong araw lang nanatili sa hospital si Ate Joyce at ngayon din ang araw ng fashion show ni Ashley. Kahit gamitin pa namin ang private plane ng kompanya ay hindi na kami aabot, hindi rin naman pwedeng pwersahin si Ate Joyce dahil sa nangyari.Naging mapagmasid din ako sa paligid ko simula ng sabihin yun sakin ni Ate, sa ngayon wala pa namang kakaiba sa paligid ko. Pinabantayan ko na rin si Chris sa driver niya, mananatili siya sa school kasama ng anak ko. Ayaw kong masyadyong pakampante at saka lang kikilos kapag may nangyari nanaman.Marami na akong pinoproblema sa trabaho ko tapos dumagdag pa ito. Ano ba talagang pakay nila sa akin? anong gusto nilang makuha para gawin sa akin ang bagay na yun at talagang gusto nila akong mawala sa mundo. Naipikit ko na lang ang mga mata ko at hinilot ang sintido, what I have done to them to do this to me.Kaming dalawa pa lang ni Ate Joyce ang nag-uusap tungkol sa bagay na ito, ayaw naming ipaalam muna sa iba dahil baka maa