"Akala ko ay si Dana ang girlfriend niya.""Ano sa tingin mo? Kung pagtutuonan mo ng pansin si Gabriel, Hara ay mararamdaman mo mismo kung gaano siya kaseryoso sa iyo! Huwag ka ng gumawa pa ng palusot. Hindi ko pakikinggan ang mga iyan." Napabuntong hininga na lamang si Nico at nagpatuloy sa sasabihin. "Walang kwenta kahit anuman ang sabihin ko sa iyo. Kung hindi mo rin siya kayang mahalin pabalik, bilisan mo nang i-divorce siya."Paulit ulit na naririnig ni Hara sa kanyang utak ang mga sinabi ni Nico at Neil sa kanya hanggang sa makabalik siya ng bahay ni Sabby.Sa lahat ng kanyang nalaman ay parang nagunaw ang kanyang mundo. Sa hindi malamang rason ay bigla niyang tinawagan si Gabriel.Sa totoo lang ay hindi niya alam ang kanyang sasabihin ngunit gusto niya lamang marinig ang boses ni Gabriel. Makalipas ang ilang ring ay sinagot na iyon ni Gabriel gamit ang mababa at pagod niyang boses."Hara, may problema ba?" "Gusto ko lang sanang itanong kung anong ginagawa mo ngayon?""I'm in t
Gising na ang ina ni Gabriel sa kanyang kama at gusto nang gumawa ng tarpulin ng kanyang doctor at isabit sa kanyang ward na bawal itong maging emosyonal.Mahigpit na hinawakan ni Exel ang kamay ng kanyang asawa at marahang napabuntong hininga. "Sawakas ay gising kana. I was really scared to death, Gia!" Anas nito sa asawa.Nakita ni Georgia ang mga taong nakapaligid sa kanyang kama at agarang tinawag si Dana. "I'm fine honey. I'm sorry you got worried." Ngunit halatang patama ang mga iyon kay Gabriel.Bumulong sa kanya si Dana. "Tita, nandito na po si Gab, nag-aalala rin po sa inyo. You should talk to him too.""No hija. Gusto niya na lamang akong mamatay para wala nang pipigil pa sa gusto niya." Mariing sabat ni Gia.Alam ni Gabriel ang taktika ng kanyang ina. Ang matangkad niyang bulto mula sa gilid ng bintana ay gumalaw at handa nang umalis nang pigilan siya ng kanyang ama."Kung aalis ka ngayon sa ward na ito, tandaan mo hindi na kita anak!" Sigaw ni Exel.Agad namang tumayo si
Naglakad si Hara buhat-buhat ang kanyang bag na may magaan na pakiramdam sa bawat hakbang niya papalapit kay Gabriel. Nang makita niya ang binata ay may hindi maipaliwanag na hiya siyang nararamdaman.Sinalubong naman siya ni Gabriel at kinuha ang bag sa kamay nito. Napa-ubo ng dalawang beses nang gawin iyon ni Gabriel. "Kailangan mo pa bang bumalik sa kompanya ngayon?""Neil take care the things over there. Hindi pa ako nakakatulog kaya gusto ko nang umuwi at magpahinga."Pagod man si Gabriel ay pinilit niya pa ring sunduin si Hara kahit na wala pa siyang pahinga."Kaya ka ba sasama saakin para hindi ko na pahabain ang oras para maghiwalay tayo hindi ba?" Malalim na tanong niya sa dalaga."H-hindi...h-hindi. Nagtatanong lang ako."Ngunit hindi kumbinsido si Gabriel sa narinig at masungit niyang tinaasan ng kilay si Hara. "Ayaw mo nang makipaghiwalay?""Oo." Marahang ngiti ni Hara at tumango ito nang medyo nahihiya. "Masyado kang mabait saakin at inaalagaan mo ako.Buo rin ang tiwala m
Habang mahimbing na natutulog si Hara ay biglang nag-vibrate ang cellphone ni Gabriel. Nabasa niya sa kanyang screen ang pangalan ng ama. Kaya tahimik siyang pumunta sa balcony ng kanilang kwarto doon sinagot ang tawag."Akala ko ay tuluyan mo na akong kakalimutan bilang ama mo!" Bulyaw na bungad ng kanyang ama. Naphithit na lamang ng sigarilyo si Gabriel habang nakikinig sa litanya ng ama."Something happened?" Kalmado niyang tanong habang binubugha ang usok mula sa kanyang bibig."Kailangan na nating paalisin sa kompanya si Hara Perez! Kung pakiramdam niya ay mali ang binibentang sa kanya pwede ko naman siyang bigyan ng pera nang sa gayon ay hindi na siya mag-aalala sa kanilang kinabukasan. Gabriel anak, nakikita mo naman ang sitwasyon hindi talaga kayang tanggapin ng mommy mo si Hara."Napahithit na naman ng sigarilyo si Gabriel ngunit kalaunan ay tinapon din ito nang maalalang yayakapin niya si Hara sa pagtulog. Kaya agad siyang kumuha ng wipes at ilang beses na pinunasan ang mga
"Ma, pinipilit mo ako sa bagay na hindi ko kayang gawin!" Reklamo ni Hara. Hindi niya alam kung kailan nag-umpisa ang kanyang ina na naging sukatan ang pera sa pagmamahal. Ang Dela Valle Corporation ay hindi lamang pagmamay-ari ni Gabriel. Naitayo iyon dahil sa pagpupursigi ng nakaraang henerasyon ng mga Dela Valle. Kaya napakalaking impossible na ibibigay lamang iyon ni Gabriel kay Hara. "Kung ganyan po ang gagawin ko ay baka iisipin ni Gabriel na mukha po akong pera." Pangagatwiran ni Hara. Dahil hindi naman siya ganoong klaseng babae."Diyaan mo masusukat kung kaya niya bang ibigay ang lahat lahat para sayo! Kaya tigil-tigilan mo ako sa Hara sa mga palusot mo. Kaya ko iyan sinasabi sa iyo dahil gusto kong mamulat ka sa layo ng agwat niyong dalawa! Napaka-impossible na magkatuluyan kayong dalawa.""Hindi ba sinabi mo saakin noon ma, na kapag wala akong nahanap na lalaking mapapagkatiwalaan ay hindi na ako magpapakasal o magbo-boyfriend.""Hindi ganyan ang sinabi ko." At biglang in
Nang mai-send niya ang mensahe kay Hara ay nag-umpisa na siyang magtabaho sa loob ng kanyang kotse gamit ang kanyang laptop. Ayaw niyang umuwi nang hindi kasama si Hara dahil pakiramdam niya ay may kulang. Hindi katagalan ay lumabas na rin si Hara at nakita niya pa rin na naka park ang kotse ni Gabriel kaya dali-dali itong naglakad papalapit sa bintana at dahan-dahang kumatok."Surprised? Hindi mo inaasahan na lalabas ako no?" Magiliw na ngiti ni Hara.Napangiti naman si Gabriel sa kakulitan ng dalaga. "Well, how's tita Helena?" At tuluyan niya nang binuksan ang pinto upang papasukin si Hara."Wala lang iyon, masyado lang akong kinabahan sa nangyari. Inaantok na ako. Lumabas na ako dahil nag-presenta ang nurse at doctor na sila na ang magbabantay muna kay mama." Nabasa rin kasi niya ang chat sa kanya ni Gabriel na maghihintay ito sa kanya sa baba. Kaya pagkatapos niyang inasikaso ang kanyang ina ay agad agad siyang bumaba na.Alam niya rin na maraming trabaho na kailangang tapusin si
"I came back to get something. Hindi ko nadala noong umalis ako." Maikling paliwanag ni Dana."Sure, Atty. Then aalis na ako at marami pang gagawin."Aalis na sana si Neil nang harangan siya ni Dana. Kaya nagulat ito nang bahagya. "May kailangan ka, Atty. Hernaez?""Sinabi ba talaga ni Gabriel na aalisin niya ang buong legal department?""Hindi ako magkakalat ng salita kung hindi galing kay sir Gabriel."Ang maamong mukha ni Dana na nagpapanggap na kalmado ay biglang umasim nang marinig na totoo nga ang sinasabi ng mga tao.Hindi niya inaasahan na ganoon na lamang ilagay ni Gabriel sa panganib ang kompanya para lamang kay Hara. Buong Dela Valle Corporation na ang pinag-uusapan. Kaya maraming maapektuhan sa bawat galaw at desisyon ni Gabriel."Alam ba ni Gabriel ang mangyayari sa oras na tatanggalin niya ang legal department?" At napatitig nang mariin si Dana kay Neil. "Bilang secretary niya, may obligasyon ka na paalalahanan siya! Kung paano ito makakaapekto sa kompanya!"Napatikom ng
Nalala ni Hara na marahang hinahaplos ni Gabriel ang kanyang buhok hanggang sa siya ay makatulog. Naubos ang lakas niya sa kanilang ginawa halos ilang rounds ang kanilang natapos at pariin nang pariin ang gigil sa kanya ni Gabriel.Bago ito umalis ay sinigurado niyang nakasarang mabuti ang mga kurtina nang sa gayon ay walang ilaw na papasok sa kwarto nila para makatulog hanggang tanghali si Hara.Nang magising si Hara ay agad niyang hinanap ang kanyang cellphone. May missed calls galing kay Neil. Kaya napakunot ang kanyang noo. Naupo siya nang tuwid at tinawagang muli ang secretary.[Sir Neil, hinahanap niyo po ako?"][Yes. Itatanong ko lang sana kung kailan ka papasok sa kompanya.][Dapat sana ay tinawagan mo ako nang ilang beses pa. Pasensya po sir, medyo napasarap po ang tulog ko.Kung may emergency po sa susunod ay tawagan niyo lang po ako] Mabilis na paumanhin ni Hara.Napangiti nang malaki si Neil sa kabilang linya. [Sinabi na saaki ni sir Gabriel na hindi ka pa gising at huwag k
Napa-igtad si Hara nang marinig si Mira kaya kaagad siyang naglakad papalayo sa kiddie park upang hanapin ang mga kasama at magpaalam na para umuwi.Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga narinig na salita mula kay Gabriel. May dumaan na sakit mula sa kanyang dibdib. Dahil labis siyang nanibago sa ugali ng lalaking minahal niya noon. Kahit kailanman ay hindi siya napag-salitaan ng ganoong kasakit na salita ni Gabriel kahit na-contract marriage lang sila noon. Siguro ay binago na rin siya ng panahon. Siguro rin ay nasaktan niya io at hindi manlang nakatanggap ng wastong pagpapaliwanag mula kay Hara kaya nagtanim ito ng galit sa kanya. Nang makauwi si Hara sa kanilang hotel room ay hindi niya inaasahang naka-abang pa rin si Gunther sa kanya. Seryoso lamang itong naka-upo sa sofa habang naghihintay. "Gunther, anak. Bakit gising ka pa?" Naluluhang tanong sa anak at lumuhod ito upang mag lebel ang kanilang mga mata. Kitang kita niya kung paano nagkunot noo ang anak na para bang may mala
Napakuyom si Hara nang marinig iyon. Masakit man ngunit kailangan niyang baliwalain ang mga narinig mula kay Gabriel. Lalo pa at kaharap niya ang babaeng nali-link ngayon sa binata, Almira Go. Napaangat ng tingin si Hara at dumapo iyon sa mga mata ni secretary Saez na nakakunot noo habang tinitignan si Gabriel. Siguro maski rin ito ay nagulat sa sinabi ng amo. "It's nice to meet you sir Dela Valle. But I think, I need to find my seat. The meeting will start very soon." Pormal na saad ni Hara at marahang umalis sa harapan ni Gabriel at Mira. Nang makita niya ang seat para sa production team ay kaagad siyang naupo. Binuhay niya ang kanyang cellphone upang tignan kung may mensahe ba sa kanya si Jessie. Napabuntong hininga na lamang siya nang mabasang hindi ito makaka-punta on time dahil kaalis lang ng eroplanong sinasakyan nito patungong Naga.Makalipas ang ilang sandali ay nakompleto na ang mga taong kinakailangan sa meeting. Napakunot noo si Hara nang makitang pumunta sa harapan si
Habang bumibili ng candy si Gabriel sa isang supermarket ay nakangiti siyang tinignan ni Neil na para bang natutuwa siyang tignan ang amo sa ginagawa nito. Nang makita iyon ni Gabriel ay agad niyang sinamaan ng tingin. "Sir, naghihintay pa rin po si ma'am Mira sa inyo. Hindi niya raw po uumpisahan ang meeting nang wala kayo." Pagpapaalala ni Neil. "Then let her. It's not me who will lose a job. Besides alam niya kung gaano ka-importante itong business trip na pupuntahan ko." Malamig na sagot ni Gabriel at pumunta ng counter para magbayad. Dinagdagan niya rin ng strawberries ang mga pinamili dahil bagay iyon sa mga bata. Nang palabas na sila ng supermarket ay napatawag si Nico at nagsabing naroon na raw siya sa lobby ng hotel. Nagmadali namang pumunta roon sila Gabriel at ganoon na lamang ang kanyang panlulumo nang hindi na makita ang bata. "Have you seen Ainsley?" Tanong niya kay Nico. "Sinong Ainsley?" At napakurap ito. "May Mira kana nga may Ains---""Shut up. She's a kid!" Ini
Nang makarating sila sa isang hotel chain na pag-aari ng pamilya ni Sabby ay napili muna ni Hara na ayusin ang kanilang mga gamit habang inaantay ang email kung saang branch sila ng modeling company maa-assign. Samantalang si Jessie naman ay nanatili muna sa Manila habang wala pang go signal ang kanilang kompanya."Mommy! I want to go outside! I want candies and lollipops! Yehey!" Pangungulit sa kanya ni Ainsley. Inilapag muna ni Hara ang tinutupi niyang damit at pinagmasdang mabuti ang kanyang anak. Habang tumatagal ay nagiging kahawig na nito si Gabriel, lalo sa kapag naka-kunot noo ito. Minsan naisip niya na napakadaya dahil siya ang nagdala sa kambal ng siyam na buwan ngunit bakit mas naging kamukha pa nito ang ama."Ainsley Gabrielle Perez, anong sabi sa iyo ni mama? You eat fruits and vegetables. candiess and lollipops are not healthy for you baby." Ngunit nag-pout lamang si Ainsley. "I hope papa will spoil us with candies and lollipos!!" Litanya niya kaya natawa na lang si Ha
"Sab?!" Gulat na tanong ni Hara at ilang beses pa itong napakurap para lamang i-check kung totoo nga ba ang nakikita niya sa kanyang harapan. Parang kailan lang nang nagkatawagan silang dalawa at sinabi lang nito na may balang siyang pumunta ng Switzerland."Miss me?! Surprise visit para hindi ka makapalag!" At niyakap ni Sabby ang kaibigan. Napatawa naman si Hara sa kaingayan ng kaibigan. Inaya niya itong pumasok sa loob at nagpanggap na mahihimatay si Sabby nang makita si Gunther na naglalaro sa living room."Hawig na hawig a! Hindi ako naniniwalang hindi mo naiisip si Gabriel! Pati si Ainsley may hawig sa kanya! Kaya sure ako na hindi ka pa nakaka-move on!" At kaagad itong tumakbo sa kambal.Nang makita ng kamabal ang kanilang tita Sabby ay agad nila itong niyakap."Tita Sabby you are so pretty na!" Maarteng saad ni Ainsley at umamba ng pagpapabuhat dito. "Nako Hara, sa loob ng limang taon para mo lang ding nakikita ang mukha ni Gabriel. Pero let's get serious here. Nakita ko kani
Nag-taxi na lamang si Hara pauwi sa kanilang bahay dahil hindi niya na mahanap si Jessie. Baka totoo ngang may kalaguyo siyang lalaki sa gabing iyon. Hindi niya lubos maisip na makikita niya si Gabriel sa Switzerland. Halos liparin niya ang kalahati ng mundo para lamang lumayo, ngunit tila ba ay pinaglalaruan talaga siya ng tadhana. Kung tama ang pagkakarinig niya ay may kinahuhumalngan na siyang babae. Mira Go, isang international model at advocate ng marine life. Napa-buntong hininga na lamang si Hara nang maasip ang pangako niya sa kanyang kambal. Sa kanilang ika-anim na kaarawan ay ipapakilala niya na ang mga ito sa kanilang papa. Ngunit paano niya gagawin iyon ngayong may babae nang nagugustuhan si Gabriel.Nang makapasok siya sa kanilang bahay ay agad siyang sinalubong ng kambal."Mama! We're have you been?" Tanong ni Gunther at dala dala pa ang bottle milk ni Ainsley."Mimi hug!" At umamba naman ng yumakap si Ainsley sa kanya.Kaya naman lumuhod siya sa dalawa at mahigpit na
Five years later..."Jessie, mauna na ako mag-out. You'll stay late?" Tanong ni Hara sa ka-trabahong bakla na nakatungo na ang ulo sa desk. Hindi ito gumalaw kaya sinundot niya ang tagiliran nito. "Oy puking palaka ka Hara!" Gulat na sigaw ni Jessie. Napabungisngis naman si Hara nang marinig na naman ang balasubas na bibig nito. Nakita niyang napairap ang kaibigang bakla at napaayos ng upo."Mag a-out na rin ako no! May dilig ako mamaya kaya makikisabay ako sa'yo huwag kang nagmamaganda diyaan babaita ka." Maarte nitong saad at isa-isa nang pinagliligpit ang mga gamit. Nang makalabas sila ng company building ay napatingala na lamang siya mula sa kalangitan. "May snow na, Jess." At itinaas niya ang kanyang kamay upang saluhin ang maliliit na snowflakes."Hay sawakas! Makakagawa na rin ako ng snow penis!" Untag ni Jessie at naupo sa upang mag-ipon ng mumunting yelo sa daan. Agad naman siyang binatukan ni Hara nang totohanin niya ang sinabi at bumubuo ng hugis ari ng lalaki."Ang KJ mo
Akala ni Hara ay makakatulog siya sa gabing iyon ngunit hindi paulit-ulit siyang dinadalaw ng memorya niya kanina nang makita niya ang puso ng bata sa monitor. Napaiyak na naman siya dahil sa desisyon. Kinabukasan ay kasal na nila ni Gabreil at tuluyan na silang maghihiwalay ng landas. Kung pagtatagpuin man sila ng tadhana, hindi niya na masasabi kung parehas pa rin ba ang kanyang mararamdaman.Nagising siya kinaumagahan dahil sa malakas na tawag sa kanyang cellphone. "Hello, Ms. Perez. Ako po ang person in charge sa kasal narito na po ako sa labas upang sunduin po kayo. "Sige po. Give five minutes. Mag-iimpake lang po ako at pagkatapos ay baba na rin." Nang mapatay niya ang tawag ay mabilis siyang nag-impake ng gamit hindi niya na inabala pang mag-ayos dahil aayusan din naman siya mamaya. Hinayaan niyang bare lamang ang kanyang mukha.Nang makita niya ang itim na kotse sa gilid ng kalsada ay agad siyang naglakad papunta roon. Binuksan niya ang pinto at naupo, doon niya lamang napagt
Linggo ay nakalabas na ng hospital ang ina ni Gabriel at pansamantala itong nagpapahinga sa kanilang villa. Naroon si Dana umaalalay kay Gia."Tita, you don't have to worry about Hara and Gabriel. Makikipaghiwalay na siya sa anak niyo. May isa pa po akong nabalitaan tungkol kay Hara." At ngumiti nang matagumapay si Dana. Lahat na ata ay sinabi niya kay Gia maliban na lang sa tinakbo sa hospital si Gabriel dahil na-alcohol poison ito. "What is it, hija? Mukhang marami kang good news saakin ngayon?" Nakangiting hayag ni Gia."Nasabi po saakin ni Nico na umamin daw si Hara sa kanya. Hindi daw po niya kayang magbuntis in other words shes' infertile. Nasaakin pa rin po ang huling halakhak. Ako pa rin po ang magbibigay ng tagapagmana kay Gabriel, tita Gia."Walang naging komento ang ina ni Gabriel at marahang inobserbahan ang asta ni Dana. Naisip niya na sobrang layo na nito sa dating Dana na nakilala niya noon. Napaka-bait, mahinhin, magpabigay at hindi sumasaya sa kahirapan ng iba. "All