Isang mapanglaw na gabi ang nadatnan ni Fourth pagkauwi n'ya sa mansiyon. Walang kabuhay-buhay n'yang tinapos ang araw sa opisina tapos pag-uwi n'ya ay wala rin s'yang gana. Wala si Caramel. Nami-miss n'ya na ito. Parang hindi buo ang araw n'ya sa tuwing hindi ito nasisilayan kahit sa isang saglit. Isang daang missed call na ang ginawa niya ngunit hindi man lamang ito sumagot. Kahit ni ‘ Hi o Hello ’ ay wala s'yang natanggap na text message galing rito.“ Ano bang problemang ng bruhang 'yon! Ba't wala man lang text o tawag? Caramel, sumagot ka naman please ” pakiusap n'ya habang tinatawagan ito.Inis n'ya namang itinapon sa ibabaw ng kama ang cellphone n'ya.“ Lintik na babaeng 'yon! Kaya akong tiisin ”Naisipan n'yang umiinom ng alak sa labas. Doon s'ya pum'westo malapit sa pool. Wala man lamang siyang ma-imbeta sa paglaklak niya dahil siya lang mag-isa sa mansiyon maliban sa mga katulong at guard.May narinig s'yang bosena ng sasakyan. Akala n'ya ay si Caramel na 'yon kaya mabilis s
MAAGANG naghintay si Caramel sa mismong lugar kung saan sila magkikita ni Fourth. Nagbigay ito ng specific time para klaro kung anong oras dapat sila magtatagpo. Nauna na sa probinsiya ang buong pamilya niya noon pang isang linggo. Pinanghahawakan niya talaga ang pangako ni Fourth na isusuko nito ang lahat para makasama lamang siya.Panay ang silip niya sa wristwatch n'ya. Late na ito ng 10 minutes sa oras na pinag-usapan nila. Baka na-traffic lang ito o 'di kaya nahirapan sa pagtakas sa mga tauhan ni Ling Xian. Ilang beses niya rin tinatawagan ang cellphone number nito ngunit hindi nito sinasagot ang tawag n'ya. Kinakabahan siya. Paano kung nagbago ang isip nito at napagdesisyonang hindi s'ya siputin? H'wag naman sana.Nagdaan ang isang oras at nadagdagan pa ng isang pang oras ngunit wala pa rin ito. Kahit anino ni Fourth wala. Naipikit niya ang kanyang mga mata dahil sa pagkainip at pag-ooverthink. Naghalo-halo ang nararamdaman n'ya sa ngayon. Kinakabahan na baka may nangyare masama
2 YEARS LATER... " ATE Cara, saan ko 'to ilalagay? " tanong ni Firlan tungkol sa bitbit nitong malaking paso na may tanim na malaking cactus. " Sa ibabaw ng kama mo, " pilosopong sagot niya sa binata. Natawa naman si Carme habang tinutulungan s'yang magbunot ng mga damo. " Kahit doon mo nalang ilagay malapit sa garage. Hindi 'yan p'wede rito baka kasi masagi ng mga bata at makadisgrasya pa, " aniya. Kaagad naman nitong sinunod ang utos niya. " Ate Carme, kailan ka mag-aasawa? " tanong ni Firlan noong tumulong ito sa paglalagay ng lupa sa mga paso. " Si ate muna ang tanungin mo. Mas matanda siya sakin, " nakangising pasa ni Carme sa kan'ya. " Hihintayin kitang mag-matured bago ako mag-aasawa, " napahagikhik naman si Carmela. " Immature ka pala, Lance " natatawang tukso ni Carmela kay Firlan. Napakamot naman ito sa batok. " Oo nga pala ate Cara, wala na palang gatas sina Onin at Orion. Baka kasi makalimutan mong mag-iwan ng pera bago ka pumasok sa trabaho mo, " paalala n
MAGKASABAY na naglakad palabas ng airport sina Fourth at Feng bitbit ang cute ang malusog na batang lalaki na nagngangalang si Ayuki. Kaagad silang in-assist ng dalawang lalaking kanina pa naghihintay sa pagdating nila. Sumunod na rin ang ibang bodyguard para pigilan ang press na makalapit sa kanya lalo na sa mag-ina. Pagkapasok nila sa limousine, kaagad na bumati ng magandang araw si Burma. Ngiti lamang ang isinukli niya rito. Napalingon siya kay Ayuki na mahimbing na natutulog sa kandungan ni Feng. " Get Ready, Fourth. This is your moment—don't hesitate to claim your rightful position. Tomorrow, Chairman Nagari will unveil a groundbreaking revelation, and you can't afford to miss the scene prepared for the big show! " nakangiting paalala ni Feng sa kanya. He flashed a confident smile, adjusting his attire as the weight of the truth settled in. At last, they all knew who was pulling the strings behind the crimes that had torn their family apart. " Don't worry, I’ll be the one
The waiters swiftly replaced the wine glasses on the table, each one now filled with the finest red wine. It was then that Natalie noticed the subtle shift in the room—tension hung in the air as everyone seemed to grow uneasy. The Chairman stood, her hand reaching for her glass. “ There are two people here who have repeatedly killed to claim the position they so desperately desire. It’s truly heartbreaking to realize that those you trust the most are often the very ones who will betray you. I’ve spent years investigating the death of my brother, but what shocked me the most was the truth I uncovered, ” pahayag ni Natalie. The room fell silent, every person now hanging on her every word, the weight of her revelation settling like a dark cloud. " Dalawang baso lamang ang naglalaman ng lason. Kung sino ang nakainom ng lason ay siya ang salarin sa mga masasamang nangyare kay Uno, kay Fourth, sa dating chairman at sa kapatid ko " dagdag pa nito. Kusa nitong itinaas ang kopita. "
NAPANGIWI sa sakit si Caramel nang matamaan siya ng isang malakas na suntok galing sa kalaban, sa bandang tagiliran. Panay ang atras niya sa tuwing lalapit ito sa kanya. Mukhang mahihirapan siya sa isang ito kasi ang itsura palang ay kung papanain hindi matatamaan.Maraming manonood ang nag-aabang sa laban kung sino ang matitirang nakatayo sa loob ng ring ay siyang panalo. Nanonood rin ang kanyang kuya na si Brandon na medyo natahimik dahil sa alanganing galaw niya at mukhang dehado siya sa laban.Ang laki kasi ng pinusta nito sa kanya at kung sakaling manalo siya ay triple ang balik ng pera sa kanila. Napangisi ang amasonang kalaban niya at muli itong sumugod para itumba siya pero nailagan niya ang malakas na suntok na ginawad nito. Nagpakawala pa ito na mabilis at agresibong mga suntok kaya hindi niya maiwasang mapaatras sa tuwing nakakatama at nakakalusot ang mga bigwas na binitawan nito para sirain ang kanyang depensa.Kailangan niya nang magandang tayming para maitumba ito. Mas m
MAAGANG nagising si Caramel para makapag-impake na siya ng kanyang mga gamit. Binigyan lamang siya ng tatlong araw ni Don Primero upang makapag-desisyon sa trabahong inaalok nito, kapag lumampas siya ay hahanap na ito ng iba. Sayang naman kung tatanggihan niya. Sobrang laki ng sahod at libre pa lahat. Saan naman siya hahanap ng ganoong klaseng trabaho. Malaki na ang sahod may kasama pang insurance kapag namatay siya. Napalingon siya sa kapatid n'yang si Brandon nang kapapasok pa lamang nito sa condo unit. Magulo pa ang buhok ng kan'yang kuya at mukhang may hang-over na naman. May band-aid pa sa ilong at halatang may nadaanan na naman itong bugbugan sa labas. " Saan punta mo? " tanong nito noong mapansin ang dalawang maletang dadalhin niya. Nag-inat muna siya ng katawan. " May bago akong trabaho, " tugon niya at nagtungo sa lalagyan ng mga sapatos para kunin ang boots at iba niya pang mamahaling sapatos na binigay sa kanya ni Garnet. " Saan? " interesadong tanong ng kapatid b
Napalingon si Caramel sa iba pang mga lalaki. Tumayo rin ang tatlong kasama nito na nakasuot lamang ng pang-ibaba katulad ng kaharap niya ngayon. Mas lalo siyang kinabahan sa uri ng titig ng mga ito. Napahinto ang tatlo at tinitigan rin siya mula ulo hanggang paa. Nagbulungan pa ang mga ito ngunit naririnig niya naman ang pinag-uusapan nito. " She's pretty and look young just like an 18 years old gal. Sabi ni Tita Dahlia nasa 30's na daw yun e, " bulong ng lalaking nagkulang sa height. Medyo natawa s'ya sa isip niya. Ganun ba siya kabatang tingnan at akala nito mukha siyang nag-18 years old kahapon? " Baka, nagpa-plastic surgery kaya ganyan kabata, " bulong naman ng isa. Nagulat siya ng biglang lumapit ang isa na may mahabang buhok. Marahan nitong hinawakan ang kanyang pisngi at sinuri ang kanyang mukha. Piningot rin nito ang matangos niyang ilong at ginalaw pa ang kanyang mapulang labi. Hindi naman siya makagalaw sa ginagawa nito. Natulala rin kasi siya sa napaka-kalmadong mu
The waiters swiftly replaced the wine glasses on the table, each one now filled with the finest red wine. It was then that Natalie noticed the subtle shift in the room—tension hung in the air as everyone seemed to grow uneasy. The Chairman stood, her hand reaching for her glass. “ There are two people here who have repeatedly killed to claim the position they so desperately desire. It’s truly heartbreaking to realize that those you trust the most are often the very ones who will betray you. I’ve spent years investigating the death of my brother, but what shocked me the most was the truth I uncovered, ” pahayag ni Natalie. The room fell silent, every person now hanging on her every word, the weight of her revelation settling like a dark cloud. " Dalawang baso lamang ang naglalaman ng lason. Kung sino ang nakainom ng lason ay siya ang salarin sa mga masasamang nangyare kay Uno, kay Fourth, sa dating chairman at sa kapatid ko " dagdag pa nito. Kusa nitong itinaas ang kopita. "
MAGKASABAY na naglakad palabas ng airport sina Fourth at Feng bitbit ang cute ang malusog na batang lalaki na nagngangalang si Ayuki. Kaagad silang in-assist ng dalawang lalaking kanina pa naghihintay sa pagdating nila. Sumunod na rin ang ibang bodyguard para pigilan ang press na makalapit sa kanya lalo na sa mag-ina. Pagkapasok nila sa limousine, kaagad na bumati ng magandang araw si Burma. Ngiti lamang ang isinukli niya rito. Napalingon siya kay Ayuki na mahimbing na natutulog sa kandungan ni Feng. " Get Ready, Fourth. This is your moment—don't hesitate to claim your rightful position. Tomorrow, Chairman Nagari will unveil a groundbreaking revelation, and you can't afford to miss the scene prepared for the big show! " nakangiting paalala ni Feng sa kanya. He flashed a confident smile, adjusting his attire as the weight of the truth settled in. At last, they all knew who was pulling the strings behind the crimes that had torn their family apart. " Don't worry, I’ll be the one
2 YEARS LATER... " ATE Cara, saan ko 'to ilalagay? " tanong ni Firlan tungkol sa bitbit nitong malaking paso na may tanim na malaking cactus. " Sa ibabaw ng kama mo, " pilosopong sagot niya sa binata. Natawa naman si Carme habang tinutulungan s'yang magbunot ng mga damo. " Kahit doon mo nalang ilagay malapit sa garage. Hindi 'yan p'wede rito baka kasi masagi ng mga bata at makadisgrasya pa, " aniya. Kaagad naman nitong sinunod ang utos niya. " Ate Carme, kailan ka mag-aasawa? " tanong ni Firlan noong tumulong ito sa paglalagay ng lupa sa mga paso. " Si ate muna ang tanungin mo. Mas matanda siya sakin, " nakangising pasa ni Carme sa kan'ya. " Hihintayin kitang mag-matured bago ako mag-aasawa, " napahagikhik naman si Carmela. " Immature ka pala, Lance " natatawang tukso ni Carmela kay Firlan. Napakamot naman ito sa batok. " Oo nga pala ate Cara, wala na palang gatas sina Onin at Orion. Baka kasi makalimutan mong mag-iwan ng pera bago ka pumasok sa trabaho mo, " paalala n
MAAGANG naghintay si Caramel sa mismong lugar kung saan sila magkikita ni Fourth. Nagbigay ito ng specific time para klaro kung anong oras dapat sila magtatagpo. Nauna na sa probinsiya ang buong pamilya niya noon pang isang linggo. Pinanghahawakan niya talaga ang pangako ni Fourth na isusuko nito ang lahat para makasama lamang siya.Panay ang silip niya sa wristwatch n'ya. Late na ito ng 10 minutes sa oras na pinag-usapan nila. Baka na-traffic lang ito o 'di kaya nahirapan sa pagtakas sa mga tauhan ni Ling Xian. Ilang beses niya rin tinatawagan ang cellphone number nito ngunit hindi nito sinasagot ang tawag n'ya. Kinakabahan siya. Paano kung nagbago ang isip nito at napagdesisyonang hindi s'ya siputin? H'wag naman sana.Nagdaan ang isang oras at nadagdagan pa ng isang pang oras ngunit wala pa rin ito. Kahit anino ni Fourth wala. Naipikit niya ang kanyang mga mata dahil sa pagkainip at pag-ooverthink. Naghalo-halo ang nararamdaman n'ya sa ngayon. Kinakabahan na baka may nangyare masama
Isang mapanglaw na gabi ang nadatnan ni Fourth pagkauwi n'ya sa mansiyon. Walang kabuhay-buhay n'yang tinapos ang araw sa opisina tapos pag-uwi n'ya ay wala rin s'yang gana. Wala si Caramel. Nami-miss n'ya na ito. Parang hindi buo ang araw n'ya sa tuwing hindi ito nasisilayan kahit sa isang saglit. Isang daang missed call na ang ginawa niya ngunit hindi man lamang ito sumagot. Kahit ni ‘ Hi o Hello ’ ay wala s'yang natanggap na text message galing rito.“ Ano bang problemang ng bruhang 'yon! Ba't wala man lang text o tawag? Caramel, sumagot ka naman please ” pakiusap n'ya habang tinatawagan ito.Inis n'ya namang itinapon sa ibabaw ng kama ang cellphone n'ya.“ Lintik na babaeng 'yon! Kaya akong tiisin ”Naisipan n'yang umiinom ng alak sa labas. Doon s'ya pum'westo malapit sa pool. Wala man lamang siyang ma-imbeta sa paglaklak niya dahil siya lang mag-isa sa mansiyon maliban sa mga katulong at guard.May narinig s'yang bosena ng sasakyan. Akala n'ya ay si Caramel na 'yon kaya mabilis s
MAAGANG nagising si Fourth upang dalawin ang kan'yang kuya na si Uno. Salamat sa Diyos ay naka-survive ang kapatid galing sa pagkakalason. Nagkaroon ng komplikasyon ang katawan nito at kailangan pa sumailalim sa ibang medikasyon. Samantala, si Dos ay humalili muna kay Uno. Si Dos muna ang pansamantalang Presidente. " Hindi pa ba umuuwi si Caramel? " tanong niya sa nakasalubong n'yang housemaid. " Hindi pa po, Sir Fourth. Sabi n'ya po sakin kahapon baka absent muna siya ng dalawang araw dahil may aasikasuhin daw siya. Dadalo rin s'ya sa family day ni Olivia, " sagot naman ng katulong. Napatango naman siya. Sa katulong pa talaga ito nagsabi, papayagan n'ya naman ito kung sa kan'ya nagpaalam. Nakakatampo tuloy na dalawang araw itong wala sa bahay tapos hindi n'ya rin alam na dadalo pala ito sa family day ni Olivia. Sana'y inembita s'ya kahit man lang gaganap na kunwaring tatay ni Olivia. Tinawagan n'ya si Caramel pagkapasok niya sa limousine ngunit hindi ito sumasagot. Mukhang ab
Tuluyang nawala ang kaba ni Fourth noong makita niyang ligtas si Caramel. Hindi n'ya talaga alam kung anong gagawin kapag may nangyaring masama rito. Napansin niya ang lalaking sumilip sa kanila ni Caramel. Kilala niya ito. Si Sink. Kaagad namang nag-iba ang templa n'ya. Humiwalay siya kay Caramel. " Bakit kasama mo ang damulag na 'yan? " turo niya kay Sink. Ang alam niya kasi ay baliw na baliw si Caramel kay Sink. Bukambibig ni Caramel si Sink noon at todo ang kilig nito kapag tinutukso ni Garnet ang kaibigan sa matipuno at g'wapong katrabaho. " Bahay n'ya 'to. Siya ang tumulong sakin na makatakas sa mga pekeng pulis na gusto akong tudasin, " paliwanag naman ni Cara. Napanguso naman s'ya. " Kaya pala dito ka dumiretso at walang balak na magpahatid sa mansiyon dahil narito ang crush mo, " may halong selos na aniya. Bigla na lang talagang kumulo ang dugo niya dahil sa selos. " Ano ka ba. Gusto ko naman talagang umuwi ngunit delikado na, ” paliwanag nito. “ Tsk. Ang sabihi
" Doon tayo! " wika ni Sink sabay hila sa kanya. Walang alinlangan s'yang sumunod rito. Muli s'ya nitong hinila pababa noong may humarang na kalaban sa may unahan at walang habas silang pinagbabaril. Muli silang nagtago sa malaking puno. Kaagad namang inabot sa kanya ni Sink ang bitbit nitong baril. Malugod niya iyong tinanggap at ikinasa. " Anong ginagawa mo rito, Sink? Paano mo nalaman na naririto ako? " tanong niya sa dating comrade sa SIA. Magkasabay silang lumabas sa pinagtataguan at sila naman ang nagpaulan ng bala. Magkasabay rin silang muling nagtago at nagsalin ng panibadong magazine. “ Napansin kita sa checkpoint kanina at dinala ka ng mga pulis kaya palihim akong sumunod, ” sagot naman nito at muling nagpaputok ng baril. " Kailangan nating makaalis rito dahil naiipit tayo sa labanan ng dalawang grupo! " dugtong pa ni Sink. Napatango naman siya at magkasabay silang lumabas sa lungga. Walang habas nilang pinagbabaril ang mga kalaban. Pagkatapos ay mabilis silang tu
Fourth couldn’t believe that it was Caramel who had prepared the coffee to poison them all. Every cup handed to them by Uno's assistant had been laced with poison. Fortunately, the President drank first, sparing the others from harm. He couldn’t help but shake his head. He knew Caramel would never do something like that. ***** Habang nasa biyahe ang police mobile na sinasakyan ni Caramel, pinakiramdaman niya ang mga kasamang pulis. Pansin niya kasing lumihis at hindi patungong presinto ang kanilang ruta. Hindi na bago ang ganoong set-up kaya ramdam niyang may binabalak ang mga ito sa kanya. " A-Akala ko ba sa presinto tayo pupunta?" Kunwareng natatakot na ika n'ya sa mga ito. Napangiti sa kanya ang lalaking katabi na naka-uniforme pampulis at naka-imprenta ang pangalang Galencio P. Galenciaga sa pen name nito. " Makakarating rin tayo sa presinto. Relax ka lang, " ani nito sabay posas ng kan'yang mga kamay. " Bakit kailangan pa akong posasan? Akala ko interrogation lang? ”