"Atty. Hernaez, may masasabi ka ba?" Pormal na tanong ni Gabriel.Hindi na inantay pa ni Gabriel na sumabat si Hara sa usapan. Agad itong pumagitna na para bang pinoprotektahan si Hara laban kay Dana.Mula sa mabangis na itsura ay biglang naging maamong tupa ang mukha ni Dana nang nasa harapan niya na si Gabriel. Napakislot siya ng labi at tinitigan si Gabriel. "Huwag mong kalimutan ang pinangako mo kay tito Exel." Paalala niya at tuluyan na siyang umalis.Napagpasyahan ni Gabriel na maglakad lakad sila ni Hara sa tabi ng dagat habang lumulubog ang araw. Walang ideya ang dalaga kung saad sila patungo. Kaya ganoon na lamang siya kagulat nang makarating sila sa isang tahimk na lugar malapit sa may dagat."Anong mayroon?" Takang tanong ni Hara habang gulat pa ring bumaba sa kotse."We need to rest. Let's stay here for a while. The sun will set in few minutes." Marahang sagot ni Gabriel at kinuha ang kamay ni Hara para ipagsaklop sa kanyang kamay. Tahimik silang naglakad sa puting buhan
"Ah oo. Medyo hindi ata gusto ng tyan ko 'yong kinain nating seafood kagabi." Pagsisinungaling niya. Kailangan niya munang alamin kung talagang buntis nga ba siya. Hindi siya pwedeng magpa-dalos dalos dahil may mga malalaking problema pa silang kinakaharap.Nakakunot noo naman siyang tinignan ni Gabriel at para bang hindi naniniwala sa sinasabi ng asawa.Nag-unat unat naman ng kamay si Hara at kunwaring isinuot ang tsinelas. "Gabriel, minsan pakiramdam ko ay hindi ka na ata natutulog." Pag-iiba niya ng usapan."I'm used to it. In fact, hindi na 6 hours ang tulog ko simula nong mag-graduate ako ng college.""Mahirap talaga ang maging CEO." At napatango tango pa si Hara.Naalala niya noon kung paano mang-utos si Gabriel noong hindi pa sila malapit sa isa't-isa. Wala ni isa man ang may lakas ng loob na sumabat sa kanya. Kaonti lamang ang totoong nakakaalam ng totoo nitong buhay.Kaya naman nang malaman niya ang pribadong buhay ni Gabrbiel ay hindi niya maiwasang mapabuntong hininga na la
Nang mailapag si Hara sa kama ay na-shower muna si Gabriel at sumagot ng ilang mga pahabol na tawag sa kompanya bago tuluyang tinabihan ang asawa. Yumakap siya rito nang mahigpit at para bang takot na takot itong mawala.Napangiti naman si Hara. Sino ang mag-aakala na ang isang Gabriel Dela Valle ay napaka-clingy na tao.....Nang magising si Hara ay banayad nang humahaplos sa kanilang balat ang sikat ng araw. Marahang humahalik sa kanilang balat ang ihip ng hangin. Nang mahimasmasan si Hara ay napakislot siya ng labi at naramdaman niyang nakahawak si Gabriel sa kanyang bewang.Pilit niyang binabalewala ang bagay na tumutusok sa kanyang tyan. Mahigpit ay pagkakayapos sa kanya nito kaya namang dikit na dikit ang kanilang katawan.Madalas kasi ay nauunang bumabangon si Gabriel, at ito lamang ang unang pagkakataon na sabay silang babangon. Ngayon lang din nalaman ni Hara na ganoon pala ang reaksyon ng pagkalalaki kapag natutulog ang isang lalaki kusa itong tumitigas.Napakunot na lamang
Sabay silang naupo ng buhangin at magkatabing pinanuod ang papalubog na araw. Napapikit na lamang si Hara nang maramdaman niyang hinagkan ni Gabriel ang kanyang buhok. Ngunit napamulagat siya nang unti unting tumataas ang kamay nito mula sa kanyang dress."Want some fun?" Nakangisng tanong ni Gabriel at mas lalo nitong itinaas ang dress ni Hara."Gabriel!" Namumulang hampas niya sa asawa. Ngunit malakas na hagalpak lamang ang narinig niya rito."What are you thinking? Aayain kitang maliligo. You have two piece underneath. Common on!" Nakanginiting pag-aaya sa kanya. Kaya ay wala siyang nagawa kundi hubarin ang suot na dress na siya rin namang ginawa ni Gabriel.Magmdamag silang nagbabad sa tubig at naghabulan sa buhangin. Para silang mga high school lovers na naghaharutan sa gilid ng dagat. Iyon na ata ang isa sa pinakamasayang araw na magkasama silang dalawa."I hope this day won't end. Alam ko na pagbalik natin sa syudad ay marami na naman tayong kahaharaping problema. Promise me th
"Anong ibig niyo pong sabihin?" Wala na sa katinuan no'n si Hara at mabilis na lumapit sa doctor. Kumapit sa sa lab gown nito ay mariing tumingin. "Maliligtas niyo sa si mama hindi ba? Sabihin niyo saakin kahit anong operasyon ang gagawin niyo, handa akong magbayad! Mabubuhay pa siya, hindi ba?!""Miss Perez, please calm down!""Hindi ako makalma!" Mariing sigaw niya at ang maliit niyang katawan ay parang matutumba anumang oras. "Nasa ward si mama! Kaya paanong inatake siya sa puso?!Nagkatinginan ang dalawang doctor na parang hindi alam ang sasabihin."Sabihin niyo saakin kung paano nangyari iyon! Sinong kinita ni mama!" Sigaw niya hanggang sa maubusan siya ng lakas. Hindi na siya halos makatayo at tanging pader na lamang ang sumusuporta sa kanya. "Gusto kong makita ang surveillance. 'Yong surveillance sa ward! Bumalik kayo sa emergency room para iligtas si mama!"Hindi siya naniniwala na basta-basta na lang naatake ang kanyang ina nang walang rason. Dahil wala namang dahilan para
Pakiramdam ni Hara ay para siyang tinapon sa malalim na hukay at kadiliman lamang ang tanging bumabalot sa kanya. Wala siyang makita sa kanyang harapan.Hindi siya makasigaw at hindi rin siya makatakbo kahit gustuhin niya man. Bigla na lamang siyang may narinig mula sa kanyang likod. Kaya pinakinggan niyang mabuti iyon boses ng kanyang ina ang tumatawag sa kanya."Hara anak hindi na kita mapo-protektahan pa. Aalis na ako, mahal na mahal kita anak." Desperadong tumakbo si Hara sa pinagmumulan ng boses nang bigla na lamang siyang magising. Puting kisame ang bumungad sa kanya. Wala nang kadiliman, wala na rin ang boses ng kanyang ina.Bigla na hinawakan ni Axel ang kanyang palapulsuhan. "Hara, sa wakas ay gising ka na!" Napatingin lamang si Hara sa kamay nitong nakalingkis sa kanya nang mapagtanto ni Axel iyon ay marahan niyang inalis ang pagkakahawak. "Kinausap ng doctor si Sabby, saglit lang at tatawagan ko siya."Nang makaalis si Axel ay lalaking lumitaw mula sa gilid ni Hara at nak
Bigla na lamang sumulpot si Niel sa hospital.Nang makita siya ni Exel ay napatigil ito at mas lalong sumama ang timpla ng mukha bakit nga hindi niya pinigilan ang anak na tawagan ito."Good afternoon Chairman. Good afternoon Mr. President." Bati ng sekretarya at mabilis itong naglakad upang magbigay ng tamang galang kay Exel pagkatapos ay inabot niya ang cellphone na request ni Gabriel. "Sir Gabriel, this is your mobile phone and I have the data and everything."Agad namang kinuha iyon ni Gabriel at pipindutin na sana ang on button nang pigilan siya ni Exel."Nasa malubhang kalagayan ang mommy mo sa loob. Kung dadalhin mo iyang cellphone mo mas magkakaproblema lang tayo."Sa pagkakataong iyon ay sinunuod ni Gabriel ang kanyang ama at hindi na tinuloy ang pagbukas ng cellphone ngunit direkta niya itong tinitigan sa mga mata ng ilang segundo."What did you do to Haraleigne?" Sinlamig ng yelo ang kanyang boses na pati si Exel ay nangamba rin.ndi siya tanga para hindi mapansin na may ma
Tumigil na lamang sa pagsasalita si Gabriel at diretsong tinitigan si Hara nang hindi manlang ito kumukurap.Ngunit kabaligtaran naman si Hara. Hindi niya kayang tumitig sa mga mata ni Gabriel dahil natatakot itong mabasa ng kanyang asawa ang tunay niyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Kailangan niya iyong gawin upang maisakatuparan ang kanyang mga binabalak. Napakuyom na lamang siya."Kaya ayoko nang magpatuloy pa tayo---" nanginginig niyang saad . Ngunit hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Gabriel upang matapos sa sasabihin. "Haraleigne!" Frustrated na angil ni Gabriel. "Huwag mo nang ituloy! Tell me the truth, what really happened? Anong sinabi nila dad sayo?"Agad na may nagbara sa lalamunan ni Hara. Gustong gusto niyang yakapin si Gabriel at sabihin lahat ng kanyang problema, ngunit kailangan niya itong gawin para magawa niya ang kanyang mga pinaplano.Ngunit nagpanggap pa rin siya na parang wala nang gana."Pagod na nga ako. Hindi ka ba nakakaintindi, Gabriel?" Ngunit na
Napa-igtad si Hara nang marinig si Mira kaya kaagad siyang naglakad papalayo sa kiddie park upang hanapin ang mga kasama at magpaalam na para umuwi.Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga narinig na salita mula kay Gabriel. May dumaan na sakit mula sa kanyang dibdib. Dahil labis siyang nanibago sa ugali ng lalaking minahal niya noon. Kahit kailanman ay hindi siya napag-salitaan ng ganoong kasakit na salita ni Gabriel kahit na-contract marriage lang sila noon. Siguro ay binago na rin siya ng panahon. Siguro rin ay nasaktan niya io at hindi manlang nakatanggap ng wastong pagpapaliwanag mula kay Hara kaya nagtanim ito ng galit sa kanya. Nang makauwi si Hara sa kanilang hotel room ay hindi niya inaasahang naka-abang pa rin si Gunther sa kanya. Seryoso lamang itong naka-upo sa sofa habang naghihintay. "Gunther, anak. Bakit gising ka pa?" Naluluhang tanong sa anak at lumuhod ito upang mag lebel ang kanilang mga mata. Kitang kita niya kung paano nagkunot noo ang anak na para bang may mala
Napakuyom si Hara nang marinig iyon. Masakit man ngunit kailangan niyang baliwalain ang mga narinig mula kay Gabriel. Lalo pa at kaharap niya ang babaeng nali-link ngayon sa binata, Almira Go. Napaangat ng tingin si Hara at dumapo iyon sa mga mata ni secretary Saez na nakakunot noo habang tinitignan si Gabriel. Siguro maski rin ito ay nagulat sa sinabi ng amo. "It's nice to meet you sir Dela Valle. But I think, I need to find my seat. The meeting will start very soon." Pormal na saad ni Hara at marahang umalis sa harapan ni Gabriel at Mira. Nang makita niya ang seat para sa production team ay kaagad siyang naupo. Binuhay niya ang kanyang cellphone upang tignan kung may mensahe ba sa kanya si Jessie. Napabuntong hininga na lamang siya nang mabasang hindi ito makaka-punta on time dahil kaalis lang ng eroplanong sinasakyan nito patungong Naga.Makalipas ang ilang sandali ay nakompleto na ang mga taong kinakailangan sa meeting. Napakunot noo si Hara nang makitang pumunta sa harapan si
Habang bumibili ng candy si Gabriel sa isang supermarket ay nakangiti siyang tinignan ni Neil na para bang natutuwa siyang tignan ang amo sa ginagawa nito. Nang makita iyon ni Gabriel ay agad niyang sinamaan ng tingin. "Sir, naghihintay pa rin po si ma'am Mira sa inyo. Hindi niya raw po uumpisahan ang meeting nang wala kayo." Pagpapaalala ni Neil. "Then let her. It's not me who will lose a job. Besides alam niya kung gaano ka-importante itong business trip na pupuntahan ko." Malamig na sagot ni Gabriel at pumunta ng counter para magbayad. Dinagdagan niya rin ng strawberries ang mga pinamili dahil bagay iyon sa mga bata. Nang palabas na sila ng supermarket ay napatawag si Nico at nagsabing naroon na raw siya sa lobby ng hotel. Nagmadali namang pumunta roon sila Gabriel at ganoon na lamang ang kanyang panlulumo nang hindi na makita ang bata. "Have you seen Ainsley?" Tanong niya kay Nico. "Sinong Ainsley?" At napakurap ito. "May Mira kana nga may Ains---""Shut up. She's a kid!" Ini
Nang makarating sila sa isang hotel chain na pag-aari ng pamilya ni Sabby ay napili muna ni Hara na ayusin ang kanilang mga gamit habang inaantay ang email kung saang branch sila ng modeling company maa-assign. Samantalang si Jessie naman ay nanatili muna sa Manila habang wala pang go signal ang kanilang kompanya."Mommy! I want to go outside! I want candies and lollipops! Yehey!" Pangungulit sa kanya ni Ainsley. Inilapag muna ni Hara ang tinutupi niyang damit at pinagmasdang mabuti ang kanyang anak. Habang tumatagal ay nagiging kahawig na nito si Gabriel, lalo sa kapag naka-kunot noo ito. Minsan naisip niya na napakadaya dahil siya ang nagdala sa kambal ng siyam na buwan ngunit bakit mas naging kamukha pa nito ang ama."Ainsley Gabrielle Perez, anong sabi sa iyo ni mama? You eat fruits and vegetables. candiess and lollipops are not healthy for you baby." Ngunit nag-pout lamang si Ainsley. "I hope papa will spoil us with candies and lollipos!!" Litanya niya kaya natawa na lang si Ha
"Sab?!" Gulat na tanong ni Hara at ilang beses pa itong napakurap para lamang i-check kung totoo nga ba ang nakikita niya sa kanyang harapan. Parang kailan lang nang nagkatawagan silang dalawa at sinabi lang nito na may balang siyang pumunta ng Switzerland."Miss me?! Surprise visit para hindi ka makapalag!" At niyakap ni Sabby ang kaibigan. Napatawa naman si Hara sa kaingayan ng kaibigan. Inaya niya itong pumasok sa loob at nagpanggap na mahihimatay si Sabby nang makita si Gunther na naglalaro sa living room."Hawig na hawig a! Hindi ako naniniwalang hindi mo naiisip si Gabriel! Pati si Ainsley may hawig sa kanya! Kaya sure ako na hindi ka pa nakaka-move on!" At kaagad itong tumakbo sa kambal.Nang makita ng kamabal ang kanilang tita Sabby ay agad nila itong niyakap."Tita Sabby you are so pretty na!" Maarteng saad ni Ainsley at umamba ng pagpapabuhat dito. "Nako Hara, sa loob ng limang taon para mo lang ding nakikita ang mukha ni Gabriel. Pero let's get serious here. Nakita ko kani
Nag-taxi na lamang si Hara pauwi sa kanilang bahay dahil hindi niya na mahanap si Jessie. Baka totoo ngang may kalaguyo siyang lalaki sa gabing iyon. Hindi niya lubos maisip na makikita niya si Gabriel sa Switzerland. Halos liparin niya ang kalahati ng mundo para lamang lumayo, ngunit tila ba ay pinaglalaruan talaga siya ng tadhana. Kung tama ang pagkakarinig niya ay may kinahuhumalngan na siyang babae. Mira Go, isang international model at advocate ng marine life. Napa-buntong hininga na lamang si Hara nang maasip ang pangako niya sa kanyang kambal. Sa kanilang ika-anim na kaarawan ay ipapakilala niya na ang mga ito sa kanilang papa. Ngunit paano niya gagawin iyon ngayong may babae nang nagugustuhan si Gabriel.Nang makapasok siya sa kanilang bahay ay agad siyang sinalubong ng kambal."Mama! We're have you been?" Tanong ni Gunther at dala dala pa ang bottle milk ni Ainsley."Mimi hug!" At umamba naman ng yumakap si Ainsley sa kanya.Kaya naman lumuhod siya sa dalawa at mahigpit na
Five years later..."Jessie, mauna na ako mag-out. You'll stay late?" Tanong ni Hara sa ka-trabahong bakla na nakatungo na ang ulo sa desk. Hindi ito gumalaw kaya sinundot niya ang tagiliran nito. "Oy puking palaka ka Hara!" Gulat na sigaw ni Jessie. Napabungisngis naman si Hara nang marinig na naman ang balasubas na bibig nito. Nakita niyang napairap ang kaibigang bakla at napaayos ng upo."Mag a-out na rin ako no! May dilig ako mamaya kaya makikisabay ako sa'yo huwag kang nagmamaganda diyaan babaita ka." Maarte nitong saad at isa-isa nang pinagliligpit ang mga gamit. Nang makalabas sila ng company building ay napatingala na lamang siya mula sa kalangitan. "May snow na, Jess." At itinaas niya ang kanyang kamay upang saluhin ang maliliit na snowflakes."Hay sawakas! Makakagawa na rin ako ng snow penis!" Untag ni Jessie at naupo sa upang mag-ipon ng mumunting yelo sa daan. Agad naman siyang binatukan ni Hara nang totohanin niya ang sinabi at bumubuo ng hugis ari ng lalaki."Ang KJ mo
Akala ni Hara ay makakatulog siya sa gabing iyon ngunit hindi paulit-ulit siyang dinadalaw ng memorya niya kanina nang makita niya ang puso ng bata sa monitor. Napaiyak na naman siya dahil sa desisyon. Kinabukasan ay kasal na nila ni Gabreil at tuluyan na silang maghihiwalay ng landas. Kung pagtatagpuin man sila ng tadhana, hindi niya na masasabi kung parehas pa rin ba ang kanyang mararamdaman.Nagising siya kinaumagahan dahil sa malakas na tawag sa kanyang cellphone. "Hello, Ms. Perez. Ako po ang person in charge sa kasal narito na po ako sa labas upang sunduin po kayo. "Sige po. Give five minutes. Mag-iimpake lang po ako at pagkatapos ay baba na rin." Nang mapatay niya ang tawag ay mabilis siyang nag-impake ng gamit hindi niya na inabala pang mag-ayos dahil aayusan din naman siya mamaya. Hinayaan niyang bare lamang ang kanyang mukha.Nang makita niya ang itim na kotse sa gilid ng kalsada ay agad siyang naglakad papunta roon. Binuksan niya ang pinto at naupo, doon niya lamang napagt
Linggo ay nakalabas na ng hospital ang ina ni Gabriel at pansamantala itong nagpapahinga sa kanilang villa. Naroon si Dana umaalalay kay Gia."Tita, you don't have to worry about Hara and Gabriel. Makikipaghiwalay na siya sa anak niyo. May isa pa po akong nabalitaan tungkol kay Hara." At ngumiti nang matagumapay si Dana. Lahat na ata ay sinabi niya kay Gia maliban na lang sa tinakbo sa hospital si Gabriel dahil na-alcohol poison ito. "What is it, hija? Mukhang marami kang good news saakin ngayon?" Nakangiting hayag ni Gia."Nasabi po saakin ni Nico na umamin daw si Hara sa kanya. Hindi daw po niya kayang magbuntis in other words shes' infertile. Nasaakin pa rin po ang huling halakhak. Ako pa rin po ang magbibigay ng tagapagmana kay Gabriel, tita Gia."Walang naging komento ang ina ni Gabriel at marahang inobserbahan ang asta ni Dana. Naisip niya na sobrang layo na nito sa dating Dana na nakilala niya noon. Napaka-bait, mahinhin, magpabigay at hindi sumasaya sa kahirapan ng iba. "All