MAAGANG nakarating sa mans'yon si Firlan kasama ang magandang anak ni Caramel na si Olivia. Sinundo ni Caramel ang dalawa bago siya pumasok sa trabaho. Excited ang bata na makilala ang kan'yang amo kaya nakaramdam rin siya ng tuwa. Matagal na rin kasing nagtatanong sa kanya si Olivia kung sino ang tunay n'yang ama ngunit lagi niyang sinasabi na nasa abroad ang tatay nito. Laging umaasa si Olivia na sa bawat pag-uwi niya sana'y kasama niya ang ama nito ngunit, lagi lamang ito nadidismaya sa tuwing umuuwi siyang walang kasamang lalaki. Noong nakita nito si Van, napatalon ito sa tuwa na akala nito ay ito na ang tunay na ama. Pero, naiyak ang bata noong sinabi niyang hindi si Van ang tunay na ama nito. Naka-libre tuloy si Van at naisipan na ipasyal ang bata kasama si Firlan. Hindi kasi ito mapatahan kakaiyak. Kahit nga nabilhin na ito ng bagong damit at mga laruan hindi pa rin ito kumibo at malungkot lamang na nagpakarga kay Firlan pauwi ng bahay. " Be kind, Olivia. Yung amo ko may
" Oo na, babayaran ko ang mga 'yon basta mag-usap tayo ng maayos! Huwag yung ganito, please? " nakikiusap na wika ni Firlan. Hapong-hapo siyang napaupo sa may bench. Ang bilis kasi nitong tumakbo hindi niya tuloy mahabol. " Saan ka naman kukuha ng pambayad? Abir!? " " Magtatrabaho ako, " sagot naman nito. " Kaya lang, baka sa mga susunod pa na taon kita mababayaran kasi nag-aaral pa ako e, " dugtong pa nito. Napabuga naman siya ng hangin. " Matanong nga kita, wala ba kayong relasyon ni Caramel? " Interesadong tanong niya rito. Lumapit ito sa kinaroroonan niya at umupo sa tabi niya. " Wala. Kapatid ang turing niya sakin." Napatango naman siya. " Maaari namang hindi na ako magpapabayad sayo pero may kondisyon ako, " napalingon ito sa kanya. Inilapit niya ang mukha rito kaya bahagya itong napaatras. " Bakit hindi kilala ni Olivia ang tunay n'yang ama? Dahil ba sa isang kabit si Caramel kaya nahihiya siyang sabihin na si Fuma Vista ang ama ni Olivia? " Usisa niya at bahagy
NAPASULYAP s'ya kay Caramel habang nasa biyahe sila patungo sa Fo Guang Shan Chu Un Temple kung saan gaganapin ang kasal nila ni Feng. Gusto n'yang hawakan ang kamay ni Caramel kahit isang saglit lang bago s'ya tuluyang ikasal kay Feng. Ngayon palang naiiyak na s'ya. Ang bigat sa pakiramdam na ikakasal s'ya sa taong hindi n'ya gusto. Natigilan s'ya. Napasilip naman sa labas si Caramel noong mapansin biglang tumigil ang sasakyan. At ganoon rin ang convoy na ini-hired ng kan'yang ama pandagdag proteksiyon at siguraduhing makakarating talaga sila sa templo. Bigla siyang kinabahan sa paghinto nila sa isang pribadong daanan. " Anong mayroon, Burma? " kabadong tanong niya. " May checkpoint po yata, Sir " tugon nito. Napalingon siya kay Caramel noong binuksan nito ang dala nitong bag na naglalaman ng armas. Nagulat talaga s'ya. Hindi n'ya akalain na armas pala ang laman ng bag na dala-dala nito. " Anong gagawin mo, C-Cara? " natatarantang tanong n'ya rito. " I sense something unu
Ginamit niya ang dala n'yang panyo para takpan ang dumudugo nitong sugat. Napatayo siya para humanap ng daan. Kailangan nila ng masisilungan. Baka umulan. " Halika, doon tayo " aya niya rito at inalalayan itong makatayo. " Gusto kitang dalhin sa hospital pero hindi ko alam kung saan ang ligtas na daan para makalabas sa kagubatan na 'to, " dugtong niya pa. " K-Kaya ko pa naman kaso nanghihina na ako dahil sa dami ng dugong nawala. Mukhang may natamaan yatang ugat sa balikat ko, " nanghihinang tugon nito. Hindi lang pala sa braso ang tama nito. " Anong gagawin ko? " Natatarantang tanong niya kay Caramel. " K-Kung gusto mo idugtong mo ang ugat ko para hindi na dumugo sugat ko, " may halong birong sagot nito. " Alam mo tumigil ka na sa pagka-sarkastika mo! Nag-aalala na nga ako sayo e! " Mangiyak-ngiyak na wika niya. Natigilan naman si Caramel at napatitig kay Fourth. " Nag-aalala ka sakin? " tanong nito sa kan'ya. " Syempre naman! 'Wag ka ngang ah ah! Hindi ko alam ang
" BAHALA na si Batman! " wika niya at hinúbad ang suot nitong damit at pants. Body heat lang naman ang kailangan nito. Natigilan noong hindi lamang kahubdan nito ang bumungad sa kan'ya pati na rin pamilyar na tattoo nito sa likuran. It's a butterfly tattoo kagaya ng tattoo ng babaeng nakasíping n'ya sa hotel. Hindi n'ya alam kung bakit nagawa sa kan'ya ni Caramel 'yon. Kaya pala pamilyar sa kan'ya ang mga mata ng babaeng 'yon. It's the same shape and colors as Caramel's doe-like hazel-brown eyes. Malaki ba ang ibinayad ni Valentino kaya ito pumayag ng gano'n-gano'n nalang sa gabing 'yon? Nabalik lamang s'ya sa kan'yang sarili noong nangangatal pa rin ito dahil sa lamig. Kailangan n'ya muna isantabi ang nalaman n'ya para tulungan itong maka-survive. Humiga s'ya sa tabi ni Cara at niyakap ito. Walang ibang pagpipilian si Fourth kundi tanggalin ang suit na ginawa n'yang banig para rito. Iyon ang ginamit n'ya kumot sa katawan nito. Marahan n'ya rin tinanggal ang suot nitong bra at unde
Umupo rin siya sa punong-kahoy at palihim na sumulyap sa mukha ni Caramel. Seryoso itong pinagmamasdan ang kinaroroonan ng mag-asawa. Hindi n'ya namang maiwasan na mapatitig sa maamong mukha ni Cara. " Bakit? " tanong nito nang mapansin nito ang titig n'ya. Napailing naman siya. " Alam ba nila ang daan patungong syudad? " interesadong tanong nito sa kanya. " Masyado raw malayo ang napuntahan natin. Tsaka, hindi raw nila kabisado ang daan patungong syudad. Ang tanging daan na alam lang nila ay ang pauwi sa maliit na barangay na pinaggalingan nila. Masyadong delikado ang dinaanan natin kagabi dahil marami raw talagang rebeldeng dumadaan doon, " sagot n'ya rito. Napatango ito. " Wala bang signal rito? " Napailing siya. " Kung makakahanap man tayo ng signal, lowbat naman ang cellphone ko. " Napabuga ito ng hangin. Tahimik na nakamasid si Fourth sa tatlo niyang kasama na ganadong kumakain. Nagkamay lamang mga ito, walang kutsara o tinidor na gamit. Gutom na rin siya ngunit hind
" Sa iisang kwarto nalang kayo matulog, total noong isang gabi nàkàhubad naman kayong nagkatabi " kinikilig na wika ni Nay Salome. Napahalikhik naman ang asawa nito. Nagkatinginan naman sina Caramel at Fourth. " Basta, huwag niyo lang masyadong lakasan ang pag-arangkada baka kasi masira bahay namin, " malokong dugtong naman ni Tay Goryo sabay nagtawanan ang mag-asawa. Namula tuloy si Fourth sa kahihiyan. Walang imik naman ngumuya ng kanin si Caramel. Ang bruha, ayaw pa-akpekto kaya pinilit niyang hindi mahiya sa mga pinagsasabi ng mag-asawa. Total, may nangyare na rin naman sa kanila noon sa hotel. Dapat hindi na siya nahihiya sa ganitong usapin. Hindi s'ya pinanganak kahapon. Natigilan siya sa pagnguya at napasilip sa kamay ni Caramel na nakahanap ng tiyempo sa ilalim ng mesa. Gumapang ang kamay nito sa hita niya. Pasimple n'ya naman inalis ang kamay nito ngunit napangisi lang ang bruha. Muli nitong pinatong ang palad pabalik sa kan'yang hita. Mabilis s'yang napatayo noo
Lumapit si Caramel at inalog ito gamit ang kan'yang paa, ngunit napaungot lamang si Fourth at nagtaklob ng unan sa mukha. Sa inis niya, humanap s'ya ng paraan para gisingin ang tulog mantika n'yang amo. Lumabas s'ya ng kwarto at nagtungo sa kusina. Kinuha niya ang takip ng kaldero at kaserola. Ang laki ng ngisi n'ya noong bumalik s'ya sa kwarto. Inilapag n'ya sa sahig ang takip ng kaldero at hawak n'ya naman ang takip ng kaserola. Malakas n'yang pinagsabong iyon ilang beses. Naalipungatan naman si Fourth at tuluyan itong nagising. " Giyera! May giyera! " sigaw nito sabay takip ng dalawang kamay sa taenga nito. Hindi n'ya mapigilan ang matawa sa naging reaksiyon nito. Isang nakamamatay na tingin naman ang ipinukol sa kan'ya ni Fourth. " Hàyop ka! Animàl! " sigaw nito sabay hagis ng unan sa kan'ya. Sumakit ang tiyan n'ya kakatawa. " Ang tagal mo kasing magising. Bilisan mo bumangon ka na d'yan! May pupuntahan pa tayo! " aya n'ya rito ngunit ang itsura ni Fourth para gusto s'ya
MAAGANG naghintay si Caramel sa mismong lugar kung saan sila magkikita ni Fourth. Nagbigay ito ng specific time para klaro kung anong oras dapat sila magtatagpo. Nauna na sa probinsiya ang buong pamilya niya noon pang isang linggo. Pinanghahawakan niya talaga ang pangako ni Fourth na isusuko nito ang lahat para makasama lamang siya.Panay ang silip niya sa wristwatch n'ya. Late na ito ng 10 minutes sa oras na pinag-usapan nila. Baka na-traffic lang ito o 'di kaya nahirapan sa pagtakas sa mga tauhan ni Ling Xian. Ilang beses niya rin tinatawagan ang cellphone number nito ngunit hindi nito sinasagot ang tawag n'ya. Kinakabahan siya. Paano kung nagbago ang isip nito at napagdesisyonang hindi s'ya siputin? H'wag naman sana.Nagdaan ang isang oras at nadagdagan pa ng isang pang oras ngunit wala pa rin ito. Kahit anino ni Fourth wala. Naipikit niya ang kanyang mga mata dahil sa pagkainip at pag-ooverthink. Naghalo-halo ang nararamdaman n'ya sa ngayon. Kinakabahan na baka may nangyare masama
Isang mapanglaw na gabi ang nadatnan ni Fourth pagkauwi n'ya sa mansiyon. Walang kabuhay-buhay n'yang tinapos ang araw sa opisina tapos pag-uwi n'ya ay wala rin s'yang gana. Wala si Caramel. Nami-miss n'ya na ito. Parang hindi buo ang araw n'ya sa tuwing hindi ito nasisilayan kahit sa isang saglit. Isang daang missed call na ang ginawa niya ngunit hindi man lamang ito sumagot. Kahit ni ‘ Hi o Hello ’ ay wala s'yang natanggap na text message galing rito.“ Ano bang problemang ng bruhang 'yon! Ba't wala man lang text o tawag? Caramel, sumagot ka naman please ” pakiusap n'ya habang tinatawagan ito.Inis n'ya namang itinapon sa ibabaw ng kama ang cellphone n'ya.“ Lintik na babaeng 'yon! Kaya akong tiisin ”Naisipan n'yang umiinom ng alak sa labas. Doon s'ya pum'westo malapit sa pool. Wala man lamang siyang ma-imbeta sa paglaklak niya dahil siya lang mag-isa sa mansiyon maliban sa mga katulong at guard.May narinig s'yang bosena ng sasakyan. Akala n'ya ay si Caramel na 'yon kaya mabilis s
MAAGANG nagising si Fourth upang dalawin ang kan'yang kuya na si Uno. Salamat sa Diyos ay naka-survive ang kapatid galing sa pagkakalason. Nagkaroon ng komplikasyon ang katawan nito at kailangan pa sumailalim sa ibang medikasyon. Samantala, si Dos ay humalili muna kay Uno. Si Dos muna ang pansamantalang Presidente. " Hindi pa ba umuuwi si Caramel? " tanong niya sa nakasalubong n'yang housemaid. " Hindi pa po, Sir Fourth. Sabi n'ya po sakin kahapon baka absent muna siya ng dalawang araw dahil may aasikasuhin daw siya. Dadalo rin s'ya sa family day ni Olivia, " sagot naman ng katulong. Napatango naman siya. Sa katulong pa talaga ito nagsabi, papayagan n'ya naman ito kung sa kan'ya nagpaalam. Nakakatampo tuloy na dalawang araw itong wala sa bahay tapos hindi n'ya rin alam na dadalo pala ito sa family day ni Olivia. Sana'y inembita s'ya kahit man lang gaganap na kunwaring tatay ni Olivia. Tinawagan n'ya si Caramel pagkapasok niya sa limousine ngunit hindi ito sumasagot. Mukhang ab
Tuluyang nawala ang kaba ni Fourth noong makita niyang ligtas si Caramel. Hindi n'ya talaga alam kung anong gagawin kapag may nangyaring masama rito. Napansin niya ang lalaking sumilip sa kanila ni Caramel. Kilala niya ito. Si Sink. Kaagad namang nag-iba ang templa n'ya. Humiwalay siya kay Caramel. " Bakit kasama mo ang damulag na 'yan? " turo niya kay Sink. Ang alam niya kasi ay baliw na baliw si Caramel kay Sink. Bukambibig ni Caramel si Sink noon at todo ang kilig nito kapag tinutukso ni Garnet ang kaibigan sa matipuno at g'wapong katrabaho. " Bahay n'ya 'to. Siya ang tumulong sakin na makatakas sa mga pekeng pulis na gusto akong tudasin, " paliwanag naman ni Cara. Napanguso naman s'ya. " Kaya pala dito ka dumiretso at walang balak na magpahatid sa mansiyon dahil narito ang crush mo, " may halong selos na aniya. Bigla na lang talagang kumulo ang dugo niya dahil sa selos. " Ano ka ba. Gusto ko naman talagang umuwi ngunit delikado na, ” paliwanag nito. “ Tsk. Ang sabihi
" Doon tayo! " wika ni Sink sabay hila sa kanya. Walang alinlangan s'yang sumunod rito. Muli s'ya nitong hinila pababa noong may humarang na kalaban sa may unahan at walang habas silang pinagbabaril. Muli silang nagtago sa malaking puno. Kaagad namang inabot sa kanya ni Sink ang bitbit nitong baril. Malugod niya iyong tinanggap at ikinasa. " Anong ginagawa mo rito, Sink? Paano mo nalaman na naririto ako? " tanong niya sa dating comrade sa SIA. Magkasabay silang lumabas sa pinagtataguan at sila naman ang nagpaulan ng bala. Magkasabay rin silang muling nagtago at nagsalin ng panibadong magazine. “ Napansin kita sa checkpoint kanina at dinala ka ng mga pulis kaya palihim akong sumunod, ” sagot naman nito at muling nagpaputok ng baril. " Kailangan nating makaalis rito dahil naiipit tayo sa labanan ng dalawang grupo! " dugtong pa ni Sink. Napatango naman siya at magkasabay silang lumabas sa lungga. Walang habas nilang pinagbabaril ang mga kalaban. Pagkatapos ay mabilis silang tu
Fourth couldn’t believe that it was Caramel who had prepared the coffee to poison them all. Every cup handed to them by Uno's assistant had been laced with poison. Fortunately, the President drank first, sparing the others from harm. He couldn’t help but shake his head. He knew Caramel would never do something like that. ***** Habang nasa biyahe ang police mobile na sinasakyan ni Caramel, pinakiramdaman niya ang mga kasamang pulis. Pansin niya kasing lumihis at hindi patungong presinto ang kanilang ruta. Hindi na bago ang ganoong set-up kaya ramdam niyang may binabalak ang mga ito sa kanya. " A-Akala ko ba sa presinto tayo pupunta?" Kunwareng natatakot na ika n'ya sa mga ito. Napangiti sa kanya ang lalaking katabi na naka-uniforme pampulis at naka-imprenta ang pangalang Galencio P. Galenciaga sa pen name nito. " Makakarating rin tayo sa presinto. Relax ka lang, " ani nito sabay posas ng kan'yang mga kamay. " Bakit kailangan pa akong posasan? Akala ko interrogation lang? ”
Pagkarating nila sa building, akmang lalabas na sana ng limousine si Caramel ngunit kaagad siyang hinila ni Fourth. Binigyan s'ya nito ng isang matamis na halik sa labi. Pagkatapos, s'ya naman ang humalik kay Fourth. " Huwag kang magpapahalik kay Van, " paalala nito na may kaseryosohan ang boses. Hindi niya mapigilang hindi mapangiti. Napatango siya bago naunang lumabas ng limousine. Bakas naman ang saya sa mukha ni Fourth noong pumasok siya sa kan'yang opisina. Ang gaan ng pakiramdam n'ya dahil nakadilig na naman s'ya. Nawala ang kan'yang ngiti noong mabilis n'yang napansin si Feng. Muntik n'ya nang makalimutan na dito pala ito nagta-trabaho. " Nakita ko kayong naghalikan kanina, " panimula ni Feng na s'yang ikinatahimik n'ya. Grabe naman ang mata nito, ang bilis makakita. " Mukhang hindi na yata mapipigilan ang nararamdaman ninyo sa isa't isa, " dagdag pa nito. Walang imik siyang nagtungo sa kanyang mesa. Komportable s'yang na upo sa kan'yang puwesto at pinakialaman ang m
Tahimik silang bumiyahe pabalik ng mansiyon. Panay ligaw-tingin ang ginagawa ni Caramel para i-check kung ayos lang ba si Fourth. Ang tahimik ni Fourth. Hindi s'ya sanay na ganito ito. Buong araw siyang naghintay na tawagan siya nito sa telepono kung magpapatimpla ba ito ng kape o may iuutos ba ito ngunit hindi talaga ito tumawag sa kan'ya kahit isang beses. Siguro galit pa rin ito dahil sa nakita nito kanina. Napatingin siya sa kamay nitong nakalapag sa naka-krus nitong mga hita. Akmang hahawakan niya ang kamay nito ngunit kaagad nitong iniwas ang iyon sabay humalukipkip. Galit nga ito sa kanya. “ Nagseselos ka pa rin ba? " tanong n'ya. Napaismid lamang ito. " Yung tungkol sa kiss... hindi ko akalain na gagawin 'yon ni Van, " paliwanag niya. Nanatili pa rin itong walang imik. Ayaw n'yang maging ganito sila hanggang sa magising sila bukas ng umaga. " Fourth, wala ka bang balak na kausapin ako?" Wala pa rin. Ayaw pa rin s'ya nitong kausapin. “ Fourth. I am sorry. Dapat hind
Kinaumagahan, ang sama ng umaga ni Fourth. Ang sakit kasi ng buo niyang katawan sa ginawa nila ni Caramel. Hindi niya makakalimutan ang ginawa nito. “ Hayop talaga ang babaeng 'yon! ” nanggagalaiting saad n'ya. Ang wild masyado. Sa sobrang wild nito parang turong gusto s'yang tudasin! " Good morning! " masiglang bati ni Caramel sa kanya pagkalabas niya ng kwarto. Pareho na silang nakabihis at handa nang pumasok sa opisina. " Morning lang. Walang good, " nakaismid na tugon niya at tinarayan ito. " May problema ba? " pa-inosenteng tanong nito. Masamang tingin ang ipinukol niya rito. " Alam mo ba kung ano ang ginawa mo sakin kagabi? " Umuusok na sa inis ang kan'yang ilong. Saglit na napahalakhak si Caramel at kaagad rin binawa ang tawa. " Wala akong maalala. Ano bang nangyare? " tanong nito na may kaseryosohan ang boses. Napadaing naman si Cara noong pitikin niya ang noo nito. " Hayop ka! Bakit hindi mo sinabi sakin na mukha ka palang wild beast kapag nalalasing? "