Buong pagsusumamo ang nasa boses ni Hara ngunit tiim bagang lang ang sagot ng kanyang ina sa kanya, "Hindi totoo? Sige nga! Sabihin mo saakin kung saan mo kinuha iyang pera para sa opersyon ko, at iyang tinatawag mong boyfriend mo na handang pahiraman ka ng malaking pera nang ganoon kadali!" Nanggigil na usal ni Helena. Marahang itinikom ni Hara ang kanyang tuyong labi at ibinaba ang kanyang mga mata ng ilang sandali, "Hindi po talaga ako kabit ng kung sinong lalaki, ma. Siya at ako po ay kasal na." Mahinahon niyang paliwanag. Napayuko na lamang si Hara dahil kung pwede lang ay ayaw niyang sabihin sa kaniyang ina ang tungkol sa kasal na iyon ngunit sa kanilang sitwasyon ngayon ay wala nang ibang paraan pa para magdagdag pa ng kasinungalingan. Ngunit alam din ni Hara ang ugali ng kanyang ina, na mas mabuting mamatay ito kaysa gumastos ng pera ng isang lalaki para lang mapa-operahan siya at humaba ang kanyang buhay. Kung sana ay sinabi ni Hara an tungkol sa kasalang iyon ay mas ma
Nang matapos na nagmamadaling ibaba ni Hara ang tawag ay at dali-dali itong pumara ng taxi sa gitna ng kalsada para lamang madaling makapunta sa kanyang paroroonan. Kailangan niyang maging propesyonal, lalo na at dapat ay hindi siya magkaroon ng kahit anong katiting na nararamdaman kay Gabriel. Kaya naman ay tinuturing niya si Gabriel gaya ng kung paano niya ituring ang kanyang trabaho, na dapat ay lagi siyang nakaantabay sa mga utos nito at magawa ito sa takdang oras. Habang papasok sa napara niyang taxi ay hindi niya maiwasang isipin ang kanyang ina nang siya ay pinaglitan nito dahil nakakahiya ang ginawa ni Hara. ... Nang makarating si Hara sa Northwood ay dali-dali siyang pumasok sa pinto at doon ay nakita niya si Gabriel na nakadamit pa rin ito ng pang-opisina. Maayos pa rin ang kanyang office, sa ganoong pagkakataon ay nakita ni Hara na nakaupo ito sa gilid ng mesa sa living room at kasalukuyang may video conference na ginaganap. Nang lihim na napatiitg si Hara kay sa bin
Nang ilang sandaling paghahanap ay, nakita na rin ni Gabriel ang hinahanap niyang oinment. Kaya naman ay dali dali siyang nag-punta sa cr para hugasan ang kanyang kamay at agarang lumapit kay Hara para magpresentang siya ang maglalagay ng oinment.Ngunit agad namang itinago ni Hara ang kanyang mukha dahil nahihiya siya. Kahit na malapit sila sa isa't-isa dahil sa kanilang relasyon ay hindi pa rin sanay si Hara na maging malapit kay Gabriel ng pisikal dahil parang may nararamdaman siyang abnormal na pagtibok ng kanyang puso, hindi niya alam kung sakit na rin ba niya iyon. "Ka--kaya kong gamutin ang sarili ko. Hindi naman ito sugat na hindi ko makapa." Pagtatanggi niya at nang lalagyan na sana niya ng ointment ang kanyang mukha ay hindi iyon ibinigay sa kanya ni Gabriel.Nakita naman ni Hara na unti-unting nadidismaya ang mga mata ni Gabriel, "Ilapit mo ang mukha mo rito, Hara, " matigas na utos nito gamit ang malamig na boses.Matigas namang umiling si Hara, "hindi na talaga!" Ngunit
Nang makauwi ng Pilipinas ay nanirahan sila Dana sa isang mayaman na syudad na hindi ganoon kalayo sa Northwood. Ang bahay na kanilang tinitirahan noon ay pag-aari ng mga magulang ni Gabriel na hindi kalaunan ay pumunta na sa abroad kaya ibinigay na kay Dana ang bahay na iyon. Dahil sa mata ng mga Dela Valle na balang araw ay papakasalan din ito ni Gabriel kaya naman ay tiwala na silang lahat sa kapalaran ng dalawa at magkakatuluyan sa huli. Nang makarating sa dating bahay si Gabriel ay nag-park ito sa harapan ng villa, nang makitang wala pa si Dana sa labas ay agad niya itong tinawagan, "Lumabas ka na. Nasa harap ako." Tipid niyang saad.. "Pasensya na, pwede bang pumasok ka na lang at buhatin ako palabas? Masakit kasi talaga ang tyan ko at hindi ako halos makatayo." Mahabang paliwanag ni Dana.Umiling si Gabriel na parang naiirita, "Seryoso na pala 'yang kondisyon mo. Tatawag na ako ng ambulance at sasabihin na dumiretso dito agad.' May halong pagbabanta sa hayag ng binata.Napah
Lihim na napaigting panga si Dana sa narinig mula kay Gabriel, talagang kilala niya na kaagad si Hara? Napakuyom siya ng kamao ngunit pinilit niya pa ring ngumiti para ipakita na hindi siya naapektuhan sa narinig. "Pasensya na at naabala pa kita ngayong gabi." Malambot niyang saad. "It's alright." Tipid na sagot ni Gabriel at pagkatapos noon ay namayani na ang katahimikan sa kanilang buong byahe papuntang hospital. ....Mabilis na nakarating sa hospital ang minamanehong kotse ni Gabriel, at sa labas nito ay naka-pokus si Nico na nag-aantay na para bang pinapanood niya ang bawat sasakyan na darating at nagbabasakaling sila Gabriel na ito.Hindi katulad ni Gabriel ay aya agad na lumapit si Nico sa kotse at dali-daling binuksan ang passenger, saka bridal-style niyang binuhat si Dana papasok ng hospital."Matandang Gabriel, huwag ka munang aaslis. Pumasok ka rin sa loob at tulungan mo ako. Kapag maco-confine siya, tatanungin siya sa mga information niya ikaw na ang gumawa non. Ipupunt
"Kung work-related injury naman, may uutusan ang kompanya para sumagot sa nangyari." Sagot ni Gabriel na parang walang pag-aalala sa kanyang tono.Walang makikitang kahit anong concern sa kanyang mukha tila napaka kalmado niya na animo'y nagkukwento lamang sa kalagayan ng panahon.Napailing na lamang si Hara sa kanyang isipan. Kung hindi niya lamang nakita ang tattoo ni Gabriel ng mismong dalawang mata niya at pati na rin iyong password ng pinto ng binata, ay iisipin niyang baka hindi tapat ang nararamdaman ni Gabriel para kay Dana.Dahil kung hindi ganoon kalalim ang pagmamahal niya kay Dana ay bakit naman siya magpapatattoo sa kanyang balat ng kaarawan ng babaeng 'yon. "Pero...hindi ba at magkaibigan kayo?" Nananantyang tanong niya kay Gabriel."So, plano mong bisitahin siya kasama ako?" Malayong sagot naman nito.Mabilis na umiling si Hara, "Medyo naging busy na rin ako kamakailan." Palusot niya. Kumunot naman ang noo ni Gabriel sa narinig, "Busy ka ba sa project ni Axel?" Pa
Napahugot na lamang ng malalim na buntong hininga si Nico, dahil ang mahinang boses ni Dana na nagmamakaawa ay mahirap tanggihan.Sa nag-daang taon nang lumipas ay kilala niya na si Dana at lagi nitong ipinapakita ang kagalang kagala niyang kilos at elegante niyang ugali. Iyon lamang ang unang pagkakataon na magmakaawa sa isang tao, para kay Gabriel ay gagawin niya ang lahat."Sure, alright." Tipid niyang sagot sa kaibigan at napabuntong hininga. Agad siyang lumabas ng ward para humanap ng lugar para tawagan si Gabriel. Sa isang sulok sa corridor ng hospital ay nagsindi ng sigarilyo si Nico at saka hinithit ito habang tinitignan ang cellphone number ni Gabriel sa kanyang screen.Ilang ring bago ito sumagot sa mababa at magaspang niyang boses. "May nangyari ba diyaan?" Humithit muna si Nico bago tuluyang sinagot si Gabriel. "Well, medyo seryoso ang kalagayan ni Dana ngayon. Hindi ko kaya na mag-isa lamang. Kaya kung wala kang gagawin ay pumunta ka rito at tulungan mo ako." Nakarini
Kahit na ayaw ni Hara na manghusga ng isang tao ay hindi niya talaga maintindihan ang kanyang ina. Ramdam niya na kahit maikasal siya sa isang tapat na lalaki ay magloloko pa rin ito mayaman man o mahirap! Kaya naman paano na lamang kung makahanap siya ng lalaking walang patutunguhan sa buhay at may bakit pa, mas lalong lamang magagalit ang kanyang ina.At sa ugaling ipinapakita ni Helena walang sinuman ang makakatiis no'n. Sa oras na maipakilala ni Hara ang kanyang pekeng asawa ay baka bugbog sarado ang aabutin nito sa oras na makapasok siya sa ward ng ina ni Hara. "Kaya kailangan ko siyang makita mismo sa personal. Kailangang pumasa muna siya sa pagsubok ko sa kanya bago niyo i-legal na kasal na nga kayong dalawa!" Angil ni Helena sa anak na agad naman ikinailing na lamang ni Hara."Sige ma. Dadalhin ko siya diyaan." Tipid niyang sagot at maririnig na nahihirapan siya sa sitwasyon. Napabuntong hininga na lamang siya. Ang pressure sa kanyang trabaho ay mabigat na ngunit mas pahirap
Kailala ni Georgia si Gabriel! Kung pipilitin niyasi Gabriel ay masisira lamang ang kanilang relasyon sa pagitan nilang mag-ina. Kaya gagamitin niya na lamang ang nalalaman niya sa buhay ni Hara para ito na lamang ag tuluyag sumuko at hindi na kailan pa magpaparamdam sa kanyang anak o tuluyan nang maglaho, mas maganda iyon! Pagkatapos ay magdali na lang ang lahat. ..... Sa restaurant, Umupo sa tapat ni Hara si Gabriel. Imbes na magalit kay Hara ay pinag-order pa siya ni Gabriel ng makakain. Doon niya napagtanto na naiintindihan talaga siya nito higit pa sa inaakala niya. Kaya sa ginagawa ni Gabriel ay naisip ni Hara na masyado naman siyang mapanakit kung pipilitin niya si Gabriel na tapusin na ang kontrata nila. Kaya niya bang samahan si Gabriel in the future at willing ba siyang maging asawa nito? "Kumusta naman ang Hong Kong?" Naramdaman ni Hara na awkward ang kanilang paligid kaya napilitan siyang mag-isip ng topic. Napatingin sa kanya si Gabriel at umangat ang sulok n
Nasa harapan sila ng pintuan ni Sabby. Alam rin ni Hara na hindi siya pwedeng makipag-usap nang matagal kay Gabriel. Kahit na wala pa ang kanyang kaibigan sa bahay, sa estilo palang ng tindig, pananamit at awra ni Gabriel na parang pang benz magazine ay makikilala kaagad siya ng mga taong naroon. Magiging komplikado lamang ang mga bagay kapag nangyari iyon. Ngunit ayaw na ni Hara na bumalik pa kay Gabriel"Tungkol pala sa liquidated damages ng kasunduan natin. Pwede mo namang isend sa messenger sa oras na maayos mo na ang account. Hindi ko tatakbuhan ang mga utang ko, pero hindi maganda na pag-usapa natin iyan ngayon. Sir Gabriel pwedeng umalis ka na muna?"Iyon ang pinakaunang pagkakataon sa buong buhay ni Gabriel na may nagpapaalis sakanya. Ngunit tinitigan lamang siya ni Gabriel nang walang galit kundi pagkadismaya lamang.Akala niya ay sa mga panahong nagkasama sila ay magkakaroon na ng kaonting concern o pagmamahal sa kanya si Hara ngunit parang hindi pa rin."Hara, alam mo ba ku
Napahinto saglit si Gabriel. Walang siyang imik habang kinuha ang cellphone ni Neil at mariing tinignan ang screen nito. Kitang kita ng secretary ang napakalamig na ekspresyon ni Gabriel, kung nakakapatay lang ang titig ay baka may namatay na sa paraan ng tingin nito."Go and notify the official website to remove this notice immediately." Impunto niyang utos. Alam niyang nakita na iyon ni Hara. Ilang araw na rin siya nitong hindi kino-contact. Natatakot si Gabriel na pinag-isipang mabuti ni Hara ang pagtitiwala at mapupunta lang sa wala iyon dahil sa biglaang notice ng chairman.Pagkatapos ng isang problema ay may darating na namang bago, na-realize ni Gabriel na dapat niya nang tapusin ang alinmang ugnayan na mayroon sila ni Dana.Nang nasa eroplano na sila ay sinusubukan niyang tawagan si Hara ngunit hindi ito sumasagot sa kanya. Nababahala siya na sa sitwasyong iyon ay baka idinamay na ng kanyang ina ang ama nito. Ganoon na lamang ang kagustuhan niyang maging anak si Dana at dahil
"Sorry." Napayuko na lamang si Dana at handa nang umalis.Ngunit bigla na lamang nagsalita ang ina ni Gabriel. "She is also a member of Dela Valle family! Kaya bakit siya aalis?"Nang makitang ganoon ang ayos ng mag-ina, agad sa pumagitna si Dana sa usapan. "Tita, naalala ko po na may gagawin pa ako. Ang makitang gising ka na ay napakalaking kaginhawaan po saakin. Babalik na po ako sa trabaho at dadalawin ko na lang po kayo ulit kapag tapos na ako."Tuluyan na siyang naglakad palabas at tahimik na isinarado ang pintuan."What is it about Dana that is not worthy of you? What is it about that cleaner woman that is worthy of you!""Mom, magpahinga na po kayo." Nang magsalita si Gabriel ay garalgal ang boses nito ay hindi natutuwa sa prangkahang tanong ng kanyang ina."Gabriel, I'm begging you son, marry Dana." Biglaang lumambot ang ekspresyon ng kanyang ina at hindi na agresibong namimilit pa.Napahilamos ng mukha si Gabriel gamit ang kanyang mga kamay. "Mom, bakit kailangan na si Dana an
Napahinto ang mga daliri ni Gabriel at nag-isip ng ilang sandali bago tuluyang nag-reply kay Hara.[Alright. Susunduin kita bukas kapag babalik ako.]Hindi katagalan nang ibinaba niya ang kanyang cellphone ay lumabas mula sa emergency room ang doctor. Nang nakita niya si Gabriel ay nagsalubong ang kanyang mga kilay."Mr. Dela Valle, napaka kritikal ng kondisyon ni madame Georgia. Sa oras na ma-comatose na naman siya ulit ay hindi na siya mabubuhay pa. May nagtrigger sa kanya iyon ang naging sanhi. Nabasa ko na rin ang kanyang medical records at mayroon siyang sever depression, isang klase ng sakit na hindi dapat binabalewala.""I understand it Dr." Paanong hindi iyon alam ni Gabriel? "How's my mother now?""Ligtas naman na si madame Georgia sa ngayon. Tignan natin ang data kung stable na ba siya. Kung stable na ay pwede na siyang ilipat sa ward."Napabuntong hininga si Gabriel at nakahinga nang maluwag nang marinig iyon. "Maraming salamat sa pag-assikaso kay mom.""Responsibilidad nam
Ngunit wala nang saysay pa kahit anong sabihin sa ina ni Gabriel. Hindi siya tanga para hindi malaman na may mali sa mga sinasabi ni Dana at sa ekspresyon ng mukha nito."Sabihin mo saakin kung sino ang babaeng iyon?""Tita, she's just a cleaner. Totoo po talaga ang sinasabi ko." Nagdadalawang isip na sagot ni Dana."Don't lie to me, Dana. Ako dapat ang kakampi mo hija. Alam ba ni Gabriel na alam mo ang tungkol sa bagay na iyan?" Naiisip palang ng ina ni Gabriel na labas masok ang babaeng taga linis ni Gabriel sa kanyang bahay ay nanggagalaiti na ito sa inis.Noon, buong akala niya ay busy lamang si Gabriel sa kanyang trabaho at inaakala niyang wala na itong oras na maglinis ng kanyang kwarto at mayroon ding mysophobia ito kaya nag-hire siya ng taga linis. Ngunit nang makita niya ang umiiwas na tingin ni Dana ay alam niyang hindi lang basta cleaner staff ang nakita niya sa bahay ni Gabriel.Napayuko si Dana dahil sa kahihiyan at kinagat pa nito ang kanyang mga labI."Tita, sa tingin ko
Hindi na inabala pang kumain ni Hara ng almusal at agad nang dumiretso ito sa Hospital. Mukhang pinaghandaan nga talaga ng kanyang ina ang pagtakas dahil nakahanap siya ng daan palabas ng hospital."May maliit pong pinto sa likod ng garden. Tuwing hapon ng mga bandang ala una, may pumupunta ritong gardener para alagaan ang mga bulaklak at aalis na kapag may inspection. Siguro ay ganoong oras siya umalis Ms. Perez."Labis na natakot ang dalawang guard na hinire ni Gabriel para bantayan ang ina ni Hara. Nababahala sila na baka magalit sa kanila ito at tuluyan na silang alisin sa kanilang trabaho."Hindi niyo na po kasalanan ang nangyari. Gusto po talagang umalis ni mama na mag-isa niya lamang." Kahit na nag-aalala at kinakabahan si Hara ay ayaw niya nang maging komplikado ang mga bagay-bagay. Wala namang mangyayari kung sisisihin niya ang hospital.Naisip ni Hara na gusto talagang umalis ng kanyang ina at walang sino man ang makakapigil sa kanya."Ano na pong gagawin natin Ms. Perez? K
"ilang beses na napalunok si Hara nang marinig ang mga katagang iyon kay Gabriel at naintindihan na rin ang nais sabihin ngbinata."So hindi ka lasing noon?!" Gulantang niyang tanong.Nawili si Gabriel sa naging reaksyon ng dalaga. Hindi pa ba sapat ang mga binibigay niyang pahiwatig kay Hara para hindi nito malaman ang mga iniisip ni Gabriel?"Yes, hindi ako lasing noon at kumatok talaga ako sa hotel door mo noong gabing iyon." Malalim na pag-aamin ni Gabriel."Pero hindi ba at may gusto kang babae noon?" Halos gusto na lamang itali ni Hara ang kanyang bunganga dahil sa pag-uusisa pa.Naisip niya kasi ang video clip na sinend sa kanya noon ni Sabby. Dalawang mata at dalawang tenga niya pa mismo ang nakakita at nakarinig ng interview ni Gabriel na iisang babae lamang ang kanyang hinahangaan sa mga nakalipas na panahon."Hindi ba pwede na ang taong iyon ay....ikaw?" Namamaos na tanong ni Gabriel at malalim siyang tumitig kay Hara.Nang marinig naman iyon ng dalaga ay halos manigas siya
Mahirap talagang pakisamahan ang ugali ng ina ni Gabriel. Kung hindi lang nakiusap si Dana na bibigyan niya ng oras si Gabriel para makapag-isip isip ay, matagal nang isnapubliko ang kanilang kasalan. Nang makita ni Georgia na hindi nagsasalita ang kanyang anak ay simple niya lamang itong binigyan ng ultimatum. "Dapat ay maging engage na kayo ni Dana bago matapos ang taong ito! Kung abala ka sa trabaho mo, ako na mismo ang mag-aayos ng engagement party niyo." ..... Sa hotel kung saan tumuloy si Hara ay agad niyang ibinaba ang tawag nang patayin na iyon ni Sabby. Sa mga nakalipas na taon, ay napakabihira na wala siyang ginagawang trabaho. Habang nakatitig sa itaas ng ceiling ay binalikan niyang muli ang mga sinabi ni Dana sa kanyang isipan. Ganoon na lamang kagalit ang ekspresyon ni Dana nang pag-usapan nila ang tungkol sa kanilang ama. Hindi niya alam kung saan nagmumula ang galit nito ganoong sila naman ang pinili. Kung tutuusin ay napakagaling nilang mag-ina na mangpanggap at