Nang makauwi ng Pilipinas ay nanirahan sila Dana sa isang mayaman na syudad na hindi ganoon kalayo sa Northwood. Ang bahay na kanilang tinitirahan noon ay pag-aari ng mga magulang ni Gabriel na hindi kalaunan ay pumunta na sa abroad kaya ibinigay na kay Dana ang bahay na iyon. Dahil sa mata ng mga Dela Valle na balang araw ay papakasalan din ito ni Gabriel kaya naman ay tiwala na silang lahat sa kapalaran ng dalawa at magkakatuluyan sa huli. Nang makarating sa dating bahay si Gabriel ay nag-park ito sa harapan ng villa, nang makitang wala pa si Dana sa labas ay agad niya itong tinawagan, "Lumabas ka na. Nasa harap ako." Tipid niyang saad.. "Pasensya na, pwede bang pumasok ka na lang at buhatin ako palabas? Masakit kasi talaga ang tyan ko at hindi ako halos makatayo." Mahabang paliwanag ni Dana.Umiling si Gabriel na parang naiirita, "Seryoso na pala 'yang kondisyon mo. Tatawag na ako ng ambulance at sasabihin na dumiretso dito agad.' May halong pagbabanta sa hayag ng binata.Napah
Lihim na napaigting panga si Dana sa narinig mula kay Gabriel, talagang kilala niya na kaagad si Hara? Napakuyom siya ng kamao ngunit pinilit niya pa ring ngumiti para ipakita na hindi siya naapektuhan sa narinig. "Pasensya na at naabala pa kita ngayong gabi." Malambot niyang saad. "It's alright." Tipid na sagot ni Gabriel at pagkatapos noon ay namayani na ang katahimikan sa kanilang buong byahe papuntang hospital. ....Mabilis na nakarating sa hospital ang minamanehong kotse ni Gabriel, at sa labas nito ay naka-pokus si Nico na nag-aantay na para bang pinapanood niya ang bawat sasakyan na darating at nagbabasakaling sila Gabriel na ito.Hindi katulad ni Gabriel ay aya agad na lumapit si Nico sa kotse at dali-daling binuksan ang passenger, saka bridal-style niyang binuhat si Dana papasok ng hospital."Matandang Gabriel, huwag ka munang aaslis. Pumasok ka rin sa loob at tulungan mo ako. Kapag maco-confine siya, tatanungin siya sa mga information niya ikaw na ang gumawa non. Ipupunt
"Kung work-related injury naman, may uutusan ang kompanya para sumagot sa nangyari." Sagot ni Gabriel na parang walang pag-aalala sa kanyang tono.Walang makikitang kahit anong concern sa kanyang mukha tila napaka kalmado niya na animo'y nagkukwento lamang sa kalagayan ng panahon.Napailing na lamang si Hara sa kanyang isipan. Kung hindi niya lamang nakita ang tattoo ni Gabriel ng mismong dalawang mata niya at pati na rin iyong password ng pinto ng binata, ay iisipin niyang baka hindi tapat ang nararamdaman ni Gabriel para kay Dana.Dahil kung hindi ganoon kalalim ang pagmamahal niya kay Dana ay bakit naman siya magpapatattoo sa kanyang balat ng kaarawan ng babaeng 'yon. "Pero...hindi ba at magkaibigan kayo?" Nananantyang tanong niya kay Gabriel."So, plano mong bisitahin siya kasama ako?" Malayong sagot naman nito.Mabilis na umiling si Hara, "Medyo naging busy na rin ako kamakailan." Palusot niya. Kumunot naman ang noo ni Gabriel sa narinig, "Busy ka ba sa project ni Axel?" Pa
Napahugot na lamang ng malalim na buntong hininga si Nico, dahil ang mahinang boses ni Dana na nagmamakaawa ay mahirap tanggihan.Sa nag-daang taon nang lumipas ay kilala niya na si Dana at lagi nitong ipinapakita ang kagalang kagala niyang kilos at elegante niyang ugali. Iyon lamang ang unang pagkakataon na magmakaawa sa isang tao, para kay Gabriel ay gagawin niya ang lahat."Sure, alright." Tipid niyang sagot sa kaibigan at napabuntong hininga. Agad siyang lumabas ng ward para humanap ng lugar para tawagan si Gabriel. Sa isang sulok sa corridor ng hospital ay nagsindi ng sigarilyo si Nico at saka hinithit ito habang tinitignan ang cellphone number ni Gabriel sa kanyang screen.Ilang ring bago ito sumagot sa mababa at magaspang niyang boses. "May nangyari ba diyaan?" Humithit muna si Nico bago tuluyang sinagot si Gabriel. "Well, medyo seryoso ang kalagayan ni Dana ngayon. Hindi ko kaya na mag-isa lamang. Kaya kung wala kang gagawin ay pumunta ka rito at tulungan mo ako." Nakarini
Kahit na ayaw ni Hara na manghusga ng isang tao ay hindi niya talaga maintindihan ang kanyang ina. Ramdam niya na kahit maikasal siya sa isang tapat na lalaki ay magloloko pa rin ito mayaman man o mahirap! Kaya naman paano na lamang kung makahanap siya ng lalaking walang patutunguhan sa buhay at may bakit pa, mas lalong lamang magagalit ang kanyang ina.At sa ugaling ipinapakita ni Helena walang sinuman ang makakatiis no'n. Sa oras na maipakilala ni Hara ang kanyang pekeng asawa ay baka bugbog sarado ang aabutin nito sa oras na makapasok siya sa ward ng ina ni Hara. "Kaya kailangan ko siyang makita mismo sa personal. Kailangang pumasa muna siya sa pagsubok ko sa kanya bago niyo i-legal na kasal na nga kayong dalawa!" Angil ni Helena sa anak na agad naman ikinailing na lamang ni Hara."Sige ma. Dadalhin ko siya diyaan." Tipid niyang sagot at maririnig na nahihirapan siya sa sitwasyon. Napabuntong hininga na lamang siya. Ang pressure sa kanyang trabaho ay mabigat na ngunit mas pahirap
Kaya naman nang makaalis si Nico ay agad na inalalayan ni Dana ang mahina niya katawan at pilit paring ngumiti ng desente. "Pasensya ka na Gabriel. Nababahala ako na medyo made-delay ang mga kontrata ng ilang araw. Pero huwag kang mag-alala at makakaya ko namang i-handle ang mga iyon sa oras na makabalik na ako sa trabaho. Nangako rin si Nico na dadalhin niya rito sa hospital ang laptop ko." Humahanga pa rin si Gabriel dahil sa ugali ni Dana pagdating sa trabaho ngunit bilang CEO ng kompanya ay kailangan niyang pigilan ito sa desperado niyang pag-uugali."Magpahinga ka muna. Hindi lang naman ikaw ang nasa Legal Department. Sasabihan ko sila secretary Saez at Hara na mag-set ng maraming business trips para makipag-deal sa mga kontrata." Malamig at buo niyang hayag. "Hindi pwede!" Agaran niyang pagtutol. Awtomatikong tumaas ang kanyang boses nang marinig niya ang pangalan ni Hara. Agad niya ring napagtanto na may mali sa kanyang pagsagot kaya mabilis na umamo ang kanyang tono."Pasen
Ipinilig niya ang kanyang ulo. Dahil bakit nakita niya na naman ang numerong iyon. 0825 na naman ang kanyang nakita. Napatanong na lamang si Hara sa sarili kung gaano nga ba kamahal ni Gabriel si Dana? Kahit kailanman ay hindi kayang isipin ni Hara na si Gabriel—isang seryosong tao, old-fashioned at malamig ang pakikitungo sa lahat ay kayang gumawa ng ganoong nakakabaliw na bagay para lamang sa pag-ibig.Ginawa niya itong password, pina-tattoo pa at sa huli ay ginawan pa ng love letter, seryoso? May itinatago bang loverboy side si Gabriel?x Ang mga iyon ay mukhang hindi kayang gawin ni Gabriel ngunit nagawa niya para kay Dana kaya iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, nakakabaliw. Nag-babago talaga ang isang tao kapag nahulog sa pag-ibig ang mga bagay na di aakalaing hindi magagawa ay nagagawa. Kaya naman nang makapag-isip isip ay nag-desisyon si Hara na hindi na basahin ang letter at tahimik niya itong ibinalik sa dating kinalalagyan kasama ng mga libro ni Gabriel. Nang matapos a
Agad namang napatitig si Hara sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan na buong akala niya ay nananaginip lamang siya. Nang bagong opera ba si Dana ay sa tabi natulog si Gabriel buong gabi? Bakit pa nga ba iyon tatanungin ni Hara gayong halata naman na ganoon ang gagawin ni Gabriel lalo na at mahal niya si Dana Maingat siyang tinignan ni Gabriel at tinitimbang ang ekspresyon nito. "Nandoon na ang isa pa naming kaibigan. Kaya wala na akong gagawin pa roon." Kaswal niyang sagot at kinubad niya ang kanyang suit jacket at inilagay iyon sa malayong banda. Agad namang napakurap si Hara sa narinig. "Lalaki ba iyon?" Hindi malinaw niyang tanong. Kaya naman ay tinitigan siya ni Gabriel gamit ang nagtatanong na ekspresyon. "Isang kaibigan na lalaki ba?" Paglilinaw niya kay Gabriel dahil nakasalubong ang mga kilay nito. Marahang tumango naman si Gabriel. "Mas angkop na siya ang mag-alaga kay atty. Hernaez kaysa saakin." Makahulugang sambit ni Gabriel sa dalagang naguguluhan. Par
Nakakapanghina ng loob, iyon ang naramdaman ni Hara sa mga oras na iyon. Mas nakakapagod ang pakikipagtalo niya sa kanyang ina, kaysa sa pag-oovetime niya ng araw-araw sa trabaho.Nang makita ni Helena na dismayado ang anak ay napabuntong hininga na lamang iton. "Hara anak, alam ko naman na hindi ko dapat ipasa sayo ang mga phobia ko sa relasyon namin ng ama mo. Dahil mahirap mang tanggapin ay sa susunod na mga araw ay ikakasal na ka rin at magkakaroon ng pamilya na aasa sayo. Ngunit natatakot lang talaga ako anak, pakiramdam ko,lahat ng mga lalaki ay may ibang motibo." Malungkot nitong saad sa anak. Nang maalala ni Helena ang nakaraan niya, mabait at maginoo talaga ang ama ni Hara. Noon ay walang makitang kamalian si Helena kay Lucio kaya naman ay pinairal niya ang kanyang puso noon at hindi na nag-isip pa. Kaya habang buhay ang pagsisi niya dahil naging padalos-dalos siya noon. Napailing naman si Hara at hinawakan ang kamay ng ina. "Ma, huwag niyo pong sabihin ang mga iyan. Sa
Isang gabi bago ang operasyon ni Helena ay hindi muna natulog si Hara sa bahay ni Sabby bagkus nanatili siya sa hospital, sa piling ng kanyang ina. Gusto niya na naroon siya bago sumailalim ang kanyang ina sa operasyon. Gustong mni Hara na maramdaman ng kanyang ina na hindi siya nag-iisa at may sasama sa kanya sa lahat ng pagsubok na kahaharapin niya. Ayaw nang tumulad ni Hara sa knayang ama na inabandona sila maraming taon na ang nakalipas.Labis ding naiintindihan ng dalaga kung bakit napakahigpit ng kanyang ina sa kanya, dahil ayaw nitong masaktan siya. Ngunit minsan ay nakakasakal na rin ang ginagawa ng kanyang ina, dahil lahat ng ginagawa niya ay pinanghihimasukan ni Helena. Isa rin sa dahilan kung bakit sinamahan ni Hara ang kanyang ina ay dahil kahit pa sabihin nitong hindi siya natatakot sa gagawing operasyon ay nagsisinungaling lamang ito. Alam ni Hara kung gaanon ka-delikado ang operasyon na gagawin ganoon din si Helena. "Mama, sinabi saakin ng doktor kanina na malaki ang p
Ibinigay na ni Gabriel ang kanyang apelyido kay Hara at ang legal confirmation sa kanilang kasal. Ang importanteng bagay na iyon ay matagal nang ibinibigay ng pamilya niya kay Dana dahil botong boto sila dito. Saksi ang kani-kanilang mga magulang sa paglaki nilang dalawa. Kaya mula pa noon ay pinapangarap na nilang magkatuluyan ang dalawa sa huli. "Huwag mo munang sabihin kay mama." Tipid na saad ni Gabriel at malamig na titig ang ipinukol kay Dana. Na para bang isang maling galaw lang ni Dana ay kayang kaya niya itong pabagsakin. Noon pa man ay laging iniisip ni Gabriel ang kondisyon ng kanyang ina, kaya hindi niya minamadali ang mga bagay bagay lalo na ang pagpapakasal sa babaeng mahal niya na si Hara.Ngunit alam niya rin sa kanyang sarili sa oras na hindi niya pa pinikot at ginipit si Hara ay malaki ang tyansa na hindi ito mapapasakanya kapag tumagal ang panahon. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon para mapasa kanya ang dalaga ay hindi niya na ito pinakawalan anuman
Sa totoo lang ang labis na humahanga si Hara sa katangian ni Dana. Dahil handang lumapit ito kay Hara para lamang magtanong ng isang pang-private na bagay at hindi manlang ito nahiya. Talagang kapag nagmahal ka nga naman ay kayang gawin ang lahat para lang sa taong iyon kahit estado pa ng pagkatao ang nakataya. Mahal nga talaga ni Dana si Gabriel at handa itong gawin ang lahat para sa lalaking iniibig niya. 'Please...' Muling chat ni Dana na mas lalong nagpagulo sa isip ni Hara. Handang humingi ng tulong si Dana para lang kay Gabriel at iyon ang nakakagulat. Dahil kilala ni Hara si Dana bilang isang independent woman ay hindi ito nagpapakita ng kahinaan sa ibang tao at tanging kay Gabriel lamang siya titiklop. Sabagay si Gabriel Dela Valle na ang pinag-uusapan, ang lalaking palihim na minamahal si Dana sa loob ng mahabang panahon at ngayon ay mahal na rin siya ni Dana. Kaya sino ba naman si Hara para kwestyunin si Dana? Sino ba siya Hara sa buhay ni Gabriel? Hindi ba at isa lamang s
Hindi makapaniwala si Hara na nagawang tawagan ni Helena si Axel. Direkta niya itong tinawagan at hindi na ipinaalam kay Hara.Halos magdugtong na ang kilay ni Hara dahil sa labis na inis na kanyang nadarama. Parang may apoy na nagliyab sa kanyang dibdib at hindi niya kayang pigilan iyon!Dahil pakiramdam niya ay kinokontrol siya ng kanyang ina at pinapakialaman na masyado ang kanyang buhay. Alam naman niya na nag-aalala ang kanyang ina sa magiging kinabukasan ni Hara. Ngunit minsan ay sumusobra na ito at ang mga taong hindi dapat madamay sa gusot ng kanilang buhay ay nadadamay dahil sa kagagawan ng kanyang ina. 'Bakit tinawagan niyo si Axel na hindi manlang muna sinabi saakin? Sinabihan ko na po kayo diba na busy po siya pero tinawagan niyo pa rin. Pumayag lang siya para hindi ka po mapahiya!' Naiinis na chat ni Hara sa ina. 'Kinukwestyon mo ba ako, Hara?' Nagalit na rin si Helena sa anak dahil sa tabas ng mga salita nito.'Sa tingin para kanino ko ito ginagawa! Napakabilis mong ma
Ngunit bago pa makapagsabi ng paliwanag si Hara ay agad na pinatay ang tawag ni Gabriel. Kaya naman ay walang nagawa ang dalaga kundi mapayuko na lamang. Para bang ang relasyon nilang dalawa ni Gabriel ay parang bumalik sa lebel bilang isang CEO at isang mababang sekretarya lamang. Tila may naramdamang suntok mula sa dibdib si Hara nang maisip iyon, nasasaktan siya sa mga nangyayari ngunit wala siyang magagawa kung iyon ang nararamdaman ni Gabriel. Siguro nga ay tuluyan nang nagkaayos at nakabalikan si Gabriel at Dana kaya ganoon na lamang ang pakikitungo niya kay Hara, na parang wala lang sa kanya ito. Kung sabagay nga ay kailan ba nagkaroon ng halaga si Hara kay Gabriel? Hindi hamak na isa lang siyang bayarang babae nito para makuha ang ninanais na babae, si Dana. Nang matapos na patayin ni Hara ang kanyang computer ay nagawa niya na ring mag-shower at magpalit sa kanyang pajama ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay umatake na naman ang kanyang insomnia habang nakahiga sa ka
Wala pa ring naging reaksyon si Hara sa mga narinig mula kay Gabriel. Dahil baka kinakausap lamang nito ang kanyang sarili. Nadala na si Hara sa pag-aassume mula sa binata at mali na umasa siya rito dahil kahit anong gawiin niya ay kay Dana pa rin uuwi si Gabriel.Agad siyang napatikhim nang may nabasa siyang 'noted' na chat ng kanyang mga kasamahan sa meeting room. Kaya naman ay nagchat din siya doon at isinend ito sa group room. Nakahinga siya nang maluwag nang makumpirmang hindi pala para sa kanya lang ang mga sinabi ni Gabriel. Tumagal ang meeting hanggang ala una ng madaling araw, kung saan ay inaantok na ang lahat maliban kay Gabriel, ang president host ng meeting. Ngunit na kahit sila ay inaantok na, walang may lakas ng loob na humikab o magpakita ng pagka-antok sa buong meeting. At nang sa wakas ay mag-anunsyo na ng summary ang sekretarya nito at opisyal nang tinapos ang meeting ay nakahinga nang maginhawa si Hara at papatayin sana ang kanyang camera para makapagligpit at
Nakagawa ng detalied report si secretary Saez tungkol sa mga asensong nagawa ng NARO Corporation at nagsagawa rin ng malalim na research tungkol sa finance, mga gagawing proyekto at ang mga shareholders na nagbabago bago ng posisyon kada taon. Pinag-aralan din ni secretary Saez ang mga kasalukuyang technological development ng NARO.Sa kalagitnaan ng meeting ay biglaan niya na lamang narinig ang kanyang pangalan."Si Ms. Hareleigne Perez na galing sa investment banking department ay katatapos lamang magproposed ng proyekto tungkol sa mga makabagong kotse ng RVP Company. Napasa na rin iyon sa head office para ireview. Binasa ko na rin iyon at kapag totoo nga ang mga impormasyon, nasa linya ito ng mga kakailanganin natin." Pormal na pagbabalita ng investment director na may importanteng posisyon sa Dela Valle Coporation. Mula sa likod ng camera ay marahan namang tumango si Gabriel at itinaas pa ang kilay, "secretary Saez, pag-aralan mo ng mabuti aang tungkol diyaan." Malamig niyang u
Nang makauwi na si Hara sa bahay ni Sabby ay nagmamadali na itong pumasok at wala na rin siyang oras para manlang uminom ng kahit kaonting tubig. Agad niyang inayos ang mga materials na gagamitin para sa meeting. At dahil nga may bagong task na naman ang natoka sa kanya tungkol sa NARO Corporation para sa kanya ay biglaang desisyon iyon ng head office. Dahil bago lamang sa kanya ang proyekto ay mababaw pa lamang ang kanyang pag-iintindi ukol rito, kaya naman ay kakailanganin niya talaga na makinig nang mabuti sa dadaluhang meeting mamaya-maya. Nang matapos na ihanda at ayusin ang lahat ng gagamitin sa meeting ay naisip niyang maupo na sa kanyang upuan at nag-umpisa na ring buhayin ang computer. Tuluyan nang nakapasok si Hara sa meeting interface ng kompanya. Kita mula sa kanyang screen title ng meeting at oras nito.20:00 Channel One Technology Development Project Meeting. Main Meeting Person: Gabriel Dela ValleHabang pinagmamasdan ni Hara ang mga letrang nasa screen ng kanyang c